Chapter 50
KiB: This is the last chapter of Wicked Hearts. Thank you so much for reading this story. Sana nag-enjoy rin kayo sa story nila. Hehe. Salamattt!
Chapter 50: Gift
After a long silence of contemplating whether I should hang up and pretend like I had a bad signal or my cell phone slithered from my grasp and broke it, I finally managed to find my voice.
I cleared my throat.
"Y-yes po. This is Riza."
I muttered a cuss. I trained hard how to professionally answer calls only to end up sounding like a quacking duck.
"I see. As I already said, I am Urich's Mom. I'm sorry for calling you all of a sudden—"
"No. It's totally fine, Ma'am."
Napapikit ako. Shit. I should have not interrupted her. Parang nagkabuhol-buhol bigla ang mga nasa isipan ko. I've answered hundreds of calls now. Bakit parang bumalik ako sa una ngayon?
Lumabas ako ng bahay para makasagap ng malamig na hangin. Dumiretso ako sa likod saka umupo sa bench at tumitig sa swimming pool.
"Nasabi na rin po kasi sa akin ni Ulrich na tatawag kayo," dagdag ko pa sa magalang na pananalita.
Pero hindi niya sinabi kung para saan!
I mentally cursed Ulrich. Kulang-kulang ang sinabi niya tapos bigla pa akong binabaan kanina. Ngayon ay hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin.
"Anyway, I've heard that my son is courting you."
I chocked on my own saliva. Tila umakyat sa ulo ko ang dugo nang marinig ang sinabi niya. But it was a relief that I couldn't feel any grudge from her when she said that.
"You were batchmates, right?" I heard her chuckle. "I remember how he used to tell me things about you. Like... exciting things. He was so happy."
Bumaba ang tingin ko sa mga binti ko. So... naikwento na rin pala niya ako sa Mommy niya. Base sa kwento ni tita ay matagal na rin nangyari 'yon.
"Until he suddenly stopped talking about you." I heard her sigh. Lumipas ang ilang segundo ba siya uli nagsalita. "Sabi niya ay kasama ka niya sa college, pero hindi na siya nagkwento sa akin matapos no'n."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Wala akong masabi kahit na alam ko ang sagot.
"But I have my own ways..." she said.
Kumabog ang didbib ko. Shit.
"You two broke up because you wanted to focus first on your studies. Isinantabi niyo muna ang nararamdaman niyo at nagtiwala sa isa't isa."
"I'm sorry, but that's not true, Tita." Huminga ako nang malalim. "That truth is... I broke up with your son. It was not a mutual decision."
Tumingala ako nang mangilid ang luha sa mga mata ko. I drew a deep breath as the memories of yesterday flooded my mind. I remember how desperate he was to steal more moments with me. Because I couldn't stay with him. Because I couldn't choose him. Because I couldn't fight for him.
"Riza..." Nanindig ang balahibo ko nung tawagin niya ako sa pangalan ko. "I know everything. Your sister, my son... you. Tahimik man ako pero alam ko lahat ng nangyayari."
Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ko.
"I-I'm sorry, Tita," I gasped.
"We can't really force love, can we?" she laughed.
"I don't think you can even consider it love if it's forced."
"I admire you, honey. I admire you so much for what you did. Would you believe me if I say you shown me the light I needed? The go signal I have been waiting for all my life... you gave it to me unknowingly."
Hindi ko maintindihan pero tila lumundag ang puso ko sa sinabi niya. Basta ang alam ko lang ay wala siyang sama ng loob na nararamdaman sa akin. That's enough for me.
"You were selfish and selfless at the same time. I applied it for myself. I loved Nicholas so much that I became selfish and selfless at the same time... just to keep him. That was also the same reason why I let go of him. It took me some time, but I learned to accept the truth. He could never love me the I way I did to him. I am happy now..."
"I-I'm relieved to hear that..."
She let out a weighty sigh. "Anyway... kaya ako napatawag ay may pabor lang sana ako sa 'yo."
"Ano po 'yon?"
"As you know, honey. Ulrich is running a huge company. Alam mo rin kung gaano ka niya kamahal. I won't ask you to leave him. All I ask is more time..."
"Po?"
"Ulrich has declined a huge deal. I know it's hard because it will take two years to accomplish the deal, but after that, you can already have him whole."
Lumunok ako. "I'm sorry, I still don't get it."
"Are you familiar with arranged marriage?" she asked.
My lips trembled. "He needs to marry someone that will last for two years. Tama po ba ako, Tita?"
"For business only..."
Natahimik ako. So... I guess Art's play is not for fun only. It was half-truth. It's just Ulrich declined it. But... for two years? Kaya ko pa ba?
"That' all, Riza. You can do that, right?"
"Alam po ba 'to ni Ulrich? Did he ask you to talk to me?"
"No. Can we just keep this—"
"Tita..." Lumunok ako uli. "Sorry pero hindi po yata ako ang dapat niyong kinakausap tungkol dito. It's Ulrich's decision after all. Hindi ko naman po siya puwedeng diktahan."
"But you can encourage him, honey. He won't listen to me."
I nodded. "I will try..."
"Just as I thought. Makalipas ang dalawang taon, puwede na kayo uli. Wala na rin kayong maririnig sa akin. Susuportahan ko kayo sa abot ng makakaya ko."
"I will talk to him..." I said.
"Thank you so much, Riza. See you soon..."
I smiled. "See you soon, Tita Davina."
Ilang minuto rin akong tulala sa kawalan. Nabalik lang ako sa huwisyo nung tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nung makita ang pangalan ni Ulrich.
"Hello, Riza?" bungad niya. "Mom called me. Nakausap ka na raw niya, hindi ba?"
"Yes. Hindi naman pala siya masungit." Tumawa ako.
Narinig ko rin siyang tumawa. "Hindi naman talaga. Nasabi na ba niya sa 'yo?"
"I guess?" Nagkibit-balikat ako. "But let's not talk about it now. Pag-usapan na lang natin kapag nakauwi ka na. Anyway... kumain ka na ba?"
"Yep." Narinig ko ang wisik ng tubig sa kabilang linya. "Nakaupo ako sa gilid ng pool. It's cold here. Nagsisisi talaga ako bakit hindi kita sinama."
Sumandal ako sa upuan nang mangawit ang likod. Tumingala ako sa maaliwalas ng kalangitan. Puno ng bituin. Malakas ang hangin. Nakakagaan ng pakiramdam.
"Malapit na birthday mo..." banggit ko.
"Oo nga, eh." I heard him exhale deeply. "Actually, may plano na ako."
"Right. Mukhang may plano rin naman sina Art."
"No!" Parang nakita ko siyang sumimangot pagkatapos tumaas ng boses niya. "I want a simple celebration. I want to celebrate it with you. Just the two of us..."
"Tanga!" Tumawa ako. "Hinintay ka rin naman ng mga kaibigan mo. Hindi lang naman ako ang naka-miss sa 'yo."
He frowned. "Makakapaghintay naman sila. Besides, wala na akong planong umalis ng bansa. Nakausap ko na rin si Daddy tungkol dito. Pwede ko naman silang isama sa celebration ko sa ibang araw. But, I really want to celebrate my exact birth of date with the love of my life."
Nagbadya na naman ang mga luha ko. Pagkatapos nito ay kailangan ko na naman bang maghintay ng dalawang taon?
"Birthday gift mo na lang sa 'kin, please?"
I sighed. "Sure. Okay!"
"Talaga?!" Gumalak ang tinig niya. "Yesss!"
"But right now... umuwi ka muna. I miss you already."
"Aw..." He chuckled. "I miss you too, baby..."
"I love you, Rik."
"I love you more, baby."
Pagka-end ng call ay umiyak na naman ako. Iniisip ko pa lang na mawawalay na naman siya sa akin nang dalawang taon ay sobra nang lungkot ang nararamdaman ko.
Sunday. Maaga kaming nagising ni Sophie dahil magsisimba kami. Inayusan ko ng damit si Sophie. Sinuot ko sa kanya ang favorite niyang pink na barbie. Saka ko rin tinirintas ang kanyang buhok. Sinama namin ang barbie doll niya.
"Mommy! Lobo!"
Hindi pa kami nakakapasok ng simbahan ay ang dami na agad tinuturo ni Sophie. Pagkatapos sa lobo ay gusto naman niyang bumili ng ibon na may kulungan.
Tahimik akong nakaupo at nakikinig nung makitang may lumipad na ibon. Napatingin ako kay Sophie na nakatingala sa pinalipad niyang ibon.
"Nakawala ba, baby?" pabulong kong tanong.
"Baka hinahanap na siya ng mama niya." Sophie smiled at me.
Napangiti na lang din ako. Yumuko ako para halikan siya sa noo.
Pagkatapos ng misa ay humingi ng pera sa akin si Sophie. Akala ko ay may bibilhin na naman siya pero bigla siyang lumapit sa batang babaeng nagtitinda ng sampaguita para ibigay 'yon.
"Gusto mo ng lobo?" Inalok pa ni Sophie ang hawak niyang lobo.
Umiling ang bata saka tinuro ang yakap ni Sophie na barbie.
"Huh? Favorite ko 'to, eh." Sumimangot si Sophie. "Pero... sige na nga. Marami naman akong barbie doll sa bahay na binigay ni Tito Ulrich!"
Napangiti ang bata nung mayakap ang barbie doll. Saka siya tumakbo saka para ipakita ang bagong regalo sa mga kasama niyang nagtitinda rin.
"Mommy..." Humarap sa akin si Sophie. "She didn't say thank you."
"Aw..." Binuhat ko si Sophie saka pinudpod ng halik sa pisngi. "Ang bait-bait mo talaga, Sophie. Kaya love na love ka ni Mommy, eh. Bibilhan din kita ng maraming barbie doll!"
Lumiwanag ang mukha ni Sophie. "Yehey!"
Umuwi na rin kami agad dahil nagreklamo si Sophie na gutom na. Mas gusto kasi niya ang luto ni Tita Melly kesa ang kumain sa mga restaurants.
Pagkauwi namin sa bahay ay halos sumayad sa lupa ang panga ko nang makita si Ate Sarah. Humagikgik si Sophie saka tumakbo at nagpabuhat sa kay Kuya Oliver na daddy niya.
"A-Ate Sarah..." Patakbo ko siyang niyakap. Doon na bumuhos ang luha sa mata mga ko.
"Oh, baby sis. I miss you..."
Para akong bata na humagulgol. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati. Sa dami ng mga nangyari ay walang nagbago sa amin ni Ate Sarah. She's still the sweetest person I know.
"Kailan pa kayo umuwi?" tanong ko.
"Ilang araw na rin," sagot ni Kuya Oliver na nakangiti sa akin. "Si Sarah kasi ayaw munang ipaalam sa 'yo. Gusto muna niyang makuha namin ang lupa na malapit sa pinagtatrabauhan mo."
"Guess... what?" Hinawakan ni Ate Sarah ang kamay ko. "Lilipat na kami roon!"
"Seryoso?!"
"Yesss!" Patalon-talon pa si Ate Sarah. "Mas mapapadalas na rin ang pagbisita mo sa amin!"
"Honey... calm down," natatawang suway ni Kuya Oliver kay Ate Sarah.
"Hala. Buntis ka nga pala!" bulalas ko.
"Masarap kasi..." Humalakhak si Ate Sarah.
Sabay-sabay kaming nag-lunch. Kaya rin pala sila lilipat ng bahay ay para malapit sa school na pagtuturuan ni Ate Sarah. Bale si Kuya Oliver lang ang medyo napalayo sa trabaho.
Kinwento ko sa kanila ang ginawa kanina ni Sophie sa simbahan, pati ang pagbigay niya ng laruan sa bata. Kuya Oliver wanted to reward his daughter for that, pero tumanggi si Ate Sarah. Gusto niyang matutunan ni Sophie gumawa ng mabuti na walang hinihintay na kapalit.
Natapos ang araw namin na walang ginawa kung hindi ang magkwentuhan. Bitin na bitin pa nga ako pero may work na ako bukas kaya kailangan ko na ring umalis.
Matapos kong magpaalam kay Sophie ay sinamahan ako ni Ate Sarah sa labas. Papasok na sana ako sa sasakyan nung tawagin ako ni ate. Inikot niya ako sa kanya para talian ang buhok ko.
"You will drive, baby sis. Baka maharang ng buhok mo ang mata mo."
I chuckled. "Nakasarado naman ang mga bintana."
"Kahit na..." Pagkatapos niya akong talian ay hinarap niya ako. Nakangiting hinaplos niya ang mukha ko. "Ang saya mo nang tingnan, Riza. Masaya ako para sa 'yo..."
Napangiti na lang din ako.
Hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi. "Drive safely. I love you, baby sis."
"I love you so much, Ate Sarah..."
Pagkatapos niya akong yakapin ay pumasok na ako sa sasakyan ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Mula sa rear-view mirror ay nakita ko siyang kumaway hanggang sa makalayo na ako.
Ah! I'm so happy!
Pagkauwi ko sa condo ay agad kong binuksan ang laptop ko. Nag-research ako tungkol sa babaeng pakakasalan ni Ulrich. Napag-alaman kong totoo nga 'yung picture na pinakita sa akin ni Pamela. Tama nga akong buntis ito at iba ang ama ng bata.
It was a relief that I know they won't fall in love with each other. They are both committed to someone else. It's just really for the sake of their business.
Still... two years?
Wala naman gaanong nangyari buong hapon. Tumawag din si Ulrich at gaya ng sinabi niya ay bukas pa siya makakauwi. Pagkagaling sa trabaho ay hindi ako agad umuwi. Dumaan ako sa mall para maghanap ng pwedeng iregalo kay Ulrich.
Alam kong sinabi niyang ako lang ang gusto niya, pero gusto ko pa rin siyang bigyan ng maisusuot. This is the first time that I will give him a gift. I really want it to be special.
Wala akong maisip kaya tinawagan ko si Camila.
"One year's worth of condoms!" she suggested, nonchalantly.
I groaned. "Seryoso kasi!"
Sumilip ako sa mga makinang na alahas sa loob ng salamin. Masyadong mahal ang presyo pero kaya ko namang bilhin. Hindi lang talaga ako makapili nang maayos. Hindi rin naman kasi ako mahilig magbigay ng regalo.
"Trip to France?" sunod niyang suhestiyon.
"Not now, Cams."
"Uhmm..." Napaisip naman siya. "Hindi ko na alam, eh. Basta bilhan mo na lang siya ng bagay na lagi niyang maisusuot. 'Yong lagi ka niyang maaalala kapag nakita niya!"
"Nice suggestion..." I rolled my eyes. "Para namang hindi ko pa 'yan naisip. Hindi ko nga kasi alam kung ano!"
I mean... he has everything. Ano pa ba ang wala sa kanya?
"Wristwatch?"
I sighed. "Sige na. Ako na ang bahala!"
"Pakisabi na lang sa kanya happy birthday. Ako na ang bahala sa one year worth of condoms niyo!"
"Bye. Love you!" Saka ko na agad pinatay ang tawag.
Nag-ikot-ikot pa ako sa loob ng jewelry shop. Bagay na laging magpapaalala sa kanya tungkol sa akin? I mean... lagi naman niya yata akong iniisip kahit na wala akong ibigay sa kanya.
Natawa ako sa biglang pumasok sa isipan ko. A picture of me in my bikini?
It took me time to understand what I really wanted.
I decided to buy it. Sobrang satisfied ko sa naisip ko.
Umuwi akong may ngiti sa labi.
Pagkalabas ko ng elevator ay natigilan ako nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan ng unit ko. Nakangiting nilapitan ako ni Ulrich.
"A-akala ko bukas ka pa uuwi?" tanong ko.
He wrapped his arms around me.
"Hindi ko na kaya..." malambing niyang sinabi.
"How about your dad?"
"What about me?" He leaned his face closer to me. "How about me, baby?"
I pushed his face away when he tried to kiss me. Hinawakan ko ang braso niya saka hinila sa loob ng unit ko. Pagkasarado ko ng pinto ay agad niya akong hinalikan.
"I miss you..." he whispered while kissing my neck. Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang dila roon. "You taste salty, baby. I love it!"
Nanlaki ang mga mata ko saka siya sinipa palayo. Napaubo naman siya dahil nasipa ko ang kanyang sikmura. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko.
"W-what's wrong?" he asked, wincing.
"Tanga. Galing ako sa trabaho kaya pawisan pa ako!"
"What? I said I love it!"
Umirap ako. "Shut up! Maliligo lang ako sandali!"
"Puwede ba akong—"
"No!" Nakasunod siya sa akin hanggang sa pumasok ako ng kwarto ko. Nilagay ko sa loob ng cabinet ang shoulder bag ko kung nasaan ang regalong binili ko para sa kanya.
Habang pumipili ako ng damit ay nagdadabog sa kama si Ulrich.
"Sama na kasi ako sa shower!" aniya.
"No."
"Hays. Hindi mo ba ako na-miss?"
Tamad na bumaling ako sa kanya. Nakadapa siya sa kama habang nakapatong ang baba ng ulo sa kanyang braso. Nakanguso pa ang gago habang nakatingin sa akin.
"I miss you, Ulrich. But I prefer to shower alone," I smiled.
"Fine!" He sighed. Mula sa pagkakahiga ay umupo siya. "But... can I sleep here?"
"Can't you drive?" I asked.
Natigilan siya. "N-no? I'm drunk!"
"Hindi ka amoy alak, Rik."
"How sure are you?" he smirked. "Na-kiss mo na ba ako ngayon?"
"Fine. You will sleep here."
Saka na ako pumasok sa loob ng shower room. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Ulrich. Napailing na lang ako. Pagtingin ko sa salamin ay nakangiti pala ako.
Oh, God. I'm arguing with him while smiling all this time?
Nice one, Riza. Ang convincing mo talaga.
Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay lumabas kami sandali ni Ulrich para kumain. Pagbalik namin sa unit ko ay tumambay kami sa sala habang nanunuod ng sinusubaybayan kong vampire series.
I don't think Ulrich understands a thing, but he still watched it.
"Oh. He sucks blood from her neck?" tanong ni Ulrich na nakahilig ang ulo sa hita ko. Naramdaman kong dumapo pa roon ang mainit niyang palad.
I sniffed. "They are vampires, Ulrich."
"Damn. That's cool..."
"Yeah..."
Napakagat ako ng labi nung pataas nang pataas ang paghaplos ni Ulrich sa hita ko. I anticipated for more but he lowered it again, leaving me frustrated.
What the fuck is wrong with this man?
"What happens to the woman after he sucks her blood?" he asked next. "Hindi ba siya mamamatay?"
I frowned. "Nope. Manghihina lang sandali 'yung babae..."
Humalakhak si Ulrich kaya naguluhan ako. Umayos siya ng pagkakaupo saka humarap sa akin. May mapang-asar na ngiti sa kanyang labi.
"Are you a vampire, then?" he asked.
"Why?"
"Nanghina rin kasi ako pagkatapos mong higupin—"
"Stop!" Hinampas ko sa mukha niya ang throw pillow. "Fuck you, Mr. Delgado. Ang gago mo!"
Halos mamatay-matay siya sa pagtawa. Nahulog na nga siya mula sa sofa pero hindi pa rin natinag ang kanyang pagtawa. Bagkus ay palakas pa nga ito nang palakas.
Hindi ko na nasundan ang pinapanuod ko. Walang ginawa si Ulrich kung hindi ang i-connect sa akin lahat ng ginagawa ng bampira sa babae. Puro kagaguhan lang naman.
The night passed peacefully. Ulrich and I slept in the same bed. Nakayakap lang siya sa akin. Sa kabutihang-palad naman ay walang nangyari sa amin.
Not like I would push him away if he tried to.
Maybe he's tired.
Whatever, Mr. Delgado!
Lumipas ang ilang araw na balik sa dati ang lahat. Palaging bumibisita sa office ko si Ulrich. Halos araw-araw na rin niya akong binibigyan ng mga bulaklak at chocolate. Nasanay na nga rin pati ang mga katrabaho kong dati ay nagtataka.
May plano na kami sa birthday niya. We will have a four day vacation. Pupunta kami sa private beach nila para mag-moment doon. I mean... I know what will happen.
But an idea popped in my mind the night before his birthday. Inaya ko siya sa isang roadtrip. Akala ko nga ay tatanggi siya pero agad itong pumayag. Gusto kong salubungin ang birthday niya.
I brought my gift for him.
Gamit ang sasakyan niya ay buong gabi kaming nasa daan. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela at ang isa naman ay sa kamay ko. Nakasandal ako sa balikat niya. Maya't maya ang paghalik niya sa kamay ko.
"One hour..." I whispered.
"I love you, Riza..." Muli niyang nilapit sa labi ang kamay ko para mahalikan. "I want to spend the rest of my life with you. I want to marry you and have kids. Right. I want kids. Not a kid."
I chuckled. "I love you more..."
Five minutes before his birthday, tumigil kami sa nadaanan na dagat. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa madilim na dalampasigan. Kami lang ang tao dahil masyado nang malalim ang gabi.
Suminghap ako. "May sinabi nga pala sa akin ang Mommy mo."
"Oh. Oo nga pala. She wants to see you in person..."
Hinarap ako ni Ulrich sa kanya. Nakangiting inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Dinampihan niya ng halik ang noo ko.
"Hindi 'yon, Rik..." bulong ko.
Sinulyapan ko ang oras sa cell phone ko.
One minute before his birthday...
"What's it, baby?"
"She talked to me about the business deal you declined..."
Mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang labi.
Sumikip ang dibdib ko. Two more years?
"I already told her not to talk about that thing!" he said, frustratedly. "Now, what? What about it? I already declined it for a reason!"
"I need to wait for two more years..." I smiled, bitterly.
"I can't..." Lumambot ang expression niya. "Hindi ko na kayang maghintay pa, Riza. Hindi ko rin sinabi sa 'yo 'to kasi alam kong baka pumayag ka sa gusto nila."
Nilabas ko ang maliit na box sa bulsa ko saka ko hinawakan ang kamay ni Ulrich. I gave him my gift. Saka ko hinawakan nang mahigpit ang kamay niya.
"Riza..." he swallowed. "Don't leave me again. I don't care if not pursuing the deal might affect us. Wala akong pakialam kung ano ang mawawala sa akin kapag hindi ko 'yon tinuloy. Wala akong pakialam kasi ang gusto ko lang ay huwag ka nang mawala ulit."
Bumagsak ang mga luha sa mata ko. Nasasaktan akong kailangan na naman niyang magmakaawa sa akin. Na ako na naman ang dahilan kung bakit nasasaktan siya.
"Baby..." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "When will you choose me?"
"Happy birthday, baby. I love you so much. So... here's my answer," I said, referring to the box. I was shaking... full of emotion. "I want you to kneel down before you open it."
Naguguluhan man pero ginawa niya ang gusto ko. Nakaluhod niyang binuksan ang maliit na kahon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung ano ang laman no'n.
"R-Riza..." he cried.
"I do, Rik. I want to marry you..."
He wiped his tears. "So... you planned this all along?"
"Ayoko nang maghintay, Rik. Hindi ko na kaya."
Nakangiting pinasok niya sa daliri ko ang singsing na regalo ko sa kanya. Pagkatapos ay tumayo siy saka hinarap ako. Tumulo na naman ang mga luha niya, pero sa pagkakataong ito ay dahil sa saya na.
The only thing he doesn't have is... me.
"You are finally choosing me..." he whispered.
"It's now or never, baby."
Hinigit niya ang bewang ko palapit sa kanya.
"Pwede bang i-advance natin ang honeymoon?" bulong niya.
I chuckled. "Puwede naman..."
Dinampihan niya ng halik ang labi ko saka siya umikot para yakapin ako sa likod. Pinatong niya ang baba ng ulo sa balikat ko habang sabay naming pinapanuod ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
"I love you, Mr. Delgado."
"I'm yours, forever... Mrs. Delgado."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro