Wicked Love 15
"WHO'S that guy, huh, Hazel?" birong tanong ng tatay niya.
Napakagat labi si Hazel. "K-Kaibigan ko po, Dad."
"I want to meet your guy friend," sabi ng ama niya. "Baka mamaya, gusto ka na niyang tangayin palayo sa amin ng Mom mo."
"Dad! He's just... a friend," she was hesitant to call him a friend when in fact, she has something to do with her heart whenever she sees him.
Natawa ang kaniyang Ina na nasa tabi lang ng kaniyang ama. "Sus! Akala mo siguro hindi namin siya nakita kagabi, e. Nakita namin siyang nakangiti. Aminin, ang guwapo niya anak."
"Mom... stop it," she hissed, annoyed. "Guwapo nga siya, gago naman." giit niya.
"Ay nako! Kung siguro sa ibang babae 'yon ngumiti, magwawala pa siguro. Kasi kahit saang anggulo, likod man o harap, ramdam mo na ang karisma niyon, e." Her mother said while giggling.
"Hon, I'm just here," singit ni Congressman Lafee.
Natawa na lang si Hazel sa kakulitan ng parents niya. Naninibago pa rin siya hanggang ngayon pero mas nanibago siya nang sinabi ng ama niya na dalhin niya si Tyron sa bahay nila.
What the fuck just happened to my parents? Oh, Lord! Usal niya sa kaniyang isipan.
"I want to meet him too, baby girl," ani ng kaniyang Ina.
She gasped. She wasn't even prepared for this. Meeting the parents na ba ito... muli niyang sambit sa kaniyang utak.
"Busy 'yon kasi marami siyang ginagawa. Siya ang Governor ng College namin." rason nito para hindi na siya kulitin ng magulang.
"Hmm, then I will be the one inviting him, though. Pupunta ako sa University niyo para kilalanin siya." Nagkibit-balikat ang kaniyang Ina habang sinasabi ito.
Umawang na lamang ang kaniyang labi.
"I'm done here," she rolled her eyes and stood up. "I'll get going now. I'm late." Tumayo na siya at umikot sa upuan ng parents niya para halikan ang mga ito.
Nagulat siya ng tumayo ang kaniyang Ina na siyang ipinagtataka niya.
"Sasama ako. Ihahatid kita." Her mom giggled. "Ihahatid ko lang siya, hon," paalam nito sa asawa.
"Alright. Just take care, hon." sabi ng kaniyang ama at hinalikan ang kaniyang Ina. "Don't forget na isama ang kaibigan ni Hazel mamayang gabi." kumindat pa ito.
Umalis na si Hazel at ang kaniyang Ina at tinungo ang University. Nagkwentuhan pa silang dalawa sa sasakyan at inaasar pa ito ng kaniyang Ina hanggang sa makarating sila sa harap ng University.
"Oh, I know, baby. He won't regret meeting us!" tuwang-tuwa na sabi ng Ina.
"Mom, stop giggling. Stop it! He's a busy man and he's not my type. He doesn't even set my standard." angil niya sa kaniyang Ina.
Sinimangutan siya nito. "He's handsome and I can sense that he came from a decent family," her mother guess.
Umingos naman siya, hindi sang-ayon sa sinabi ng Ina. "Kung alam mo lang, Mommy. He's not a type of guy that you think."
Tinawanan lang siya ng kaniyang Ina at sabay na silang pumasok sa loob ng University. Bawat madaanan nilang estudyante ay napapalingon sa kaniya. Masama rin ang tingin ng mga ito pero naglakad lamang siya ng nakataas ang noo.
Narating nila ang College of Law building at sakto naman na palabas si Tyron sa office ng student body. Napalunok si Hazel nang magtagpo ang mga mata nila at napakamot na lang sa kaniyang batok nang lapitan ng kaniyang Ina ang binata.
"Uh, hijo," tawag atensyon ng Ina ni Hazel sa binata.
Tyron was confused. Pabalik-balik ang tingin niya kay Hazel, naghahanap ng kasagutan. Imbes na sumimangot at ma-inis, nginitian niya ang ginang.
"Hello, Ma'am. What can I do for you?" he asked , politely.
"Oh, I'm Hazel's mother by the way, Serilla. Just call me, Tita ." doble meaning na sabi nito.
Siniko naman agad ni Hazel ang kaniyang Ina sabay bulong. "Mom, nakakahiya ka..." bulong niya.
"I mean, what's your name, hijo?"
Naguguluhan si Tyron at pinandilatan si Hazel bago ibalik ang tingin sa Ginang.
"Tyron po, Ma'am..." sagot nito.
"Magtatampo ako kung hindi mo ako tinawag na Tita, sige ka." lumabi ang Ina ni Hazel, demanding pa.
Sinenyasan ni Hazel si Tyron na sumakay na lang sa trip nito. Lihim na napangiti si Tyron at tinaasan ng kilay ang dalaga.
"Tita it is," he chuckled. "What can I do for you po?" malamyos na tanong ni Tyron.
Hazel interrupted. "Uh, Gov... wala 'yon. Aalis na rin ang Mom ko," pigil hiningang sagot niya kay Tyron.
"Ha? Kararating pa lang niya bakit parang minamadali mo namang umalis si Tita?" taas-kilay na tanong ni Tyron sa dalaga.
Wow! Lakas maka-tita. Conceited 'yan? Usal ni Hazel sa kabilang bahagi ng kaniyang isipan.
"Conceited 'yan?" sarkastikong giit ni Hazel. "Aalis na ang mommy ko, bakit mo ba pinipigilan? Mommy mo? Nanay mo?" hamon niya.
Tyron chuckled before he playfully smirked at her. "Kung puwede ko naman siyang maging mommy... why not?" banat niya.
Rinig nilang tumawa ang Ina ni Hazel sa kanilang gilid. Tuwang-tuwa na pinapanood silang dalawa. Sabay pa silang napalingon at sinamaan lamang ng tingin ni Hazel ang kaniyang Ina na malapad ang ngiti.
"Bagay nga kayo anak," tudyo ng Ina.
Pinamulahan naman si Hazel. "Mom, stop it. Hindi ka na nakakatuwa!" she hissed.
Imbes na asarin pa ni Serilla ang kaniyang anak ay ibinaling na lamang niya ang kaniyang atensyon kay Tyron na may bahid pa rin ng pagtataka sa mukha nito.
"Tyron, hijo... iimbitahan sana kita sa family dinner namin mamaya. Kung hindi ka lang naman busy." walang preno na usal ng Ina ni Hazel.
Hazel looked at Tyron, annoyed and mad.
"Mukhang ayaw naman ng dalaga niyo, Tita..." mariin na usal ni Tyron sa Ginang. "Hindi naman po ako busy at gusto ko rin naman po kayo sanang makilala." dugtong ni Tyron habang nakatitig kay Hazel na may pang-asar na ngisi sa labi.
Pumalakpak ang Ina ni Hazel na tila wagi sa pag-imbita sa binata.
"Naku! Hayaan mo nga itong anak ko at mukhang hindi nakaka-appreciate ng katulad mong magalang at mabait."
Talagang kumampi pa sa mokong... singhal ni Hazel sa kaniyang sarili.
"Siya na ang anak mo, Mom?" bakas ang inis sa tono nito.
"Huwag kang magselos anak. Syempre, malay natin maging anak ko rin siya in the near future." Kibit-balikat na sagot ng kaniyang Ina.
Napailing na lamang si Tyron sa kakulitan ng Ina ni Hazel. Nilingon niyang muli ang dalaga ngunit ganoon pa rin ang expression ng mukha nito.
"Sabay na lang kami ng future ko papunta sa inyo, Tita..." mapaglarong saad ni Tyron. "I mean, isasabay ko na lang itong binibini niyo pauwi sa bahay niyo." Bawi niya sa sinabi niya.
"Isabay mo mag-isa ang sarili mo!" singhal ni Hazel. "Huwag ka ngang mag-assume riyan patungkol sa future na sinasabi mo. Hindi kita magiging future."
Tyron just smirked. "Tita, kung hihingi po ba ako ng permiso sa inyo na maging future itong anak niyo, papayag ka?" mapaglarong tanong ni Tyron sa Ginang.
"Oo naman! Syempre, sa iyo lang ang boto ko. Siguradong secured na ang future ng anak ko sa iyo, abogado na mabait pa." The lady praised him.
"Paano ba 'yan... wala kang kawala sa future mo," Tyron teased her and smile. "Ikaw pala future ko, bakit hindi natin subukan?"
Humalukipkip si Hazel. Alam niyang iba na ang ibig sabihin ni Tyron. At alam rin niyang pinaglalaruan niya lang rin ito at sinasabayan ang kaniyang Ina para magpa-impress.
"Huwag mo akong hamunin sa harap ng Mommy ko, Lanchester..." she said, playfully. "Don't play games with me because I am a better player."
"I bet you are," ani Tyron, tila sumasang-ayon. "Just play with me but don't ever get to break my heart, shorty..." dugtong niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Hazel.
Tinapunan ni Tyron ang Ginang na masuyong nakangiti.
"I'll make it to your family dinner, Tita. Isasabay ko itong si shorty... safe siya sa akin, huwag kayong mag-alala."
"What? Huwag mo nga akong gaguhin!" inis na sigaw ni Hazel.
Tyron held Hazel's wrist and pulled her closer to him. "Huwag ka ng umangal, shorty..." bulong nito sa tainga ng dalaga. "... ihahatid kita baka kung saan ka pa mapunta." He muttered, possessively.
"It settled then. Mauna na ako sa inyong dalawa at may lakad pa ako," paalam ng Ginang.
Naiwan ang dalawa. Hindi pa rin binibitawan ni Tyron ang palapulsuhan ng dalaga. Nagpipigil lamang rin siya ng ngiti dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.
"Bakit mo ba sinabi 'yon? Hindi ka na sana sumabay sa trip ng nanay ko." Singhal ni Hazel sa kaniya, bakas pa rin ang pamumula ng pisngi nito.
Namulsa si Tyron.
"I don't want to disappoint your parents, shorty..." he softly rebutted. "Gusto ko silang makilala... at gusto rin kitang makilala pa." He smiled.
Sumimangot si Hazel.
"Gusto kong makilala pa ang babaeng magiging kabiyak ko sa hinaharap."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro