Chapter 36
Chapter 36: Fireworks
I stood still, containing my exploding feelings. Parang nagkabuhol-buhol bigla ang mga nasa isipan ko sa mga sandaling ito. That cause a tremble on my nerves. Hindi ko pa man siya nakakaharap pero naiiyak na ako.
"Samahan na kita." Kinawit ni Camila ang braso sa akin. Naramdaman ko pang pinisil niya ang braso ko. "Relax, Rizzie. I'm here."
I swallowed the lump in my throat. Guess I don't have any choice anymore. Sa tingin ko naman ay walang sino man dito ang nakakaalam sa tunay na nangyari sa amin ni Ulrich. Hindi ko lang alam kay Roland.
I just need to act like nothing ever happened between us. It won't be easy, but for the sake of my sanity, I should.
Habang palapit kami nang palapit sa harapan ng bahay namin ay patuyo nang patuyo ang lalamunan ko. I was holding my breath until I saw the white SUV parked outside.
Nag-uusap sa gilid sina Ulrich at Chester. They were all wearing summer attire. Si Amanda naman ay nag-selfie muna habang hawak ang isang kulay pulang lobo na hugis puso.
"Rizzieee!" Amanda screeched my name that moment she saw me. Agad siyang pumasok sa gate namin at patakbong lumapit sa akin.
"Here goes the blonde woman," Cams groaned.
"Happy birthday, sissy!" Amanda pulled me into a tight hug. Napasinghap pa ako dahil parang pinanligo niya yata ang kanyang pabango. "Oh, my God. Welcome to adulthood!"
I forced a smile on my face. "Thanks."
She removed her shades to gaze at our house. "Ang cute naman ng bahay niyo. Maliit lang pala ang space 'no? I see. Kaya hindi kasya ang pool."
"Where's your gift?" tanong ni Cams.
"Of course, I have!"
"Happy birthday, Riza." Chester next approached me. He was wearing his soft smile flashing his perfect set of white teeth. "I'm delighted to celebrate your birthday as your brother."
"Same. But as a twin!" Amanda giggled. "Wait. Let me just get my gifts. Can you help me, Camila? Medyo marami kasi, eh."
"Eh kung 'yang nguso mo ang—"
"Cams. Please?" Ate Sarah has also appeared beside us.
"Okay, Ate Ganda. Tara na nga!"
"Ate Sarah!" Magiliw na sinalubong din ni Amanda si Ate Sarah. Gaya ng ginawa niya sa akin ay niyakap niya rin ito. "I miss you po."
"Amanda. Your gifts!" ani Cams.
"Fine!" Nakasimangot na tumalikod si Amanda para kunin ang mga regalo niya sa sasakyan. Sumunod naman agad sa kanya si Cams. Napansin kong nagtalo pa ang dalawa.
"Halikayo. Nasa likod sila," pag-aya na ni Ate Sarah.
Naunang umalis sina Ate Sarah at Chester. Hinintay ko naman sina Cams at Amanda na kinukuha pa rin ang mga regalo sa sasakyan.
I roamed my eyes around. I can't see him. Dumiretso na ba siya sa likod?
Suminghap ako ng hangin. That's better, I think?
Hindi nagbibiro si Amanda nung sinabi niyang marami siyang regalo sa akin. Mga dress na pinaglumaan niya. May mga bago rin na pinabibigay raw ni Tita Marinelle. May mga price tag pa nga.
"Change your dress, Rizzie. Try mo 'tong fuchsia pink!" tulak sa akin ni Amanda. "I only wore it once. Nung lumabas lang kami minsan ni daddy."
"Okay..." sabi ko na lang.
Habang nagsusukat ako, si Camila ay nakasandal lang sa ulunan ng kama ko. Nakahalukipkip ito habang pinapanuod kami. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko pa itong umiirap.
"I think I like the cyan dress better," tukoy ko sa sinuot ko bago itong pulang dress. I really find bright colors for dresses unpleasant in the eyes. I prefer the light ones. Ang refreshing ng vibes.
"Oh? Sure." Kinuha ni Amanda ang cyan dress at binigay sa akin. Tinulungan niya akong hubarin ang suot ko para masuot ang napili ko.
Camila excused herself. Pupunta muna raw siyang restroom. Mukhang nainip sa kahihintay sa amin. Kaming dalawa ni Amanda ang natira sa kwarto ko. Pansin kong nangangawit na ito pero hindi man lang umuupo sa kama ko.
"Hindi marumi ang kama ko. Pwede kang maupo, Amanda," sabi ko habang nagsusuklay sa harapan ng salamin. "Ikaw rin. Baka mangawit ka."
Amanda frowned. "No, thanks. Galing ako sa labas. I don't like touching beds with my outside clothes."
"Uh. Okay?" I just shrugged my shoulders. "Let's go?"
"Hindi ka pa binati ni Ulrich, hindi ba?" may halong pagtataka sa boses niya. "I waited for him to approach you. Lumiko lang siya saka na pumasok."
That question caught me off guard. Parang may pumiga sa dibdib ko nang maalala na narito nga pala si Ulrich. He's here, but I can't feel him.
"He did. Through text message," sabi ko na lang. Sinuot ko na uli ang sandals ko.
"Bakit siya sumabay sa amin?" sunod na tanong niya.
"Malay ko. Why didn't you ask him? Magkasama kayo sa sasakyan, hindi?" Sinubukan kong hindi pahalatang iritado na sa mga tanong niya. "Come on, Amanda. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay alam ko ang nangyayari sa kanya."
"Whoa. Easy..."
"Girls. Ano na?" Sumilip si Camila sa pinto. "Inubos na ng mga boys ang ihaw na pagkaintapos kayo nandito pa rin. Can we start the party now?"
Umirap si Amanda at naunang lumabas ng kwarto. Saka naman tuluyang pumasok si Cams. Napansin niya agad na may mali sa akin.
"What did she do?" iritang tanong nito sa akin.
Umiling ako. "Nothing."
"Okay? Let's go? They are all waiting for the announcement!"
Napalunok ako. Oo nga pala. I will officially announce today my real identity. Dumagdag 'yon sa panlalamig na nararamdaman ko.
I was feeling cold but ironically sweating. My anxiety was messing with my thoughts. I had already prepared my speech last night, but I couldn't remember a single word now.
Naabutan kong naghahabulan sina Art at Jessie. Nagbabasaan sila ng tubig gamit ang water gun. Sa isang banda naman ay nagtatawanan sina Ate Sarah at Amanda. Si PJ ay nakasimangot at mag-isa sa pool. Hindi ko na nilingon pa ang isang lamesa kung nasaan sina Chester at Roland at Ulrich.
"Rizzieee!" Tinutok sa akin ni Art ang kanyang water gun.
"Stop!" Hinarang ko ang kamay ko para hindi niya mabasa ang mukha ko pero nakisali naman si Jessie. "Jess! Bago pa lang ang dress ko!"
"That's my gift!" proud na sabi ni Amanda.
"Guys!" Camila clapped her hands to catch their attention. Tumikhim pa siya bago nagsalita. "Aside from today is Riza's birthday, she has some announcement to make."
"Engaged ka na?" biglang tanong ni Art kaya binatukan siya ni Jessie.
"She's my sister!" biglang sigaw ni Amanda.
"Shut up, Amanda!" Camila shrieked at her. Napapadyak pa sa dismaya ang kaibigan ko. "Did you really have to ruin the moment? What a loser!"
Tumawa lang si Amanda. She looked proud of what she did. I mentally cursed her. How could I live with such a childish person?
"What? Sister?" Umahon sa pool si PJ. He was topless and soaking wet. "Sister by blood, or you mean friendship?"
"Tell them now, Rizzie." Tinapik ni Camila ang balikat ko bago tumabi kay PJ. Mabilis naman na gumapang ang kamay niya sa balikat ng kaibigan ko.
They were all now staring at me. Huminga ako nang malalim bago pinagsalikop ang mga kamay. Gamit ang lakas ng loob ay isa-isa ko silang tiningnan.
"Pause muna nga!" Mahinang hinampas ni Jessie ng water gun sa ulo si Art nung bigla siyang barilin nito ng tubig sa mukha.
I shifted my gaze at my sister. Nakangiti siya sa akin. Mahina siyang tumango.
Suminghap ako bago tumingin sa isang table. Chester was giving me the same vibe as my sister, gentle and assuring smile. Ulrich and Roland were having a conversation. Si Roland lang ang nakatingin sa akin.
That's right. Just ignore me, Rik.
"As you know, lumaki akong walang kinikilalang ama," panimula ko. "Hanggang sa mamatay si Mama ay hindi niya nabanggit sa akin kung sino. Kamakailan ko lang din nalaman ito. It was a shock, but my father is none other than Mr. Megardon."
I heard gasps around. Finally, I have said it. Bahagyang lumuwang ang paghinga ko. Sa dami ng tinatago ko ay nakakatuwang may isa na rin akong nailabas.
"What the fuck? Kuya mo si Chester?" Natawa si PJ kaya hinampas siya sa balikat ni Camila "What? I just find it funny!"
"Not now, babe..." Sumimangot si Cams.
"Fine. Sorry." He kissed her cheek. Kinilig naman ang kaibigan ko. "Do you want to swim?"
"Later..." Umirap si Cams.
"That's right." Chester stood up, too. "Riza is our missing sister. Ngayon na alam na namin ito, titira na siya sa amin. Babawiin namin ang mga pagkakataon na hindi namin siya kasama."
"Whoa. Whoa. Wait lang." Pumunta sa harapan ko si Jessie. Nakakunot ang noo nito. "Paano'ng ngayon lang namin ito nalaman?"
"Kamakailan lang din naman namin nalaman, Jess," sagot ni Ate Sarah. "Well, si Riza pala. Matagal ko nang alam ang bagay na ito. Magkaiba kami ng ama ni Riza."
"Sobrang ganda siguro ng mama niyo." Mapaklang tumawa si Amanda. "I mean... imagine, two children with two different m—"
"Ngayon na alam niyo na," putol ni Chester sa kanyang kapatid. "Can we start the party? Hapon na, oh! Sayang ang oras!"
"Rizzieee!" Nagbato ng water gun si Jessie at agad ko naman 'yon nasalo. "Game!"
Naglalaro kami ng water gun nila Jessie at Art. Sumali rin sa amin si Amanda. Sina PJ at Cams naman ay pinagtitiyagahan ang inflatable pool. Sina Ate Sarah naman at Chester ang pumalit sa pag-iihaw. Si Amanda ay may kausap sa cell phone. May sariling mundo sina Ulrich at Roland.
Sandali akong tumigil sa pagtakbo para habulin ang napatid na hininga. Basang-basa na rin ang damit ko. Lumapit muna ako sa ihiwan para kumuha ng makakain.
"Grilled shrimp." Inabutan ako ni Chester.
"Thanks." I took a bite. "Ako na muna ang mag-iihaw." Kinuha ko sa kanya ang tong.
"You sure?"
I nodded. "Pahinga muna ako. Napagod ako katatakbo."
Tumawa si Chester. Ginulo niya pa ang buhok ko bago tumabi kina Ulrich at Roland. Napansin kong wala ng damit pang itaas si Ulrich.
"Gago umihi ka ba sa pool, Art?" dinig kong tanong ni PJ.
"Huh? Bawal ba?"
Sa isang banda ay nakita kong pumasok muna sa loob si Ate Sarah.
"What the— yuck!" Mabilis na umahon sa pool si Cams. "Kadiri ka, Art!"
Ngumisi si Art. "Konti lang!"
"Jae. Tayo na!" udyok ni Cams kay PJ na nanatiling nakaupo sa pool.
Lumunok si PJ saka umiling.
Humalakhak si Art. "Kita mo? Gustong-gusto ni PJ 'yung maligamgam na tubig!"
"Fuck you, Art!" Sinipa ni PJ palayo sa kanya si Art.
"Babe... it's dirty na!" iritang saad ni Cams.
"I can't." PJ pouted his lips. Nginuso niya ang baba niya. Mabilis naman 'yon na naintindihan ni Cams. "Give me a minute, babe."
"Rizzie." Nilapitan ako ni Amanda. "Pakipahiran naman ako ng sunblock sa likod."
Binitiwan ko ang tong para kunin ang sunblock sa kanya. Naglagay ako sa palad ko saka pinahiran ang kanyang likod. Sobrang kinis talaga ni Amanda. Mestisa kaya namumula ang balat kapag nababad sa araw.
"Ulrich isn't talking to you," she whispered.
Hindi ako kumibo. What about it? Hindi ba mas gusto niya 'yon?
"4 p.m na pala!" Jessie announced.
"Magbabanlaw na ako," sabi naman ni Cams. Uminom muna siya ng juice bago pumasok sa loob. Napansin kong susunod sana si PJ pero tinaasan ko siya ng kilay. Napakamot ito sa batok. Umupo na lang siya sa tabi nila Chester.
"Hanggang 5 lang pala ako," ani Amanda.
"Ihahatid kita, Amanda." Si Chester na nag-aalis ng damit. Malamang na nainitan na rin siya gaya ng iba.
"Nah. Mag taxi na lang ako, Kuya," sagot naman ni Amanda.
"You sure?"
Amanda nodded. Suminghap siya. Agad kong napansin na bigla siyang nawalan ng gana kanina. Actually, nung nasa kwarto pa lang kami at nagpapalit ay pansin ko na wala siya sa mood.
"May kukunin lang ako sandali sa sasakyan," pagpapaalam ni Amanda.
Naiwan ako sa ihawan. Kumuha sandali ng pagkain sa akin si PJ bago nilapitan ang inflatable pool niya para iligpit. Tinulungan naman siya ni Jessie.
Yumuko ako sa iniihaw ko. Tinabi ko ang mga luto na saka nagdagdag. May isang anino ang tumapat sa harapan ko kaya napaangat ang tingin ko.
"Meron pa bang grilled shrimp?" tanong ni Ulrich.
That was the first time he talked to me today. Pero tila lumundag ang puso ko sa sobrang saya. Kumuha ako ng tatlong grilled shrimp saka inabot sa kanya.
"Balik ka na lang kapag gusto mo pa," sabi ko.
He nodded. Bumalik na siya sa table nila.
"Guys!" Napatingin kami kay Art na may dalang malaking speaker. "Nakahanap na ako ng romantic songs sa Youtube. We can continue our original plan!"
"What plan?" tanong ng kararating lang na si Cams. Nakapagpalit na rin ito ng damit. Tumabi siya sa akin para kumuha ng ihaw.
"Rik, come on!" Art frowned. "Hindi ba plano mong isayaw ni Riza ngayong birthday niya? Our first plan horribly failed. Ituloy natin!"
Holy shit.
"Uhmm. Tayo na lang kayang lahat?" suhestyon naman ni Roland.
I shook my head. "No. I'm fine, guys."
"Baby sis..." Biglang sumulpot sa harapan ko si Ate Sarah. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila sa gitna. "Are you having fun?"
Art played romantic music on his speaker.
I smiled. "Sobra..."
Bahagya niyang ginalaw ang katawan namin kaya sinabayan ko na lang siya. Inikot niya ako sa kanya saka niyakap nang mahigpit.
"You are a lady now, but you will always be my baby sis..." bulong niya sa akin. Hinarap niya ako sakay hinawakan ang mukha ko. "Mahal na mahal ka ni Ate Sarah. I am proud of you, always."
Naluha na ako nang tuluyan.
Pinaragasa niya sa braso ko papunta sa aking kamay ang kanyang pagkakahawak. Saka niya ako muling inikot sa kanya.
She pulled me closer. Nilapit niya sa mukha ko ang kanyang mukha. Nakangiti niyang hinalikan ang magkabila kong pisngi at huli ay ang aking noo.
Sa pagbitiw ni Ate Sarah ay nakaabang si Camila. Natawa ako dahil umiiyak na pala ito. Pabagsak na hinila niya ako saka niyakap nang mahigpit.
"Pwede na tayo sa mga bar, Riza," bulong niya.
I laughed. "Iyan lang talaga ang hinihintay mo, 'di ba?"
"You've come too far, Rizzie. Alam kong mas malayo pa rito ang maaabot mo. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako, ah? Lagi lang akong nakaabang kapag nadapa ka para may tawanan ako."
"Oh, I love you more, best friend..."
"Cams. Ako naman!" ani Jessie.
"Ayoko pa!" Cams didn't let go of my hand.
"Hays. Kanina ka pa!"
"E 'di tatlo na lang tayo. Pwede naman 'yon, 'di ba?" nakasimangot na suhestyon pa ni Camila.
Wala ring nagawa si Jessie. Hawak nilang dalawa ang magkabila kong kamay. Paghinigit ako ni Jessie ay hihilain ako pabalik ni Cams. Natapos nila akong isayaw na sumakit ang mga braso ko.
Someone held my hand. I smiled at Amanda.
"Happy birthday, Riza."
"Thank you, Amanda."
"Wala na akong ibang sasabihin. Just to talk to him, please? Thank you." Saka niya agad binitiwan ang kamay ko para lumapit kay Ate Sarah.
Sunod na sinayaw ako ni Chester. I didn't expect him to make me cry. Sinabi niya sa akin na kapag may nang-away sa akin ay sabihin ko sa kanya kasi reresbakan niya. Ngayon ay mas napagtanto ko kung gaano kasarap magkaroon ng kuya.
PJ also danced with me. Binigay niya sa akin ang kanyang regalo. It was a gold bracelet. Narinig ko pa ngang sumigaw si Amanda dahil ang mahal daw no'n. I am not really into pricey stuff, and I don't see myself wearing this bracelet every day, but I appreciate it.
Sandali lang akong naisayaw ni Art dahil natatae na raw ito. Iniwan niya ang cell phone niya sa lamesa saka na nagmadaling pumasok sa loob.
Next was Roland. Kinabahan ako dahil isa na lang ang natitira.
"Nagustuhan mo ba 'yung gift ko, Rizzie?" tanong ni Roland.
"Oo. Nakakagulat nga ang regalo mo," panunuya ko pero mukhang hindi naman niya 'yon naintindihan dahil mas lalo lang lumapad ang kanyang ngiti.
"Sabi ko na magugustuhan mo 'yon eh," proud pa niyang sabi. "Anyway... happy birthday, Riza. Salamat kasi nakilala kita. Friend na tayo ah?"
Nakangiting tumango ako.
The moment he let go of my hand, someone held it. Ulrich wrapped his arms around my waist. Saka niya ako hinigit palapit sa kanya. He moved his lips closer to my ear.
"Happy birthday, Riza..." he whispered.
I swallowed. "Thank you, Rik."
Bahagya niyang ginalaw ang mga katawan namin habang nakayakap pa rin siya sa akin. Doon ako bumigay. Pinahinga ko ang ulo ko sa kanyang dibdib.
"I'm sorry..." I mumbled. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. "I'm really sorry, Ulrich."
"I understand, Riza. Ayaw mo lang na malaman nila, hindi ba?" bulong niya saka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Kung sinabi mo kay daddy na pwede sila ng ate mo, pwede pa rin naman tayo, hindi ba? Kahit na patago lang..."
"Rik..." Suminghap ako.
"I understand. We can love each other secretly, baby. Just... please... don't leave me." Bumigat ang kanyang katawan. "Okay na ako sa patago. Okay na ako kahit na hindi nila malaman kahit na kailan. Okay lang kahit na tayo lang ang nakakaalam. Just... please, don't push me away, baby."
Napapikit ako nang dumulas sa mga mata ko ang luha. Bahagyang umawang ang mga labi ko nang mahirapan akong huminga dahil sa sikip ng dibdib ko.
Hinarap niya ako sa kanya. Nakangiti na siya.
He kissed my forehead. Napapikit ako.
"I love you, baby. I am just here."
Pagkabitiw ni Ulrich ay kinailangan kong pumasok muna sa bahay. Dinahilan ko na lang na magpapalit na ako ng damit. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay tuluyan na akong humagulgol.
No. This is not right. Kung magpapatuloy kami, lalo lang kaming masasaktan. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya. Kailangan niyang malinawan.
I took a quick bath. Nung makapagbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto. Naabutan kong papasok si Ate Sarah galing sa likod. Napansin ko agad na parang hindi maganda ang pakiramdam niya.
"Ate..." Hinawakan ko ang braso niya. "Ayos ka lang?"
"Sumakit ulo ko, baby sis. Itutulog ko muna."
"Ikukuha kita ng gamot—"
"Hey, I'm fine," pigil niya sa akin. "I just need to take some rest. Ikaw na muna ang bahala sa mga kaibigan mo. Happy birthday, baby sis."
My sister kissed me on my cheek before getting in her room. Nilabas ko na lang ang mga kaibigan ko. Nakakumpol na sila sa iisang lamesa. Oh. Akala ko nagbibiro lang si Camila nung sabi niyang sagot niya ang inuman. Nagdala nga siya ng mga alak.
"Dito ka, Rizzie!" Cams patted the vacant space beside her.
Umupo ako. Agad akong tinagayan ni Art.
"First shot ka dapat birthday girl," sabi pa niya.
I took the shot and gulped it. Napapikit ako nang gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan ko. Kumain ako agad ng pang-alis ng pait.
"Where's Amanda?" I asked.
"Oh, umalis na. Hindi ba siya nagpaalam sa 'yo?" tanong ni Chester.
Umiling ako. Anyare kayo sa isang 'yon?
"But, yeah. Nauna na siya."
"Sa Monday na ang final exam!" biglang sabi ni Roland.
Everyone groaned. Natawa ako. Nagkakasiyahan kami tapos bigla niyang ipapaalala ang exam week. Pangit talaga ka-bonding minsan ni Rol.
"Excited na ako sa summer!" Umakbay si PJ kay Camila. Sinandal naman ng kaibigan ko ang kanyang ulo sa balikat nito.
My eyes shifted at the guy beside Roland. Naabutan kong nakatitig din sa akin si Ulrich. Ininom niya ang kanyang alak habang nakatingin sa akin. Pumungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin.
I looked away. Kahit na hindi para sa akin ang nakahandang shot ay kinuha ko na lang. Tumuwid ako ng pagkakaupo saka tumikhim.
"Ganado ah?" puna sa akin ni Art.
"Lahat na lang napupuna mo, Arthur," pagsusungit ni Jessie. "Magtagay ka na nga!"
"Selos ka naman." Humalakhak si Art.
"Epal ka kasi, Art," ani Rol.
"Aw. Grabe ka naman sa akin Papi Rol. You hurt my feelings." Humawak pa sa dibdib si Art na para talagang nasaktan.
Habang palalim nang palalim ang gabi ay paubos din nang paubos ang mga alak. Hindi na ako uli kumuha ng shot. Napansin kong gano'n din si Ulrich. Nalalasing na ang lahat pero lang sa amin.
"Hey. What's wrong?" I heard PJ ask.
Napatingin ako kay Cams. Umiiyak pala ito.
"R-restroom lang ako." Tumayo na si Cams. Mabilis na inalalayan siya ni PJ nung aktong matutumba ito. "Get off me!" Hinawi niya ang kamay ni PJ.
"What? You can barely walk!"
"Huh!"
Kahit na ayaw ni Camila ay sinundan pa rin siya ni PJ. Nakaalalay lang ito sa likod ng kaibigan ko. Naguguluhan ako sa kanila. Parang gusto nila ang isa't isa na hindi.
I also noticed that I don't longer see PJ with other girls. Gusto kong isipin na seryoso na talaga siya kay Cams, pero nagdududa pa rin ako.
"Wow, fireworks!" Roland gasped while staring at the sky.
Natulala ako sa iba't ibang kulay na sumasabog sa kalangitan. Wait, fireworks? Sa pagkakaalam ko ay wala kaming biniling fireworks.
I shrugged my shoulders. Baka may malapit na event din dito at sa kanila galing ang mga makulay na paputok. Still, I caught myself smiling while watching every colorful explosion of it.
I thought it was just ordinary firecrackers that they lit to lighten up the sky until the particles of fireworks had aligned to spell out something.
"Happy birthday."
Nanayo ang mga balahibo ko.
"Baby..."
My eyes dropped at the guy watching me. I caught him smiling at me. However, his eyes were glimmering sadness and longing.
"Happy birthday baby raw, nakita niyo?" tanong ni Art.
"Saan?" tanong ni Jess.
"Sa fireworks!"
"Tanga. Lasing ka na yata."
I stared at Ulrich until my tears fell on my cheek. Wala sa sariling napatayo ako at naglakad palayo. Imbes na dumiretso sa loob ng bahay ay dumaan ako sa isang sulok papunta sa ibang bahagi ng malawak naming bakuran.
May humawak sa braso ko. Natigilan ako at madiin na napapikit. I bit my bottom lip to suppress the emotions that are eating me up.
"H-hindi mo ba nagustuhan?" tanong ni Ulrich. "I'm sorry."
Lumunok ako saka lakas-loob na humarap sa kanya. Napansin kong tila nasindak pa siya sa biglaan kong pagharap.
"A-are you mad at me, baby? Hindi mo ba nagustuhan—"
"Ulrich..." Madiin ko siyang tinitigan. "My sister has feelings for your father. She just had to stop it because of me. Because of this stupid game we started!"
"I don't know that and I don't care." Binitiwan niya ang braso ko saka bahagyang umatras. Pilit niyang tinakpan ng ngiti ang sakit na nararamdaman. "Pero kung tama ka, ano naman ngayon?"
"Ano naman ngayon? Do you hear youself, Rik? We ruined them!" Bahagya kong tinulak ang kanyang dibdib. "We just made things more complicated! Kung hindi sana tayo nakialam, hindi naging ganito kakomplikado ang lahat. Kung hindi—"
"Dahil ba minahal kita? Iyon ba ang nagpakomplikado ng sitwasyon natin?"
No! Because I loved you, too!
"Riza..." Humakbang siya palapit sa akin kaya umatras ako. "Pwede naman nating itago, hindi ba? Gaya ng dati. Gaya ng nakasanayan natin. Please? I won't ask for more. I will be more careful."
I shook my head. We can't be together anymore.
"I'm sorry, Rik."
"So..." Lumunok si Ulrich, tila nahihirapan na rin sa pagsasalita. "What should I do just to keep you, baby? Tell me."
"We failed, Rik. Our game is over. Wala ng rason para ipagpatuloy natin ito." I forced a smile on my lips. "We just have to accept that... we can't be together."
"We can!" giit niya. "As long as we love each other—"
"What? For as long as I know, we are just pretending!"
Natigilan siya. Kumunot ang noo nito kasabay ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Suminghap siya saka umiling.
"No. You are just scared. I know, Riza. It's fine. Baby, it's fine. I got you, okay?" Hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko ang panginginig niya. "Pwede naman nating itigil muna ito, hindi ba? Pwede pa tayo. Not tonight. Probably not this year. Pero next year? After three years? After college?"
Hinawakan ko pabalik ang kanyang kamay. Dadan-dahan ko 'yong inalis sa akin. Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha niya.
"This is where it all ends, Ulrich. We can still be friends. But... not..." I shook my head.
"H-how about our future?"
"We can still pursue it. What do you mean?" I sobbed. "Hindi naman dito nagtatapos ang buhay natin, Rik. Hindi rito nagtatapos ang lahat."
"G-gano'n na lang ba?" Umawang ang mga labi niya para huminga nang maayos. He shook his head. "No. I know you love me, too. You said it. I felt it. It's just you can't choose me now, right? It's fine, baby."
"I can't choose you because you are not even in the options, Rik. Umpisa pa lang ay alam mong ang gusto ko lang ay iligtas si Ate Sarah. Pumayag lang ako dahil sa kanya."
"Stop!" His voice cracked. "So... you lied to me?"
Hindi na ako nakasagot.
"You lied just to keep me? Just so you can use me?" may halong pait na tanong nito. "Kaya ngayon na hindi mo na ako kailangan ay iiwan mo na ako?"
I had no choice but to nod.
"I'm sorry..."
"I get it. I understand." He nodded. "I am mad at you. Pero hindi dapat. Nahibang lang ako. Masyado akong nalunod sa kaisipan na baka totoo ang lahat. Pero sana..." Humikbi na rin siya. "Sana pinigilan mo na ako nung mga panahon na binubuo ko na ang kinabukasan ko kung saan kasama kita. Sana sinampal mo na ako ng katotohanan. Kasi ngayon... hindi ko na alam."
"Rik. We can still pursue our dreams..."
"But not together."
"Still..."
"You made my future so clear that I almost believed it's real," he whispered.
"Riza?" narinig kong tinatawag na ako ni Cams.
"But I have one last question..." He gulped. Tumingin siya diretso sa aking mga mata. "Ni minsan... kahit na ilang segundo lang... nagustuhan mo ba ako?"
"C-crush kita. Totoo 'yon, Rik."
Natawa siya. Pinunasan niya ang kanyang mga luha.
"Pwede na 'yon. Kesa sa wala, 'di ba?" tanong niya.
"I'm sorry, Rik."
"C-can I hug you? Last na 'to..."
Humakbang ako palapit sa kanya saka siya niyakap. Niyakap niya rin ako nang mahigpit. Napapikit ako nung halikan niya ang ulo ko. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at dinala ito sa kanyang buhok.
"Maghihintay pa rin ako, Riza. I can wait. Baka sakaling bukas ay pwede na, hindi ba? But for now... I don't think we can stay friends after this. Masakit kasi, eh. Sana maintindihan mo ako."
I nodded. "I understand, Rik."
"Happy birthday, Silly Girl."
When the fireworks disappeared from the sky, he was gone, too.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro