Chapter 5
Chapter 5: Game
Ang tanga koooo!
Hindi ko inakalang makakatulog ako habang nagre-review. Pumikit lang ako sandali at umaga na nung dumilat ang mga mata ko. Wala ako gaanong na-review!
I decided to continue reviewing while having my breakfast. Nasa kusina ako dala ang cell phone at mga notes. May platito ng saging sa gilid ko na sinasawsaw ko sa mainit na gatas. Some may find it weird but I swear to God, it tastes so good!
Or maybe I just have weird taste buds.
I turned on the don't disturb mode of my phone to focus. Pero hindi ko naman mapigilang hindi i-off 'yon para sumandaling mag-scroll sa Facebook at Twitter. Mas matagal pa nga ako sa social media kesa sa notes ko.
"Mag-grocery lang ako, Riza," paalam ni Ate Sarah.
Umangat ang ulo ko. "Sama ako, Ate!"
"Akala ko ba nagre-review ka?"
Nginuya ko muna ang saging bago niligpit na ang mga gamit. Ininom ko ang gatas bago nilagay sa ref ang saging na hindi ko naubos. Kakainin ko na lang 'to mamaya. Hindi pa rin naman ako tapos sa pag-review e.
"Ano ba kasi ang nire-review mo? Akala ko tapos na ang exams mo?"
"Wala, Ate. Advance lang ako mag-isip..." Tumawa ako.
My sister laughed, too. Pero hindi hamak na mas elegante ang pagtawa niya.
Naghilamos na rin naman ako kanina kaya nagpalit na lang ako ng damit. I may not be as beautiful as Amanda, at least I am not scared of using deodorants. Above all, personal hygiene!
Habang papunta sa Grocery Store ay biglangtumawag sa akin si Cams. Ang gaga gusto pa talaga ng video call. Pinagmalaki niya sa akin ang dance practice nila na maayos na raw.
"Hi, Ate Ganda!" bati niya kay Ate Sarah.
Napangiwi ako. Kung makasigaw naman ito parang wala kami sa public transportation. Pasimpleng nakikinig ang mga kaharap namin sa jeep.
"Hello. How are you, Cams?"
"Hay naku, Ate." Hinawi ni Cams ang kanyang buhok. "Medyo stressed pero maganda pa rin naman. Mas kapatid mo pa nga yata ako kesa kay Riza. Magkasing ganda tayo!"
I rolled my eyes. Cams never complimented my look. Siya pa nga ang unang papansin sa pangit na bahagi ng suot ko. Pero kapag wala naman siyang sinabi, ibig sabihin ay walang mali sa akin. That's how she compliments me.
"Payagan mo na si Riza, Ate Ganda. Ngayon lang naman e."
"Saan?" Kinuha na sa akin ni Ate Sarah ang cell phone ko at siya na ang humawak non. "Wala namang nababanggit sa akin si Riza na lakad niyo e."
Umayos ako ng upo. Napansin ko ang isang mama sa bandang dulo. Titig na titig siya kay Ate Sarah. Napatingin din siya sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng tingin. Agad naman itong umiwas ng tingin.
Meanwhile, Ate Sarah is unbothered. Hindi niya nga alintana lahat ng mga matang mapapatingin sa kanya sa tuwing dadaan siya. Nasa kanya na ang lahat... pero bakit pa rin siya iniwan ng kolokoy na 'yon?
"Huh? Wala namang nasabi sa akin si Riza."
"Ihahatid ko naman siya, Ate!"
Napatingin sa akin si Ate Sarah bago muling bumaling sa cell phone ko. Inayos niya sa likod ng kanyang tainga ang ilang hibla ng buhok na kumawala. Napangiti ako. Ang ganda talaga ni Ate Sarah. Siya 'yung perfect definition na simpleng ganda na hindi nakakasawa. She doesn't put on make up that much. Konting kulay lang sa labi ay ayos na.
How could some people look attractive without even trying?
"Hala. Napapa-CR na naman ako, Ate Ganda!" reklamo ni Cams.
"Huh? Oh sige—"
"Babyee!" Bigla nang pinatay ni Cams ang tawag.
Sakto namang narating na namin ang Grocery Store. Nagpara kami at bumaba ng jeep. Napasinghap ako pagkapasok dahil ang init sa labas tas ang lamig dito.
Ako ang nagtutulak sa cart at pasimpleng naglalagay ng pagkain. Mga sangkap at importanteng bagay ang binibili ni Ate Sarah. May listahan siya. Minsan ay magugulat siya dahil sobra ang babayaran. Kasi nga... naglalagay din ako na wala sa listahan niya.
"You are never into sports, Riza." Hinarap ako ni Ate Sarah. Nilagay niya sa cart ko ang hawak niyang gatas. "Buti manunuod kayo ng basketball mamaya?"
Nagkibit-balikat ako. "Pampalipas oras lang, Ate. Saka hinihila lang talaga ako ni Cams."
Nung tumalikod si Ate Sarah ay kumuha ako agad ng chips at nilagay sa cart.
"Anyway..." Ate Sarah suddenly turned to me. There was this gentle smile plastered on her lips. Bahagya pang umalon ang kanyang buhok sa biglang paglingon. "Sino ang naghatid sa 'yo kagabi?"
My lips slightly parted. Akala ko ay hindi niya napansin 'yon dahil wala rin siyang tinanong kagabi.
"Hmmm... baby sis?" pang-aasar pa ni Ate.
"Just a classmate, Ate..."
"Just?" Nagtaas siya ng mga kilay.
Si Ate Sarah 'yung babaeng kahit magtaas ng kilay ay maamo pa rin ang hitsura. 'Yung iba kasi, kapag nagtaas ng kilay ay pang bruha na agad ang mukha.
"Why would you label it as 'just' if you could only say 'a classmate'?" Ngayon ay bakas na ang panunuya sa kanyang boses. "Hmm. Mukhang may dapat akong malaman ah."
Sumimangot ako. "Kaklase nga lang, Ate!"
"Okay. Sabi mo e."
Napabuga ako ng hangin. That's not okay for her at all.
"Uy, Mareng Sarah!"
Napayuko ako sa cart nung biglang sumulpot si Miss Dorothea. Anak naman ng— ang malas! Ang awkward nito lalo na't alam niyang may exam ako sa Monday. That's two days from now!
"Ako na ang bahala sa kalahati ng babayaran mo!" dinig kong prisinta ni Miss Dorothea.
"Huh? Hindi na, Teacher Dorothea. I can pay naman—"
"I insist! Malaki ang bigay ng Sugar Daddy ko. I want to share my blessings din. Ano ka ba, Sarah? Parang wala tayong pinagsamahan ah!"
Kahit na anong tanggi ni Ate Sarah ay hindi nagpatinag si Miss Dorothea. Hihilahin ko na sana ang cart ko paatras at paalis nang bumaling sa akin si Ate Sarah.
"Riza. Say hi to your teacher..."
I bit my bottom lip. Holy shit!
"Uy. Andito ka rin pala Riza!"
Huminga ako nang malalim bago inangat ang tingin. Nakangiti sa akin si Miss Dorothea. Nakahinga ako nang maluwag dahil halatang wala siyang balak na banggitin ang tungkol sa exam ko.
Just like Ate Sarah, maybe she also knows how to separate her job from her personal life. Kapag wala sa school si Ate Sarah ay bihira siyang mag-open about sa school stuff.
"Good morning po, Teacher Dorothea."
"Good morning, Riza."
Thankfully, kahit kasama namin si Miss Dorothea ay hindi niya ako pinapansin. Magkausap lang sila ni Ate Sarah. Narinig ko pa ngang inaasar niya si Ate e.
"Nabalitaan kong may nanliligaw raw sa 'yo, Sarah."
Naagaw nila ang atensyon ko. Nasa likod nila ako kaya hindi ko makita ang reaksyon ni Ate Sarah.
May nanliligaw sa ate ko? Wala siyang nababanggit sa akin.
"Bulaklak lang 'yon, Teacher Dorothea." Tumawa si Ate.
"Oh, may kaibigan bang lagi kang bibigyan ng bulaklak?" pang-aasar pa ni Miss Dorothea.
Lagi? Hindi ko pa nakitang nag-uwi ng bulaklak si Ate Sarah.
Napangisi ako. Mukhang siya ang dapat na inaasar ko at hindi ako.
Pagkatapos namin sa Grocery Store ay kumain kami sa isang fast-food chain. Si Ate Sarah ang pumila para mag-order. Nanatili ako sa table namin.
Pagala-gala ang tingin ko. Hanggang sa hindi inaasahang mapagawi ang tingin ko sa isang babae at lalaki. Dumaan lang sila. Pero kilala ko 'yung lalaki... si moreno guy.
Oh... he has a girlfriend.
Okay. Cool.
Sandali lang kami kumain at umuwi rin agad. Hindi ako nag-atubiling ipagpatuloy ang pag-review. Pero... sa tuwing babalikan ko ang mga nauna kong tinalakay ay nakakalimutan ko ang mga bagong ni-review ko.
Napahilot ako sa sintido. This is not working.
My phone beeped.
From Cams:
"Five sharp."
Napasandal ako sa ulunan ng kama. It's three pm now. I only have two hours left. Gustuhin ko mang huwag nang sumama pero naka-oo na ako.
Also, Chester is expecting me to be there.
No. I will still come. Siguro ay kailangan ko lang malibang kahit paaano. Puro na lang kasi review ang nasa isip ko. I'm already forcing myself and it's not helping.
I need to relax.
I replied, "K."
Pumasok ng kwarto ko si Ate Sarah. May dala siyang miryenda. Ham and cheese empanada!
"Thank you, Ate!"
My sister grinned at me. "You are doing good, Riza. Just don't overdo yourself, okay?"
I just nodded.
Lumabas na rin agad si Ate.
Bumagsak ang tingin ko sa empanada. Nagutom ako kanina nung makita ito pero matapos sabihin 'yon ni Ate Sarah ay nawalan ako ng gana. Nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko sa kanya.
I want to make her proud even just once.
But how? Sa kalagayan ko ngayon ay babagsak pa rin ako sa exam.
An hour before Cam's scheduled arrival, I am all prepared. I was wearing my denim shorts and yellow off-shoulder top while brushing my shoulder-length hair in front of the dresser mirror. Nanghiram din ako ng shoulder bag kay Ate Sarah para terno.
Hindi ako gaanong marunong sa fashion pero kaya ko namang magdala.
"Five hundred, pwede na?" tanong ni Ate Sarah.
"Five hundred?" Nanlaki ang mga mata ko.
Ngumiti si Ate. Binuksan niya ang shoulder bag ko at nilagay ang pera sa wallet ko. Saka niya hinawakan ang pisngi at bahagya 'yung kinurot.
"Ang ganda mo, baby sis!" aniya.
Sumimangot ako. "Alam ko..."
"Enjoy lang, Riza."
"Salamat, Ate Sarah..."
"I am proud of you, baby sis, always."
She hugged me so I hugged her back.
Five-thirty na nung dumating si Cams. Bruhang 'to. Kung makasabing sharp, siya pala ang late! Pasalamat siya nakikisakay lang ako at hindi gaanong makapagreklamo.
"Buti sumama ka?" natatawa niyang sabi habang nagmamaneho.
"Chester asked me to come," I casually responded.
"Wait, what? Really?"
I nodded with a smile.
"Crush ko na yata siya, Cams..." Bumuntonghininga ako.
Ang tahimik kong nakatingin sa kalsada nang bigla niya akong batukan.
"Tanga! Yata ka riyan. Dati mo pa siya crush!"
"Hindi ah!" pagtanggi ko habang inaayos ang buhok.
Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa salamin. Ang ganda ko ngayon.
"Sus. Oh. Musta naman pag-review?"
Natigilan ako. "Ah... ayos naman. Kaya naman so far."
Really? Bakit biglang change of topic?
"Kagabi pa masakit ang tiyan ko," reklamo niya.
See? Another topic.
"Nagtatae ka?" tanong ko.
Hinampas niya ako sa balikat. "Stop! Sinabi ko na nga lang na masakit ang tiyan ko tapos didiretsuhin mo pa?"
"So... nagtatae ka nga?"
"Masakit ang tiyan ko!"
"Nagtatae ka nga!"
"Oo na! Ubos na ang tae ko sa katawan! Happy ka na?"
Humagalpak ako ng tawa. Ang arte talaga nito. Ayaw niya rin kapag bigla akong umu-utot o 'di kaya'y dumidighay. Hindi ko pa nga yata naamoy ang utot niya.
Nag-park kami ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin ang suot ni Camila. She was wearing a black, double strap mini dress with an a-line cut. Bagay sa kanya dahil naka-bangs pa siya. Mukha siyang Korean.
Kahit na Sabado ay marami-raming estudyante ang nasa school. Hindi pa nag-uumpisa ang laro kaya hinila muna ako ni Cams sa coffee shop. Para daw ma-energize kami. Balak niya yatang mag-cheer sa mga maglalaro?
I'm just here to watch and support Chester. Wala akong planong sumigaw. Duh. Nakakahiya kaya 'yon.
"I'll pay..." sabi ko.
Gulat ang mga mata ni Cams. "Huh?"
"Ako na..." Nag-abot ako ng limang daan sa cashier.
"Whoa. Thank you, Rizzie!"
Nakangiti pa ako dahil sa wakas ay ako naman ang naglibre pero nung makita ang sukli ay naglaho agad ang saya ko. Sa limang daan na pera ko, dalawang kape lang ang in-order namin, pero bakit tatlong daan na lang ang sukli ko?
Galing bang ibang bansa ang tubig mainit nila?
Pumunta na kami sa gym para makakuha ng magandang pwesto. Mukhang mapupuno pa nga yata ang gym. Hindi ko inakalang marami palang interesado sa larong ito.
"Mapait..." reklamo ko sa kape.
"Ang sarap kaya!" ani Cams.
Habang humihigop ng kape ay tumingin ako sa loob ng court. Nagwa-warm-up na ang mga players. Madali lang malaman kung anong side sina Chester dahil sa Facebook profile picture niya na purple varsity jacket.
"Nasa maling side tayo," sabi ko.
Nasa kabilang side kasi 'yung mga sumusuporta sa purple team pero andito kami sa side ng team gold. Ewan. Malay ko sa name ng group nila.
"Nope. We are on the right side," ani Cams, diretso ang tingin.
Sinundan ko ang tingin niya. Nagd-dribble ng bola si Moreno Guy.
My lips slightly parted. Don't tell me she has a crush on that guy?
I just sipped on my coffee. Does she know that guy has already a girlfriend? Or does she even care? Knowing this girl, she gives no shit most of the time.
"There he is!" Turo ni Cams kay Chester na papasok na ng court. Kasama niya 'yung isa pa sa limang lalaking nasa wrong sent picture niya sa akin.
Napangiti ako. He looked so good in that uniform!
Nakatitig lang ako sa kanya. Nakipag-bro fist siya sa mga kasama bago sumali sa warm up. Marami rin siyang tagasuportang babaeng halatang kinikilig sa tuwing makaka-shoot ito.
"Number 10, Megardon..." basa ko sa uniform niya.
Naputol ang tingin ko sa kanya nang may dumaan sa harapan ko. Dahil nasa harapan kami ay nasa unahan namin ang upuan ng mga players. Umupo roon si Ulrich.
Napakurap ako. Is he a player too?
Number 18, Delgado.
Bumulong ako kay Cams na tulala. "Naglalaro din ba si Ulrich ng basketball?"
"Ah? Yes. Hindi mo pala alam. Golden Crest siya, ka-team ni PJ. Tapos si Chester mo naman ay Salamander. Doon din sina Arthur at Roland."
Napatango ako. That explained his golden yellow uniform. Hindi ko lang kilala 'yung ibang pangalan na binanggit ni Cams.
"Pero hindi ba college na si Chester? Bakit kalaban nila mga Senior High?"
Ulrich is also a grade twelve student like me. STEM nga lang ang strand.
"Nah. Wala naman 'yan sa level. Basta pasok ka sa qualifications, pwede ka," ani Cams.
Nag-umpisa na ang laro. Si Roland, sabi ni Cams, ang team captain ng Salamander at si Patrick Jae, moreno guy, naman ang sa Golden Crest.
Wala akong alam sa basketball pero napapangiti ako sa tuwing makaka-shoot si Chester. Until now ay hindi niya pa rin ako napapansin. Baka akalain niyang hindi ako pumunta!
"Go, Ulrich! Go, My President!"
Napatingin ako sa grupo nila Amanda. May banner pa sila na para sa Golden Crest pero kay Ulrich na mukha lang naman ang nandoon. Napangiwi ako dahil ang titinis ng sigaw nila.
"Ah... Riza."
Napatingin ako kay Cams. She looked so uncomfortable.
"Pwedeng pakibantay ang upuan ko?"
"Bakit?" tanong ko.
"Masakit ang tiyan ko."
"Natatae ka?"
May napatingin sa amin pagkasabi ko no'n.
"Tanga! Hindi kaya!" Umayos siya ng upo at hindi na hinawakan ang tiyan. Napangiwi ako nang maramdaman na marahan niyang kinurot ang balikat ko.
"Sige naaa!" Tulak ko sa kanya.
Natawa ako nang tumayo si Cams at kulang na lang ay tumakbo palabas ng gym. Binalik ko sa laro ang atensyon ko. Nasa kamay ni Chester ang bola at hinaharangan siya ni Ulrich.
Napagawi sa akin ang tingin ni Chester.
Ngumiti ako at kumaway sa kanya.
Napangiti rin siya ngunit naagaw ni Ulrich ang bola.
Ulrich managed to score. Halos dumagundong ang gym sa lakas ng sigawan na pinangungunahan ni Amanda. Parang sinabunutan siya sa sobrang gulo ng buhok. Paano ba naman may pa-head bang pang nalalaman habang tumatalon. Rockstar 'yan?
Kumamot sa batok si Chester. Tinapik lang siya sa balikat ng mga kasamahan. Nakipagkamay rin sa kanya si Ulrich.
Kahit na magkaiba sila ng team ay walang pikunan. Hindi ko nga inakalang hindi sila sa iisang team. Laro lang ang lahat... hindi nila sineseryoso.
Short break. Pumunta sa pwesto namin ang Golden Crest.
Umupo si Ulrich sa harapan ko. Inabot niya ang mineral water at uminom.
"Ganado ah?" banat ni PJ kay Ulrich.
"Distracted lang si Ches," sabi naman ni Ulrich.
"Why? May pinopormahan ba siya? Andito?"
"Wala. Pero may babaeng papansin na umaaligid sa kanya."
Hindi ko alam kung bakit tinamaan ako sa sinabi niya.
"Whoa. Sino, bro?" usisa pa ni PJ.
"No one..." balewalang sambit ni Ulrich.
Napasinghap ako nung biglang tumayo si Ulrich. Humarap siya sa direksyon ko. Pinatong niya sa upuan ang isang paa at yumuko para ayusin ang sintas ng sapatos.
Kinuha ko na lang ang phone ko at nagkunwaring busy. Swipe lang ako nang swipe sa screen.
"Sa Monday na ang exam mo ah."
Umangat ang tingin ko. Inuubos na ni Ulrich ang tubig niya habang nakatingin sa akin. Halos kumintab na rin ang balat niya dahil sa pawis.
He still smells good though.
"I know..." sabi ko.
"Nice. One plus one equals to what?"
My brows arched. "Two..."
He smirked.
"Distract him more..." aniya bago tumalikod sa akin.
Dumiretso ang tingin ko sa grupo nila Amanda. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa akin. Nang mahuli niya ang mga mata ko ay nagtaas siya ng mga kilay.
I diverted my attention somewhere else. No way. Sana lang ay huwag nila akong lapitan.
Nakasimangot na bumalik si Cams.
"I don't get it. Bakit sira ang tiyan ko? Wala naman akong ibang kinain kahapon!" reklamo niya habang nakaharap sa compact mirror at inaayos ang bangs.
I shrugged my shoulders. "Baka ininom?"
I looked at the scoreboard. The score is 76 and 70. Lamang ng anim na puntos ang Golden Crest, team nina Ulrich. Malapit na raw matapos ang laro pero hindi ko nakikitang bahala ang kampo nina Chester.
Napatayo ako nang makitang naka-shoot si Chester kahit na sobrang layo niya sa ring. Sobra akong na-amaze doon. Sabi nila ay three points daw 'yon!
"Nice one, Ches!" sigaw ko habang magkalapat ang mga kamay.
Wala 'yon sa plano... ang pagsigaw.
Napatingin sa akin si Chester at ang iba niyang ka-team. I've gained attention because of that sudden scream. He gave me a smile and a big thumbs up.
"Malas..." dinig kong bulong ni Ulrich nung break uli.
"Huh? We are winning, Rik," ani PJ na nakataas ang jersey shirt habang umiinom.
Nagkunwari ako ulit na busy sa phone. Gusto ko nang hilahin si Cams paalis dito. Mas gusto ko na lang yatang tumayo sa gilid kesa sa nakaupo nga pero sa likod naman nina Ulrich. Pero patapos na rin naman ang laro.
"Nope. Malas kasi may nahalong ibang team sa side natin," dinig kong sabi ni Ulrich.
I was holding my phone when a light flashed before my eyes. Sigurado akong hindi akin 'yon pero napatingin sila sa akin dahil ako lang ang may hawak na phone.
Doon ko nakuha ang atensyon ni PJ. Tumawa siya.
"Someone took a picture of me," ani PJ.
Sobrang pula ng mukha ko kahit na hindi ako 'yon.
Holy shit. That's not me!
Napatingin ako kay Cams. Nakababa ang kamay niya at nakita kong hawak pa niya ang cell phone. Now... sigurado akong siya ang kumuha ng picture ni PJ. Like... bakit ko gagawin 'yon? Hindi ako interesado sa kanya!
"That's not allowed here," Ulrich said.
Nakatingin siya sa akin.
"That's not me—"
"Taking a picture of someone without their consent is not allowed here, Miss Chavez..." Ramdam ko ang lamig sa boses ni Ulrich. "Doon kayo sa kabilang team kung gusto niyo."
Natikom ang bibig ko.
"Hey. Okay lang, Rik," ani PJ.
Pumito na ang referee kaya bumalik na sila sa laro. Binalikan pa ako ng tingin ni PJ. Kumindat siya sa akin.
Huh? Feelingero!
Bumaling ako kay Cams. Nakalobo ang pisngi niya at halatang nagpipigil ng tawa.
"Nakakahiya!" Hinampas ko siya sa balikat. "Ako pa tuloy ang nasisi!"
Tawang-tawa siya habang ako ay parang gusto nang magpalamon sa lupa. Tinangka ko na ring umalis pero hinila ako ni Cams paupo. Malapit na raw matapos ang laro.
Alas otso na rin nung natapos ang laro. Golden Crest won the game. Lamang sila ng anim sa Salamander. Nagkamayan ang dalawang team at nakita kong nagtawanan pa.
That's it. Hinila ko na si Cams.
"Wait, hindi mo babatiin si Chester?" tanong niya sa akin.
"Huh? Hindi naman sila nanalo—"
"Gano'n? Dahil hindi kami nanalo ay hindi mo na ako babatiin?"
Napatingin ako kay Chester. Nakasimangot siya. Nakataas nang bahagya ang kanyang jersey shirt at may nakapatong na puting towel sa kanyang balikat. Hinihingal pa rin siya.
Napangiwi ako nang itulak ako ni Cams. Nasubsob ako sa dibdib ni Chester na pawisan. Ang bango!
"Cams naman. Parang tanga..." sabi ko, pulang-pula ang mukha.
"Buti nanuod kayo?" tanong pa ni Chester.
"Oo nga eh. Nagpumilit kasi si Riza," ani Cams. Nahakawak siya sa braso ko at pinipisil ito. "Nakakahiya naman daw kung hindi siya sisipot sa imbitasyon mo."
"Huh?" Siniko niya ako kaya hindi na ako nakareklamo.
"Sorry. Hindi kami nanalo." Kumamot si Chester sa batok.
"Ang galing mo nga eh," puri ko.
That's true though. Namangha talaga ako sa galing niya sa larong ito. I didn't expect that I would enjoy watching this game. Maybe... I will start watching basketball games from now on.
"Weh? Si Ulrich yata pinapanuod mo eh," biro niya pa.
"Hindi ah!" tanggi ko.
Nakaharang lang siya sa harapan ko kaya napapansin ko siya. Kung wala siya sa harapan ko ay baka nga hindi ko mapansin na kasali pala siya sa laro.
Napatingin kami sa lalaking humahangos.
"Nag-umpisa na ba?" tanong ni Jessie.
"Oo, bes. Nag-umpisa na kaming mag-uwian!" Hinampas siya sa balikat ni Cams. "Hindi mo sinasagot ang tawag ko!"
"Sorry. Nag-live kasi ako." Ngumiwi si Jessie. "Pauwi na kayo?"
"Oo—"
"Wait." Chester cut me off. "May mini celebration ang Golden Crest. Sasama rin kami. Baka gusto niyo munang sumama? Maaga pa naman oh."
"Sure!" ani Cams, walang pag-aalinlangan.
"Sige, par. Sama kami." Si Jessie.
But Chester just stared at me.
I bit my bottom lip. Sabi ko ay uuwi rin ako agad para mag-review.
"Okay..." I smiled.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro