Chapter 7
Chapter 7: Party
"Here..."
Ngumiti ako kay Chester nang abutan niya ako ng towel. Binalot ko 'yon sa katawan ko. Ramdam ko ang nanunuot na lamig sa nanginginig kong katawan.
He stood in front of me. Basang-basa rin siya gaya ko. Pinaragasa niya sa basang buhok ang mga daliri. Damn it. God knows how attractive that was!
Tumikhim ako bago umiwas ng tingin. Masamang kanina pa ako natutulala sa kanya. I need to collect my thoughts and nudge myself before I even mess something.
"Dapat talaga tumakbo kana kanina e." Tumawa siya.
"Yeah..." I felt awkward.
"What happened?" Finally, Cams has returned.
Hindi katulad kanina ay halatang mas marami na siyang nainom na alak ngayon. Namumula na ang kanyang mga pisngi. Bagsak na rin ang kanyang basang buhok.
"Rizzie? You okay?" tanong pa ni Camila.
"Ballooons..." sagot naman ni Chester. "Sandali lang ah? Titingnan ko kung may mahihiraman akong damit pang palit ni Riza."
Wala akong lakas na pigilan siya. Hindi pa rin ako maka-recover sa pagyakap niya sa akin. Kahit na nanginginig ako sa lamig ay masaya naman ako.
Damn. Crush ko na talaga ang lalaking 'to.
Cams sat beside me. There was this glimmering smile plastered on her lips. Inayos niya sa likod ng tainga ang basang buhok.
"I am wet..." I sighed.
"Same," casually, she responded.
Napatingin ako uli sa kanya. Nakatulala siya sa mga naliligo sa pool. Tila malalim ang iniisip. Suminghap ito bago bumaling sa akin.
"Anyway, basa ka na rin naman. Ba't di ka pa maligo?"
"Really?" I rolled my eyes.
"Come on, Rizzie. Put the swimsuit on and enjoy the night." Humarap siya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko. "Narito ka na rin naman. Look around. You think you are different? No. We are all the same here. We all have our own problems. That's why we are here. To have fun..."
Natulala ako sa kaibigan ko. She's somehow right. Basa na rin naman ako, narito ako sa pool party... bakit hindi ko na lang i-enjoy?
"May exam ka sa Monday? Fine. But enjoy this night first..." she smiled at me. "Iilan lang naman ang kilala mo rito. The rest are strangers."
"Oh. Look. Si Kuya naman ang nilalandi mo..."
Napatingin ako kay Amanda. Gaya ng lahat ay basa na rin ito. Mas lalong humapit sa kanyang katawan ang suot. Bakat na nga rin ang mga tinatago niya.
"Give her a break, Amanda," tamad na sabi ni Cams.
"But good for you," Amanda smirked. "Si Kuya Chester na lang, huwag na si Ulrich. He's mine."
Cams frowned. "How old are you, Amanda? Eighteen? But look how you act. Kasalanan ba ni Riza na nilalapitan siya ng dalawang lalaki? No. But it's your fault for being insecure."
"Shut up, Miss Torres. Pero kasalanan niyang landiin sila—"
"Eh gago ka pala eh—"
"Cams..." Pinigilan ko na si Cams. Nakainom na talaga. Bumaling ako kay Amanda. "Look, Miss Megardon. Wala akong balak na agawin sa 'yo si Ulrich. He's not my type anyway."
Napangiti naman si Amanda. I could see the relief on her face. She really likes him that much huh?
"Good to know, Miss Chavez. So... what are you doing? Umalis ka na rito."
"How childish..." Cams mumbled.
"Umalis?" I chuckled, shaking my head. "The party isn't over yet."
Kumunot ang kanyang noo.
Hinatak ko na patayo si Cams.
"You will stay?" Amanda questioned.
"Maybe? Hindi ko pa nasuot ang swimsuit ko eh."
Saka ko na hinila si Cams palabas ng cottage. Nakasalubong ko si Ulrich. Sa lahat yata ng nakita kong tao rito ay siya pa rin 'yung matatag. Gano'n pa man ay amoy alak na rin ito.
Ulrich stopped in front of us.
Unlike the rest, hindi pa yata siya nahawakan ng tubig. I now understand why Amanda has been mad at me for wearing yellow clothes. Dilaw rin nga pala ang polo shirt ni Ulrich.
That's just when I realized... I've been wearing clothes the same color as their jersey shirt— Golden Crest. Maybe, I wasn't on the wrong side after all.
"Oh, Mister Delgado." Lumapit sa kanya si Cams. Hinaplos niya ang mukha ni Ulrich bago bumaling sa akin. May ngisi sa kanyang labi. "Magpapalit si Riza. Ikaw muna ang sumama sa kanya ah?"
Napanganga ako nang talikuran ako ni Cams. Agad itong naglaho sa karamihan ng mga tao. Naiwan akong tulala at nakatayo sa harapan ni Ulrich.
Damn. Bakit ba nakaka-intimidate si Ulrich? He's not even our president here. But fuck it. He owns the whole place. Kapag siya ang nagpaalis sa akin ay wala na akong magagawa.
I cleared my throat. "I will go to my room."
"Sasamahan na kita."
Napalunok ako. Wala na rin akong nagawa.
Nakayuko lang ako habang naglalakad papasok sa building. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa towel. Suminghap ako at pinilig ang ulo. Sinilip ko si Ulrich. He was on his phone. Nakakunot ang kanyang noo, halatang may pinapanuod.
Mas lalong nangatog ang tuhod ko nung pumasok na kami sa Main Lobby. Halos takbuhin ko na ang elevator pero hindi ko naman pwedeng iwan si Ulrich.
It felt more awkward inside the elevator.
"What room number?" Muntik pa akong mapatalon sa bigla niyang pagsalita.
Inalala ko naman ang room number.
"311," I told him.
He called someone on the phone.
"Main. 311," sabi niya sa kausap.
Mabilis niyang binaba ang tawag. Sakto namang bumukas na ang elevator. Tahimik kaming naglalakad sa hallway. Dinig na dinig ang mga pagsinghap ko.
"Sorry..." I told him.
"For what?"
I sniffed. "That..."
"Uhmm?"
I bit my bottom lip. Malamig ang pakiramdam ko pero biglang uminit ang mukha ko. Bakit ko ba ito sinasabi?
Siguro ay dahil natatakot ako. Parang ang daming nangyari sa akin matapos kong sabihin 'yon. I'm not used to things like this. I'm scared that it could lead to even worse. If I could take it back, I would.
Damn. Regrets.
"That accusation..." bulong ko. "It was a joke. But I know it's not even funny. That's a serious thing. For someone who has built a firm reputation as one of the, if not the, most honorable students... that must have hurt your ego."
I didn't get a response. Hindi ko alam kung tinanggap niya ba 'yon o hindi. Bahala na. Basta nasabi kong hindi ko rin gusto ang sinabi kong 'yon.
Huminto kami sa room 311. Humarap ako kay Ulrich.
I know it was a dumb question, still, I asked him, "Gusto mo bang pumasok?"
Instead of answering my question, he just slid his hands inside the pocket of his shorts. Sumandal siya sa wall sa tapat ng pinto. Tila hinihintay lang akong pumasok.
Okay. Good.
I nodded. "Magpapalit lang po ako."
Pumasok na ako sa loob. I didn't lock the door.
I let out a sigh. Kinuha ko sa kama ang paper bag na may pangalan ko. Pumasok ako sa loob ng CR. Nilapag ko sa lalabo ang paper bag at tumingin sa salamin.
Pumula ang pisngi ko nang mapagtanto na masyadong manipis ang dilaw kong blouse. Basa ito kaya kitang-kita ang bra ko.
Nakita ba niya?
Ano naman? Ano'ng pakialam niya? Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng babaeng naka-bra lang. If I know, he must have seen worse.
Sa kabutihang-palad naman ay hindi nabasa ang phone kong nasa loob ng shoulder bag. Nilabas ko ito. Dahil naka-on ang mobile data kaya nakita ko ang naka-tag na Facebook story sa akin ni Jessie.
The heat rushed to my head as I watched how I gulped the blue liquor on the video. May isa pang video kung saan nakitang ginitgit ako ni Chester sa dulo ng cottage para hindi mabato ng balloons.
Nanlumo ako. I know he recorded it but... ugh!
What the hell? Friend ng apala sila ni Ate Sarah. Malamang na nakita na niya ito. Gano'n pa man ay walang text or chat sa akin ang kapatid ko.
Inumpisahan ko nang hubarin ang damit ko para isuot ang yellow two piece swimsuit. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa harapan ng salamin. Saktong-sakto sa akin.
Damn. I look good here!
Napaigtad ako nang may kumatok sa labas. Dali-dali kong sinalansan sa loob ng paper bag ang aking mga basang damit, maging ang aking shoulder bag at lumabas ng CR.
Someone knocked again. Pagbukas ko no'n ay si Chester ang bumungad sa akin. Parehong nanlaki ang aming mga mata sa gulat.
He swallowed as his look went down. Mabilis naman na sinalubong niya uli ang tingin ko.
"Akala ko ay wala kang balak mag swimming?"
I smiled, awkwardly. Napatingin ako sa paper bag na hanap niya.
"Hindi mo na pala kailangan 'to." Tumawa siya.
"No. Iyan na lang ang isusuot ko—"
Someone grabbed the paper bag from Chester. It was Ulrich with his poker face. Wala itong pasabi at bigla na lang naglakad at umalis.
"So..." Chester smirked.
I chuckled. "Swimming..."
Pumunta kami uli sa pool area. Mas lalong naging wild ang mga tao ro'n. Halos mapuno na rin ng bula ang pool. Hindi ko makita ang mga kaibigan ko.
"Rizzie!"
Napatingin ako kay Cams. Nasa pool din siya. Nakababad silang dalawa ni PJ. Mabilis niya itong tinulak para lapitan ako.
"Hey!" May mapang-asar na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa suot ko.
"What was that?" I asked her.
She just giggled.
Tumingin ako kay PJ. Nanatili ito sa dulong bahagi ng pool. Nakalapat ang kanyang mga braso sa bato habang nakatingin sa amin.
Napatili ako nang hatakin ako ni Cams sa pool. Saka niya ako niyakap nang mahigpit. Napaubo pa ako dahil nasasakal na ako.
Napapikit ako nang tumalon si Chester. Pag-ahon niya ay puno ng bula ang kanyang ulo.
Humalakhak ako.
"What?" Chester asked.
Lumapit ako sa kanya. Inalis ko ang bula sa kanyang ulo.
"Huyyy! Ang sweet!" sigaw ni Cams sabay tulak sa akin. Napayakap tuloy ako kay Chester. Niyakap naman niya ako pabalik.
I glared at my friend.
"Hey..." Nilapitan na rin kami ni PJ.
Natahimik bigla si Cams.
Napangisi ako.
Napapikit ako nang may bumuhos na maraming bula sa ulo ko. Tinawanan ako ni Amanda na may pakana. Saka niya ako sinabuyan ng wine.
"Amanda! Stop!" Chester yelled.
"No!" Suminghap si Amanda. Hindi na siya maayos kung tumayo. Halatang nahihilo na rin ito. "Malandi kasi ang babaeng 'yan!"
"I said stop!"
"You are a bitch, Rizaline Chavez!"
Naagaw na namin ang atensyon ng lahat.
May dumaan na waiter. Kinuha ni Amanda ang isang alak doon at balak sanang itapon uli sa akin pero mabilis siyang napigilan ni Ulrich.
Natulala naman si Amanda.
May sinabi si Ulrich pero hindi ko narinig dahil sobrang lakas ng background music. Nakita kong sumimangot si Amanda hanggang sa bigla na lang ito umalis.
"Loser..." Cams whispered.
"You okay?" PJ asked me.
"Fuck. Sorry, Riza," nahihiyang sabi ni Chester.
I easily get overwhelmed. Naninibago ako sa mga nangyayari. Tila maiiyak ako. Bago pa man bumagsak ang mga luha ko ay nilubog ko ang sarili sa tubig.
My messages have been full of cusses and b-word from Ulrich's admirers. Pero iba pa rin palang harap-harapan ka nitong matawag.
Well. That kind of hurt. It's my fault though.
I started this mess.
Pagkaahon ko ay naabutan kong paalis na ng pool si Chester. Sa kabilang banda naman ay nakita kong pinapakalma ni PJ ang kaibigan kong patuloy pa ring minumura si Amanda.
I was left in the middle of the crowd. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Paahon na sana ako nung may tumalon sa harapan ko. Umahon agad ito. Natulala ako kay Ulrich. Pinilig niya ang kanyang ulo para maalis ang tubig. Nanatili ang bula sa kanyang dibdib.
"Where are you going?" he asked.
Suminghap ako. "I'm cold..."
"Mas malamig kapag umahon ka." Nilapitan niya ako. Nakatingin lang ako sa kanyang mukha nang hawakan niya ang buhok ko. Inalis niya ang bula roon. "Stay here..."
Napatingin ako sa kanyang dibdib na maraming bula. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para hawiin 'yon. Umangat ang tingin ko kay Ulrich na nakatingin din pala sa akin.
"You are really rich..." I smiled as I stepped back.
He just shrugged his shoulders.
Tumingala ako sa bukas na kalangitan. Napapikit ako nang umihip ang malamig na hangin. Naramdaman kong may tumulak sa akin kaya napasulong ako.
Ulrich's warm arms wrapped around me. Nasubsob ako sa kanyang dibdib. Hindi ako agad nakagalaw sa sobrang pagkabigla.
"Sorry..." sabi nung lalaking nakatulak sa akin. Mabilis itong dumalo sa kanyang mga kasamahan. "Fuck you! Natulak ko si Ulrich!" dinig ko pang sabi nito.
Suminghap ako at kumawala sa pagkakayakap. Ilang ulit akong natulak dahil sa dami ng mga naliligo sa pool. Nakita kong naaasar na rin si Ulrich.
"Sorry..." I bit my bottom lip.
"Come with me..." Wala itong pasabi na umahon at naglakad palayo.
I didn't ask where. Sumunod lang ako sa kanya. Nag-aalis ako ng bula sa katawan. Hindi ko napansin na huminto na pala kami.
We went to another pool on the other side of the villa. Mas tahimik sa parteng ito. Kaming dalawa lang at malinis pa rin ang pool.
"Bubbles?" he asked.
I unconsciously nodded. Really? Kaming dalawa lang ang maliligo rito? It's not like I am complaining. It's just... why? Masaya rin naman sa kabilang pool kahit na crowded. I mean... it's literally a party.
Lumapit si Ulrich sa makina sa dulo. Pinanuod kong magbuga 'yon ng maraming bula hanggang sa halos hindi na namin makita ang tubig sa pool.
Lumusong doon si Ulrich. Pinanuod ko siyang mawala sa paningin ko nang ilang segundo. Pag-ahon niya ay nasa harapan ko na siya. Hinawi niya ang mga bula sa ulo. Pinatong niya ang mga braso sa bato.
I stared at him in awe. Sa kanya ang buong lugar na ito?
"Why? Ayaw mo rito?" tanong niya nung hindi ako kumilos.
"You are really rich..." I laughed.
I was stunned when he laughed too.
I felt comfortable with his laugh. Tumalon din ako sa pool. Pag-ahon ko ay nakita kong patakbo sa direksyon namin sina Cams, Jessie, Chester at PJ at Art.
"Damn..." Ulrich cussed.
"Nagso-solo kayo ah!" pang-aasar ni Chester.
"I've been waiting for you to open this pool!" Humalakhak si PJ na mas lalong kinainis ni Ulrich.
"Kunwari ka pa. Gustong-gusto mo naman sa kabila dahil maraming chicks!" pang-aasar ni Cams. Umupo siya sa gilid ng pool at binaba ang mga binti.
"Huh? Ikaw lang ang kasama ko. What do you mean?"
Umirap ang kaibigan ko.
Mabilis akong tumalikod sa camera ni Jessie.
Napatalon ako sa gulat nung sumakay sa likod ko si Cams. Natulak ko siya nung kagatin niya ang balikat ko. Tuwang-tuwa pa ito.
"Sinolo ka talaga ni Papi Ulrich, Miss Chavez..." pang-aasar ni PJ. He wrapped his arms around Cam's waist. Napansin kong nakiliti ang maharot kong kaibigan.
"I didn't. Crowded ang kabilang pool. Gusto ko lang may kasama rito," dipensa ni Ulrich.
"Pwede naman ako ang isama mo, Papi Ulrich..." pang-aasar ni Art.
"Ba't ba andito kayo?" asik ni Ulrich.
"Tangina. Gusto talagang ma-solo si Riza!" Humalakhak si Art.
"Hey..." Nilapitan din ako ni Chester. Tila nahihiya pa ito sa akin. "Uhmm. Sorry nga pala kanina. I couldn't stop her right away."
I shook my head. "It's fine..."
Though it's not, hindi rin naman niya kasalanan na gano'n umasta ang kanyang kapatid.
"Pinauwi ko na si Amanda."
"Huh? Bakit naman?" kunwari ay gulat kong tanong.
Buti naman...
"Nakainom na rin kasi. Baka magkalat pa," natatawa niyang sagot.
Napansin kong umahon si Ulrich sa pool at umalis. Sinama niya si Art. Nakatingin lang ako sa kanila. Akala ko ay wala na silang balak bumalik. Bumalik siya na may kasamang mga waiter.
"'Yun oh!" Si PJ ang unang umahon.
Nag-ahunan ang mga kasama ko para kumuha ng alak.
"Kaya mo pa ba?" tanong ni PJ sa kaibigan ko.
"Geez." Tinanggap ni Cams ang inumin.
Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang mga bula. Nakainom na rin ako kanina. Kahit hindi masama ang lasa ay wala na akong balak uminom pa.
"Holy shit. Lowbat na camera ko," reklamo ni Jessie. Bumaling ito sa amin. "Sandali lang ah? Magpapalit lang ako ng battery."
"Can you just drop your cam?" pagsusungit ko dahil buong gabi na niya 'yong hawak.
Hindi niya ako pinansin at umalis na lang.
Yumuko na lang uli ako. On my peripheral vision, I saw Ulrich walking to my direction.
"Whoa. Paiinumin mo siya sa pool?" tanong ni PJ.
Umangat ang tingin ko. Natigilan naman si Ulrich.
"Tangina. Galit na galit ka sa amin nung uminom kami ng alak sa pool na ito tapos pagdating kay Rizaline ay ikaw pa ang mag-aabot?" Humalakhak si Art.
Siniko siya ni Chester.
Pabalik na sana si Ulrich nang itaas ko ang kamay ko.
"Painom..." sabi ko.
Nagtaas ng mga kilay sina PJ at Art, tila hinihintay ang susunod na gagawin ni Ulrich. Isang maling galaw lang ni Ulrich ay tatawanan siya ng mga ito.
"Bigay mo na. Lilinisin din naman ang pool eh," udyok ni Chester. "Sige na nga. Ako na ang magbibigay..."
Aktong kukunin ni Chester ang alak nung ilayo ito ni Ulrich.
That's when Ulrich ignored everyone to approach me. Yumuko siya at nilagay sa bato ang alak. Lumapit naman ako roon at kinuha 'yon.
"Just don't spill on the pool," aniya sa akin.
"Thank you po..."
His brows arched. "I am not your president here..."
"You are still older than me..."
"Not as old as Chester..."
"Still..." I sipped on my drink.
Huminga siya nang malalim.
Lumapit sa amin si Chester. Tinapik niya ang balikat ni Ulrich at may binulong.
Tumingin si Ulrich sa isang banda. Napalunok ako nang makita kung sino ang naroon. Mr. Delgado was standing on the far side of the pool. Tutok pa rin ito sa kanyang cell phone.
"Sandali lang." Saka tumalikod si Ulrich para puntahan si Mr. Delgado.
Tumalikod ako at bahagyang nilubog ang sarili sa pool.
Holy shit.
Wala sa sariling nainom ko nang diretso ang alak. Nangatog ang mga tuhod ko, hindi sa lamig, kundi sa katotohanan na narito si Mr. Delgado.
"Ayan na Daddy Delgado mo, Rizaline," pang-aasar ni Art.
"Shut it, Art," pigil ni Chester.
"Joke lang!"
Pagkaalis ni Mr. Delgado ay umahon ako sa tubig. Ginala ko ang tingin ko. Kumunot ang noo ko nang mapansin na wala sina Camila at PJ. Huwag mong sabihin na bumalik sila sa kabilang pool?
"Where's Roland?" tanong ni Ulrich.
"Hindi ko lang alam," sagot ni Art. "Ano sabi ni Daddy Delgado?"
"Nothing."
Nilapitan ng isang lalaki si Chester. Inabot nito ang cell phone niya. Nakita kong ang nakakunot na noo ni Chester ay napalitan ng inis.
"Why?" asked Ulrich.
"Nagsumbong si Amanda kay Daddy. Pinapauwi na rin ako." Tumingin sa akin si Chester. Mas lalong nanlumo ang kanyang ekspresyon.
"Ba't kasi pinauwi mo?" tanong ni Art.
"Nanggugulo na siya—"
"She's being a brat again," putol ni Ulrich.
"Hays. Ayos lang ba, Riza?" tanong ni Chester.
Ngumiti ako at tumango. "Oo naman. My friends are here. Ingat..."
"Po..." dugtong ni Ulrich.
Chester smiled at me. "Salamat sa pagsama, Riza. I hope you had fun."
"Masaya nga eh." Tumawa ako.
"Lagi na kitang iimbitahan sa mga party. Teka... may maghahatid ba sa inyo? Mukhang hindi na kaya mag-drive ni Camila," nag-aalala niyang sambit.
"Si Jessie..." Yup. Halatang hindi naman siya unimom.
"Aight." Chester nodded. "Good night, Miss Chavez."
"Good night din..."
"Po..." Ulrich mumbled.
Nakaramdam ako ng lungkot nung umalis na talaga si Chester. Tapos si Arthur naman ay nagpaalam na hahanapin si Roland.
I was left with Ulrich... again.
"Saan ka pupunta?" tanong ko nung makitang paalis na rin ito.
Hindi niya ako sinagot. Sumunod ako sa kanya.
"Iiwan mo ako?" tanong ko.
Hindi pa rin niya ako kinikibo. Pumasok kami uli sa Main Lobby. Nakasunod lang ako kay Ulrich hanggang sa pumasok siya sa elevator. Sa ibang elevator kami pumasok, may bantay rito. There's only one floor on the button here.
Suminghap ako. "Nasaan na ba kasi sina Camila at Jessie?"
"Maliligo na ako."
Napatingin ako kay Ulrich. "Po?"
"Bakit ka nakasunod sa akin? I am going to my room." His voice was as cold as the weather. "Panunuorin mo ba akong maligo?"
Napakurap ako. Oh? Akala ko ay dadalhin niya ako sa mga kaibigan ko. That's why there's only one floor on the buttons. Malamang na sa kanyang room 'yon at exclusive para sa kanya ang elevator na ito.
I shook my head. Why I didn't realize that?
I was about to press a button when the door suddenly opened. Nasa huling palapag na kami ng building. I thought it was a room just like the rest, pero buong floor pala ay sa kanya.
Damn. Gaano ba kayaman ang lalaking 'to?
He stepped out of the elevator. Nanatili ako sa loob. Pasarado na sana ang pinto ng elevator nang iharang niya ang kanyang kamay.
Napalunok ako dahil sobrang seryoso ng kanyang mukha.
"Labas..." utos niya.
"Hahanapin ko ang mga kaibigan ko—"
"While wearing that?" tukoy niya sa swimsuit ko.
Suminghap ako. Hindi ako nakasagot.
"In case you don't know, manipis ang swimsuit mo kaya..."
"Stop!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Mabilis akong lumabas ng elevator. Nakita kong napangisi pa ito.
Malawak ang sala na sumalubong sa akin. Nakataas ang mga bintana kaya kitang-kita ang labas sa mga salamin na bintana. Ulrich pressed a button and the curtain slowly covered the windows.
Whoa.
"Here..." Hinagis niya bigla sa akin ang paper bag na nasalo ko naman. "May isa pang shower room sa kaliwa mo. Doon ka maligo." Saka siya pumasok sa isang kwarto.
Naiwan ako sa malawak na sala. Tiningnan ko ang paper bag. Ito 'yung inagaw niya kanina kay Chester. Sinilip ko ang laman no'n. Comfortable clothes. Good.
Naglakad ako sa kaliwa gaya ng utos ni Ulrich. Sobrang lawak naman dito. Agad kong nakita ang Shower Room. Nakita kong may tub kaya halos mapatalon ako sa tuwa. Wala kaming ganito sa bahay!
Pero... ayoko namang mag tagal dito. Hahanapin ko pa ang mga kaibigan ko.
I took a quick bath. Nakabihis na ako. Binanlawan at piniga ko ang swimsuit bago nilagay sa paper bag. Bumalik ako sa sala. Naabutan kong nakatayo si Ulrich sa harapan ng salamin. Nakakulay gray sweatpants lang ito, walang damit habang nagsusuklay.
"Saan ko 'to ilalagay?" tanong ko.
"Kahit saan. Kahit iuwi mo pa..."
Sa huli ay pinatong ko na lang sa lamesa ang paper bag.
Pagkatapos magsuklay ni Ulrich at binuksan niya ang malaking flatscreen TV at game console. Saka siya dumapa sa sofa habang hawak ang joystick controller.
Kahit na nakabihis na ako ay malamig pa rin. Tapos siya... nakahubad pa. Sanay na sanay sa aircon ang isang 'to. Baka nga naka-experience na rin siya ng snow.
I cleared my throat. "Hahanapin ko na ang mga kaibigan ko."
Biglang tumunog ang elevator. Binaba ni Ulrich ang joystick controller para puntahan ang elevator. May isang lalaki ro'n na nag-abot ng paper bag kay Ulrich. It was the paper bag I left in our room and my shoulder bag.
"Maupo ka muna. Nagsasaya pa ang mga kaibigan mo."
Nilapag niya sa kabilang sofa ang mga gamit ko bago muling dumapa sa isa pang sofa. Bumalik ito uli sa paglalaro.
I sat on the sofa. Nilabas ko ang cell phone.
Suminghap ako. Ang bango rito tapos mas bumango pa dahil sa shower gel ni Ulrich.
Ate Sarah texted me. Tinatanong niya kung anong oras ako makakauwi. Hindi ko nagawang makapag-reply dahil hindi ko rin naman alam.
Sumandal ako sa sofa. Napahikab ako.
"How's your night?" he asked.
I looked up at the ceiling. "What a night..."
"Do you want to play?"
"Hindi ako marunong."
"Reasons..."
Napatingin ako sa kanya. "Huh?"
Tamad na bumaling siya sa akin. "Kung si Chester ang nag-aya sa 'yo sasabihin mo rin bang hindi ka marunong? Of course not. You will simply ask him to teach you how."
My lips slightly parted. Ano ba ang sinasabi ng lalaking 'to?
"I can guide you..." he said.
Suminghap ako at umiling.
Ulrich shook his head. "Boring..."
Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang kami. Dumausdos na ako pahiga sa mahabang sofa. Binaluktot ko ang katawan ko dahil sobrang lamig dito.
Nakatitig lang ako sa TV at pinapanuod si Ulrich.
Napapikit ako nang hagisan niya ako ng kumot.
"Thanks..." I rolled my eyes.
"Party pa. May exam ka sa Monday."
I just closed my eyes.
"I'm expecting you to fail..." he said.
"Okay..."
"But, I am hoping you will pass. I still want to see you in college."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro