Chapter 34
Chapter 34: Returned
Nakaayos na kami ni Ate Sarah bago pa man dumating ang isang magarang sasakyan na siyang naghatid sa amin sa mansion ng mga Megardon. Nakapikit lang ako buong biyahe habang ang ate ko ay walang hinto sa kabibigay ng mga paalala.
Don't be rude, Riza. You will soon be living with them.
"Alam kong hindi kayo nagkakasundo ni Amanda. It's not your fault, I know that very well. Masyadong lang mapagmataas ang kapatid mo—"
"She's not my sister," I cut her off. Minulat ko ang mga mata ko para madiin na tingnan si Ate Sarah. "Hindi dahil titira ako kasama nila ay pamilya ko na sila. That's not how it works, Ate Sarah."
My sister let out a sigh. She nodded. "Fine. Just be the bigger person, baby sis. I know it will be challenging, but you can do that, right? Kung papatulan mo siya, walang mangyayari."
"I am about to turn 18 in a few days, ate. You don't need to lecture me like a kid." I mentally rolled my eyes. Bumaling na lang ako sa labas ng bintana.
Bakit kailangang ako pa ang mag-adjust? Hindi mahaba ang pasensya ko gaya niya. Saka ngayon pa bang kaya ko nang tapatan si Amanda?
Hinawakan ni Ate Sarah ang kamay ko habang naglalakad kami sa cobblestoned pathway patungo sa likod ng malaking bahay ng mga Megardon. The driver, who was leading the way, told us the dinner would be in the garden. If I know, they want to brag about how rich they are.
They probably intended to intimidate us.
We have finally arrived. The place looked like a home of fireflies with all the lit-up decorations. There was also calm music playing in the background. At the center stood a round table occupied by the Megardon family.
"They are here!" The first one to acknowledge us was Chester, who stood up immediately. He gave us a heartfelt smile. Sumunod si Amanda at ang mag-asawa na Megardon.
"Hey, dear!" It was a shock that the first one who approached us was the mother of them. She went directly to me and hugged me. "Oh, my God. You are finally here!"
"Good evening, Mrs. Megardon," my sister greeted her.
"Oh, come on, Sarah. Tita Marinelle na lang." Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagyang hinaplos. "You look like your mom. I am happy to see you, Riza."
Sobrang hirap ngumiti pero pinilit ko. Plastikan pala ang gusto nila e 'di go. If she wants to play the role of a good mother, I can do that, too! I can play this game better than them.
Bahagyang umatras si Tita Marinelle para bigyan ng daan ang iba pang babati sa amin. Agad niyang hinawakan ang kanyang mamahaling hikaw na animo'y nag-aalala siyang nawala ito.
"Rizzie!" Sumunod na nilapitan ako ni Chester. His smile lightened up the mood. Para talaga siyang naligaw lang dito. He doesn't match their presence. "I still can't believe you are my younger sister. Like... how?"
"Kuya Chester..." I laughed.
Natawa rin siya. "Right. Call me kuya starting now. Welcome home, Riza."
Napansin kong bahagyang tinulak ni Tita Marinelle si Amanda. Sumimangot ang anak niya pero nung lumapit sa akin ay todo ngiti naman.
"Rizzieee!" I gasped when she roughly hugged me. Bahagya pa siyang tumatalon-talon na para talagang excited. "I can't believe we will end up sisters after everything. But I'm glad you are here!"
Tumawa ako. "Nice to meet you again, Ate Amanda!"
"W-what?" Her mood suddenly changed into irritation.
"You can share your dresses with her, baby!" Tita Marinelle interfered with the conversation. Makahulugan niyang ngitian ang kanyang anak bago binalik sa akin ang atensyon. "I am sure Riza would love to have expensive clothes!"
Panandaliang naglaho ang ngiti sa labi ni Amanda pero agad niya ring binalik 'yon. Hindi niya inaasahan na maging ang mga mamahaling niyang gamit ay kailangan niya ngayong ibahagi sa akin.
My sister graciously laughed. "That's so kind of you, Tita Marinelle. Pero hindi kasi mahilig ang kapatid ko sa mga mamahaling gamit, lalo na sa damit."
"Nah. I want all of them," I grinned.
Her smile has thoroughly washed out. It was so hard for her to control her feelings. Tumaas ang kanyang isang kilay at handa na namang magsungit.
Tumagos sa likod niya ang tingin ko. Nakangiti sa akin si Mr. Megardon. Hinawakan ko ang braso ni Amanda saka siya bahagyang tinabi para mas maayos kong matingnan si Mr. Megardon.
"P-Papa..." I ran towards him and gave him the warmest hug. Tumulo sa pinsgi ko ang luha. "I've been longing for your love all my life. I can't believe I am hugging you now."
Mr. Mergadon chuckled. Hinaplos niya ang likod ko.
"Dati pa kita gustong makasama, anak." Hinarap niya ako sa kanya Hinawi niya ang mga luha sa pisngi ko. His smile reminded me of Chester, kind and genuine. "Thank you for being here, my daughter."
Nakangiting yumakap ako uli sa kanya.
"Shall we sit now and enjoy our food now?" Tita Marinelle kindly asked.
"Sure!" sang-ayon ni Ate Sarah.
The moment we sat down, the waiters served us different foods. I could feel Tita Marinelle's stern stares at me. She seemed calculating my moves.
Sa isang banda ay nakita kong nag-uusap sina Chester at Amanda. Nasilayan kong nakasimangot ang kapatid niya. She's probably worried about her dresses.
"How's your life, honey?"
Tita Marinelle caught my attention when she asked.
"We are happy," sagot ni Ate Sarah. "There were problems, but we are happy."
"You did a great job taking care of her," nakangiting banggit ni Mr. Megardon. "She grew up beautiful and kind, just like you. I'm sure Shierly would be proud of you, Sarah."
I sniffed. Hearing my mother's name in his mouth sounded so wrong. It felt like he lost the right to mention that name when he abandoned us.
"It's nothing. I will do anything for my sister."
Nakabalik na sina Amanda at Chester. Nakayuko lang si Amanda habang kumakain at sa tuwing mapapagawi sa akin ang tingin ay pipilitin niyang ngumiti. Si Chester ang naging dahilan kaya kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko.
They talked about everything, birthday, graduation, college, and life stuff. Sa tuwing magsasalita si Tita Marinelle ay puro mga materyal na bagay ang lumalabas sa kanyang bibig,
Saka hirap na hirap akong lunukin ang pagkain. Alam kong wala itong lason, pero sa tuwing sumasagi sa isipan ko kung kanino galing ito ay nawawalan ako ng gana.
"Papa. May request sana ako." Uminom ako ng juice bago banayad na nagpunas ng tissue sa labi. "About my upcoming birthday, I want to celebrate it with my sister."
"Riza..." My sister warned.
"What? Honey, nakaayos na ang lahat para sa debut party mo. Bayad na nga rin ang lahat," mahinhin na pagkakasabi ni Tita Marinelle. "Ayaw mo namang masayang ang pinaghirapan ng papa mo, hindi ba?"
I mentally rolled my eyes. She badly wanted to sound worried about my father's efforts for that day, but ended up only caring about the expenses.
"No. It's fine." Huminga nang malalim si Mr. Megardon. "Kung doon ka kumportable, hindi naman kita pipigilan. You can do anything you want."
"Thank you, Papa."
"Sayang naman..." bulong ni Tita.
"Am I invited, too?" tanong ni Chester.
"Sure!"
"How about me?" Amanda asked.
"Ikaw ang bahala, Ate Amanda—"
"Amanda is enough. I'm just months older than you, Riza," nakangising saad ni Amanda. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kubyertos.
"I'm sorry. It's just I will miss my sister. Sanay na kasi akong may tinatawag na ate." Kunwari ay malungkot ang boses ko. "Pero kung hindi ka naman kumportable ay—"
"You can call her that." Hinawakan ni Tita Marinelle ang kamay ng kanyang dalagang anak. "Saka hindi ba, baby, dati gusto mong magkaroon ng kapatid na babae? Riza is here now."
"Mommy..." Amanda pouted her lips.
"Thank you. I will be a good younger sister to you, Ate Amanda."
Amanda cleared her throat. Nagpaalam siya na sasandali lang sa restroom. Pero alam kong aalis lang siya para maglabas ng frustrations.
Pagkaalis ni Amanda ay sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Mr. Megardon. Napaiwas ng tingin si Tita Marinelle. Si Chester naman ay busy sa kanyang cell phone.
"I missed you so much, Papa."
Tumikhim si Tita Marinelle. "If you wouldn't mind, may I ask why just now? Dati pa kasi namin tinatangkang kunin ka, Riza. Bakit ngayon ka lang pumayag?"
"To pay for my mother's debt. Hindi po ba sinabi mo kay Ate Sarah na kukunin mo ang lupa namin kapag hindi kami nakabayad ng utang sa 'yo?" Umalis ako sa pagkakasandal sa braso ni Mr. Megardon. "Saka... mahal ang tuiton sa college. I need money."
"Mom?" Kumunot ang noo ni Chester.
"It's nothing. Kailangan naman talagang bayaran ang mga utang," nakangiting sabi ni Ate Sarah. Napangiwi ako nung kurutin niya ako sa ilalim ng lamesa. "Anyway... baka hindi na rin kami magtagal. May klase pa bukas si Riza."
"I see." Hinarap ako ni Mr. Megardon. "I can't wait for the summer to end so you can already live with us. For now, congratulations on your graduation. Happy birthday, my daughter."
Buong gabi ay wala akong ginawa kung hindi ang magpanggap na masaya sa pagtanggap nila, na natutuwa akong makita sila at makausap. Pero hindi ako nakapaghanda na marinig ang mga salitang 'yon mula sa kanya.
Nangilid ang luha sa mga mata ko. "T-thank you po."
"Pero bago kayo umalis." Bumaling si Mr. Megardon kay Chester. "Why don't you give her a quick tour around, son?"
"Sure!" Tumayo agad si Chester at naglahad ng kamay sa akin.
I held his hand. Inalalayan niya akong makatayo. Nakangiting nagpaalam ako sa kanila. Napansin kong hindi na magawang makangiti ni Tita Marinelle. She lost all her patience.
"There's a pool in the backyard, a gym inside, and more. Meron din kaming mga alagang dogs. Wala nga lang hamsters. What do you want to see?" excited na tanong ni Chester.
I shook my head. Huminga ako nang malalim.
"Hey..." Chester grabbed my arms. Hinarap niya ako sa kanya. "Alam kong mahirap sa umpisa, pero masasanay ka rin. I am just here. You can talk to me."
I swallowed. "Bakit biglang namatay ang issue namin ni Ulrich? Is that true? Na kinausap ni Papa si Amanda? Iyon ba ang rason, Chester?"
Chester sighed. "Yeah. Tinakot siya ni Papa na ibebenta lahat ng damit niya kapag gumawa na naman siya ng gulo. Kilala mo naman si Amanda. Mas obsessed pa siya sa mga damit niya kesa kay Ulrich."
"How about my sister's issue with Mr. Delgado?" diretso kong tanong.
"What?"
I glared at him. "Stop lying, Chester. I know you know."
Tumuwid siya ng pagkakatayo saka umiwas ng tingin.
Ako naman ngayon ang humawak sa braso niya. Tumingin ako sa kanyang mga mata. "Tell me Amanda won't leak them anymore. Tell me... that my sister is safe now."
"The truth is she just overheard our father's conversation with Mr. Delgado about your sister," pag-uumpisa niya. "She doesn't have any proof, Riza. Kapag pinagkalat niya 'yon nang walang ebidensya, babalik sa kanya ang galit ng mga tao. Amanda is still not a fool to do that."
Sa dami ng sinabi niya, isang parte lang ang nakapukaw sa atensyon ko. "She overheard the conversation of our father and Mr. Delgado about my sister? About what?"
Madiin na pumikit si Chester.
"Tell me, Chester. Please?"
"Fine." Bumuga siya ng hangin. "Mr. Delgado proposed marriage to your sister. Your sister turned down the proposal, Riza. You have nothing to worry about."
Napaatras ako. Nanginig ang mga labi ko.
What? Pera pa rin ba ang dahilan? As far as I know, nilapitan lang ni Ate Sarah si Mr. Delgado dahil sa panggigipit ni Tita Marinelle tungkol sa utang na iniwan ni Mama. She also threatened to sue my sister. Kaya naging desperado si Ate Sarah na kumapit sa patalim.
Kung hindi ko ba sinabi kay Ate Sarah na nililigawan ako ni Ulrich ay pumayag siya sa kasal na 'yon? Ako lang ba ang naging hadlang kaya tumanggi siya rito? Nakita ko na masaya si Ate Sarah sa piling ni Mr. Delgado.
"Your room will be in the basement." Dumating si Amanda. Hindi hamak na mas malaya na ngayon ang expression sa mukha niya. "Don't expect that I will share my dresses with you, Riza. That's not going to happen."
"Amanda. Stop," ani Chester.
Umirap si Amanda. "You won... for now, Riza. Malaya kang makakasama si Ulrich. Pero hindi rin magtatagal ang lahat. Sa akin pa rin siya babagsak."
Sa halip na sagutin si Amanda ay humarap na lang ako kay Chester.
"Balik na tayo, Kuya Chester. Baka kasi hinahanap na ako ni Papa."
Sakto namang pagbalik namin ay tapos na rin silang mag-usap. Nagpaalam na kami sa kanila. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Tita Marinelle, pero napansin kong nakakuyom ang kanyang mga kamao.
"Ingat kayo ah? Thank you!" ani Chester.
Pinahatid kami sa bahay. Buong byahe ay pareho kaming walang kibo ni Ate Sarah. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang siniwalat ni Chester.
So... Ulrich was right after all. Naghihintay na lang talaga sila na tuluyang magkahiwalay si Mr. Delgado at ang asawa niya. Tapos ay si Ate Sarah na ang pakakasalan niya. They could finally legalize their relationship after.
Naramdaman kong hinawakan ni Ate Sarah ang kamay ko. Sinandal niya ang ulo ko sa kanyang balikat. Pinikit ko na lang ang mga mata ko.
In the process of wanting to correct the things we acknowledged as wrong, we messed up something. Without knowing the reason behind it, we jumped to a conclusion.
Just by thinking of everything we did to separate them, I realized we just made things worse. Kung hindi ako nilapitan ni Ulrich para humingi ng tulong, hindi sana ako pag-iinitan ni Amanda. Hindi sana ako nahulog sa kanya. Hindi sana humantong sa ganito.
"Magpahinga ka na, Riza. May pasok ka pa bukas," nakangiting sabi sa akin ni Ate Sarah pagkapasok sa loob ng bahay. Niyakap pa niya ako. "I'm happy for you, baby sis."
I hugged her back. "I'm sorry, Ate Sarah..."
"What?" Hinarap ako ni ate. "Sorry for what?"
I just shrugged my shoulders.
"Hay naku. Sige na. Matulog ka na."
"Good night, Ate Sarah. I love you."
"I love you more, baby sis."
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nag-ayos ng sarili. Ni hindi ko nga napansin na nakahiga na pala ako sa kama dahil sa dami ng mga umiikot sa isipan ko.
I stared at the ceiling. Bumuntonghininga ako bago kinuha ang cell phone ko na hindi ko pa nahawakan magsimula kanina. Three text messages from Ulrich. Isa-isa ko 'yong binuksan.
"Nakauwi ka na ba?"
"Roland told me something."
"Meet me at the coffee shop. Let's talk, please?"
The last message he sent was two hours ago. He probably went home now. Wala na rin naman siyang kasunod na sinabi. Sasabihin ko na lang na hindi ko nabasa agad kung sakali mang magtanong siya.
Narinig kong humuni si Silly kaya agad akong bumangon. Nilabas ko ito sa kanyang kulungan. Hiniga ko siya sa tabi ko. Gaya ng nakasanayan nito ay umakyat siya sa dibdib ko at namahinga roon.
Suminghap ako. "Hey, Silly. Sorry for hurting Dummy."
Bumangon ako sa kama bago pa man bumagsak ang mga luha sa mata ko. Marahan na pinatong ko sa gilid ko si Silly saka pinakain ng buto.
I smiled bitterly. Pinasok ko uli sa kulungan niya si Silly.
Ulrich probably has a hint by now. Knowing Roland, malamang na sinabi niya kay Ulrich na nakipagkita ako sa daddy niya. Hindi tanga si Ulrich para hindi agad maintindihan 'yon.
My phone beeped—another text message from Ulrich.
"Silly. I love you. I'm still here."
Ilang segundo rin akong natulala sa cell phone ko. Bumaling ako ng tingin kay Silly. Nakatulog na ito sa kama ko. Ni hindi na nga niya nagawang ubusin ang kanyang pagkain.
Fine.
Binalik ko uli sa kulungan si Silly. Nagsuklay ako ng buhok bago lumabas. Bitbit ko ang kulungan ng alaga nung makasalubong ko si Ate Sarah na galing sa kusina.
"Oh? Gabi na ah?" puna niya.
"Sandali lang, Ate Sarah."
Her eyes dropped at Silly. "Bakit dala mo si Silly?"
"Basta. Ate."
"Riza..."
"Sige, Ate Sarah. Uuwi rin ako agad."
Ginamit ko ang bisikleta ko para puntahan ang coffee shop kung saan kami nagkita dati ni Ulrich. Sa lugar kung saan niya binigay sa akin si Silly. Kung saan... una akong nakaramdam ng kakaiba sa kanya.
Akala ko ay kaya ko na siyang harapin, pero halos umatras ako nung makita siya sa loob. Yari sa salamin ang wall ng coffee shop kaya kitang-kita ang mga nasa loob.
Ulrich was leaning on his table. Sandali niyang inangat ang tingin para tingnan ang cell phone. Bumagsak ang balikat niya nung hindi mahanap ang sadya. Saka siya muling yumuko sa lamesa.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kulungan ni Silly. Nilabas ko ang cell phone ko at nagtipa roon.
I texted Ulrich, "I can't go right now. Sorry."
Umangat agad ang tingin ni Ulrich. He excitedly picked up his phone. But all his excitement melted after reading my text message. Pabagsak na binaba niya ang cell phone sa table. He brushed his fingers through his hair. Saka siya sumandal sa upuan.
He sighed. Kinalma niya ang sarili bago muling hinawakan ang cell phone.
"Joke. Umuwi na ako. See you tomorrow, baby?" he replied.
That question mark at the end of his message triggered my tears. He's not sure anymore.
Alam na niya, eh. Alam na niyang maaaring hindi na pwede. Alam na niyang maaaring binitiwan ko na siya.
I gasped as I typed back. "Okay."
"Are we good, baby?"
"Sige na, Ulrich. Matutulog na ako."
Nakita kong panandalian siyang natulala sa kanyang cell phone. Parang paulit-ulit niyang binabasa ang conversations namin. Until he finally decided to text back.
"Good night, My Silly Girl."
Nung nakita kong tumayo na siya sa kanyang upuan ay nagmadali akong tumalikod. Agad kong hinanap ang sasakyan niya sa parking lot. Pinatong ko sa harapan ng sasakyan niya ang kulungan ni Silly.
Masyado nang malabo ang mga mata ko dahil sa luha.
I looked at Silly for the last time. "I'm sorry, Silly. I will miss you. Thank you."
Mabilis akong tumalikod at kinuha ang bisikleta ko. Nagtago ako sa malayong puno at hinintay na dumating si Ulrich. Nakayuko siya habang naglalakad. Hindi niya agad napansin ang nakapatong sa harapan ng kanyang sasakyan.
Natigilan siya nung may mapansin siya sa ibabaw ng kanyang sasakyan. Dahan-dahan ay nilapitan niya ito. Napansin kong nanginginig ang kanyang kamay habang dahan-dahan na nilalabas si Silly sa kanyang kulungan.
Ulrich hugged Silly. Yumuko siya kasabay ng panginginig ng kanyang mga balikat. Nakatalikod siya sa akin, pero alam kong umiiyak siya.
Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko para pigilan ang humikbi. I don't think I can still watch this scene. It's killing me. Suminghap ako saka na hinawakan ang bisikleta ko. Hinanda ko na ang sarili kong umalis.
Sa huling pagkakataon ay tumingin ako sa kanila.
Ulrich sat on the ground. Sumandal siya sa harapan ng kanyang sasakyan habang yakap-yakap pa rin si Silly.
I love you. I'm sorry.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro