Chapter 30
Chapter 30: Wicked Heart
I cried the whole night. I woke up in a discomfort feeling. Kagigising ko pa lang pero parang inaantok na naman ako. Hindi naman ako pwedeng lumiban dahil importante na ang pinag-aaralan namin.
I stood in front of the vanity mirror. Buti na lang hindi namamaga ang mga mata ko. I could traverse the day without a hint that I wept for the whole night.
I refused to check my phone.
Lutang ako nung pumunta sa kusina. Naabutan ko na naghahain si Ate Sarah. Bagong ligo na ito. May nakabalot pang tuwalya sa kanyang ulo.
Biglang kumatok sa isipan ko ang mga binitiwan kong salita kahapon. I felt a pang of guilt that I almost stepped back when my sister turned to me.
The smile on her face surprised me.
"Good morning, baby sis. Kain na tayo..."
I was taken aback. Sa halip na lumuwag ang dibdib ko ay mas lalong lang itong sumikip. Nakapagbitiw ako ng mga masasakit na salita sa kanya kahapon tapos ganito pa rin siya?
We had breakfast together. Wala akong kibo buong oras. Sinubukan ni Ate Sarah na magbukas ng usapin pero tanging tango at iling lang ang naisagot ko. No words escaped my lips.
Nag-ayos na ako ng sarili. Nakaupo ako sa harapan ng salamin at tapos na mag-ayos. That's when I decided to pick up my cell phone.
I checked the time, medyo maaga pa. Tila nagkaroon ng sariling desisyon ang mga daliri ko para balikan ang huling message sa akin ni Ulrich.
No, don't...
Kinatok na ako ni Ate Sarah para pumasok na kami sa school. Sabay kaming dalawa. Hanggang sa makarating kami ay wala akong kibo. Hindi gaya ng madalas ay hindi ako kinulit ni Ate Sarah na magsalita.
Papasok na kami ng gate nung sabay kaming mapatingin ni Ate Sarah sa isang tarpaulin na nakasabit sa itaas.
Congratulations, Ulrich and Amanda! Stay strong!
Hinawakan ni Ate Sarah ang kamay ako at tuluyang na kaming pumasok sa loob. Naghiwalay na rin kami ng daan. Nung maiwan akong mag-isa ay mas lalo kong naramdaman ang bigat ng mga pangyayari kahapon.
Sa halip na pumunta sa office ni Ulrich, napagdesisyonan ko na lang na dumiretso na sa classroom. Maaga pa kaya kaunti pa lang kaming narito.
I was busy reading my notes when I heard the conversation of my classmates behind me. Syempre, tungkol pa rin kina Amanda at Ulrich ang pinag-uusapan nila. It will be the talk of the town for weeks.
"Bakit biglaan? I don't even see them interacting."
"Sus nga. Pero baka pasikreto lang talaga sila?"
"Maybe. I don't know. I don't like Amanda."
"Ssshh. Baka may makarinig sa 'yo."
"Basta. I don't really like her."
I just decided to put my headset on. Hindi ako maka-focus dahil sa pinag-uusapan nila. Though sanay naman akong mag-review kahit may nagbubulungan sa paligid, masyado lang akong apektado sa topic nila na hindi ko mapigilang hindi makinig.
Someone tapped my shoulder. Umangat ang tingin ko kay Camila na todo ngiti sa akin. Agad kong napansin ang kakaiba sa kanyang ayos.
"Bagay ba?" tukoy niya sa bagong gupit na buhok.
Her bangs remained untouched. I mean, of course, magalaw na lahat huwag lang iyon. Lumiit lang nang kaunti sa itaas ng kanyang balikat ang buhok nito. It still made a huge difference.
"Nagmo-move on ka na ba?" biro ko.
"Tanga. Sa end of summer pa!" Inirapan niya ako.
Wala pa naman ang katabi ko kaya roon muna umupo si Camila. Binitiwan ko ang notes ko para humarap sa kanya. Hinaplos ko ang buhok niya. Bagay na bagay sa kanyang mataray na mukha.
"How are you feeling now, Rizzie?" she asked.
I just shrugged my shoulders.
Camila pouted her lips. "Hayaan mo na sila. Matatapos na rin naman ang klase. Hindi mo na maririnig ang mga chismosa. Kaunting tiis na lang!"
"Nagre-review ka na ba?" pag-iiba ko sa usapan.
She smirked. "Yep."
"Really?"
"Syempre. Kasama si PJ..."
Tinigilan ko ang paghaplos sa kanyang buhok. Narinig ko na naman ang pangalan ng lalaking 'yon.
"Masyado ka na yatang dumidipende kay PJ?" tanong ko.
"Sinusulit ko lang..."
Pinanlisikan ko siya ng tingin. Tinawanan lang ako ng bruha.
Lumipas ang morning subjects namin na active ako. Ganado rin ako sa pagsusulat ngayon, hindi katulad dati na pipicture-an ko na lang tapos sa bahay gagawin. The subjects that used to bore me kept me unavailable from anything else... especially from overthinking.
One more subject before lunch break. Nasa kalagitnaan kami ng klase nung marinig kong biglang umingay sa likod namin. Naririnig ko ang mahinang pagtili ng mga babae. Nakatingin lahat sila sa labas ng bintana.
Something hammered my chest when I saw someone standing outside the window. Nakatalikod ito sa amin pero kilalang-kilala namin ito.
I looked away when Ulrich turned to me.
What the hell is he doing here?
No. It's not because of me. Baka sa teacher namin siya may kailangan.
Hindi na ako nakasunod sa lessons namin. Ulrich's presence messed up with my concentration. Pigil na pigil akong tumingin uli sa labas ng bintana.
Lumakas ang kabog sa dibdib ko nung matapos na ang klase. Lumabas na ang teacher namin. Sinalubong siya ni Ulrich para magmano.
My teacher left, Ulrich stayed.
He stood beside our doorway. Nginingitian niya ang bawat estudyanteng babati sa kanya. Paglumampas sa kanya ang mga babae ay maghahampasan ito ng mga balikat habang tumatawa.
Napangiwi ako. Shit.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko.
"What are you doing here, President Ulrich?" Umangat ang tingin ko kay Camila na kinausap si Ulrich. Nakahalukipkip pa ito.
Binagalan ko ang pagsasalansan ng mga gamit sa bag. Nakayuko ako at pasimpleng nakikinig sa usapan nila.
"If you were going to invite me for lunch, I can't. Sabay kami ni Riza."
Narinig ko ang pagtikhim ni Ulrich.
"Actually..." Tila nahirapan siya sa pagsagot sa kaibigan ko. "I was going to invite you two. My treat."
"Libre talaga?"
Napasimangot ako. Really, Cams? Bibigay ka dahil lang sa libre?
"Ay, hindi. Ayoko pala," pagtanggi ng kaibigan ko. "Saka bakit kami? Hindi ba dapat sabay kayo ni Amanda? Hindi ba siya ang nililigawan mo?"
"Please, let me talk to her—"
"Stop now, Mr. Delgado. Enough is enough. Baka pag-initan na naman siya ni Amanda. Kawawa na ang kaibigan ko! Lagi na lang siyang inaapi!"
Doon na hindi nakasagot si Ulrich.
"Nasaan ka ba nung mga panahong inaapi siya ni Amanda dahil sa 'yo? Wait. Oo nga pala..." Mapaklang tumawa si Camila. "Hindi mo alam. Wala ka namang alam, eh."
Sinakbit ko na sa likod ang bag ko. Nilapitan ko silang dalawa. Hinawakan ko na ang braso ni Camila saka siya hinila nang hindi nililingon si Ulrich.
"Riza. I am not done!" pagpupumiglas ni Camila.
"That's enough, Cams."
"No! Bakit ka naman nanghihila agad, Rizzie? Wala man lang akong iconic line na naibato sa kanya!"
Hinila ko na si Camila sa cafeteria. Good thing, hindi naman sumunod si Ulrich. Ayoko muna siyang makausap. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kung sakali.
We ordered foods. Wala akong gana pero inubos ko na lang din para hindi na magsalita si Camila. Baka mamaya sugurin na naman niya si Ulrich para sisihin ito dahil hindi ko naubos ang pagkain ko.
Tapos na kaming kumain nung mapatingin ako sa isang lalaki. May hawak na tray na pagkain si Ulrich saka siya dumiretso sa isang bakanteng lamesa. Pinatong niya roon ang pagkain saka umupo. He checked his phone. Napansin kong mas lalo siyang lumungkot nung binaba niya ito.
"Don't tell me naaawa ka sa kanya?" tanong ni Cams.
Hindi ako kumibo. I watched him from afar. I don't think he's aware that we are here. Maya't maya niyang tinitingnan ang kanyang cell phone.
Hindi niya naubos ang kanyang pagkain. Kinuha niya uli ang kanyang cell phone. He typed something and my phone vibrated. Buti na lang naka silent mode ito.
I threw a glance at my phone.
Ulrich is calling...
Tinago ko na lang uli ito saka bumaling kay Ulrich.
Sa bawat segundong walang sumasagot sa tawag niya ay pahigpit din nang pahigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya... at pasikip nang pasikip ang dibdib ko.
I couldn't watch him anymore so I looked away. Hindi maganda sa pakiramdam ko. Nanatili pa rin kami roon hanggang sa napansin kong tumayo na si Ulrich. He left the cafeteria. Halatang bagsak din ang pakiramdam nito.
"I'm confused, Riza..."
Dumiretso ang tingin ko kay Camila.
"Why is he acting this way? Hindi ba si Amanda ang nililigawan niya? Does he know that you like him, too? Nag-aalala lang ba siya sa 'yo dahil baka apektado ka rin? Kaya ka niya gustong makausap?"
Napalunok ako. Sa dami ng tanong ni Camila ay ni isa ay wala man lang akong nasagot. I know the answer... it's still vague, but I somehow understand the situation we are in.
Bakit siya napapayag ni Amanda?
Kung napasunod siya ni Amanda dahil lang doon, baka nga masyado iyong malalim. Natatakot ako kung baka tungkol kay Ate Sarah pa 'yon.
No. Please. No.
Lumipas ang araw nang hindi kami nag-uusap ni Ulrich, ni hindi nga kami nagkaharap. Sinubukan pa niya akong hintayin hanggang sa uwian pero sinundo rin ako ni Jessie. Camila and Jessie blocked Ulrich from getting near me.
"Cams texted me," ani Jessie nung tanungin ko siya kung bakit sinundo niya rin ako.
Tumawa si Camila. "Ang kulit kasi ni Ulrich. Baka hindi ko na siya mapigilan sa paglapit sa 'yo. I asked for his help."
Napatango na lang ako.
My best friends offered to take me home, pero tumanggi ako. Mas feel ko kasing mag-commute ngayon. Saka... ayoko rin na magtanong pa sila dahil wala rin akong maisasagot kung sakali.
Habang nasa byahe ay naka-headset ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Tinatangay pa ng hangin ang buhok ko. Wala rin namang tao sa likod ko kaya pwede.
Should I confront him?
That's the question in my mind.
Naunang nakauwi sa akin si Ate Sarah. Nitong mga nakaraang linggo ay napapaaga na talaga ang pag-uwi niya. Hindi ko na rin siya naabutang may kausap sa cell phone.
Nagawa na ba naming paghiwalayin sila ni Mr. Delgado?
Ang plano ko ay magkulong lang sa kwarto pero bigla akong inaya ni Ate Sarah na lumabas. Mukhang alam ko na kung saan papunta ito.
We had dinner in a fancy restaurant. Dinadala rin naman ako ni Ate Sarah sa mga sosyaling lugar kapag may pera siya. Hindi siya magastos na tao pero para akin ay gagastos talaga siya.
Hindi katulad kanina ay nakakapagsalita na ako kahit papaano. Nasagot ko ang tanong niya tungkol sa exam namin at pati na rin sa plano ko sa summer. As usual, we have talked about everything except about my birthday next week.
Hindi kami agad umuwi. Naglakad-lakad muna kami sa Town Square. Madalas naming itong gawin dati, naging madalang lang talaga ngayon. Nakayuko lang ako habang nasa likod ang mga kamay habang naglalakad.
"He didn't just leave me, Riza..."
Damn. Is she going to talk about it?
"Bago pa kami mag-graduate ay lagi na niyang sinasabi sa akin na gusto niyang magtrabaho sa ibang bansa. Oo. Marami siyang pinangako. Gaya ng... babalik siya."
But he didn't.
Hindi na siya bumalik.
"Hindi na siya babalik. Iyon lang ang sinabi ko sa 'yo. Gusto kong gano'n na nga lang, eh. Mas gusto ko pang hindi na lang siya bumalik kasi nagmahal siya ng iba. Sana ay gano'n na nga lang..."
Doon na ako napatingin kay Ate Sarah. Nakatingala siya sa itaas habang nakangiti. Napansin kong dumausdos pababa ng pisngi niya ang mga luha.
"Hindi na siya nakabalik kasi... sumabog ang sinasakyan nilang eroplano. Hindi na niya matutupad ang mga pangako niya kasi... binawi na siya."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Natigilan ako sa paglalakad. Ang sabi lang sa akin ni Ate Sarah ay hindi na ito babalik. I immediately assumed it's because he just chose to stay there.
Pinunasan ni Ate Sarah ang kanyang luha saka humarap sa akin. Nakangiti ito.
"Tanggap ko na, Riza. Hindi na siya babalik..."
Doon ko na niyakap si Ate Sarah.
That must have been traumatizing. Mas masakit pa 'yon kesa sa malaman mong nagloko ang kasintahan mo kaya hindi na siya nakabalik sa 'yo.
Shit. I even compared my situation to hers.
"I was just hurt, Riza. But I don't regret anything..." Ate Sarah whispered to me. "I don't regret I loved him. I don't regret I believed in his words."
"I'm sorry, Ate Sarah. I didn't know..."
My sister faced me. Nakangiti pa rin siya sa kabila ng walang patid na pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
"Just fall in love, Riza."
Hindi ako pinatulog ng mga salita ni Ate Sarah. Kaya napagpasyahan kong katukin siya sa kanyang kwarto para matulog ako sa kanyang tabi. Nakayakap akong nakatulog sa tabi niya.
Kinabukasan ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. I was also ready to talk to Ulrich. Buo na ang loob kong harapin siya para masagutan ang mga katanungan ko.
But I guess... it's already too late.
Pagpasok ko pa lang sa campus ay napansin kong pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. It felt weird but I ignored it.
Sinalubong ako nina Camila at PJ nung papunta na ako sa classroom. Mabilis na umakyat sa dibdib ko ang kaba nung makita ang mga reaction nila.
That's when I knew something was wrong.
"Huwag ka munang pumasok, Riza," ani Cams na halatang kabado.
"B-bakit?"
Napangiwi ako nung may tumamang papel sa mukha ko. Saka tumakbo ang babaeng nagbato no'n. Yumuko ako para pulutin ang nakalukot na papel. Sinubukan pa akong pigilan ni Cams pero nabuksan ko na 'yon.
It was a picture of me and Ulrich. Nasa loob kami ng sasakyan niya. Agad kong naalala ang picture na ito. Nakatingin sa amin si Ate Sarah dito kaya nagpanggap kaming sweet. Sobrang lapit ng mga mukha namin kaya parang naghahalikan kami.
"They are mad, Riza," sabi ni PJ.
"May sabi-sabi pang break na raw si Ulrich at Amanda. They are blaming you, Riza," dagdag pa ni Cams.
Kumunot ang noo ko. What's going on?
Hindi pa ako nakakabawi sa laman ng papel nung may bumato na naman sa akin. Hanggang sa nagsunod-sunod na ang mga papel na lumilipad sa direksyon ko.
"Bitch!"
"Cheater!"
"Salot! Mapang-agaw!"
"Nakakahiya ka!"
"Guys. Stop!" Umangat ang tingin ko sa nagsalita. Amanda rolled her eyes. "You guys are literring. Mahihirapan lang ang mga maglilinis niyan!"
"Pero inagaw niya sa 'yo si Ulrich!" rason ng isa.
"Peste ang babaeng 'yan, Amanda!"
"I treated you like a best friend, Riza," Amanda confronted me.
Mabilis na nag-video ang mga estudyante sa paligid.
"Hindi ba binibili ko naman lahat ng request mong dress?" Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. "Gaano pa ito kamahal, binibili ko para sa 'yo. Pero hindi ko inakalang magagawa mo sa akin 'to."
"Ew. User ang gaga!" sigaw ng isa.
Nanatili akong nakatayo at walang kibo. Nasa harapan ko sina Cams at PJ para harangin ang mga estudyanteng gusto akong saktan.
"Stop now, Amanda. You are lying!" Cams tried to defend me. Binato rin siya ng papel kaya agad na umalma si PJ. Buti na lang dumating si Chester para pigilan ito.
"Let's talk, Amanda," ani Chester sa kapatid.
"I'm not done yet, Kuya Chester." Kinuha ni Amanda ang kanyang cell phone. "You betrayed me, Riza. Tapos nilalason mo pa ang utak ni Ulrich."
"Amanda..." May pagbabanta na sa boses ni Chester.
Kinalikot ni Amanda ang kanyang cell phone. Nakita kong napangisi pa siya bago umangat ang tingin, binalik niya ang malungkot na expression.
"I posted the video." Saka na tumalikod si Amanda at naglakad palayo. Mabilis naman na sumunod sa kanya si Chester.
"What video?" PJ asked.
Hinawakan na ni Camila ang braso ko at hinila ako palayo roon. Naging busy naman ang lahat sa kani-kanilang cell phone para tingnan ang video na in-upload ni Amanda.
Dinala ako ni Camila sa likod kung saan walang estudyante. Nakasunod naman sa amin si PJ.
"That bitch..." Cams greeted her teeth.
"Babe, look..." Pinakita ni PJ ang cell phone niya kay Camila.
"Holy shit," Cams cussed.
Sumilip din ako sa video. It was taken during the last day of Foundation Week, nung may tumutugtog na banda. Nakunan sa video ang pag-inom ko ng alak na inalok ni Art.
"Wait. Sumakit ulo ko..." reklamo ni Cams.
"You will be suspended, Riza," ani PJ.
"Babe, stop!" gigil na sabi ni Cams. "Hindi pwede 'yon. Malapit na finals. Baka ipatawag lang si Ate Sarah or community service lang. Ah! Basta!"
Umupo na lang muna ako sa bench. Tumunganga ako. Pinalabas ni Amanda na ako ang dahilan kaya naghiwalay sila ni Ulrich kahit na hindi naman talaga naging sila. Pinalabas niya ako ang rason kahit na napilitan lang naman talaga si Ulrich.
So... hindi lang 'to ang pwedeng magawa ni Amanda. She's just starting.
"Huwag ka muna kayang pumasok?" suhestyon ni Cams.
I shook my head. "I need to. Malapit na finals."
"Papakopyahin na lang kita ng notes."
"I didn't steal anything, Cams. I am not a cheater. Kung hindi ako magpapakita ay magmumukha naman akong guilty."
"They don't even care if the rumors are true or not," giit pa ni Camila. "You are still the villain at the end of the day. Ikaw pa rin ang masama."
"Babe... may klase pa ako," nahihiyang sabi ni PJ.
"It's fine. Go ahead, babe." Hindi nilingon ni Cams si PJ. "Come on, Riza. Magpahinga ka muna. Hayaan mong lumamig muna ang ulo sa 'yo ng mga tao."
Kumamot sa batok si PJ bago umalis.
"Hindi man lang niya napansin na bago ang haircut ko," reklamo ni Cams.
Napahinga ako nang malalim.
Maybe she's right. Kapuputok pa lang ng balita kaya masyado silang mainit. I don't think there will be much of a difference tomorrow, but it won't be as severe as it is today.
I nodded when I made up my mind.
"Bukas na lang ako papasok. Send me your notes later."
"Rizzie..." Camila hugged me. "I'm sorry..."
I smiled. "Thank you, Cams. For always being there for me..."
"Ano ka ba?!" Hinampas niya ang likod ko. "Ito naman, kung makapagsalita parang hindi kaibigan. You know that I always got your back!"
Sinamahan ako ni Camila na dumaan sa likod. May mga estudyante pa rin naman pero hindi kasing dami sa main entrance. Nakayuko lang ako habang naglalakad.
Umuwi ako. Nagpalit ng damit. Saka humiga sa kama at tumulala sa itaas ng kisame.
Sunud-sunod ang pagtunong ng cell phone ko kaya minabuti ko na lang i-turn off muna ito. I didn't even bother to check my notifications.
I am not affected by this issue at all. Siguro ay dahil nangyari na rin ito dati. Medyo mas malala nga lang ngayon pero hindi naman talaga ako apektado.
Para mabilis na lumipas ang oras ay inaliw ko ang sarili sa panunuod ng downloaded movies ko, pakikinig sa music at pag-review. I tried everything just so I wouldn't open my internet connection.
Ate Sarah sent me a text message. Baka gabihin na raw siya ng uwi ngayon dahil may meeting sila.
Does she know? Shit. I hope not. Hindi ako apektado sa issue, pero kapag nalaman ito ni Ate Sarah ay siya ang labis na maaapektuhan.
Cams also texted me.
"They suspended Ulrich as the SSG President."
I bit my bottom lip. Why?
That gave me the urge to call Ulrich.
"Ulrich..." panimula ko.
"Hmm?"
"Can we talk?" I asked.
"Riza..." pagod na pagtawag niya sa pangalan ko. "Please, don't leave me.
"Ano ang nalaman ni Amanda?"
"Baby, don't leave me..."
Nanginig ang mga labi ko.
"Tell me, please?" I begged. "Ano ang alam ni Amanda?"
He sniffed.
"That I love you..."
"Rik..."
"She knew about your sister and my father."
Napapikit ako. Just as I thought.
"Riza. I'm sorry, but I don't think I can still save your sister."
"Rik. We have a deal."
"Ayoko, Riza. Ikaw ang gusto ko."
Bumagsak na naman ang mga luha ko.
"I chose you, Riza..." he whispered.
"Take it back or else..." I paused.
"Too late."
"Fuck you, Ulrich! If something bad happened to my sister..." Madiin akong pumikit. "I don't think I can ever forgive you. I'm sorry."
"What about me, baby?"
"Choose Amanda."
"Baby..." namaos ang kanyang boses.
"Please?"
He chuckled. "Ayoko."
"Ulrich!"
"Call me wicked, but I will always choose what I want over what others want for me."
I ended the call.
Shit.
He, then, sent me a text message.
"My wicked heart will always choose you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro