Chapter 38
Chapter 38: Favor
Though I don't think it will affect his general average at all, I still felt bad how low he fell. Ako ang nasasayangan sa mga consistent records niya na nasayang. Hindi lang naman ako ang nabahala roon. His sudden fell from charts ignited a tumult around the campus.
"What happened? " That's the question I've been hearing.
Ano ang nangyari kay Ulrich Damian Delgado? Paanong sa isang iglap ay bumagsak siya? Oo, bagsak 'yon para sa pamantayan niya.
While everyone was talking about it, Ulrich was nowhere to be found. Pumunta ako sa office niya. Wala ang bag niya kaya ibig sabihin ay hindi pa siya dumating. Hindi na naman ba siya papasok?
Is he with Victoria? Siya ba ang kasama niya nung mga panahong wala siya rito? Kaya hindi niya tinapos ang mga exams niya? Gusto ko mang magtanong sa mga kaibigin ni Ulrich pero minuti ko na lang na huwag na.
It's lunch break. Tuwang-tuwa si Camila na kasama ako sa top ten kaya nilibre niya ako. Kapag nga may babati sa 'kin ay siya pa ang magpapasalamat. It felt like it was her achievement rather than mine. She was prouder than me.
"Fruit shake mo, Rizzie." Nakangiting tinulak sa akin ni Cams ang fruit shake ko. Saka siya sumimsim sa kanya. "Gutom ka pa ba? Order ka pa!"
"Busog na ako." I took my shake and had a sip. Mahina pa akong napadighay dahil sa sobrang dami na nakain ko. "Salamat sa paglibre. Sa susunod ulit ah?"
She giggled. "May speech ka ba sa graduation?"
"Huh?" I blinked twice.
"I mean..." Tumuwid siya ng upo. Inayos niya ang kanyang bangs. "Kasama ka sa top ten. Hindi ba may speech ka niyan sa graduation? Baka naman pwede mo akong banggitin!"
"Cams!" I laughed, shaking my head. "Gaga ka ba? Grade twelve finals lang naman ako napasama sa top ten. If I will be honest, kulang pa nga ang grades ko ngayon para sa mga naibagsak ko!"
A speech for our graduation? That's for Ulrich and Miss Hailey for sure.
My best friend winced. I could see a little regret in her disappointed eyes. "So... wala kang speech? Hindi mo mababanggit ang pangalan ko?"
"Wala," tipid kong sagot.
The only achievement I have is I will graduate. Iyon naman talaga ang importante.
"Nilibre pa naman kita!" Sumimangot siya saka siya umirap. "Akala ko may speech ka para sana i-mention mo ako. Bayaran mo nga 'yang nilibre ko!"
Napahalakhak ako. Kaya naman pala ganado itong ilibre ako. Kung may pagkakataon naman akong makapagsalita sa harapan ng lahat ay isa ang pangalan niya sa babanggitin ko. No need to bribe just for that.
Napalingon kami sa likod nung biglang may tumunog na torotot. Ang unang pumasok sa cafeteria ay si Arthur na siyang humihipan sa torotot. His messy hair really complimented his messy attitude. Sobrang kulit! What's this now?
"Nasaan na si miss top ten?" pasigaw na tanong niya habang ginagala ang tingin sa paligid. "Rizaline Chavez? Where are you?"
Holy shit. Dumausdos ako sa upuan ko para sana magtago pero nakita na niya ako. Ngumiti ito saka muling hinipan ang kanyang torotot.
"She's here!" sigaw niya.
Sunod na pumasok si Roland na may hawak na malaking tarpaulin banner. May print 'yon ng mukha ko kasama si Silly. May nakasulat pang "Congratulations, Rizaline Chavez!"
Namula ako sa hiya nung sumunod na pumasok si Jessie. May dala siyang bulaklak at gaya ng dalawang lalaki ay nakangiti rin siya sa akin.
"Rizzieee!" Art ran towards us. Hinihipan pa niya ang torotot habang tumatakbo. Napapatakip tuloy sa tainga ang iba dahil sa lakas no'n.
A flicker of light flashed before us. Napatingin ako kay PJ na nakangiti sa amin. Muli niyang tinutuk ang kanyang camera para kunan kami ng picture. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakasilaw ang ilaw no'n.
"Congrats!" Art jogged my shoulders. "Sobrang talino mo pala, Rizaline! Sayang hindi tayo same ng strand kaya hindi mo ako napakopya!"
"T-thank you..." Mas lamang ang hiya na nararamdaman ko kesa sa galak. Agad eksena ba naman sila. "Bakit naman may paganito pa?"
"Art's idea," nakangiting sabi ni Roland saka mas tinaas pa ang banner ko. "Oo nga pala, Art. Saan ko isasabit 'tong banner ni Riza? Sa labas na lang kaya ng cafeteria?"
"Huwag muna! Ipaparada pa natin 'yan sa buong campus!" Humalakhak si Art.
"Akin na!" Hinablot ko sa kanya ang banner saka tinupi. "Remembrance," sabi ko na lang kahit na ang dahilan ko ay para hindi na nila ito ibalandra kung saan.
Humila ng upuan si PJ saka tumabi kay Cams. Mabilis naman na hinarang ng kaibigan ko ang lens ng camera nito nung aktong kukunan siya ng picture.
"Stop with the closeup shots, babe!" Cams frowned. She pushed the camera away from her.
"What? You look flawless, babe!" PJ attempted to take a photo of her, but Cams blocked the lens again. "Fine. Anyway, nag-lunch na ba kayo?"
"Katatapos lang," sagot ni Cams. Napatingin na naman siya akin kaya inirapan niya ako. "Top ten na walang speech," bulong pa nito.
"Nagugutom na ako. Order lang ako ah?" paalam naman ni Roland.
"Ako rin!" Sumunod sa kanya si Jessie.
Napansin ko agad ang nakasunod na tingin ni Art sa kanila. Sumimangot siya saka bumaling na lang ng tingin sa ibang direksyon. Hinipan niya uli ang torotot saka huminga nang malalim.
I sighed. Why do I notice everything? Nagtatampo ba si Jessie kay Art? Sa pagkakaalam ko ay lagi silang nagtatalo. Tapos ngayon ay wala nang pansinan.
"Flowers mo pala, Rizzie." Bumalik si Jessie para iabot sa akin ang bulaklak. "Congratulations! Sobrang tuwa siguro ni Ate Sarah!"
"Wala naman siyang speech," epal ni Cams.
"May gusto ka pa ba?" tanong sa 'kin ni Jessie.
I shook my head. "I'm full. Thanks."
"Sure?" paniniguro pa niya kaya tumango ako.
Nilagpasan niya ng tingin si Art saka na bumalik sa likod ni Roland na nakapila. Hinawakan ni Jessie ang balikat ni Roland. Mabilis na naglakad si Art sa direksyon nila saka pumila sa likod ni Jessie. Napalingon sa kanya ang kaibigan ko pero mabilis din itong umiwas ng tingin.
"Where's Ulrich?" Cams asked.
Napatingin sa 'kin si PJ. Yumuko na lang ako sa tinupi kong banner. Pasimple kong hinintay na sagutin 'yon ni PJ.
"I don't know?" PJ shrugged.
"Is he even aware that he fell seven spots? Anyare ro'n?" usisa pa rin ng kaibigan ko. "Don't tell me it's because of his new girlfriend? Bad influence yata?"
PJ laughed. "It was a joke. She's not his girlfriend."
Natigilan ako sa pagtupi ng banner. What?
Tumaas ang mga kilay ni Cams. "Pardon?"
"Victoria is Ulrich's cousin." Sumandal sa upuan si PJ saka yumuko para tingnan ang mga shots ng kanyang camera. "Kararating lang nito galing Japan. She will take her college degree here."
"Then... why did he introduce her as his girlfriend?" Cams asked what's on my mind.
Really. What was the reason?
"Probably to prove something..." PJ sighed. Sinuot na niya sa leeg ang lace ng kanyang camera. "But she's not his girlfriend. They are nothing but cousins. Also, may boyfriend 'yong si Rhia."
Hindi ko alam kung bakit nong nalaman kong hindi sila ay bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. Siguro ay dahil ayoko rin na paniwalaan 'yon. Ayokong paniwalaan na madali siyang nakahanap ng iba.
I was even doubting his genuine feelings for her. We were never a thing, but our feelings for each other were genuine. I knew in my bones that I loved him. And I felt his, too.
I still do.
Since tapos na ang final exams ay makakapag-chill na kami. Nag-aayos na lang kami ng mga final requirements. Mag-uumpisa na rin next week ang aming practice for graduations.
We are almost there.
It felt like we have traversed a hazardous forest and engaged with different complications, but I could see the light now. That's what makes it worth it. Though I know there's more, I can say that everything we have been through prepared us for what might come after.
I think that achieving your dreams will be easier if you have a clear vision of it in your head. A dream you are unsure of is a dream that's hard to pursue.
Today is the first day of our practice for graduation. I was wearing denim shorts and a mint top. I put my hair in bun style because I was sweating a lot.
Break time kaya umupo muna ako sa bleacher. Tumabi sa akin si Cams. Ang mga boys naman ay naglaro ng basketball. Even Jessie which was a surprise, kasi sa pagkakaalam ko ay hindi siya mahilig sa basketball na sports. He's a swimmer.
"Bili tayo milktea!" aya sa 'kin ni Cams.
"Libre mo?" tanong ko.
"Hoy may utang ka pa sa 'kin!"
"Oo nga! Babayaran ko 'yon kapag nag-trabaho na tayo!"
Kinuha ko ang bag ko para tingnan kung may sobra pa akong pera. Nagastos ko kasi lahat ng ipon ko nung palitan ko ng bago ang laptop ni Ulrich. Buti naman may tira pa rin ako.
"After four years pa. Tara na, libre ko!"
Napangiti ako. Tinago ko ulit ang pera ko para hindi niya makita. Nilagay ko na sa likod ang bag ko saka patakbong sumunod kay Cams na naglalakad na palabas ng gymnasium.
"Babe!" Binitiwan ni PJ ang bola na hawak para lapitan si Cams. "Bibili ba kayo? Sama ako!"
Kumawit ako sa braso ni Cams saka tinulak palayo si PJ. Baka kasi mag PDA pa sila. Nasa school kami at sobrang liwanag. Ako ang nahihiya para sa kanila.
"Can you wear your shirt, Patrick Jae? Nakakaasiwa kasing tingnan," pagsusungit ko sa kanya. "You are over exposing your abs."
"Sus. Pero kapag kay Ulrich—"
"Babe..." Cams warned him.
Napairap ako. Masasapak ko talaga 'to. Bumabalik na naman ang irita na nararamdaman ko sa kanya.
"Sorry..." Tumawa si PJ bago sinuot ang kanyang pulang damit. Saka siya tumabi sa kabila ni Cams. "Sorry, Riza. Bawi ako. Libre ko kayo!"
"Ayon naman pala!" Tumawa si Cams. "Gusto ko rin ng cheese roll saka fries!"
"Sure. Sure. Napagod ka ba, babe?"
"Napagod? Nag taas-baba lang naman tayo sa stage," epal ko kasi naiinis talaga ako sa kanya. "Unless you did something else..."
"Rizzie!" Hinampas ako sa balikat ni Cams.
Humalakhak si PJ. See? He didn't get offended. Fuck boy type talaga.
Kairita! Nakita ko kasing may kinausap siyang babae kanina. Wala akong pakialam kung classmate niya 'yon o nanay. Basta kinausap niya. Ito namang si Cams, nagkunwaring nakatingin sa ibang direksyon.
"No sweat, babe. Ikaw nga kanina pa nag-basketball. Napagalitan ka na nga tapos inulit pa!"
"Paano nagpapasikat," bulong ko.
Inalis ko ang pagkakakapit kay Cams saka na nauna sa kanila. Hindi naman ako hinabol ng kaibigan ko dahil agad siyang inakbayan ni PJ. Kung hindi niya lang kami ili-libre, kanina ko pa siya sinipa.
Hindi naman ako gutom kaya milktea lang ang pinabili ko. Si Cams lang naman ang maraming pinabili sa ka fubu niya. Dumistansya ako sa kanila dahil nandidiri ako sa tuwing naglalandian sila.
I sat on the long chair. Nakatayo pa rin sila Cams at PJ sa tabi ng tindahan. He pulled his shirt up, kasi nakaipit sa shorts niya ang kanyang wallet.
I sipped on my drink. Umirap ako.
"Gomen nasai!"
Napatingin ako sa babaeng nagmamadali kaya nabunggo niya ang isa pang babae. Nakayuko siya kaya hindi ko agad namukhaan.
"It's okay, Miss," sabi nung babaeng nakabunggo niya.
Umangat ang ulo ng babae. Diretso pa rin ang tingin sa babaeng nakabunggo niya. My brows arched when I recognized her. She's that girl from Japan. Ulrich's cousin, Victoria Hermosa.
"May I ask where is the restroom?" Victoria politely asked.
"Oh. Go straight, then turn left."
"Arigato gozaimasu!"
I stared at her face. She's pretty. I don't judge strangers just by one glance, but I can say that she looks so soft and genuine. Hindi mabigat ang pakiramdam ko sa kanya, hindi katulad kay PJ. Maging ang kanyang galaw ay mahinhin.
Pinanuod ko siya hanggang sa sundan nito ang direksyon na tinuro ng babae. Wala na siya, pero naiwan pa rin akong tulala sa direksyon na tinahak nito.
"Hoy!"
Napatalon ako sa gulat nung hampasin ako ni Cams sa balikat. Malakas pa siyang natawa nung makuha niya ang gusto, ang matapon ang milktea sa kamay ko dahil sa gulat.
"Tissue," PJ offered. "That's rude, babe."
Tinanggap ko 'yon saka nagpunas ng daliri. Palingon-lingon pa rin ako sa direksyon na tinahak ni Victoria. Kung nandito siya, ibig-sabihin ay narito rin si Ulrich.
"Sino ba tinitingnan mo?" tanong ni Cams.
I shook my head.
Hinabaan ko ang braso ko para kumuha ng cheese roll sa hawak ni Cams. Saka ako sumipsip sa milktea ko. Kumuha rin ako ng fries.
"Wala!" Tumayo na ako saka nagpagpag ng shorts dahil baka may dumikit na alikabok. "Let's go back. Baka nag-uumpisa na."
Bago pa kami makalayo ay binalingan ko ng tingin ang direksyon ni Victoria. I couldn't get enough of her face. Hindi nakakasawa ang mukha niya.
As expected, Ulrich is here, too. Naabutan ko siyang kausap sina Jessie at Arthur. Pinasa ni Jess ang bola sa kanya saka naman niya 'yon tinapon sa ring. Nagpalakpakan ang iba nang maka-shoot siya.
I stared at him from afar. Nagagawa na niyang ngumiti at tumawa. Wala sa sariling napangiti rin ako. Mukhang nasa mood na ito uli.
"Go, babe!" sigaw nang kararating lang na si Amanda. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya kumaway rin siya sa akin. "Hello, Rizzie!"
I just nodded at her. Binaba ko na ang bag ko dahil mag-uumpisa na rin ang practice. Saka ko lang napansin na halos ang lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanila.
"Is that Victoria?" tanong ni Cams.
Lumapit si Victoria kay Ulrich para abutan ito ng tubig. May sinabi pa si Ulrich dahilan para matawa si Victoria. Agad silang pinaligiran nila Jessie, Art at Roland.
"What is she doing here?" Cams asked.
"I don't know. Ulrich is here," simpleng sagot ni PJ. "He's probably going to tour her around. Dito rin kasi siya magko-kolehiyo."
My eyes darted at Amanda. Naabutan kong nakataas ang kanyang mga kilay. Pinitik nito ang buhok saka nag-umpisang lumapit sa kanila.
"Hala! Lalapitan sila ni Amanda!" Si Cams na halatang excited pa. "Rambolan 'to. Tara lumapit tayo!"
"Ayoko. Kayo na lang," sabi ko.
Napangiwi ako nang hatakin ako ni Cams palapit sa kanila. Napasimangot pa ako, pero naglaho rin 'yon nung makitang niyakap ni Amanda si Victoria.
"I missed you!" Amanda giggled. "Kailan ka pa umuwi?"
"Just last month!" Napatalon pa sa tuwa si Victoria habang hawak ang mga kamay ni Amanda. "I was planning to visit you one of these days, but I couldn't wait longer. Kaya sumama na lang ako kay Ulrich dito!"
"Mag bff yata..." bulong sa akin ni Cams.
"They are childhood friends," bulong naman ni PJ kay Cams.
"Rizzie. Painom naman," tukoy ni Jess sa milktea na hawak ko kaya binigay ko na lang sa kanya 'yon. "Akin na lang 'to? Thank you!"
"Painom din!" ani Art.
"Kaunti na lang, eh!" reklamo ni Jess.
"Okay lang. Kahit nga laway mo na lang—"
"Bili na lang tayo?" aya ni Jess.
Nung makaalis ang dalawa ay lumuwag ang paligid. Napasinghap ako nung tumingin sa direksyon namin si Ulrich. Kumabog ang didbib ko nang lapitan niya kami.
I was about to walk away when Camila held my hand. Wala rin akong nagawa kung hindi ang manatili sa aking pwesto hanggang sa makalapit sa amin si Ulrich. Bumati siya kay PJ.
I stood still. Nakatingin ako sa ibang direksyon habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Camila. Nilakasan ko ang loob kong tumingin kay Ulrich. Nahuli ko ang titig niya.
"Hey. Congrats," Ulrich greeted me with a smile.
"T-thank you..." Halos naging pabulong ang boses ko.
"May speech ka ba, Rik?" tanong ni Cams.
"Huh? For what?" Ulrich slid his hands inside the pocket of his shorts. "Oh? For graduation? Why?"
"Never mind. Bakit sinama mo ang pinsan mo rito?" Mabilis na iniba ni Cams ang kanyang tanong kaya napaubo ako sa sariling laway.
What the heck, Cams?
Kumunot ang noo ni Ulrich. Napatikhim naman si PJ.
I easily realized the confusion in Ulrich's eyes. Hindi niya alam na alam na naming pinsan niya lang si Victoria. Na hindi niya talaga ito girlfriend.
That added confusion in me. What are you trying to prove, Ulrich?
"Ipakilala mo naman sa amin!" sabi pa ni Cams kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya. "Sige na, Rik. Baka magkasundo pa kami niyan kasi half Japanese din ako!"
Nah. I'm not comfortable with this setup anymore.
"Uhmm. Sure!" Ulrich turned to Victoria. Kausap pa rin nito si Amanda. "Rhia. Come here for a sec!"
Hinila ni Victoria si Amanda saka sila lumapit sa amin. Pakiramdam ko ay nalagay ako sa hotseat. Namawis ang mga palad ko.
"These are my friends..." Nakangiting humarap sa amin si Ulrich. "This is Camila. She's half Japanese as well, her mother is. Cams, si Victoria nga pala. She will take her college degree here."
"Camila Torres, right?" tanong ni Victoria.
"Yep. A pleasure to meet you, Rhia. I didn't know you are Ulrich's cousin!"
Umawang nang bahagya ang mga labi ni Victoria. Napatingin pa siya kay Ulrich na nagkibit-balikat lang. Saka ito nakangiting bumati rin kay Cams. Nagsalita sila ng Japanese na hindi ko naintindihan.
Victoria next turned to me. Mas lalong lumapad ang ngiti sa kanyang labi. Without saying anything, she stepped closer and pulled me into a hug.
"Rizaline..." she whispered my name.
It felt awkward, but I hugged her back.
"I'm pleased to meet you, Victoria," I said.
"Can we be friends?" Hinarap niya ako.
"Y-yeah?" naiilang kong sagot. "Why not?"
Amanda frowned. "You can't. Sosyalin kasi si Victoria, Rizzie. Baka hindi kayo magka-vibes. You are not a fancy girl, remember?"
"Amanda..." Camila smirked at her. "Hindi naman niya aagawin ang kaibigan mo. Huwag kang matakot."
Umangat ang mga kilay ni Amanda. "I didn't say anything, Miss Torres! I'm not scared or what!"
Ulrich cleared his throat. "The practice will start any moment. Pwede na ba tayong mag-ayos?"
"See you around, Rizzie!" nakangiti pang sabi ni Victoria.
I just smiled back. What else can I say?
Hinila ko na si Cams saka kami lumapit sa mga classmates namin. Pumunta na rin si PJ sa mga ka-group niya. Nag-umpisa na kaming pumila para sa last practice namin today.
I watched how Victoria cheered not just for her cousin, but also for us, too. Nakakahawa ang ngiti nito. Napansin ko rin na masyadong possesive si Amanda pagdating sa kanya. Tama nga si Camila. Amanda doesn't like it when Victoria is talking to other girls.
Simula no'n ay lagi nang sinasama ni Ulrich si Victoria sa tuwing may practice kami. Magaan ang loob ko sa kanya, pero mas lalo itong gumaan. She's easy to be with. Nagkasundo rin sila ni Camila na mapili sa kaibigan.
Last day of practice. Hindi um-attend si Camila dahil sumakit daw ang puson. Nainis pa nga ako dahil hindi niya agad sinabi sa 'kin. E 'di sana hindi na rin ako um-attend.
"Wala yata si Cams?" tanong ni Roddie na tumabi sa akin sa bleacher. Siya ang leader namin nung folk dance. Isa rin siya mga top achievers.
Umiling naman ako. "Sumakit ang puson. Ang init ngayon!" reklamo ko pa habang nagpupunas ng pawis sa leeg.
"Oo nga. Mukhang uulan mamaya."
Napatingin ako sa bola na gumulong sa mga paa ko.
"Pakisipa!" sigaw ni Ulrich.
Umangat ang tingin ko sa kanya. Pawisan ito gaya ng iba. Paano ba naman habang nagpa-practice kami ay nagba-basketball naman sila.
Roddie stood up. Siya ang sumipa sa bola papunta sa direksyon ni Ulrich. Umangat ang mga kilay ni Ulrich saka sinipa uli ang bola sa direksyon ko.
I sighed. Tumayo na ako at aktong sisipain ang bola nung may sinabi siya.
"Pakiabot!" sigaw ni Ulrich.
Yumuko naman ako para pulutin ang bola. Pagkaangat ko ng tingin ay halos mapaatras ako sa gulat nung makitang nakatayo na sa harapan ko si Ulrich. Hinihingal pa ito.
"Ito na..." Nilabanan ko ang kaba ko. Inangat ko ang bola sa harapan niya.
Tumagos ang tingin niya sa likod ko kung nasaan si Roddie.
"Who's that?" he asked.
"Classmate. Bola mo..." sabi ko.
Pabagsak na kinuha niya sa akin ang bola. Napanganga ako nang lapitan niya si Roddie. Halata ring nagulat ang kaklase ko.
"Do you want to play?" Ulrich asked him. His voice was calm but menacing.
"I don't play basketball, Mr. President."
Ulrich smirked. "Tell your classmates to line up now. We will start the practice at any moment. Also..." Hinawakan niya sa dibdib si Roddie para pigilan sa pag-alis. "I don't want to see you talking to anyone. Ayoko nang maingay."
"Ulrich! Come on!" sigaw ni Art.
"Okay, Mr. President."
Dinaanan pa ako ng tingin ni Ulrich bago siya lumapit sa mga kasamahan. He looked upset while shaking his head. Art tried to calm him by patting his back. Hinagis ni Ulrich ang bola saka uminom ng tubig.
Nahihiyang ngumiti ako kay Roddie. He just shrugged his shoulders. Hindi na niya ako nilapitan ulit.
Nag-umpisa na ang practice. Si Ulrich ngayon ang nasa itaas ng stage at siya ang namumuno sa amin. He stood there just to frighten Roddie. Maling galaw lang nito ay tatawagin niya agad.
I was holding back my anger the whole time. Buti na lang nakapagtimpi pa rin ako. Hapon na rin nung matapos ang practice. Dumiretso ako sa restroom para umihi at mag-ayos ng sarili.
I texted Cams. Wala lang. Minura ko lang naman siya.
Nagulat ako sa kulog. Buti na lang talaga may payong ako.
Lumabas na ako ng restroom.
"Are you mad?"
"Shit!" Napahawak ako sa dibdib sa sobrang gulat. Muntik ko na ngang maihampas sa mukha ni Ulrich ang payong na hawak ko. "You startled me!"
Umalis sa pagkakasandal sa wall si Ulrich, saka siya tumayo sa harapan ko. Mas kalmado at malambot na ngayon ang ekspresyon sa mukha niya. Hindi katulad kanina na halos mapaatras na ang lahat dahil sa takot.
"Why are you still here?" I asked.
"Galit ka ba?" seryoso pa rin na tanong nito.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon. Pinahiya mo si Roddie."
Huminga siya nang malalim saka tumango.
"I didn't mean it. I'm sorry."
"It's fine. Mauna na ako..." I smiled.
"I was jealous..."
I bit my bottom lip. Shit.
"Nagseselos ako dahil ako lang ang nakakaramdama nito." He stepped closer to me. He held my chin to lift it. "Nung nalaman mong girlfriend ko si Victoria, nagselos ka ba?"
I chuckled as I shook my head. "Of course, not!"
"Damn. I should have not asked that..." May bahid ng pait ang boses nito. "How I wish."
"Rik. I have no control over you."
"I know..." Lumunok siya. "But I have no control over my feelings either. Ayoko nang nararamdaman ko, Riza. Ayokong makaramdam ng pagseselos sa bawat lalaking lalapit sa 'yo kasi alam kong wala naman akong karapatan. I don't own you. I don't own you just as you own me."
I swallowed. "We have talked about this."
"Dad has bought a new house. I've also heard that your sister is just going to live nearby."
My lips trembled. "D-do you believe me now?"
He nodded. "Y-yeah..."
Imbes na matuwa ay sumikip ang dibdib ko.
"They love each other, Rik. Let's just see it this way..." Hinawakan ko ang kamay niya saka hinaplos. "Your father will be finally settling with one woman. Don't you think that's a good thing?"
"Yeah..."
"And my sister will be finally happy again." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay. "You have no idea how long I waited for this moment, Rik. I waited for her to be happy again. This is it. She's happy again!"
Madiin na pumikit si Ulrich saka tumango.
"Wala akong payong. Pwede mo ba akong ihatid sa sasakyan ko?"
Pumayag ako. Siya ang humawak sa payong ko. Naramdaman kong dumausdos sa bewang ko ang kanyang kamay saka ako mas nilapit sa kanya.
Nakayuko lang ako hanggang sa marating namin ang sasakyan niya.
"Drive safely..." I muttered.
Hinawakan ko na ang payong ko at sinubukang kunin, pero hindi niya 'yon binitiwan.
"Rik..."
"Favor..."
"W-what?"
Humarap siya sa akin.
"Can we be together until the summer ends?" I could sense the desperation in his voice. "After that... ako na mismo ang lalayo sa 'yo."
Napatitig ako sa kanyang mga mata.
"I still want to love you more, baby."
"M-mas lalo ka lang mahihirapan."
"I don't care. I will also lose you whatever I do. Alam kong mas mahihirapan lang ako sa huli, pero wala na akong pakialam. Gusto pa kitang makasama. Pagbigyan mo naman ako, please?"
I smiled. "After that... ikaw na mismo ang iiwas?"
He nodded. "I will stay away from you after."
"Last na 'to, Rik."
"Last na 'to kasama ka, Riza."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro