Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Chapter 40: Summer

I've spent my first week trying to cope with my fresh environment. Tita Marinelle has been good to me, as well as Amanda. But I know it was all for a show. Chester was always there for me, too. Also, Mr. Megardon was willing to give me whatever I want.

I have my own car now, though I'm still under driving lessons. After that, I will finally get my driver's license. Meron na rin akong mga cards na may lamang pera. Ang galing nga. Kapag bibili ako, ipapakita ko lang 'yung card mababayaran agad.

Minsan na ring dumalaw sina Camila at Jessie rito. Kahit na may kasambahay kami ay hindi ko hinahayaan na gawin nila ang lahat para sa akin. Ako ang naglalaba ng mga damit ko. Hindi rin kasi ako mapakali kapag walang ginagawa.

May unlimited food supply na rin si Silly na bigay sa akin ni Chester. Hindi rin kami tumigil ni Ate Sarah sa pag-text at call. As of now, nagpapahinga lang si ate. Lagi raw siyang nasa dalampasigan para magpahangin. She likes the salt air and sunset.

Si Chester din ang tumulong sa akin sa private workout. Meron kasi silang gym dito kaya kahit papaano ay nakapagbawas ako. Hindi ko naman sineryoso pero may improvement naman daw sabi ni Chester. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o binobola lang ako.

The knock on the door knocked me back to sanity. Tumayo ako mula sa kama para pagbuksan ito ng pinto.

"Uhmm. Iyan na ba?" tukoy ni Chester sa kulay pula kong maleta. "Inaayos na kasi namin ang mga gamit sa sasakyan."

"Yes. Aalis na ba?" nakangiti kong tanong. "Gwapo ah?" puna ko pa.

Natawa lang siya. He was wearing a plain black fitted shirt and white shorts. If I wouldn't be biased, si Chester talaga ang pinakaguwapo sa kanila. He looked elegant and charming. Plus, you barely see him frowning.

"Ilagay ko na sa sasakyan 'to ah?" Kinuha ni Chester ang maleta ko na nakasandal sa kama. "Take your time."

"Kuya! May isa pang maleta!" sigaw ni Amanda sa ibaba.

"Sure kang isa lang maleta mo?" tanong pa sa akin ni Chester. "Amanda has three. Mas malalaki pa kesa sa 'yo."

I shook my head. "I'm good with one."


If ever na magkulang naman, I can buy anytime.

I stood in front of the mirror. I was wearing a comfortable black polka dot midi skirt paired with my white top and black sandals. Nagbaon naman ako ng mga beach outfits.

Pagkatapos makuntento sa sarili ay bumaba na rin ako. Naabutan kong paakyat na sana si Amanda. She looked so good in that all crepe pink jogger pants and crop top. Her wavy blonde hair made her even more head-turner. Mukha siyang dayuhan. I said that from an unbiased perspective.

"Oh, my God. You look gorgeous, sissy!" she giggled.

I smiled. "Thanks. You too."

"I love your skirt! Is that one of my gifts?"

I shook my head. "I bought it myself."

"Girls..." Napatingin kami kay Chester. He's on call, but he motioned us to get out now. "Yeah. We are on our way."

Pumunta muna ako sa kusina kung saan naabutan ko si Tita Marinelle. Nagpapalinis na naman ito ng kuko. Pangalawang beses na nga yata ito sa loob ng isang linggo.

"Oh, aalis na kayo?" nakangiting tanong niya. "Ouch!" Napaatras ang babaeng nag-lilinis ng kuko niya dahil sa paghampas niya. "Be careful!"

"Sorry po..."

"Mas mahal pa ang kuko ko kesa sa damit mo. Umayos ka!" Umirap siya saka nakangiting bumaling sa akin. "Enjoy your vacation."

"Thank you, Tita. Ikaw na muna ang bahala kay Silly ah?" I smiled. "I still want to see her breathing when I come home."

Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"

"I mean my dad also likes Silly. Please, be careful with her, too. Mauna na po kami."

Kinakabahan man, pero alam kong hindi niya pababayaan si Silly. Nagustuhan din ni Mr. Megardon ang alaga ko. Siya pa nga minsan ang nagpapakain dito. It would be bad for her if something bad happened to Silly.

"Please, get in. Kanina pa sila naghihintay." Pinagbuksan ako ng pinto ni Chester.

"Thanks." Pumasok ako sa backseat katabi si Amanda. Pagkasarado niya ng pinto ay tumabi na siya sa driver's seat. Bumaling pa siya sa amin sa rear view mirror.

"Wala ba kayong nakalimutan?" tanong ni Chester.

"I have one more suitcase, Kuya." Amanda frowned.

"Nah. Those three are enough, Amanda."

Kinuha ko sa shoulder bag ang cell phone ko. Napangiti ako nang makita ang flood na messages sa 'kin ni Camila.

I pressed the call button. Bumaling ako sa gilid ng bintana. Palabas na kami ng gate. Sa pagkakaalam ko ay kalahating oras lang naman ang biyahe namin papunta sa location ng mga kaibigan namin.

"Riza!" bungad ni Camila. "Nasaan na ba kayo?"

"Papunta na."

"Gutom na ako!" reklamo pa nito.

"Mauna na kayo sa resto, malapit na rin yata kami," sabi ko na lang kahit na hindi ko alam kung nasaan na kami.

"Babe. Una na raw tayo sa resto!" dinig kong sabi niya sa kabilang linya. Naging malikot ang tunog nung malamang na tumakbo siya. "I'm hungry na talaga. Una na tayo, please?"


"Yeah. Sure. Rol! Tawagin mo na sina Art at Jessie."

"Sige na, Rizzie. See yah—"

"Wait. Uhmm. Andyan na ba si Rik?"

"Papunta pa lang daw. Sige na, Riza. Gutom na talaga ako!"

She ended the call. Mukhang gutom na talaga ang gaga.

"Akala ko ba wala na kayo ni Ulrich?" biglang tinanong ni Amanda. "How come you are looking for him again?"

I refused to answer her. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin kung sakali.

"Anyway... I'm moving on na."

Napatingin ako sa kanya. "What?"

She smiled. "Nagmo-move on na ako!"

"Why? Naging kayo ba?"

Chester chuckled from the front seat.


"Alam mo? Ewan sa 'yo!" Inirapan niya ako.

"Joke. But, good for you." I kept my phone back in my bag. "Ang pangit kasi tingnan kapag habol ka nang habol sa lalaki."

"Easy to say kasi hindi naman ikaw ang may feelings na ganito."

"At least, my ego saves me," I smirked at her. "And my ego says no."

"Just because I'm moving on from him, doesn't mean I already like you, Riza. It doesn't work like that. It's just I love my dresses."

I nodded. "I get that you don't like me. What I don't is if you think I give a damn. It doesn't work like that, too, Amanda."

"Girls..." Bumaling sa amin si Chester. "Are you going to be like that the whole summer? Come on. Give yourself a break!"


Sabay kaming umirap ni Amanda.

Napailing na lang si Chester.

Pagkarating namin sa restaurant ay sabay kaming lumabas ni Amanda. Naiwan sandali si Chester para kausapin ang driver namin. Ayon sa narinig ko ay mauuna nang ipadala sa bakasyunan ang mga gamit namin.

"Here!" PJ raised his right hand to catch our attention.

"Hey, guys!" Amanda greeted them. "Kanina pa ba kayo?"

"Hello!" Ngumiti si Roland bago sumubo uli ng pasta. "Hindi naman. Kasama ka pala?"

"Rizzie, may dala ka bang power bank?" tanong ni Jessie. "I forgot to charge my phone."


"Same. May kinausap kasi ako magdamag," bulong ni Art. Binaba niya ang hood ng kanyang jacket saka yumuko sa lamesa. "But I had a good night."

Pagkaupo ko ay kinuha ko sa shoulder bag ko ang portable charger ko. "Huwag mong ubusin ah? Madali akong ma-lowbat."

I turned to Camila. Dahan-dahan siyang kumakain habang nakatingin kay Amanda. Nasaksihan ko pang inirapan niya ito.

"Where's Ulrich?" Amanda asked. "Sasama rin si Rhia, hindi ba?"

"I guess?" Roland shrugged his shoulders. "Kasama ka pala?" ulit na tanong nito.

Amanda rolled her eyes.

Tinawag ni PJ ang waiter para kunin ang order namin. As we wait for our orders, pinag-usapan namin ang mga gagawin namin.

We will stay a week on the beach, just to chill. Pagkatapos ay may plano silang mga adventure gaya ng pag-akyat sa bundok at pagpunta sa falls. After that, we will rest for a week before we do another set of plans.

We have three months vacation, pero hindi naman namin ibubuhos lahat sa galaan 'yon. Sa July ay magt-take na kami ng entrance exam. August ang pasukan namin. College na rin kami!

Napatingin ako sa mga bagong pasok. Magkausap sina Ulrich at Chester. Si Victoria naman ay agad na kumaway sa amin.

"Rhia!" Excited na tumayo si Amanda para salubungin ito ng mahigpit na yakap. "Oh, my God. I missed you!"

"We just hung out last week, Amanda!" Humalakhak si Victoria bago bumaling sa amin. "Hey, guys!"

Bumati rin kami sa kanya. Sobrang magiliw talaga ni Victoria. Pansin ko rin na kumportable sa kaniya si Camila. Mas kinakausap na nga niya ito kesa sa akin.

Ulrich sat beside me. "Maaga ka bang nakatulog?" tanong niya saka pinatong ang braso sa likod ng upuan ko.

Napasinghap ako. Ang bango talaga niya.

"Yep. You?" tanong ko.

"Jae. Pahingi pa ngang ketchup," dinig kong sabi ni Rol.

"Hoy, Art. Humihingi ng ketchup bunso natin," pagpasa niya kay Arthur.

"Ba't ako? Nahihiya ako."

"Ako na," Jessie volunteered.

"Ako na nga!" agaw uli ni Art.

Bumaling ako kay Ulrich. He was wearing a black tank top and gray shorts. Agad kong napansin na bumalik ang umbok sa kanyang mga braso. He really did workout again.

"Hey..." Napasinghap ako nung hawakan niya ang bewang ko sa ibaba ng lamesa. He trailed his hand around. "Whoa. Nag-workout ka?"

"Rik..." I bit my bottom lip as I smacked his hand. "Nakikiliti ako."

"You did." He chuckled. "You didn't have to."

"I did it for myself, okay?" Inirapan ko siya pero agad niya ring nahawakan ang baba ng mukha ko saka hinarap sa kanya.

He moved his face closer to me and whispered, "You look irresistibly gorgeous, baby. I can't stop liking you."

Oh, God. I pushed him away. Saka ako tumingin sa ibang direksyon. Napansin kong nakatutok sa amin ang camera ni PJ. Pero agad niya rin 'yong iniwas.

After we had lunch, we have finally decided to continue with our journey. Nagpalit kami ng pwesto ni Victoria. Siya ang sumakay sa sasakyan nila Chester at ako naman sa sasakyan ni Ulrich.

"We will take the cabin cruiser." Sumandal sa akin si Ulrich. Pareho kaming nasa likod, may driver naman. "Another two hours of sailing. Doon muna tayo sa main beach until tomorrow. Tapos magmo-move tayo sa private beach."

He put my left hand on his thigh as he intertwined them with his. Saka niya hinawakan ang ulo ko para isandal ito sa kanyang balikat.

Suminghap ako ng hangin. This position felt so comfortable. Baka makatulog ako kaya agad ako nagbukas ng topic.

"I want to try jet ski and parasailing," sabi ko.

Syempre, nag research na rin ako ng mga magandang gawin sa beach. Iilang beses pa lang ako nakapunta roon, pero limitado pa ang budget. Unlike now, I can try anything. Kailangan ko lang ng lakas ng loob.

"Anything you want. Sasamahan naman kita kahit nasaan ka."

I just closed my eyes. Inakabayan niya ako. Narinig kong huminga siya nang malalim. He tapped my shoulder.

"How's your stay in your new home?" he asked.

"It's fine. Mas gusto ko pa rin sa dati."

"I've heard from Chester that you are taking driver lessons..." He clutched my hand even more. It felt warm. "Gusto mo bang ako na lang ang magturo sa 'yo?"

"Hindi na. Kaya ko naman..."

He kissed the tip of my head. "Okay. Can I just watch you?"

I chuckled. "Huwag na. Baka tawanan mo pa ako."

"Nah. I just want to make sure your driving instructor is making you feel comfortable. I know you. Hindi ka kumportable sa mga 'di kilalang lalaki."

"Hindi. Okay naman siya..." Umalis ako sa pagkakasandal saka tumingin sa kanya. "Pero..."

He arched his brows. "Hmm? What?"

"I have heard that you are also taking a business-related course..." Nakaramdam ako bigla ng hiya pero wala na akong pakialam. I need his help. "I want to take an advance lesson before the class starts."

Natawa siya na mas lalong nagpapula sa pingi ko.

"Kung hindi ka lang naman busy—"

"I am always free for you, Riza."

Ignoring my hammering heart, I asked, "So... puwede?"

"Gusto mo bang huwag nang sumama sa kanila para makapag-umpisa na tayo ngayon?"

"Sira!" Natatawa kong hinampas siya sa balikat.

He lightly grabbed my arms as he pulled me closer. Inipit niya ako sa kanyang braso kaya nagpumiglas ako.

"Rik!" I wanted to be mad, but I ended up laughing.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa pantalan. Sobrang bilis tumakbo ng oras kapag kasama ko siya. Pakiramdam ko ay tapos na ang lahat bukas.

Malakas ang hangin sa pantalan kaya hinawakan ko ang buhok ko. They are loading our luggage in the  boat.

Tumabi sa akin si Cams. Pareho kaming nakatingin kina Amanda at Victoria na may sariling mundo. Parehong mahilig mag picture ang dalawa.

"Finally..." Cams sighed. "She just really needs friends to distract her from obsessing with Ulrich. That's something she lacks."

That's what I noticed, too. Pansin kong nakasimangot si Amanda sa tuwing magkasama kami nina Jessie at Cams. Iyon din ang sa tingin kong dahilan kaya umuwi siya agad nung birthday ko. She couldn't stand seeing me with my friends.

"Babe... Riza." PJ focused his camera on us.

"Isa pa, babe!"

"Babe!" Pumula ang mukha ni PJ nung biglang ibaba ni Camila ang kanyang crop top. "You are not wearing bra?"

"Guys! Tara na!" excited na pagtawag sa amin ni Arthur.

"Babe..." Nilapitan kami ni PJ na nakasimangot. "Hindi ka talaga magsusuot ng bra?"

"I don't need to!" Cams wrapped her arms around his neck. "Don't you like it that way?"

PJ just sighed.

Nakita kong papunta na sa akin si Ulrich kaya sinalubong ko na agad siya. Napangiti pa ako dahil sobrang guwapo niya. Bahagyang ginagalaw ng hangin ang kanyang buhok.

Nanlaki ang mga mata ko nung lumakas ang hangin kaya biglang tumaas ang skirt na suot ko. Patakbo namang lumapit sa 'kin si Ulrich. Inayos niya agad ang skirt ko.

"Tara na nga!" aniya. "Ang lakas ng hangin dito tapos naka palda ka pa. Buti na lang mag shorts ka sa loob."

"Stop!"

He chuckled. "Let's go. Buti ako lang nakakita."

We drove in the boat for hours. It didn't get boring, kasi ang daming kwento ni Victoria. Nag-serve din sila ng red wine pero isang shot lang ako. Saka ako lumabas at pumuntang front.

That was perfect timing. I've got to witness the magical transition of sunset. The golden sky reflected on the clear blue water.

I was in awe that I didn't notice someone has been standing beside me the whole time. We have watched the sunset together.

Pumunta sa likod ko si Ulrich. Saka siya humawak sa railing sa gilid ko. Sinandal niya ang sarili sa akin saka pinatong ang baba ng ulo sa balikat ko.

We didn't say a word. Pinanuod lang namin ang dahan-dahang paglubog ng araw at ang pagdilim ng paligid.

Gabi na rin nung narating namin ang beach. Hinatid nila kami sa mga cabins na pansamantalang tutuluyan namin. The cabin capacity could occupy one to four people.

I was planning to share a cabin with my friends, pero magkasama pala sila Cams at PJ. Of course, duh? Bakit hindi ko naisip 'yon?

"Jess. Share tayo?" tanong ko.

"Oh? Okay..."

"Bakit? May kasama ka na?"

Nginuso niya si Arthur na naghubad ng damit. Sumuong agad siya sa tubig. Medyo madilim na ang paligid kaya agad itong nawala sa paningin namin.

"Oh..." Natikom ang bibig ko. I see.

I roamed my eyes around. Iilan na lang kaming nasa labas. Agad kong napansin si Ulrich na nakatingin sa akin. Sumimangot siya.

"Solo na lang yata ako..." sabi ko kay Ulrich pagkalapit ko. "Iniwan na ako sa ere ng mga kaibigan ko, eh."

"Same. Ayaw nila akong kasama," ngumuso pa siya.

"Rik. Share tayo?" tanong ni Roland.

"Tangina, Rol. Hindi na puwede! Nabayaran ng solo 'yung sa 'yo!" iritang sabi ni Ulrich. "Sayang naman!"

"Okay. Bakit ka galit?" tanong pa nito kay Ulrich.

"Art!" dinig kong sigaw ni Jessie. "'Iyong mga gamit mo sa loob tinambak mo lang! Ayusin mo muna 'yon bago ka maligo!"

"Oo na!" Umahon si Art sa tubig.

"Oh? Basa kang papasok?" tanong pa ng kaibigan ko.

"Bawal? E 'di ikuha mo na lang ako ng damit saka boxer shorts!"


"Hays. Sige na, pasok ka!"

May humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Ulrich. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Tumikhim pa siya.

"T-tayo na lang..." bulong niya.

"Okay..."

Napatingin siya sa akin. Bakas ang gulat sa kanyang mga mata.

"Seryoso ba?" tanong pa niya.

I nodded. "Bakit? Ayaw mo?"

"Ayoko..."

"Eh? Okay..." I pouted my lips.

He chuckled. "Ayoko sa iba. Gusto ko ikaw lang."

"Ewan sa 'yo!" Tinulak ko siya saka na ako nauna sa loob ng cabin. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa nito.

Nag-ayos muna kami ng mga gamit at nagpahinga rin bago kami lumabas para mag dinner. Hinubad ko na rin ang skirt ko. Nagpalit ako ng denim shorts.

After dinner, napagpasyahan naming mga girls na gumala muna. Ang mga boys naman ay naiwan para uminom ng alak. Syempre, ideya ni Art na lasenggero. Nairita pa nga ako kanina dahil akala ko pa naman ay sabay-sabay kaming gagala.

I was sipping on my drink while feeling the sand on my bare feet. Ang isa kong kamay ay hawak ni Camila. Pareho lang kaming nakayuko at naglalakad nang tahimik.

"Magiging sobrang busy na tayo sa college..." dinig kong bulong ni Camila. "Medyo malayo ang building namin sa inyo."

"Ano naman?" I looked at her. "Nasa iisang school pa rin naman tayo."

"Okay lang naman na magkaroon ka ng kaibigan, Rizzie." Bumaling din siya sa akin ng tingin. "Pero... ako lang dapat ang best friend mo ah?"

I smiled. "I don't think someone can take your place, Camila. You will always be my best friend."

Namuo ang luha sa mga mata niya. Natawa ako kaya niyakap siya. Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha niya.

Alam kong magiging sobrang busy namin sa college. Alam ko rin na baka maging madalang ang pagkikita namin. Pero alam ko rin na walang magbabago sa pagsasamahan namin.

Nung mapagod sa kalalakad ay umupo muna kami sa mapinong buhangin. Dala ko rin ang cell phone ko kaya tinawagan ko si Ate Sarah.

"Sino ang kasama mo sa room?" tanong ni Ate Sarah.

"Si Cams..." sagot ko.

Napatingin naman sa akin si Camila.

"Oh..." Tumango si Ate Sarah. "Nag-e-enjoy naman ba kayo?"

"Super!" nakangiti kong sagot. "I miss you, Ate Sarah."

"Ateee! Miss na rin kita!" ani Cams.

My sister laughed. "Oh, I miss you too, girls."

Naluluha na ako kaya minabuti kong tapusin na agad ang call. Huminga ako nang malalim saka pinilig ang ulo.

We have decided to go back. Wala pa sina Amanda at Victoria na humiwalay sa amin kanina. Malamang na gumagala pa rin.

Nag-iinuman pa rin ang mga boys. Tumabi si Camila kay PJ. May binulong sa kanya ito kaya hinampas siya ng kaibigan ko.

Nahuli kong nakatitig sa akin si Ulrich. Mapungay na ang mga mata nito. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Mabilis na hinawakan niya ang kamay ko saka pinatong sa kanyang hita.

"Magkaka-girlfriend ako bago matapos ang bakasyon!" biglang sabi ni Roland na halatang lasing na rin.

Inakbayan naman siya ni Chester. "Okay lang 'yan, Rol. Darating din ang para sa 'yo."

"Ayoko. Hindi na ako makapaghintay kaya susunduin ko na siya!"

"Wait..." Biglang tumayo si Jessie na halatang nasusuka. Nakita kong sinundan siya ng tingin ni Arthur.

"Eat..." Nilapit ni Ulrich ang barbeque sa bibig ko. "Or take a bite, baby."

I took a bite and chewed it. Saka kumagat din si Ulrich habang nakatingin sa akin. Inabot niya ang shot glass at uminom ng alak habang nakatitig pa rin sa akin.

"Gusto kong maligo!" biglang tumayo si Ulrich.

"Hoy gago, lasing ka!" Bumaling sa akin si Arthur. "Baka malunod 'yan, Riza."

"Gago ka rin. Dati pa ako lunod," Ulrich chuckled. "Marunong naman akong lumangoy pero wala eh. Malakas ang hampas ng alon kaya lunod pa rin."

"Just sleep, Rik." Si Chester.

"Sleep? I only have less than three months!" Humalakhak si Ulrich.

"May cancer ka?" tanong ni Art.

"Lahat na lang cancer sa 'yo, Art!" singhal ni Roland. "Sabi ni Rik three months. Ibig-sabihin, ayaw niyang matulog kasi three months lang ang bakasyon natin kaya susulitin niya. Hindi ba, Rik?"

"Eh? So, he won't sleep for three months?" naguguluhan pa ring usisa ni Art.

"Tangina. Ang ingay niyo!" iritadong sabi ni Ulrich. Inalis niya ang tank top saka nilagay sa balikat ko. "Pahawak naman, baby. Liligo lang ako sa dagat."

"Baby..." Tumawa si Art kaya hinampas siya sa balikat ni Chester. "Sabi na, eh. Sa kanya 'yung fireworks!"

Kinabahan ako nung maglakad na si Ulrich papunta sa tubig. Pinatong ko sa upuan ang damit niya at agad siyang sinundan. Hinawakan ko ang braso niya at pilit siyang hinila.

"Rik! Lasing ka!"

"E 'di bantayan mo ako!" Inakbayan niya ako. "Doon lang naman ako sa mababaw, eh."

Nakaisang babad lang si Ulrich bago umahon. Nakayakap siya sa sarili. Halatang nangatog sa lamig ng tubig.

"Holy shit. It's cold, baby!" He gasped.

"I told you. Bukas na lang kasi."

Umupo siya sa tabi ko. Humiga siya sa buhangin. He spread both of his arms and legs while staring at the dark sky. He was smiling, but when he looked at me, he frowned.

"I am so happy, baby," he whispered.

"Halata naman..."

Humaba ang nguso niya. "You never called me baby. Mahirap bang banggitin 'yon?"

Natikom ang bibig ko.

"Pero..." Suminghap siya. "Okay lang naman. Pero sana marinig ko 'yon bago..." Natigilan siya. Tumuwid ang tingin niya sa kalangitan. "Bago ito matapos."

I lied down beside him. Ginawa kong unan ang kanyang braso. Narinig kong huminga siya nang malalim.

"I am wicked for choosing you, but you are also wicked for not choosing me. We are even after all. We have wicked hearts."

I just stared at the stars above, until they got blurred... until even without rain, a drop of warm water caressed the side of my eyes.

"I promised that I will stay away from you after the summer..." he whispered. Gumilid siya saka ako niyakap. Napasandal ako sa dibdib niya. "But my love for you won't stop there. Always remember that, baby."

"I-I'm sorry..."

I'm sorry, baby...

He chuckled.

"Tangina kasi. Alam mo ba, Riza? Nung nalaman kong top ten ka? Kahit na bumagsak ako sa top ten, sobrang saya ko. Sobrang saya ko at nakakainis. Nakakainis kasi hindi ko masabi sa 'yo. That's my baby. I'm so fucking proud of her."

Natawa ako. "Remember nung inaasar mo pa ako dahil bagsak ako sa isang subject? Look at me now, muntik na kitang malamangan."

"Ayoko sa lahat 'yung nalalamangan ako, pero kung ikaw rin naman 'yon. Baka ako pa ang mag-celebrate para sa 'yo."

"Watch me, Rik. Gagalingan ko pa!"

"I will cheer you from afar, baby."

"You are my best memory, Rik."

"If only I could be more than a memory of yours."

I laughed the pain away.

If only...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro