Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wicked Love 12

DATE.

KATATAPOS lamang ng buong tournament ngayong araw at halos pagod lahat kami pero nakakagimbal ang biglaang announcement ng University President namin. Nasa list of activities naman talaga ang acquaintance party pero hindi namin aakalain na pati pala ibang University ay kasali.

Basically, we're all here in the HSC office together with the student leader of the different department to talk about the theme and we'll start doing it by 7pm. Kailangan pa naming bumili ng materyales na gagamitin para sa design pero nagtatalo naman ang lahat sa theme.

Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon, nakakairita na rin kasi dahil para silang langaw na nag-uunahan sa pagdapo sa pagkain.

"Make it a aesthetic theme," malamig kong suhestiyon na nakapagpatahimik sa kanila. "Gray and black is a perfect combination to the theme."

Inilibot ko ang aking tingin at napansin kong tumayo si Hazel habang diretso ang tingin sa akin. Siguradong debate na naman ito dahilan para matagalan kami.

"Gold and black, magandang kombinasyon rin." suhestiyon niya.

I licked my lower lip while looking at her. Tinaasan lamang niya ako ng kilay bago niya ako irapan.

Napatingin ako kay Ramses na pangiti-ngiti lang. Tila nag-eenjoy na panoorin kami ni Hazel. Sumeryoso na lamang ang aking ekspresyon.

"President, do you have any suggestion?" I asked him coldly.

Ramses smirked at me and shrugged his shoulder, leaving me stare at him dangerously.

"You're the HSC President and you have to suggest, right? Ikaw dapat ang nangunguna para dito." malamig kong insulto sa kaniya.

Sumang-ayon naman ang mga ibang student leader dahilan para matawa lang si Ramses. Hindi man lang magseryoso ang gago.

"Alright, para hindi tayo matagalan, mas prefer ko rin ang gray and black na theme. Ibabagay natin siya sa bawat suot ng mga students." saad ni Ramses. Buti may utak pa ang lalaking 'to.

Mula sa gilid ng aking mga mata, napansin kong humukipkip si Hazel at padabog na naupo sa kaniyang swiveling chair.

"So, bibili na tayo ng materials na gagamitin and we'll start decorating the whole field today..." Ramses said with finality.

Tumango-tango naman ang mga ibang student leader. Alam kong pagod rin sila pero mas pagod ako.

Inutusan ni Ramses si Hazel na isulat ang lahat ng kakailanganin and I just watch her write some details when Ramses speak up again.

"Maiiwan ang iba rito para simulan na ang pag-aayos sa buong field. Sapat naman na siguro ang mga upuan at lamesa na mayroon ang UNP kaya walang magiging problema. And about sa pagkain, don't worry dahil buffet na rin 'yon at tatawagan ko na lang ang contact ko tungkol doon." mahabang paliwanag niya.

Sumulyap siya sa akin. "Samahan mo si Ms. Cereneo na bumili ng ibang kakailanganin sa Divisoria. Mas makakatipid tayo kung doon tayo bibili-" naputol ang sasabihin niya nang malakas na sumigaw si Hazel.

"Siya?! Pres, utang na loob iba na lang ang ipasama mo sa akin!" reklamo niya at tinapunan ako ng masamang tingin.

Napakamot sa ulo si Ramses at napasinghap naman ang mga kasamahan namin.

"Hazel, mas okay kung si Tyron ang kasama mo," sabi ng Vice-President ng HSC. "Tutal may gagawin rin kaming iba."

Nagtaas ng kilay si Hazel. "Mas lalo lang kaming matatagalan kapag kami ang magkasamang dalawa," giit niya.

"We'll take longer if you act like that, shorty." Tyron muttered, coldly. "Sumama ka na lang kung ayaw mong buhatin pa kita palabas para matigil ang pag-iinarte mo." naiinis na dugtong niya.

Hazel rolled her eyes at him and stood up from her seat.

"Fine. I'll go, Mr. Lanchester." she answered, glaring at him.

Tumayo naman si Ramses at pumalakpak. "Okay, it's settled then!" nakangiting sabi niya. "So, simulan na natin guys para maaga tayong matapos." dugtong niya.

Kumilos na ang lahat ngunit si Hazel at Tyron ay naiwan pa sa loob ng opisina. Halos mapugto ang paghinga ni Hazel nang magtama ang paningin nila ni Tyron.

"What?" Tyron snapped. "Walk, shorty." he added, nonchalantly.

Hazel raised a brow before she turned her back on him. "Shorty your ass!" she hissed and just walked out of the office.

Tyron beeped his Ferrari and went inside the driver seat. Sumenyas siya kay Hazel na sumakay pero hindi siya pinansin ng dalaga.

"Sakay," Tyron said, irritation filled his voice.

Tinapunan lang siya ni Hazel ng masamang tingin. "Hindi ako sasakay sa iyo!" she shouted.

Napahigpit ang hawak ni Tyron sa steering wheel at binusinahan ang dalaga na siyang ikinagulat nito.

"Ano ba?!" sigaw niya.

"Sakay!" malamig ang tono ni Tyron, halatang naiinis na rin sa pag-iinarte ng dalaga sa kaniya.

"Hindi nga ako sasakay!"

Tyron clenched his jaw. He swallowed hard, shook his head because of frustration. Itinabi niya ang kaniyang kotse bago siya bumaba.

"Bitiwan mo nga ako! Ano ba?" sigaw ni Hazel at sinuntok ang likod ni Tyron,

"Ang tigas kasi ng ulo mo!" asik ni Tyron.

"Mas matigas ang ulo mo!" ganti ni Hazel.

Nagpumiglas si Hazel at sinuntok ng paulit-ulit ang likod ng binata pero ininda lamang 'yon ni Tyron hanggang sa marating nila ang kaniyang kotse.

Pabalibag itong inupo ng binata sa passenger seat at agad rin na isinara at ini-lock ang pinto bago umikot patungo sa driver seat.

"Ano ba? Problema mo, ha?" inis na singhal ni Hazel.

"Ikaw," walang gatol na sagot ni Tyron. "May reklamo ka?" taas kilay na tanong pa nito.

Napairap na lamang si Hazel sa tinuran ng lalaki sa kaniya. Padabog rin siyang sumandal sa kaniyang inuupuan at humalukipkip.

"Bwesit talaga. Kung kailan iniiwasan, siya naman itong lumalapit..." mahinang bulong nito.

Iritado ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nakarinig siya ng pagtikhim mula sa gilid kaya napalingon siya rito at halos mabuwal siya sa kaniyang kinauupuan dahil hindi niya inaasahan na magkalapit na ang mukha nilang dalawa.

"What? Your seatbelt, shorty." Tyron said, looking away.

Tanging irap na lamang ang iginawad ni Hazel at hinila ang seatbelt. "I can put my seatbelt on," inis na turan niya.

Ramdam niyang hindi pa lumalayo ang mukha ng binata kaya naman itinulak niya ang dibdib nito gamit ang kaniyang palad na hindi ito nililingon.

Damn, his hard chest, ani ni Hazel sa kaniyang isipan.

Pilit niyang ikinakabit ang seatbelt ngunit hindi niya 'yon maikabit kaya nagulat na lang ulit siya nang agawin 'yon ni Tyron at lumapit pa ito sa kaniya na halos maamoy na niya ang mabangong hininga ng binata.

"Ako na..." ani Tyron.

Sinigurado ni Tyron na maayos ang pagkakakabit ng seatbelt nito bago niya ulit buhayin ang makina ng sasakyan niya.

Habang binabaybay ang daan patungo sa Divisoria, sumagi sa isipan ni Tyron ang tungkol sa date para sa acquaintance party bukas.

"Do you have a guy for tomorrow?" he asked.

Nilingon ni Hazel ang binata. Kita nito ang pagiging seryoso ng mukha ni Tyron. "Bakit mo tinatanong?"

"Does it matter?" he snorted. "Do you have a guy for tomorrow's event?" ulit niya.

"Wala. At wala akong plano para dumalo." Tiim bagang na sagot nito.

Tyron clears his throat. "Why not? You're a student leader, why don't you participate?"

"No one asks me..." she said, seriously. "And I don't have a date like what the fuck, no one dares to even ask me." She added.

Tyron's tongue poked the side of his cheek. "If by chance, someone dare to ask you, would you come?"

Nag-iwas ng tingin si Hazel nang nilingon siya ng katabi.

"Baka sarili mo lang ang tinutukoy mo sa 'someone' na sinasabi mo," anito habang nakahalukipkip.

"Papayag ka ba?" seryoso na balik tanong nito.

Hazel shook her head. "Kung ako ang tatanungin, bakit ako papayag? Ni ayaw ko ngang mapalapit o maging close sa iyo..." angil niya.

Napahigpit ang pagkakahawak ni Tyron sa manobela. Kitang-kita ang ugat ng mga kamay nito dahil na rin sa pagkakakuyom ng kaniyang mga daliri. Hazel glances at him secretly, her eyes widened as she saw his jaw, clenching.

"Never mind," tanging sagot na lamang ni Tyron at hindi na muling nagsalita.

HINDI naman nawala sa isip ni Hazel ang tanong ni Tyron sa kaniya hanggang sa makarating sila sa mall. Nanatili lang na nakasunod ang binata sa kaniya habang papasok sa loob at naghahanap ng stall.

Gusto ba niya akong ka-date bukas? Kwestyun ni Hazel sa kaniyang utak.

Bumuntong hininga na lamang siya at pumasok sa isang store ng school supplies. Naghanap siya sa gagamitin nilang pang-dekorasyon. Tulak-tulak ni Tyron ang cart kaya naging magaan para sa kaniya ang pumili ng gagamitin.

Bawat kuhanin niyang pang-dekorasyon ay itinatanong naman niya kay Tyron kung aprobado ba o hindi ang kakailanganin pero mukhang wala ito sa mood dahil tanging tango lang ang iginagawad nito.

"Ano ang pambabayad natin rito?" kapagkuwan ay tanong ni Tyron.

Kummunot naman ang noo ni Hazel. "Hindi ba't kinuha mo ang pambayad na ibinigay ni Kuya Ramses?"

Umangat ang sulok ng labi ni Tyron. "Hindi ko nakuha, e. May extra pera ka riyan? I can't pay, I left my wallet in the office." Palusot niya kahit nasa bulsa naman ng pants niya ang kaniyang wallet.

Nakapagat labi si Hazel dahil sa inis. "Fine. I'll pay."

"Papalitan ko mamaya."

Nang matapos silang bumili ay nagpasya silang kumain muna sa isang stall ng siomai. Naupo si Tyron at inutusan si Hazel na umorder. Hindi na rin nakipagbangayan pa ang dalaga dahil halos pagod na rin naman siya.

"Ito na ang pagkain mo, mahal na hari," sarkastikong saad ni Hazel habang inilalapag ang pagkain nilang dalawa sa lamesa.

"Thanks."

Naunang natapos kumain si Tyron kaya tumayo siya mula sa kaniyang pagkaka-upo na agad naman sinundan ng tingin ni Hazel.

"I'll just go to the restroom." Paalam niya. "Wait for me here. I'll get back to you."

Tumango na lang si Hazel at umiwas ng tingin. Muling pinagmasdan ni Hazel ang pagkain niya at nilantakan na lang 'yon hanggang sa sumagi na naman sa kaniyang isipan kung bakit tinatanong ni Tyron sa kaniya kung may date siya bukas.

"He's weird..." she let out a small sigh. "Kung kailan iniiwasan, siya naman itong lumalapit," sabi niya at isinubo ang huling piraso ng siomai.

Pero kung yayayain ka niya bilang date niya bukas, papayag ka ba? Tanong ng isang bahagi ng kaniyang isip.

"Malabo, Haze..." bulong niya sa kaniyang sarili. "Malabong yayain ka niya bilang date kaya huwag kang mag-assume." Dugtong niya.

"Who are you talking with? And what about the assume thing?"

Napaigtid siya nang may biglang magsalita mula sa kaniyang likuran. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha.

"Ha? W-Wala... wala akong sinasabi!" agap niya agad. "Bumalik na tayo sa University. Baka anong oras na tayo matapos sa pagde-design!" tanging saad niya at aligagang kinuha ang pinamili nila at naunang naglakad.

Napailing na lamang si Tyron sa ikinikilos ng kasama. Agad rin niyang sinundan ang dalaga patungo sa pinag-iwanan nila ng sasakyan habang bitbit ang isang box na may laman na bestida.

"Perfectly suits you..." he whispered in the wind as he was looking at Hazel's back, imagining the dress that fits perfectly to her. "Damn, shorty hottie..."

***

IPINASOK ni Tyron sa back seat ang dala niyang box. Napansin 'yon ni Hazel kaya nagtanong ito ng walang alinlangan.

"What's in the box?"

Tyron glances at her. "Just stuff..." he mumbled. "For the woman I will ask as my date tomorrow." He added.

"Where did you get the money? I thought hindi mo dala ang wallet mo?" nagtatakang tanong ni Hazel.

Tyron chortled a bit. "Yeah, I don't. But it's not hard to please the store manager. He charges it in my account. I'm quite famous in the store though." Pagyayabang niya.

"Ang yabang," bulong ni Hazel.

"Hindi ako nagyayabang..." giit ni Tyron. "Sadyang pinagpala lang talaga."

"Pagpalain ka sana ng Diyos," sarkastiko at pambabara ni Hazel.

From the corner of his eyes, he noticed that Hazel was biting her lower lip. Para siyang may gusto pang sabihin ngunit hindi niya lang mabigkas-bigkas.

"Oh, okay. Swerte naman ng babaeng yayayain mo." Tanging saad na lang nito nang mahanap ang salitang sasabihin niya.

Tyron smirked.

Swerte mo, ikaw ang gusto kong yayain. Ani ng kaniyang isip.

Sa wakas, nakarating rin sila sa University. Nagmadali silang ibaba ang kanilang pinamili sa gilid ng malawak na field. Hawak pa rin ni Tyron ang binili niyang dress at naupo lang sa gilid bago itabi sa kaniya ang box.

Napansin niyang abala ang lahat nang may biglang lumapit sa kinatatayuan ni Hazel. Umangat ang isang kilay nito dahil lalaki na naman ang lumapit sa dalaga. He stood up straight, walk closely to them.

"I... I just want to ask you to be my date tomorrow, Grace?" he heard the guy asked.

Kumunot ang kaniyang noo. Umigting ang kaniyang panga. Hazel was about to utter a word but Tyron interrupted.

"She's not available to be your date tomorrow," his deep and baritone voice lingers to Hazel's ears.

"Uh... she doesn't have a date tomorrow, she told me." Giit ng lalaki.

Nanlilisik ang mga mata ni Tyron na napatingin kay Hazel at nagtatanong ang mga mata naman ng dalaga.

"Ngayon, meron na." matigas na aniya.

Naguguluhan naman si Hazel dahil hindi niya alam kung ano ang trip ni Tyron. Kumunot ang kaniyang noo at nameywang.

"Wait... you're not my date, Lanchester. Sino ang may sabi na ikaw ang date ko?" nakataas kilay na tanong nito. "At puwede ba, mayroon ka ng date para bukas, ano itong kalokohan na 'to?"

Seryoso lang si Tyron. Nakatitig lamang siya kay Hazel. Nakaigting ang kaniyang panga dahil hindi niya alam kung ano ang kagaguhang ginagawa niya.

Tangina, ito ang ayaw ko, e... ani ng kaniyang isip. Can't she just get it? Kung ano ang ipinaparating ko mula pa kanina?

"Ako ang date mo, binilhan na kita ng damit." Matigas na usal niya.

"Are you serious, man? Mukhang ayaw ka naman niyang ka-date." Singit ng lalaking nag-approach kay Hazel.

Tyron raised a brow. "Mukha ba akong nagbibiro? Just date someone else but not her." Tila nagdadamot na sambit nito.

Sa hindi malamang kadahilanan, hinila siya ni Hazel sa malayo pero nakarating sila sa bandang rest room ng mga lalaki.

"Easy lang, shorty."

Binitawan ni Hazel ang kamay niya at nanlilisik ang mga matang nakatingin rito.

"Lanchester, what was that, huh?" she asked, horribly. "Ano ang ibig mong sabihin?" bakas ang inis sa tono nito.

Namulsa si Tyron. Sa ibang direksyon siya tumingin. Seryoso at nanatiling naka-igting ang kaniyang panga.

"Swerte mo... kasi ikaw ang gusto kong yayain bilang date ko," tanging sambit ni Tyron.

Natigalgal si Hazel. Walang pumapasok sa utak niya. "A-Ako bilang d-date mo?" nauutal na tanong niya.

Tyron nods his head. "Oo, ikaw."

"Bakit ako?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Hazel. "Bakit hindi 'yong ibang babae? Imposibleng gusto mo lang, Lanchester..." naiiling na saad niya. "Ano ang rason mo kung bakit ako ang napili mong date? For sure, there's a reason behind that, right? Ipaliwanag mo lang." nagugulahan pa rin na tanong niya.

Halos hindi na mag-function ang kaniyang utak dahil wala man lang paliwanag ang binata sa kaniya.

"Kasi gusto kong ikaw ang magsuot ng binili kong damit," paos na usal ni Tyron. "Sa iyo lang naman kasi 'yon babagay... sa iyo lang."

Hazel heaved a sigh. She even swallowed a lump in her throat. Couldn't believe what Tyron is saying. Mabilis rin ang tibok ng kaniyang puso habang tinititigan ang seryoso at sinserong mukha ng binata.

"I... don't know what to say," she mumbled, softly.

"Just say yes and be my date... that's it." Tyron muttered. "I just need a confirmation so if you don't want to be my date tomorrow, I'll throw it away," he paused and bit his lower lip before looking at her. "Because it's useless if you're not the only one wearing it."

Kagat-labing napayuko si Hazel. Nag-iisip ng isasagot. Kanina iniisip mong nag-a-assume ka pero maling akala pala. He's asking you now, just say yes, ani ng kabilang bahagi ng isip ni Hazel.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga at inangat ang tingin. "I'll... I'll just send you my answer later, I think I need to go." Nauutal na usal niya bago tumalikod.

"Hihintayin ko ang sagot mo, shorty."

Hihintayin ko baka sakaling may sagot sa katanungan ko sa bawat ikinikilos at ipinapakita ko sa 'yo. Kasi hindi ko na maintindihan pa itong sarili ko... mukhang nagkakagusto na yata ako sa babaeng tulad mo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro