Chapter 46
Chapter 46: Worth It
"I love you, Rik. Alam kong marami akong pagkukulang sa 'yo. I've let you down when you needed me the most. Hindi ka napagod na piliin ako nung mga panahon na hindi kita kayang ipaglaban. I'm sorry, baby. When I was pushing you away, I wanted to hug you so bad. Give me a chance to prove myself to you. I can love you freely now. Finally... I can be selfish to you. Ikaw noon, ikaw pa rin sa kabila ng mga nagdaang taon, ikaw na talaga. Ikaw... palagi."
I cried my eyes out while pouring every emotion I've concealed throughout the years. Wala na akong pakialam kung malakas ang boses ko at pinagtitinginan na nila ako.
Suminghap ako ng hangin nang manikip ang dibdib. "You misunderstood me, Rik. I waited for you, too. Oh, my God. I waited for this moment. Wala akong boyfriend! Ikaw 'yon... sana."
I waited for him to say something. Mas lalo akong naiyak nung mapagtanto ko na blank na ang screen ng cell phone ko. I tapped the screen. Namatay na pala ang cell phone ko.
Holy shit. Ngayon pa talaga?
A heavy sob escaped my lips. Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. What the fuck? Pwede naman no'ng kausap ko si Darryl, ah?
I sighed as I wiped my tears. Kinapa ko ang susi sa bulsa ko. Shit. I swore not to drive when drunk. Pero alangan namang magpalipas ako ng gabi rito? Malayo pa ang condo ko.
Yumuko ako sa lamesa saka umiyak na naman. Palilipasin ko ba ang araw na 'to nang hindi nakakausap si Ulrich? Paano kung may magbago na bukas?
Paano kung bukas ay hindi na niya ako mahal?
I stood up immediately. Muntik pa nga akong matumba, buti na nakatukod ako agad. Nilapitan ko ang isang babae sa counter. Kinalabit ko ang balitat niya.
"Yes?" She arched her brows.
"Do you have a cell phone charger? I'm sure you have a cell phone, right?" I asked her. "Oh, right. I have a spare one in my car. Ngayon ko lang naalala."
"I don't have—"
"Don't talk to me." Inirapan ko siya saka na tumalikod.
Then, I realized I left it in my condo. Nung naiwan ko sa office ang charger ko ay ginamit ko ang nasa sasakyan ko. That means... I need a phone charger.
I turned to the woman again. I poked her arm.
"Excuse me—"
"What?" Iritang humarap siya sa akin.
"May problema ba?" Lumapit ang isang lalaki sa amin. Pumirmi sa akin ang kanyang tingin. "I've been staring at you for a while now. Is there a problem?"
"That's creepy," sabi ng babaeng katabi ko.
"Do you have a cell phone charger?" I asked him.
He smirked. "Yeah. In my car..."
I nodded. "Can I borrow it?"
"Yeah. Sure."
I was about to go with the guy when the woman I talked to first grabbed my arm. She looked at the guy suspiciously. Tapos ay nilingon niya ako.
"Do you know him?" tanong niya sa akin.
I shook my head. "I just need to borrow his charger—"
"You can borrow my phone." Saka na niya ako hinila palapit sa kanya. She, then, turned to the guy. Nginitian niya ito. "What are you waiting for, dude? She doesn't need you anymore."
Naiiling na umalis ang lalaki.
Pagkaalis nung lalaki ay inupo ako ng babae sa katabi niyang stool. Saka niya binigay sa akin ang kanyang cell phone. Halatang iritado pa rin ito.
"May kasama ka ba?" tanong niya.
Pumunta ako sa kanyang contact lists. Hindi ko kabisado ang phone number ni Ulrich, but this is a small world after all. Who knows?
Nung makita ko 'yung baby ay agad ko 'yong tinawagan.
"Rik..." Naiyak na naman ako. "Namatay cell phone ko—"
"Hey!" Inagaw ng babae ang cell phone niya. "What are you doing? That's my boyfriend. Hindi mo ba kabisado ang cell phone number ng boyfriend mo?"
Umiling ako. "Hindi, eh. Nakuha ko pa lang kanina."
"Nothing, baby. I am just helping a stranger," dinig kong sabi ng babae sa kausap. "She's drunk. Oh, God. Akala ko makakapag-chill ako rito. I will call you back. I love you."
Yumuko ako sa counter. Napahikab ako. Mukhang matatapos nga ang gabing ito nang hindi ko siya nakakausap. I just hope he still loves me by tomorrow.
"Are you okay?" she asked.
"Uuwi na ako," sabi ko. "May work pa ako bukas."
"Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" she sighed. "Sa tingin ko ay wala kang kasamang pumunta rito. You can't drive like that. What a mess."
Inangat ko ang tingin ko. Inayos ko sa likod ng tainga ang buhok ko. I can't drive, but I can't work either. My phone is dead. Wala akong kabisadong phone number na maaaring tawagan.
I sighed. Matutulog na muna ako sa sasakyan.
"You look familiar..." Hinawakan niya ang balikat ko saka niya ako hinarap sa kanya. "Oh. That's you. Ikaw 'yung binastos no'ng dati kong boyfriend."
I nodded. "Okay..."
"Good news, he's in jail now," she smirked. "Hindi ko pa rin maatim na minahal ko ang gagong 'yon. I should have dropped him—"
"Right. I will go ahead."
"I have a charger in my car. But if you don't trust me enough to come with me, that's fine. Kukunin ko na lang—"
"Let's go..." Tumayo na ako. "What's the worst that could possibly happen? I am about to lose him twice, but this time... I am not sure anymore."
Inalalayan naman niya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot. Malayo ang sasakyan ko kaya pinagkatiwala ko na lang sa kanya ang cell phone ko. Sandali siyang pumasok sa kanyang sasakyan para i-charge ang cell phone ko.
I yawned. "What time is it?"
"7p.m." Humarap siya sa akin. "Anyway... I am Lizzel. Liz for short."
"Rizaline," I held her hand and shook it. "What happened to your pervert ex-boyfriend—"
"Stop." She rolled her eyes and sighed. "I don't see him as an ex-boyfriend now. He's nothing to me. Halos makalimutan ko na nga siya. Thanks, Riza. Pinaalala mo na naman siya."
I shrugged my shoulders. "Okay..."
Sumandal siya sa kanyang sasakyan saka humalukipkip. Lizzel has a short hair and petite body. But you wouldn't want to make her angry. Kulang na nga lang ay suntukin niya ang lalaki kanina.
"Hindi pa ba pwedeng kunin ang cell phone ko?"
She eyed me, idly. "Wait for another five minutes. Kaka-charge ko pa lang, eh."
I sighed. "Okay..."
"By the way... you were supposed to call your boyfriend, right?"
"He's not my boyfriend."
Oh, damn. Mukhang unti-unti nang nawawala ang epekto sa akin ng alak. Bumabalik na ako sa huwisyon kung saan hindi kami at ilang beses ko na siyang tinulak palayo. That no one to blame but me.
"Well... dapat ay boyfriend ko na siya." Mapait akong ngumiti. "Or we could have been more than that by now, only if I didn't drop him many times. Right. My fault."
Her lips slightly parted. "May rason ka naman siguro, hindi ba? I mean... I can see that you love him. You wouldn't do that for no reason. Hindi ka naman baliw."
"Pero wala akong pinagsisihan sa mga 'yon..." Tumingala ako sa malawak na kalangitan. "But that was back then. If I lost him this time, I would regret it forever. At ayokong mangyari 'yon."
"Then... don't lose him this time."
"I won't," I said with my chest. "I won't lose him this time. I will make sure of it."
She tapped my shoulder. "I wish you the best. Anyway... baka pwede na 'yong cell phone mo."
She returned my cell phone. Nabuksan ko na 'yon, pero sa halip na gawin ang kanina ko pa gustong gawin ay tinago ko ito sa aking bulsa.
"Thanks." I smiled.
"No worries. Good luck, Riza. Nice to meet you."
"Nice to meet you, Liz."
I managed to drive home. Pagkauwi ko sa condo ko ay agad akong naligo. Pinulupot ko sa aking basang buhok ang towel at nagtimpla ng kape.
I rejected him in person. It would be bad for me to beg for him to come back in call. So... I did my research. Inalam ko kung saan siya tumutuloy ngayon.
Nakaramdam ako ng inis. What the fuck, Ulrich? Just because I called some baby doesn't mean I was talking to a boyfriend! If you would look for the meaning of baby, it would first lead you to a young child or a newborn one. Sino ba kasi ang nagsabi na ginawa ito para sa mga jowa niyong ang utak bata?
Tanginang CEO 'to.
I gritted my teeth. Gusto kong magalit pero alam kong wala akong panahon do'n. Mas lamang sa akin ang kagustuhan na ipaliwanag ang sarili.
Kumalam ang sikmura ko kaya binitbit ko ang laptop ko sa kitchen. Habang kumakain ako ay nakaharap ako sa nakakasilaw na screen.
My phone rang. Sinagot ko ang tawag ni Sophie.
"Hello, baby—"
"Mama's—"
"Sophie!" dinig kong tawag ni Tita Melly. "Hindi ka pa tapos kumain. Why are you on the cell phone again?"
"Hey. Hindi mo na naman ba inubos ang pagkain mo?" Kunwari ay nagtatampo kong tanong. "Di ba you need to be healthy? Kasi big sister ka na?"
"Opo. Pero—"
"Hello, Riza." Si Tita Melly na ang sumagot ng tawag. "Pasensya na sa istorbo. Ito talagang si Sophie ang kulit. Sige na. Pakakainin ko na muna siya—"
"Tapos na po akong kumain—"
"Sophie. Please, behave," putol sa kanya ni Tita Melly. "Sige na, Riza."
"Okay po. Patulugin niyo po siya nang maaga, ah? Get her phone before she sleeps. Thank you, Tita Melly. Good night."
I continued with my research. Nalaman kong tumutuloy ngayon si Ulrich sa dati nilang bahay. Napagtanto ko pa rin na naroon din si Mr. Delgado na tatay niya. I'm glad his parents' divorce didn't affect him that much. Maybe he knew from the very start that it wasn't that good at all.
Isang beses pa lang akong nakapunta sa bahay nila. Hindi ko alam kung paano pumunta roon. But I know someone who can help me. I tried to contact his phone number. Nakahinga ako nang maluwag nung sagutin naman niya ito.
So... he didn't change it after all this time.
"Rol..." I smiled when I mentioned his name.
"Huy, kumusta?" galak niyang bati.
"I'm good." I sighed. "How about you? Long time no comminucation, ah?"
He chuckled. "Yep. May problema ba?"
"Uhmm..." I swallowed. "Are you busy?"
"Hindi naman. Why?"
I bit my bottom lip. "Magpapatulong sana ako. May pasok ka ba bukas?"
"Yeah. Pero wala na rin naman kaming gagawin. Tapos na ang exam..." Marahan siyang tumawa. "Isang taon na lang naman, makakapagtrabaho na rin ako. Finally."
Napangiti ako. "Good to know. I am proud of you, Rol."
"Thanks. Anyway, bakit ka nga napatawag?"
"Can you help me? Gusto ko kasing pumunta sa bahay ng mga Delgado."
Natahimik siya.
Shit.
"That's if it's okay—"
"So... nakauwi na nga si Ulrich?" tanong niya.
"Yep."
He sighed. "I don't know, Riza. Nahihiya pa rin ako sa kanya. Lalo na kay Mr. Delgado. Pero... I can help you. It's just... hindi ako makakasama sa pagpasok mo sa loob."
"That's totally fine!"
"Malapit na rin birthday ni Ulrich, 'no?" aniya pa sa malungkot na boses. "Sure. I will help you. Bukas ba?"
"Yep. Salamat talaga, Rol."
"Wala 'yon, Riza. I miss you."
Napapikit ako. "I miss you, too, Rol. I am sure they do, too."
"Wala, eh. Ang gago ko kasi." Humalakhak siya. "Ang daming taon ang nasayang ko. Grabe ang panghihinayang ko na hindi niyo ako kasamang mag-graduate."
"Nangyari naman na. You are doing better now."
"I am better now."
Pagka-end ko ng call ay grabeng lungkot ang naramdaman ko. I feel sorry for Roland. Pero hindi ko rin naman siya masisisi, eh. It's just... he's a victim, too.
Before I slept that night, I tried to call Ulrich. Pero wala nang sumagot sa kabilang linya. Hindi ko alam kung tulog na ba siya o hindi lang talaga niya sinasagot.
But I am not giving up.
Kinabukasan ay bumuti na ang pakiramdam ko. Pumasok ako sa trabaho nang parang walang nangyari. Sinubukan pa akong kulitin ni Pamela tungkol sa nangyari kahapon pero wala akong maayos na sagot.
"Wala nga 'yon, Pamela. Type ko lang tumayo sa gilid ng elevator," pagrarason ko habang ang tingin ay nasa laptop pa rin.
"Type mo lang tumayo roon for seven hours?"
I chuckled. "Yeah. Exercise."
"Geez. Were you waiting for Mr. Delgado?"
"Wala ka bang gagawin?" Tamad akong bumaling sa kanya. "Kanina ka pa rito. Baka mapagalitan ka."
She shook hear head. "Wala naman. Nakausap ko nga pala ang secretary ni Mr. Delgado."
"Oh. What did she say?" Sa dami ng sinabi niya ngayon, doon lang ako naging interesado. "Akala ko ba umalis na siya rito?"
"She couldn't contact Mr. Fernandez, so she contacted me instead," she smiled, proudly. "Actually... ikaw dapat. Kaso umalis ka agad kahapon, 'di ba?"
"Ano nga sabi?" irita kong tanong.
"Wala. Our boss has probably received it by now." Sumandal siya sa upuan. "Hays. Sayang talaga. Akala ko pa naman may pag-asa rin ako sa kanya."
"Huh?"
Humalakhak si Pamela. "Huwag ako, Riza. Alam kong type mo rin si Mr. Delgado. Pero... ganyan talaga ang buhay. Guwapo siya na mayaman. Tayo..."
"What the fuck are you saying?"
"He's engaged."
Parang nabingi ako nang panandalian. Tumawa ako at pinilig ang ulo. Sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay kung anu-ano na ang naririnig ko.
"Look. Ang sweet pa nila..."
She showed me a picture of Ulrich with a woman. Side view ang kuha kaya hindi gaano makita ang mukha ng babae. Dalawang bagay ang agad kong napansin. Una... ang nakangiting mukha ni Ulrich.
Pangalawa... ang umbok sa tiyan ng babae.
"Swerte ni girl," sabi pa ni Pamela.
"Patingin nga!" Inagaw ko sa kanya ang cell phone niya. Pinakatitigan ko ang picture. Hindi ako maaaring magkamali. Si Ulrich nga ito.
I laughed, painfully. What the fuck is this?
Humigpit ang pagkakahawak ko sa cell phone. Ang malinaw na litrato ay lumabo makalipas ang ilang segundo. Hanggang sa matuluan na ito ng luha.
"R-Riza..."
"Tanginang cell phone 'to!" I threw her phone at the wall. "What in a photoshopped world is that? Huh. I don't believe it. Leave my office now, Pamela."
"A-are you okay—"
"I said get out!" I screamed.
Tila nasindak naman si Pamela. Dali-dali niyang pinulot ang kanyang cell phone saka lumabas ng office ko. Sumandal ako sa swivel chair.
"Engaged? You were just literally flirting with me yesterday!" I laughed, sarcastically. Madiin kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. "You must be kidding me, Ulrich. Gago ka ba? Para saan ang mga 'yon? May pa- I waited for you ka pang nalalaman!"
I contacted Roland.
"Hello, Riza? I am on my way—"
"Forget it, Rol. Thank you." And I ended the call.
Tumayo na ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Naabutan ko pang nakatayo sa harapan ng office ko si Pamela na umiiyak habang nakatingin sa cell phone niya. Umatras siya nung makita ako.
Fuck! I can use the GPS of my phone to get there alone. Magpapatulong lang naman sana ako kay Roland para magkaroon ako ng lakas ng loob habang papunta roon.
Malakas na ulan ang sumalubong sa akin sa labas. The guard offered me an umbrella, pero sinuong ko ang ulan at pumunta sa parking lot. Papasok na sana ako sa sasakyan nung makita ko ang isang sasakyan na kararating lang.
Lumabas doon si Mr. Cortez. Nagpayong siya bago binuksan ang isa pang pintuan. Sumunod na lumabas doon si Ulrich na may kausap pa sa cell phone.
My fists clenched. Naririnig ko pang nagtatawanan sila.
Hindi ako nag-aksaya ng panahon na lapitan sila. Si Darryl ang agad na nakapansin sa akin. Nanlalaki pa ang mga mata niya nung umatras.
"Ulrich..." Hinawakan ko ang balikat ni Ulrich at pagkaharap niya sa akin ay agad kong pinatama ang kamao ko sa kanyang mukha.
"Shit!" Napaatras siya.
"Tatawag ako ng pulis!" Dali-daling umalis si Darryl.
I smirked at Ulrich. "Congrats..."
"What was that for?" he angrily asked.
"Hindi mo ba ako narinig? I said congrats!"
"That hurts." He hissed.
"That hurts?" Mapakla akong tumawa. Hinawi ko ang basa kong buhok saka huminga nang malalim. "Paano naman ako? Ano pa ang nararamdaman ko?"
"What the fuck are you saying?!"
"Y-you said you waited for me..." Bumaba ang boses ko. "I did too, Rik. Naghintay ako nang walang reserba kung sakali mang wala na akong hinihintay. Hindi katulad mo."
Mapakla rin siyang tumawa. "You did it first, Riza. I've already declined that fucking marriage my father arranged for me! Kasi alam kong naghihintay ka. Akala ko kasi hihintayin mo ako!"
"H-hindi ba?"
"Pero ano pa ang saysay no'n?" Lumapit siya sa akin. "Nag-aksaya lang ako ng panahon sa paghihintay sa 'yo. Mahal kita, Riza. Mahal na mahal. Pero tama na..."
"Rik..."
"Hindi mo ako nagawang piliin noon kasi inuna mo ang pamilya mo. I was left wrecked. You wrecked me, Riza." Madiin ang tingin niya sa akin. "But I was hopeful when I came back here. Kasi... pwede na tayo. Akala ko ay pwede na tayo."
"Pwede naman na—"
"Hindi na naman tayo pwede ngayon kasi..." Suminghap siya ng hangin. "Kasi may boyfriend ka na. Iba na ang mahal mo. Mas matibay na ngayon ang dahilan."
Dumausdos ang mga luha ko sa pisngi. Bakit ang dali niyang maniwala? How could he wait for me for a long time without even trusting me? Na dahil lang sa simpleng phone call ay bibitiwan na rin niya ako? It doesn't make sense.
"I waited for you, Riza—"
"But, you didn't trust me, right?" A frail smile twisted on my lips. "Kasi kung pinagkatiwalaan mo ako, alam mong hinintay rin kita. Alam mong ikaw pa rin ang mahal ko hanggang ngayon!"
"Damn. Not now, Riza."
"I still love you, Ulrich. Wala akong ibang minahal kung hindi ikaw..." Humagulgol ako sa harapan niya. "Hindi ko kaya, Rik. Hindi ko kayang makita kang ikasal sa iba. I don't care if it's just an arranged marriage. Hindi ko kaya..."
"Baby..." he called me. "Please, stop. You will ruin it."
Lumunok ako. "What do you want me to do?"
"Nothing. Basang-basa na ako. May meeting pa." He ran his fingers through his soaking hair. "Kung plano mong maligo sa ulan, hindi ako pwede. Sige. Mauna na ako." Saka na siya tumalikod.
"Should I beg? Kailangan ko bang lumuhod ngayon, Rik?" Suminghap ako ng hangin. Hinanda ko na ang sarili sa pagluhod. "I love you so much, Ulrich. Please... bumalik ka na sa akin."
"Fuck! I can't do this anymore!" He turned to me again. Patakbo niya akong nilapitan saka niyakap nang mahigpit. "Tangina naman, Riza. Nakapaghintay ako nang ilang taon, pero hindi ko man lang mahintay ito nang ilang araw pa."
"I love you, baby..." I whispered.
"I know, baby..." Hinarap niya ako sa kanya. Nakangiti na siya ngayon. "I've heard your call last night and everything you said. Hindi ako pinatulog no'n. Gising din ako nung tumawag ka, pero kinuha sa akin ni Arthur 'yong cell phone ko."
I sobbed. Hinampas ko ang kanyang balikat.
"W-what was that for?" Hinarap ko siya. "Engaged ka na—"
"Shit. Plano 'to ni Arthur!" Hinawakan niya ang pisngi ko at hinawi roon ang mga patak ng ulan. "He planned to set up an arranged marriage scene. Para mapilitan kang umamin."
"So... hindi 'yon totoo?"
"Bakit, Riza? Gusto mo bang totohanin ko?"
Tumango naman ako.
"Huh?" Napakurap siya. "Gusto mong ituloy kong magpakasal—"
"Sa akin..." putol ko sa kanya.
Napakurap siya.
"Pakasalan mo na ako, Ulrich."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Saka siya humalakhak.
Nakangiting nakatingin lang ako sa kanya. I love this man so much. Siguro kaya hindi ako nagmahal ng iba ay hinintay ko rin siya. Hinintay ko ang pagkakataon na 'to.
"Seryoso ka ba, Riza?" Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Kasi kung seryoso ka, may malapit na simbahan naman siguro sa paligid."
"Anakan mo na rin ako—"
"Holy shit..." Napaatras siya. "Tangina. Hinay-hinay naman, baby. One at a time, please?"
I laughed. "Akin ka na, Rik, ah?"
"Sa 'yo naman ako noon pa, baby."
"So... bakit hindi mo pa rin ako hinahalikan?"
"Yan. Ganyan lang dapat ang request mo." Natatawang lumapit siya sa akin. Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Saka niya nilapit ang mukha sa akin. "Pero kung gusto mo talagang magpakasal ngayon, puwede naman. 'Yung anak naman—"
I cut him off when I pressed my lips into his.
I closed my eyes.
I guess waiting this long is worth it.
Yeah. It's definitely worth it.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro