Chapter 41
Chapter 41: I Still Do
"No. I want solo!"
"Hindi ka naman marunong mag jet ski—"
"That's why I want to try it solo! I want to learn it, Ulrich!" I blurted out. "Ikaw kasi ang magd-drive kapag nag-share tayo, eh!"
"Pwede naman ikaw. Ako ang nasa likod mo at nakayakap sa 'yo." Ngumisi siya. "How about that, baby?"
I shook my head. Nilapitan ko ang lalaking nagpapa-rent ng jet ski. Mukhang naiinip na rin siya sa amin.
"Solo po," sabi ko.
"Mukhang ayaw kang payagan ng boyfriend mo—"
"Hindi na, Kuya. Pinapayagan ko na," banggit ni Ulrich. Kinuha niya ang jet ski vest sa kamay ni kuya saka siya humarap sa akin. "Masyado nang exposed katawan mo."
Ulrich helped me put on my jet ski vest. Hindi ko alam kung nangangapa ba siya kaya natatagalan o sinasadya niyang tagalan talaga ang paglagay.
"Really? How about you? You are topless!" I rolled my eyes.
He chuckled. "Why? Ayaw mo ba?"
"Your body, your choice."
"Be careful, aight?" he reminded me.
"I will."
We first learned how to drive a jet ski, or I should say I. Marunong na kasi si Ulrich kaya nauna na siya. Basic lang naman. The right side has the acceleration lever and reverses lever on the left. This vehicle doesn't have a break so I just have to keep it moving. There was also a wire connecting my vest and ski so if ever I fell on the water, the jet ski would stop, too.
"Relax lang ah?" paalala pa ni kuya.
"Come on now!" sigaw ni Ulrich sa hindi kalayuan.
"Okay na po. Thank you," sabi ko.
"Have fun."
Pagkahila ko sa lever ay agad akong nakalayo sa pantalan. Kinabahan ako sa una pero nung nagtagal ay na-enjoy ko na rin.
"You are doing good, Rizzie!" sigaw ni Ulrich na nakabuntot sa akin. "Just in case you get tired, sumakay ka na lang sa likod ko!"
I ignored him. Mas binilisan ko ang sasakyan. Hindi na rin ako sinundan pa ni Ulrich, pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin. He's probably checking if I am still alive.
I had fun driving alone. Medyo masakit lang sa mata ang talsik ng tubig pero sobrang saya. Nangatog ang mga tuhod ko pagkababa ko.
"Enjoy ba?" tanong ni Rik. Namumula ang kanyang katawan dahil nababad sa init ng araw. Inalog niya ang kanyang ulo para maalis ang patak ng tubig.
Nakangiting tumango ako.
"Sobra..." I looked away.
"Mas nag-enjoy ka sana kung nakayakap ka sa akin." Inakbayan niya ako kaya naramdaman ko ang katawan niyang hubad. "Mas nag-enjoy rin sana ako..."
"Gutom na ako!" sabi ko saka siya tinulak.
Habang pabalik ay napansin ko ang mga mata ng mga babae na nakasunod kay Ulrich. Napatingin ako sa mukha ni Ulrich. He was smirking. He knew that he had all their attention. He's enjoying it.
I pouted my lips as I moved closer to him. Nagkabunggo ang mga braso namin, hanggang sa naramdaman kong gumapang sa bewang ko ang kanyang kamay. He pulled me closer to him.
My frustration turned bitch you all could only stare.
Pagkabalik namin ay naabutan naming naglalaro sa buhangin sina Art, Roland at Jessie. Mukhang pagandahan sila ng building. On the far side were Amanda and Victoria, they were sunbathing.
I roamed my eyes around. Nasaan sina PJ at Camila?
"Paragliding..." sabi ni Chester na parang nabasa ang isipan ko. "Kumain na ba kayo?"
"Were you just standing there the whole time?" nanunuyang tanong sa kanya ni Ulrich. "Come on. Ang daming pwedeng pagkaabalahan, oh!"
"True. Ang daming babae. Hindi ba, Rik?" tanong ko.
Ulrich nodded.
Umangat ang mga kilay ko.
"But I have the best one..." he mumbled.
Napairap ako. Napatingin ako sa mga lalaking naglalaro sa buhangin. Mukhang nagtatalo na ang mga ito.
"Ang daya mo, Art! Ginagaya mo lang akin!" pang-aakusa ni Jessie na masasabi kong totoo naman. Halos magkamukha ang castle na binubuo nila.
"Eh alangan naman si Roland ang gayahin ko? Bulkan lang ang ginagawa niya tapos lagi pang inaanod ng tubig." Humalakhak si Arthur.
"Mauna na kayong kumain," udyok sa amin ni Chester na humikab pa. "Hihintayin ko na lang sina Amanda at Victoria."
"Hala ka. Pinaiyak mo si Roland!" singhal ni Jessie kay Art.
"Huh? I was kidding, Rol. Ang ganda ng bulkan mo!"
"Kain na tayo, Riza," bulong sa akin ni Ulrich.
"Partner na lang tayo, Rol." Tumayo si Jessie saka lumapit kay Roland. "Palakihin pa natin 'yang bulkan mo."
"Sige!" suminghap si Rol.
Umirap si Art at may binulong pa dahilan kaya binato siya ng buhangin ni Jess. Gumanti naman agad si Art. Nanlaki pa ang mga mata ko nang buhatin ni Art si Jessie saka sila tumakbo papunta sa tubig.
Napakurap ako nang pinitik ni Ulrich ang kanyang daliri sa mukha ko. Tumango ako saka na sumama sa kanya.
"Wala pa bang naging girlfriend si Art?" tanong ko.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Meron naman. Interested?"
"No." I sighed. "Can we try the other activities?" pag-iiba ako agad sa topic.
"Sure."
Kumain kami sandali. Kaunti lang ang nakain ko dahil baka sumakit ang tiyan ko. Mamayang hapon lang ay lilipat na kami sa private beach. I want to try as many activies I can.
Nagpahinga kami ni Ulrich sa dalampasigan, sa ilalim ng puno ng niyog. Nakayakap ako sa mga tuhod ko habang pinagmamasdan ang alon. Mas tahimik sa parteng ito. Iyon nga lang ay medyo malayong lakaran lang.
"We can start right after this, Rik. Kapag nakauwi na tayo." Yumuko ako sa mapinong buhangin. Dinama ko 'yon sa aking mga kamay. "I will try my best to learn the lessons."
Kahit na minsan ay mahirap akong turuan, gusto kong mabilis na maintindihan ang mga ituturo sa akin ni Ulrich. Simply because we don't have enough time.
I didn't get a response from Ulrich who was lying beside me, so I turned to him. He was wearing his shades so I had no idea if his eyes were closed or what, still I stared at him.
I smirked as I cupped sand on my palms and slowly poured it on his chest. Saka ko pinaragasa ang kamay ko para ikalat 'yon. After pouring enough sand, I traced my finger on his chest to draw a small heart.
"Heart..." A smirk formed on his lips.
I smiled. "Puno ka na ng buhangin."
"Sure." Tinaas niya ang kanyang shades. His eyes were wide awake with a glimpse of grin stretched on his lips. "I will try to teach you everything I know."
Bahagya akong umatras nung umupo siya. Lumipat siya sa harapan ko. May mga buhangin pang dumikit sa kanyang katawan, pero sinandal niya ang sarili sa akin. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para yakapin siya. Hinaplos niya ang mga kamay ko.
His broad back completely blocked my sight. Hinipan ko ang mga buhangin sa likod niya para maalis.
We stayed like that for a minute. He was massaging my hands. That was a moment, but it was the most relaxing experience so far.
Naramdaman kong hinawakan niya ang hita ko. Mula sa pagkakatupi ay binaba ko ang binti ko. Humiga uli si Ulrich at ginawang unan ang hita ko.
Binaba ko ang shades niya dahil nakapikit lang siya. I ran my fingers through his hair. I heard him sigh.
"Isang araw na ang lumipas, Riza."
"Don't count, Rik," I told him. "Just enjoy every moment."
"I'm enjoying it." He smiled.
Tumango naman ako. "Buti naman..."
"How about you?"
"I'm enjoying it, too..."
"I'm glad you are enjoying my company."
Pagkatapos naming magpahinga sa ilalim ng niyog ay nagpasama ako kay Ulrich para maghanap ng mga shells sa dalampasigan.
"Look!" Ulrich announced.
Tumuwid ako ng tayo. "Bakit?"
"Come here, baby!"
Patakbo akong lumapit sa kanya. He showed me a dead starfish. Binigay niya 'yon sa akin kaya sinama ko sa collection ko.
Ulrich yawned. "Let's go back and enjoy other activities?"
Tumango naman ako. Hawak ko ang mga shells at isang starfish kaya hindi magawang hawakan ni Ulrich ang kamay ko. Sinabi pa nga niya sa akin na hubarin na lang niya ang trunk shorts niya para doon ilagay ang collection ko, para lang mahawakan ang kamay ko.
I heard a woman scream. "Help!"
Before I even realized it, I saw Ulrich running towards the sea. Namutla ako nung makita ang isang bata sa hindi kalayuan na nagpupumilit lumangoy.
"Help my son, please!"
Nilapitan ko ang babaeng humahagulgol para subukan siyang patahanin. Nabitiwan ko na ang mga hawak ko dahil sa kaba.
"My son..." she sobbed.
"He will be fine," I said with my shaking voice.
Tumingin ako kay Ulrich. Bumagsak ang mga luha ko nang makitang yakap na niya ang bata. Umiiyak lang ang bata habang nauubo. He's safe.
"Brayle!" Patakbong sinalubong ng babae ang kanyang anak. "Oh, my God. Are you okay, baby?"
Saktong namang dumating na rin ang lifeguard para tulungan sila. Agad silang pinaligiran ng mga tao kaya hinawi ni Ulrich ang mga 'yon para mabigyan sila ng space.
Napatingin sa akin si Ulrich. Kumunot ang noo niya nung makitang umiiyak ako kaya agad niya akong nilapit.
"Hey—"
I just hugged him and wept in his arms.
"What happened?" he asked.
The little boy was safe, but my heart kept sinking deep.
"Kinakabahan ako, Riza."
I hit his chest as I pushed him away.
"Y-you saved the kid, Rik."
Tumagilid ang kanyang ulo. "Oh? Why are you crying?"
Napatingin ako sa nanay na karga ang kanyang anak. Lumapit sila sa amin. Umiiyak pa rin siya pero nakangiti na ngayon.
"Thank you so much!" Yumuko pa ang babae.
Ulrich smiled as he patted the kid's head. "Don't go near the water without your mommy, little boy. You scared your mom and my girlfriend."
"I-I was collecting shells..." The little boy said. "Thank you."
Mabilis kong pinulot ang mga shells ko. "Here. Sa 'yo na lang lahat ito!"
"Riza..." Kumunot ang noo ni Ulrich. Umiling siya sa akin. "Pinagpaguran mo 'yan."
I shook my head. Binigay ko sa bata mga collection ko, including the dead starfish. I saw how his face has lightened up.
"Yay. Thank you!"
Sumimangot si Ulrich.
"Salamat talaga. You saved my son."
"Pakibantayan na lang po nang maayos ang anak mo. Sige po. Mauna na kami." Hinawakan na ni Ulrich ang kamay ko.
Gusto pa ni Ulrich na maghanap kami ng shells para palitan ang mga binigay ko pero tumanggi na ako. Bumagsak uli ang mga luha ko habang inaalala ang nangyari.
Muntik nang malunod 'yung bata. Kung hindi kami napadaan ni Ulrich... no. The kid was safe. Sigurado naman akong mas babantayan na siya ngayon ng mama niya.
"What happened?" Camila ran towards me. "Why are you crying, Riza?"
"Ask Ulrich..." I wiped my tears.
Cams glared at Ulrich. "What have you done?"
"What? She gave away her shells!"
"No!" I blurted out. "Ulrich saved a kid."
"Oh, come on." Pumula ang mukha ni Ulrich. "I did what I have to."
I was so proud that I couldn't keep my mouth shut. Sinabi ko sa kanilang lahat ang nangyari at ang pagligtas ni Ulrich sa bata.
"Y-you did that, Rik?" Hindi makapaniwalang tanong ni Victoria.
"It's nothing!"
"That was everything to them, Rik," Cams said. "Hays. Akala ko pa naman ano iniiyak ni Riza. Ito naman kasi!" Binatukan niya ako.
Nilapitan ni Victoria si Ulrich saka niyakap.
"I'm fine, Rhia..." ani Rik.
"He did what everyone failed to do to her sister..." PJ mumbled to Cams, but I heard it.
What?
"What do you mean, babe?" Cams asked.
"She had a sister..." bulong ni PJ.
Lumubog ako. What the heck?
Napatingin ako sa kamay ni Ulrich. Ngayon ko lang napansin na bahagyang nanginginig 'yon. Parang tinusok ang dibdib ko. Hindi ko agad 'yon napansin kanina.
"That's sad..." Cams whispered.
I walked away with a heavy heart. So... that scene scarred him, yet he still conquered it just to save the little boy.
"Riza..." Hinakawan ni Ulrich ang kamay ko saka ako hinarap sa kanya. "I'm sorry if I scared you."
I shook my head. "I-I'm so proud of you, Ulrich."
"Really?" he smiled.
I nodded. "Sobra. You got me there, Rik."
"Wala ba akong regalo?"
I kissed his cheek. Nanlaki ang kanyang mga mata. Kumurap-kurap siya. He wasn't fully recovered, but I kissed him again on his other cheek.
"Oh. Whoa..." He cleared his throat as he stepped backward. "That's enough. Huwag mo na uulitin 'yon, Riza."
"But I want to kiss you more!" Sumimangot ako.
"Oh?" He swallowed. "Last na?"
"Last?" My brows furrowed.
He was breathing hard when I closed the distance between us. He leaned his head towards me so I could touch his hair. We stared at each other.
"You were lying, right?" His voice was soft and breathy. "You loved me, Riza. You still do. But you have to stop it—"
I didn't let him finish his words. I pressed my lips into his as I closed my eyes. Hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Mula sa buhok, bumaba ang kamay ko sa kanyang batok hanggang sa kanyang panga.
I felt the warm tears caressed my cheek. You are right, Rik. I love you. I still keep falling. It still keeps building. I am scared about how will I survive the aftermath, but right now I will set aside all my fears.
I will love you completely starting now.
Hapon na rin no'ng nagbihis kami. Sumakay kami sa isang yacht para pumunta sa private beach. Inabala ko ang sarili ko sa mga kaibigan ko. I've also had shots of alcohol. Hindi pa sana ako titigil kung hindi lang ako pinigilan ni Cams.
I didn't enjoy my first night on the private beach. Nalasing kasi ako kaya agad akong nakatulog. On the second day, wala kaming ginawa kung hindi ang magkwentuhan pa rin.
I've also learned that Roland is going to pursue journalism. Kaya rin masyadong malapit sina Victoria at Camila ay dahil sa fashion. Amanda will take an education degree. I also realized why PJ loves to take pictures, he's into photography. That's going to be his career. Of course, Jessie's about media. Lastly, Art's plan is to become an artist.
We spent our days on the private beach to relax. There were not many activities, except the hide and seek game started by Victoria.
Amanda has been rarely behave. Pero nahuhuli kong nakasimangot pa rin siya kaya nag-uusap sina Camila at Victoria.
Art and Jessie? I don't know. They are best friends, I guess? Best friend na sobrang sweet kasi hindi naman kami gano'n nila Camila at Jessie.
Si Chester naman ay parang naging tagabantay at tagapaalala sa amin. Inasar pa nga siya na parang siya ang tatay namin. He's the eldest among us though.
Today is our last day in this island. Bukas ay pupunta na kami sa falls pero pagkatapos no'n ay uuwi na kami. Magpapahinga lang naman kami bago gagala ulit.
Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Naabutan ko sina PJ at Cams sa dalampasigan. Nakaupo sila roon habang nag-uusap.
"Can't sleep?"
"Shit. Ulrich!" I rolled my eyes. "Obviously."
"Let's have a walk?"
Pumunta kami sa kabilang bahagi ng beach dahil nasa harapan sina Camila at PJ. Nakapaa lang kaming dalawa ni Ulrich.
"Ano'ng oras tayo aalis bukas?" tanong ko.
"Madaling araw tayo susunduin. Medyo malayo rin kasi 'yung falls..." Suminghap siya ng hangin. "Kaya nga dapat natutulog ka na."
Tumango naman ako. "Ikaw nga gising pa."
Tumahimik kami uli. Ang tanging ingay na naririnig namin ay ang alon ng dagat at ang malakas na ihip ng hangin.
"May business si daddy sa ibang bansa..." bigla niyang sabi. "He told me that I would manage that someday."
"Oh..." I gulped. "I see. That's why you are going to pursue a business degree."
"Yeah..." He chuckled. "Gusto nga rin niya na roon na rin ako mag-aral, pero tumanggi ako. Kapag nag-graduate na ako, baka matagalan ako sa ibang bansa. So... I want to spend my college years here with my friends."
"After that lilipad ka na?" Tumawa ako.
"My Mom has also a business there..." Tumigil siya sa paglalakad saka humarap sa akin. "Her plan was for us to migrate there."
Natikom ang bibig ko.
"That means... I have to stay there for like... years? Decade?"
"So... baka roon ka na lang mag-asawa?"
He pouted his lips. "Ewan. Papayagan mo ba ako?"
Humalakhak ako. "Tanga. Kung saan ka masaya—"
"Stop." He shook his head. "Don't say that."
"Rik..." Lumapit ako sa kanya. "Gawin mo lang kung saan ka sasaya."
"Hindi naman pwede, eh. Hindi ba?"
"Rik..."
"Hindi tayo pwede, paano ko magagawa ang magpapasaya sa akin? Ikaw lang naman kasi 'yon, Riza."
I teared up. "You just need time..."
"It's a choice, Riza. Time won't touch this..." He pointed his finger at his chest. "If I want to stay in love with you, I can. If I want to let go... I can't." He laughed.
"Stop na. Ang tagal pa niyan, eh! Four years ka pa rito!"
"Ayon na nga..." He closed our distance. Hinawakan niya ang baba ng mukha ko. "Four years pa kitang makikita. Malay ko ba kung ano ang pwedeng mangyari sa loob no'n. Baka magka boyfriend ka..."
"Baka mag ka-girlfriend ka rin..."
"Riza..." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "I know I'm selfish to ask this but... pwede bang huwag ka munang magmamahal sa loob ng apat na taon?"
Tumulo na ang luha sa mga mata ko.
"I-I don't know, Rik..."
"Pero..." He forced a smile. "Kung gusto mo naman—"
"I love you, Ulrich."
"Riza..."
I sobbed.
"I love you so much, baby..." I whispered.
I closed my eyes when he kissed me.
I could still remember that night.
That was our last intimate conversation.
That was when I last looked into his eyes.
In the past four years... I loved no one but him.
I still do.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro