Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Wicked Love 1

"Nariyan na si Gov! Nariyan na! Tumabi kayo!" sigaw ng isang lalaki na may kulay abo na pares ng mga mata. "Huwag kayong humarang sa daan!"

Nahawi ang buong hallway sa third floor ng College of Law building dahil sa kaguluhan na naganap mula sa mga freshmen. Nakaupo sa sahig ang isang babae na masama ang tingin sa Higher Supreme Council secretary na gulo-gulo ang buhok habang nakataas ang kilay.

Nagbulong-bulungan na naman ang mga bubuyog sa paligid ngunit ang iba ay mistulang kinikilig pa.

"What's the matter here?" Tanong niya gamit ang malamig na boses.

Kunot ang noo niyang napatingin sa babang nakaupo sa sahig bago ibaling sa sekretarya ng Higher Supreme Council.

Namulsa si Tyron. "It's you again, Ms. Cereneo." malamig pa rin ang boses nito. "The rule breaker," aniya.

That's Governor Tyron Ezekiel Lanchester, the UNP baseball team captain. Cold and has a charming and piercing blue eyes that every girls from the College of Law likes.

Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kung ang Governor ng student council ay may pares ng kulay asul na mata, malamig ang buong presensya at walang emosyon na nakapaskil sa kaniyang mukha.

Lingid sa kaalaman ng mga freshmen, maraming natatakot kay Tyron Ezekiel dahil siya lang naman ang isa sa malupit na naging student council governor sa departamento ng kolehiyo ng batas.

"Oh, yes, Gov!" Hazel, the rule breaker and secretary of the higher student council. "It's me again. Can you do anything?" pabalang na sagot niya.

"No wonder, you're a rebellious daughter of the Cereneo's," sarkastikong sambit niya. "Indeed a rebellious and insolent daughter who breaks rules and regulations." dugtong niya sa paraan ng patutyang tinig.

"Told the guy who's rebellious too," sumbat ni Hazel.

Napasinghap ang mga estudyante sa paligid. Ngunit mas lalong lumamig ang buong hallway nang magsalita ulit si Tyron.

"You know nothing, Ms. Cereneo," he said. "I'm rebellious, yes that's indeed true but I'm not like you, always breaks the rule because of your immaturity!" malamig na at seryosong usal ni Tyron.

Maraming bulungan na naman ang naririnig. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Hazel. Tila nagdilang-demonyo na ang kaniyang itsura.

Umangat ang kaniyang kilay, humalukipkip at masamang tinitigan ang binata. Walang takot na mababakas sa kaniyang mukha.

"Immature..." aniya. "That's what I am? Look who's talking," sumilay ang isang ngisi sa kaniyang labi. "Is defending myself looks immature to you?" kwestyon niya.

Namayani ang katahimikna sa buong paligid. Maya't-maya pa ay, tumayo ang babaeng nakaupo sa sahig, inayos ang kaniyang posture.

"Kasalanan mo naman kasi, e!" agaw atensyon na sabi nito. "At isa pa, totoo naman na anak ka sa labas ni Congressman Lafee!" aniya.

Napahilot sa sentido si Tyron, sumasakit ang kaniyang ulo dahil sa maingay na boses ng babae na tantiya niya ay mula sa kabilang section ng freshmen.

"See? She's the one who's immature in here. Did I attack her when she said that I am illegitimate? I didn't do anything right?" sarkastikong sabi niya.

"Miss, can you tone down your voice?" malamig na turan ni Tyron sa babae. "And do you have proof that she's illegitimate?"

Napayuko ang babae dahil sa takot. "Pero 'yon naman ang usap-usapan. Kaya lang naman siya nakapasok dahil Congressman ang tatay niya kahit marami siyang bad record sa previous school niya." paliwanag nito.

"Usap-usapan..." singit ni Hazel. "Kita mo na?" aniya kay Tyron. "She's just seeking attention. Malamang kilig na kilig 'yan kahit pagalitan at sigaw-sigawan mo, ang importante napapansin mo siya." ngising saad niya.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ng babae. Akmang susugod pa siya kay Hazel pero nagsalita itong muli gamit ang malamig na boses at may pagbabanta.

"Subukan mong idapo ang mga palad mo sa akin, sa korte tayong dalawa magkikita." banta niya. "Kung gusto mo lang pala na magpapansin, dapat nagtungo ka na lang sa opisina ng student council, hindi 'yong idadamay mo pa ako sa pagiging malandi mo." dugtong niya na siyang dahilan para magwala ang babae.

"How dare you! Tangina mo! Anak ka sa labas!" sigaw ng babae.

Galit na galit ang mukha ni Tyron. Nagkagulo lalo sa hallway. Isang nakakatakot na sigaw ang narinig nila mula sa Governor ng student council na siyang dahilan para manahimik ang lahat.

"Shut the hell up!" sigaw ni Tyron. "You're both immature! What kind of law student you are?!" galit na usal niya.

"T-Tyron-"

"Go to the detention room later and face your consequences," putol ni Tyron sa babae. "I don't tolerate such immaturity in this building."

Namulsa siya.

Inis na sumingit si Hazel. "Wait, me?" itinuro niya ang sarili niya. "Why would I be in the detention room when in fact, she's the one who attack me!" giit niya.

"Got problem with that?" taas-kilay na tanong niya. "You're supposed to be a role model since you're part of the higher supreme council yet you're the one making a scene..." he shook his head with disappointment. "Such a disgrace, a disappointment." dugtong niya.

Kumuyom ang kamao ni Hazel nang tingnan lamang siya ng Student Council Governor. Mas lalo siyang nainis nang tumalikod ang lalaki at humakbang paalis.

"Hey, Mr. Lanchester!" matapang na sigaw ni Hazel.

Tumigil si Tyron sa paglalakad, nakapamulsa siya ngunit hindi niya hinarap ang dalaga.

"What now, Ms. Cereneo?"

"I will steal your position," wika niya.

Tyron smirk. "Bring it on, Ms. Cereneo. I hope you're not breaking the rules and regulations if that happens..." he said and shrugged his shoulder, "that's when I'll give way to the spotlight."

Nagpapapadyak si Hazel dahil sa inis at galit sa Student Council Governor. Inis niyang tinanaw ang bulto ng binata hanggang sa mawal 'yon sa kaniyang paningin.

"Immature leader!" inis na bulong niya.

Nabuhay si Hazel na walang masyadong kaibigan dahil ang kaniyang prinsipyo, magkaroon man siya ng kaibigan, hindi niya hahayaan na traydurin siya.

Ang mga usap-usapan sa labas ng Unibersidad nila ay mabilis na kumalat kaya naman ang mga bubuyog, kapag may ibinulong na tsismis, madadagdagan.

Hindi siya anak sa labas ng isang Congressman. Sa katotohanan, umalis siya sa kanilang bahay dahil na rin sa katigasan ng ulo niya at pagiging immature niya.

Mabuti at may tumanggap pa sa kaniyang eskwelahan, sa ugali niyang 'yon, baka nga walang tumanggap.

Nang dahil sa makapangyarihan ang kaniyang ama, nakapasok siya sa ISCA kung saan dito hinuhulma ang bawat personalidad ng isang estudyante sa perpektong pamamaraan.

Isa ang UNP sa top performing school sa buong mundo at tanging mga mayayaman lamang ang may kakayahan na pumasok rito.

SAMANTALA, pumasok si Tyron sa kanilang opisina at napahilot sa kaniyang sentido bago naupo sa kaniyang swivel chair. Isinandal niya ang kaniyang ulo nang marinig niyang bumukas ang pinto.

"G-Gov, ipinapatawag ka ni Prof. Dasheng," nauutal na sambit ng kaniyang Vice-Governor ng kanilang College.

Tinanguan lamang niya ito at tumayo niya. Inayos niya ang kaniyang kurbata at isinuot ang kaniyang coat bago lumabas at nagtungo sa faculty room.

"Mr. Lanchester, ihatid mo itong activity ng section A ng mga freshmen, ibinilin ni Prof. Pajimola ang mga ito na tapusin nila ngayon araw." saad ng propesor.

Tumango si Tyron at kinuha ang mga papel na kailangan sagutan. Lumabas siya sa faculty room, marami pang estudyante ang nasa hallway at nahahawi lang sila tuwing dadaan siya sa gitna.

Rinig niya ang bawat bulungan ng mga estudyante ngunit wala siyang naging tugon hanggang sa makarating siya sa JUSTICE Section A. Napasinghap ang mga ito nang dumating siya at biglang tumahimik ang buong paligid.

"Get one and pass," malamig na wika niya sabay bigay sa activity sheets. "Walang kopyahan, walang maingay. Ang mangopya, kukuhanin ko ang papel at itatapon sa basurahan. Maliwanag?"

"Maliwanag, Gov!" sabay-sabay na sagot nila ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Hazel na nakabusangot sa pinaka-likod.

Nakatayo lamang si Tyron sa pinto habang nakatingin sa mga freshmen. Tahimik lang naman ang mga ito pero sa hindi niya inaasahan, biglang tumayo ang Higher Student Council secretary at naglakad patungo sa harap habang nginunguya ang bubble gum.

"Tapos na ako sumagot, puwede na ako umalis?" sarkastikong tanong niya.

Suminghap ang kaniyang mga kaklase. Halos kinse minuto pa lang ang lumipas ay natapos na siyang sumagot sa case situation na activity nila.

Humalukipkip si Tyron at nagtaas ng kilay. "You still have forty-five minutes to stay here in you room, Ms. Cereneo. Go back to your seat and keep your mouth shut." malamig na turan nito.

"Tapos na akong sumagot, kaya lalabas na rin ako sa klase." pagmamatigas niya.

"Go back to your seat," seryoso at walang halong biro sa tinig nito. "Or else, I'll tear your activity into pieces." dugtong niya.

Pinanliitan siya ng mata ni Hazel. "Sino ka sa akala mo? Batas na kailangan kong sundin? Hindi ako mabubuhay na hindi sinusuway ang batas mo." nanghahamon na sagot ni Hazel.

Lumingon si Tyron sa buong klase. "Well, then let me walk you in the detention room." usal niya at iminuwestra pa ang daan palabas ng silid.

Nginunguya lamang ni Hazel ang kaniyang bubble gum habang nakatingin kay Tyron. Wala siyang pakialam kung ano man ang sabihin ng mga kaklase niya.

"I don't tolerate chewing gums in this building, so throw that gum away," utos niya.

Natawa ng kaonti ang dalaga. Isang beses pa niyang pinaglaruan sa kaniyang bibig ang bubble gum at pagkatapos ay idinura niya ito at binilo-bilo pa at idinikit sa gilid ng lamesa bago mag-spray ng alcohol na nakakawit sa kaniyang palda.

"Sabi mo, e." nagkibit-balikat siya at naglakad patungo sa kaniyang upuan at kinuha ang kaniyang bag bago muling naglakad patungo sa pinto. "Hindi naman siguro ako makukulong sa ginawa ko, hindi ba?" sarkastikong sambit niya at nilampasan si Tyron na masama ang timpla.

Galit na sinundan ni Tyron ang dalaga. Marahas niyang hinila ang braso nito at pinaharap sa kaniya. Sinalubong niya ang galit na mata nito at nagngingitngit sa galit ang kaniyang ekspresyon.

"You disobey rules, I'll be giving you a greater punishment!" singhal ni Tyron. "You're immaturity doesn't set the standard of UNP! What kind of future lawyer are you?"

"Wala kang pakialam at wala akong pakialam sa standard of perfection na sinasabi mo!" gigil na sagot niya. "What kind of lawyer? Corporate lawyer, bakit?" sarkastikong usal niya.

"Corporate lawyer? You're funny, with that kind of personality?" insulto niya. "You can't even defend clients with such kind of attitude." sambit pa niya. "Maybe, you haven't even reached the middle, the judge is kicking you out of the court room because of your immaturity."

Matalim na tingin ang ipinukol ni Hazel sa kaharap niya. Humigpit rin ang pagkakahawak ni Tyron sa kaniyang braso na tila nadudurog ang kaniyang buto rito.

"Alam mo, perpekto ka ngang tao, guwapo ka," huminto siya at tinignan ang kabuoan nito. "Pero kahit gaano ka pa luhuran ng mga estudyante, mananatiling pangit ka sa paningin ko." dugtong niya.

Kumunot ang noo ni Tyron. Unang beses niyang masabihan ng pangit kaya mas lalong siyang nagngitngit sa galit.

"My name is not heavenly grace, I'm no angel and I'm no saint," mapaklang saad niya. "I think, I'm Lucifer's ultimate and favorite grand daughter who'll beat your superiority." ngisi niya at itinulak ang binata bago umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro