Chapter 42
Chapter 42: Five Years
After I graduated from college two years ago, I started venturing into the corporate world. I've engaged myself in a different field with different professionals. I know I have more to improve, but I am happy now with my job as the executive assistant of this famous five-star hotel.
I could say I've come too far now.
I'm proud of what I have become.
"Ma'am, they are making commotion outside," sumbong sa akin ng isa sa mga empleyado. "We've deployed four of our guards just to stop them from getting in."
I lifted my gaze from my laptop. Sumandal ako sa swivel chair habang nag-iisip ng paraan para humupa ang mga nagkakagulo sa labas.
Napapikit ako sa inis. His arrival should be private! Hindi ko alam kung bakit nalaman ng mga fans niya na rito siya tutuloy sa hotel na 'to kaya bago pa man siya makarating ay kinuyog na kami.
"Give me a moment," I told the employee.
Hinintay ko siyang makalabas ng office ko bago tumutok uli sa laptop ko. I searched for his contact number. Saka ko 'yon tinype sa cell phone ko.
I was biting my lower lip while waiting for him to answer my call. Napatingin ako sa salamin. Hinawi ko ang hanggang balikat kong buhok.
"Hello. Who's this?" Finally, he answered it.
"Art..." banggit ko sa pangalan niya.
"Uhmm. Yeah?" he sounded confused. "Sino ba 'to? How did you get my number?"
"Your manager booked you a room in our hotel," pag-uumpisa ko. Tumayo ako saka humarap sa wall na gawa sa salamin. Mula rito ay kitang-kita ang mga matatayog pang building sa siyudad na ito.
"Then, talk to my manager instead?" Halatang iritado na siya. "Why talk to me personally?"
"Your fans are waiting for you outside. Can you post a picture of you somewhere?" I sighed. "Just to delude them. Sigurado naman akong maraming kang saved picture sa ibang lugar."
"Wait. Who's this? Your voice sounds familiar."
I rolled my eyes. "It's Rizzie. Rizaline Chavez."
"Aw. I thought you were someone I know. I don't remember you—"
"Arthur!" I blurted out. "Get your fans out of here."
Narinig kong humalakhak siya sa kabilang linya. Napabuga ako ng hangin. He didn't change after all. He's still annoying as hell.
"Fine." He chortled.
"Good."
"But in one condition..."
My brows arched. "What?"
"Have dinner with me later."
I drew a deep breath. "Okay..."
"Your treat."
"Oo na!"
Kuripot pa rin 'to sa kabila ng mga yaman niya mula sa mga blockbuster movies at soldout concerts. Hindi ko nga ma-imagine kung gaano na siya kayaman.
"Just post a picture of you somewhere. Naaalibadbaran na ako sa mg fans mo."
"Sure. See yah!"
After I ended the call, I looked for his Instagram account. I don't usually stalk people, I mean... people from the past. But I had to do it now just to make sure he will really post it.
Nakailang refresh ako sa profile niya bago nakita ang bago niyang picture. The caption says, "I'm here, not there."
I laughed. Whatever, Arthur Peralez!
Matamos mag-post ni Arthur ng picture niya sa ibang lugar ay mabilis din na nagsialisan ang mga fans niya. Bumalik na rin sa ayos ang lahat.
I've spent my whole day in front of my laptop, maya't maya rin akong nagsa-submit ng reports sa mga executives. Malimit din akong tumitig sa wallpaper screen ng cell phone ko.
An hour before my duty ended, I called someone I have been wanting to call. It only took two rings before she answered it.
"Mommy!" excited na bati niya sa kabilang linya.
I found myself smiling. I leaned my back on the swivel chair as I swirled it to face the glass wall. Nakakawala talaga ng stress ang kanyang boses. Her euphoric laugh is my stress reliever.
"Oh, baby. I miss you!" I giggled.
"I miss you too, Mommy." Humagikgik din siya. "Dito ka po ba magd-dinner? Tita Melly and I baked some cookies!"
"Oh. That's sweet..." Inipit ko sa pagitan ng tainga at balikat ko ang cell phone para simulan na ring magligpit. "Sorry, baby. Baka sa Saturday pa ako makauwi riyan, eh."
"It's fine! I will ask Tita Melly to bake again for you!"
"Sweet. I love you, baby. Huwag kang magpupuyat ah? Huwag kang pasaway kay Tita Melly. Always drink your vitamins and milk. Don't forget to pray."
"I will, Mommy. I love you!"
Labag man sa kalooban ko pero kailangan ko nang patayin ang call. Nilagay ko na sa bag ko ang laptop saka na rin lumabas ng hotel. Umuulan sa labas kaya may guard na pumayong sa akin papunta sa parking lot.
"Thank you," I smiled at him before getting in my car.
Nilagay ko sa likod ang bag ko saka tumingin sa rear view mirror. Inayos ko ang buhok ko. I put my car in the ignition and drove my way to my condo.
It was a long tiring day, but worth it. Buong linggo rin naming prinoblema ang pag-stay ni Arthur sa hotel namin. Though he used to be a close friend of mine, I still want to give him the best experience while staying with us. He's a VIP after all.
After changing my clothes, I poured myself a glass of champagne before sitting in front of my huge flatscreen TV. I continued the vampire series I have been watching.
I was getting lost in the scene when my phone rang. Nakatingin pa rin ako sa screen ng TV nung sinagot ko ito.
"I'm already here, Rizzie!" sabi ni Art sa kabilang linya. "I will just take a shower, tapos dinner na tayo. Gutom na ako!"
"They will serve you foods—"
"Nah. You promised me a dinner!"
I sighed. "Fine. I will text you the place."
"Good. I miss you. I can't wait to talk to you again!"
I just smiled. I miss you, too.
Nag-hanap ako agad ng restaurant na pwede naming kainan. After scrolling on the results, I've decided to take the nearest one. Medyo mahal nga lang pero kaya naman. Nakakahiya naman kay Art.
I just changed my clothes, pero nagpalit na naman ako. I wore a black off-shoulder blouse and denim pants. Dinala ko rin ang mga cards ko kahit na nakabayad na rin ako sa restaurant online. May restaurant naman din ang hotel namin, pero baka may mga fans pang nakabantay roon.
Malakas pa rin ang ulan sa labas. It took me almost half an hour before I reached the place. Naghintay rin ako ng halos kalahating oras para kay Arthur.
I was frowning when he finally arrived. He was wearing a black cap to cover his face. Nakangiting umupo siya sa harapan ko.
"Hi..." he greeted.
"Sure ka bang wala kang fans na nakasunod?"
He groaned. "Wala. Wala man lang bang hello?"
"Let's take our order first."
Habang naghihintay sa order namin ay nag-umpisa na rin kaming mag-usap. Sa sandaling panahon ay parang bumalik ang mga alaalala ng kahapon.
"Do you miss our college days?" he asked.
I shook my head. "High school moments."
"Oh, right." He chuckled. "Pero... whoa. Riza. Gumanda ka lalo, ah?"
"No need for that, Art. Libre ko na ang dinner natin."
Humalakhak ito kaya napatingin sa kanya ang iba. Pasimple ko siyang sinipa sa ibaba ng lamesa. Baka kasi mabosesan siya ng mga tao rito. Alam kong lagot ako sa mga fans niya kapag nalaman nilang sinipa ko siya. Halos sambahin na siya ng mga 'yon, eh.
"Seryoso. You look sexier than the last time I saw you." He smirked. "Also... happier."
I shrugged my shoulders. "Life goes on."
"How are you now?"
That simple question meant a thousand stories.
"You said it yourself. Happier..." I smiled.
I tapped my fingers on the table. I just hope our topic will stay here. But we have more time, that means... I am about to engage with much deeper topics.
"How about you?" tanong ko pabalik. Uminom ako ng tubig. "Kumusta ka, Art?"
"I'm..." He paused for a moment. "I'm living my life."
"Are you happy?"
"I'm not sad."
Tumango naman ako. I understand.
A lot of things happened during our college days. Akala ko nga ay huminto na ang lahat pagka-graduate namin ng senior high. Well... for me it did. Wala namang makabuluhang nangyari sa akin nung college days. That's just for me.
I have witnessed how everything fell apart during our college days.
"How's Cams?" he asked.
"She's doing better."
Dumating na ang pagkain namin kaya panandaliang natigil ang usapan namin. Nagutom din ako kaya naparami ang kain ko.
"Kailan siya uuwi? Si Cams?" tanong uli ni Art.
"I don't know. Kapag kinasal si Amanda?"
"Oh, right." Sumandal siya sa upuan. "Invited din pala ako. That will be uhmm... next year, right?"
Tumango naman ako.
We had a peaceful but conversational dinner. Nakahinga ako nang maluwag nung nagpaalam na si Arthur para bumalik sa hotel. Maaga pa raw kasi ang set nila bukas.
Naiwan ako sa restaurant. They served me drinks. Suminghap ako ng hangin habang nakatingin sa mga schedules ko sa notes ng cell phone ko. Puno na agad ang schedule ko next week. Same routines.
This has been my life for two years now.
Pagkauwi ko sa condo ay agad nag-shower muna ako. Uminit din kasi ang pakiramdam ko dahil sa alak. Habang nagpapatuyo ng buhok ay napagdesisyonan kong makipag video call kay Camila.
"Heyyy!" bati niya.
"Busy ka?"
She shook his head. "Nasa event ako. Wait lang. Punta lang akong restroom."
"Hala. Mamaya na lang kung busy ka!"
"Tanga. Sandali nga!"
Naging magulo ang camera nung maglakad siya. Natatawa pa ako dahil nakataas ang cell phone niya para makuhaan ang paglalakad niya. She was feeling her sparkling dress.
"So... what?" she asked after getting in the restroom.
"Wala lang. I met Art."
"Oh..." Inayos niya ang kanyang bangs. "Buti naman kilala ka pa nung mokong na 'yon?"
"You look gorgeous by the way..." I chuckled.
"Yeah. May isa pang event pagkatapos nito." She sounded exhausted, but I could tell she's happy by the look in her eyes. "Guess what? One of the huge Hollywood stars talked to me! She wanted me to design her dress for the premiere of their movie!"
"Oh, my God!" I gasped. "Congrats, Cams!"
She laughed. "Marami pang naka pila pero uunahin ko na muna ang sa kanya. I am so excited, Rizzie! Finally. This is my dream!"
"I know. Pero gaga, huwag puro trabaho ah? Learn to rest!"
"Duh?" she rolled her eyes. "Not now, not this year, Rizzie. I am starting to build my career. I can rest after this."
"Uuwi ka next year?"
She smiled. "Yes. Amanda's wedding."
I nodded. "I miss you, Cams."
"I miss you too, Rizzie..." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Pumait din ang ngiti sa kanyang labi. "I'm really sorry. I'm sorry."
"It's fine now, Cams." I smiled. "You are living your life. That's what matters the most."
Pagka-end niya ng call ay nag-ayos na rin ako para matulog.
Today is Saturday. Rest day ko kaya balak kong umuwi sa bahay. Sa harapan pa lang ng gate ay nakatayo na si Sophie. Hawak niya ang leash ng alaga niyang aso. Nakabantay sa kanya si Tita Melly.
Nung makita niya ang sasakyan ko ay agad siyang tumakbo. I had to stop my car just to greet her. Mabilis ko siyang niyakap at pinudpod ng halik sa mukha.
"I miss you, baby!" I hugged her tighter.
"Nag-bake kami ng cookies ni Tita Melly!"
"Really? Gusto kong matikman 'yan. Sandali. Ipasok ko muna ang sasakyan. Mauna na kayo sa loob."
Nilagay ko sa garahe ang sasakyan ko bago pumasok sa loob ng bahay. Nakangiting bumati rin ako kay Tita Melly.
Pinatikim sa akin ni Sophie ang mga cookies na ginawa nila. Tuwang-tuwa siya nung sinabi kong masarap. She also wanted to teach me how to bake them.
"Good girl ka naman ba?" tanong ko habang hinahaplos ang kanyang buhok.
She nodded. "Opo. Nag-pray rin ako."
"Oo naman, Riza. Sobrang bait na bata," nakangiting sabi ni Tita Melly. "Ang makulit lang naman dito ay si Alice," tukoy niya sa alagang aso.
"No, Tita. She's a good girl, too!" Sophie pouted her lips.
"Anyway... magbihis ka Sophie. Dadalaw tayo kay Lolo M," sabi ko. "Do you miss him?"
"What? Really?" She stood up, excitedly. Humarap siya kay Tita saka tumalon-talon. "Tita Melly, paliguan mo na po ako!"
Binuhat siya ni Tita Melly saka pinasok sa kwarto para paliguan. I texted my father that we will go for a visit. Sabi ko visit lang pero pinilit niya kaming doon na lang matulog.
A lot of things happened in the past years, but the most significant one was... I've learned how to forgive. I've learned how to accept the things that I couldn't change anymore. Life has been much easier after that.
Mr. Megardon has been supportive to me. As time passed by, I slowly learned to give him a chance. Wala namang mangyayari kung kikimkimin ko lahat ng hinanakit ko sa buhay.
Bago kami pumunta kay papa ay napagpasyahan ko munang may bisitahin. Bumili ako ng bulaklak. Hawak ko ang kamay ni Sophie habang naglalakad kami sa mga damo.
I've finally reached her resting place. Yumuko ako at nilagay roon ang bulaklak. Her little tombstone made me smile. It looked so cute just like her.
"Hello, Silly..." I mumbled.
I was in second year college when Silly got sick. Ginawa ko ang lahat para mapagaling siya, pero hindi na rin niya talaga kinaya. She knew me more than anyone that time. Sa kanya ko sinabi lahat ng hinanakit ko sa buhay. Kaya nung nawala siya ay sobrang nalungkot ako.
"I want a Silly too, Mommy..." bulong ni Sophie.
I laughed. "I don't think that's a good idea, baby. Mukhang hindi sila magkakasundo ni Alice."
"No, Mommy. Alice is a good girl!"
Tumunog bigla ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Ate Sarah. Agad ko 'yong sinagot. Hinawakan ko si Sophie palapit sa akin.
"Hello, Ate?" panimula ko.
"Is that Mama?" tanong ni Sophie.
"Riza. Are you with Sophie?" bakas ang kaba sa boses ni Ate Sarah.
"Yeah. Why?"
"Thank God. Hindi ko siya ma-contact!"
Bumaling ako kay Sophie. "Where's your phone, Sophie?"
Umiwas siya ng tingin. Humaba ang nguso niya. "N-nahulog ko sa tubig. It drowned."
Narinig ko ang pagtawa ni Ate Sarah sa kabilang linya. I put the loud speaker on.
"It's okay, baby!" sabi ni Ate Sarah. "I will buy you a new one, okay?"
"I'm sorry, Mama..." bulong pa rin ni Sophie.
"Uuwi ka na next month, 'di ba, Ate?"
"Oo, Riza. Uuwi na kami ni Kuya Oliver mo. Inaayos ko lang ang mga papers ko. Tapos na rin ang contract ko rito kaya riyan na uli ako magtuturo sa Pinas!"
Sophie's eyes widened after hearing that. Sumimangot siya hanggang sa umiyak na ito. Pinahawak ko sa kanya ang cell phone ko para mag-usap silang mag-ina.
I was in second-year college when Ate Sarah received an opportunity to teach overseas. Doon niya rin nakilala ang si Kuya Oliver na tatay ni Sophie na ngayon ay asawa na niya.
"See you soon, baby. I love you!"
"I love you, Mama! Excited na akong makasama kayo ni Papa sa pasko!"
"Me, too, baby. Can you give the phone to Mommy, please?"
Inabot sa akin ni Sophie ang cell phone ko. Saka siya lumapit sa puntod ni Silly para kausapin ito. She usually does that.
"Hello, Ate?"
"Riza. Napagdesisyonan namin ng Kuya Oliver mo na maghahanap ng bahay na malapit din sa condo na tinutuluyan mo. Para lagi ka na ring nakakadalaw sa amin."
"Oh..." Tumango naman ako. "That's good. Para lagi ko nang kukunin sa inyo si Sophie!"
"Also..." she paused to intensify the moment.
"What?" Umangat ang mga kilay ko.
"Huwag mo munang sasabihin kay Sophie ah?"
"Ano 'yon, Ate?"
"She's going to be a sister now!"
Napakurap ako. Damn!
"Wow. Congrats, Ate!"
Naluha ako. Masaya ako kasi masaya na rin si Ate Sarah. Masaya ako kasi nahanap na rin niya sa wakas ang lalaking magpapasaya sa kanya nang tuluyan at mamahalin siya nang walang alinlangan... lalaking hindi siya iiwan.
Sinalubong kami agad ni Papa pagkarating sa kanila. Humalik si Sophie sa pisngi niya saka ito tumakbo kay Tita Marinelle. Magiliw na sinalubong siya ni Tita.
"Mas gusto pa niya yata ang tita niya kesa sa akin," animo'y nagtatampong bulong ni Papa. "Hindi ako papayag. Tabi kaming matutulog mamaya!"
Natawa ako.
"Kumusta, Papa?" Yumakap ako sa kanya.
"Ayos naman, anak. Pwede bang dalawang araw kayo rito?"
"Pa!" Sumimangot ako. "Hanggang bukas lang kasi kailangan ko na ring umalis bukas ng gabi. May trabaho pa ako."
"Gano'n ba?" Bumuntonghininga siya.
"How's Tita Marinelle?" tanong ko.
"Still under treatment, but she's doing better now."
A year ago, nalaman naming may stage 2A cancer si Tita Marinelle. She has been undergoing treatment. May hindi man kami pagkakaintindihan, gusto ko pa rin na gumaling siya. Amanda is also pregnant. Gusto kong lumaki ang bata na kilala ang lola niya.
Tahimik naming dinatnan ang bahay, pero umingay dahil kay Sophie. Gustong-gusto talaga siya ni Tita Marinelle. Though minsan ay pinagsasabihan ko rin si Tita na huwag masyadong i-spoil si Sophie. Baka magaya kay Amanda.
I've had a long but fun night. Tumawag din uli si Ate Sarah para makausap sila. She finally announced that she's pregnant. Sobrang iyak ni Sophie dahil hindi na raw siya baby.
Tumabi si Sophie matulog kina Papa at Tita. Ako naman ay sa dati kong kwarto. Bigla kong na-miss ang kwarto na 'to. Saksi ito sa mga pagpupuyat ko sa pag-aaral, sa mga mura ko at pag-iyak.
Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko, pero iyon din ang dahilan kaya masasabi kong sulit ang lahat. Sa tulong na rin ni Kuya Chester na engineer na ngayon. Nakadestino lang siya sa ibang bansa.
I was busy scrolling through my newsfeed when a post caught my attention. PJ shared a memory years ago. It was the picture of five topless men.
I just found myself staring at the photo. My chest tightened. The memories of yesterday flooded my mind and drowned my heart.
Wala sa sariling niyakap ko ang cell phone ko. Pumikit ako. Parang kahapon lang ang lahat. Ramdam ko pa rin ang halik niya sa akin at haplos ng hangin.
Hiniling niya sa akin na huwag muna akong magmahal sa loob ng apat na taon. I did it. Natapos ako sa kolehiyo nang walang ibang minamahal kung hindi siya.
That was two years ago... but I still do.
I'm 23 now.
I've been loving him for five years now.
I tried to love again. Sumubok din naman akong buksan uli ang puso ko sa ibang tao. Pero... lunod pa rin ako sa nakaraan.
Maybe I need more time.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Gaya nung sinabi niya sa akin, nung mag-graduate kami sa kolehiyo ay agad na siyang umalis.
Wala na rin akong balita sa kanya pagkatapos no'n.
My phone beeped. Another email has been sent to me.
Hinawi ko ang mga luha sa mata ko para basahin ang email.
"We have another VIP coming soon..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro