Chapter 48
Chapter 48: Ours
Hindi ko matandaan kung kailan ako kinabahan nang ganito. No'ng nalaman kong makakausap ko si Ulrich matapos ang ilang taon ay hindi naman ako naging kanito kakabado. Hindi ko rin naramdaman 'to no'ng una kong interview sa trabaho.
Why the fuck am I overthinking?
Matutulog lang naman ako sa suite niya. Sobrang lawak no'n. It's not like we are going to sleep in the same bed. We are not even going to sleep in the same room!
After Ulrich left my office, he left me preoccupied. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay pinunan niya ang buong espasyo sa utak ko.
Overthinking consumes too much energy. Lalo na kung ang dahilan nito ay maya't maya mong nakikita. Mayamayang bumibisita sa akin si Ulrich.
"Just checking on you," aniya nung pang-apat na balik. Nang-aasar na ngumiti pa siya. "Uuwi ka muna ba mamaya? O tutuloy ka na agad sa suite ko?"
"I am working, Ulrich," iritado kong sabi saka siya madiin na tiningnan. "Not to be rude or what, but you are quite making me nuisance."
Bumagsak sa water tumbler ko ang kanyang tingin. Lumapit siya sa table ko saka 'yon kinuha. Akala ko ay iinom siya pero sinilip niya lang ang laman no'n.
"Kanina pa yata 'tong tubig mo. Ikukuha na lang kita ng bago," aniya.
My eyes widened.
"No!" I blurted out. Tumayo ako para kunin sa kanya ang water tumbler ko. "I just refilled it, Ulrich. Sobrang bored mo ba sa buhay? I don't need you here."
He frowned. "Do you want a cake?"
Hindi na lang ako kumibo. Mataman ko siyang tiningnan.
He cleared his throat before roaming his eyes around. Nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin para abalahin ako.
"I will install a CCTV camera here..." Saka pumirmi ang tingin niya sa akin. "Just to make sure you are doing your job right and not entertaining suitors."
That's it. Pabagsak akong tumayo sa upuan ko at hinawakan ang braso ni Ulrich. Pilit ko siyang tinutulak palabas ng office ko pero nagmamatigas pa rin siya.
"Alis na kasi. I can't focus, Ulrich!"
"Hindi rin ako maka-focus sa trabaho kapag 'di ka nakikita!"
"That's not my problem anymore, Mr. Delgado!"
Natigilan ako sa pagtutulak nung may kumatok. Saka pumasok si Mr. Fernandez. Naabutan niyang tinutulak ko si Ulrich palabas ng office.
Napaayos ako ng tayo. Shit.
"What's going on here?" Mr. Fernandez asked, confused. His eyes focused on me. "Are you pushing Mr. Delgado out of here, Miss Chavez?"
I immediately shook my head. "Not at all, Mr. Fernandez. I was just escorting him out."
"No. You are pushing me," ani Ulrich.
Napakagat ako sa labi. Fuck you, Ulrich!
"Miss Chavez..." May pagbabanta sa boses ni Mr. Fernandez. "You are known for being polite. What is the reason?"
"Polite?" Humarap sa akin si Ulrich. "How polite?"
"She's loved by everyone here, Mr. Delgado," nakangiting sambit ni Mr. Fernandez. "You know well how the environment in the workplace works. I haven't heard any bad thing about her."
"You entertain everyone, then?" malamig na tanong ni Ulrich.
I cleared my throat. "I'm just being professional, Mr. Delgado."
Alangan namang tarayan ko ang mga empleyado rito?
"You are being polite to everyone here except me?" tanong pa niya saka mapaklang tumawa.
"I don't think Miss Chavez intended to be rude to you, Mr. Delgado," pagtatanggol pa sa akin ni Mr. Fernandez. "She must have a valid reason."
"A valid reason..." pag-uulit ni Ulrich.
Napayuko ako. Para akong nasa hot seat. They are literally the big bosses here and they are arguing because of me. No. I don't feel pleased or what. Nakakahiya!
"I'm sorry, Mr. Delgado. It won't happen again," I said.
Huminga nang malalim si Ulrich saka na rin umalis. Nginitian naman ako ni Mr. Fernandez. Sinabi niyang kakausapin si Ulrich para sa akin bago lumabas.
Naiwan akong tulala. Shit. Hindi ko dapat ginawa 'yon. I literally tried to push Ulrich out of my office. Hindi 'yon maganda. Kahit na ka-level ko lang siya o hindi, hindi pa rin maganda ang ginawa ko.
Okay. That's my fault. I take it.
I will talk to him later. No excuses this time.
An hour before my duty ended, Amanda shot me a message. Napag-alaman kong tumutuloy siya ngayon kina Papa. Gusto niya akong makausap mamayang uwian.
I gave her my nod. Na-miss ko rin naman siya. Saka gusto ko rin siyang makausap nang masinsinan. Matagal na rin no'ng huli kaming nagkaharap.
My duty has ended. I asked Ulrich to leave me alone, but now that he didn't bother me anymore, I suddenly wish he just did. Did he take it seriously?
Pagkagaling ko sa work ay dumiretso ako sa coffee shop na meeting place namin ni Amanda. Nakangiti niya akong sinalubong.
Amanda gave me a tight hug. Kinabahan pa ako dahil baka mapisa ko ang baby sa loob ng kanyang tiyan. Ramdam ko na ang umbok no'n.
"I miss you, Rizzie!"
"I miss you, too. Grabe. Ang laki na ng tiyan mo!"
She giggled. "Syempre. Five months na rin, 'no!"
"Hindi masakit?" nakangiwi kong tanong.
"Hindi naman." Tumawa siya. "Pero mabilis akong mangawit kaya puwedeng umupo na tayo?"
"Hala. Sorry!"
Pagkaupo namin ay saka ko lang napagtanto na nasa coffee shop kami. Sa pagkakaalam ko ay bawal uminom ng kape ang isang buntis.
"No worries, Riza. Pinili ko lang talaga 'tong place para malapit sa work place mo," sabi ni Amanda na parang nabasa ang nasa isipan ko.
"Sure ka? Hindi ka ba nagugutom? May malapit namang resto—"
"I'm fine, Riza. Hindi rin naman ako magtatagal..." Pinagsalikop niya ang mga daliri sa ibabaw ng lamesa. "Anyway... may nabalitaan ako." Saka siya ngumiti na parang nang-aasar.
"Whoa. Let's not talk about him." Inunahan ko na agad siya. "Nag-usap na ba kayo ni Tita?"
She sighed. "Yeah..."
"She's waiting for your invitation, Amanda."
"I know..." Bumaba sa tiyan niya ang kanyang tingin. "After everything she did, I don't think I can forgive her that easily. It takes time."
"I know. But she's still your mother, Amanda. Masasaktan siya nang husto kapag kinasal ka nang hindi man lang niya nakikita. She's sick..."
"What?" Kumunot ang noo ni Amanda.
Shit. Oo nga pala. Hindi pa niya alam.
"What do you mean my mom is sick?"
Napakagat ako sa ibabang labi. "Sorry. You should ask her personally."
Napasandal sa upuan si Amanda. Kinabahan ako nung makitang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Mabilis akong lumipat sa tabi niya.
"Hey..." I held her hand. "You can talk to her."
"K-kailan pa?"
"Ikaw na lang—"
"Is it that bad?"
I shook my head.
"Hindi naman..." I lied.
"You are lying..."
"I'm sorry..." Niyakap ko siya nang mahigpit.
Fuck. I ruined it. Tita Marinelle doesn't want to let Amanda know about her sickness. Ayaw niyang patawarin siya ng anak niya dahil lang may sakit siya. But then again... Amanda needs to know. They keep telling us that she keeps getting better, but I don't see it.
"I-I will talk to her..." Amanda sobbed.
"Stop crying, Amanda. Baka mapaano ang anak mo."
"Okay... I just can't help it."
Hindi ako umalis sa tabi niya hanggang sa tuluyang humupa ang kanyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang babaeng nagpahirap sa akin dati at ang babaeng kausap ko ngayon ay iisa. She looked softer now and also happier.
"So..." She sniffed. "Nagkausap na ba kayo ni Ulrich?"
"Yeah..."
Nagtaas siya ng isang kilay. "Is that all?"
"We are good."
"So... kailan ang kasal?" tanong pa niya.
I laughed. "Baliw. Kasal agad?"
"Doon din naman 'yan patungo, Riza."
"Let's see..." I shrugged my shoulders. "Anyway... nasaan nga pala ang asawa mo? Si Migs?"
"Naiwan siya sa kay Papa. Ayaw siyang tigilan nito, eh."
Natawa ako. "Papa really likes him!"
"Mas excited pa nga siyang makita ito kesa sa akin!" she frowned.
"I mean... Migs is a good man."
Amanda smiled. "He's the best."
"I am proud of you, Amanda. Congratulations."
"Thank you, Riza."
Napag-alaman ko na mag-isang pumunta rito si Amanda. I offered her to drive home, pero tumanggi siya. Kaya naman daw niyang magmaneho. Saka ayaw niyang laging may nakaalalay sa kanya dahil nakakatanda raw.
Nakangiting umuwi ako sa condo. Agad akong naghubad ng damit para mag-shower. Hubo't hubad ako no'ng i-check ko ang aking cell phone. Nanlamig ako no'ng makita ang tambak na messages ni Ulrich.
I read all his messages. Shit. Tinanong niya pala ako kanina kung ano'ng oras ang uwian ko at kung pwede ba raw niya akong ihatid.
Oh, no. Mukhang ginalit ko pa siya lalo.
I was about to charge my phone when a new message popped in my notification. Bumalik ang kaba sa dibdib ko nang makita na galing ito kay Ulrich.
"Maybe you are begging for a little harm tonight huh?"
Is that a threat? I rolled my eyes.
I took my time in the shower room. Natagalan din ako sa loob dahil ginawa ko ang mga bagay na hindi ko madalas gawin. Pakiramdam ko ay ibang tao na ako pagkalabas ng shower room.
I stood fully naked in front of the mirror. I don't really compliment myself, but I can say I really look good. Damn. Not to be a narcissist or what, but I don't see any reason for him to ask for more.
I smiled wickedly. If you think you can threaten me, think again.
Gabi na rin naman kaya simple lang ang sinuot ko. I wore a yellow off shoulder top and denim shorts. Nakalugay lang ang buhok ko. Nagbaon naman ako ng pangtulog dahil alam kong malamig doon. Nag-ayos lang ako dahil baka lumabas kami.
I didn't wear any make up except on my red lipstick. Nagwisik din ako ng pabango sa katawan. Ginawa ko lang naman ang routine ko sa tuwing papasok ako sa trabaho. Ang pinagkaiba lang ay iba ang papasukan ko ngayon.
Nung makuntento sa ayos ay lumabas na rin ako ng unit ko. I was almost there when I received a message from Ulrich again. I didn't bother to read it this time.
Nagulat pa ang guard nung makita na papasok na naman ako. Malamang na nagtataka siya ano ang ginagawa ko. Pumasok na ako sa elevator.
I stared at myself from my reflection on the glass wall of the elevator. Tumikhim ako. Namuo uli ang kaba sa dibdib ko. I have no idea what might happen tonight, but I guess I should just prepare myself.
The elevator clicked. I was looking down at my feet, I should have remained like that. My eyes darted at them. Art stared at me, lips slightly parted. Si PJ naman ay agad na umiwas ng tingin. Mabilis na kinuha ni Ulrich ang damit ni Art para ipasuot ito sa kanya.
"W-whoa..." Art chuckled. "May bisita ka pala, Rik?"
"What are you doing here?" tanong ni Ulrich sa akin.
I froze. Nablangko ang isipan ko.
"Baka magalit ang fiancée mo, Rik," ani Art saka bahagya pang tinapik ang balikat nito. He, then, gave me a devilish grin. "But, we can keep it secret."
I cleared my throat. Mabilis akong nakaisip nang palusot. "Akala ko ay pwede kang ma-interview tonight. I'm sorry. Babalik na lang ako bukas..."
"Whoa!" Mabilis na nakalapit sa akin si Art. Hinarang niya ang braso para hindi sumarado ang elevator. "It will be rude to kick you out just like that. May pinagsamahan naman tayo kahit papaano."
Ulrich sighed. "Come on in, Miss Chavez."
Shit. Bakit andito sina Art at PJ?
Tumuloy na ako sa loob. I sat down on the sofa. Napansin ko ang center table na puno ng mga bote ng alak. Mukhang kanina pa sila nag-umpisa. Sa tingin ko rin naman ay walang alam si Ulrich na bibisita ang mga kaibigan niya rito ngayong gabi.
Kinuha ko ang cell phone ko. I read Ulrich's latest message that I ignored. Napamura na lang ako. Sinabi na pala niya sa akin na biglang bumisita sina Art at PJ.
I let out a sigh. What about it? It's not like I am going to back out if ever. I am done turning my back to walk away. I will move nothing but forward this time.
Arthur sat beside me. Pinatong niya pa sa likod ko ang kanyang braso. Sa amoy nito ay alam kong nakainom na rin siya.
"So... nabalitaan mo na bang engaged na si Ulrich?" tanong ni Art.
Pumasok bigla sa utak ko ang sinabi ni Ulrich. About Arthur's wicked idea. Imbes na matawa dahil alam ko na ay bigla akong nakaramdam ng inis. What a childish way.
"I heard about it..." Tumikhim ako saka bumaling sa TV. Sports ang pinapanuod nila pero kahit na wala akong interest doon ay nanuod na lang din ako.
"Shot?" PJ offered me.
"Jae—" I ignored Ulrich when I took the shot from PJ.
I tucked some strands of my hair behind my ear. Saka ako tumingin kay Ulrich na nakaupo sa kabilang sofa. Madilim ang tingin niya sa akin. He was wearing a grey shorts and white tee.
I smirked at him. "Am I invited to your wedding?"
PJ chuckled. "Awkward..."
"Oo naman!" sagot ni Art. "Pero... sure ka ba, Riza?"
"Why not?" Nagtaas ako ng kilay.
"I mean..." Nag-isip naman siya ng irarason. "Sabagay, wala naman kayong past ni Ulrich. Alam mo ba..." Umayos ng pagkakaupo si Art. "I always thought you and Ulrich were a thing back then."
"Well, we were..." I chuckled.
"What?" Gulat ang gumuhit sa mukha ni Arthur.
Pinatong ko sa gilid ang shoulder bag ko. Lumapit ako sa lamesa para magsalin ng alak. Nakatingin lang sa akin si Ulrich. I took another shot.
"So..." I sighed. "Kailan ang engagement party?"
"You decide," biglang sinabi ni Ulrich kaya sinamaan ko siya ng tingin. I am still enjoying this game. Gusto ko pang paglaruan si Arthur.
"Anyway..." Tumikhim si PJ. "I received an opportunity to work out of the country. Big time 'to kasi isa ako sa mga kinuhang photographer para sa isang movie premiere."
Natigilan ako. I immediately connected the dots in my head.
"PJ..." I glared at him.
He smirked at me. "Why?"
"Leave her alone..." madiin kong sinabi.
He chuckled. Saka siya uminom ng alak.
"Riza..." Nakuha ni Athur ang atensyon ko. "'Iyong nakita mo sa room ko no'ng tumuloy ako rito—"
"I won't leak it, Mr. Peralez. Don't worry..." I cut him off.
Ano namang pakialam ko kung tama ang mga sabi-sabi na may ibang babae si Art maliban sa showbiz partner niya? Ayoko namang madamay sa issue kung sakali. But I am worried that if media finds out, it will cause an uproar.
"But, I hope you know what you are doing..." bulong ko na lang.
"Thanks."
Tumuwid ang tingin ko kina PJ at Ulrich na tahimik na nag-uusapan. Habang hindi siya nakatingin ay pumuslit ako uli ng alak saka uminom.
"Balita ko mababa ang rating nung new movie ng kaibigan mo, ah?" bulong ni Art na sinabayan pa niya ng mapanuyang tawa. "Hindi na ako magtataka kung isang araw ay bigla na lang siyang lulubog."
"Sasaya ka ba kapag nangyari 'yon?" tanong ko sa kanya.
Umiwas siya ng tingin.
"Leave him alone, Art," sabi ko pa.
Tumawa si Arthur. "Just like what he suddenly did to me? I don't think that will happen anytime soon."
"You are pathetic..." I whispered.
Napatingin sa akin si Art. Gumuhit ang galit sa kanyang mukha.
"Pathetic? Are you referring to your friend?" he mocked.
"Sino ba ang hindi maka-move on?" pang-aasar ko rin.
"Move on?" Humalakhak si Art kaya napatingin sa amin sina Ulrich at PJ. "Rizzie, my friend. Sa tingin mo ba nakalimutan na rin ni Jess ang ginawa niya?"
Tumawa rin ako. "You are still childish, Arthur."
"Say it again..." malamig na sabi ni Art.
"Arthur..." May pagbabanta sa boses ni Ulrich.
Tumayo si PJ at pilit na hinila si Art papunta sa kitchen. Pagkaalis nung dalawa ay tumayo si Ulrich saka tumabi sa akin. Hinarap niya ako sa kanya.
"Are you okay?" malumanay niyang tanong.
"Ask your friend." Mabigat ang paghinga ko.
"You can't blame him, Riza. Your friend did him dirty—"
"For choosing his dream over—" Suminghap ako saka umiling. "You know what? I am out of here. Kung kakampihan mo lang ang kaibigan mo—"
"Iiwan mo na naman ako?"
Natigilan ako.
Tumayo sa harapan ko si Ulrich. Hinawakan niya ang baba ng mukha ko para iangat ang tingin ko. Sinabayan ko ang banayad niyang tingin.
"This is not ours to resolve, Riza. Tapos na tayo sa ganito..." Nilapit niya ang mukha sa akin. "Let them solve their own problems."
"P-pinagtatanggol ko lang naman ang kaibigan ko..."
He smiled at me. "I know. But their time will come, too. Ours is already here."
Huminga ako nang malalim bago tumango.
"I'm sorry..." bulong ko.
"Are you okay now?"
Umiling ako. "Medyo sumama ang pakiramdam ko."
"Okay. I will drive you—"
"No need. Hindi naman ako lasing." Hinawakan ko ang kanyang kamay. Nginitian ko siya. "I'm sorry, Rik. Bukas na lang siguro ako matutulog dito."
Ulrich nodded. "I understand..."
Bago pa man makabalik sina PJ at Arthur ay nakaalis na ako. Pagkauwi ko ay nakatanggap ako ng message galing kay Arthur.
"I'm sorry, Rizzie. Nakakahiya ako."
Madiin akong napapikit. Matapos ang lahat... may karapatan din naman siyang magalit. Pero... hanggang kailan ba siya magiging ganito? For all I know... pinasok lang ni Arthur ang industriyang ito para guluhin si Jess.
Napamulat ako. Shit. Si PJ pa pala!
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Camila. Pero baka naman OA lang ako? Baka trabaho lang talaga ang sadya ni PJ doon? No. Baka magulo ko lang si Cams.
Those things kept me up all night.
My phone on the nightstand beeped. Nanliliit ang mga mata ko habang binabasa ang message ni Ulrich.
"I miss you, baby."
Natulala ako sa screen ng cell phone ko. Oo nga pala. Hindi ko nagawa ang tunay kong sadya kanina. I want to apologize for him. Pero sa halip na gano'n ang mangyari ay siya na naman ang umintindi sa akin.
I pressed the call button. Isang tunog lang ay sinagot niya agad ang tawag ko. Umupo ako saka sumandal sa ulunan ng kama habang yakap ang unan.
"Rik..." I whispered his name.
Narinig ko ang mabigat niyang paghinga sa kabilang linya.
"Sorry talaga kanina—"
"Let me in, please?" he cut me off.
Natigilan ako.
Dali-dali akong bumangon sa kama. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Ulrich na nakatayo sa labas ng unit ko. Binaba niya ang tawag saka lumapit sa akin.
"K-kanina ka pa riyan?" tanong ko.
Alam kong nakita na niya akong hubo't hubad, pero bigla pa rin akong nahiya sa suot kong lingerie. Wala sa sariling nayakap ko ang sarili ko.
"Can't sleep..." he whispered in a hoarse voice.
"S-same..." I stuttered.
He closed the distance between us. Hinawakan niya ang kamay ko at unti-unting inalis ang pagkakayakap ko sa sarili. I gave him a full view of my body.
Ulrich gulped.
"Pwede ba akong matulog dito—"
The next thing I knew... I was already kissing him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro