WICKED LOVE 16
"Ano naman ang trabaho ng parents mo, hijo?"
Kasalukuyang nasa mansyon nila Hazel si Tyron at napilit naman niya ang dalaga na siya na lamang ang maghahatid sa kaniya since roon din naman ang kanilang pupuntahan. Hindi pa rin makapaniwala si Hazel na kaharap ni Tyron ang magulang nito.
Hindi man lang takot si Tyron sa kaniyang ama and they just get along. They're fond of crimes and sports kaya mabilis silang nagkasundo.
"Hindi naman po sa pagyayabang pero marami po silang pinapalagong kompanya, Sir." magalang at mariin na sagot ni Tyron. "At isa pa po, hindi na rin naman ako umuuwi sa bahay namin since hindi kami magkasundo ng tatay ko."
Tahimik lang si Hazel habang sumusubo ng kaniyang pagkain at hindi naman niya aakalain na magku-kwento si Tyron patungkol sa buhay niya. Only she just realize that Tyron is a good man but he's scary and lethal because of his rebellion.
"Oh, a rebel," rinig na saad ng kaniyang ama. "No wonder, you get along with my daughter, both of you are rebels." The congressman chuckled.
Natawa rin si Tyron sa biro ng ama ni Hazel. "Pero kahit naman gaano po ako ka-rebelde sa magulang ko, marunong po akong tumayo sa sarili kong paa. Mabuti nga po at hindi nila kinuha ang sasakyan na pinaghirapan kong bilhin noon."
Tanging paglunok na lamang ang ginagawa ni Hazel at hindi inalintana kung masamid siya dahil katabi lang naman niya ang tubigan.
"That's good, hijo. May future ka, sinasabi ko sa iyo. Magiging mabuti kang abogado." puri ni Congressman Lafee sa kaniya.
Sumalungat naman ang Ina ni Hazel at sumang-ayon rin sa pagpuri ng asawa sa binata. "Sus! Ikaw pa ba, hijo? I knew you can achieve all your goals in life... and someone will stay by your side. That's secured, though." humagikgik pa ang Ginang at tinukso ang kaniyang anak na kanina pa tahimik at nakikinig lamang.
Sinamaan lang ni Hazel ang kaniyang Ina ng tingin. "Mom," suway nito. "Stop teasing me. It won't gonna happen." madiin na usal niya.
Imbes na sagutin ng Ginang ang kaniyang anak, minabuti na lamang na ipakilala niya ang sariling anak sa binata.
"Alam mo itong si Hazel, hindi naman siya maarte. Gustong-gusto nga niya ng takoyaki dahil paborito niya 'yon pero mula noong lumipat siya sa dorm ng University niyo, mukhang hindi na siya madalas kumain niyon." paliwanag ng Ginang.
"Mom, matagal na akong hindi kumakain niyon," angil naman ni Hazel.
"May alam po akong bilihan ng takoyaki malapit sa University pero susubukan ko pong bumili para kay shorty..." sabi ni Tyron at bumaling ang kaniyang tingin kay Hazel sabay kindat.
"Shorty?" magkasabay na tanong ng Ginang at ang kaniyang asawa.
"Uh, 'yon po ang tawag ko sa kaniya since mas matangkad po ako kay Grasya, " agap ni Tyron.
Kombinsido naman ang mga ito pero sumingit pa rin si Hazel.
"Matangkad rin naman ako, mas matangkad lang siya ng kaonti sa akin pero hindi naman ako maliit." napairap pa siya bago isubo ang pagkain niya.
Natawa si Tyron. "Para sa akin, maliit ka pa rin. Kaonting agwat lang naman ang tangkad natin kaya pantay lang ang noo mo sa baba ko." banat ni Tyron.
Kumunot ang noo ni Hazel dahil sa ipinapahiwatig ni Tyron sa kaniya. Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin at tila isang kabayo ang kaniyang puso dahil sa mabilis na pagtibok nito.
"A-Ano ba ang sinasabi mo? Umayos ka nga!" naiinis na singhal ni Hazel.
"Baby girl, tone down your voice, we're in front of the food." sita ng kaniyang ama.
"Dad, I'm not a baby anymore." simangot niya.
"Sir, if you don't mind..." Tyron trailed off. Nakangisi lang siya. "Puwede ko naman siyang maging baby, e"
Namula lalo ang pisngi ni Hazel mula sa sinabi ni Tyron. Inulan silang dalawa ng pagtutudyo ng magulang ng dalaga. Hindi 'yon inaasahan ni Hazel ngunit mas lalong hindi rin 'yon inaasahan ni Tyron na lumabas sa kaniyang bibig.
"May gusto ka ba sa baby girl ko, Mr. Lanchester?" kapagkuwan ay seryosong tanong ng ama ni Hazel.
Tyron chuckled and just shrurgged his shoulders. "Hindi ko po alam, Tito..." sagot niya.
Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Basta ang alam ko sigurado na ako para sa future namin." muling dugtong niya.
"Oh my God!" tili ni Ginang Serilla. "Gusto ko 'yan! Gusto ko ang banat mo, hijo!" dugtong pa niya na halos magwala na sa sobrang katuwaan.
Higit na mas lalong namula si Hazel at pinandilatan ng mata si Tyron na tumatawa lang at sumasabay sa kalokohan ng kaniyang Ina.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Itigil mo nga 'yan!" Hazel hissed, annoyingly.
Tyron shot up his brows, still laughing. "You're blushing, shorty... kinikilig ka ba?"
Kumunot ang noo ni Hazel at nilingon ang kaniyang magulang. "I told you, mom... this is not a good idea." inis na usal niya.
Muli rin niyang binalingan si Tyron. "Ikaw naman, huwag mo akong paglaruan. At saka, umuwi ka na nga, inaagaw mo pa atensyon ng parents ko!" umirap siya rito.
"Hayaan mo na, baby girl. Minsan ka lang naman magkaroon ng kaibigan-"
"He's not even my friend, Dad. And he's my annoying enemy. Hindi ako magkakaroon ng kaibigan na puro batas ang ginagamit niya laban sa akin." pagpuputol ni Hazel sa sinasabi ng kaniyang ama.
Napakamot na lang sa ulo si Congressman Lafee sa tinuran ng kaniyang anak na dalaga at lihim rin na napatawa ang asawa nito.
"Oh, enough. My baby girl is mad. I don't want her to get mad." Congressman Lafee chortled.
Nagpatuloy ang kanilang dinner at natapos rin ang asaran nila hanggang sa matapos silang lahat at nagtungo naman sila sa living room ng mansyon nila Hazel.
Ipinakita pa ni Ginang Serilla ang mga litrato ng kaniyang anak at kinuhanan pa ni Tyron ng litrato ang bawat litratong magustuhan niya.
She's cute- no. She's beautiful even when her younger years. Tyron thought in mind as he took a photo of a little Hazel and make it as his wallpaper.
"Pretty, shorty..." Tyron mumbled.
"Syempre, mana sa akin." humagikgik si Ginang Serilla.
Matapos ang mahabang kuwentuhan, tumayo na si Tyron para magpaalam. "Tito... Tita, mauuna na po ako. Salamat po sa pag-imbita at sa kuwentuhan. Ikinagagalak ko po kayong makilala at ikinagagalak ko rin na kilalanin ng lubos ang anak niyo." paalam nito habang may ngiti sa labi.
Tyron felt something inside his heart. He was welcomed by Hazel's parents with pure intention and he felt complete with that thought. Hindi kasi ganito ang trato ng kaniyang Ama at hindi sila magkasundo pero ayos lang naman sila ng kaniyang Ina.
"Ipapatawag ko lang si Hazel para maihatid ka niya." utas ng Ginang.
Umiling si Tyron. "No need, Tita. I guess, she's sleeping already." giit ni Tyron.
"No, we insist. Kaibigan ka niya at dapat ka lang niyang ihatid kahit hanggang sa pinto man lang ng mansyon."
Nagkibit-balikat si Tyron at hinayaan na lamang ang gusto ng Ginang. Ipinatawag nila sa maid si Hazel at bumaba rin naman ito habang hawak ang kaniyang selpon at nakapagbihis na ng pantulog na damit.
"Hija, ihatid mo na si Tyron sa labas. Mauuna na kami ng Dad mo sa itaas." utos ng Ginang.
"Kaya naman niyang umuwi, nariyan lang naman ang sasakyan niya." angil ni Hazel at sumimangot.
"Papanhik na kami, hija," paalam ng Ginoo sa kaniyang anak. "Hijo, take care sa pagmamaneho." paalala nito.
Umakyat na ang parents ni Hazel. Nakasimangot lang siyang nakatingin kay Tyron.
"Hindi ka pa ba aalis?"
"Aalis na, shorty." sagot nito.
Naglakad sila palabas sa pinto at muli siyang nilingon ni Tyron bago ngitian.
"Thanks, shorty..." he mumbled. "Nakaramdam ako ng isang pagmamahal mula sa magulang mo," dugtong nito at bakas ang sakit sa kaniyang tinig.
Hazel felt guilty. "Huwag kang mag-alala, minahal ka na ng magulang ko."
"And thank you despite of teasing you earlier. Masaya akong makilala ka." saad pa nito.
Sa ibang direksyon napatingin si Hazel bago tumikhim. "Oo, sige na. Umuwi ka na, maaga pa ako bukas."
Tyron chuckled. "I'm going home, shorty."
Kinapa ni Tyron ang kaniyang bulsa bago pa siya maglakad patungo sa kaniyang sasakyan. Napagtanto niyang wala ang kaniyang selpon sa kaniyang bulsa kaya muli siyang lumingon kay Hazel.
Bumalik siya sa kinaroroonan ng dalaga. "I left my phone in your living room." sabi niya agad.
Napairap si Hazel. "Ako na ang kukuha."
Pumasok si Hazel sa loob at nagtungo sa living room. Agad naman niyang natagpuan ang selpon ni Tyron. Hinawakan niya 'yon at sa hindi sinasadyang pagkakataon, bumukas ang selpon nito at nakita ang kaniyang mukha bilang wallpaper ng binata.
Kumunot ang kaniyang noo pero labis na bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili.
I'm his wallpaper... why? She thought in mind.
Madali siyang lumabas at iniharap kay Tyron ang selpon. "Bakit ako ang wallpaper mo?" kunot-noong tanong nito.
Tyron bit his lower lip, suppressing his sly smile.
"Para wala ng umangkin sa akin na iba... ikaw lang ang aangkin sa akin." he blurted out.
"Sa sobrang ganda mo, hiniling ko kay Lord na babakuran na lang kita para hindi ka na mawala pa sa paningin ko." dugtong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro