Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3: Interaction

Jessie immediately removed the video from his TikTok account. Alam kong wala na ring silbi 'yon lalo na't ilang libo na ang nag-like at naka-view no'n. Malamang nga na naka-save na sa kanila 'yon.

"What if makita 'yon ni Daddy?" Tulala si Cams habang kumakain. "He wasn't even that proud after I almost aced my exam when I cheated. What if..."

I somehow feel guilty for what I said about her, but she triggered me. Hindi ko naman 'yon masasabi kung hindi niya ako sinama e. Pero knowing her father... he might really take it seriously.

Cams frowned. "Whatever. I always disappoint them anyway."

Gutom ako kanina pagdating dito pero ngayon ay nawalan na rin ako ng gana na kumain. Maraming followers si Jessie na taga-Riverside University. Another issue. Pwede pa sanang pagtakpan sa 'yo pero nag name drop si Cams.

"Baka akalain nila may gusto talaga ako kay Ulrich..." nakanguso kong sabi habang kumakain ng saging.

Pareho kaming bagsak sa pakiramdam ni Camila. Gano'n din naman si Jessie na tulala pero hindi tulad namin... mas pinoproblema niya ang mga nasayang na likes ng video namin.

"Mas lalaki ang like gap namin," ani Jessie na ang tinutukoy niya ay ang kakumpitensya niya sa Titkok. Bumuntonghininga pa siya habang nakatingin sa amin. "Can I reupload it again? Kalat na rin naman eh."

Pareho namin siyang sinamaan ng tingin.

Lugmok kaming tatlo nang dumating ang Mommy ni Jessie. May dala siyang cake para sa amin. Sa sandaling panahon ay biglang bumalik ang sigla ng katawan ko. I love cakes!

Ano naman ngayon kung isipin nila gusto ko si Ulrich? Hindi naman totoo.

After we had dinner, pumasok kami uli sa kwarto ni Jessie na ubod ng lamig. May mga led lights din sa kisame na ginagamit sa aesthetic background sa tuwing maghuhubad ng damit si Jessie para ipakita ang mga abs niya sa camera.

Umupo ako sa kama at kinuha ang cell phone ko. Hala. Alas siyete na rin pala ng gabi. Hindi pa ako nakapag-review nang maayos.

"Papasok ka na bukas, Jess?" dinig kong tanong ni Cams.

"Yes. May exam. Huwag kayong maingay ah? Magla-live lang ako."

Mabilis akong tumingin kay Jessie na nag-aayos ng buhok. As usual, wala na naman siyang damit pang-itaas tuwing magla-live. Maganda naman ang katawan niya.

"Sa sala na lang ako." Tumayo ako.

"Oy, dito!" tawag pa ni Jessie.

"Ayoko!"

Baka mamaya mahagip na naman ako ng camera at ma-issue na naman. Live pa naman 'yon.

Lumabas na ako ng kwarto niya. Pumunta ako sa sala at umupo sa couch. Niyakap ko ang throw pillow bago muling tumingin sa cell phone.

"I hate stats and probability..." I whispered.

ABM pa nga, Riza.

I was active skimming the scope of the exam when my Messenger's head popped up. Gulat ang mga mata ko nang makita kong si Chester ang nag-message.

Pakiramdam ko ay pumula ang pisngi ko kahit na hindi ko pa alam ang sinabi niya.

I opened his message. He just sent me another screenshot of my exam. This time... alam kong hindi ko na 'yon kuha ko mula sa library. Gano'n pa man ay related pa rin ito sa topic.

He started typing another message. Pakiramdam ko ay nanunuod ako ng horror movie habang nakikita ang tatlong tuldok na umaalon sa chat box.

Please don't be another screenshot.

"Wait lang ah? May continuation pa yan," aniya.

Sumandal ako sa couch habang naghihintay sa ise-send niya pa. Hindi ko napansin na masyado nang mahigpit ang pagkakayakap ko sa unan.

What the hell? Bakit ba ako kinakabahan?

Pumunta ako sa gallery para tingnan ang bagong screenshot na binigay niya. Good thing ay automatic na nase-send sa gallery ko ang mga photos na sine-send sa Messenger ko.

My chat head popped up again.

I opened it.

Umakyat yata sa ulo ko ang dugo ko nang makita ang bagong photo na sinend niya.

I gasped.

"My bad. Wrong photo. Ito na pala 'yung last screenshot."

Chester sent me another fragment of the topic. Pagkatapos no'n ay nawala na ang active icon sa kanyang profile. Malamang na nahiya rin ito sa sinend niya.

My hands were shaking when I opened my gallery. Ang ikalawa sa unang picture ang patuloy na nagpanginig sa mga kamay ko. Binuksan ko 'yon.

There were five men in the picture. Lahat sila ay nakatapis lang ng tuwalya at pare-pareho silang pawisan. Naroon din si Chester at siya ang may hawak sa camera. Ang isa sa kanila ay naka-dirty finger at ang isa naman ay nakatingin lang sa camera.  Ulrich was there, too.

I closed my eyes to breathe properly.

I've seen naked men many times now. Lalo na may kaibigan akong halos topless araw-araw. So... bakit ba ganito ang reaction ko? Halos pareho lang naman sila ng katawan ni Jessie.

"Nagso-solo ka, Rizzie."

Mabilis na tinalikod ko ang cell phone nang lapitan ako ni Cams. Dala niya ang laptop niya. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang reaction ko.

"Oh? Ano'ng face 'yan, bestie?" Tumabi siya sa akin. Saka niya pinatong sa center table ang laptop.

Lumunok ako. "Bakit?"

She looked confused, too.

"Sabi ko nagso-solo ka..." Nanatiling nakakunot ang noo niya.

"Ah." Pa-simple kong tinago sa bulsa ko ang cell phone. "Wala lang. Ayoko namang maka-istorbo kay Jess habang kausap niya ang mga fangirls niya."

"True." She frowned. "Pinagseselosan pa nga yata tayo."

"Agree, bestie." I laughed.

"So..." Cams smirked.

Napalunok ako.

"Ano?" tanong ko.

"Are you watching porn videos?"

"Gaga!"

Hinambalos ko sa mukha niya ang unan. Hinablot niya 'yon sa akin at hinampas sa ulo ko.

"Tanga! Yung reaction mo palang eh!" singhal pa niya.

Natigilan kami nang may bumusina sa labas. Lumabas agad ng kwarto si Tita Krisanda para labasin ito. Ngumiti pa siya sa amin bago tuluyang lumabas.

Bumaling ako kay Cams. "Kailangan ko rin palang umuwi agad, Cams. I can't focus on reviewing here."

"Paano kasi nanunuod ka bold—"

"Camila?"mahinhin na tawag ni Tita Krisanda. May banayad na ngiti pa rin sa kanyang mga labi. "Ikaw yata yung hinahanap ng lalaki sa labas."

"Po? Sino raw?"

"Gab."

Mabilis naman na tumayo si Cams at sumilip sa labas. Kumunot ang noo nito bago tuluyang lumabas.

"Dito ba kayo matutulog?" tanong sa akin ni Tita.

"Hindi po, Tita. Uuwi rin po kami."

"Gano'n ba? Oo ng apala. Baka makapasok na rin si Jessie bukas," aniya pa. "Gusto mo pa bang cake?"

I bobbed my head. "Busog na po ako e. Thank you po."

She nodded. Nagpaalam itong babalik na sa kwarto.

Pasimple kong sinilip ang cell phone ko. In-exit ko agad ang gallery saka ito ni-lock uli ang cell phone. Saka namang kababalik lang ni Cams mula sa labas. Nakasimangot ito.

"Uwi na tayo, Riza?" aya niya.

"'Yung pinsan mo ba?" usisa ko pa.

"Sinabi kong nine ako sunduin pero ano'ng oras pa lang!" Pabagsak na kinuha niya ang laptop sa center table. "Hindi ko nga alam kung umalis ba talaga siya o nanatili lang siya sa labas kanina pa. Nakakainis!"

Bumalik kami sa kwarto ni Jessie. Nagsusuot na siya ng damit. Mukhang katatapos niya lang makipag-usap sa mga fangirls niyang miss na miss siya.

Jessie passionately cares for his fame that much. He's an extremely competitive person. Ayaw niyang nalalamangan siya, lalo na sa followers at likes. Social media is everything to him. Kapag napansin niyang bumababa ang interactions niya ay gagawa siya ng paraan para mapataas agad ito.

I can't relate. Wala rin naman akong pakialam. Hindi pa nga umabot ng one hundred ang likes ng profile picture ko. Umabot nga... puro angry reactions naman.

Napapaismid na naman ako sa tuwing naiisip 'yon. Pinalaki talaga nila ang issue. Ulrichians? Hindi ko inakalang may fandom na pala ang SSG Officers. Or baka kay Ulrich lang talaga?

"Uwi na agad kayo?" tanong ni Jessie.

"Mag re-review pa ako," sabi ko.

"Magre-research pa ako ng folk dance para sa P.E." Bumuga ng hangin si Cams kaya gumalaw ang bangs niya. "Hay nako. Kaya ayokong mag leader eh. Imbes na papetiks petiks lang ako... hays!"

Tumawa ako. "Gaga ka kasi. Nag cheat ka sa exam sa stats kaya mataas nakuha mong score. Akala ng mga classmates natin ay tumalino ka na kaya ikaw binoto—"

"Oh, shut up, Rizzie. Alalahanin mo ang exam mo next week. Nakakahiya kay Ulrich." Saka niya ako binigyan ng nakakaasar na ngiti.

Tumaas ang mga kilay ko. "Bakit naman? Ano ang pakialam niya?"

"Duh?" Cams rolled her eyes. "Obvious naman na inaasahan niyang ibabagsak mo rin 'yon. Why don't you take it as a challenge, bestie? Ipakita mo sa kanyang kaya mo!"

"Tama, tama!" pagsang-ayon ni Jessie. "Wala siyang karapatan na hamakin ka dahil lang siya ang pinakamataas. Ipakita mo sa kanyang kaya mo rin!"

Napangiwi ako. I hate competitions. Nakaka-stress.

"Bahala na!" sabi ko na lang.

"Eh kung hindi mo siya binash—"

"Oh, please. Tama na!" putol ko kay Cams. "I've had enough today. Kung alam ko lang na lalala nang ganito ang joke na 'yon ay hindi ko na ginawa!"

"Pwede ko bang i-reupload 'yung video niyo sa TikTok—"

"Tara na, Riza!" Saka na ako hinila ni Cams.

Nagpaalam kami kay Tita Krisanda. Sinamahan niya pa nga kami sa labas. Pareho kaming nagulat ni Cams nung bumati sa kanya si Gab at nagmano pa.

May respeto naman pala ang isang 'to.

"Mag-iingat kayo," paalala pa ni Tita.

"Salamat po!" I waved back.

Hinatid ako ni Cams sa bahay. Well... si Gabs ang nagmaneho. Hinintay pa nila akong makapasok sa loob bago sila umalis. Kung si Cams lang 'yon ay iniwan na ako agad.

Okay. Bumabawi si Gabs.

Naabutan kong busy si Ate Sarah sa harapan ng kanyang laptop sa sala. She was wearing her reading glasses. May ilang hibla pa ng buhok niya ang tumatakip sa kanyang mukha.

"Oh, Riza..." She took off her reading glasses. Hinawi niya rin ang ilang hibla ng buhok niyang kumawala. "Akala ko ay gagabihin ka nang husto. Kumain ka na?"

I sat beside her. Sinulyapan ko pa ang laptop niya.

"Stress ka yata, Ate?" tanong ko habang hinuhubad ang sandals.

"Not at all. May tinatapos lang akong computations."

Tumayo ako para ilagay sa shoerack ang mga sandals ko. Saka ako bumaling uli kay Ate. She looked exhausted. Gano'n pa man ay ang ganda pa rin niya. Sa aming dalawa... siya ang mas may hitsura. Mas maraming manliligaw. Mas pansinin. At mas matalino.

"Wala ka pa bang boyfriend, Ate?" tanong ko.

"Boyfriend?" natawa siya.

"Baka naman hinihintay mo pa rin si..." Natigilan ako nang mapagtanto kung saan ako patungo. Tumikhim ako. "Okay lang na mag boyfriend ka, Ate."

"Hay nako. Kung hindi ka gutom, matulog ka na."

Nagkibit-balikat na lang ako. Yumakap ako sa kanya bago dumiretso sa kwarto ko. I did my night routine. Naka-pajama na ako nung umupo ako sa kama. Naka-on na rin ang lamp night ko.

Ginamit ko ang cell phone ko. Pumunta ako sa gallery at agad na in-skip ang mga unang pictures. Pumirmi na lang ako sa picture naming tatlo nila Ate at Mama.

I smiled. I miss you so much, Mama.

I still recall what she said to me. To dream big is one thing, but to be happy with what you only achieve is another thing. We have to accept that some things are not meant for us. As long as you are happy, you know you are in a worthy place.

I will pass my stats and probability subject!

Miss Dorothea was very considerate to excuse me on her subject, para makapag review ako nang maayos. Nagpasya na pumunta ako sa library pero halos puno ang mga table doon. Karamihan ay gaya kong nagre-review rin.

Napatingin sa akin ang iba. Nagbulungan sila.

"She's that girl..."

"Looks average for me."

"Hater..."

Minabuti ko na lang na umalis na doon. Pumunta na lang ako sa covered court. May mga nagp-practice ng badminton. Umakyat ako sa itaas at doon na lang pumirmi. Good thing, I can tolerate noise when reviewing. Hindi rin naman gano'n kaingay since kaunti lang kami rito at karamihan ay may klase.

Nilabas ko ang cell phone ko at nag-umpisa nang mag review. Naglabas din ako ng notes para mag-solve. So far ay nakakasunod naman ako sa mga topics. Napapagtanto ko rin kung saan ako mali sa last exam.

Ang mahirap lang ay iba na naman ang mga nasa exam.

"President!"

My whole attention got disturbed just by hearing that. Awtomatikong umangat ang tingin ko. Kausap ng mga badminton players si Ulrich. Nakangiti pa siya sa kanila.

Oh, he can smile.

I have all the time in the world to stare at him. Sinubukan kong hanapin kung ano ang nakita ng mga babae sa kanya at kung bakit patay na patay sila. Maputi si Ulrich at fit ang katawan. Malinis siyang tingnan at mukhang yayamanin talaga. Laging fresh. Mukha ngang maging ang alikabok ay nahihiyang dumikit sa kanya. Plus... mabango pa. Matalino.

Maybe I somehow understand them now.

Binasa ni Ulrich ang pang-ibabang labi bago tinapik ang balikat ng lalaking kausap. Tatalikod na sana ito nang hindi sinasadyang mapatingin siya sa akin.

He caught me staring at him.

Mabilis na bumaba sa cell phone ko ang tingin.

From my peripheral vision, I perceived him walking towards me.

Papunta talaga sa akin!

Oh, my God. Did he watch that Tiktok video? Iyon ba ang sadya niya kaya lalapitan ako?

I wish Camila was with me now. Siya ang ituturo ko.

Kumabog ang dibdib ko. Palapit pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya nagkunwari akong nagco-compute para halatang busy.

"One plus one equals two..." sabi ko.

"Nice..." puri ni Ulrich.

I chewed my bottom lip. Mas lalo akong yumuko sa cell phone. Sinubukan kong isipin na wala siya sa harapan ko pero nanununtok ang kanyang pabango.

"At least 80 percent to pass the subject..." he mentioned what Miss Dorothea said to me. Tila napaisip pa siya. "Based on your attitude now, unfortunately, the probability is only around 40 percent."

Really? Alam niya pa pati 'yon?

Tumingin na ako sa kanya.

"What do you want, Mr. President?"

Seryoso dapat, Riza. Don't let him know you are affected by his presence.

"Are you taking a picture of me?" he suddenly asked.

"Po?" Napakurap ako.

"Po?" inulit niya ang sinabi ko. He even sounded offended.

"Sorry, Mr. President. Pero hindi ko po alam kung ano ang sinasabi niyo. I wasn't taking a picture of you. Nag-aaral po ako."I tried to be as civil as possible.

Halos mapairap ako. Mas matindi pa pala sa pagtitig ang aakalain niya na ginawa ko. Really? Bakit ko naman siya kukunan ng picture? Gwapo lang siya, hindi artista.

Kahit nga may makita akong artista, wala akong pakialam.

"Okay..." he sat beside me on the bleacher.

Narinig ko pang huminga ito nang malalim. Gumilid siya para kunin ang wallet sa bulsa. Naglabas siya ro'n ng pera at nilagay sa harapan ko.

Tiningnan ko lang ang isang libo.

"Hindi ko kailangan ng pera mo, Mr. President."

"Mango pineapple..."

I blinked thrice. Huh?

He sighed and rested his back. Malawak ang pagitan ng kanyang mga hita. Saktong-sakto sa katawan niya ang black slacks at white uniform namin. Nakatalikod ang ID niya kaya hindi ko makita ang picture.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Thankfully, I didn't forget to wear my ID.

"Fruit shake..." he added.

"Inuutusan niyo po ba ako?" paglilinaw ko.

Lumingon siya sa akin. "Malapit lang naman ang cafeteria rito. Saka dry na rin ang lips mo. You better get yourself a drink. Isabay mo na lang ang akin. Thank you, Miss Chavez."

Dumiretso na uli ang tingin niya.

Huminga ako nang malalim. Okay.

Maliit na bagay. Huwag nang palakihin.

"Sige po—"

"Leave it here." Inagaw niya sa akin ang bag ko at kinandong. "Mahirap na baka itakbo mo pa ang pera ko."

Lumunok ako ng laway. Napatingin ako sa mga estudyante sa hindi kalayuan. Nakatingin sila sa amin at halatang kami ang laman ng usapan nila.

Okay. I don't want another issue.

"Sure, Mr. President."

Mahigpit ang hawak ko sa pera niya habang naglalakad ako pababa at palabas ng covered court. Nung nawala na siya sa paningin ko ay tumigil ako sandali.

"Kupal 'yon ah..." bulong ko.

Ang kapal niyang utusan ako! Porke siya ang president? Inaabuso niya ang kapangyarihan niya. Alam ko 'to. Hindi ito pwede sa batas. Pwede siyang ma-impeach.

Umirap ako sa kawalan. Pasalamat siya may mga tao sa paligid.

Pumunta ako sa cafeteria at binili ang gusto niyang mango pineapple fruit shake. Dahil uhaw na rin ako ay bumili rin akong sa akin. Hindi na ako nag-inarte kaya ginaya ko na lang ang flavor niya.

"Salamat po," sabi ko sa nagtitinda nang ibigay niya ang sukli.

Uminom ako sa fruitshake. Oh. Masarap naman pala! Mukhang may taste naman pala ang lalaking 'yon. Assumerong palaka nga lang. Akusahan ba naman akong kinukunan siya ng picture?

He's lowkey full of himself huh?

Pagbalik ko sa covered court ay wala na roon si Ulrich. Wala rin ang bag ko.

Hala! May P.E pa kami mamaya!

Lumapit ako sa isang badminton player. Iyong kinausap kanina ni Ulrich.

"Kuya, nakita mo ba si President?" tanong ko.

"Lumabas e. Hindi ko alam kung saan pumunta."

"Salamat po!"

"Teka— Ikaw 'yung nagsabing nag-cheat siya, hindi ba?"

I just ignored him.

Halos patakbo akong lumabas ng covered court. Muntik na ngang masungalngal sa lalamunan ko ang straw dahil umiinom ako habang tumatakbo.

I looked around. Where the hell is he?

Mukha akong batang naliligaw habang palinga-linga sa paligid. Ilang minuto na lang ay tapos na ang subject ko kay Miss Dorothea. May next subject pa. Kailangan ko nang makuha ang bag ko.

After minutes of searching, I finally found him.

Kasama ng isang grupo ng kalalakihan si Ulrich. Nag-atubili pa nga akong lapitan sila dahil nakakahiya. Pero... kailangan ko nang makuha ang back pack ko.

"Mr. President..." I stopped in front of them.

Hinabol ko ang hininga ko. Putik naman e. Pati ang energy ko na para sana sa P.E class ay nasakripisyo na dahil dito.

"Uy, Rizaline Chavez!"

Napatingin ako kay Chester.

Nahiya ako. "H-hello..."

Kailangan talaga full name?

"Nakapag-review ka na?" tanong pa niya.

I awkwardly nodded. All five of them were staring at me. I felt so uncomfortable.

"Uhmm—"

"Yo. The hater," sabi nung morenong lalaki at siniko pa si Ulrich.

Kilala ko siya. Siya 'yung naka dirty finger sa picture na na-send sa akin ni Chester. Fuckboy 'yan?

Tumingin na lang ako kay Ulrich. Ngayon ko lang napagtanto na suot pala niya sa likod ang pink kong leather backpack. Hawak niya rin ang cell phone kong nakalimutan kong kunin sa bleacher.

"Is that mine?" tanong niya sa isa kong hawak na fruitshake.

"Yes po!"

Binigay ko sa kanya ang fruitshake. Binigay niya sa akin ang bag ko at cell phone. Binalik ko rin sa kanya ang sukli niya sa isang libo. Yumuko ako at nagmadaling nagpaalam.

Halos patakbo akong umalis.

Tumigil lang ako nung nasa second floor na ako. Napasandal ako sa pader. Napahawak ako sa dibdib.

"What the hell was that?" I blurted out.

I shook my head. Wala naman 'yon. Sinunod ko lang ang utos ni President Ulrich.

That's not going to happen anymore. I'm not gonna interact with him anymore.

Napatingin ako sa fruit shake ko. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang wala pa itong bawas. Sigurado akong halos maubos ko na ito kanina!

Hala! Ang naibigay kong fruit shake kay Ulrich ay 'yung nainuman ko na!

Hindi pa ako nakaka-recover doon ay bigla namang tumunog ang cell phone ko. One message from an unknown number.

I read the message:

"Kulang PO ang sukli ko."

Tila panandaliang nablangko ang isipan ko.

Pera pala niya ang napambayad ko sa inumin ko.

Nanghina ang mga tuhod ko kaya dumausdos ako pababa ng pader na sinasandalan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro