Chapter 33
Chapter 33: Decision
My sister told me everything.
I was sobbing the whole time.
No matter how vibrantly painted her words were, I could only see black and white. No explanation could make my situation less painful.
This is the reality and there's no escaping it.
I will be soon moving with them.
My sister fell asleep in my bed. It hurt me more knowing she has been enduring the truth all this time. It made sense now. How she unusually didn't care about my birthday. That's because there would be no celebration at all.
I put a portion of the cake in my mouth. Kaunti lang 'yon pero nahirapan pa akong lunukin. I was eating while staring at the oblivion and thinking about everything. Minsan ay manginginig ang labi ko dahil sa pagpipigil na umiyak.
I couldn't imagine a day without my sister. Now, I had to live my life without her. Buong buhay ko ay sa kanya ako nakadipende. Maybe I was being a happy-go-lucky girl because I knew that, with her, I had nothing to worry about. My sister would do anything for me.
A tear fell on my eyes. Mabilis ko 'yong hinawi saka uminom ng tubig. I put the cake in the refrigerator. Saka ako pumasok sa kwarto ko. Mahimbing pa rin ang tulog ni Ate Sarah. May bakas pa rin ng luha sa gilid ng kanyang mukha.
Sumikip ang dibdib ko. Minabuti kong kumuha na lang ng jacket saka lumabas ng bahay. Kinuha ko ang bisikleta ko saka umalis panandalian.
I was crying all the way to nowhere. Basta ang gusto ko lang ay magpakalayo muna sa bahay. Sobrang daming bumabagabag sa isipan ko.
Alam ba 'to nina Amanda at Chester? Ito ba ang dahilan kaya mabilis na humupa ang issue sa pagitan namin ni Ulrich? Is this my father's way of getting me?
I shook my head. My father has died the moment he left us. Hindi ko kailanman matatanggap na ama ko si Mr. Megardon. Si Ate Sarah lang ang pamilya ko.
My feet brought me to the shoreline. Tinabi ko ang bisikleta sa gilid saka umupo sa mapinong buhangin. Sapat ang pwesto ko para maabutan ng tubig ang aking mga paa.
I stared at the body of water. Every time the water touches my feet, it reminds me that everything is real. I can feel the cold water, my throbbing heart, the salty breeze, and the loneliness of this night.
"Celebrate my birthday with them?" I laughed, ironically. Yumuko ako saka pinaragasa ang mga daliri ko sa mapinong buhangin. "I would rather not celebrate it at all."
What's the point of celebrating something special to you when the most special person in your life is not with you? I don't see the point in doing it.
That was one of the hardest nights of my life.
Paano na si Ate Sarah?
Mas nag-aalala ako para sa kanya. Marami na siyang pinagdaanan sa buhay. Hindi niya man sabihin sa akin, alam kong napapagod na rin siya. Marami ng bagay ang pinagkait sa kanya, ama, ina, kasintahan... tapos maging ako ay kukunin din sa kanya?
She's been strong for me all her life. Halos binuhos niya sa akin lahat ng oras at pagmamahal niya. She needs me more than ever. This time... I want to be strong for her.
Hinawi ko ang luha sa mga mata ko.
I will be strong for her.
Tumulala ako sa dagat nang ilang oras. It didn't actually feel that long. Nilunod ako ng isipan ko sa napakaraming bagay. Napilitan lang akong umuwi nung nagsimulang umulan.
Pagkauwi ko sa bahay ay wala si Ate Sarah sa kwarto ko. Narinig kong nagsusuka ito sa CR. Habang hindi pa siya tapos ay pinagtimpla ko siya ng kape.
The door of the restroom creaked. Mabilis kong inalalayan si Ate Sarah na nahihilo pa rin. Inupo ko siya sa lamesa saka nilapit sa kanya ang mainit na kape.
"K-kumain ka na ba, Riza?" tanong niya.
"Oo, Ate Sarah. Humigop ka muna ng kape."
She eyed me using her sleepy eyes. Ngumiti siya sa akin bago tumango. Napansin kong naaabala siya ng kanyang buhok kaya humanap ako ng scrunchie para itali 'yon.
"What time is it?" she asked.
"Ala una pa lang ng madaling-araw, ate." I sat on the chair beside her. "Matulog ka na lang uli pagkatapos mong magkape. You still look like a mess."
"What? Ala una na?" Tila panandaliang nawala ang antok niya. "Then, why are you still up? Matulog ka na, Riza. Kaya ko na ang sarili ko."
I shook my head. "Marami pa rin akong tanong sa 'yo, Ate Sarah." Hinawakan ko ang kanyang mga malamig na kamay saka hinaplos 'yon. "This time... I want you to tell me the truth. No more lies."
So, I spent the whole night swallowing every word that came out of my sister's lips. Akala ko ay gumuho na ang mundo ko nung malaman kong kinukuha ako ng totoo kong ama at magkakahiwalay kami ni Ate Sarah. Pero nung malaman ko ang lahat, napagtanto kong guguho lang ito kapag hinayaan ko.
Life is tough. We need to be tougher, wiser, and stronger.
Sa mundong ito, kapag mahina ang loob mo, mas lalo kang lulubog. Kapag puro puso ang pinapairal mo, maiiwanan ka. Kapag dinamdam mo nang husto ang nangyayari sa 'yo, walang mangyayari.
Bahagya akong umatras sa waiting shed nung matalsikan ako ng ulan. Inayos ko sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko na kumawala.
He will be here any moment.
Isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko. Lumabas doon si Roland na may dalang payong. Nakangiting lumapit siya sa akin.
"Sorry, Riza. Medyo na-traffic eh," ngiti niya.
Isang ngiti lang din ang naitugon ko.
"Let's go? He's waiting for you..." aya niya.
He guided me to his car. Pagpasok sa loob ay mas lalo kong naramdaman ang lamig. Nilagay ko sa harapan ko ang shoulder bag ko saka tumingin sa rear view mirror. Pinaglapat ko ang mga labi ko saka ngumiti.
"Alam ba ni Ulrich na makikipagkita ka sa daddy niya?"
Suminghap ako bago umiling.
"It's a confidential meeting, Rol. Mismong si Mr. Delgado ay ayaw malaman ng iba ito..." Sumandal ako sa upuan saka tumingin sa bintana sa gilid ko. "Maging sa anak niya mismo."
"Masasaktan ba si Ulrich?"
Natigilan ako.
"Sana huwag masaktan si Ulrich ah?" mahinang tumawa si Roland. "Matatagalan pa kasi ang uwi ng Mommy niya, eh. Wala siyang kasama kapag nalungkot. Ayaw pa naman no'n nagsasabi sa amin—"
"Can you just drive, Rol?" I cut him off.
He cleared his throat. "I'm sorry."
I didn't want to think of anything else. Ayokong maguluhan na naman ang mga desisyon ko. This has been long decided. Ngayon pa ba ako aatras kung kailan mas matibay na ang rason ko?
Rol stopped the car in front of a restaurant. May lumapit sa amin na lalaki na may hawak ding payong. Siya ang nagbukas ng pinto sa gilid ko.
Bumaling ako kay Roland. "Salamat, Rol..."
"Mahal na mahal ka ni Rik, Riza."
Tumango na lang ako.
Sumama ako sa lalaki. Hinatid niya ako sa isang lamesa kung saan may naghihintay na lalaki. Agad siyang tumayo nung makita ako.
"Good morning, Miss Chavez. Please, have a seat."
The moment I sat down, may nag-abot sa amin ng menu book. Nilapag ko lang 'yon sa lamesa. Gano'n din si Mr. Delgado na nakangiti sa akin.
"Would you like to order first?" he asked.
"As you can see, I am wearing my school uniform. Unfortunately, I can't stay here longer, Mr. Delgado." Saka ko siya nginitian. "Shall we talk about it now?"
Tumikhim siya saka tumango. Umayos siya ng pagkakaupo. He really looked like his son. Ang pinagkaiba lang nila, matino ang anak niya.
"I am willing to give your sister the money she needs," pag-uumpisa niya. "She needs it to pay Mr. Megardon, right? Para hindi ka na sumama sa kanila—"
"Pumayag na akong tumira sa mga Megardon," putol ko sa kanya. "Hindi mo na rin kailangang pahiramin ng pera si Ate Sarah."
Naguluhan siya sa sinabi ko. "Then... why are you here?"
Lumunok ako.
"How do you see my sister?" I asked him.
Nakita kong bahagya siyang nagulat sa tanong ko.
"Do you just see her as one of your mistresses?" pumait ang boses ko.
"No," diretso at makahulugang sagot niya. "She's... special to me. That's the only answer I can give right now. Your sister is special to me, Riza."
"Not to push your hopes high, but I think my sister likes you, too."
"I'm sorry? What do you mean?"
"Kapag sumama na ako sa mga Megardon, maiiwan siyang mag-isa." Parang may bumara na sa lalamunan ko. "Can you promise me that you will stay beside her? Kung totoong special sa 'yo ang ate ko, gagawin mo ang lahat para sumaya siya."
"Yeah. I can. But I don't think she still wants me," bahagyang bumaba ang kanyang boses. "I've been trying to contact her, hindi niya ako sinasagot."
"That's because of me..."
"My son likes you, right?" Mr. Delgado asked.
"I don't know..."
"No. He likes you. The reason why your sister broke up with me is that she knows you like him—"
"I don't..." I cut him off. "I don't like your son. Maybe... as a friend. But aside from that?" I shook my head.
My heart was throbbing while saying that. Dama kong tila pinupunit ang dibdib ko habang unti-unting tinatalikuran ang aking totoong nararamdaman.
"So..." I swallowed. "Ikaw na ang bahala kay Ate Sarah."
Mr. Delgado smiled at me. "Makakaasa ka..."
I nodded. "That's all."
"How about my son?"
"What about him?"
Dumiin ang tingin niya sa akin. "He likes you, Riza. Masasaktan siya kapag nalaman niya ito."
"Nothing is permanent in this world, Mr. Delgado. You know that better than anyone..." I smirked. "Feelings do change, it's just a matter of time."
Pagkatapos naming magkasundo ay nagpaalam na rin akong aalis. Si Roland pa rin ang sumundo sa akin. Siya rin ang maghahatid sa akin sa school.
"How's the meeting?" Rol asked.
Tinagilid ko ang ulo sa bintana sa gilid. Hindi ko alam kung malabo ba ang paligid dahil sa ulan o dahil sa namumuong luha sa mga mata ko.
My phone vibrated. Nilabas ko ito sa shoulder bag ko.
Ulrich: I miss you. Kita tayo mamaya, please?
Doon na tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para lang hindi tumagas ang hikbi sa bibig ko.
I'm sorry... I'm really sorry, baby.
It felt like half of me died in that restaurant. My words were like daggers pointing at myself, too. It hurts when you need to believe in lies because you can't handle the truth.
Pumasok ako sa mga subjects ko nang parang walang nangyari. Nakipag-asaran pa ako kina Cams at Jessie nung lunch break. Naputol ang usapan namin nung tumunog ang cell phone ko.
Ulrich is calling...
I bit my bottom lip. I've been avoiding his text messages since this morning. It would be suspicious to ignore his call now. So, I excused myself.
"Hello, Ulrich?"
"Hey... uhmm..."
"What?"
He chuckled. "Can you meet me now? Fourth floor. Engineering building."
"Huh? Bakit?"
"Sige na! Maghihintay ako." Saka na niya pinatay ang tawag.
Napabuga ako ng hangin. Binalikan ko ang mga kaibigan ko. Nagpaalam ako sa kanila na may emergency sa office. Tinawanan nga nila ako dahil hindi sila naniniwala.
Medyo malayo ang engineering building dito kaya matagal-tagal din akong naglakad. Umakyat ako sa fourth floor. Hingal na hingal ako nung pag-apak sa huling baitang. Bakante ang buong floor na ito kaya medyo madilim.
Tumigil ako sa hallway. Saan ba rito?
I called Ulrich. Nagri-ring lang ang cell phone niya.
Oh, come on. Don't tell me pinagtitripan niya ako?
Napatalon ako sa gulat nung may sumabog na confetti sa itaas. Kasabay no'n ay ang pagbukas ng mga nakahilerang ilaw sa hallway.
"Happy birthday, Rizzie!"
Napatingin ako sa likod ko. Nakangiti silang lahat sa akin. May hawak na cake si PJ. Si Chester naman ay lobong hugis puso. Si Art ay kumakain ng spaghetti. Tapos si Roland naman ay may hawak na banner na may picture ko. Lahat sila ay naka-party hats.
"W-what this?" tanong ko.
"Birthday?" hindi siguradong sagot ni Chester.
"Happy birthday, Riza!" ngiti ni PJ.
"Alam ko talaga sa susunod na araw pa, eh," nakasimangot na banggit ni Rol. "Hindi ko tuloy siya binati kanina. Happy birthday, Riza!"
"Tangina. Wala ba kayong balak na ipakilala ako?" iritang sigaw ni Ulrich sa likod nila. "Arthur. Nasaan na 'yung music natin? Inuna pa ang pagkain!"
Nakangusong tinulak ni Ulrich ang mga kaibigan niya. Saka siya lumapit sa akin bitbit ang isang bukalya ng pulang rosas. Ang nakasimangot niyang mukha ay napalitan ng ngiti,
"Happy birthday, Riza..." Ulrich greeted me.
"Rik..." Natawa ako. "Hindi ko pa birthday!"
"Huh?" Hinarap ni Ulrich ang mga kasama niya. "Akala ko ba ngayon ang birthday niya Chester?"
"Huh? Hindi ba?" napakamot sa batok si Chester.
"Sabi na hindi pa, eh!" singhal ni Roland. "March 8, hindi ba, Riza?"
Nakasimangot na tumango ako.
Humalakhak si Arthur kaya nabulunan siya sa kinakain na spaghetti. Pinaghahampas naman siya nina Chester at PJ sa likod.
"E-edi advance?" awkward na sabi ni Ulrich.
"Thank you!" Niyakap ko siya.
"Kailangan pala kapag nag-thank you may yakap?" pang-aasar ni Art.
"Flowers..." Binigay sa akin ni Ulrich ang bulaklak. "Hindi bale. We will celebrate your birthday every day until it's officially your birthday."
"Sus. Epic fail lang kayo eh!" Hinampas ko siya sa balikat.
"Yung cake?" ani PJ. "The candle is melting. Gusto niyo ba ng cake na candle flavor?"
"Oo naman!" sang-ayon ni Art.
"Ipatugtog mo na kaya yung music natin, Art?" ani Chester. "Ang awkward na oh. Sige na!"
"Okay. Pakihawak nga spaghetti ko, Rol."
"Akin na lang?" tanong ni Roland.
"Isang pasta lang ah?"
Hinawakan ni Ulrich ang ulo ko saka hinarap sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Kasabay no'n ay tumugtog ang happy birthday music.
"Romantic music naman, Art!" dinig kong singhal ni PJ.
"Teka. Hanap muna ako sa Youtube."
Napasinghap ako nung hilahin ako ni Ulrich at dinala sa dulo ng hallway. Saka niya ako hinarap sa kanya. Hindi nabura ang ngiti sa kanyang labi.
"Kinausap ako ni Amanda kahapon," mas lumapad ang ngiti sa kanyang labi. "She doesn't like me anymore, Riza. Sabi niya ay ayaw na niyang magpagamit sa akin. She also told me she has no plan of leaking the information about your sister and my father!"
Oh? Mr. Megardon is really trying his best to get me huh?
Niyugyog ni Ulrich ang balikat ko.
"Ayokong madaliin ka, Riza. We can stay lowkey." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Damn. The summer will be more fun. Liligawan kita sa summer, ah?"
I smiled. "Marunong kang manligaw?"
"Oo naman..." Nilapit niya ang mukha sa akin. "I will hit the gym again. My abs are fading. Ayoko namang matunaw ka sa dami ng abs sa beach. Gusto ko sa akin ka lang nakatingin."
I was laughing while my heart was crying.
"My life has never been this happy before, Riza..." He caressed my face gently. "You make me excited every day. You make my life tolerable. You just... complete me, baby."
Lumunok ako. "Okay..."
Naglaho ang ngiti sa kanyang labi, pero agad niya rin 'yong binalik. Niyakap niya ako nang mahigpit. Nakahiligan na nitong isiksik ang kanyang mukha sa leeg ko. Suminghap siya.
"Akin ka lang, Riza. Okay?"
Napapikit ako. He knew that the only answer I could give was okay, so he asked a question that needed nothing but okay as an answer.
The time was ticking, so were the promises that have been said. When you are given two difficult choices, which one weighs more?
Right now... I am choosing what's best for us.
Later that night, I had another meeting to attend. Pero sa pagkakataong ito ay kasama ko na si Ate Sarah. Pareho kaming nakaayos. Nag-ayos kami na babagay sa mga taong kauusapin namin.
Hinarap ako ni Ate Sarah sa kanya.
"You look... drop-dead gorgeous, baby sis..."
I smiled. "I'm sure someone will be annoyed just by my mere presence."
My sister chuckled. Nilapit niya ang mukha sa akin saka mahinang hinaplos ang aking pisngi. "Try to be more open, Riza. You two need time to get along."
I shrugged my shoulders.
The only thing they can offer me is shelter and money. That's all I need from them anyway. Aside from that? Nah. I don't think there's more than that.
I will finish my studies.
I will work my way out of this mess.
I will be successful.
I will come back to my sister.
I will do everything to thrive in this world.
At seventeen, I've learned that with money, you can fear no one. You can do anything you want. The level of success is based on your tangible possessions.
This sacrifice will be worth it in the end.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro