Chapter 39
Chapter 39: New Chapter
"Congratulations!"
We all threw our academic caps in the air. I looked up at them with tears in my eyes. They reminded me of stars, though they don't shine, they symbolized hope and dreams.
I made it.
Napapikit ako nung bigla akong yakapin ni Ate Sarah. Napangiti ako nung maramdaman na nginginig ang kanyang katawan habang umiiyak.
"I'm so happy..." Hinarap niya ako. "I am so proud of you. Alam kong gano'n din si Mama. I love you, baby sis. Congratulations!"
"This is also for you. Salamat, Ate. Salamat sa lahat ng sakripisyo. Mahal na mahal kita."
Niyakap niya ako ulit. Someone took a picture of us. Nakangiti sa amin si PJ. Pagkatapos ay tumango siya para kunan ng picture ang iba pa.
"Rizzieee!"
Napatingin ako kay Camila na tumatakbo papunta sa akin. Agad niya akong niyakap nang mahigpit. Saka siya humagulgol.
"Congrats, Camila," bati ni Ate Sarah.
"Thank you, Ate Ganda!" She faced me. "Bakasyon na natin!"
Natawa ako. Akala ko pa naman naiyak siya dahil naka-graduate na kami. Naiyak pala ang gaga dahil sa wakas ay summer na.
"Babe. Riza. Pose, please?" PJ asked us.
Napasinghap ako nung biglang sumakay sa likod ko si Camila. Napalakas ang tawa ko nung halikan pa niya ako sa leeg.
"Sali!" Si Jess.
"Hoy. Buhat!" Cams giggled.
Jessie made it look so easy when he carried us two. Sumakay sa likod niya si Cams habang ako naman ay buhat niya na pang bridal style.
"Miss Top Ten!" Imbes na lapitan kami ni Art ay kay Ate Sarah agad siya pumunta. "Andyan ka pala, Ate Sarah. Nag-enjoy ka ba?"
"Art!" Hinatak ni PJ si Arthur. "Nasaan sila?"
"Congrats, guys!" bati sa amin ni Chester. "Congrats, Riza."
"T-thank you. Picture tayo?" yaya ko sa kanya.
"Hoy kuya mo 'yan, Riza!" Humalakhak si Art.
"Pwede naman ah?" Umirap si Cams bago tinulak si PJ para kunan kami ni Chester ng picture. "Sige na. Picture kayo!"
"Sali!" Dumating bigla si Amanda. Gumitna siya sa amin ni Chester.
Camila frowned. She blocked the lens of the camera. Pabiro siyang tinulak ni PJ. Sumimangot naman siya saka umirap.
"Ate Sarah. Sali ka!" suhestyon pa ni Amanda.
"Hoy isang shot lang kasama ka!" sigaw ni Cams.
"Sa 'yo ba cam 'yan?" pagtataray rin ni Amanda.
Umawang ang mga labi ni Cams, pero agad ding natikom nung hindi niya napagtanto kung paano ididiin kung bakit susundin siya ni PJ kung sakali.
"It's fine, babe." PJ chuckled. Inakbayan niya si Cams saka hinalikan sa buhok.
I mentally rolled my eyes.
Sumama din sa picture namin si Ate Sarah. Pagkatapos ay nagpaalam siyang mauuna na sa sasakyan. Pinahiram kami ni Mr. Megardon ng isa sa mga sasakyan nila. Syempre, may driver.
"Arthur." Sa isang banda ay nakita kong nilapitan ni Jessie si Art. "Picture tayo?"
"Sige ba!"
Inakbayan ni Art si Jessie saka sila nag-picture. Nanlaki ang mga mata ko nung umakto pang hahalik si Art sa pisngi ni Jess. Tinulak naman siya agad ng kaibigan ko.
Oh, my God. Pumula ang pisngi ko kahit na hindi naman ako ang tinangkang halikan ni Arthur. Gago talaga 'to.
"Miss Chavez." Napatingin ako kay Miss Hailey. Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Congratulations!"
"Thank you po. Congrats din sa mga awards mo."
"Sana all may speech!" sigaw ni Cams.
Tumawa si Miss Hailey. "Anyway, I've heard from Ulrich that you are going to take a business-related degree. Pareho tayo. Hopefully, maging kaklase kita. Nakita ko kasi kung paano tumaas ang academic performances mo. You have a good shot."
"Thank you. Sana nga..."
I am now aiming not just for passing grades and just to graduate. Gusto kong umangat din ako. Hindi ako umaasang mangunguna ako, pero gusto kong humabol. I will try.
"Sige. Mauna na ako. Enjoy your vacation guys. Congratulations!" Miss Hailey finally waved her goodbye.
"Amanda." Raechelle approached her. "Congratulations."
Amanda ignored her. Nakangiting tumango lang si Raechelle saka na rin umalis. Sinundan naman siya ng tingin ni Amanda. Nakita kong nangilid ang mga luha sa mata niya. I can say that Raechelle really tried to be friend her. Gano'n din naman si Amanda. Mataas lang talaga ang pride ng babaeng 'to.
"Picture tayo!" Nagulantang ako nung akbayan ako ni Ulrich. "PJ. Tama na muna 'yang harutan niyo ni Cams! Kami naman!"
Umangat ang mga kilay ni Camila saka siya ngumisi.
"Sure!" Tinutok ni PJ ang camera sa amin ni Ulrich. "Closer. Para naman kayong tuod. Rizzie. Kapit ka naman sa bewang ni Rik!"
"Sama ako!" dumating din si Roland.
"Kami muna ni Riza!" tulak ni Ulrich sa kanya.
"Ayos na! Lowbat na ang cam ko!" reklamo rin ni PJ.
"Really? Wala kang extra battery na dala?" Tinaasan ko rin siya ng mga kilay.
"A-ah. Meron naman. Sige. Take your time." He gave us his nervous laugh.
Napaismid na lang ako.
"Easy, Riza. You are scaring him," Ulrich whispered with a chuckle.
"Iba namang pose!" PJ suggested after taking two shots.
Biglang umupo si Ulrich sa harapan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang gusto niyang mangyari.
"N-no. Ulrich. Ayoko." I stepped back.
"Arte pa!" sigaw ni Art.
I glared at him. "Epal ka na naman. Palibhasa busy na si Jessie mo sa mga fangirls niya!"
Oh, shit!
Napaiwas ng tingin si Art. Pumula ang pisngi nito.
Napatakip naman sa bibig ni Cams na halatang nagpipigil ng tawa.
Naka-shorts naman ako kaya pumayag na rin akong sumakay sa balikat ni Ulrich. Hinawakan niya ang mga binti ko. Saka ko tinaas ang mga kamay ko. I thought it would feel awkward, but it felt good. Nakulangan pa nga ako.
"Gano'n din tayo!" Niyugyog ni Cams ang mga balikat ni PJ.
"Sige, babe. Rik, ikaw naman kumuha."
"Ako na!" Inagaw ko sa kanya ang camera.
"Ayusin mo, Riza!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Cams.
I took a picture of them. Nakasimangot ako kasi sobrang bagay nila sa isa't isa. Tapos ang gwapo talaga ng moreno na fuckboy na 'to.
Pagkatapos no'n ay binalik ko na ulit ang camera ni PJ. Hinila ko muna si Cams sa para maupo. Nakakangawit kasi 'yung heels ko kahit naman hindi mataas.
Sumandal si Camila sa balikat ko. "Excited na ako sa summer, Riza."
I sniffed. I don't like hearing summer anymore. It brings me feelings that I can't explain. I am excited but bothered at the same time.
Nakita kong nilapitan ni Ulrich si Amanda. Nagulat pa nga si Amand, eh. He asked her for a picture together. Nakita kong napatalon sa tuwa si Amanda.
"Alam mo, Riza? Gusto ko sanang maaawa kay Amanda bruhilda, pero hindi ko magawa sa tuwing iniisip ko mga ginawa niya sa 'yo. Biruin mo kasi. 'Iyong nag-iisang lalaking kinababaliwan niya, may mahal na iba."
"Cams..." Sumikip ang paghinga ko.
"Tragic," Camila chuckled.
Kumunot ang noo ko nang magpulong-pulong ang mga lalaki. Humalakhak si Arthur. Si Chester naman at Ulrich ay nagkatinginan, habang si Roland ay nakangiti lang. May sinabi kasi si PJ dahilan para magkagulo sila.
"Riza!"
"Babe!"
Sabay na tinawag kami nila PJ at Ulrich. Nagkatinginan silang dalawa. Sinamaan ng tingin ni Ulrich si PJ kaya tumango naman ito.
"Riza!" Ulrich called me.
"Bakit?" tanong ko.
"Take us a picture!"
Okay?
Tumayo na ako para lapitan sila. Inabot sa 'kin ni Ulrich ang camera ni PJ. Tinanggap ko naman 'yon. Pumunta sa gitna ang limang lalaki.
Napaiwas ako ng tingin nung sabay-sabay silang naghubad ng mga damit. Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ko ang dugo.
What the fuck?
Nakarinig ako ng mga sigawan. The next thing I knew, pinalilibutan na kami ng mga natirang estudyante na gaya naming na-graduate din.
"Come on!" Ulrich chuckled.
"Ako na!" Inagaw sa akin ni Cams ang camera.
Napatingin ako sa harapan. Sumimangot si Ulrich.
"Ako na nga!" Inagaw ko uli kay Cams ang camera. Nilakasan ko ang loob na tumingin sa limang lalaking nakahubad sa harapan ko.
Oh. They are going to recreate the picture Chester accidentally sent to me. I see.
Just like the original picture, Chester was smiling. Magkaakbay naman sina Roland at Art. Of course, duh? PJ was showing his middle finger. Sa bandang likod ay si Ulrich. Siya lang ang napansin kong nag-iba. Dapat ay seryoso lang siyang nakatingin sa camera, pero nakangiti siya ngayon habang nakatingin sa akin.
I smirked as I clicked the camera to capture the picture of five topless men.
"Ipahawak na kay Chesty 'yung cam!" ani PJ. "Si Chester naman talaga dapat ang may hawak sa original, eh!"
Binigay ko kay Chester ang camera at siya na ang kumuha ng mga pictures nila. Sa halip na sa camera ang tingin, nakatingin pa rin sa akin si Ulrich habang nakangiti.
I smiled back.
Thank you, Ulrich. Thank you for making my last year as a high school student remarkable. Thank you for making me feel this. I love you, baby. I am so proud of you.
Gaya ng napag-usapan, simpleng selebrasyon lang kami ni Ate Sarah. Kinagabihan ay nagtayo kami ng maliit na tent sa likod ng bahay saka rin kami gumawa ng bonfire. Nakaupo kami sa harapan ng apoy habang nag-iihaw ng marshmallow. Nakatukod ang baba ng mukha ko sa tuhod habang nakatingin sa baga.
Suminghap ako nung umihip ang malamig na hangin.
"Aalis ka na bukas, Ate Sarah..." bulong ko.
"Titira ka na rin sa tunay mong ama." Tumawa si Ate Sarah.
Napasimangot ako. Naiiyak na ako.
"Here..." Umupo sa tabi ko si ate saka ako inabutan ng isang stick ng marshmallow. "Careful. Mainit pa 'yan."
I took a small bite. Dahan-dahan ko 'yong tinunaw sa bibig ko habang nakatitig pa rin ako sa mga kahoy na lumalagablab.
"Basta. Maging masaya ka lang, Ate Sarah ah?" Tumingin ako sa kanya, pigil na pigil sa mga luha. "Gusto ko lang na sumaya ka."
"Of course..." Hinipan niya ang isang marshmallow saka pinakain sa akin. "You, too. Be happy, okay? It will be hard, I know. Don't tire yourself out. Learn to rest. Learn to take care of yourself. Learn to put yourself first."
"I will..."
She smiled at me. "Alam kong lagi ka ring babantayan ni Ulrich."
Natawa ako. "Ano 'yon, Ate Sarah? Boyfriend? We are just friends."
"Huh? What happened?"
This is it. I'm sorry, Ulrich.
"N-nakita ko kasi kayo ni Mr. Delgado..." Pumait ang boses ko. "Nauna mo nang sinabi sa akin na ginipit ka ni Tita Marinelle kaya kumapit ka sa patalim. Naiintindihan ko naman, Ate Sarah."
Napaiwas siya ng tingin. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Our relationship has been vague since that day. Gusto kong palinawin uli ito ngayong gabi.
"You used him, right? Pero hindi mo inakalang mahuhulog—"
"I have no feelings for him," she cut me off. "He just helped me pay half of my debts. That's it."
If that's true, then why can't you look me in my eyes?
"Iyon ang rason kaya sinabi ko sa 'yong nililigawan ako ni Ulrich. We pretended that we have a thing just to..." Tumulo na ang mga luha ko. "Pero... alam ko na ngayon, ate. Alam ko na... na sa kanya ka talaga sasaya. Hindi ko na kayo pipigilan ngayon."
"Riza... please?" Bumaling siya sa akin. Namuo na rin ang mga luha sa kanyang mata.
"But, promise me first..." Hinawi ko ang mga luha sa mata ko. "Hintayin niyo munang mag-divorce sila ng asawa niya. You can love him without hurting someone else. Just that, Ate Sarah."
Napapikit ako nung yakapin ako ni Ate Sarah. Humagulgol siya at paulit-ulit na humingi ng paumanhin sa 'kin.
She really fell in love with him.
"H-huwag mo na akong iisipin, Ate Sarah ah?" Hinarap ko si ate saka pinunasan ang mga luha niya. "Kung sa kanya ka talaga sasaya, okay na ako. Sasaya na rin ako para sa 'yo."
When I gave Ate Sarah my consent to love Mr. Delgado freely, I have completely let go of my chance to be with Ulrich.
We spent the whole night stargazing and talking about a lot of things. Ang dami naming napag-usapan. Nagbalik-tanaw kami sa nakaraan at nag-usap din tungkol sa hinaharap.
Natulog kami sa loob ng tent. Si Ate Sarah lang pala dahil ako ay magdamag siyang tinitigan. Nakatulog na lang ako nung pasikat na ang araw.
Tinulungan kami ni Chester na ilabas ang mga bagahe namin mula sa loob ng bahay. May dalawang sasakyan na nakaparada sa labas. Isa papunta sa bahay ng mga Megardon at isa naman papunta sa bahay ni Ate Sarah.
My sister held my hand. Hinarap niya ako.
"You have my address, right?" Hinaplos niya ang kamay ko. "Kung gusto mo akong puntahan, huwag kang magdalawang-isip. May contact number mo rin ako. Don't hesitate to call me."
"Oo, Ate Sarah. Mag-iingat ka roon ah? Huwag mong abusuhin ang sarili mo sa pagtuturo. Huwag kang pa-stress sa mga estudyante mo."
She laughed. "Oo naman. Ikaw rin ah? Mahal na mahal kita."
"I will miss you, Ate Sarah."
"I love you, baby sis. I am proud of you, always." Nilapit niya ang mukha sa akin saka ako hinalikan sa magkabilang pisngi at noo. "Mauuna na ako ah? Ingat kayo sa biyahe."
Mabilis na yumakap ako sa kanya. Sabi ko 'di ako iiyak, pero naluha pa rin ako. Nasanay na ako na lagi siyang kasama. Ngayon ay kailangan kong mabuhay nang hindi siya nakikita sa umaga.
Sobrang labo na ng mga mata ko habang nakatingin kay Ate Sarah na naglalakad papunta sa sasakyan. Bago siya tuluyang pumasok ay humarap siya sa akin saka nakangiting kumaway.
I waved back as I mouthed, "See you, Ate Sarah."
Pagkaalis ng sasakyan niya ay napahagulgol na ako. Niyakap naman ako ni Chester. Tumagal din nang ilang minuto ang pag-iyak ko.
"Tara na, Riza. They are all waiting for you..."
Tumango naman ako saka pinunasan ang mga luha. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang bahay namin.
I let out a sigh. This is it.
A new chapter for my life is waiting for me.
Pumasok na ako sa sasakyan ni Chester. Pinatong ko sa hita ko ang kulungan ni Silly. Habang nasa biyahe ay nagpapalitan pa rin kami ng text messages ni Ate Sarah.
Dumaan muna kami sa coffee shop para bumili ng kape. I was sipping on my drink while texting my sister. Natatawa na nga si Chester, eh.
Tumigil na lang ako sa pag-text kay Ate Sarah nung tumapat na ang sasakyan sa gate. Pinagbuksan kami ng guard. Dumaan kami sa driveway papunta sa main door.
Palingan-linga ako sa paligid. Nakapunta na ako rito dati, pero ngayon pa lang talaga nag-sink in sa akin na simula ngayon ay ito na ang tanawin na makikita ko.
This place was huge. Matatagalan bago ako masanay rito. But I know I will also cope eventually. I just need time.
"Mauna ka na sa loob," sabi ni Chester.
Tumango naman ako. Bitbit ang kulungan ni Silly, pinihit ko ang pinto saka pumasok sa loob. Napapikit ako nung may sumabog na confetti.
"Welcome home, Riza!" Tita Marinelle greeted me.
"Welcome home, Sissy!" Nilapitan ako ni Amanda. Inabutan niya ako ng bulaklak saka hinalikan sa pisngi. "Huwag kang mahihiya ah?"
"T-thank you..."
"Oh, you have a mouse," puna ni Tita Marinelle saka siya bumaling sa isang kasambahay. "Pakilagay na lang sa labas."
"No." Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kulungan ni Silly. "She will stay in my room. "
"Honey, baka marumihan ang kwarto mo," sabi pa ni Tita.
"Just let her, Mom. Alaga 'yan ni Riza!" Chester frowned.
"Iyan ba 'yung bigay ni Rik?" Nagtaas ng kilay si Amanda.
Dumiretso ang tingin ko kay Mr. Megardon na nakatingin lang sa akin habang nakangiti. Siya agad ang nilapitan ko.
"Hello po..." nahihiya kong bati. Binaba ko muna si ang kulungan.
"Welcome home, anak."
I hugged him, too. Sa kanya ko talaga naramdaman ang totoong pagtanggap na hindi ko maramdaman kina Tita Marinelle at Amanda. He looked genuinely happy that I am finally here.
"Marami akong pinaluto!" excited na sabi ni Tita Marinelle.
"Uhmm. Busog pa po kasi ako..." Saka ako bumaling kay Chester na may hawak sa bagahe. Yumuko ako para kunin uli si Silly. "Pwede muna ba akong magpahinga?"
"Sayang naman..." malungkot pang banggit ni Tita.
"Sure. Son..." Tumango si Mr. Megardon kay Chester.
"Dito, Riza. Andito ang kwarto mo," yaya sa akin ni Chester.
Yumuko ako sa kanila bago sumunod kay Chester. Nakita ko pa ang pag-irap ni Tita Marinelle at ang pagsimangot ni Amanda.
Umakyat kami sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Pagbukas niya ng isang pinto ay tumambad sa amin ang malawak na kwarto ko. May malaking kama sa gilid. May AC. May balkonahe rin.
"Kumpleto na rin pala ang mga gamit mo rito. May mga bago ka ring damit. Saka may shower room sa gilid," sabi pa ni Chester.
Pinatong ko sa side table si Silly. Saka ako pagod na umupo sa kama. Bumuntonghininga ako bago ginala ang tingin sa paligid.
Chester chuckled. "Masasanay ka rin."
Ngumiti lang ako.
"Anyway... gusto mo muna bang mapag-isa?" he asked.
"Please?"
He nodded. "Sure. Nasa labas lang ako. Kapag nagutom ka, tawagin mo ako. O kung gusto mo naman ay pumunta ka na lang sa kitchen. Feel free to do anything you want."
"Thank you..."
"Maiwan na muna kita."
Pagkalabas ni Chester ay tumayo ako para pumunta sa balkonahe. Malakas na hangin ang agad na sumalubong sa akin.
I tucked some strands of my hair behind my ear. Gumuhit ang isang ngiti sa labi ko.
Here, I don't have to worry about money. As long as I am here, I can do anything I want. Alam kong kapalit no'n ay kailangan ko silang pakisamahan. That's easy.
My phone vibrated.
Cams: We will have another celebration later. Sama ka? Please? Please?
Bumuga ako ng hangin.
Saka ako nakangiting nag-reply.
"Of course. My treat."
Bumalik na ako sa loob. Naghanap ako ng damit sa loob ng cabinet. Totoo nga ang sinabi ni Chester. Ang daming mga bagong damit. Halatang mamahalin pa.
As I said, I'm not really into expensive stuff. But a little change won't hurt. Saka... dapat lang na umayon ako ng ayos sa mga kasama ko.
I took a shower. Habang nakababad ako sa tubig ay sobrang daming umiikot sa isipan ko. Sobrang dami kong gustong gawin na hindi ko alam kung saan magsisimula.
But first of all... I need a car. My own car.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro