Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Chapter 6: Balloons

Tinext ko na lang si Ate Sarah. Nagpaalam ako sa kanya na baka, o talagang, masyado gabi na ako makauuwi. Hindi ko sinabing sumama ako sa isang party ng mga basketbolistang hindi ko kilala.

Why did I even agree?

"Ikaw kaya mag-drive, Jess?" suhestyon ni Cams.

"Eh? Pabalik. Promise," sabi naman ni Jess. Nakatutok sa labas ng bintana ng sasakyan ang camera ng kanyang phone. "I'm planning to vlog the party!"

Dumiretso ang tingin ko sa daan. Nakasunod kami sa sasakyan ni Chester papunta sa Villa ng mga Delgado. Doon gaganapin ang party na ilang araw na ring nakahanda.

"Buti sumama ka, Rizzie?" tanong ni Jess.

Bumuga ako ng hangin. Hindi nakasagot.

"Wala e. Nakuha sa charming smile ni Chester—"


"Shut up, Cams! Ikaw ang unang pumayag!" putol ko sa kanya. "Kung hindi ka pumayag ay hindi rin ako papayag. You know that I don't like parties!"

Isa pa 'tong si Jessie. Pumayag agad!

"Sus. Isang ngiti lang ni Megardon, puso mo agad tumalon," pang-aasar pa nito.

"Whatever!" I rolled my eyes.

"Enjoy na lang tayo." Finally, Jessie kept his phone. "This will be a long and fun night!"

I let out another sigh. I have no idea what's this party. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa party. Probably, it involves alcoholic drinks, lots of those. Hindi naman ako pwedeng uminom ng alak. Ayoko rin.

I need to stay sane and get home as early as possible. For fuck's sake, ang dami ko pang ire-review. Sa Monday na ang exam na magdidikta kung makaka-graduate ba ako or delayed!

My phone vibrated. My sister replied, "Gotyah. Take care, baby sis. Enjoy."

I smiled. Just as I thought.

Si Ate Sarah man ang pumuna sa pwesto ng aming mga magulang, hindi pa siya kailanman naging mahigpit sa akin. She lets me do things on my own as much as possible. Ako lang naman ang pumipigil sa sariling sumubok ng ibang bagay.

It didn't take long, we have finally reached the villa of Delgados. Malawak na nakabukas ang mga gate. Sa parking lot pa lang ay kitang-kita na na marami ang imbitado sa party na ito. Sobrang gaganda rin ng mga sasakyan nila. Hindi naman nagpatalo ang sasakyan ni Camila.

Naunang lumabas si Jessie para kunan ng video ang lugar. Nag-retouch muna kami bago sumunod. Napasinghap ako nang salubungin ng malamig na hangin.

Ah. Fresh air!

"I can't believe Delgados are this wealthy!" I blurted out.

Like... I kind of know but at the same time, I still get amazed.

Cams chuckled. Inayos niya ang bumababang strap ng kanyang mini black dress. Mabuti na lang naka-sandals lang din siya kagaya ko. Unlike me, Cams likes to wear high heels.

"Hey, girls!" Chester approached us. Todo ngiti pa siya sa amin. May kasama siyang isang lalaki na namumukhaan ko pero hindi alam ang pangalan. "How's the trip?"

"Hindi naman malayo. Saka si Cams ang nagmaneho," nakangiti kong tugon.

He was still wearing their purple jersey shirt. Oh, how I wish I could always see him in this tee. Bagay na bagay talaga sa kanya. Maybe Cams was right after all.

Crush ko na nga si Chester.

"So... this is the villa Mr. Delgado gifted to Ulrich on his eighteenth birthday?" Cams smirked.

My jaw dropped. Really? A whole villa just for a gift? Geez. Rich people.

Chester laughed. "Oh. Oo nga pala. Riza, Cams, meet one of our friends, Roland. Roland... si Riza at Cams. Schoolmates natin and maybe... kaibigan na rin natin."

Nakipagkamay kami kay Roland. I knew it. He's one of those men in the picture. Nakangiti siyang bumati sa amin at gano'n din kami. Unlike the other guys in picture, siya 'yung halatang tahimik.

There's really always one shy-type person in a circle of friends.

"Bro..." Lumapit din sa amin si PJ. Tinapik niya ang balikat ni Chester. "Papalit lang kami. Nakakahiya namang mang-amoy pawis sa mga chicks." Saka siya kumindat sa akin.

I was taken aback. What was that? Hindi ba may girlfriend na siya?

Naramdaman kong sumiksik sa akin si Cams. I know. Crush siya ni Cams.

"Magkakilala na ba kayo?" tanong ni Chester.

"Parang gano'n na nga..." Lumipat kay Cams ang tingin ni PJ. Ilang segundo rin 'yon bago uli bumaling kay Chester. "Sige, bro. Magpalit ka na rin muna!"

Nang makaalis si PJ ay inaya na kami ni Chester. He toured us around the villa. Of course, may malaking pool na napapaligiran ng mga makulay na ilaw. Nakakalat na rin sa iba't ibang bahagi ng villa ang mga bisita na gaya namin ay mga estudyante rin ng Riverside University.

Pumunta kami sa main lobby kung nasaan ang iba. Hindi katulad sa pool area ay hindi hamak na mas tahimik dito. Napapatingin sa akin ang iba at kunwari'y wala lang pero patalikod akong pag-uusapan.

Oh, damn. I almost forgot who owned this place. Nasa mundo lang naman ako ni Ulrich Damian Delgado. Malamang na ang scandal na dapat ay biro lang ang pinag-uusapan nila.

Maybe... agreeing to join this party is really a bad idea.

"Uhmm..." Chester turned to us. "Would you like to have a room first? Halos nagbibihis pa kasi silang lahat. Para makapagpahinga muna kayo o baka mas gusto niyang gumala muna?"

"Room, please?" Si Cams ang sumagot.

"Aight. Sandali lang ah?" Dumiretso si Chester sa counter kung nasaan ang isang babaeng halatang nagtatrabaho rito. Kinausap niya muna ito bago nag-abot ng susi ang babae.

"Oh, you are also here..."

Oh. I almost forgot about Amanda and her squad.

It was not that surprising to see her here. Alam ko naman na ang mga babaeng katulad niya ay mahilig sa ganitong kasiyahan.

"Hi!" Cams greeted them back with a smile.

Medyo nagulat pa ako sa magiliw na pagbati ni Cams sa kanila. Oo nga pala. Hindi niya alam na sila ang tinutukoy kong muntik nang umaway sa akin dahil kay Ulrich.

"Don't interact with them, Cams," I mumbled to her.

Mahina naman akong siniko ni Cams.

"Greet her back..." utos pa nito.

What? No way!

"I didn't know you were invited," Amanda said to me.

"Social climber," dinig kong bulong ng isa sa mga kasamahan niya.

Hinigpitan ko na lang ang pagkakahawak sa shoulder bag at doon binuhos ang inis. I don't want to cause a commotion. Not again. Not here. Not with these ladies.

"Err. No. She's really invited, Amanda," nakangiti pa ring tugon ni Cams. Her fake friendly smile was showing.

Oh, really? Bakit ba ang bait ng trato ni Cams sa kanila kahit na umiikot ang mga mata ng mga babaeng 'to? I thought she was on my side!

"I personally invited her," said Chester casually.

The girl who called me social climber blushed. Tila nahiya ito sa biglaang pagdating ni Chester. Maybe they are not all Ulrichians. One of them is a Chesterians.

I mentally laughed. Ang corny ko!

Pero mas corny ang mga babaeng 'to.

"Really, Kuya?" Amanda rolled her eyes.

That shocked me. What the hell?

"Why? She's my friend," Chester said while tossing the key the lady on the counter lent to him. That's probably the key to our room.

Gusto ko na lang pumunta sa kwartong tinutukoy ni Chester. Ayokong magtagal sa gitna ng lobby. Ang daming mga matang nakatingin. Akala ko ba mini celebration lang?

Amanda frowned. "If I know, kaya siya sumama ay gusto lang niyang dumikit kay Ulrich ko."

I sniffed. What the hell is happening? Why am I here?

"Ano naman? Ulrich is single," balewalang sagot pa ni Chester.

Hinampas ni Amanda sa balikat si Chester. Mas lalong humaba ang nguso nito.

"Ulrich is mine!" Saka na niya kami tinalikuran at umalis kasama ng squad niya.

"Kausapin mo nga 'yung kapatid mo, Chester. Baka pag-initan nila ng ulo si Riza," sabi ni Cams.

Hindi ko pa nalulunok ang katotohanan na ang babaeng 'yon ay kapatid ni Chester pero ginulat na naman niya ako nung akbayan ako. Mas lalo ko siyang naamoy.

"Don't worry. She won't touch her," nakangiting sabi ni Chester.

Cams bit her bottom lip while staring at us. Kitang-kita ko ang kilig sa mga mata ng kaibigan ko. Kung wala lang si Chester ay malamang na pinaghahampas na niya ako.

"Siguraduhin mo lang, Mr. Megardon." Napatingin kami sa nagsalita, si Vice Hailey. I know this is a party but she made it look like a corporate meeting with her black formal attire and suitcase.

"Good evening, Miss Hailey..." Inalis ni Chester ang pagkakaakbay sa akin. Hinarap niya si Vice. "Bakit? Ano na naman ba ang ginawa niya?"

I didn't know Vice Hailey could roll her eyes.

"It's a long list, Mr. Megardon. Siguraduhin mo lang na hindi na ito madadagdagan pa."

Hindi hamak na mas matangkad ako kesa kay Miss Hailey pero mas nakakatakot ang tindig nito. 'Yung parang sa mga novel na nerdy girl tapos hindi nila alam na gangster pala. She's giving me that kind of vibe.

That's why... Nah. I'm not gonna mess with her.

Chester laughed. "Aight. Anyway... room, Miss Hailey?"

"Nah. I'll just go to the cottages." Vice Hailey next turned to us. She used a smile that could either make us feel comfortable or terrify us. "This is your first time here, right? Please have fun."

"Si Riza lang naman ang bago rito at underage pa!" Humalakhak si Chester.

Pumula ang pisngi ko. Really? Kailangan ba talagang i-mention ang age ko? I will turn eighteen soon!

Miss Hailey excused herself.

Sinamahan kami ni Chester sa magiging room namin ni Cams. Sa elevator pa lang ay hinarang na kami ng isang grupo ng kalalakihan. Inalok nila kami ng tig-iisang shot ng alak na sa amoy pa lang ay nakakahilo na.

I realized that at a party, you should be all in or just don't come at all.

Chester took my shot. Cams had hers. Umaandar na naman ang pagiging partygoer ng babaeng 'to. Mabuti na rin 'yon. Kesa naman pareho kaming awkward.

"Are you good here?" tanong ni Chester na nakatayo lang sa gilid ng pinto.

I sat comfortably on the edge of the bed. The party has barely started, why do I feel already tired?

"Yes. Thank you..." I responded.

"Cool. Ipapadala ko na lang dito gamit niyo." Saka na lumabas si Chester at sinarado ang pinto.

Inalis ko ang shoulder bag at pinatong sa gilid. Bumaling ako kay Cams.

"Gamit? Wala akong naiwan na gamit ah?" takang tanong ko.

Cams turned to me. "Ibang gamit kasi 'yon."

"Saka nga pala. Bakit ang bait ng trato mo kina Amanda?"

Cams rolled her eyes. "Tanga! Kapatid 'yon ni Chester mo. Malamang na dapat ay pa-good shot ka."

"Ew. No."

"Geez. Sino ba talaga ang gusto mo? Si Ulrich or Chester?"

"Whatever!"

Cams stood up and stretched her arms. Dumiretso siya sa bintana at hinawi ang puting kurtina roon. Tumanaw siya sa ibaba. Nasa third floor kami ng main building.

"He looked so hot," she muttered with a smirk.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tinanaw ko ang baba. Kitang-kita mula rito ang makulay na swimming pool at ang mga naliligo roon. May mga nagsasayaw na rin pero kaunti pa lang. Pumirmi ang tingin ko sa lalaking tinutukoy ni Cams.

Just as I thought.

PJ was talking to a group of guys on the side of the pool. He was on nothing but harbor gray trunk shorts. Tama naman si Cams. Guwapo si PJ, moreno at matikas ang katawan.

"I have my eyes to all the good-looking guys but there's really something about him..." Cams sounded so enchanted. "Patrick Jae Laxamana."

Dahil malapit ang kinatatayuan nila sa pool ay tila napagkatuwaan ng mga lalaking itulak ito sa pool. Mabilis naman na umahon do'n si PJ at inalog ang ulo.

"Sorry to burst your bubble but I think he has a girlfriend," I mentioned.

I was expecting a violent reaction from Cams but instead, she just laughed.

"Flings, you mean? That guy is just like me, no strings attached." Umalis na sa bintana si Cams at dumiretso sa kama. Kinuha niya ang cell phone at nag-type roon.

Oh. That girl is just one of his flings? That explained why.

Muli akong bumaling sa labas ng bintana. Napatingin ako kay Ulrich nang lapitan niya si PJ. Nag-usap ang dalawa. Nabuo ang isang ngisi sa labi ni PJ.

Ulrich was wearing a tropical summer beige polo shirt and blue shorts. Nakapasok sa bulsa ng kanyang shorts ang mga kamay habang kaswal na nakikipag-usap.

Before they even caught me staring at them, I closed the curtain. Tumabi ako kay Cams na busy sa kanyang phone. Kinuha ko na lang din ang cell phone ko.

"Nasaan na ba kasi si Jessie?" tanong ko.

"Prolly enjoying somewhere," pabalang na sagot ni Cams.

I took a selfie and sent it to Ate Sarah.

"Let's go?" Napatingin ako kay Cams nang bigla itong tumayo.

I just stared at her, idly. She looked so ready for the party while I was feeling timid.

"What? Get up now, Rizzie!"

"Huh? Akala ko magpapahinga tayo?" tanong ko.

She glowered at me. "Minsan lang 'tong party. Sulitin na natin!"

I winced. Hinatak na ako ni Cams patayo kaya wala na rin akong nagawa. Palabas na sana kami ng room nung may kumatok. Ako ang nagbukas ng pinto.

Tumambad sa amin si PJ na may hawak na dalawang paper bags. Medyo nailang ako dahil nakabalandra ang katawan niyang hubad. Basa rin ang trunk shorts niya. I also noticed the tattoo on his chest.

"Hey. You girls good here?" he greeted us.

"Hey. Yep," Cams replied back.

Gumilid na ako para si Cams na ang kumausap sa kanya.

PJ bit his bottom lip. "Ah. Gamit niyo pala..."

Tinanggap ni Camila ang dalawang paper bags. Iyon ang sa tingin kong tinutukoy kanina ni Chester na gamit namin. Hindi ko lang alam kung ano ang laman no'n.

"Nakaistorbo yata ako?" May mapang-akit na ngiti sa kanyang labi. Even his voice!

Damn! My best fried looked so charmed. Ako pa talagang inasar niya kanina na naakit sa ngiti ni Chester, eh siya nga itong tameme sa harapan ni PJ.

Cams immediately shook her head. "Not at all. Palabas na rin sana kami."

"Cool. Sakto palang dinala ko na ang mga gamit."

"Yeah. Thanks."

PJ nodded. "See yah, babes."

I was the one to close the door. May mga pangalan ang paper bags kaya binigay ni Cams ang para sa akin. Siya ang unang nagbukas ng paper bag.

My jaw literally dropped when Cams revealed what's inside of her paper bag. It was a pair of teal swimsuits! Holy shit. Of course, there's a pool outside!

Mabilis kong binuksan ang paper bag ko. As expected, swimsuit din na kulay dilaw. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagsuot ako nito. Pero... bago sa akin na magsusuot ng ganito sa party.

Pinanuod kong maghubad si Cams at sinuot ang kanyang swimsuit. Saktong-sakto sa kanyang katawan. Para ngang sinukat talaga para sa kanya.

"Bagay?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Sinukatan ba tayo nang hindi natin alam?" panunuya ko.

Kahit na hindi ko pa suot ang akin ay alam kong sakto rin ito.

"Subukan mo rin!" udyok niya sa akin.

Umiling ako. "Nah. Wala akong planong mag swimming."

"Geez. Come on, Rizzie!"

Nah. Hindi niya ako mapipilit. Sa huli ay hindi na rin ito nangulit pa. Pinatayo na lang niya ako para mag-picture kaming dalawa. Ibang ngiti ang nakikita ko sa kaibigan ko. Hindi lang 'yon dahil sa swimsuit, malamang na dahil din kay PJ.

"Naku, Cams. Ingat ka kay PJ ah," paalala ko.

"I know. He's not for... you know? Serious thing?"

Nakahinga ako nang maluwag. Buti alam niya.

Lumabas na kami ng kwarto para magliwaliw. Binalik uli ni Camila ang kanyang mini dress pero sa loob no'n ay nakasuot na ang swimsuit.

Another guy blocked our way. Nagpakilala itong si Arthur or simply Art. Kilala siya ni Cams. Kilala ko rin siya dahil siya ang huling lalaking nakita ko sa picture na sinend ni Chester. Finally... the five topless men in that picture are completed.

Art escorted us to the buffet area. We had dinner first. That was the highlight of this night – food. Ang sasarap at halatang mga magagaling na chef ang nagluto.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga kami sandali sa isa sa mga cottages. Nadaanan pa nga namin ang ibang kalalakihan na nagbi-billiards. Naroon din sina Chester at Ulrich.

Medyo malapit ang cottage namin sa swimming pool kaya napapanuod pa rin namin ang mga naliligo roon. Lahat ng babae ay naka-swimsuit at trunk shorts naman ang mga lalaki. They all looked expensive.

"I want to swim." Naagaw ni Cams ang atensyon ko. Crossed-legged, staring at me with those bored eyes. "But I don't want to leave you here alone."

"Sige na. I will just watch you from here."

"Sure ka?"

I nodded. Though I am kind of scared to be left alone in the scene of strangers, I don't want her to hold back for me. This is a party after all. Just like the rest, she's here to have fun.

"Stay here..." Tumayo na si Cams.

I watched her take off her mini dress until she was on nothing but her teal swimsuits. Dahil hapit sa kanyang katawan ang suit ay kitang-kita ang maganda niyang hugis.

I tend to forget this woman is the only daughter of the Torres Family. She's technically the heir of their wealth. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang naging kaibigan niya. Hindi pantay ang antas namin sa buhay.

Humalo si Camila sa mga tao. Habang patagal din nang patagal ay nagkukumpulan na sa pool area ang mga tao. Maging nga sa cottage na inuupuan ko ay may kasama na ako.

Naiilang ako dahil ako lang mag-isa. Halos lahat sila ay grupo-grupo.

"Hey..." Amanda approached me.

Just like the others, she was wearing a swimsuit. I couldn't help but praise her shape. Maganda talaga siya at ngayon na alam ko nang kapatid siya ni Chester ay napagtanto ko ang pagkakahalingtulad nila.

I mean... why?

"Why don't you change?" she asked.

I just shook my head.

"Boring... wait me here." Saka na siya tumalikod.

Pagbalik ni Amanda ay may dala siyang dalawang plastic cup na may kulay asul na likido. Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap ang isa niyang alok.

"Taste it..." she said.

Inamoy ko muna 'yon. Hindi naman masama.

Tinikman ko ang asul na inumin. Nagustuhan ko ang lasa no'n dahil para lang siyang juice. Though lasa ko pa rin naman ang pait kapag nagtagal sa dila ko.

"Alam mo, Riza. We can be friends naman e," malambing na pagkakasabi ni Amanda.

Lumapit siya sa akin. Napasinghap ako nang hipuin niya ang legs ko. Napaatras ako at bahagyang natapon sa kulay dilaw kong damit ang asul na inumin.

"Shit!" I cussed.

"Aw. Sorry." Amanda chuckled.

I bit my bottom lip. Paano na 'to ngayon?

"Just stay away from Ulrich and we are good. Also..." Hinila niya pababa ang off-shoulder top ko kaya mabilis ko 'yong tinaas. "Change your clothes to anything basta hindi yellow."

"Why do you care?" asik ko.

"I don't care about you. Let's get that straight." She flipped her hair as she sipped on her drink. "Ayoko lang na pareho kayo ng kulay ng damit ni Ulrich."

Tinalikuran na niya ako at humalo sa karamihan pa.

The frustration made me drink the liquid of my plastic cup. Halos nakalahati ko na 'yon nung marinig kong sumigaw si Jessie. Nakatutok pala sa akin ang camera niya.

"Drink it, Rizzie! Show me what you got!"

This is a party. That is a dare.

Without second doubts, I drank the blue liquid. Gumapang sa lalamunan ko ang malamig na likido. Napadighay pa ako nang tuluyang maubos 'yon.

Just like that, I broke my promise not to drink.

"Whooo!" Jessie hyped me up. "That's my girl!"

I just rolled my eyes. Ngayon ko lang napansin na nakahubad na naman pala siya.

"Proud of you, Rizzie!" pang-aasar pa niya.

"Having fun?" Lumitaw sa likod ni Jessie si Chester.

Tila nawala ang inis ko nang makita ang ngiti niya. His smile was the most calming thing to ever exist in this chaotic place. Maybe Camila was right after all. With Chester's smile, I get captivated.

"Yoo. Can I take a video of you two?" request ni Jessie.

"Huh? Ayoko nga!" pagtanggi ko.

"Sus. Sige na!" udyok pa ni Jessie.

Todo iling ako pero wala rin akong nagawa nung tabihan ako ni Chester. Tinulak ko agad siya nung tangkain niya akong akbayan. Nakakahiya!

Tinawanan lang ako ni Chester.


"Hey. Hindi mo sinuot?" tanong niya.

"'Yung swimsuit ba? Ayokong maligo e."

Oh. Shit. Did I just disappoint him?

"Oh. Okay."

Napatingin kami sa pool nang magsigawan ang mga tao. Nakita kong naglabas ng mga malaking tub ang mga lalaki. Nagtakbuhan naman ang mga tao papunta roon.

"Damn." Humarap sa akin si Chester. Mukhang nag-aalala naman ito. "Wala ka ba talagang balak na maligo?"

I shook my head.

"Maybe you should run now." Tumawa siya.

I was about to ask why when a rubber balloon filled with water splashed against Chester's back. Pati ako napaatras nung sumabog ang tubig no'n.

"Shit." Mas lumapit sa akin si Chester. Sinandal niya ako sa gilid ng cottage at hinarang ang katawan niya. "Huwag kang lalayo sa 'kin hanggang sa maubusan sila ng balloons."

Napatitig na lang ako sa mukha niya. Nakangiti ito sa akin at minsan ay matatawa kapag natatalsikan din ako.

Parang wala na ring katuturan na magtago sa harapan niya dahil basang-basa na ako. Gano'n pa man ay hindi ako gumalaw. Hanggang sa niyakap na niya ako.

I froze for a moment. What the hell?

Naramdaman ko ang hubad niyang katawan na bumalot sa akin. Nagtugma ang mga balat namin. Tila nakiliti pa ako sa tinding dulot no'n.

"Are you okay?" Chester asked.

Patuloy pa rin sila sa pagtapon ng balloons.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at iyon ang sinagot ko. Pero naramdaman kong niyakap niya ako nang mahigpit nung sinabi kong...

"Nababasa pa rin ako eh."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro