Chapter 37
Chapter 37: Fell
Cams saw how wrecked I was after Ulrich left. Sa halip na ibalik niya ako sa mga kaibigan namin, hinila niya ako palabas at sinakay sa kanyang sasakyan. We drove for almost an hour.
Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak buong byahe. Wala na akong pakialam kung malaman ngayon ni Cams. Wala na rin naman. Wala na kami. Wala na akong dapat na ikatakot. Wala na.
Tinabi ni Camila ang kanyang sasakyan. Lumabas siya kaya lumabas na rin ako. Saka niya hinila ang kamay ko para pumasok kami sa isang building. We got in the elevator and she pressed the last floor.
"Hey..." She held my hand and squeezed it. Alam kong wala siya gaanong alam sa pinagdadaanan ko, pero pinaramdam niya sa akin na naiintindihan niya ako. "I am just here, okay?"
Isang tipid na ngiti lang ang naisukli ko sa kanya. Pagkalabas namin ng elevator ay umakyat pa kami sa hagdan. Pagkalabas namin ay sumalubong sa amin ang malakas at malamig na simoy ng hangin.
We are on the rooftop of this building. I walked to the railings. Mahigpit ang pagkakahawak ko dahil pakiramdam kon ay mahuhulog ako sa sobrang lakas ng hangin.
For a moment, I thought I was staring at the ocean water. The tiny lights from small buildings beneath seemed like the reflection of glimmering stars overhead.
"Won't you tell me now, Riza?" Cams asked, calmly. She stood beside me. "You don't need to, but I want to understand."
I sniffed as the tears loomed around my weary eyes if they even dried for a second. The lights began to blur, but my feelings were clearer than ever.
Umihip ang malamig na hangin na humaplos sa pisngi ko. Tumulo na naman ang mga luha ko, pero sa pagkakataong ito ay malaya na. Mas dumagdag ang lamig ng hangin sa panlalamig ng loob ko.
"Rizzie..." Hinagod ni Cams ang likod ko.
"I loved him." I whispered as I sobbed harder. "I still do." I turned to my best friend. I tried to smile. "But... my sister will always be my top priority. Sila naman talaga ang nauna, nadamay lang kami."
Cams didn't say anything for the first time. Wala siyang side opinion o kahit na ano. Nakatingin lang siya sa akin habang pinaparamdam na naiintindihan niya ako.
"I chose my sister when he chose me. I let go of him when he was ready to risk it all for me." Mas lalong lumakas ang hikbi. "I love Ulrich so much, Cams. But I had to do it."
"I know..." Inabot ni Cams ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha roon. "It's hard to betray your sister, Rizzie. I know. She has been nothing but very supportive of you. But don't you think she would understand if you chose what would make you happy?"
"That kind of happiness won't last long, Cams. Kasi... sa bawat segundong kasama ko si Ulrich, iisipin ko ang mga posibilidad. Ayoko. Ayokong sumaya habang nasasaktan si Ate Sarah. Ayoko, Cams."
I can't be totally happy if ever I chose him. The reason why I was so against of my sister dating a married man was becase she was hurting someone else. It would be a hypocritical move to do the same.
"Tahan na, Riza. You just turned eighteen. Sobrang bata mo pa, natin..." Nginitian niya ako. "Kung tutuosin ay dapat mas focus muna nga tayo sa studies, eh."
Natawa ako. "Coming from you, huh?"
"Tanga. Ano na? Nawala pagkalasing ko sa 'yo!"
Huminga ako nang malalim bago muling humarap sa kawalan. Sa pagkakataong ito ay wala nang luha sa mga mata ko.
I finally did it.
I hope you will forgive me someday.
I love you, Rik. I love you, baby.
Pagkatapos ng kaarawan ko ay nabibilang na lang din ang mga araw na kasama ko si Ate Sarah. Pagka-graduate ko ay titira na ako sa mga Megardon. Si Ate Sarah naman ay lilipat na ng school. Maghihiwalay kami. Pero sa ngayon lang 'yon.
I swore to myself that I would come back to her.
The final examination week has started. Sa panandaliang panahon ay hindi nabakante ang isipan ko dahil puro aral ang ginawa ko. Nagbunga naman 'yon dahil sigurado ako sa mga sagot ko.
Hindi na rin ako tumatambay sa office ni Ulrich. Pupunta lang ako roon kapag may ipapasang requirements. He still talks to me but in his usual formal voice. He talks to me the way he talks to everyone.
"Out na ako mamayang 3 p.m," biglang sabi ni Ulrich nung minsan na nag-stay ako sa office niya. "May pupuntahan lang ako."
Umangat ang tingin ko mula sa laptop niya. "Huh? Hindi ba may exam pa tayo?"
"Also..." Tumikhim siya saka tumingin sa akin. "Since, last day na bukas ng finals. Wala na rin tayo gaanong trabaho. I don't think you will still need my laptop."
Mabilis na naintindihan ko ang sinabi niya.
"G-gagawa lang po ako ng backup. Tapos isasauli ko na 'to," sagot ko.
He just nodded. Tumayo siya at bitbit ang kanyang laptop ay lumabas siya. Laging ganito ang eksesa. Kung hindi ako ang lalabas ay siya naman. Hindi pa kami nagkasama sa office nang matagal.
That's better, I think. The longer we stay together, the harder it gets to breathe. It suddenly feels wrong sitting in the same room as him.
Sumandal ako sa swivel chair ko saka tumitig sa laptop ko. Huminga ako nang malalim bago tumango. Kinuha ko ang flashdrive ko sa bag at sinimulan nang gumawa ng backup para sa mga files ko.
Nakaramdam ako ng pangangawit kaya tumayo ako. Hindi sinasadyang nasagi ko ang laptop ni Ulrich. Napapikit ako nung mahulog ito sa sahig.
I froze for a moment. May mga keys na nahulog. Mabilis akong yumuko para pulutin 'yon. Tapos pagtingin ko sa screen ay basag. Nanlambot ako sa sobrang kaba.
"Shit. Shit." Sinubukan kong ayusin pero walang nangyari. Naiiyak man pero pinilit kong huwag lumuha. I tried everything, pero sira na yata talaga.
Natulala ako. My savings naman ako. Ipapagawa ko 'to!
Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Ulrich.
He saw his laptop. Kumunot ang noo niya.
"I-I accidentally..." I swallowed. "Ipapagawa ko na lang!"
He just stared at me with his blank expression.
"S-sorry..." I bit my bottom lip. Shit. I'm not going to cry. Not here. Not in front of him. Tumikhim ako. "Promise. Ipapagawa ko!"
His brows arched. "That costs more than your whole year enrollment fee. How?"
"Don't worry—"
"Oh, yeah." He smirked. "Oo nga pala. Anak ka ni Mr. Megardon. Your dad is a rich man. Pwede mo 'yang palitan kahit na ilan pa."
"I can buy using my own money!" madiin na sabi ko. "Kung iniisip mong dahil mayaman ang ama ko kaya gagamitin ko siya para makuha ang mga gusto ko, nagkakamali ka. You know what?" Kinuha ko ang laptop niya sa table ko saka pabagsak na nilagay sa lamesa niya. "Keep it. I will buy you a new one using my own money."
Pagkalabas ko roon ay tumulo agad ang mga luha ko. Yumuko ako para walang makakita. Nanlabo agad ang paningin ko.
I am sure I am not crying just because I broke his laptop. No. Hindi ako gano'n kababaw!
I bumped into someone. Tiningala ko ito.
"R-Rol..."
"Umiiyak ka ba, Riza?"
I shook my head. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Nope. Napuwing lang. Hinahanap mo ba si President Ulrich?" Suminghap ako ng hangin. "Nasa office niya. Dalian mo lang dahil aalis na siya mamayang alas tres. Sige. Mauna na ako."
Nagmadali ako agad na umalis. Pumasok ako sa hindi ginagamit na computer lab. Buti na lang hindi naka-lock ang pinto. Kinuha ko ang wallet ko. Binilang ko ang mga pera ko.
I only have seven thousand pesos. I googled the price of his laptop. Halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang mahal no'n. Napamura ako.
Really? He's right. Mas mahal pa sa tuition fee ko ang laptop niya!
No I am not giving up. Kailangan kong mapalitan 'yon kahit na anong mangyari.
We had one more exam for today. Doon muna ako nag-focus. Pagkauwian ay agad akong sumabay kay Camila. Kumawit ako sa braso niya. Kumunot agad ang noo nito.
"Oh? Bakit?" tanong niya.
Ngumiti ako. "Wala. Masama bang sumabay sa 'yo?"
"Gaga. Ano nga?"
Hinila ko siya sa gilid dahil nakaharang kami sa hallway.
I smiled. "May pera ka ba?"
"Huh? Aanuhin mo?"
"Pahiram mo muna sa akin. Babayaran ko na lang kapag nagkatrabaho na ako!"
Mas lalong nagduda ang kanyang tingin sa akin. Hanggang sa napabuntonghininga na lang ako at walang nagawa kung hindi sabihin sa kanya ang totoo.
"Nahulog ko kasi 'yung laptop ni Ulrich. Nasira. Kailangan kong palitan..."
"What? Sinabi niyang palitan mo?!" Tumaas nang bahagya ang boses ni Cams.
I shook my head. "No. Pero nakakahiya kasi. Pinahiram na nga niya ako tapos hindi ko pa naingatan. Sige na, please? Saka pwedeng ngayon na?"
Cams let out a sigh. Tumango siya kaya napasigaw ako. Mabilis na niyakap ko siya. Patago kong pinunasan ang tumulong luha sa mata ko.
"Bukas pa naman ang mall na malapit. Can we buy now? Dala mo na ba ang pera mo?"
Sa halip na sagutin ay hinila na lang niya ako. Sumakay kami sa sasakyan niya saka pumunta sa mall. Dumiretso kami sa bilihan ng laptop. Pinakita ko ang picture ng laptop ni Ulrich.
"Sandali lang, Ma'am," paalam nung babae saka umalis para hanapin ang kaparehong laptop na pinakita ko.
Bumaling ako kay Cams. Nakatingin lang siya sa akin. Napailing pa nga ito. Mukhang iritado siya. Hindi ko lang alam kung bakit. Dahil ba malaki ang hiniram ko?
"Ma'am, ito na po..."
Mabilisan na sinetup nila ang laptop. Tapos ay binayaran namin. Nakahinga ako nang maluwag nung mayakap ang laptop.
"Thank you, Cams!"
Inirapan niya ako. "Pwede mo naman hindi palitan. Ang yaman ng mga Delgado. Even richer than Mergardons. Barya lang sa kanila 'yon!"
"That's not it, Cams. Kailangan palitan ang nasira. Saka..." Pumait ang ngiti ko. "Ayoko namang may maisumbat siya sa akin."
Nagawa pa akong ilibre ni Cams sa mall bago niya ako hinatid sa amin. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa laptop dahil baka mahulog ko na naman.
"Thank you, Cams. Babayaran kita kapag nagka-work na ako!"
"Tse!"
I laughed.
Pagkaalis ng sasakyan niya ay pumasok ako agad sa loob ng bahay. Naabutan kong nag-iimpake na si Ate Sarah sa sala. Inuuna niya ang mga gamit ko bago ang sa kanya.
"Oh? Laptop?" puna niya sa yakap ko.
"Wala. Pinahawak lang 'to sa akin."
"Bilisan mo, Riza. Nakahanda na ang hapunan!"
Minabuti ko na munang ipasok sa kwarto ko ang bagong bili na laptop. Kabang-kaba ako sa pagbaba nito. Umupo muna ako sa kama pagkatapos. Napagod ako roon.
Napangiti ako. I'm so tired. Ngayon ko lang hiniling n asana summer vacation na. Excited na ako sa mga pupuntahan namin!
Biglang tumunog ang cell phone ko. Kumunot ang noo ko nung makita ang pangalan ni Miss Hailey. Sinagot ko naman 'yon agad.
"Hello, Miss Hailey?"
"Hi. Sorry sa istorbo, pero nakita mo ba si Ulrich?"
Napatingin ako sa wall clock. Alas sais na rin ng gabi.
"Kanina po. Nung nasa office kami. Bakit?"
She sighed. "May usapan kasi kami nag magkikita ngayon. Akala ko ay alam mo kung nasaan siya. I've been waiting here for almost an hour now."
"Umalis siya kaninang alas tres. Hindi ko na alam no'n kung nasaan siya. Hindi nga niya sinabi sa akin kung saan..."
"Alas tres? Umalis ng school?"
"Yes," sagot ko naman.
"What? Hindi ba may exam no'n?"
I shrugged my shoulders. I don't know either. Baka naman na-advance na niya 'yon? Knowing that guy, baka nga exempted na siya sa mga exams.
"Anyway, natanong ko lang naman. Thank you, Miss Chavez."
"Sige po, Miss Hailey."
Lutang ako pagkababa ng tawag. Nasaan nga ba si Ulrich?
Hindi ko na lang inisip pa. Ang mahalaga ngayon ay nakabili na ako ng laptop na ipapalit sa nasira kong laptop niya.
Kinabukasan ay agad akong dumiretso sa office ni Ulrich. Naabutan ko itong nakayuko sa kanyang desk. Basa pa nga ang buhok nito.
I cleared my throat. "President?"
I waited for his response. Lumipas ang isang minuto na hindi siya kumibo. Don't tell me he fell asleep? Saan ba siya pumunta kahapon?
"Mr. President. Ito na po 'yung laptop na pampalit ko sa nasira ko." Maingat na nilapag ko ang laptop sa tabi niya. "I'm really sorry for being careless."
Though I didn't get an initial response from him, I still waited for another minute. Pero nung wala pa rin siyang kibo ay napahinga na lang ako nang mabigat.
"Mauna na muna po ako," paalam ko.
Tatalikod na sana ako nung bigla niyang hinawakan ang braso ko. Napasinghap ako nung sumikip ang didbib ko dahil lang sa simpleng paghawak niya.
Nakayuko pa rin siya sa desk niya.
Nabitiwan niya ako nung bigla siyang nagsuka. I gasped as I stepped backward. Mabilis na tumawag ako ng nurse. Hinatid nila si Ulrich sa clinic.
"Hangover," tipid na ngiting sabi sa akin nung nurse. Napapailing pa nga ito. She looked disappointed. I mean... who wouldn't? "He just needs rest."
Hangover? Nag-inom siya? Kaya ba hindi siya nakasipot sa meeting ni lani Miss Hailey? Kaya ba maaga siyang umalis kahapon?
"Thank you po..." sabi ko sa nurse.
"Baby..." Ulrich whispered.
Napako ako sa kinatatayuan ko.
Napatingin naman sa akin ang nurse.
"Don't leave me, baby..."
Tumalikod na ako saka lumabas ng clinic. Yumuko ako habang dahan-dahan na naglalakad. Gusto ko pa sana siyang balikan pero minabuti ko na lang na huwag na. Kailangan niya lang magpahinga para bumuti ang kalagayan niya.
Today is the last day of finals. Nakahinga kami nang maluwag kinahapunan. Sa wakas ay tapos na rin ang hell week! We are finally free!
"Sama ka, Rizzie?" tanong ni Cams.
"Saan?"
"Bar. Celebration!"
Napangiwi ako. "Ayoko. Mas gusto kong mag stay sa bahay. Nakakapagod ng utak ang linggong 'to!"
"Gaga kaya nga magchi-chill sa bar, hindi ba?" Inikutan niya ako ng mga mata. Niyugyog niya pa ang mga balikat ko. "Sige na!"
I sighed. "Fine. Sunduin mo ako ah?"
"Yes!"
Bago mag-uwian ay dumaan muna ako sa office ni Ulrich. Nakakandado na ang pinto. Ibig sabihin lang no'n na umalis na siya.
Bumagsak ang mga balikat ko. Or maybe they just decided to send him home? Maayos na ba ang pakiramdam niya? I hope so.
Umuwi na rin ako. Wala pa si Ate Sarah. Alam ko naman kung bakit. Tiningnan nila ang bahay na titirahan niya na malapit sa bagong school kung saan siya magtuturo. Baka gabihin na rin 'yon.
Dahil tinamad akong magluto ay nag-ulam na lang ako ng de lata. After I finished my food, naligo na rin ako saka nag-ayos ng sarili. I wore a white off-shoulder blouse paired with my favorite faded blue ripped jeans. Magiging maingat na lang ako para hindi matapunan ng alak.
At precisely 7 p.m, sinundo ng hindi familiar na sasakyan. The side window from the front seat rolled down. Kumaway sa akin si Cams. Sa gilid niya ay si PJ na nakangiti rin sa akin.
Pagkapasok ko sa backseat ay pinaandar agad ni PJ ang kanyang sasakyan. Inayos ko ang damit ko bago tumingin sa harapan. Dumaan sa gitna ng mga upuan si Cams para tumabi sa akin.
"Whoa. Babe. Careful." PJ slowed down his driving.
"Have you heard the news?" tanong ni Cams nung maupo sa tabi ko. She sounded excited and disappointed at the same time.
"Huh? I'm not sure," sabi ko naman.
Nakita kong napailing si PJ.
"Ulrich has a girlfriend..." Cams said.
Natigilan ako. "R-really?"
She nodded. "Unfortunately..."
"Huh? Kung masaya naman siya, wala naman 'yong problema, hindi ba?" sabi ko pa. "Saka. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagka-gf siya, hindi ba?"
"He had two before his current one," ani PJ na nakatingin sa rear view mirror. "Three if I would include you."
"Babe..." Cams warned.
Tumawa lang si PJ.
"Rizzie..." Sumandal sa balikat ko si Cams.
"Hindi ako pwedeng magtagal," pag-iiba ko sa usapan. "Babawiin ko ang kulang na tulog ko."
Hanggang sa makarating kami sa bar ay wala na rin akong kibo. Nagsalita lang ako nung makita sina Art, Roland at Jessie sa entrance. May kaakbay na babae si Art.
"Girlfriend mo?" tanong ko. The girl smiled at me, so I smiled back.
"Hindi po," the girl giggled. "Actually, we just met a while ago."
"They kissed," biglang sabi ni Roland.
"Yikes," Cams whispered.
Narinig 'yon nung babae kaya agad niyang inalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Art. Mukhang nahiya pa nga siya, eh.
"Let's get in?" aya ni Jessie.
I would only have five glasses. That's what I said to myself. Pero wala pang isang oras ay nakawalo na yata ako. Habang patagal din nang patagal ay tumataas din ang alocohol tolerance ko kaya hindi ako agad nalalasing.
I tucked some strands of my hair behind my ear. Sinulyapan ko kaming mga natira sa table. Kanina pa nakatutok sa cell phone si Jessie, walang kibo. Si Roland naman ay naglalaro ng online games. Tanging sila PJ, Cams, Art at yung babae ang nasa dance floor.
I sighed. "Finally. Tapos na rin ang exams!"
Umangat ang tingin ni Jessie sa akin.
"Yep." He finally dropped his phone. Sumandal siya sa upuan. "Mas makaka-focus na ako sa goals ko. I will be more active on my social media accounts."
"Do you play online games, Jess?" tanong ni Rol.
Tumango naman si Jess. "Sometimes..."
"Sali ka sa clan namin!"
"Sure. Invite niyo na lang ako."
Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko. Bumuntonghininga si Art bago kumuha ng alak at nagtagay para sa kanya.
"Where's the girl?" tanong ko.
"Umuwi na," sagot ni Art bago nilagok ang alak. "Wala 'yon. Hindi ko rin naman alam ang pangalan niya."
"Alviona," biglang sabi ni Jess. "That's what I've heard. Sinabi niya sa 'yo kanina, hindi ba?"
Art sighed. "Hindi ko narinig..."
"Oh. But that's what I've heard."
"Yeah?" Art shook his head.
Tumunog ang cell phone ko kaya tiningnan ko ito. Ate Sarah sent me a message. Nakauwi na rin pala siya sa bahay. She told me to go home immediately. Mukhang excited siyang ikwento sa akin ang titirahan niyang bahay. Ang una kong narinig ay malapit 'yon sa beach.
"Wait. Is that Ulrich?"
Sinundan ko ang tinitingnan ni Art. Sa isang lamesa ay nakita ko si Ulrich. May hawak siyang baso ng alak sa isang kamay at ang isa naman ay nakaabay sa babae. May binulong siya sa babae kaya humagikgik ito.
"Kanina pa siya rito?" tanong naman ni Rol. "Hindi ko siya napansin."
Nakita kong nilapitan sila nina Cams at PJ. Nakangiting bumati ang babae sa kanila. Si Ulrich naman ay tumango lang. Hinampas ni Cams sa balikat si Ulrich kaya agad siyang inawat ni PJ.
"So... that's his girlfriend..." I whispered.
"Girlfriend? Ulrich has a girlfriend?" gulat na tanong ni Jessie. "Hindi ba wala naman siyang nababanggit sa atin? Matagal na?"
"May girlfriend si Rik?" Even Roland was confused.
"Tangina talaga ng magbabarkadang 'to. Ang bibilis sa babae." Humalakhak si Jessie kaya napatingin sa kanya si Art.
Roland decided to approach them. Sumunod naman si Art. Inaya rin ako ni Jessie na lapitan sila kaya wala rin akong nagawa. Pinaligiran nila ang dalawa. Ako naman ay nasa likod lang.
"Victoria," I heard the girl introduced herself. "Kayo po ba 'yung friends ni Ulrich?"
"Sino ka?" dinig kong tanong ni Rol.
"Gago. Rol. Easy," tumawa si PJ.
"Hindi nga? Hindi kita kilala," dagdag pa ni Roland.
"Ah. I'm from other university. Nagkakilala kami ni Ulrich nung meeting. I am also part of SSG Officers. My name is Victoria Hermosa."
Sumilip ako sa kanila. Nakaakbay pa rin sa kanya si Ulrich. He doesn't look pleased that his friends are surrounding him. In fact, he looked annoyed.
"So... what's your relationship with Ulrich?" tanong ni Cams.
"She's my girlfriend," diretsong sagot ni Ulrich. "Now, can you leave us alone? You are ruining our moment!"
Ako na ang naunang bumalik sa table namin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Natutuwa ako dahil ngayon ay napatunayan ko na hindi talaga naapektuhan si Ulrich sa nangyari sa amin. Pero... gano'n lang ba kadali?
Tumingin ako uli sa kanila. Hinawi ni Ulrich ang kanyang mga kaibigan. Tumayo sila at iniwan ang lamesa na 'yon. Agad kong napansin ang braso niyang nakahawak sa bewang ni Victoria.
Nagsalin ako ng alak saka uminom.
I guess it's really time to give it up. Hindi ko na dapat siya iniisip. Hindi ko na dapat siya inaalala. Looking at him now, I could say he looked better than the last time I saw him.
That night, I've decided to let go of my worries.
Isang araw, pagkapasok ko sa school ay sinalubong ako ni Camila na tili nang tili. Napapatingin din tuloy ang ibang estudyante sa kanya. Niyugyog pa niya ang mga balikat ko hanggang sa naiyak na siya.
"What happened?" tanong ko, kinakabahan.
Sa halip na sagutin ay hinila niya ako sa bulletin board. Pinaliligiran 'yon ng mga estudyante. Hinawi ni Camila ang mga estudyante hanggang sa mapunta kami sa harapan.
Oh. These were the results of the final exam!
My name was in the tenth spot.
"Congratulations, Rizzie!"
Napangiti ako. All I wanted was to at least get a higher grade than my previous one. Wala sa plano ko ang mapasali sa mga top achievers. But... I did it!
"Ulrich fell..." dinig kong bulong sa likod.
Tiningnan ko ang top one. I gasped when Miss Hailey got the top stop. Ulrich wasn't in top two either. Not in the top three or four. He fell from top one to top seven.
"I heard he didn't get to finish some of his exams," bulong sa akin ni Cams.
Bumagsak ang mga balikat ko. So... hindi nga siya nag-exam?
I should be celebrating my achievement, pero hindi ko magawa. Ito na ba ang pinakamababang grade na nakuha niya sa buong buhay niya? I don't even remember if his name dropped from the top one.
Walang gana na umalis ako sa kumpulan na 'yon.
"Rizzie..." Hinaplos ni Camila ang braso ko.
I felt a pang of guilt in my chest.
I guess I got it wrong all this time.
While I was soaring high, he was falling deep.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro