Chapter 8
Chapter 8: Exam
Pasado alas onse na rin ng gabi nung natapos ang party. I spent the whole time inside Ulrich's freezing room. Ginawa ko ang lahat para hindi makatulog kahit na tulog na tulog na ang katawan ko.
"I can't go home like this," nakangiwing sabi ni Cams habang nakasandal sa bench. Narito pa rin kami sa tabi ng pool at hinihintay si Jessie na nagla-live pa rin.
Malinis na ang swimming pool na ngayon ay pinapalitan na lang ng tubig. Tahimik na ang paligid. Wala ng bakas na may nangyaring kaguluhan.
Camila frowned. Yumuko ito sa kanyang tuhod.
I rolled my eyes. "Saan ka ba kasi galing?"
"Please, not now. Masakit ulo ko..."
"Coffee?" PJ arrived here, too.
He was wearing a white sleeveless shirt and gray shorts. May dala siyang dalawang tasa ng mainit na kape. Bagong ligo ito base sa basa niyang buhok.
Umangat ang uli ni Camila. Ngumiti siya kay PJ bago tinanggap ang kape. Pinatong niya 'yon sa gilid bago muling yumuko sa kanyang tuhod.
PJ turned to me. "Coffee?"
Nag-angat ako ng mga kilay. "Saan ba kayo pumunta? Bigla na lang kayong naglaho..."
"Uh..." Tumingin si PJ kay Camila na walang kibo. "Nagpasama lang si Camila."
"Where?"
"Pinanghiram ko siya ng damit sa kakilala ko." Tumuwid uli sa akin ang tingin ni PJ. "Ayaw mo ba ng kape? Kanina pa 'to inaagaw ni Art."
"Nah. Meron na ako." Sumulpot bigla si Art. Humikab pa ito bago umupo sa isa pang bench.
Sa huli ay tinanggap ko na lang din ang kape. Umupo ako sa gilid ni Camila at binaba muna rin ang kape. Nilabas ko ang cell phone ko at sakto namang nakita kong tumatawag si Ate Sarah.
I bit my bottom lip. Tumayo ako at lumayo muna.
"Gabi na, Riza," pambungad niya sa kabilang linya.
Naririnig ko pa ang pagtunog ng keyboard ng laptop niya. She's still working. Napayuko ako. Habang nagsasaya ako rito ay nagpapagod siya sa trabaho.
"Pauwi na ako, Ate. Sorry..."
Nakita kong dumating si Ulrich. Dinaanan niya ako ng tingin bago tinapik ang balikat ni Art. May sinabi ito sa kanyang kaibigan.
"Are you drunk?" Ate Sarah asked.
"I just had a little, Ate. Hindi ako lasing," I told the truth.
What's the point of lying now? The proofs are everywhere!
"Gago ka talaga, Art. Alam mong siya lang ang driver nila Cams at Riza tapos lalasingin mo rin? Tangina nito!" dinig kong sabi ni PJ.
Oh. Damn. Lasing din ba si Jessie?
"Kaunti lang 'yon! Saka wala akong kasamang uminom. Ikaw busy kay Camila, tapos si Ulrich busy kay Riza! Mga hayop, iniwan niyo akong mag-isa!"
"Ako na nga!" dinig kong sabi ni PJ.
"How about Camila?" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig si Ate Sarah sa kabilang linya. May bahid ng pag-aalala sa kanyang boses. "Sino ang maghahatid sa 'yo?"
"Hindi ko pa alam, Ate—"
"Just be safe, Riza. Hihintayin kitang makauwi."
I sighed. "Okay, Ate..."
Pagkababa ng tawag ay nilapitan ko ang mga kasama ko. Humihigop sa mainit na kape si Camila habang tulala lang sa kawalan.
"Ako na ang maghahatid sa inyo," boluntaryo ni PJ.
Tumango naman ako. Kinuha ko rin ang kape ko at humigop. Bumigat ang balikat ko nung sumandal sa akin si Camila.
"Alak pa..." pang-aasar ko.
"Gaga. Uminom ka rin."
"Tanga. Ano niyan sasabihin mo sa Daddy mo?"
"Naks. Balita ko nasa kwarto ka ni Papi Ulrich buong gabi—"
"Art. Matulog ka na," putol ni Ulrich.
Umalis sa pagkakasandal sa akin si Camila. Bumaling siya sa akin. Kumunot ang noo niya at tila may iniisip. Tapos bigla itong ngumisi.
"What?" I asked her.
She just shook her head.
"Oh? Sabi mo bawal akong matulog dito?" gulat na tanong ni Art.
"You can sleep now. Just... shut your mouth."
"Yown! Thank you, Papi!" Aktong yayakapak pa si Art pero lumayo si Ulrich. Humalakhak si Art bago nagpaalam sa amin at nauna nang bumalik sa loob.
"Tara na?" aya PJ.
"How about Jessie?" Camila asked.
"Nasa guest room naman. He can stay here overnight," kaswal na sagot ni Ulrich, nakapasok sa bulsa ng shorts ang mga kamay. "Thank you for attending the party. Be safe."
Camila giggled. Siniko niya ako. "Be safe raw, Rizzie..."
Hindi na lang ako kumibo.
"Sana lang ay pumasa kayo sa exam niyo sa Monday kung meron man." Napunta sa akin ang tingin ni Ulrich. May mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. "Good night. Ikaw na ang bahala sa kanila Jae."
"Sure, Papi!"
I watched Ulrich turned his back and walked away.
I sighed. Sobrang pagod na ng katawan ko.
Binigay ni Camila ang susi ng kanyang sasakyan kay PJ. Una nila akong hinatid sa bahay. Naabutan ko sa sala si Ate Sarah na tutok pa rin sa laptop.
"Oh. Buti nakauwi ka na." Dumiretso siya ng pagkakatayo at inalis ang reading glasses. May ngiti sa kanyang labi. "How's your night, baby sis?"
Pagod na tumabi ako sa kanya. "Why are you still working?"
"Wala naman ito. Para lang may ginagawa ako habang hinihintay ka." Hinarap ako ni Ate Sarah. Napangiwi ako nang kurutin niya ang pisngi ko. "Nag-enjoy ka naman ba?"
I pouted my lips. "Medyo..."
Ate Sarah giggled. Nagkulitan kami sandali bago napagpasyahan na matulog. Bago pumikit ang mga mata ko ay nakita kong umilaw ang cell phone ko.
"Party now, exam later," Ulrich teased.
I was too exhausted to even reply. I set my alarm and slept.
Halos gumapang ako sa kama nung tumunog ang alarm clock ko. Nakapikit pa ang mga mata ko habang nakasandal sa ulunan ng kama at yakap ang mga tuhod.
Humikab ako. Tiningnan ko ang oras sa cell phone ko. 5 a.m. Halos limang na oras lang ang tulog ko pero ayos lang. Matutulog na lang ako nang maaga mamaya. Ang importante ay makapag-review ako.
Sunday. Bukas na ang exam ko kay Miss Dorothea.
Hindi pa gising si Ate Sarah kaya ako na ang nag-ayos sa sarili Naghilamos ako bago naghanda ng pang-agahan. I prepared myself a bowl of cereal and banana. I was eating while scanning my notes.
Lumipas ang ilang minuto, napamura na lang ako.
I felt frustrated. I couldn't focus. Walang pumapasok sa utak ko kahit na ilang beses kong basahin ang mga notes ko at pati screenshots. Just... nothing!
Nooo. I need to do it!
Sa huli ay tinabi ko muna ang notes ko. I decided to jog for a few minutes. Baka sakaling kailangan lang magising ang diwa ko. Pagbalik ko sa bahay ay kagigising lang ni Ate Sarah. Nanlalaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin na umiinom ng tubig.
"W-what's up?" she asked, still surprised.
I shrugged my shoulders. Nagpunas ako ng pawis. That felt good!
"Buti wala kang hangover?" pang-aasar pa niya.
"Hindi nga ako nalasing, Ate." Kinuha ko ang mga notebook ko na pinatong ko sa taas ng ref at nagpaalam kay Ate Sarah na maliligo na.
I took a quick, feeling hopeful that after, I could at least focus on reviewing but it just got even worse. Pumipikit bigla ang mga mata ko dahil sa antok.
Mahina kong sinampal ang sarili. "Wake up, Rizaline. Your future lies here!"
Napatalon ako sa gulat nung tumunog ang cell phone ko. Nakita ko ang pangalan do'n ni Camila.
"Hello?" inaantok na bati ko.
"Sama ka?"
I yawned. "No. I'm busy."
"Geez. True ba?"
I leaned on the headboard of my bed. Tumingin ako sa wall clock. Alas onse na pala ng tanghali. Narinig ko rin na nagluluto na ng pananghalian si Ate Sarah.
"I really can't, Cams. May exam ako bukas."
"Gagi. Oo nga pala." Bumuntonghininga ito. "Sige. Kami na lang ni Jessie."
"What time ba?" tanong ko.
"After lunch... sana."
Madiin akong pumikit. "Sandali lang ah?"
"Sure!"
Sa pagbaba ng tawag ay napapayag niya akong sumama. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Saktong naghahain na ng pananghalian si Ate Sarah.
"Aalis nga pala ako mamaya," biglang sabi ni Ate.
"Me too..."
Umangat ang tingin niya sa akin. "Alam mong hindi ako kailanman naging mahigpit sa 'yo. But that doesn't mean I will let you take your studies for granted. Wala ka bang assignment?"
"I've been doing it the whole week, Ate!" I complained.
Damn. That's true though. Pero wala pa ring improvement sa utak ko. Sa kalagayan ko ngayon ay mukhang malabong makapasa ako.
Ate Sarah sighed. "Mabuti naman. Sino kasama mo?"
"Cams. Jessie. Usual friends." Umupo na ako at naglagay ng pagkain sa aking plato. "Sandali lang naman 'yon, Ate. Uuwi rin ako agad."
Nag-ring ang cell phone ni Ate Sarah kaya nagpaalam muna itong lalabas. Nagkibit-balikat na lang ako at nauna nang kumain sa kanya. Nung tapos na ako ay saka pa lang nakabalik si Ate.
"Are you done?" she asked.
"Yep. How about you?"
Napalingon siya sa akin. "What?"
"Wala. Maliligo na ako, Ate."
Tamad na pumasok ako sa kwarto. Nagiging masikreto na ngayon si Ate Sarah. Baka nga totoo 'yung sinabi ni Teacher Dorothea na may nanliligaw kay Ate Sarah.
I'm happy for her if that's the case. She deserves it. Para na rin hindi na niya maisip ang kolokoy na maraming pinangako sa kanya ngunit kahit isa ay walang tinupad.
Sinundo ako ni Camila. Hindi katulad ko, buhay na buhay ang katawan nito. Pakanta-kanta pa siya habang nagmamaneho papunta sa Mall.
"What really happened last night?" tanong ko.
"Party?" Nagkibit-balikat siya.
"Aside from that?" Nag-angat ako ng mga kilay.
Cams bit her lower lip. Nakita kong gumuhit sa kanyang mukha ang hiya. As if lightning struck me, I've suddenly had a hint but I didn't want to believe it.
Lumunok ako at tinuon sa kalsada ang tingin. No way. I don't think she meant... that.
"How about you and Ulrich?"
"We didn't do anything!" mabilis kong dipensa.
Napasimangot ako nunmg tumawa siya ng malakas. Ano ang inakala niya? Ginawa rin namin kung ano man ang ginawa nila ni PJ?
Err... I still don't want to believe it.
Dumating kami sa food court ng mall na meeting place namin. Sa malayo pa lang ay nakita ko ang mga nagkukumpulang babae. Malamang na nahuli na naman si Jessie ng mga fan girls niya.
"Dito na lang ako." Ayokong lapitan sila.
"Sige. Ako na ang bahala..."
Pinitik ni Camila ang kanyang buhok bago nagpatuloy sa paglalakad.
I sat on the vacant seat as I watched how Camila approached them. Bumaling pa sa akin ng tingin ang kaibigan ko at kumindat.
"Mag hayop! Layuan niyo ang boyfriend ko!"
And... she did it again. Yumuko ako sa lamesa at hindi na lumingon pa. Parang gusto ko na lang tumalikod at umalis na dahil sa kahihiyan.
Naramdaman kong may humatak sa akin. Hawak ni Camila ang mga kamay ni Jessie habang palayo roon. Nakita ko pang nakatutok sa amin ang camera nung mga babae.
I looked away. Alam naman nilang nagloloko lang si Camila. Kilala siya ng mga fan girls ni Jessie bilang kaibigan lang. Saka hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya ito.
Napaigtad ako nung akbayan ako ni Jessie.
"Balita ko nag-solo raw kayo ni Ulrich kagabi..." bulong niya, nang-aasar.
Napanganga ako. Mabilis kong inalis ang pagkakaakbay niya sa akin. Tumingin ako kay Camila. Tumikhim muna siya bago umiwas ng tingin.
Sabi na nga ba e.
"Really, Cams? Bakit binabaliktad mo?"
"Duh. Wala naman akong sinabi na ikaw lang?" Nginitian niya ako. "Pero unlike you... hindi na iba sa akin ang ganito. Saka... Delgado pa 'yon. Ulrich Damian Delgado."
Umirap ako. Ano naman? Nag stay lang naman ako sa floor ni Ulrich dahil iniwan nila akong mag-isa. Ano ang gusto nila? Makihalubilo ako sa iba roon? At least, I knew Ulrich wouldn't harm me.
"May first kiss na ba ang prinsesa namin?" pang-aasar ni Jessie.
Hindi na ako kumibo. Seryoso na akong naiinis. Baka kapag pinagpatuloy pa nila ang pang-aasar sa akin ay umuwi na lang ako.
"First touch..." ani Cams.
"Si Delgado na ba?"
"Shut up!" Saka ko na binilisan ang paglalakad.
They are getting on my nerves for real!
Parang mas magandang hindi na lang ako sumama kung aasarin lang nila ako. Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon. Namomroblema na ako sa exam.
Bumili kami ng snacks bago pumasok sa loob ng cinema. Nakalahati na namin ang palabas ngunit wala pa rin akong maintindihan. Suminghap ako.
Pagod at antok ang nararamdaman ko.
"Ayaw mo?" Kinuha ni Cams ang caramel nut crunch ko nang walang pasabi. "Hindi mo pa nabawasan ah. Wala ka yata sa mood?"
I just shook my head. Sumandal ako at tinuon uli ang atensyon sa malaking screen.
"Are you okay?"
"Sshhh..." Jessie hushed us.
I chewed my bottom lip. Parang maiiyak ako.
"I'll just go to the rest room." Saka na ako tumalikod.
Walang tao sa rest room nung dumating ako. Nasa climax part kasi ang pinapanuod namin at lahat ay tutok doon. Gano'n din naman ako kapag favorite ko ang pinapanuod. Titiisin muna ang dapat tiisin para walang malagpasan na eksena.
Huminga ako nang malalim.
Tinukod ko ang mga kamay sa lababo habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. Biglang tumulo ang luha ko kaya mabilis ko 'yong pinahid.
Shit. Not here.
"Hey..." Sumulpot sa likod ko si Cams.
Yumuko ako at nagkunwaring naghuhugas ng mga kamay.
Naramdaman kong gumapang sa likod ko ang kamay ni Cams. Sumandal siya sa akin.
"What's wrong?" she asked.
It's as if that was my cue to breakdown. Kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi nagtanong si Cams, basta niyakap na lang niya ako.
"I will fail..." Nanginginig ang mga balikat ko. "Tangina, Cams. Hindi yata ako makaka-graduate."
"Why? Akala ko nag-review ka?"
Kumawala ako sa yakap. Tinanggap ko ang alok niyang tissue at nagpunas ako ng luha. Suminghap ako at umiling.
"Oo, pero..." Ang napatid na luha ay nagpatuloy sa pag-agos. "I tried... pero wala akong maintindihan. Siguro... dahil mas inuna ko ang mga gimik pero hindi rin e. Cams... kahit na sa bahay lang ako ay nahihirapan akong intindihin ang lessons. Wala ring mangyayari kahit na nasa bahay lang ako."
Cams didn't say anything. Nakatingin lang siya sa akin at paminsan-minsan ay siya ang magpupunas ng luha ko.
"I'm scared. Hindi dahil sa manganganib na mapasama ako sa graduation. Natatakot ako kasi baka malaman ni Ate Sarah. Nahihiya ako. Wala na akong nagawang matino, Cams."
Wala na akong ibang naibigay kay Ate Sarah kung hindi ang perwisyo. I know she keeps telling me that she's proud of me no matter what. But... how about me? I can't make myself proud.
Cams was there until my tears subsided. Kung hindi ko lang inisip na baka may pumasok sa rest room ay hindi pa titigil ang pag-iyak ko.
Patapos na ang movie nung matapos akong umiyak. Napansin agad ni Jessie na namamaga ang mga mata ko kaya nagtanong ito. Wala kaming nagawa kung hindi ang sabihin din sa kanya.
After the movie, we went to a coffee shop. Tulala lang ako sa labas ng salamin na bintana. Tanggap ko nang babagsak ako. Ang hindi ko matanggap ay kailangan na naman akong intindihan ni Ate Sarah.
Lagi na lang ba?
"Ano bang subject?" tanong ni Jessie.
"Stats and prob..." sagot ni Cams.
Napatingin ako kay Jessie. Nakangiwi siya. Akala ko pa naman ay matutulungan niya ako.
"Patingin nga notes mo," ani Cams.
Nilabas ko ang cell phone ko at pumunta sa gallery. Pinakita ko sa kanila ang mga screenshots ng mga lessons na hindi ko maintindihan.
Nagbulungan sina Cams at Jessie habang nakatingin sa cell phone. Tumango pa si Jessie na tila napaisip.
"Ang hirap nga..." ani Jessie.
"Alam ko 'to e. Pero hindi ko na maalala," pagrarason naman ni Cams.
Bumuga ako ng hangin. Binalik na nila sa akin ang cell phone ko.
"Paano 'yan?" tanong ni Cams.
"I will still try..." I faked a smile.
And... I did it. Sinubukan ko ulit i-review ang notes ko pagbalik sa bahay. Nakahinga ako nang maluwag nung kahit papaano ay may maintindihan. Pero alam kong hindi ito sapat.
I need to pass at least 80 percent of the exam for Pete's sake! Pang pasang-awa lang ang alam ko.
Kinabukasan ay pumasok ako sa school nang malakas ang kabog sa dibdib. Wala pa ang subject ni Miss Dorothea pero 'yon na agad ang iniisip ko. Halos hindi na rin ako makausap nang matino.
Cams tried to cheer me up. Walang epekto.
She gave me a tight hug before I entered the examination room. Nangatog ang mga tuhod ko sa kaba at lamig. Gago naman e. Kailangan bang itodo ang aircon?
May mga kasama naman akong nag-retake din ng exam. Napansin kong nagbubulungan ang dalawang lalaking nasa harapan ko.
Huminga ako nang malalim. Kinalma ko ang sarili. Walang mangyayari kung magpapakain ako sa kaba ko. May natutunan naman ako sa review. Kahit na kaunti lang 'yon.
I can try.
Pero hindi na ako umaasang makukuha ang 80 percent na kailangan kong ipasa. As long as hindi ako ma-itlog, okay na sa akin.
Hello, Summer Class!
Napatingin ako sa dalawang lalaki sa harapan ko. Nagsisikuan pa sila. Ang likot naman ng dalawang ito.
"Can you like stop?" pagtataray ko sa kanila.
Napatingin sila sa akin. "Sorry..."
Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata. Hindi talaga nakakatulong ang lamig dito. Sobrang sikip ng dibdib ko. Parang aatakihin ako sa puso.
Tumalon ang puso ko nung biglang bumukas na ang pinto.
Pumasok sa loob si Ulrich. Dumiretso siya sa desk sa harapan at pinatong doon ang mga test papers. Kumuha siya ng pen at nagsulat sa white board.
"You have 45 minutes to finish the exam. Wala si Miss Dorothea kaya ako ang magbabantay sa inyo." Saka niya kami isa-isang tiningnan.
Suminghap ako nung lumagpas sa akin ang tingin niya.
"Let's start..."
Isa-isa niyang tinawag ang pangalan namin para pumunta sa desk niya at kumuha ng test paper. Kabang-kaba ako habang pinapanuod ang mga kasama kong makuha ang test paper nila.
"All forms of erasures are wrong," Ulrich announced. His voice was full of authority. Mas nakakatakot pa nga siya kesa kay Miss Dorothea. "This will be your last chance to take this exam..."
Tumayo na ako at naglakad papunta sa harapan. Kumuha ako ng test paper.
"Good luck."
Sa oras na nahawakan namin ang test paper ay pwede nang sumagot. The first few items were easy, of course. Hindi ako nahirapan doon. Nakita ko rin ang mga ni-review ko.
But... that's all.
The rest of the items are just... ugh.
Natulala ako sa papel ko. Wala pa sa kalahati ang nasagot ko.
Bumaling ako kay Ulrich. He's busy on his phone.
I looked up at the wall clock. I still have twenty minutes left.
Pero kahit na isang araw kami rito ay wala ring mangyayari kung hindi ko na alam ang sagot. Gano'n na nga ang nangyari. Dalawa na ang nakapag-pasa ng test paper.
Yumuko ako nung umangat ang tingin ni Ulrich.
Huming ako nang malalim. Tinanggap ko nang babagsak ako.
Napatingin ako sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may ibang papel silang tinitingnan.
I gasped. They are cheating!
"Ten minutes..." Ulrich announced.
Naunang tumayo ang isang lalaki para magpasa, malamang na para hindi sila mapaghalataan. Isang minuto bago tumayo ang isa pa. Nakapagpasa na rin sila.
Iilan na lang kaming natira.
"Five minutes..." Ulrich said.
Bumagsak ang tingin ko sa papel na nahulog nung dalawang lalaki. Umakyat sa ulo ko ang dugo ko nung makitang ito ang kodigo nila.
I swallowed. Busy si Ulrich sa cell phone.
I intentionally dropped my pen. Sa pagpulot ko nito ay sinama ko ang papel.
Pasimple akong sumilip kay Ulrich. Nakatingin pa rin siya sa cell phone.
Alam kong hindi maganda... pero kailangan kong pumasa. Kailangan kong maka-graduate. Kailangan kong malagpasan ito. I will do it. It won't matter after a few months.
Makakalimutan ko ring minsan akong nag-kodigo para makapasa.
I cheated.
I crumpled the paper and slid it inside my pocket.
"Time's up! Please put your papers on the top of my desk."
Nakita kong sumimangot ang mga kasama ko. Nagtayuan sila at walang gana na pinatong sa ibabaw ng desk ni Ulrich ang mga test papers.
Sinadya kong magpahuli.
I stood up and walked towards him. Pinatong ko sa ibabaw ng desk niya ang test paper ko.
Paalis na sana ako tawagin niya ako.
"Miss Chavez..."
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Sa diin ng pagkagat ko ay parang masusugatan ko pa ito.
I turned to him.
Ulrich stood up. Nilapitan niya ako.
Nabahala ako. May galit sa mukha niya.
"W-why?" I asked.
"Where's your ID?"
Napatitig na lang ako sa kanya.
***
Follow me on Twitter: notacardinal
I post spoilers and updates there. Thankie!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro