Chapter 4
Chapter 4: Jeepney
P.E na ang next subject kaya dumiretso na ako sa locker room para kunin ang P.E uniform ko. It was a pair of white tee and navy blue jogging pants. Nagpalit na rin ako ng rubber shoes. Kinuha ko rin ang scrunchie ko.
I was all set when a group of girls blocked my way. Nagulat pa ako dahil pareparehong nakataas ang kanilang mga bagong ahit na kilay.
Damn. These girls must be Ulrichians.
"Miss Chavez..." said the blonde girl. She was taller than me and the tallest among their group. Her lips formed a smirk as she moved closer to me. "How are you?"
Is this trouble? Epal naman e. Hindi pa nga ako naka-move on sa kahihiyan ko kanina tapos ito pa.
"Ako nga. Bakit?" tanong ko.
Nasaan na ba si Cams? Wala akong resbak!
"I see..." One of the bitchy girls said. Nilapitan niya rin ako. "Maganda ang buhok mo pero mukhang mas maganda kung wala kang buhok."
I rolled my eyes. "Really? Dito pa?"
Sila ang malalagot 'pag gumawala ng gulo.
"Ang tapang mo ah?" Tinulak ako ng isa sa kanila.
Malamya ang pagkakatulak niya kaya hindi man lang ako napaatras. Mas malakas pa nga ang batok ni Camila. Nasaan ba kasi ang bruhang 'yon?
"Hey. Chill..." Pinigilan ni Blonde Girl ang kasama niya. "Matapang siya kasi nasa loob tayo ng campus. So... don't worry, Miss Chavez. Hindi rito..."
"Okay. Cool..." I nodded.
"We hate you enough for attacking Ulrich, so please do us all a favor..." Lumapit na nang tuluyan sa akin si Blonde Girl. Bumulong siya. "Leave My President alone."
Your President?
"Don't worry, Miss—"
"Amanda," she cut me off.
I mentally smirked. Kilala nila ako tapos hindi ko sila kilala. Is this what fame feels like?
"Wala akong planong agawin ang president MO, Miss Amanda," sabi ko at totoo 'yon. "It was a joke. Nakalimutan na rin ng lahat 'yon kaya mas mabuting kalimutan mo na rin."
"Pero sinadya mong bastusin si Ulrich para mapansin ka, hindi ba?"
Oh. She must have seen that Tiktok video.
"What's the commotion about?" Dumating si Vice President Hailey.
"Wala naman, Vice." Inakbayan ako ni Amanda. Naramdaman kong hinaplos niya pa ang balikat ko. "Kinakausap lang namin si Rizaline Chavez."
I sniffed. May naaamoy akong mabaho.
Hailey looked at me. "Is that true?"
I nodded.
"I have to go." Pabagsak kong inalis ang pagkakaakbay sa akin ni Amanda. "May next subject na ako. Nice to meet you, Amanda. Don't worry. He is all yours."
Yumuko ako kay Vice President bago umalis. Dumiretso ako sa CR kung saan naabutan kong naglalagay ng lip tint si Cams. Nakabihis na ito sa P.E uniform.
"Oh, Riza!"
Pabagsak na pinatong ko sa lababo ang bag ko.
"Ang baho ng kilikili niya!" reklamo ko. Mabilis kong kinuha ang alcohol sa bag at nagpunas sa kamay. "Ang baho. Ang baho. Ang bahoooo!"
Nawe-weirduhan na sa akin si Cams.
"Saan ka galing?" tanong niya.
"Nag-review sa paligid." Kinuha ko na ang P,E uniform ko at saka pumasok sa isang cubicle. "Alam mo bang muntik na akong awayin ng mga Ulrichians?"
"Oh? Anyare?"
Naghubad na ako at nagpalit. Pagkalabas ko ay tapos nang mag-ayos si Cams. Hawak na niya ang pabango ko. Mas gusto niya ang amoy no'n.
"Wala naman. Buti na lang dumating si Vice Hailey." Yumuko ako para ipunin sa kamay ko ang buhok ko at saka ko nilagay ang scrunchi. Sinuklay ko na lang ang ilang hibla.
Naglagay na rin ako ng lip tint sa labi. Napaubo ako nang i-spray bigla ni Cams sa mukha ko ang pabango.
"Impakta!" singhal ko at inagaw sa kanya ang pabango ko.
"Tanga! Issue ngayon pati ang pink na backpack mo!" sigaw niya.
Natigilan ako sa pag-spray ng pabango. Huh? Huwag mong sabihin na kalat agad na binuhat ni Ulrich ang backpack ko nang walang pahintulot. At... ako na naman ang masama?
Bakit hindi na-issue na inutusan niya? Na good girl ako for once?
"Ewan. I don't care anymore," irita kong sabi.
"Sus. Help naman dito!" Binigay sa akin ni Cams ang rubber saka siya tumalikod sa akin. Hinila ko ang laylayan ng tee niya para itali ito. Mas kita ngayon ang curve ng katawan niya.
Dumiretso na rin kami sa gym. Nilagay namin ang mga backpacks sa bleachers. Sinigurado ko ring naka-don't disturb mode ang phone ko bago ito iniwan sa bag ko.
Nag-check lang naman ng attendance si Sir Manalo tapos ay umalis din agad. Pero hindi ibig sabihin no'n na tapos na ang klase. Kailangan naming mag practice ng folk dance.
Naghati-hati kami sa mga grupo. Hindi ko kagrupo si Cams. She's the leader of their group. Good luck na lang sa kanila.
Binasuan Folk Dance ang napili namin. At dahil practice pa lang, imbes na baso ay bote ng mineral water muna ang ginamit namin. Pinatong namin ito sa ulo at binalanse habang sumasayaw. Akala ko ay easy lang pero hindi rin pala.
"Huwag hahawakan!" sigaw ni Roddie, leader namin.
"Hala. Nahulog 'yung akin, Leader!" sumbong ng isa naming ka-grupo.
"Ano? Ako pa kukuha para sa 'yo?"
"Sabi mo huwag hahawakan—"
"Pota naman. Kapag nasa ulo!"
"Ahhh! Okayyy!"
"Itali na lang natin kaya? Para hindi mahulog?" request pa ng isa.
Napahilot sa sintido si Roddie. Stressed na ito. Buti na lang at hindi ako leader. I mean... wala rin naman gustong maging leader ako. Unless gusto nilang bumagsak.
"Bawal! Balancing nga 'to, 'di ba? Ano pa ang sense kung itatali?" pag-epal ko kasi alam ko 'yon.
Roddie gave me thumbs up.
Ngumiti lang ako.
We had a short break. Umupo ako sa bleachers para hilutin ang mga paa. Napangiwi ako sa dumi ng mga talampakan ko. Binaba ko na lang 'yon saka ako sumandal.
My groupmates are discussing the materials we need for the dance. Nakikinig lang ako sa kanila at minsan ay matatawa na lang dahil sa kalokohan.
"We need to provide glasses. Iisa na lang para pare-pareho!" sabi ni Roddie.
"Kailangan talaga babasagin, Roddie. Hindi pwedeng cup noodles?" tanong ng isa sa mga kaklase namin.
Nagtawanan sila.
"Bakit? Baka mabasag kapag nahulog e!"
Bumaling ako sa grupo nila Cams. Tinikling naman ang sa kanila. Nakapamaywang lang ang kaibigan ko habang pinapanuod ang mga kasama niya. Paano ba naman kasi laging napapatid. Siya pa talaga ang leader.
After a short break, nagbalik na kami sa practice. Nasa gitna kami ng pagpa-practice nang makita ko si Chester kasama ang iba pang mga lalaki. Mukhang magba-basketball sila.
Napakamot sa ulo si Chester nang makitang ginagamit pa namin ang gym. Dumiretso muna sila ng mga kasama niya sa bleachers at umupo roon.
Mukhang hihintayin nilang matapos ang practice namin a.
"Arayyy!" Napangiwi ako nang tumama sa akin ang kamay ng isa sa mga kaklase ko. Nahulog tuloy ang bote na nasa ulo ko at gumulong.
"Sorry. Hindi ka kasi kumikilos!"
"Nag-sorry ka tapos sisisihin mo rin pala ako?" Inikutan ko siya ng mga mata.
Payuko na sana ako nang mapagtanto na narito si Chester. Baka nakatingin siya sa akin. Tumikhim ako. Hinawakan ko ang dibdib ko bago dahan-dahan na yumuko at kinuha ang bote.
I stood up straight after. Kunwari ay dinaanan ko lang ng tingin si Chester para hindi halatang siya talaga ang titingnan ko. Nakatingin lang siya sa phone niya. Geez.
"Leader. From the top ba?"
"Ha? Ah— oo!"
Napatingin ako sa grupo nila Cams dahil bigla silang umingay. Naghahampasan na sila ng mga kawayan.
"Riza!" Pumunta sa akin si Cams. "Nakakainis mga ka-group ko!"
Tumawa ako dahil sobrang gulo nga nila.
"Ayoko na! I quit na!" tila maiiyak na si Cams.
Padabog siyang naglakad at umupo sa bleacher. Nakasimangot siya habang pinanunuod ang mga kagrupo niya. Nagtatakbuhan na at naghahabulan ng mga kawayan.
"Isa pa 'yang si Carlito!" turo niya sa isang lalaking nakaupo lang din sa bleacher. "Naglalaro lang. Nakaka-stress. Pwede ba akong sumama na lang sa inyo?"
Kumamot ako sa batok. "Hindi ko alam e. Ikaw kaya ang leader ng group niyo. Iiwan mo sila?"
"Ba't kasi ako pa? Ayoko ngang maging leader!"
"Ask Sir Manalo. Isumbong mo sila."
Pinatong ko muna sa bleacher ang bote ko. Iniwan ko siya sandali saka ko nilapitan ang bag ko. Kumuha ako roon ng towel at nagpunas ng katawan.
Bumaling ako sa grupo nila Chester. Tutok pa rin siya sa cell phone. Lumiko ang tingin ko sa lalaking nagd-dribble ng bola. Wala itong damit pang-itaas. Siya 'yung naka dirty finger. 'Yung moreno na medyo matapang ang dating.
Binalikan ko na lang si Cams. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang iniinom niya ang tubig ng bote ko. Ginamit ko 'yon sa practice at ilang beses nang gumulong sa sahig!
"I'm stressed na talaga, Rizzie," ani Cams nang halos maubos na ang tubig.
I bit my lower lip. Hindi ko na lang sinabi.
I sat beside her. Naabutan kong palabas na ng gym sina Chester. Mukhang nainip na sila kahihintay na matapos kami. Napabuga na lang ako ng hangin.
"May laro pala bukas sina Chester," sabi ni Cams.
"Oh?" Kunwari ay hindi ako interesado.
"Yes. Manunuod kami ni Jessie."
Tomorrow is Saturday, walang pasok. Ang balak ko ay mag-review buong weekends. As in todong review, overtime pa dahil balak kong isagad ng overnight. Sa Monday na kasi ang exam ko.
"Okay..." sabi ko na lang.
"Ano? Sama ka?"
No.
"Ewan ko..." sabi ko na lang.
Dumating na si Sir Manalo. Nagsumbong si Camila. Napagalitan ang mga ka-group niya. Nakita ko ang tuwa sa mukha ng kaibigan ko habang pinapanuod na masermonan ang mga kasama niya.
"Eh, Sir. Hindi rin kasi alam ni Camila 'yung gagawin e," reklamo ni Carlito.
"Hoy! Paano naglalaro ka sa phone mo!" sumbat naman ni Cams.
"Stop!" awat ni Sir Manalo. "Basta kapag hindi kayo nakasayaw ay sasayaw rin pababa ang mga grades niyo. Para kayong mga bata na hindi magkasundo. Miss Torres, your group's performance is in your hands."
"Yes, Sir."
Ang grupo lang naman nina Cams ang may problema. The rest are doing good so far. Pagkatapos no'n ay may dalawa pang subject bago tuluyang natapos ang araw.
"Riza. Practice tayo," biglang sabi ni Roddie nung palabas na ako ng room.
"Huh? Hapon na—"
"Mag-practice tayo sa gym." Saka na niya ako nilagpasan at nauna nang lumabas.
Napabuga ako ng hangin. Bumaling ako kay Cams.
"Mag practice din kayo, please..." pakiusap ko sa kanya.
"Huh? Bukas kami ng umaga. Saturday naman bukas e."
Napakamot na lang ako sa batok. Sa huli ay wala rin akong nagawa. Nauna nang umalis si Cams. Ako naman ay dumiretso sa gym pero wala roon ang mga kasama ko.
May naglalaro ng basketball.
Bumagsak ang tingin ko sa bolang gumulong sa mga binti ko.
"Pakisipa!"
Umangat ang tingin ko kay moreno guy. Nagtaas siya ng mga kilay nung hindi ko sinipa ang bola. Saka ko lang napansin na marami-rami rin palang nanunuod at halos nakatingin silang lahat sa akin.
I kicked the ball. Imbes na diresto papasok ng court ay nasipa ko ito sa ibang direksyon. Pumasok ang bola sa ilalim ng mga bleachers at mas lalong napunta sa dulo.
Yumuko ako at mabilis na umalis.
Pulang-pula ang mukha ko hanggang sa makapunta sa likod ng gym kung saan ko naabutan ang mga kasama ko. Mukhang dito silang pumwesto dahil ginagamit ang gym.
"Ibaba mo na ang bag mo, Miss Chavez!" sigaw ni Roddie.
Nag-umpisa na kaming mag-practice. Nakalimutan ko na rin ang kahihiyan na ginawa ko sa pagsipa sa bola. Ang tanga naman kasi ng bola!
Alas-sais na rin nung matapos kami. Pawis na pawis ako kaya pumunta muna ako sa CR. Nagpunas ako ng towel at naghilamos. Binilisan ko lang dahil madilim na rin.
Madilim na nung palabas ako ng campus. Pumunta ako agad sa sakayan ng jeep. Nilagay ko sa harapan ko ang bag dahil masyadong maraming tao. Oras na kasi ng uwian. Biyernes pa pala ngayon. Hindi lang mga estudyante, maging ang mga nagtatrabo.
Hirap na hirap ako sa pagsakay dahil unahan. May iba ngang umaandar pa ang jeep ay sumasakay na agad. Hindi ko 'yon kaya. Ginawa ko na minsan pero nadapa ako.
Naghintay na lang ako sa waiting shed. Hinayaan ko munang kumonti ang mga tao. Marami pa namang jeep na darating e. 'Yun nga lang ay mas matatagalan pag-uwi ko.
I let out a sigh. Ayokong ilabas ang cell phone ko dahil baka biglang mahablot.
May isang lalaki ang tumabi sa akin sa waiting shed. Malawak pa naman sa gilid niya pero todo gitgit siya sa akin. Napasinghap ako nang maramdaman na tumama sa braso ko ang kanyang kamay.
Gumilid pa ako pero siniksik niya pa rin ako.
Hanggang sa may biglang pumagitna sa aming dalawa ng lalaking sumisiksik sa akin. Hindi ako nahirapang kilalanin siya dahil sa pabango pa lang nito.
"Excuse me, Sir. Pwede pong pausog nang konti?" magaling na pakiusap ni Ulrich sa lalaking gumigitgit sa akin.
Nakita kong nainis ang lalaki pero wala rin siyang nagawa.
"Thank you po," ani Ulrich.
Tumuwid na lang ang tingin ko sa kalsada. Pinanuod ko ang mga dumadaan na sasakyan, ang tuluyang pagdilim ng langit at unti-unting pagkonti ng mga tao.
Biglang bumalik ang mga pangyayari kanina. Nakaramdam ako uli ng hiya. Ano ba kasing ginagawa niya rito? As far as I know, may sasakyan siya.
"Why are you still here?" Ulrich suddenly asked.
Napatingin ako sa kanya. Pinansin ko ang paligid. Kami lang naman ang nandito. Imposible namang ang lalaking isa ang kinakausap niya.
"Ako po ba?" turo ko pa sa sarili.
"Tumambay ka pa ba sa loob ng campus?" Tiningnan niya ako. Agad kong nahalata na medyo iritado ang kanyang mukha.
"Ah..." Napakapa ako ng sagot. Tumikhim ako bago umiwas ng tingin at sumagot. "Hindi naman po. Nag-practice kasi kami ng folk dance."
Hindi na rin siya nagsalita matapos no'n.
Kinapa ko ang wallet ko sa bulsa. Balak kong bayaran si Ulrich sa kanyang fruit shake nang biglang may bumusinang jeep sa harapan namin.
"Dalawa pa!" sigaw ng driver.
I cleared my throat. Bahagya akong humarap kay Ulrich.
"Mauna na po ako, Mr. President," paalam ko.
Hindi ko na siyang hinintay na sumagot. Patakbo akong sumakay ng jeep. Hindi na ako bumaling pabalik. Nakaupo na ako nang makitang pasakay rin ng jeep si Ulrich at kinuha niya ang huling vacant seat.
"Wala na po. Sa susunod na lang po kayo!" sabi nung driver sa lalaking pasakay pa sana. Siya 'yung lalaking gumitgit sa akin sa waiting shed.
Umandar na ang jeep. Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko. Balak ko sanang magbayad para sa aming dalawa pero mukhang naunahan na niya ako.
"Dalawa po..." Nag-abot si Ulrich ng pera.
"Wala ka bang barya, boy?" tanong nung driver.
Kumunot ang noo ni Ulrich. Binuksan niya uli ang wallet niya. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Mukhang wala siyang barya.
"Bente pesos lang, boy. Wala akong barya sa isang libo."
Binalik kay Ulrich ang isang libo niya. Mukhang pinagsakluban naman siya ng langit at lupa. Halatang nahiya pa siya dahil nakatingin sa kanya halos ang lahat.
"Ako na. Dalawa po, Manong," saka ako nag-abot ng bente pesos.
Ramdam kong nakatingin lang sa akin si Ulrich.
Sumandal na lang ako at pinikit ang mga mata. Tahimik ang lahat. Malakas ang remix love song na tugtog ni Manong Driver. Hanggang sa biglang tumigil ang sasakyan. May narinig akong pagsabog.
"Tangina! Na-flat pa!"
Sabay-sabay na dumaing ang mga pasahero ng dyip. Maging ako ay napadaing dahil malayo pa ako sa bahay. Nanlalagkit na rin ang pakiramdam ko at higit sa lahat ay gutom na!
"Bumaba muna po tayo. Pasensya na..." sabi nung driver.
Wala kaming nagawa kung hindi ang bumaba. Tumabi kami sa kalsada. Tinulak nila ang jeep papunta sa gilid. Medyo nagulat pa nga ako dahil tumulong si Ulrich sa pagtutulak. Siya lang ang tanging lalaking naka-school uniform pa ang tumulong.
"Swerte naman nung jeep..." dinig kong bulong nung babaeng katabi ko. Estudyante rin ito pero sa ibang school nga lang. Obvious naman na si Ulrich ang tinutukoy niya.
I let out a sigh. Ang malas naman!
May balat yata sa puwit si Ulrich e.
"Flat..." Napatingin ako kay Ulrich na tumabi sa akin.
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Po?" tanong ko.
"Sabi ko paano ba 'yan na-flat PO ang sasakyan natin," aniya. "Matatagalan pa yata bago maayos."
Napangiwi ako. Ano naman? Hindi ko naman 'yon kasalanan.
Ulrich yawned. "Dapat pala sasakyan ko na lang ginamit natin."
"Huh? Akala ko wala kang sasakyan kaya ka sumakay rin?"
Tumawa siya. "Nah. I just took last seat. Baka sundan ka nung lalaki e. Medyo bastos kasi."
"Ah..."
Mabuti na lang dahil gabi at hindi pansin ang namumula kong mukha. So... wala talaga siyang balak na mag commute. Kinuha niya lang talaga ang last seat para hindi makaupo 'yung lalaki.
"Ay..." Kinuha ko uli ang wallet ko. "Sorry nga pala. Pera mo po pala ang nagamit ko sa pagbili ng fruit shake ko. I forgot to pay. Babayaran ko na lang po ngayon."
"Huwag na. Libre talaga 'yon. Kulang naman talaga 'yung sukli e. Mukhang nagkamali lang sa pag-calculate 'yung nagbebenta."
"Magkano po ang kulang?"
"Just drop the 'po', and we are good."
Natikom ang bibig ko.
"Okay..." sabi ko na lang.
May isang sasakyan ang huminto sa harapan namin. Bumaba ang bintana no'n. Nakangiti sa amin si Chester. Malakas ang tugtog sa loob ng sasakyan niya.
"Date ba 'yan?" biro niya sa amin.
Mabilis na umiling ako.
Sumakay sa loob si Ulrich habang ako ay nanatili sa labas.
"Sakay na, Riza," aya pa ni Chester.
"Huh? Hindi na. Hihintayin ko na lang matapos 'yung gulong," pagtanggi ko.
"Bukas pa 'yan matatapos. Sakay na!" pagpupumilit pa niya.
Sa huli ay wala rin akong nagawa. Sumakay ako sa backseat. Si Ulrich ang nasa harapan.
Niyakap ko ang bag ko. Bigla akong nanlamig.
"Wala ka bang gas, Rik?" tanong ni Chester. Nag-umpisa na siyang magmaneho. "Kawawa naman si Miss Chavez. Pinag-commute mo pa talaga."
"Gago. Kung alam ko lang maf-flat ang sasakyan na 'yon, hinila ko pa siya sa sasakyan ko," pabalang na sagot ni Ulrich.
Humagalpak ng tawa si Chester.
"Ayos ka lang ba d'yan, Riza?' tanong ni Chester.
"Ah. Oo. Salamat..."
"Ilang taon ka na pala, Ches?" biglang tanong ni Ulrich.
"Huh?" Naguluhan si Chester.
"Ah. 23 or 22. Ako 19, turning 20..." sabi pa ni Ulrich.
"Pinagsasabi mo, Rik?"
"Wala. Mas matanda ka sa akin..."
"Ano ngayon?"
Napasinghap ako nang magsalubong ang mga mata namin ni Ulrich sa rearview mirror. Mabilis naman na umiwas ako ng tingin. Tinuon ko na lang ang tingin sa labas ng sasakyan.
"Nah. Just saying..."
That was the longest trip I've ever experienced. Kahit na ilang minuto lang ay parang sobrang tagal. Siguro dahil bawat segundo ay binibilang ko. Ang awkward kasi at gustong-gusto ko nang bumaba ng sasakyan.
"Dito na lang..." sabi ko.
"Okay..." Tinabi na ni Chester ang sasakyan.
Agad kong binuksan ang pinto.
"Salamat, Chester..." Bumaling ako kay Ulrich. "Salamat po, Mr. President."
"Po?" Humagalpak ng tawa si Chester. "Uy, Rik. Salamat po raw sabi ni Riza!"
Hindi na kumibo si Ulrich.
Halos patakbo akong pumasok ng gate namin. Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan nila bago ako pumasok sa bahay. Wala si Ate Sarah sa sala kaya malamang na nasa kusina siya at nagluluto.
"Andito na ako, Ate!"
Pumasok muna ako sa kwarto para magpalit ng damit. Mamaya na lang ako pagkatapos kumain maliligo. Para fresh ako habang nagre-review.
Umilaw ang cell phone kong nakapatong sa kama. Kinuha ko 'yon at binuksan ang message.
From Mr. President:
"Bayaran mo PO ang fruit shake at kulang sa pera ko."
Kumunot ang noo ko. Akala ko ba huwag na?
My Messenger's head popped out.
From Chester:
"Nuod ka laro bukas, please."
I bit my bottom lip.
"Sige. Try ko hehe," reply ko.
Narinig kong tinawag na ako ni Ate Sarah. Kain na raw kami.
Chester replied back, "He's fucking older than you. Bakit walang 'po'? Rude af."
My jaw dropped.
That was Ulrich.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro