Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9: One Day

I thought I had already experienced the worst kind of cold inside the examination room earlier, but not really. I couldn't move anymore now that I am in a completely different room – The SSG President's Office.

I ended up inside Ulrich's office.

Nakaupo ako sa sofa, magkasalikop ang mga kamay at pilit na pinapatahan ang kabang patuloy na nabubuo sa loob ko. Hinihintay ko rito si Ulrich dahil pinasa muna niya ang mga test papers namin.

Shit. I really cheated. Tangina naman kasi! Kung walang kokopyahan ay hindi naman ako mangongopya!

Okay. Kalma, Rizaline.

The sudden creak of the door came as a bolt from the blue. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa sobrang kabado. I was expecting Ulrich but Vice Hailey came in.

Tumingin muna siya sa bakanteng desk ni Ulrich bago bumaling sa akin. She stared at me full of confusion.

I stood up to greet her. My fists were wildly quivering, so I had to clench them.

"Where's President Delgado?" she asked.

"Ah. M-may pinuntahan po sandali."

Tumango naman siya. "Uhmm. May I ask why are you here?"

Napakapa ako ng isasagot. "I forgot to wear my ID for the second time..."

Her expression got even more muddled.

"Why here, then? Bakit hindi sa SSG Office?" tanong pa nito.

Hindi na ako nakasagot. Aba malay ko ba kay Ulrich.

Umalis din agad si Vice Hailey. Bumalik ako sa pwesto.

Kinapa ko sa bulsa ang kodigo ko. It's still here. I must get rid of the evidence as soon as possible. Walang dapat na makaalam sa nangyari. Not even my best of friends. As in... no one should know.

My eyes darted at the trash bin beside Ulrich's desk.

I shook my head. Not here.

Napaayos ako ng upo nung bumukas ang pinto. Iniluwal nito si Ulrich na may hawak pang bote ng tubig na hindi pa nababawasan. Dumaan siya sa harapan ko para ipatong 'yon sa ibabaw ng kaharap kong semi-circular glass table.

Saka dumiretso siya sa desk niya at umupo.

Nilakasan ko ang loob kong bumaling sa kanya. He was casually sitting on his swivel chair while unbuttoning the first few buttons of his white polo shirt. May iilang butil pa ng pawis na namuo sa kanyang noo.

I gulped. What am I doing here? Miss Hailey was right. Kung may nalabag man akong rule ay sa SSG Office dapat ang bagsak ko, hindi sa mismong office ng president!

"I've already warned you, Miss Chavez." Nakuha ni Ulrich ang atensyon ko. Kumuha siya ng tissue at nagpunas no'n sa kanyang noo. Marahan na hinawi niya ang mga butil ng pawis doon.

I swallowed. Walang katagang lumabas sa bibig ko.

"What are you planning to do now?" he asked.

"Nasa bag ko naman po ito—"

"Bag na ba ang nagsusuot ng ID ngayon?" panunuya nito.

Tumayo si Ulrich at nilapitan ang AC. Nilakasan niya pa 'yon. Pansin kong namumula ang pisngi nito at dibdib. Malamang na dahil sa init ng panahon.

Suminghap ako nung umupo siya sa tapat kong sofa.

He was casually sitting in front of me, cross-legged, while I was sweating hard even though it's freezing here. I just know he was enjoying seeing me anxious like this.

"Where's your bag?" he asked next.

"Nasa locker po—"

Natigilan ako nung bigla siyang yumuko sa direksyon ko. Pinatong niya ang mga siko sa binti, magkasalikop ang mga kamay at taimtim na nakatingin sa akin.

"Come again?" The raspiness of his voice added more pressure to his question. "Where's your bag, Miss Chavez?"

Napalunok ako.

"Nasa locker..." simpleng sagot ko.

There was a glimpse of smirk on his lips. Muli siyang sumandal sa sofa. Bumuntonghining ito bago tumingala sa kisame kung saan may umiikot pang fan.

Hindi dapat, pero hindi ko napigilang punain ang kanyang posisyon. Mula rito ay kitang-kita ang porma ng kanyang panga at ang hugis-bato sa kanyang lalamunan.

"Hindi na ito mauulit pa, President." May halo ng pagsusumamo sa boses ko. "Promise, last na 'to. Masyado lang akong kabado dahil sa exam kaya nakalimutan ko itong isuot."

That's right though. Sa sobrang pag-iisip ko sa exam ay nakalimutan ko na ang iba pang bagay. Ni wala nga akong naintindihan sa mga nauna kong subjects ngayong araw.

"How's the exam?" he asked.

Tinago ko sa gilid ang mga kamay kong nanginginig. Tumikhim ako at suminghap.

"I am hopeful..." I told him.

"Really?" Tumagilid ang ulo niya sa direksyon ko.

What?

"I studied hard."

Ulrich nodded. "I see..."

"I will pass."

Napansin kong sinulyapan niya ang bote ng tubig sa harapan ko. Hindi ko pa rin 'yon ginagalaw. Malay ko bang sa kanya 'yon o sa akin. Hindi naman niya sinabi.

Bumaling si Ulrich sa wall clock. Hindi ko rin naiwasang hindi mapatingin doon. Alas dos na pala. Hindi pa rin ako nakakain ng lunch.

"Foundation week. High School Ball. Recollection. Graduation Day," he enumerated all the remaining celebrations before our graduation day. "Being the president of the Student Government is not easy. Lalo na kung maraming pasaway..." Saka niya ako pinanliitan ng mga mata.

"I'm really sorry. Hindi na 'to mauulit."

"Our SSG secretary is still sick," he suddenly mentioned.

What about it?

Natikom ang bibig ko. Hindi ko gusto kung saan papunta ang usapan na 'to.

"That's sad..." sabi ko na lang.

"Really." Tumayo si Ulrich. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at nag-type roon.

Nakatingin lang ako sa kanya. Kahit papaano ay kumalma na ako. Gano'n pa man ay gustong-gusto ko nang umalis dito. I am not safe as long as the evidence is still with me. I need to burn it into ashes.

"Okay..." He placed his phone on the top of his desk. Saka siya umupo sa swivel chair. Binuksan niya ang kanyang laptop at doon na nagtuon ng atensyon.

What? Hindi niya pa ba ako paaalisin?

I cleared my throat. "Pwede na ba—"

"No."

Nagtugma uli ang mga labi ko.

"May next subject pa ako. If you want to punish me, you can do it later."

I was about to stand up when someone knocked on the door. Pumasok si Roland at dumiretso sa center table. Nilapag niya roon ang mga pagkain.

Napatingin siya sa akin. Iyon lang. Hindi niya man lang ako binati o ano. Pagkatapos niyang ihain ang mga pagkain sa lamesa ay umalis na rin ito agad.

Kumalam ang sikmura ko sa amoy ng mga pagkain. May chicken, rice, pizza, spaghetti, lasagna, fries, fruit shake at iba pang hindi ko na masundan pa.

Tumayo si Ulrich. Tuluyan na niyang inalis ang kanyang school uniform. Pinatong niya ito sa likod ng swivel chair. Nakasandong puti na lang ito nung bumalik siya sa sofa sa harapan ko.

I was just watching his every movement, or maybe admiring, too.

Kumuha siya ng dalawang plato at nilagay ang isa sa harapan ko. Nilapit niya rin sa akin ang isang fruit shake. Saka na siya nag-umpisang kumain.

Umiwas ako ng tingin. Kumakalam na ang sikmura ko.

"Ayaw mo ng tubig na binigay ko, pati ba naman 'to?" aniya.

Napatingin ako sa kanya. Tamad itong nakatingin sa akin.

"Why are you making it so hard for me to befriend you, Riza?"

Kumabog ang dibdib ko sa huling tinawag niya sa akin. Ito ba ang unang beses na tinawag niya ako sa aking pangalan? Hindi aking apelyido o ang buo kong pangalan... just Riza.

Bumagal ang pagnguya niya nung hindi pa rin ako kumilos.

Kinuha ko ang plato at yumuko para maglagay ng mga pagkain dito. Kumuha ako ng isang chicken at isang rice. Sumimsin ako sandali sa fruit shake bago kumain.

Sobrang naiilang ako pero sobrang sarap din ng pagkain. Nakalimutan ko ngang kasama ko si Ulrich. Basta ang alam ko lang ay busog na busog ako habang umiinom ng fruit shake. Hindi ko pa napigilang dumighay.

Tumingin ako kay Ulrich. Nagpupunas siya ng tissue sa bibig. Napatitig ako sa mga basa niyang labi. Parang sobrang lambot ng mga 'yon. Pinanuod ko siyang ilagay roon ang straw ng fruit shake, ang mahina niyang pagkagat sa straw at pagtaas ng kanyang adam's apple.

"Are you done?" he asked.

Napakurap ako. "Huh? Ah! Yes."

"Are you done staring at me?"

Pumula ang pisngi ko. Hindi na ako nakapagsalita.

His phone on the desk beeped. Tumingala uli si Ulrich sa wall clock. Nakita kong ngumiwi ang kanyang mga labi, tila hindi nagustuhan ang natanaw.

"Mukhang may trabaho ka na, President," puna ko.

"Yeah."


"Sige na—"

"Huwag mo akong utusan."

Natikom ang bibig ko. Hindi ko naman siya inuutusan ah?

Ulrich frowned. Tumayo ito at lumapit sa kanyang desk. Naglagay ito ng alcohol sa mga kamay bago sinuot uli ang kanyang polo uniform.

Bahagya akong lumapit sa kanyang desk. "Penge..." Saka ako naglagay ng alcohol sa mga kamay.

"Your exam result is tomorrow," aniya.

Tumango ako.

"So..." Huminga siya nang malalim. "I need to go now."

Tumayo na rin ako. "Salamat sa pagkain."

"Pag-isipan mo ang dalawa kong sinabi."

Umawang ang mga labi ko. Magtatanong pa lang sana ako pero agad na itong lumabas. Naiwan ako sa kanyang office, tulala at gulong-gulo.

Anong dalawang sinabi niya?

Pagkatapos sa office ni Ulrich ay dumiretso ako sa locker room para kunin ang aking bag. Sinuot ko agad ang ID ko saka pumunta munang CR.

I was brushing my hair when a woman stepped in. Dumiretso sa tabi ko si Amanda. Naghugas siya ng mga kamay bago tinapat 'yon sa hand dryer.

Hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko ang cell phone ko para i-text si Cams. May thirty minutes bago ang next subject namin kaya malabong nasa room na siya.

"How's the party?" Amanda suddenly asked. Naglalagay siya ng kulay sa kanyang labi. Pinatunog niya pa ang mga 'yon bago yumuko at binalik ang lipstick sa bag.

I cleared my throat. "It was fun."

"Did you fuck Ulrich?"

Nagpantig ang mga tainga ko kaya hindi ko napigilang mapaharap ako sa kanya. "Ganyan ba kadumi ang utak mo?"

"Nope. Hindi gano'n si Ulrich. " She glanced at me. May mapang-asar na ngiti sa kanyang mga labi. "But who knows? Ikaw ang kasama niya."

"I'm not like you," I said.

"Ew. Don't even compare yourself to me," pagtataray nito.

"True. Hindi ako desperadong tulad mo. Imagine begging for a man's attention? I could never."

From our reflection in the mirror, I watched how her hair swayed when she abruptly turned to me. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago natawa.

"Dukha..." aniya.

Hindi na lang ako kumibo.

Pinasok ko na uli sa bag ko ang mga gamit ko. Ayoko nang makipagtalo pa. Hindi ko siya pinatulan sa party, mas lalong hindi ko siya papatulan dito. Nag-alcohol pa lang ako ng mga kamay.

"Isa si Daddy sa mga shareholders ng school na 'to." She dramatically drew a deep breath. "If I want to get rid of you, I can. Kaya huwag mo akong babanggain, Rizaline."

"Hindi naman kita binabangga. Ikaw ang paulit-ulit na humaharang sa daan ko."

"Watch how you talk..." Tumalim ang kanyang boses.

I just chuckled.

Sinuot ko na ang back pack ko. Pinitik ko pa ang bagong suklay kong buhok. Tumalikod na ako at aktong lalabas na nung bigla niyang hinila ang buhok ko.

Hindi ako palaban na babae, pero hindi ako pumapayag na saktan lang ako. Hinarap ko siya at sinabunutan din ang buhok niya. Napangiwi ako nang sipain niya ang binti ko.

"Malandi ka! Mang-aagaw!" sigaw niya.

"Wala akong inaagaw sa 'yong tangina ka! Masyado kang mapang-angkin!"

Narinig kong may sumigaw na babae. "Help! May nagsasabunutan sa CR!"

Shit. Gulo na naman.

"Hindi papatol si Ulrich sa dukhang tulad mo!"

"Wala akong pakialam sa 'yo at sa opinion mo!"

"You bitch. Gold digger!"

Ginamit ko ang buong pwersa ko at tinulak si Amanda. Napaupo ito sa sahig. Gulat ang kanyang mga mata. Nakita kong inumpog niya ang kanyang ulo sa wall.

"Ouch! My head!" she screamed.

"Shit." Nakita kong nilapitan ni Chester si Amanda. Lumuhod ito para hawakan ang ulo ng kanyang kapatid. "What the fuck is happening here?"

"K-Kuya..." Humagulgol si Amanda.

Chester turned to me. Halatang gulong-gulo ito sa mga pangyayari.

"Tahimik lang akong nagsasalamin tapos bigla akong sinugod ni Riza!" Mas lalong lumakas ang hagulgol niya. Kulob dito kaya nakakarinding pakinggan. "Sinabunutan niya ako tapos inuntog sa wall."

"Rizzie!" Dinaluhan ako ni Cams. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Shit. May dugo ka sa labi."

"I'm fine..." Hinawi ko ang kamay niya.

Bumaling si Cams kay Amanda. "Tangina talaga ng babaeng 'to. Hayop ka!" Bago pa man niya masugod si Amanda ay napigilan na siya ni PJ.

"Dalhin muna natin sila sa clinic," suhestyon ni PJ.

"Kuya... baka magka-amnesia ako," iyak na sabi ni Amanda.

Tumango si Chester. Inakay niya si Amanda. Sa pagkakaalam ko buhok at ulo niya ang may tama, bakit paika-ika siya ngayon na animo'y binatuta sa binti?

"Hey. Alalayan na kita," prisinta ni PJ.

Umiling ako at nagkusang pumunta sa clinic nang walang nakaalalay. Sobrang dami palang nanunuod sa amin. May iba pa ngang nakatutok sa amin ang camera ng phone nila.

I don't like this. Shit. Ang hilig kasing humarang ng babaeng 'yon!

Si Cams ang nag-alaga sa akin dahil ang dalawang nurse namin ay busy kay Amanda na hanggang ngayon ay iyak pa rin nang iyak. Maging nga si Chester ay naiinis na rin e.

"Can you hush now, Amanda? Ginagawa na ng mga nurse ang trabaho nila."

"What? She pushed me! Nabagok ang ulo ko sa pader!" dinig kong sigaw ni Amanda.

Cams chuckled. "OA ang gaga. Dapat tinodo mo na, Rizzie."

"I didn't push her. Siya mismo ang nag-untog sa ulo niya sa pader," pagtatama ko sa kasinungalingan ni Amanda.

Napangiwi ako nung humalakhak si Cams. Napatingin sa amin ang iba pa.

Nilapitan ako ni Chester. "You okay?"

Tumango lang ako.

Hinawakan niya ang sugat ko sa leeg. Nakalmot ako ni Amanda. Hindi ko nga ito naramdaman. Nagtaka na lang ako nung nilalagyan ako ng band-aid ni Camila.

"What do you mean I am fine? I am not!' sigaw uli ni Amanda.

"I know you are not fine, Miss Megardon. Pero hindi po nabagok ang ulo niyo. Nagkabukol lang—"

"I don't care! Naumpog pa rin ako sa wall!"

"Amanda..." May pagbabanta sa boses ni Chester.

"Hindi ko ito palalampasin. Malalaman 'to ni Mommy!"

"Shit." Mabilis na nilapitan ni Chester si Amanda. "Stop now, Amanda. Maliit na bagay lang palalakihin mo pa. Mapag-uusapan naman 'to."

"No, Kuya! Isusumbong ko siya kay Mommy!"

"Tangina naman, Amanda. Hindi ka ba nahihiya? Para kayong mga batang nag-aaway. Tapos sasabihin mo pa 'to kay Mommy? Ano na lang iisipin niya?"

"Huh. Gusto kong mapaalis si Riza sa school na 'to."

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Imbes na dumiretso sa room ay umiba ako ng daan.

If what Amanda said was true then.. I'm fucked.

Hindi ko na dapat siya pinatulan pa. Pero... hindi ko naman talaga siya pinatulan. Paalis na ako nung hilahin niya ang buhok ko. Malamang na gaganti ako!

Pareho lang naman kaming may mali pero ang pinagkaiba lang namin ay may magtatanggol sa kanya. May poprotekta sa kanya kasi may pera sila.

How about me?

Wala! Normal na estudyante lang ako rito. Wala akong kapit sa mga nakatataas.

Tangina naman. Kahapon exam lang ang pinoproblema ko tapos ngayon pag-aaral na. Mukhang mapapatalsik pa yata ako sa school na 'to.

Kinakabahan pa ako na baka si Ate Sarah ay madamay pa.

Hindi na ako pumasok sa mga sumunod na subjects. Umuwi na ako sa bahay. Nakapagpalit na ako lahat-lahat nung maalala ko ang kodigo ko.

Mabilis kong kinapa 'yon sa bulsa.

Wala.

Kinapa ko sa kabilang bulsa. Buti na lang doon ko pala nailagay.

To finally end my worries, I lit up the paper. Pinanuod kong tupukin ito ng apoy hanggang sa maging abo na lang ito. Sa wakas... wala ng ebidensya na nandaya ako sa exam.

Pagkauwi ni Ate Sarah ay agad niya akong hinarap. Ang buong akala ko ay galit ito pero agad niyang sinuri ang katawan ko kung may sugat ba ako.

"Oh, my God! I was worried!" Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. "Gusto kitang puntahan pero hindi ko maiwan ang trabaho ko. I'm relieved you are safe."

Doon na pumatak ang mga luha ko. Niyakap ko siya nang mahigpit.

"I-I'm sorry, Ate..."

Ate Sarah faced me. "Huh? For what?'

Lumunok ako. "For being such a failure."

"Oh, baby sis. Don't say that."

I shook my head. "It's fine, Ate. Alam ko naman e."

Muli niya akong niyakap nang mahigpit.

"A-Ate... manganganib ba ang pag-aaral ko?" kinakabahan kong tanong.

Hinila muna ako ni Ate Sarah paupo sa sofa. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinawi roon ang mga luha. Saka siya ngumiti nang matamis.

"Ako ang bahala..." aniya.

Kumunot ang noo ko. "Huwag ka nang makialam, Ate. Baka pati ikaw ay madamay sa akin."

"Listen, Riza." Seryoso akong tinitigan ni Ate Sarah. "Hindi ka nila mapapatalsik sa school. Ako ang bahala. Hindi ka nila mahahawakan."

"Pero—"

"I will do everything to protect you, Riza."

Napatitig na lang ako sa kanya.

She smiled at me.

"Trust me..." she whispered.

Wala sa sariling tumango ako.

"I love you, Ate..."

"Oh, my baby sis. Love ka rin ni Ate. Sobra."

Napangiti ako.

I will make you proud one day.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro