Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wicked Love 11

Second day of University Meet.

MARAMING nagpa-pa-picture kay Hazel matapos niyang manalo sa pageant kahapon.

Pagliko niya sa isang hallway, nakasalubong niya si Tyron na nakasuot ng jersey. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin, tila naiilang sa presensya ng binata. Iniiwasan niya ang binata dahil sigurado siyang magtatalo na naman silang dalawa.

"Hey," tawag ni Tyron pero nilampasan lamang niya ito.

Nagtuloy lang siya sa paglakad at hindi nilingon ang binata.

"Ganiyan ba ang isang role model? Nanalo ka sa pageant kahapon, hindi ba? O ano't hindi mo ako harapin?"

Kumuyom ang kamao ni Hazel at hinarap ang binata. Seryoso lang ang kaniyang mukha.

"Now what, Mr. Lanchester?" malamig na turan niya. "Busy ako kaya nagmamadali ako, kung gusto mong mang-insulto, sige lang." dugtong niya at tinalikuran ang binata.

"Role model, huh..." he muttered, mocking. "Am I the person you are talking about yesterday?" Tyron asked, seriously.

Hazel smirked. "Ano naman sa iyo kung ikaw ang tinutukoy ko? Wow! Ang bilis nga naman ng balita, ano?" bakas ang sarkasmo sa tinig nito.

"Yeah, bad news, anyway."

"Then you shouldn't talk to me about it if it's a bad news anyway!" medyo tumaas ang boses ni Hazel.

"You don't deserve the crown," he blurted. "You're not even pretty, shorty." he added, bluntly.

At bakit hindi ko deserve ang crown? Tanong ni Hazel sa kaniyang isipan.

She gasps. Her hands were shaking because of madness.

"Bulag ka lang siguro kaya hindi mo makita ang ganda ko," bulyaw niya. "At kung hindi ako maganda, huwag kang mag-alala kasi wala akong pakialam kung anong klaseng mata ang mayroon ka." dugtong niya at tinalikuran ang binata bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

Napakamot si Tyron sa kaniyang batok at sumilay ang ngisi sa kaniyang labi.

"That's what I thought, brat." he mumbled and just watch Hazel walked away from him.

I just kept on denying that you're not pretty shorty... kasi gustong-gusto na lang kitang ibulsa.

Napailing-iling na lamang si Tyron at nagtungo na lamang sa field na maaliwalas ang kaniyang ekspresyon.

"Ang ganda naman ng mood ni captain! Mukhang maganda ang gising!" sambit ni Eli.

Sumang-ayon naman ang mga kasamahan niya.

"Ano ang balita, captain, masaya ka ba dahil nanalo tayo kahapon o ibang saya lang ang nakikita namin sa 'yong ekspresyon?" segunda ni Lucas, ang catcher ng team.

Nagitla naman si Tyron sa naging tudyo sa kaniya ng kasamahan kaya bumalik na sa pagiging seryoso ang kaniyang mukha.

"O balita namin panalo si Ms. Cereneo kahapon sa pageant ah," sabat ni Fren. "Ano kapitan, nagsisisi ka ba sa sinabi mo sa kaniya kahapon?" dugtong niya at itinaas-baba ang kaniyang kilay na nakatingin sa captain nila.

"Ulol," malutong na mura ni Tyron. "And I won't regret every single word that I said to her yesterday. Masyado lang siyang mayabang, brat naman." malamig na turan niya.

"Uy, si captain! Mukhang bitter kay Ms. Cereneo!" tudyo ng ilang sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo.

Kanina pa nila bukambibig ang babaeng 'yon. Nakakabanas!

"Gusto niyo ba siya?" malamig na tanong ni Tyron sa kaniyang team.

Nag-iwas sila ng tingin at kunwari ay walang narinig.

Tyron's jaw clenched. He looked pissed and annoyed.

"Do you like her?" ulit niya at medyo tumaas ang kaniyang boses.

Naglakas ng loob si Fren na sumagot. "Kung papalarin, liligawan ko sana." aniya. "Pero mukhang basted lang ako sa kaniya, wala pa yata ako sa standard niya, e!" dugtong nito sabay tawa.

Napakuyom ng kamao si Tyron, malamig na tingin ang itinapon niya kay Fren.

"Mukha nga," he halted. "...mukhang gusto mong masapak ng wala sa oras." dugtong niya.

Napatawa naman ang mga ito na tila hindi takot sa kaniya.

"Bakit captain? May gusto ka ba sa kaniya?" tanong ni Eli.

Para lang silang nasa isang isla at nakapalibot silang lahat habang nag-uusap-usap. Wala namang nakakapansin sa kanila kaya wala rin silang pakialam.

"Wala." maiksing sagot niya.

"'Di nga, captain? Baka maunahan ka pa ng iba riyan," kibit-balikat na aniya.

Tyron's eyes were cold. "Wala akong magugustuhan sa kaniya."

"Maganda, matalino. Saan ka pa captain? Future lawyer rin katulad mo." tudyo pa ng mga kasama niya.

"Baka naman future niya kasi guys!" humalakhak si Kalil sa sariling banat niya.

Nakitawa rin ang mga kasamahan nito dahil sa kaniyang joke.

"Future naman pala, e," wika ni Eli.

"Future asawa ba, captain?" sumilay ang ngisi ni Kalil sa labi.

Pinaglaruan ni Tyron ang kaniyang labi gamit ang kaniyang hintuturo habang kagat-kagat ang ibabang labi. Nag-iisip ng isasagot.

Future wife, huh. If she would love the idea of being Mrs. Lanchester, why not. Tyron thought in his mind.

"Why not? If she would like to be one of my woman." he answered, briefly.

Tyron didn't give a damn but his heart skipped a beat upon answering their questions to him.

He wasn't expecting his answers too. A few minutes later, their coach announced something. All eyes were all over him again.

"This is a do or die game," umpisa ng coach nila.

"What's with it, coach?" simpleng tanong ni Kalil.

"It means, kung sino ang manalo ngayon, siya ang papasok sa championship bukas." imporma ng kanilang coach.

Malinaw sa kaniya na kailangan nilang ipanalo ang laro dahil gusto ng school na manatili ang korono sa kanila bilang overall champion sa University Meet.

"Ipanalo niyo ang laro," paki-usap ng kanilang coach.

"Yes, coach!" sagbay-sabay na sagot nila.

"Magbihis na kayo, magsisimula na ang laro. Ang makakalaban niyo ay mula sa Xavier University."

Nagmadaling tumalima ang bawat miyembro ng team kaya ang naiwan lamang ay si Tyron at ang coach nila.

"Tyron, as a team captain, you must lead your teammates." paalala ng coach.

"Kailan ko pa sila pinabayaan?" may bahid ng sarkasmo sa kaniyang boses.

Tumango-tango na lamang ang coach mula sa sinabi ni Tyron. Tumayo na rin ito at inayos ang sarili. Limang minuto na lang ay magsisimula na ang laro. Habang inaayos ang sintas ng kaniyang sapatos, narinig niya ang dalawa niyang team mates na pinag-uusapan na naman ang babaeng kaniyang labis na sinisita.

"She's hot, dude! I heard, manonood daw ito ngayon ng laban!" rinig na sambit ng kasamahan niya.

"Ulol, huwag mong pagpantasyahan, hindi mo kilala kung paano maglaro ang babaeng 'yon!" rinig niyang bulyaw naman ng kausap nito.

Kumunot ang kaniyang noo. Tinapos niya ang kaniyang pag-aayos sa kaniyang sintas bago tumayo at seryosong lumapit sa dalawa.

"Both of you, go to the field and warm up!" malamig na usal niya.

Mabilis naman na tumakbo ang dalawa patungo sa field. Naglakad siya sa kaniyang bag, kinuha niya ang kaniyang cellphone at nag-send ng mensahe sa kaibigang si Ramses.

To: Ramses

Make the HSC Secretary to buy Gatorade. The game will start soon and we need our drinks.

Pagka-send niya ng kaniyang mensahe, ibinalik na niya ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniyang bag.

Do I want to see her or was it the other way around? What's wrong with me? Am I starting to... like her?

"Crazy asshole..." mahinang sambit nang makita si Ramses na nakatingin sa selpon at nakangiti.

Pumito na ang umpire, hudyat na magsisimula na ang laban. Rinig niya ang malakas na hiyawan ng mga estudyante sa buong stadium maging ang bawat cheer ng mga ito. Seryoso lang ang kaniyang mukha na lumapit sa kaniyang mga kasamahan bago sila bumuo ng bilog sabay sabi ng...

"Fight! Fight! Fight NPIANS!" sigaw nilang lahat.

Pumwesto na ang mga ito. Si Tyron ang pitcher, samantala ang catcher naman niya ay si Lucas. Pinaglalaruan ni Tyron sa kaniyang kamay ang bola, nakatitig sa kalaban. In just a snap, he throw the ball in a fast move.

"Strike!"

First bat, strike agad. No thrill. He thought in mind.

Muling ibinato ni Tyron ang bola at umabot 'yon ng 101 mph. Napasinghap ang mga tao sa buong paligid dahil sa pagbato niya ng bola. Ang tindi ng laban dahil sa bagsik na pag-pitch ni Tyron.

Medyo hinihingal na rin siya ng kaonti pero base sa kondisyon ng katawan niya, kaya pa niyang mag-pitch ng ilang beses hanggang sa ma-strike out lahat ng kalaban nila.

"Galing mo, captain!" puna ng kaniyang team.

Mahusay ang ginawa ko, maganda ang pitches ko. Nagbibiro ba sila? Bakit ba ako pinupuri ng mga ulol?

"Be serious in the game." iyon na lamang ang tanging sinabi niya.

Naupo siya sa kanilang bench. Nakalagay ang towel sa ibabaw ng kaniyang ulo habang pinapanood ang kaniyang team.

Lamang sila ng tatlong puntos. Tanging fastball pitch lang ang ibinibigay ng pitcher mula sa kabila. Pinagmamasdan niya ng mabuti kung paano maglaro ang mga ito kaya bawat tira nila sa bola, kabisado na rin niya.

Minsan fastball ang gamit niya, minsan naman ay ang dalawang teknik na natutuhan niya nang mag-start silang mag-practice at iyon ay ang improved cutter at change-up.

Isang home run ang ginawa ni Lucas kaya nagbunyi ang lahat ng tao sa buong paligid. Ang kaninang sigawan ay naging hiyawan.

"Nice bat, Lucas!" bati ng mga kasama niya.

Until now, wala pa rin out sa kanila. At mas lumamang pa sila ng tatlong puntos. Malapit na siyang sumunod para tumira nang mapansin niya ang babaeng inutusan niya na bumili ng drinks.

"O heto na ang drinks niyo, may ipapakuha ka pa? Baka puwede na akong manood?" bakas ang sarkasmo sa tinig nito at padabog na inilabag ang Gatorade.

Napapitlag si Tyron. Sinukat niya ng tingin ang dalaga. Maiksing palda, pulang spaghetti strap na damit at puting rubber shoes ang suot nito pero masyadong revealing 'yon sa paningin niya.

Kumunot ang kaniyang noo. "What are you wearing?" malamig na tanong niya.

Wait, bakit ba ako apektado sa suot niya? Inis na tanong ni Tyron sa kaniyang utak.

"Uy, Ms. Hazel, narito ka pala!" mula sa likod, nagsalita si Kalil .

Kumuyom ang kamao ni Tyron. Ano ba ang problema kung makipag-usap siya sa ibang lalaki? Hindi naman kayo Tyron para makaramdam ka ng inis!

"Dinala ko lang ang drinks niyo, ubos na raw kasi-" pinutol ni Kalil ang sasabihin niya.

"Ha? Hindi pa naman ubos-" lumingon si Kalil kay Tyron na masama ang tingin sa kaniya. "-I mean, ubos na pala!" nag-aalangan na sagot niya at pekeng tumawa.

Kumunot naman ang noo ni Hazel at nilingon si Tyron na kapareho rin ng kaniyang ekspresyon.

"What?" Tyron hissed.

"Watawat!" inis na sumbat ni Hazel.

Tikom na lang ang bibig ni Kalil at dahan-dahang umalis.

"May hinihintay ka pa?" malamig na tanong ni Tyron. "Makakaalis ka na, huwag mong ibalandra ang sarili mo rito, shorty." dugtong niya.

Napairap na lamang si Hazel. "Hindi ko ibinabalandra ang sarili ko! At ano naman sa iyo kung ibalandra-" naputol ang sasabihin niya nang higitin ni Tyron ang beywang ni Hazel at mariing idinikit sa sarili niya.

"Ano kung ibalandra mo ang sarili mo? Gusto mo bang pag-piyestahan ng mga gago ang katawan mo?" malamig ngunit mariin ang boses na usal nito.

Hazel's heart skipped a beat when his scent lingers to her nostrils. She looked up unto him, tumama pa ang kaniyang noo sa baba nito.

Napalunok siya nang mapagtantong nakatitig si Tyron sa kaniya.

"W-What are you talking about? B-Bitiwan mo ako..." nauutal na sambit niya.

The side of his lips rose for a smirk. "If I don't? What are you going to do?" hamon niya.

"I... I will kick your balls...!" utal na sagot niya at nag-iwas ng tingin.

"Then maybe, I can kiss you here," he whispered, huskily. "...good scenery isn't?" He added, nonchalantly.

Hazel swallowed a lump in her throat. She couldn't believe what Tyron is saying. She needs to act fool.

"I'll scream if you don't let my waist go..." banta pa niya.

"Sure, go on, Ms. Cereneo..." mariing usal niya habang nakikipagtitigan sa dalaga.

"A-Ano ba ang problema mo, Lanchester?" tanong ni Hazel at napapikit pa, nagpipigil ng inis. "Kung mambubwesit ka lang, sana mawalan ka ng focus sa game mo!"

Pilit tinutulak ni Hazel si Tyron pero hindi niya ito kaya dahil na rin sa tigas at laki ng ng katawan ng binata.

Fuck! Mura ni Tyron sa kawalan. "Ibabalandra mo pa ang sarili mo suot 'yan?" marahan at banayad na ang boses na tanong muli nito.

Hazel looked up, she met his cold yet deceitful gaze. She gulped.

"H-Hindi na..." she murmured. "Bitiwan mo na ako, para makaalis na rin ako." Usal niya.

Bakas ang pamumula ng kaniyang pisngi na rason para lihim na ngumisi si Tyron.

Binitawan niya ang dalaga. Humakbang siya paatras para muling tingnan ang dalaga. Tinakpan ni Hazel ang kaniyang sarili.

"Your eyes... stop drooling!" she hissed.

Tyron rolled his eyes. "Don't worry, I'm just the one who's going to stare at you like that." He winked.

Tumalikod na si Hazel dahil ramdam niya ang pamumula ng pisngi.

"A-Alis na ako!" sabi niya at akmang hahakbang nang may pumatong na kung ano sa kaniyang likod.

Tumingin siya sa gilid at isang varsity jacket ang nakapulupot sa kaniyang katawan.

"Wear that," Tyron said, seriously.

"Hindi na," agap ni Hazel.

Tyron's jaw clenched. "Isuot mo 'yan kung ayaw mong ako mismo ang magsuot niyan sa iyo." Malamig na turan niya.

Hazel rolled her eyes. Her heart thumped. Wala siyang nagawa kumg hindi isuot 'yon.

"Good. Now, sit and watch. Hintayin mo ako." Sabi ni Tyron.

"W-Wait—"

"Don't talk, I might get—fuck! Basta hintayin mo ako riyan." Aniya at kumaripas ng takbo patungo sa field.

Mabilis ang tibok ng puso ni Tyron. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa baseball bat.

Nag-focus na lamang siya sa pagpalo ng bola at kung sinu-swerte nga naman, nakalikha siya ng isa pang home run.

Tangina. Mura niya. Is she my lucky charm for today? He asked himself.

When he gets back to their bench, he was praised by his teammates.

"Mukhang si Ms. Hazel ang lucky charm mo, captain." Tudyo ni Eli.

"Shut up," he bluntly uttered at naupo bago inumin ang Gatorade.

Nanatili roon si Hazel hanggang sa matapos ang laro at idineklarang panalo ang UNP sa score na 10-5 from Xavier University.

Napalunok na lamang si Hazel at tumayo na.

"Aalis na ako," paalam niya. "Congrats pala sa buong team." Dugtong niya.

Nagpasalamat ang mga ito sa kaniya bago tuluyang tumalikod at maglakad.

Hindi pa siya nakakalabas sa bench ng mga ito nang may humila sa palapulsuhan niya at isinandal siya sa pader.

"Didn't I tell you to wait for me, woman?" masuyong kwestyon niya. "Hard headed brat..." pailing-iling na bulong ni Tyron.

Pinandilatan ni Hazel ng mata ang kaharap na lalaki. Ramdam pa niya ang init ng palad nito sa kaniyang palapulsuhan.

"Lanchester, let go of me..." she ordered.

"I'll take you in the HSC office," he said, finality in his voice. "Sa tingin mo hahayaan kitang maglakad sa maraming tao na ganiyan ang suot mo?" he smirked and halted.

"No way..." he said, held her hand. "Either you come with me to the shower room or I'll take you back to HSC office with me."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro