Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Final Chapter

This is it. Welcome to the last part of Wicked Hearts. Again, thank you so much for supporting this story from the start until here. This story made me realize how wicked my readers can be HAHAHA. You guys made this story fun to write. Salamat po!

Question: If magkakaroon ng story ang isa sa mga characters dito, kaninong story gusto niyong mabasa?

Follow me on Twitter: @notacardinal

***

FINAL CHAPTER

I was sipping my wine while enjoying the scene on my huge flatscreen TV. There were two people in a room. The man was seating casually on the sofa and the woman was standing beside him.

"Ask her to lower the AC," I said over the phone.

"Can you lower the AC, please?" Mr. Cortez asked her politely.

Riza easily lowered the AC. She looked composed, only if I didn't know how bad she was holding back just for the sake of being professional.

"I said lower the volume of the TV," I chuckled.

Napahalakhak ako nung makita ko na sa wakas ang reaction na inaasahan ko. Tumaas ang mga kilay ni Riza kaya bahagyang nasindak si Darryl.

I leaned on my swivel chair. Nagsalin ako ng alak sa baso para mas ma-enjoy ang mga pangyayari. Nagpatuloy si Darryl sa pang-aasar sa kanya.

"Call her Silly Girl," I said.

The moment she heard that her expression suddenly flinched. It's like those two words triggered a sensitive memory from her past– exactly like I intended to.

"Tell her to leave," I muttered, idly.

It took her seconds before finally deciding to leave. Nung makaalis si Riza ay nagpaulan ng mura si Darryl. Ako naman ay tawang-tawa dahil halatang nasindak siya sa simpleng pagtaas ng mga kilay ni Riza.

I've been there, Mr. Cortez.

"Shit. Boss. She's really scary," he said, amused. "Akala ko nga sasapakin na niya ako."

"Chill. We are just starting..." I sipped on my wine. "Baka magkatotoo ang sinabi mo."

"Shit. Ganyan pala ang tipo mo sa mga babae, ha? Palaban."

I told Darryl my plan. He knows what to do. Hindi ako ang lalapit kay Riza sa pagkakataong ito. Gusto kong siya na naman ang lumapit sa akin.

Later that night, I've accomplished my first mission for this come back. That's to shake the walls around her. Alam kong sa mga oras na ito ay alam na niya kung sino ang CEO na kailangan niyang kausapin para isalba ang kanilang kumpanya.

"Noted, Mr. Delgado. I've already talked to their hotel manager. No one will be waiting for you outside other than Miss Chavez," my secretary told me.

I smirked. Let the games begin.

The night before my arrival at their hotel and the first time in years that I would meet her again. I couldn't sleep. I drowned myself in alcohol but that didn't even help me to calm down.

I bit my lower lip as I stared at her contact number on my phone. In-inform ko na rin ang secretary ko na ibigay agad ang contact number ko sa kung sino mang babaeng biglang maghangad nito. Pero wala pa rin akong nare-receive na call.

Should I call her instead?

"Fuck!" I brushed my finger through my hair, feeling the frustration again. Hanggang ngayon ba naman ay kaya niya pa rin akong tiisin?

That woman was really made of solid rock.

No. I want her to break first.

Hindi ko inakalang pagkairita lang pala sa kanya ang magpapatulog sa akin. Pagkagising ko kinabukasan ay malakas na kabog sa dibdib ko.

I am going to meet her again! After so many fucking years!

Is she excited, too? Just like I am?

Nah. I don't want to push my hopes high. Knowing that girl, she probably doesn't care. Or even if she does, it's hard to tell. She's good at hiding her feelings.

It frustrates me because I can't do the same.

Hindi ko kayang magpanggap na hindi ako ginulantang ng araw na to, na sa wakas ay magkikita na kami uli, kahit na ako naman talaga ang nagplano nito.

"Boss..." Mr. Cortez greeted me when I went out. "Your car is ready. Are you sure you don't want me to drive for you?"

I shook my head as I headed to the elevator. Mabilis naman siyang nakahabol sa akin. He pressed the floor of our parking lot. Inabala ako ang sarili sa pagbutones ng coat ko.

"I want you to go there first. Kapag andoon ka na ay sabihin mo sa kanya na parating na ako. Say it in a threatening tone. I want her to feel pressured of my arrival."

Pagkalabas ko ng sasakyan ay malakas ang ulan. Nauuna ang sasakyan ni Darryl. Binagalan ko ang aking pagmamaneho para mas mauna siya.

Suminghap ako. Nabagalan ako sa pagmamaneho ko kaya inapakan ko ang gas. I ruined my plan when we got there at the same time.

My body shuddered when I saw her standing outside. Nakapayong siya at agad na nilapitan ang sasakyan ni Darryl. Nakangiting sinalubong niya ito.

Really?

Alam kong malakas pa rin ang ulan pero lumabas na ako agad ng sasakyan. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumatakbo sa akin si Riza.

Tangina. Sobrang kabado ko.

Pinigilan ko ang sariling lingunin siya kahit na nanginginig ang mga braso ko para sa kanyang yakap.

No. I am not breaking first!

Suminghap ako. Nanghina ako nang maayos ang kanyang pabango. It suddenly brought me to the day when I first approached her. Lutang siya no'n dahil napagtantong bagsak siya sa isa niyang subject. I didn't honestly find her attractive, but her smell caught me off guard. I talked to her using my cold authoritative voice, to hide how attracted I was with her smell.

Nabalit ako sa huwisyo nung magsalita siya, pero mabilis ko rin siyang pinutol.

"Nababasa ako..." I said with my emotionless voice.

Napansin kong halos na sa 'kin lahat ng silong kaya nababasa siya. Gusto ko man siyang hapitin palapit sa akin pero minabuti ko na lang na bilisan na lang ang paglalakad papasok sa loob para hindi na siya mas mabasa pa.

Hinarap ko siya. Naabutan ko siyang inaabot ang payong sa guard. Hinawi niya pa ang mga patak ng tubig sa kanyang braso saka inayos ang buhok sa likod ng kanyang tainga.

I sighed deeply. It looks like my presence doesn't affect her at all.

Akala ko ay kaya ko na rin siyang tiisin gaya ng ginawa niya sa akin pero mali pala ako. Kapag hindi siya nakatingin sa akin ay nakasulyap ako sa kanya. Sa tuwing magsasalita siya ay nahuhuli ko ang sariling nakatingin sa kanyang mga labi.

Ayaw na ba niya sa akin?

Wala pa naman siyang boyfriend sa pagkakaalam ko. I'm still hoping I am the reason why. Pero... puwede namang wala lang talaga siyang oras.

My tower-level hope collided when Darryl told me something.

"Sigurado ako, boss. Nakadikit 'yung kanan kong tainga sa pinto ng office niya. She called someone baby! I think his name is Joseph? Medyo malabo kasi 'yung parte na 'yon. Alam mo ba kung ano ang mas malala? Tawag sa kanya nung lalaki ay Mommy!"

Sumandal ako sa swivel chair. Bumagsak ang tingin ko sa mga papel na nalamukos ko na pala.

"That's impossible, Mr. Cortez," I said, fists clenched.

"Baka nga..." Tila napaisip naman siya. "Gusto mo pa bang ituloy ko ang pag-spy ko sa kanya? Sa susunod ay magtatago ako sa ilalim ng lamesa niya para marinig—"

I slammed my hand hard on the table as I grabbed the colar of his coat. Madiin ko siyang tiningnan sa mga mata.

"Don't you dare..." I gritted my teeth.

"J-joke lang, boss..."

"I will confirm it myself!"

Lumabas ako ng suite ko. Sa elevator pa lang ay sinubukan kong tawagan si Art pero hindi niya ito sinagot. Hinanap ko si Riza. My breathing was heavy but I managed to smile to everyone on my way.

I found her in the pantry area. I talked to her casually. Until her phone rang.

That confirmed Mr. Cortez's statement.

I stormed out of the hotel. Sumakay ako sa sasakyan saka mabilis na nagmaneho sa set nila Art. Naabutan ko siyang nagpapahinga sa loob ng isang tent. May mga pumigil pa sa akin pero marahas ko silang hinawi.

"Oh, Rik—"

Napasinghap siya nung hawakan ko ang kanyang kwelyo. Sinubukan akong pigilan ng mga kasamahan niya pero sinabihan naman niya ang mga ito na huwag akong hawakan.

"What is it?" he asked.

"Riza has a boyfriend..."

Kumunot ang noo niya. Tinulak niya ako kaya nakawala siya sa pagkakahawak ko. Sinabihan niya ang mga kasama niya na lumabas muna ng tent.

"Wala siyang boyfriend, Rik," mahinahon na sabi ni Art. "Kanino mo naman nabalitaan 'yan?"

"I heard her call someone baby."

My jaw clenched when he burst into laughter. Kinuha niya ang kanyang cell phone. Pinakita niya sa akin ang isang picture ng batang babae.

"Sarah's daughter..." he told me.

"What do you mean?"

"Malamang na anak ni Sarah 'yung kausap niya, gago!"

Naguluhan ako. Alam kong may anak na si Ate Sarah, pero ngayon ko lang ito nakita. So... hindi lalaki ang sinabihan niya ng baby? She's talking to a kid?

I cleared my throat. "How sure are you?"

"Hays. I have another scene in ten minutes..." he sighed. "I'm sure, Ulrich. Walang boyfriend si Riza. Hindi siya nagkaroon ng boyfriend kahit na kailan. Saka... ano naman ngayon? Kayo ba?"

"You are not helping." Huminga ako nang malalim. "So... she didn't really just miss me? Kaya parang wala lang sa kanya na nagkita kami uli?"

"Girls are good at hiding their true feelings, Rik." Nginisian niya ako. "Well... some boys, too. I know one."

"Deadma lang yata talaga ako..."

"E 'di palabasin mo siya sa lungga niya..." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Maybe she's waiting for the right time, Rik. Alangan pagkakita niya sa 'yo matapos ang ilang taon ay yayakapin ka niya agad?"

"Why not? I almost did that."

"Ayan tayo, eh. Ang rupok..." Humalakhak na naman siya. "Let's talk later. I have a plan in my mind. Pero hindi ko masasabi ngayon kasi kailangan na ako."

At first, I was hesitant of his plan. Ang plano ay palabasin na engaged na ako. Paano kung wala naman talaga siyang pakialam? That shit could tear me into pieces. Pero kung hinintay niya rin talaga ako gaya ko... hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa.

This is my last shot.

I left the hotel. Art's idea. Tumuloy muna ako sa bahay. Binisita ako ni Art para siguraduhin na hindi ko tinawagan si Riza. Gusto niyang magpa-miss ako.

"Siguraduhin mo lang na gagana 'tong plano mo, ah?" Kinuha ko ang nakatagay na alak saka ininom. "Kapag pumalya 'to, mukha mo ang gagawin kong sandalan."

"Whoa. Mukha na nga lang puhunan ko, eh—"

My phone rang. Huminga ako nang malalim bago ito kinapa sa bulsa ko. I was expecting a call from my dad, but when I saw her name on the screen of my phone, my heart leaped.

"Who? Don't answer if it's Riza," said Art.

I shook my head. "My dad. Wait. Sagutin ko lang..."

Tumayo ako saka lumabas ng bahay. Pumunta ako sa pool area. Nanginginig pa ang mga kamay ko nung sagutin ang tawag niya. Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag niya.

"Hello—"

I took the risk when I asked her a favor to be with me until the end of that summer. I did that not just to borrow more time with her. Ginusto kong mahirapan din siyang pakawalan ako. Umasa akong sa sandaling pagkakataon na magkasama kami ay magbago ang isip niya at piliin ako.

I didn't want to force her. Just like what I promised... that was the last time I approached her. Nilayo ko ang sarili ko sa kanya matapos ang araw na 'yon. Throughout the college days, I did only two things— tapusin ang pag-aaral ko at umasang isang araw ay lapitan niya ako para sabihin na mahal niya ako.

When I left years ago, I let go of all the possibilities for us. I tried to fix my distorted future I once planned for us. Sinubukan kong pintahan ng ibang kulay ang mga bagay na dapat ay sa kanya... kahit na ang puso ko.

I didn't close my heart for another love. I always thought I deserve better. But... how can I open myself again if I didn't totally close my heart to her?

Siguro ay hindi pa sapat ang sakit na naranasan ko sa kanya para magkusang-loob ang puso kong itakwil siya. So... I took the risk again.

But I think... this is the last time I will do it.

I just prayed for a light, but she gave me the moonlight.

"Why are you crying?" tanong ni Art. "What did your Dad say?"

I sniffed. "Guess... what?"

"What?"

I smiled as I wiped my tears.

"I will stay here for good..." I said.

She was the reason why I left and also the reason why I came back.

She's still the reason why I stayed.

I couldn't keep my eyes on my laptop. Nakatingin ako kay Riza na pilit tumitingkayad para ilagay ang mga abubot sa Christmas tree na dinala niya sa office ko.

"Do you need help, baby?" I asked, holding my laugh.

"Nah. I got this..." Nakapamaywang na humarap siya sa akin. Huminga siya nang malalim bago ngumiti. "Okay lang ba itong ginagawa ko, Rik? Did I over decorate it?"

I examined the green Christmas tree my fiancée carried herself into my office. I don't see anything special aside from it was built by the most special person in my life. It sounds corny but that's the truth.

"It's mood changing..." I smiled.

"Is that a good thing?" she winced.

I sighed deeply. Tumayo saka lumapit sa kanya. Nakatingala siya sa tuktok ng Christmas tree na hindi niya maabot. Hawak niya ang star na sa tingin ko ay ilalagay niya roon.

Yumuko ako saka siya binuhat. Napatili siya sa gulat. Nakasabunot ang isa niyang kamay sa buhok ko at ang isa naman ay inaabot ang tuktok ng Christmas tree.

"Higher!" she demanded.

Mas tinaas ko siya para maabot ang tuktok ng Christmas tree. It still baffles me how she carried this huge tree alone. Kahit na gawa lang naman ito sa plastic. Gulat na gulat ako kanina nung bigla siyang kumatok at pagpasok ay hirap na hirap sa pagbubuhat nito.

"Hindi ka ba tinulungan ng mga guard?" tanong ko.

"They offered me a hand, pero magaan lang naman. Done!"

Matapos niyang maisabit ang star ay bumaba rin siya sa pagkakahawak ko. Gano'n pa man ay hindi ko inalis ang nakalingkis kong braso sa kanyang bewang.

"Malapit na ang pasko..." she whispered.

Napatingin ako sa kanya. She was smiling while staring at the Christmas tree. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya saka dinampihan ng halik ang kanyang pisngi.

"Our first Christmas together..." I whispered to her ear.

Humarap siya sa akin. "Hindi pa ako nakapag-shopping ng gifts, Rik. Siguro ay sa weekend na lang. Busy ka ba no'n? Baka naman puwede mo akong samahan?"

"Sure!" I kissed her lips. "I will clear my schedule for that day. But I don't think you will just shopping the whole day. So... kailangan nating sulitin."

Humalakhak siya. "Sira!"

"Kidding. Sure!"

She smiled. "Thank you!"

"Baby..." I smirked. "May problema ka pa."

"Huh?"

"Mom wants to meet you and your family."

Nakita ko ang panlulumo sa kanyang mukha. Hinawakan ko ang pisngi niya at malumanay na hinaplos 'yon. Natawa ako nung biglang tumulo ang mga luha niya.

"S-seryoso ba, Rik?"

I nodded. "Yep. She called me last night."

"H-hindi na siya galit sa akin?"

Umiling ako. "Not anymore..."

When Riza declined my Mom's favor, we never heard a word from her again. Ito ang unang pagkakataon na kinausap niya kami uli. Kahit naman na magalit siya dahil pinili ako ni Riza ay wala naman akong magagawa roon. It won't change the fact that the love of my life finally wants to settle down with me.

Napakurap ako nang halikan ako ni Riza sa panga. Gumapang naman ang kamay niya sa aking dibdib at pataas sa aking leeg. Isang simpleng paghawak at nabuhay ang katawan ko.

She really knows how to catch me off guard!

Siniil ko siya ng halik kaya napasandal siya sa pinto. I took that chance to lock the door. Saka ko siya hiniga sa sofa. Dali-dali kong hinubad ang aking coat saka pumatong sa kanya para muli siyang halikan.

"Rik..." She breathed as I kissed her neck. "I will win your Mom back for you. Gusto kong maramdaman niyang mahal na mahal kita kaya ko nagawa 'yon. I don't regret anything, I just want her to understand me."

Natigilan ako sa paghalik sa kanyang leeg. Hinarap ko ang mukha niya. Nakangiting dumadausdos sa kanyang pisngi ang mga luha.

"Ayokong iwanan ang mga taong mahal natin para lang maging masaya tayo. Gusto kong sumaya tayo sa paraan na walang inaapakan na iba."

"You already won her heart when you chose me, baby..." I whispered.

Mom was so excited when she called me last night. She badly wanted to meet my fiancée. Gusto ko lang naman pakabahin si Riza kasi ang cute niya kapag hindi mapakali.

We are engaged and we have talked about our wedding already. We have plans, but we don't have a date just yet. Gusto naming mauna sina Amanda at Migs.

The weekend arrived smoothly. Nagpaalam muna ako kay Riza na sandaling a-attend sa party ni Arthur. His last movie was a blockbuster and so he organized a small celebration. Maliit nga pero bigatin naman ang mga imbitado dahil mga sikat na artista.

"Rik..."

I was busy talking to my father over the phone when someone tapped my shoulder. Hinarap ko si Arthur na may kasamang babae. Nagpaalam muna ako kay Daddy na tatawag na lang mamaya.

"Yeah?" I slid my phone into the pocket of my pants.

"Shreya wants to talk to you," Art said refering to the woman beside him. She looked familiar, malamang na nakita ko na sa billboard. "Maiwan ko na muna kayo. Sasalubungin ko lang ang iba pang bisita."

Art tapped my shoulder before he left.

"Drink?" Shreya offered.

"Thanks. Ulrich, by the way," I introduced myself as I kindly lift a hand. "Ulrich Damian Delgado. Art's friend. I want to say you look familiar, but I think you are an actress."

"Shreya..." Inabot niya ang kamay ko. "Pleasure to meet you, Mr. Delgado."

I nodded as I gulped the drink she offered me. Pasimple kong sinulyapan ang mga kaibigan kong iniwan ko sa table para sagutin ang tawag ni Papa. PJ was busy talking to another friend. Si Chester naman ay nakatingin sa akin at nanlilisik ang mga mata. After he went home from abroad, hindi na niya inalis ang tingin sa akin. He's literally guarding me!

"Anyway..." Naagaw ni Shreya ang atensyon ko. "You are right. I am an actress. Minsan ko na ring nakasama sa trabaho si Arthur."

"I see..." I have nothing else to say.

"May bago kasi kaming project and we are looking for a male lead." Uminom muna siya sa alak bago nagpatuloy. "Baka gusto mong mag-try? You look perfect for the role. Mukha kang businessman. Also, your built."

"Well. I am," I smirked.

Her lips parted. "Really? Do you want to try?"

I chuckled as I put my hands inside the pocket of my pants.

"Acting is not for me," I responded.

"You can try!"

"Uhm. I appreciate your offer, but..." I shook my head. "Plus, I am a busy man. Hindi ko maisisingit 'yan sa schedules ko. Actually..." I took a glimpse at my wristwatch. "I have another schedule after this party."

"Oh. Gano'n ba?" She sounded disappointed. "Sayang naman. But if you changed your mind..." Inabutan niya ako ng business card. "Just hit me up."

"Sure." Tinanggap ko na lang 'yon.

"See you around, Mr. Delgado. Merry Christmas."

Hanggang sa pagbalik sa table ay nakasunod ang nanlilisik na mga mata ni Chester. Agad niyang hinatak ang coat ko nung makaupo sa tabi niya.

"What was that?" he angrily asked.

"Chill, Mr. Megardon!" Inalis ko ang kamay niya sa collar ng coat ko. Saka ako sumandal sa upuan. "Art introduced her to me. I didn't approach her first!"

"Subukan mo lang, Ulrich," pagbabanta pa nito.

Kinuha ko ang business card sa bulsa ko saka 'yon nilapag sa harapan ni Chester. "There. Baka interesado ka..."

He crumpled the business card. "Hindi ka magtatagal dito. May usapan kayo ni Riza." Kinuha niya ang alak nung tangkain ko itong inumin. "You will drive."

"Easy naman, bayaw. Hindi ko naman paghihintayin kapatid mo. Takot ko lang..." Iritang inusog ko ang upuan ko palayo sa kanya. "I am just waiting for her text."

"Siguraduhin mo lang..."

I shut my lips when I saw Arthur walking towards us. Pero hindi siya ang dahilan kung bakit natikom ang bibig ko. He was with a person I haven't seen for a long time now. Not like I even want to see him again.

"Guys..." Art playfully chuckled. Inakbayan niya ang lalaking kasama na hindi man lang makatingin sa amin. "I want to introduce someone, if you wouldn't mind."

"Rol!" Mabilis na tumayo si PJ saka hinarap si Rol. Mabigat na tinapik niya ito sa likod. "Bro, what happened to you?"

"I am recovering..." tipid na sagot ni Roland. "Kumusta kayo?"

Pinagkaguluhan siya nina Chester, PJ at Arthur. Nung mawaglit sa akin ang atensyon ni Chester ay pumuslit ako agad ng alak at diretso 'yong ininom.

"Nadali ka talaga niya 'no?" dinig kong sabi ni PJ.

"Oo, eh." Tumawa si Roland.

I cleared my throat. "I have to go."

Napatingin sila sa akin. Tumayo na ako at kinuha ang cell phone ko. Susunduin ko na lang si Riza sa work niya kesa sa maghintay ako rito. Saka ayoko na ring magtagal dahil mapadami ang inom ko.

"Art..." Chester shook his head.

"Tangina talaga. Ewan sa inyo!" padabog na umalis si Arthur.

"Sorry. Nakagulo yata ako?" Nahihiyang ngumiti si Roland.

"Past is past na kasi!" pagpaparinig naman ni PJ. "Para naman tayong walang pinagsamahan niyan. Ang tatanda na natin, oh. Si Chester baka may anak na—"

"Shut up, Jae!" bulyaw ni Chester.

Hindi na ako nagtagal pa. Kahit na wala pa silang balak na paalisin ako ay umalis na rin ako. I texted Riza that I will pick her up. Pauwi na rin naman pala siya.

Madiin ang pagkakahawak ko sa manibela. How dare he show up like that? Like nothing happened? Yes, PJ is right. It's all in the past. That's why I don't want it here now.

When he left that day, I cut my tie with him.

I collected my thoughts when I saw my girl standing on the waiting shed. Agad na napansin ko ang isang lalaking nakatayo rin sa tabi niya. Bumali ang leeg ko nung makitang dumikit ito kay Riza.

I don't even know if that was intentional, but my guts refused to believe it wasn't.

I hit the horn of my car hard. That startled Riza, but didn't even flinch the guy beside her. Lumabas ako ng sasakyan saka sila agad na nilapitan.

"What's wrong?" I asked Riza.

"N-nothing..."

Tumingin ako sa lalaki. "Are you hitting on my girl?"

"Rik..." Hinawakan ni Riza ang kamay ko.

Tumalikod ang lalaki saka nagmadaling umalis.

"Are you okay, Rik?" tanong ni Riza.

Sa halip na sagutin siya ay pinagbuksan ko na siya ng pinto. Pagkapasok niya sa loob ay agad akong umikot sa kabila. Nagmaneho ako nang hindi siya nililingon.

"If you are not in the mood—

"I'm fine..." I said as I turned right. "Na-bad trip lang."

To calm myself, I held her hand with my other hand. Hinaplos ko ang kamay ni Riza. Nakatulong naman 'yon para kumalma ako lalo na nung hinaplos niya ako pabalik.

I sighed. "I'm sorry. Am I ruining your mood, too?"

"Not at all. What happened?" she asked.

I shook my head. "Roland showed up."

"Oh..." She squeezed my hand.

Kung alam ko lang na inimbitahan din siya ni Arthur ay hindi na sana ako sumipot. Gago rin ang lalaking 'yon, eh. Alam naman niyang ayokong makita si Roland.

We went to the mall to help my fiancée buy gifts. Tuluyan nang nalusaw ang galit ko lalo na nung malingat ako sandali at nahuli ko si Riza na nakatingin sa malaking unicorn na stuffed toy.

A smile formed on my lips. Binitiwan ko muna ang cart para lapitan siya. She looked so cute. Titig na titig talaga siya sa stuffed toy.

"Sophie would love this!" she said, thrilled.

I chuckled. "Oh, really, baby? Bakit parang mas gusto mo 'yan sa kwarto mo?"

"Tanga!" Hinampas niya ang balikat ko. "Pero mukhang mahirap i-giftwrap, tingin mo?"

"It has a box, I think..."

Tumawag ako ng staff para magtanong. Habang kinakausap si Riza ng staff ay sumandali akong kumuha ng candy sa stall. Nakakahiya namang makipag-usap nang amoy alak ako.

"We can wrap it for you, Ma'am," I heard the staff said when I returned. Napatingin sa akin ang babae. Nailang na umiwas siya ng tingin. Napansin 'yon ni Riza.

"Never mind. I will get it," Riza said.

"Kukunin niyo na po ba? We offer delivery, too."

"For what? To get our address?" sarkastikong sabi ni Riza.

Napakurap ang babae. "Ano po?"

Inakbayan ko si Riza.

"For delivery, please?" I asked, politely.

Nakasimangot si Riza habang binibigay ko ang address ng condo ko. Doon na rin kasi tumutuloy si Riza. We are planning to build our own home soon.

"Kanina ka pa niya tinitingnan!" pagdadabog ni Riza habang naglalakad kami para maghanap ng ibang puwedeng bilhin. "Halos mabali na nga ang leeg niya kanina nung mawala ka, eh!"

Tinikom ko na lang ang bibig ko kahit na natatawa ako. Baka kasi kapag nagsalita ako ay mas lalo lang siyang mainis. Hindi ko naman alam na tinitingnan pala ako nung babae. Wala rin naman akong pakialam.

Natigilan ako sa pagtulak ng cart nung bigla siyang humarap sa akin. She crossed her arms on her chest. Madilim ang tingin niya sa akin kaya napalunok ako.

"Bakit ang tahimik mo? Iniisip mo ba siya?"

"Baby naman..." Sumimangot din ako. Malumanay ang mga salita ko para hindi na lumala pa ito. "Kailan ka pa naging selosa? That girl is just doing her job."

"Job? She's literally flirting with you!"

"She's just being professional. Gano'n ka rin naman sa trabaho, hindi ba?"

She drew a deep breath. Saka siya lumapit sa akin. Pumunta siya sa harapan ko at siya ang humawak sa cart. Ako naman ay sumandal sa kanya saka rin hinawakan ang cart.

"Sorry. Kanina ka pa kasi tinitingnan ng mga babae..." bulong niya. "Before you even tell me to ignore them, I already did try. Pero... nakakainis lang kasi."

I rested my chin on her shoulder. "Pero sa 'yo lang naman ako nakatingin. You always have my eyes, baby."

She exhaled. "Okay. Pero tama na 'to. I don't want to stay here anymore."

Napakamot ako sa ulo. Bakit ako pa ang napasama?

Napatingin ako sa maliit na stuffed toy na unicorn. Pasimple ko 'yong kinuha. Habang nakapila si Riza sa ibang counter ay nakapila naman ako sa isa pa. Hindi niya ako pansin dahil nakatutok siya sa cell phone.

Halos sabay lang kaming nakabayad. I was planning to pay for everything, but I have a better plan. Hindi naman nasusuyo ang babaeng 'to sa pera lang, eh.

For fuck's sake, why is it my fault? Hindi ko naman kasalanan kung may napapatingin sa akin. But then, I felt that too earlier. When I saw a stranger standing near her.

Pagkatapos naming mailagay sa likod ng sasakyan ang mga pinamili ay agad na pumasok sa loob si Riza. Hindi niya pa rin ako kinikibo. Nakangiting kinuha ko ang isang paper bag saka pumasok na rin sa loob.

"I'm hungry. Hanap lang ako—"

"I want to go home..." she cut me off.

I sighed. Nilabas ko ang unicorn na stuffed toy mula sa loob ng paperbag. Agad kong napansin na napatingin sa akin si Riza. Kinandong ko ang laruan saka na rin nagmaneho.

"Gutom na kasi si Unicorn, eh," bulong ko.

"Rik..."

"Uhmm?"

"Para sa akin ba 'yan?"

I took a glance of her. She was pouting her lips. Nakatingin siya sa unicorn stuffed toy na nakakandong sa akin. Hawak ko naman ito gamit ang isa kong kamay kaya hindi mahuhulog.

"Gusto mo ba?" tanong ko.

"Medyo..."

Humalakhak ako.

"Is that a yes?" I asked.

"Gusto ko nga!"

I bit my bottom lip. "Sure. Sa 'yo naman talaga 'yan, eh."

"Thanks!"

"Dahan-dahan sa pagkuha ah? Baka iba ang makuha mo!" biro ko pa.

Just like that, my wife was happy again.

Sobrang babaw ng dahilan kung bakit siya nagalit, pero mababaw na rason din naman ang kailangan niya para mapasaya. Gagawin ko naman ang lahat para lang mapasaya siya.

The day before Christmas eve, my mom has arrived. Si Mr. Megardon at Chester ang kasama kong sumundo. Nagpaiwan si Riza kay Ate Sarah dahil sila ang naghahanda sa bahay nila. Natawa na nga lang ako dahil alam kong kinakabahan lang siya kaya nagpaiwan.

Si Mr. Megardon ang pumalit sa akin sa pagmaneho nung pabalik na kami. Nasa tabi niya si Mommy. Kami naman ni Chester ay nasa likod habang nakikinig lang sa kanila.

"Aalis ka rin ba agad, Ches?" tanong ko.

"Yep." Tinago niya sa bulsa ang cell phone. "After new year. Uuwi rin ako sa kasal ni Amanda."

Napatingin ako sa harapan nung humalakhak sina Mommy at Mr. Megardon. Alam ko naman na dati pa sila magkakilala. Ayon din kay Chester ay magka-batchmates ang dalawa.

Akala ko ay kasama ni Mommy ang asawa niya pero mas pinili ni tito na magpaiwan na lang. Uuwi rin si Mommy bukas. She really just wanted to see Riza. Speaking of my wife, kanina pa nagv-vibrate ang cell phone. Tinatadtad niya ako ng messages kung nasaan na raw ba kami.

I mentally laughed knowing my wife is probably anxious now.

"Uuwi rin kayo ni Riza mamaya?" tanong ni Chester.


"Yep. We are planning to celebrate Christmas eve together," I responded.

"Rik..."

Napatingin ako kay Chester na sobrang seryoso. Natawa pa nga ako pero nung hindi siya tumawa ay nagseryoso na rin ako. Lagi naman siyang seryoso pero alam kong iba ngayon.

"Thank you..." he said.

"For what?" It suddenly felt awkward.

"For not letting her down. For understanding her..." Huminga siya nang malalim. "Thank you for not giving up on her despite everything..."

"N-no way. You can't make me cry."

He chuckled. "Ikaw na ang bahala sa kanya ah?"

"Shit. With pleasure!"

I always thought Chester was doubting my feelings for his sister. Kasi mas seloso pa siya kay Riza. Ayaw na ayaw niyang nakikita akong may kasamang babae. But hearing these words from him gave me a relief.

Ah. I finally have everything I want in life.

"I will, Chester. I will protect Riza with all my life."

The celebration will be held at Mergadon's. Doon na muna rin tutuloy si Mommy hanggang bukas. Kami ni Riza, gaya ng napag-usapan, ay uuwi rin sa condo ko mamaya.

The excitement pushed a smile on my lips.

Sina Ate Sarah at Tita Marinelle ang unang sumalubong kay Mommy. Nakatago sa likod nila si Riza na nakatingin sa akin. Sumimangot ito nung kindatan ko siya.

"Riza..." Umangat ang mga kilay ko nung tawagin siya ni Mommy. Mas lalong na-tense si Riza nung mapagtano na kailangan na rin niyang lumapit. "Ayaw mo ba akong batiin?"

I bit my bottom lip as I watched my wife came closer to my mom.

Nanigas sa kinatatayuan si Riza nung bigla siyang yakapin ni Mommy. Napangiti ako nung umiyak si Mommy. Nataranta naman si Riza.

"Iwan na muna natin sila..." Inakbayan ako ni Chester saka hinila sa labas kung saan naabutan namin si Migs na nagwawalis. "Oh, Migs. Shot tayo mamaya?"

"Sipag ah?" puna ko rin.

"Wala naman akong magawa, eh." Tumawa si Migs. Nilagay niya ang walis sa gilid bago lumapit sa amin. "Ikaw si Rik, hindi ba? Nakwento ka na sa akin ni Amanda."

That surprised me. "Yep. I'm Ulrich, by the way."

"Miggy..." He shook my hand.

"Mas kilala mo pa yata siya kesa sa akin," pang-aasar ni Chester.

"Hindi naman ako siniraan ni Amanda, 'no?" biro ko.

"Ang pogi mo raw—"

"Migs!" Dumating si Amanda. Padabog niyang nilapitan si Migs. "I told you. Hindi mo kailangang sagutin lahat ng mga tanong nila. Especially about Ulrich..."

"Tinatanong ako—"

"Shut it, Migs." Amanda rolled her eyes. Humarap siya sa akin. "Kinwento lang kita kay Migs para magselos siya kahit papaano. But this guy doesn't know how to feel jealous!"

"That's a good thing, isn't it?" Chester asked, confused.

I laughed. "Can't relate, Ches? Manligaw ka na kasi!"

"I'm busy, Rik."

"Ganito pala kayo talaga rito, 'no?" nakangiting sambi ni Migs.

"What do you mean? Weird?" Humalakhak si Chester.

Migs shook his head. "Hindi. Laging nage-English."

"He understands naman," dipensa naman ni Amanda. "He's learning and I'm proud of him."

Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko sa sofa sina Mommy at Riza. Pareho silang nakatingin sa cell phone. Pasimple akong pumunta sa likod nila.

"I love this one," sabi ni Mommy na ang tinutukoy ay ang puting wedding dress. "But the embroidery is too much, don't you think? I love the style though."

"Actually..." Riza dropped her phone. "I have a stylist friend working internationally. Siya po ang gagawa ng wedding dress ko. Nag-aaral pa lang kami ay 'yon na ang pangarap niya."

"Yep..." Yumuko ako para halikan sa pisngi si Riza. "Pero mapilit kasi 'yang si Mommy, Riza. Gusto niya involve niya sa lahat ng bagay."

"Ulrich!" Mom warned.

"It's fine. Puwede naman silang dalawa ni Cams," nakangiting sabi ni Riza.

I laughed. "Ang bait naman ng asawa ko. Parang hindi ako tinulak sa kama nung isang araw dahil mas gusto niya katabi ang stuffed toy niyang unicorn."

Napadaing ako nung kurutin ako sa braso ni Riza. Umatras ako at nanlumo ang bakat niyang kuko roon. Inirapan niya ako saka nakangiting humarap kay Mommy.

Hindi ko na nakausap si Riza at Mommy dahil buong araw silang magkasama. Hanggang sa hapag-kainan ay silang dalawa lang ang magkausap. Pinagbigyan ko na lang si Mommy dahil solo ko na rin mamayang gabi si Riza.

Pagkatapos ng maliit na salusalo ay nahati ang grupo namin sa dalawa. Magkakasama kaming boys sa isang table at ang mga girls naman sa kabila. Nag-iinuman kami ng alak. I mean... sila lang pala kasi nakabantay ako kay Riza.

Napangiwi ako nung marinig ang halakhak ni Riza. Nilingon ko siya sa kabilang lamesa. Naabutan ko ito nung hampasin niya sa balikat si Mommy na lasing na rin.

"Ano ka ba, Tita? Ikakasal muna kami ni Rik bago mag-anak!"

"Pero wala namang problema kung mauna ang anak!" singhal pa ni Mommy bago tumagay uli. "Imposible namang wala pang nangyari sa inyo ng anak ko, hindi ba?"

Namula ang mukha ko. What the hell?

"Syempre naman, Tita. Pati nga sa office niya—"

"Baby!" Tumayo ako saka lumapit sa table nila. "You are already drunk. Paano na ang Christmas eve natin mamaya?"

Nilingon ako ni Riza. Matamlay na ang kanyang mga mata.

"Rik. Your Mom is asking me if we already had sex—"

"Let's go home..." I cut her off.

"Iuwi mo na nga, Ulrich," pagpayag din ni Amanda. "Nagkakalat na, eh."

"Where is my sister?" tanong ni Riza.

"Nauna na," sagot ni Amanda. "Umuwi na rin kayo."

"Tita..." Riza cried. Niyakap niya si Mommy. "Mahal na mahal ko po si Rik. Sana huwag niyo siyang ipakasal sa iba."

"Honey..." Mom laughed. "You are going to marry my son."

Humagulgol si Riza.

"Tara na nga..." Inakay ko si Riza sa aking balikat. Bumaling ako sa kanila. "Mauna na kami. Lasing na 'tong kasama ko, eh. Merry Christmas!"

Hirap na hirap ako sa pag-alalay kay Riza.

I heard her chuckle. "Love ako ni Mommy mo, baby..."

Hindi ako kumibo. Inalalayan ko siyang makapasok sa loob ng sasakyan ko saka ako umikot sa kabila. Naabutan ko siyang nakatingala. Inayos ko ang seatbelt niya.

"Really, Riza? Akala ko ba gusto mong i-celebrate ang first Christmas eve natin? We have plans, right? Tutulugan mo lang ako, eh!"

"I love you..."

I sighed. "Merry Christmas, baby..."

She cried.

"Fine. I love you, more!" I chuckled.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho nung biglang magsuka si Riza. Gano'n pa man ay hindi ako huminto. Hinampas niya ang balikat ko pero hindi ko siya nilingon.

"I'm driving, Riza."

Napasinghap ako nung maramdaman kong hinawakan niya ang buhok ko.

"Nagsuka ako, Rik."

"I can smell it."

"Hindi kaya buntis ako?"

"Lasing ka."

"Mainit din pakiramdam ko."

"Normal 'yan..."

"Baka buntis ako!"

"Nagsuka rin naman ako nung lasing, pero hindi naman ako buntis."

"Tanga!"

"Baka nga buntis ka?"

"Ayoko pa!"

"Hala ka. Buntis ka yata, baby?"

She cried. Then, she started to suggest names for our baby.

"Ulfur?" she said. "Ulrich."

Humalakhak siya.

I carried her up to our condo and I watched her sleep.

That's how I spent my Christmas eve. Just... staring at my wife.

This is going to be my view every day now.

I couldn't ask for more.

She is the most breathtaking scenery... just for me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro