Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Chapter 35: Guests

I had to stop my bike to wipe my tears. Isang malakas na hikbi ang lumabas sa bibig ko habang hinahawi ang luhang nagpapalabo sa mga mata ko. Maging ang mga kamay ko ay hindi masyadong mahawak nang mahigpit.

He did nothing to deserve the pain I've caused him. Ang makita siyang umiyak ay ang pinakasukdulang sakit na naranasan ko matapos mamatay ni Mama.

He's still here, but it felt like I already lost him.

"Are you okay?" someone asked behind me.

I turned to Roland. Tipid ang ngiti niya sa akin.

"I'm sorry for following you. I am just concerned." Suminghap siya ng hangin. "I have no idea why you did that, but I have to make sure you will get home safe."

I shook my head. Suminghap ako ng hangin.

"No, Rol. I'm fine."

"Malapit na ang bahay niyo rito, hindi ba? Pwede ba kitang samahan kahit na sa kanto lang? I just really have to make sure you are safe. For the sake of him, too."

Wala na rin akong nagawa kung hindi ang hayaan siya. You can't literally say no to Roland. It's like saying no will cause you a lifetime of regret. He's the most genuine person I've ever met.

Imbes na magbisikleta ay naglakad na lang kami. Si Roland ang may hawak sa bisikleta ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad.

"Sorry, Riza. I had to tell him."

"It's fine, Rol. I understand."

Wala na rin kaming ibang napag-usapan matapos no'n. Hanggang sa huminto na kami sa huling kanto. Ilang bahay na lang ay bahay na namin.

Kinuha ko na kay Roland ang bisikleta ko.

"Sige, Rol. Salamat." Bahagya pa akong yumuko.

"Sure ka na ba, Riza?" bigla niyang tanong. "I have no idea what's going on, pero alam kong hindi lang si Ulrich ang nasasaktan. Alam kong kamakailan lang din tayo nagkakilala, pero nararamdaman kong hindi ka masamang tao. I can't be mad at you."

Napatitig ako sa kanyang malamig na mga mata. Tila tinasakan ako ng mga salita. Ayokong magbitiw ng mga salita na hindi ko pinag-isipan.

"But you can't just leave him like this, Riza. Alam kong wala kayong commitment, kailangan ba talaga no'n? You both felt the genuine feeling of love. Would it be too much to ask you to talk to him? Let him know. Please, let him know what you are really feeling, Riza. That's all. Thank you. Good night."

I watched him turn his back and walked away. Naiwan akong tulala sa kawalan. Do I really have to let him know that I couldn't fight for him the way he fought for me?

Tuyo na ang mga luha sa mata ko nang makauwi. As expected, nakaabang sa sala si Ate Sarah. Agad siyang tumayo pagkapasok ko.

"Where's Silly?" she immediately asked.

"Binalik ko na. I can't pet her anymore. Ayoko namang mamatay lang siya sa kapabayaan ko." Yumuko ako saka nilagay sa shoerack ang aking sapin sa paa. "Plus, I am moving out soon. Ikaw lang ang nag-aalala sa kanya kapag wala ako. No one will do that anymore."

"Pwede mo naman siyang dalhin ah? I'm sure may pwedeng mag-alaga sa kanya roon."

Umiling ako. "Sige, Ate. Matutulog na ako."

"Hey. I have something to tell you."

My sister stepped closer to me.

"Your father offered me something," she said in a bitter-sweet voice. "I've been teaching at Riverside University all my life. They offered me a new university where I can still teach. I accepted it. I will start after the summer."

"Y-you are leaving?"

"Hey..." Hinawakan niya ang braso ko saka hinarap sa kanya. "Malayo ang lugar na 'yon, pero gagawa ako ng paraan para magkita tayo."

Parang maging ang mga luha ko ay pagod na ring tumulo. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango at intindihin si Ate Sarah. Inisip ko na lang na mas makakabuti nga sa kanya 'yon. A new environment where she can freshen up her mind. She has been through a lot. This is for the better.

"Your father has also offered me a small house where I can stay. Pwede kang bumisita roon kapag gusto mo. Anytime, baby sis."

I nodded. "Hindi naman kita pipigilan, Ate Sarah. But.." Lumunok ako. "I want you to promise me that you will be happy. Kapag nabalitaan kong malungkot ka, wala akong magagawa kung hindi takbuhan ang lahat para puntahan ka."

My sister chuckled. "That's so sweet of you. I will be happy, Riza. I am happy. Ikaw rin ah? Please, don't worry about me anymore."

I held her face. "I'm proud of you, Ate Sarah. I am so lucky to have you."

"Oh, my baby sis. I will do anything for you."

Sobrang daming nangyari ngayong araw. Akala ko nga ay hindi ako agad makakatulog, pero maghiga ko pa lang ay nakatulog na ako.

As usual, sabay kaming pumasok ni Ate Sarah. Nag-asaran pa nga kami habang kumakain at hanggang sa jeep eh. Dating gawi. Parang walang nangyari. Parang hindi kami magkakawalay.

Ayoko na lang isipin. I will just enjoy every moment.

Hindi pumasok si Ulrich. Ayokong isipin na ako ang dahilan kahit na alam kong maaari. Inabala ko ang sarili ko sa mga aralin. Sa tulong na rin ni Camila na nag-iinarte dahil nadagdagan ang timbang niya gayong malapit na ang summer.

"What? You still look gorgeous!" banat ko habang kumakain ng fries. "Ano naman kung tumaba ka? Are you worried na baka hindi ka na magustuhan ni PJ?"

"Tanga. Sinabi ko lang na dumagdag ang timbang ko, kung anu-ano na ang sinabi mo. Hindi ba pwedeng mag-inarte kahit na konti?"

I sipped on my drink. "Hindi dapat 'yan ang inaalala mo, Cams. The summer is almost upon us. That means... your time with PJ is ticking. Remember magmo-move on ka na?"

"I know that!"

I smirked. "Wow ah? Di affected?"

"Duh? He's just gwapo. I don't like him."

Natawa ako. "Sabi mo, eh."

"Last na talaga 'to, Rizzie. Focus na ako sa college after nito."

Napailing na lang ako. Whatever, Cams.

Kinabukasan ay hindi pa rin pumasok si Ulrich. Doon na ako nagsimulang mabahala. Si Roland ang agad kong kinausap. Para pampaamo sa kanya ay pinagdalhan ko siya ng paborito niyang Pan de Coco bread.

Nagkita kami sa loob ng office ni Ulrich. Hindi pa rin ako sinasagot ni Roland. Paano kasi gusto muna niyang ubusin ang tinapay.

I patiently waited. Kung si Cams lang o si Jessie 'to ay nabatukan ko na.

"Unwind," simpleng sagot niya matapos ng matagal kong paghihintay. "Madalas itong gawin ni Ulrich kapag gusto niyang mapag-isa. Babalik din 'yon gaya ng pagbalik mo sa regalo niya."

I pouted my lips. "I am worried."

"Oo nga pala. Sa akin muna pinaalaga ni Ulrich si Siri niyo. Buto lang ba pwede niyang kainin?"

"Her name is Silly. Saka oo, buto lang. Huwag mo siyang iiwan sa lapag ah? Kapag aalis ka, siguraduhin mong nakakulong ito."

"Ohh..." Tumango si Roland. "Pwede ko ba siyang ipasyal sa labas?"

I nodded. "Yep. Just make sure she will be safe."

"Pwede ko ba siyang ibalik sa 'yo?"

Natigilan ako.

Ngumiti si Roland. "Joke."

"Anyway, may klase pa ako. Just text me if nakauwi na siya ah? Pagdadalhan pa kita ng maraming Pan de Coco bread!"

Pagkatapos naming makapag-usap ay pumasok na ako sa klase ko. Nung pauwian ay agad akong hinila ni Camila. Napansin ko agad na naiiyak ito.

"What happened?" I asked worriedly.

"Is that true? Kapatid mo sina Chester at Amanda? How did that happen? Kailan mo pa naging kapatid si Amanda na bruhilda?"

Natigilan ako.

"Ang daya mo!" Umiyak na talaga siya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Akala ko ba kaibigan kita? Bakit ang dami mong sikreto? Hindi ka ba nagtitiwala sa akin?"

"Cams. Hindi sa gano'n. Hindi ko lang kasi alam kung paano sasabihin." Huminga ako nang malalim. "Sobrang bilis ng mga pangyayari. Kahit na ako, hindi pa rin makapaniwala. But, I am planning to tell you tomorrow. My birthday."

Mas lalong lumakas ang iyak ni Camila. Kahit na hindi ako naiiyak ay napaluha rin ako. Niyakap ko siya. I feel so bad for keeping a lot of secrets from them. Ang dami ng nangyari na hindi nila alam.

"Don't worry. Ikaw pa lang ang nakakaalam," bulong ko.

"Talaga?" Suminghap siya bago ako hinarap. "How about Jessie?"

Umiling ako. "No one knows yet."

"Yes!" Madiin na pinupasan niya ang mga luha sa kanyang mata. "Akala ko late na ako sa balita. Pero, true ba talaga? Sure na? Magkadugo kayo ni Amanda? Hindi na ba mababago 'yon?"

"Even Chester..." I chuckled.

"Yikes. Sayang! Boto pa naman ako sa inyo ni Chesty!"

"Glow up nga, 'di ba? Crush ko lang noon, kuya ko na talaga ngayon!" biro ko.

She rolled her eyes. "No way. Kapag nalaman kong magkapatid pala kami ni PJ?" Tila napaisip naman siya. "Ay hindi pwede 'yon. We fucked, remember? Nakakamatay sa hiya."

Napahalakhak ako sa sinabi niya dahil halatang diring-diri ito sa ideya na magkapatid pala sila. "Ayaw mo no'n wala ng expiration pagsasama niyo?"

"Ew. I'd rather not see him again."

Gaya ng nakasanayan, the day before my birthday, sa amin matutulog si Camila. Nakapaghanda na pala siya ng mga damit.

"Ate Ganda!" sigaw ni Cams pagkakita kay ate sa sala. "I miss you!"

Sinalubong siya ni Camila ng isang mahigpit na yakap. Natatawa na lang si Ate Sarah sa kanya. Habang naglalambingan sila ay pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Wala sa sariling napatingin ako sa lamesa kung saan nakapatong dati ang kulungan ni Silly. Mapait na napangiti ako. Hindi na ako sanay na hindi siya nakikita. Parang may mali, may kulang. But I have to live this life for now on.

Malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ko kapag naka-graduate na ako. I am not sure how I will handle the changes, but I know I can do it.

Pinagmalaki ni Camila ang alam niyang luto na tinuro sa kanya ng mommy ni Jessie nung mga panahon na may gusto siyang ipagluto. Masarap naman. Nakakasuya lang kasi grabe magmayabang si Camila.

"PJ loved it!" Cams proudly said.

"PJ? Your friend?" tanong ni ate.

My brows arched while anticipating her answer.

"Actually..." Cams shook her head. "Someone special to me."

Kumunot ang noo ko. Huh? Hindi 'yon ang sinabi niya sa akin kanina. Sa pagkakaalam ko ay guwapo lang para sa kanya si PJ. Oh, well. She's talking to Ate Sarah. Parang kasalanan kapag nagsinungaling ka sa harapan niya.

"Two hours na lang birthday na ni Riza!" ani Cams habang nanunuod kami sa sala. Nakahiga siya sa hita ni Ate Sarah.

Sumubo ako ng pop corn. I am not even excited. We will have a barbeque party in the backyard. Malawak naman ang likod namin.

"Oo nga pala. I invited PJ ah?" ani Cams. "Sabi niya isasama niya sina Roland at Art. Hindi ko lang alam sa kuya Chester mo."

What? Will they be joining us? Ibig bang sabihin no'n...

"Hala! Even Amanda bruhilda?" Cams blurted out.

"Cams. Her name is just Amanda," pagtatama ni Ate Sarah. "Of course, why not? If she wants to join us, she's welcome."

"Opo, Ate Ganda. Sorry."

Nawala na sa pinapanuod ko ang atensyon ko. What if he showed up? Nah. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. But I don't see any reason why he shouldn't come. His friends will be here.

Nag-countdown na si Camila. Patalon-talon pa siya habang hawak ang kanyang cell phone. Kami ni Ate Sarah ay nakaupo lang at kalmado.

"Three... two... one. Happy birthday, Rizzieeee!"

Pabagsak na niyakap ako ni Camila. Napahiga kaming dalawa sa sofa habang siya ang nasa taas ko. Napahalakhak ako sa kiliti nung halikan niya ang leeg ko.

"Stop, Cams!" I couldn't stop laughing.

"Dalaga na baby girl namin." Saka niya ako pinagtadtad ng halik sa pisngi. "Parang sobrang tagal ng birthday mo. Dati ko pa hinihintay na mag 18 ka eh!"

"Stop!" Tinulak ko siya dahil hindi na ako makahinga sa pagtawa. "Yikes. Puro laway na ako!"

"Arte ka pa. Mahal laway ko 'no!"

"Baby sis..." Maluha-luhang nilapitan ako ni Ate Sarah. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Happy birthday. I love you. I love you so much, Riza."

Kung kay Cams ay tawang-tawa ako, hindi ko naman napigilan ang mga luha ko kay Ate Sarah. I literally sobbed in her arms. Inisip ko pa lang na baka matagalan bago mangyari uli ito ay napapahagulgol na ako.

"I love you, Riza. Lagi mong tatandaan na... proud na proud ako sa 'yo."

I wiped my tears. "I love you, Ate Sarah. Thank you for everything. I will study hard. I will be successful. Babalikan kita at sa 'pagbabalik ko ay hawak ko na ang diploma ko."

"Oh, my God. I will be the happiest sister!"

I spent the first hour of my birthday laughing and crying with my best friend and sister. Tumawag din sa amin si Jessie at nakipag-video call. I've also received greetings from Roland, PJ, Art, Kuya Chester, Amanda, SSG Officers, and even from unknown numbers.

Hindi pa man nag-uumpisa ang araw ay umaapaw na ang kasiyahan ko.

Nakahiga na kami ngayon ni Camila sa kama ko. Nakayakap siya sa akin. Pinaglalaruan ko naman ang daliri ko sa malambot niyang buhok.

"Happy birthday, Rizzie. Mahal na mahal kita." Humikab si Camila. "Matutulog na ako. May party pa tayo bukas, eh. Good night."

"Good night, Cams. Thank you."

Hindi ako agad dinalaw ng antok. Maya't maya ang pagtingin ko sa cell phone ko. Napabuntonghininga na lang ako. Hanggang sa nakatulog na rin ako.

Maaga akong ginising ni Camila para mag-jogging daw kami. Si Ate Sarah naman ay maaga ring umalis para mamalengke. Mamaya pa namang hapon ang party, pero si Jessie ay darating na mamaya.

Sandali kaming tumigil ni Camila sa pag-jog dahil may nakita siyang ice cream. Hinila niya ako para bumili kami. Wala akong dalang pera kaya akala ko ay si Cams ang magbabayad. Nadilaan ko na ang ice cream ko nung malaman kong wala ring dalang pera si Cams.

"What? Ang lakas mong mag-aya tapos wala ka palang pera!" singhal ko dahil nahihiya na ako.

"Manong. Birthday po ng kaibigan ko. 18 na siya ngayon!" nakangiting sabi ni Camila sabay kawit ng braso sa akin. "Single po siya. Kung may anak kayong binata, pwedeng-pwede sa kanya! Pero kung gwapo, patingin muna sa akin baka akin na lang!"

Yumuko ako. What the hell?

"Cams. Stop, please?" I mumbled.

"Bukod sa maganda, matalino pa 'tong kaibigan ko."

Shit. Parang binebenta na ako ng gaga na 'to.

"Gano'n ba? Oh, sige. Libre ko na lang sa inyo 'yan. Malakas naman ang benta ko nitong mga nakaraang buwan. Happy birthday, Miss!"

I smiled shyly. "T-thank you po..."

"Ikaw ba kuya, single ka pa? Pwede si Rizzie—"

"Cams..." Pasimple kong kinurot sa tagiliran si Camila. "Tara na. Baka nakauwi na si Ate Sarah. Tutulong pa tayo!"

Tawang-tawa si Camila habang naglalakad kami pabalik. Ako naman ay hindi magawang ubusin ang ice cream dahil sa sobrang kahihiyan.

"Shut up. Nakakahiya ka!" singhal ko.

"Mas nakakahiya kung takbuhan natin siya, gaga!" Inirapan niya ako. Nginitian niya ang isang lalaking dumaan. "Saka malay mo naman guwapo nga ang anak niya."

"Tanga. Ikaw lang naman ang mahilig sa guwapo!"

"Boba. Syempre."

Pagkauwi namin ay wala pa si Ate Sarah. Nagpahinga kami sandali. Naunang naligo sa akin si Camila. Sobrang tagal! Dumating na si Ate Sarah pero hindi pa rin siya tapos.

"Cams! Wala kaming bathtub, bakit ang tagal mo?!"

"Malapit na!" sigaw niya sa loob.

Pagkalabas niya ay siya pa ang nakasimangot.

"Oh, 'yan na. Maligo ka na!"

"Talaga!"

"Tanga. Happy birthday!"

Agad na natunaw ang pagkairita ko sa kanya. Paano ay maya't maya niya akong binabati. Kapag hindi lang kami nag-usap ng ilang minuto tapos ang unang salitang salitang lalabas sa kanyang bibig ay pagbati.

Pagkatapos kong maligo ay pumasok ako sa kwarto ko. Naabutan kong nakasandal sa kama ko si Cams at may kausap sa cell phone.

"Gago, Jae. Bakit ka magb-boxer shorts lang? Walang swimming pool dito!" dinig kong singhal ng kaibigan ko. "Tanga. Kaya nga barbeque party at hindi swimming party 'di ba?"

Nagsuklay ako sandali dahil ako na ang nakaramdam ng hiya kahit na kwarto ko 'yon. Ayoko lang na may naririnig akong nag-uusap sa cell phone. It makes me feel uncomfortable.

Tinulungan ko si Ate Sarah sa pagluto ng lunch. Pagkalabas ni Cams sa kwarto ay pumunta agad sa sala para manuod. Feeling prinsesa ang tanga.

"Have you invited Ulrich?" Ate Sarah suddenly asked.

"H-huh?"

"Riza. Alam kong may hindi kayo pagkakaintindihan, but it would be rude to not invite him. Hindi ba inimbitahan niya kayo sa party nila?"

"Ate. Wala naman talaga akong planong imbitahan ang iba. Sina Jessie at Cams lang talaga. Si Gaga lang talaga ang nag-imbita sa kanila. Pero kung darating siya... e 'di go."

At precisely 1 p.m, inayos na namin ang likod ng bahay namin kung saan gaganapin ang party. Inayos na namin ang mga lutuan at lulutin. We have also arranged tables and chairs. Hindi naman gaanong mainit sa likod dahil may malaki kaming puno.

Dumating na rin si Jessie para tumulong. May binigay siya sa akin na regalo pero hinablot ni Camila. Tinakbo niya sa kwarto ko kaya sumunod ako agad.

"Ako magbubukas!" Inagaw ko sa kanya ang regalo.

"Ang laki ah?" puna ni Cams.

Isang malaking box ang binuksan namin. Pagkabukas no'n ay isang dress ang laman. Niladlad ko 'yon para mas lalong mapagtuonan ng pansin.

"Holy shit!" Cams gasped.

Napangiti ako. Ito dapat ang dress na isusuot ko nung prom. Agad ko 'yong sinuot. Hindi ko napigilan ang mga luha ko habang nakatingin sa salamin.

"Rizzie. Naaasar na naman ako..." bulong ni Cams habang hinahawi ang buhok ko at nakatingin din sa reflection ko sa salamin. "Hindi mo 'to nasuot dahil sa bruhildang kapatid mo."

"Ipapakita ko kay Ate Sarah!"

Patakbo akong pumunta sa likod. Naabutan kong nagtatawanan sina Jessie at Ate Sarah. Si Jess ang agad na nakakita sa akin. Ngumiti siya.

"Gorgeous..." he said.

"A-Ate..." I called my sister.

Nilingon ako ni Ate Sarah. Mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang dress ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang dress ko.

"T-this is the dress," nauutal na sabi ni ate.

"As a fashionista..." Pumalakpak si Camila. "Bravo, Ate Sarah. You nailed it!"

Hinawakan ni Ate Sarah ang mga kamay ko. Saka niya ako inikot sa kanya. Pareho kaming nakangiti sa isa't isa. Sobrang galak itong makita na suot ko ang dress na siya mismo ang nagdisenyo.

Hindi ko na muna hinubad ang dress kahit na sobrang init sa katawan. Unti-unti na ring nagsidatingan ang mga bisita namin na hindi ko naman talaga inimbitahan. Unang dumating si Roland.

"Happy birthday, Rizzie. Gift ko nga pala sa 'yo..." nakangiting binigay sa akin ni Roland ang kulungan ni Silly.

"Rol..." Sumimangot ako.

"Hala. Silly!" excited na kinuha ni Ate Sarah sa akin si Silly. "I miss you!"

"May Pan de Coco ba?" tanong ni Roland.

Napabuntonghininga ako. Binalik pa talaga niya.

"Gusto mo ba?" tanong ni Ate Sarah. "Bibili ako. Malapit lang naman dito!"

Kinuha ko kay Ate Sarah si Silly. Nilagay ko muna siya sa kwarto ko. Nung makita ko siya sa ibabaw ng lamesa ko ay napangiti ako.

"Hello, Silly. Mommy is here. Welcome back, I guess?" I chuckled.

Dumating na rin sina PJ at Art. They brought a giant inflatable balloon. Ginawan talaga nila ng paraan para lang makaligo.

Nag-umpisa na ring mag-ihaw sina Roland at Jessie. Sina PJ at Cams naman ay busy sa paglalagay ng tubig sa pool. Nagbabasaan pa nga sila, eh.

Napatingin ako kay Art na kausap si Ate Sarah. Nakangiti ang mokong habang si ate ay natatawa. Mukhang humaharot, ah?

I approached them. "Arthur. Tumulong ka na lang kina Cams at PJ. Nahihirapan yata sila sa pool," sabi ko para tigilan lang niya si Ate Sarah.

"Huh? Sandali lang—"

"Tumulong ka na..." Hinawakan ko ang patilya ng buhok niya saka siya nilapit kina Cams at PJ. "Isama niyo nga ito riyan!"

"Huh? Tumulong na lang siya kina Jess at Rol sa pag-iihaw!" ani Cams.

"Uubusin lang niya mga iniihaw namin!" sigaw ni Jessie na mukhang narinig ang sinabi ni Cams.

"Tangina. Inimbitahan niyo pa ako kung ayaw niyo naman pala ako rito!" kunwari ay nagtatampong sabi ni Art.

"Nasaan na ba kasi si Chester?" tanong ni PJ. "Is he not coming?"

"They are on their way!" sagot ni Roland na kumakain ng hotdog.

"They? Kasama kapatid niya?" Cams rolled her eyes. "Oh, come on."

"Yep..." sagot ni Roland. "And Ulrich."

Natigilan ako.

Napatingin ako kay Cams na nakatingin din pala sa akin. Pero agad din itong umiwas ng tingin. Binasa niya ng tubig si PJ kaya nag-umpisa na naman sila sa basaan.

Hindi pa ako nakaka-recover sa balitang pupunta rin si Ulrich nang marinig ang isang malakas na busina sa labas. Parang tumalon ang puso ko sa sobang kaba.

"They are here!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro