Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Chapter 32: Happy Birthday

"Good morning, Riza..." Isang malalim at buong boses ang gumising sa akin. Sinubukan niyang hilahin ang comforter ko pero gumulo ako sa kama saka tumagilid.

I heard him chuckle. Lumalim ang kabilang kama kaya alam kong umupo siya roon. Sa una ay antok na antok pa ako, pero nung maramdaman kong may yumakap sa likod ko ay nanayo ang mga balahibo ko.

"Wala ka bang balak pumasok ngayon?" dinig kong tanong ni Ulrich. Sobrang lapit ng boses niya sa tainga ko. "Do you want to stay here, baby? Hindi na rin muna ako papasok."

Nagbilang ako hanggang tatlo bago dali-daling tumayo sa kama. Sinama ko ang comforter sa pagtayo ko at binalot 'yon sa katawan ko.

"What the hell are you doing here, Ulrich?" Inayos ko ang buhok kong buhaghag.

Ulrich just smirked. Tinulak niya ang sarili pasandal sa kama. Humalukipkip siya. Basa ang buhok nito, amoy na amoy ko ang bango niya. Naka-itim na itong slacks at puting sando. Polo shirt lang ay pwede na siyang pumasok sa school.

"Where's Cams?" Kinabahan na ako. "Rik..."

"Wala ka bang natatandaan?" tanong niya.

Kumabog ang dibdib ko. "Shut up!"

Wala sa sariling nahapawak ako sa baba ko. I don't feel anything strange on my body. Sa totoo ay sobrang gaan nga ng pakiramdam ko ngayon. I've had a good sleep!

"You were drunk—"

"Rik. Enough..." I glared at him.

"Nagsuka ka nga pa, eh!" singhal niya.

"I remember that. Pero walang nangyari sa atin!" I scowled at him.

His eyes widended. Sabay na humalakhak siya.

Pumula nang malala ang pisngi ko. Sa sobrang hiya ay hinampas ko sa kanya ang comforter na hawak ko. Nahawakan niya 'yon saka hinila kaya nasama ako. Napahiga ako sa tabi niya.

He smiled. "I was talking about when you kissed me after you puked. Ikaw ang unang nanghalik sa akin, hindi ba? Aside from that, wala na."

I winced. "Kailangan mo bang ipaalala?"

"Nauna na silang umalis. Tayo na lang ang nandito sa condo unit ni PJ. Pinagdala ka ng mga damit at uniform ni Cams para hindi mo na kailangang umuwi. May pagkain na rin sa labas. Pero kung ayaw mong pumasok, let's stay here then."

I pushed him away. Tumayo na ako uli. Hinawi ko ang buhok saka tumikhim.

"Maliligo na ako," sabi ko, hindi gaanong makatingin sa kanya.

Bumangon na rin sa kama si Ulrich. Nung pagtayo niya ay mas dumikit sa katawan niya ang kanyang sandong puti. Lumapit siya sa cabinet at binuksan 'yon. Saka siya bumaling sa akin.

"Andito lahat ng gamit mo," aniya.

"How about my bag?"

"Dadaanan na lang natin mamaya. Gusto mo bang initin ko ang ulam?"

Suminghap ako saka mahinang tumango. Gutom na rin ako. Wala akong panahong mag-inarte.

"Okay. May shower room sa gilid. Iinitin ko lang ulam."

Palabas na sana siya ng kwarto nung may sinabi ako.

"It's fine, Rik. Kaya ko na ang sarili ko. Pwede ka nang mauna sa school—"

"Baby..." He pursed his lips. "It's fine. I got you. Okay?"

Nung pagkalabas niya ay napaupo ako uli sa kama. Napasapo ako sa aking ulo. Nagmunimuni muna ako bago napagpasyahan na mag-ayos na ng sarili. Naligo ako at sinuot ang uniform na pinahiram ni Cams. Buti na lang halos magkasing size lang kami.

Kanina pa ako nakaayos at nakatingin sa salamin. Narinig ko na ang pagtunog ng mga kubyertos sa labas. Wala pa rin akong planong labasin ito. Hanggang sa kumatok na talaga si Ulrich.

"Breakfast is ready!"

I swallowed. "Be there in a min!"

Muli kong pinasadahan ng suklay ang buhok ko bago tumayo. Inayos ko na rin muna ang kama ni PJ. Natigilan pa ako at natulala sa kama niya nung may mapagtanto.

They did that here?

Inalog ko ang ulo ko. Ang aga-aga kung anu-ano ang iniisip ko.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Ulrich na nakaharap sa labas ng bintana kung saan kitang-kita ang mga maliliit na structure sa city na ito. Nakatutok sa kanyang tainga ang kanyang cell phone. Napatingin siya sa akin. May sinabi siya sa kausap bago 'yon binaba.

"Coffee?" he asked.

"Ako na!" I immediately took the coffee mug from him.

"Fine." He sighed.

"Nag kape ka na?" tanong ko.

"Yeah..."

Masyado akong kabado kaya lumagpas sa tasa ang mainit na tubig. Napaatras ako nung matalsikan ako ng tubig na mainit. Maagap na nilapitan ako ni Ulrich. Siya na ang nagsalin ng tubig na mainit sa tasa ko.

"Do I bother you, Riza?" he asked without looking at me. Hinalo niya ang kape ko saka inalis ang spoon. He placed my coffee on the table as he turned to me.

Marahan akong umiling. "Not at all. Hindi lang ako sanay..."

"Mahapdi ba?" tukoy niya sa daliri kong natalsikan ng tubig na mainit.

He was about to approach me when I unconsciously stepped back. Natigilan siya sa paghakbang. Huminga siya nang malalim bago umupo na.

"Let's eat. Makakahabol pa tayo sa second subject," he said.

I could see that he's upset with my strange actions. Gano'n pa man ay pinaglagyan niya ako ng pagkain sa plato ko. I wanted to politely ask him to stop, but I just let him.

Tahimik lang kaming kumakain. Maya't maya ang pagsulyap ni Ulrich sa kanyang cell phone. Ako naman ay nakatungo lang at nagpanggap na hindi siya pinapanuod.

"I will talk to Mr. Megardon regarding his daughter's behavior," he suddenly said. "She's been causing a lot of mess lately. Don't worry, Riza. It's all me. Hindi madadawit ang pangalan mo rito, okay?"

Natigilan ako sa pagnguya. He stretched his lips into a simple smile.

"I will fix this, Riza."

I just nodded.

"Anyway..." Nagpunas siya ng tissue sa labi matapos uminom ng tubig. "Pwede ba akong dumalaw mamaya sa bahay niyo? I will talk to your sister."

"About what?" Hindi ko na nagalaw ang pagkain ko.

"About the issue. Malamang na narinig niya ang tungkol sa amin ni Amanda. I want to clear things out."

I shook my head. "Huwag muna, Rik. Malabo rin kami ni Ate Sarah ngayon. Let's just fix our issue with Amanda first. It's just a matter of time before she leaks—"

"That's not going to happen," he immediately cut me off. "I will do everything to kill the issue before it even leaks. Saka... it's really not that of a big deal. They just had an affair for a short time. Kadalasan sa mga babae ni daddy ay tumatagal din—"

"It's almost time," puna ko habang nakatingin sa wall clock. "Kailangan ko pang kunin ang bag ko sa bahay."

Bumagsak sa plato ko ang tingin ni Ulrich. Hindi ko naubos ang pagkain ko. Tumango na siya. Nagpaalam itong magsisipilyo lang sandali.

Niligpit ko ang pinagkainan namin. Sinuguro kong walang kalat naming iiwan ang lugar na ito. Though PJ is a close friend to us, it will be embarrassing to leave his place messy after he let us stay here overnight.

Hinawakan ko na ang cell phone ko. Sobrang daming messages ni Ate Sarah. Sa dami ng mga 'yon ay sa huling text message lang ako natigilan.

"I am always proud of you, Rizzie. I love you, baby sis!"

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Dati ay natutuwa ako kapag sinasabi niya ito. Ngayon ay iba na ang epekto sa akin. Why does she need to say it every single time?

"Let's go?" ani Rik.

Yumuko ako at bahagyong tumalikod. Pasimple kong hinawi ang luha sa pisngi ko. Akala ko ay hindi niya napansin 'yon, pero hinawakan niya ang balikat ko saka hinarap sa kanya.

Inalis niya ang kamay ko sa mata ko para mas makita ang mukha ko. He gently wiped my tears using his thumb. There was also a tender smile on his lips.

"After this..." Suminghap siya. "Kapag maayos na..." Nilapit niya sa akin ang kanyang mukha. "Liligawan kita. Gusto kitang dalhan ng bulaklak. Gusto kong ako ang susundo sa 'yo tuwing umaga. Gusto kong... maging boyfriend mo... na alam ng lahat... nang hindi tinatago."

Mas bumuhos ang mga luha sa mata ko. Niyakap ako ni Ulrich saka mahinang tinapik ang likod ko. My feelings were never been this strong and clear.

I am in love with this man.

"We will go to college together. We will be successful together," he whispered. "You made my future so clear now, baby. I want it to be with you."

I wish reaching for our dreams was as easy as how we pictured them in our heads. Sometimes, the things we wanted the most were the hardest things to get. We could call it worth it in the end.

Dreams do change.

And sometimes, your dreams depend on who you are with.

Ulrich drove me home to get my bag. Wala na si Ate Sarah pagkarating ko, malamang na nasa trabaho na. Alam niyang uuwi ako para kunin ang bag ko kaya hindi niya kinandado ang pinto. Nakasimangot ako pero napangiti ako nung makita si Silly.

"Hey, Silly. Were you lonely, huh?"

Napansin kong may pagkain pa siya at bago rin ang tubig niya. Sobrang maalala talaga ni Ate Sarah.

Hindi ako agad lumabas. Tumingin ako sa labas ng bintana. Naka-park pa rin ang sasakyan ni Ulrich sa labas. Binaba niya ang bintana ng sasakyan.

"Go ahead..." I mouthed.

Napayuko siya saka mahinang tumango. He rolled the windows up and drove away. I waited for five minutes before I went out. We can't go to school together. Masyado pa ring nagliliyab ang issue sa pagitan namin.

Storms don't last long. The aftermath does.

I went to school alone. It was a surprise that I achieved to get in my classroom without something bad happening to me. Oo, meron pa ring nagbubulungan. I could still hear them talking bad about me. Pero wala nang bumato sa akin ng papel. It was more peaceful than yesterday.

"Rizzieeee!" Cams approached me. Galing ito sa likod ng classroom namin, halatang nakipag-chismisan muna. "Good news. Ulrich has returned as the SSG President!"

"Oh?" Umupo na ako.

"Yes!"

Napasinghap ako nung bigla siyang kumandong sa akin. Sinandal pa niya ang likod sa dibdib ko. Hinila niya ang mga kamay ko para yakapin siya.

"I wonder why..." bulong ni Cams.

Napaisip din ako. I mean... it's just a temporary suspension. Hindi rin naman mabigat ang nagawa niya. Pinagtakpan niya lang ako, iyon lang.

My phone vibrated. Kinuha ko ito sa bulsa ko.

Ulrich: Office. Now.

Dali-daling umakyat ang kaba sa dibdib ko pagkabasa ng message niya. What is it this time?

"Cams... pinapatawag ako sa office."

"Hays!" Padabog na umalis sa kandungan ko si Camila. "Papasok ka naman, hindi ba? Hindi mo pa naaaral ang mga lessons kahapon! Inuna pa kasi ang inom."

"Tanga. Sabi ko send mo sa akin, eh!"

"Gaga! Se-send ko na nga sana sa 'yo tapos bigla kang mag-aaya ng inuman!"

Sinakbit ko na sa likod ko ang bag ko. "See you later."

"Tse!"

Natawa ako. She's just worried about me. Alam ko naman ang ginagawa ko. Though sure na akong ga-graduate, gusto ko rin namang tumaas ang grade ko kahit na sa finals lang.

Napatingin ako sa grupo ng mga babae na nagtatawanan. Sakto namang napalingon din sa akin si Raechelle. She smiled at me. Alam kong hindi niya pineke 'yon.

She approached. "Hey. Ayos ka lang?"

Hindi ako sumagot.

"Hindi na kita aawayin, don't worry. Alam ko kasing wala akong laban sa 'yo pagdating kay Ulrich." Tumawa pa siya. "Sana lang ay mapagtanto na rin 'yon ni Amanda. Anyway... I am not friend with her anymore. Best decision. Sige. May pupuntahan ka pa yata..."

Binalikan niya ang kanyang mga kaibigan.

The issue was slowly fading. Pero kahit naman galit pa rin sila sa akin ay hindi naman ako maapektuhan. May mas bigat pa akong inaalala.

Pumunta na ako sa office ni Ulrich. Naabutan ko siyang nakaharap sa kanyang laptop. Magkasalubong ang kanyang mga kilay ngunit nung umangat ang tingin niya sa akin ay napasimangot siya.

"What's wrong?" tanong ko.

"I just missed you..." Ngumuso siya. "Dumiretso ka agad sa classroom niyo. Hindi mo man lang muna ako pinuntahan dito."

"Rik..." I sighed. "Fine. How about Amanda?"

He shrugged his shoulders. "Hindi ko pa nakausap. I will try later."

"She's alone now..." I told him.

"What about it?"

"She needs you more than ever." A bitter smile formed on my lips. "You did well pretending to be my boyfriend. You can do that with her, right?"

Napatayo si Ulrich. It looked like I made him upset.

"Tinutulak mo ba ako sa kanya?"

Umiling ako. "Not at all. But we have a deal."

"I know. But... don't you ever compare yourself to her. My feeling for you was real. I did well because I wasn't pretending at all. I was being true to you all along."

Napangiti na lang ako.

"Anyway... Amanda has deleted the video she uploaded online." Hinila ako ni Ulrich sa sofa saka niya ako hinarap. "Chester also told me that their dad has talked to her already. This is a good start, Riza."

"Hindi pa rin tayo sure..."

For now, yes, we are safe. Kung totoo mang nakausap na ni Mr. Megardon si Amanda, malamang na napagsabihan na niya ito. Pero hindi namin hawak ang takbo ng utak ni Amanda. She can expose us anytime she wants.

Hinawakan ni Ulrich ang kamay ko at hinaplos 'yon. Nilapit niya sa kanyang labi ang kamay ko saka hinalikan habang nakatingin sa mga mata ko.

"I can't wait to be with you soon..." he said.

"But for now..." Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Make sure Amanda won't expose us."

Ulrich sighed deeply. Tumango siya saka tumayo at bumalik na sa kanyang swivel chair. He folded his laptop and slid it inside his bag. Saka niya sinabit sa likod ang bag.

"May klase na ako. I will talk to her later."

Tumayo na rin ako. Bumaling sa akin si Ulrich. Tipid na ngumiti siya saka nagpaalam na. Hindi ko siya hinayaan na basta-basta lumabas. Niyakap ko siya mula sa kanyang likod.

"Thank you so much, Rik."

Hinaplos niya ang kamay ko.

"Anything for you." There was a mixture of bitterness and distantness in his voice. "Bubuksan ko na ang pinto. Baka may makakita sa atin na nakayakap ka sa akin."

Labag man sa kalooban ay wala akong nagawa kung hindi ang palayain siya. Nakayukong lumabas siya ng office nang hindi bumabaling man lang sa akin.

Napayuko rin ako. Mapait akong napangiti.

Lalabas na rin sana ako nang office nung biglang may mga brasong pumulupot sa katawan ko. Tinulak niya ako papasok sa loob saka sinarado ang pinto.

I looked up at Ulrich. His eyes looked sad.

"I-I can't... I can't walk away like that..." pumaos ang kanyang boses. "I'm sorry, Riza. Did my words sound cold to you? I didn't mean it, baby. I'm sorry."

Tinakasan na ako ng mga salita.

"Tangina. Kung pwede lang magmakasarili ako para isigaw sa lahat na ikaw ang gusto ko... na ikaw ang mahal ko. Pero, hindi pwede, hindi ba? I would just make you mad. Ayokong magalit ka sa akin, Riza. Ayoko."

Muli niya akong niyakap. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan. Hinalikan niya ako sa balikat saka siniksik ang mukha sa leeg ko.

"I am hurting, baby..." he whispered.

"I love you, Rik."

"Wait..." Hinarap niya ako. Tila umurong ang mga luha sa kanyang mukha. Pulang-pula ang kanyang mukha. "What the fuck did you just say? You... what?"

Nung hindi ako agad ay niyugyog niya ang mga balikat ko. He was biting his lower lip, trying to suppress his smile. Pero kitang-kita ang saya niya sa kislap ng kanyang tingin.

"Say it again, Riza. Come on!" he laughed.

"Mahal kita, Rik. Mahal na mahal..."

"Okay. Wow!" Napatikhim siya.

Bahagya niya akong tinulak. Huminga siya nang malalim bago tumingala. Lumunok siya saka suminghap ng hangin. Pagkatapos ay yumuko siya para itago ang kanyang ngiti.

"Tangina. Paano ako makaka-focus sa klase nito..." bulong niya.

"Hala. May klase na pala ako!"

"Wait lang!" He blocked my way. Sumimangot pa siya. "Iiwan mo ako pagkatapos mo akong.... sandali lang. Stay here for a moment, until it feels real. Because right now..." he shook his head. "It doesn't feel real yet. Tell me I am not dreaming.?"

Instead of answering his questions, I pressed my lips into his.

It took him seconds to respond, but when he did, he deepened our kiss. He lifted my chip up so I could kiss him even more. His lips stretched into a smile in the middle of our kiss.

Nakapikit pa rin ang mga mata niya nung huminto ako sa paghalik saka bahagyang lumayo sa kanya. Gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Papasok na ako," sabi ko saka na tuluyang lumabas.

Hindi natinag ang ngiti sa labi ko. Hanggang sa pagpasok ko sa classroom ay may bahid pa rin ng saya sa mukha ko. Napatingin pa nga ako kay Cams na nakatingin din pala sa akin.

That was our first and last interaction for that day. Naging sobrang busy kami sa mga kanya-kanya naming gawain. Kahit nga si PJ na sobrang dikit na dikit kay Cams ay hindi man lang nagawang dumalaw.

The day has passed peacefully. Habang papunta sa sakayan ay maya't maya ang pagtingin ko sa cell phone ko. I have been waiting for a text message from him.

Napabuga na lang ako ng hangin. Nakapila ako sa sakayan nung may dumaan na sasakyan. Nakababa ang bintana no'n kaya nasilip ko ang mga tao sa loob. Sina Amanda at Ulrich.

I see.

I know the reason why they are together, yet it prompted a pain in my chest. While I was waiting for his message, he was conversing with someone else. Malamang na ayaw niya lang na magduda pa si Amanda. If he needed to forget that I exist, he would.

"Ate. Sasakay ka ba?" tanong sa akin ng lalaki.

Sumakay na ako sa jeep. I went home with a heavy feeling.

Naabutan ko sa sala si Ate Sarah. Ang dating laptop na lagi niyang kaharap ay naging alak. Ang sabik na pagsalubong niya sa akin dati ay napalitan ng malamig na tingin. Base sa hitsura nito ay kanina pa siya naglalasing.

Hindi ko siya pinansin. Aktong papasok na ako sa kwarto ko nung bigla siyang magsalita.

"I'm sorry, baby sis..."

Tila may tumusok sa dibdib ko nung marinig ko sa kanya 'yon. Gano'n pa man ay wala siyang nakuhang sagot sa akin. Pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Wala sana akong balak na lumabas pero narinig ko si Ate Sarah.

She was singing a happy birthday song.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, baby sis..." I heard her voice crack.

Dahan-dahan ay pinihit ko ang doorknob. Naabutan ko sa labas ng kwarto ko si Ate Sarah. May hawak siyang cake na nakasindi pa ang mga kandila. Umiiyak siya habang nakatingin sa akin.

"A-Ate Sarah..."

"Happy birthday, baby sis. I wish you all the best in life."

"Ate Sarah!" Bumagsak na ang mga luha sa mata ko. "Hindi ko pa birthday!"

She smiled at me. "Blow your candles, baby. Sorry. Ito lang ang kaya ko..."

"Ate..." Humagulgol ako.

"Sige na, please?"

Madiin akong pumikit. Yumuko ako saka hinipan ang mga kandali sa cake. Pagkatapos ay kinuha ko kay Ate Sarah ang cake saka siya niyakap nang mahigpit.

"Can we celebrate your birthday tomorrow, Riza?" she asked. "Kahit na hindi mo pa birthday."

"No. Ayoko, Ate Sarah."

Hinarap ko si ate.

"Mahal na mahal kita, Riza."

"Ate. Bakit?"

"Mag-iingat ka roon ah? Hindi na kita maaalagaan."

"H-hindi ko maintindihan... bakit?"

Suminghap siya saka pilit na ngumiti.

"Riza. Mahal na mahal ka ni Ate Sarah. Tandaan mo 'yan—"

"Ate. Stop, please?" Halos lumuhod na ako sa harapan niya. "Please, stop?"

"Kasi... Riza..." Halos hindi na rin makapagsalita si Ate Sarah. "Ako lang 'tong matigas ang ulo eh. Bago namatay si Mama, binilin niyang ibigay na kita. Sorry kasi nagmatigas pa rin ako. Kahit na alam kong mas giginhawa ang buhay mo sa kanila, nagmakasarili pa rin akong piliin ka. Pero..."

Humagulgol na ako.

"Kinukuha ka na sa akin, baby sis. Kinukuha ka na ng ama mo."

"What? No! Sa 'yo lang ako!"

"Baby sis..." Hinaplos niya ang mukha ko. "You will celebrate your birthday with them. You will have a grand celebration. You can invite as many friends you want."

"Ate..." Lumuhod ako sa harapan niya habang hawak ang cake. "Ayoko. Gusto ko sa tabi mo lang ako. Please, huwag mo akong ipamigay. I am begging you, please? Let me stay with you."

Lumuhod din sa harapan ko si Ate Sarah.

"I am proud of you, always, baby sis..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro