Wicked Love 10
WATCHING.
Sweats was all over Tyron’s body and face but he ran towards the auditorium just to watch the pageant. Nabalitaan niya kasi na pinalitan ni Hazel ang kanilang kandidata para sa kompetisyon.
“She’s going to ace the competition, bro!” sabi ni Ramses at tinapik pa ang balikat nito.
“If she really can ace it, I don’t even give a damn,” malamig na saad nito sa kaibigan.
While walking, Tyron opened his twitter account. He browse some ordinary shits but something popped in his mind.
Hindi niya bagay sumali sa pageant at mas lalong hindi siya babagay roon. Usal niya sa kaniyang utak.
Nagpa-iwan na lamang siya sa gilid ng auditorium at hindi na sumama pa sa mga kasamahan niyang student leader rin dahil ayaw niyang makipagsiksikan sa dami ng tao sa loob.
Pawisan pa siya at wala pa siyang ligo. Imbes kasi na magtungo sa shower room ay hinila agad siya ni Ramses at ibinalita sa kaniya ang tungkol sa pageant.
“What a waste of time,” Tyron muttered, bluntly.
The pageant started and it’s the introduction part. Naririndi na ang kaniyang tainga dahil sa lakas ng hiyawan sa loob.
Fuck! Ang ingay!
Nang marinig ang pangalan ni Hazel, agad siyang napalingon sa entablado at nanatili lamang ang tingin nito sa dalaga, bawat kilos nito ay sinusundan ng kaniyang mata.
Sa wakas, nagtama ang kanilang mga mata. Tyron just smirked at tumaas ang sulok ng kaniyang labi na tila iniinsulto pa ang dalaga.
She looks intimidating yet Tyron don’t give it a damn. Naghiyawan ang mga tao sa paligid, napansin rin niya na puro pangalan ni Hazel ang isinisigaw ng crowd.
Crowd’s favourite, huh. What’s with you, brat. Are you seducing this people using your wicked smile?
Nang tumalikod ang dalaga, kinuha ni Tyron ang kaniyang selpon and capture Hazel’s back. He smiled wickedly and walked away. Hindi na niya tinapos ang pageant at dumiretso na lamang sa shower room.
Bago siya naligo, binuksan pa niya ang kaniyang twitter account at nag-tweet roon. Dinagsa ang kaniyang tweet kahit wala pang isang minuto ‘yon mula nang kaniyang i-post.
Napangiti na lamang siya at naligo na lamang. Bale tatlong araw naman ang tournament kaya maging ang pageant ay inuna na rin dahil pagkatapos ng tournament, may isang acquaintance na magaganap.
SAMANTALA, ang pageant ay malapit ng matapos. Lima na lamang ang natitira at pasok si Hazel sa top 5 na hindi naman niya inaakala. Humugot siya ng isang malalim na paghinga habang nakangiti pa rin at hinihintay ang bagong mga katanungan.
“Okay, ladies… once I call your name, please step forward to answer what the judge’s question.” saad ng MC. Bumunot ito sa bilog na lalagyan at binuklat iyon bago basahin ang pangalan na nakalathala roon.
Tinawag nito ang isang kandidata hanggang sa sunod-sunod na ‘yon. Magaganda ang sagot ng iba at halos nasa punto rin ‘yon. Natitiyak ni Hazel na hindi siya mananalo dahil alam niyang matalino rin ang mga kasama niya.
“Alright, Ms. Cereneo, please step forward and listen carefully to your question,” muling sambit ng MC kaya naman naglakad si Hazel paharap at ngumiti.
“How are you today?”
Hazel smiled. “A bit nervous yet fantastic. Hindi ko aakalain na makakapasok ako sa top five.” sagot niya.
“Hindi rin kami makapaniwala na ikaw ang isasali ng department niyo!” the MC exclaimed. “So, going back, Mr. Harry Ferrer will ask a question, so listen carefully.” paalala ng MC.
Tumango lamang si Hazel. Humugot siya ng isang malalim na paghinga habang nakatiingin sa judge na magtatanong sa kaniya. Natahimik rin ang buong crowd na kanina lang ay naghihiyawan.
“As college student, if you are questioned about love, how would you handle a relationship where feelings were gone? Would you choose to stay or leave even if you love that person? Why and why not?”
Napalunok si Hazel, hindi dahil sa kaba kung hindi dahil wala pa naman siyang karanasan patungkol sa pag-ibig. She heaved a sigh.
“To be honest, I didn’t experience having a relationship with someone but I guess, this question must be hard but I can answer it with my own opinion…” she explained.
“Ganito kasi ‘yon, hindi naman lahat ng nagmamahal at nagmamahalan ay nananatili sa isa’t-isa hanggang dulo.” umpisa niya.
Napasinghap naman ang mga tao sa kaniyang isinagot. May iba rin na tutol sa kaniyang sinimulan pero hindi siya nagpatinag roon.
“If feelings is gone, I would still choose to stay…” she halted. “Why? Because in the first place, when I meet that person, when he courted me, wala pa naman siyang nararamdaman para sa akin…” she added, smiling confidently. “…at wala pa rin naman akong nararamdaman para sa kaniya.”
“And why would I give up kung pwede naman na ako ang manligaw sa kaniya. Bakit ako tatakbo palayo kung pwede naman akong manatili. Kung wala na siyang nararamdaman para sa akin, okay lang. I will make it up. To win him back. To makes us back, simple as that.” she finally ended her answer in a swift and knowledgeable way.
The crowd started to clapped their hands as a support to her answer. Ngumiti lamang siya sa judge at maging sa tao sa paligid niya.
“Thank you for that catching answer, Ms. Cereneo!” sabi ng MC.
Pasok sa top 3 si Hazel. Isang debate ang magaganap sa question and answer at tanging dalawampong segundo lang ang palugit nila sa pagsagot. Tagisan ng talino ang labanan at natitiyak ni Hazel na kaya niyang lumamang.
“If you’re going to be a student leader in your University, how can you be a role model?”
That question hits her big time. Hazel smirked at the thought of being a role model, being questioned by the Governor of their department.
“Being a student leader means survival…” she spoken. “And being a role model is to be responsible and dedicated to your duties.” Dugtong niya na tila hindi naman naaayon para sa sarili niya.
“As for me, being the student council secretary, it’s a heavy duty yet heartwarming experience because being a role model is not only possesses of how responsible you are in your field of work and how you follow the rules and regulations. That’s not how being role model is.” Mahabang paliwanag niya.
From the corner of her eyes, she caught all the HSC staring at her and even the student council from their department.
“I may be the student leader who breaks rules and regulations,” napasinghap siya. “…still, I can be a role model in my own way. Someone questioned about it but this is what I want to say to that person…” she paused, roamed around her eyes but she couldn’t find the guy she wanted to beat.
“No matter how I break the University’s rules and regulations, no matter how much rebellious and wicked I am, never question me for being a student leader and role model to everybody. I don’t need a person’s limited perception to define me.”
Pagkatapos niyang sumagot, tagos na tagos sa puso ng mga audience maging ang HSC ang sinabi ni Hazel. Hindi man siya nagtagumpay na iparinig ‘yon sa lalaking kinaiinisan niya, at least nasabi niya ang totoong gusto niyang ipahiwatig.
Pasado alas syete na nang gabi at i-a-announce na ang panalo sa pageant. Pinagpapawisan ang kamay ni Hazel, nanlalamig na rin ang kaniyang paa dahil sa sobrang kaba.
Hindi man ako ang mananalo, at least, you try your best to prove people that you’re a role model without using wickedness, Hazel. Hindi mo kailangan ng mga paratang nila para lang patunayan mo ang sarili mo. Paalala ni Hazel sa kaniyang sarili.
“And today’s winner is none other than… Ms. Hazel Grace Cereneo, our Ms. Inter-University 2022!”
Nanlaki ang mata ni Hazel, tila natulos siya sa kaniyang kinatatayuan. Kung hindi lang siya niyakap ng mga kasama niya sa pageant ay hindi pa siya maglalakad patungo sa gitna para i-claim ang kaniyang korona.
Everything was unbelievable. She thought in mind. Lord, sabi ko kahit hindi ako manalo sa pageant… pero sobra-sobra itong ibinigay mo. Halos maluha na niyang sambit sa kaniyang isipan.
Inilagay ang korona sa kaniyang ulo at nagpalakpakan ang mga tao.
Nang matapos ang picture taking, bumalik na si Hazel sa dressing room. Tinanggal niya ang nakakabit sa kaniya maging ang bulaklak ay inilapag niyang mabuti sa lamesa niya.
Naupo siya sa mono block at isinandal ang sarili bago napapikit. Nag-relax lamang siya ng kaonti at binati siya ng iba niyang kasamahan sa pageant at tanging tango lang ang iginawad niya.
Nagbukas siya sa kaniyang twitter account para i-post ang achievement niya.
HGrace Cereneo
@heaven_grace
“Don’t need a people limited perception to define you.”
She captioned that. And after a minute of posting it, someone commented. It wasn’t familiar to her. The name, it’s like a poser. She didn’t give a damn but it somehow bothering her thoughts.
“Congratulations!”
She was startled when a loud banging sound of congratulations came behind her.
“Ay! Gago!” inis na mura niya dahil halos mahulog ang kaniyang cellphone.
Lumingon siya at nakita niya ang buong HSC maging ang student council ng department nila. Hindi niya natagpuan ang lalaking ‘yon kaya bumuntong hininga siya.
Mabuti naman at wala siya. Usal niya sa kaniyang isip. It’s better not to have arguments with him and it’s good not to see him.
“He went to his dorm already,” Ramses informed her.
Kumunot naman ang noo niya kung sino ang tinutukoy nito.
“O tapos? May pakialam ako, Kuya Ramses?” sarkastikong batid niya.
“Mukha kasing hinahanap mo ang presensya niya,” muling pang-asar ni Ramses at natawa pa.
Inirapan siya ni Hazel. “Hindi ko siya hinahanap. Kahit pa hindi siya magpakita, mas ayos pa sa akin.”
Somehow, Hazel’s heart skipped a beat. She calmed herself.
“Kung ipinapahiwatig mong hinahanap ko siya,” suminghap siya. “…pwes gusto ko lang siyang inisin at ihampas sa pagmumukha niya ang koronang ‘yan.” Malamig na dugtong niya at itinuro ang kulay silver na korona nito.
“Kung kwestyun pa rin sa kaniya ang pagiging student leader ko o ang role model na ‘yan…” huminto siya at tumayo, nanatiling seryoso ang kaniyang mukha bago damputin ang korona at i-abot kay Ramses.
“…sabihin mo, isaksak na niya sa kaniyang baga ang korona. Baka kasi naiinggit siya at gusto rin tapakan ang reputasyon niya.” Dugtong niya at umalis na sa dressing room.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro