Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Hi! You can follow me on Twitter. I post spoilers and updates here: @notacardinal. Thank you. Enjoy reading!

***

Chapter 29: Choose

My two best friends dragged me away from the event place to talk to me in private. I was biting my lower lip to suppress my emotions while they were throwing so many questions.

We went to the empty quadrangle and sat on the bench. Hinatak ko pataas ang dress ko dahil baka marumihan. Pinahiram na nga lang sa akin tapos dudumihan ko pa.

"What really happened, Rizzie?" iritang tanong ni Camila.

"I saw your necklace lit up," nakakunot noong banggit ni Jessie. "Lalapitan sana kita kaso nabunggo ako nung ibang nagtutulakan. I lost you in the crowds."

"Wait, what?" Hinawakan ni Camila ang kwintas ko. "Kailan ka pa nagkakwintas ng ganito?"

"I saw her wearing that after she went from the restroom," Jessie sighed. Humalukipkip ito habang nakatayo sa harapan namin. "Why did Amanda cry?"

"God damn, Riza. Your mascara." Yumuko si Camila para maghanap ng wipes sa kanyang pouch. "Mukha kang Sadako sa kalat ng mascara mo."

"Meron ako sa pouch." Kumuha ako ng tissue sa bag ko at binigay 'yon kay Camila.

"Flashlight, Jess," utos ni Camila.

Jessie turned on the flashlight of his phone and Camila removed the messed mascara around my eyes. Binatukan pa nga niya ako nung umiyak na naman ako kaya bumaha uli ng mascara.

"Nagsayaw kayo ni Ulrich?" usisa ni Jess.

"Obvious ba?" Hinipan ni Cams ang mata ko bago tinapon ang tissue. "Malamang na nakita 'yon ni Amanda kaya umiyak ang gaga."

Right. She saw us. Hindi ko alam kung ano ang napagkasunduan nila ni Ulrich, pero alam kong wala roon ang isayaw niya akon.

"Bakit ba kasi siya ang date ni Ulrich?" tanong uli ni Jess. "If he wanted to dance with you, then he could have asked you to be his date instead. Easy."

"True. That's what I find weird..." Bumuntonghininga si Camila. "Why did you dance with Ulrich? That possessive bitch takes everything about Ulrich seriously. Saka... how dare he? Hindi ikaw ang ka-date niya! "

"Possessive?" Humalakhak si Jessie. "They aren't even in a relationship. Not a thing!"

"Amanda doesn't need that," Cams rolled her eyes. "In her eyes, Ulrich is hers. Delusional, but..."

"Can I talk now?" I asked.

"Sure!" excited na sabi ni Cams.

I sighed. What really happened?

Ah!

"Revenge..." That was the only word to sum it up.

Nagkatinginan sina Jessie at Camila. Sabay silang nagkibit-balikat bago muling humarap sa akin.

"Explain..." hamok ni Cams.

"Amada's dress..." Nahirapan akong dugtungan 'yon. "That's the dress I was expecting to wear today. Si Ate Sarah ang nagdisenyo no'n."

Umawang ang mga labi ni Camila. Napatayo ito saka kumuyom ang mga kamao. Saka siya pumadyak at mahinang nagmura.

"I fucking knew it! There was something wrong!" Camila gasped as she breathed another cuss. "That fucking— aahh bitch!"

"Uhmm. What dress?" tanong ni Jess.

"Right. We haven't told you yet." Huminga nang malalim si Camila. "Pinahiram ko lang ng dress si Rizzie natin kasi 'yung dress na pinagawa niya ay hindi raw natapos ng designer. He literally just told us late! It was clearly to sabotage Riza."

"But it ended up in Amanda's possession?" Jess tried to put the pieces together.

"Exactly!" Cams snapped her fingers. "The audacity of that bitch!"

"I see." Jessie looked disgusted.

"My sister cried just for that dress," bumaba ang boses ko habang inaalala kung paano bumagsak ang pakiramdam niya. "She ruined it."

"That's some pathetic bitch move!" Camila blurted out. Hinapan niya ang kanyang bangs. "The dress looked stunning. Good for her. Baka kapag ikaw nagsuot no'n ay wala nang pumansin sa kanya."

"Cams. Chill..." Hinawakan ni Jessie ang balikat ni Cams.

Yumuko ako. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko.

I feel so anxious now. Amanda is my enemy again, not like there's a time we aren't. Alam kong gaganti siya. Hindi ito titigil hanggat hindi nagiging miserable ang buhay ko. She did if before. I am expecting worse now.

Sumakit bigla ang ulo ko. Ako na nga ang biktima, ako pa rin ang agrabyado. She will definitely use their wealth just to put me down even more. Probably with the help of her mother.

Tumunog ang cell phone ni Camila kaya lumayo muna siya sa amin para sagutin 'yon. Si Jessie naman ngayon ang umupo sa tabi ko.

"Gaganti si Amanda..." bulong ko.

"We are here," he smiled at me. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos 'yon. "We got your back, Riza. We are always here for you..."

"T-thank you..."

"It's not your fault..." He pressed my palms. "Hindi naman dapat ganito umakto si Amanda. Hindi naman niya boyfriend si Ulrich. She shouldn't be acting as if you betrayed her. They are not in a relationship in the first place..."

Suminghap ako. I don't think Amanda is aware of that.

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat ni Jessie. Tumingin ako sa malayo. Biglang sumagi sa isipan ko si Ulrich.

He left me just to go after her.

Lumapit sa amin si Cams. "They are back," she told us.

"Ulrich and Amanda?" Jessie asked.

Cams nodded. "Like nothing happened..."

I shook my head. "I don't want to go back."

Sumimangot si Camila. "Hahayaan mo na lang bang sirain nila ang gabi mo? Come on, Rizzie. Ipakita mong hindi ka rin apektado!"

"Cams. I don't care about them anymore. I just really want to go home."

Tumayo na ako at hinanda na ang sarili.

"Ako na ang maghahatid sa kanya," Jessie volunteered.

Huminga nang malalim si Camila. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"I'm really sorry that bitch tried to sabotage your night, Rizzie."

I chuckled. "You guys made my night."

"You are still the queen of the night," she whispered.

Just when I thought I have no reason to go back to the open field, I realized I need permission to go home. Kailangan kong magpaalam kay Ulrich pero si Miss Hailey na lang ang nilapitan ko.

"I'm not feeling well," I reasoned which was half truth.

"Really? Sayang naman..." May kinuha si Miss Hailey na papel. "I will just ask you to sign this paper. After that, pwede na kayong umuwi. Thank you, Miss Chavez. Be safe."

I smiled. Yumuko ako para pirmahan ang papel. Pumirma rin si Jessie na siyang maghahatid sa akin. Bahagya akong umatras.

Hindi ko napigilang lingunin ang table ng mga kaibigan ko. Nag-uusap sina Art at PJ habang si Camila naman ay nakasimangot. Wala si Chester. Umuwi na ba siya?

"Done," Jessie said.

Suminghap ako. Hindi ko na ulit ginala ang tingin ko. Pero gusto ko pa ring magpaalam sa mga kaibigan ko kaya lumapit ako sa kanila.

"Get well, Riza. Ako na ang bahala kay Cams," ngiti ni PJ.

"Babalik ka ba, Jess?" tanong ni Art.

"I will try," sagot ng kaibigan ko.

"Where's Chester?" I asked.

"Kinusap niya si Amanda," sagot ni PJ. "Baka bumalik din 'yon agad."

Tumango ako. I don't think I can still wait for him. Baka tawagan ko na lang siya o 'di kaya'y i-chat. I still want to thank him for being my companion tonight.

"Cams. Una na kami," pagpapaalam ko.

Nginuso niya ang likod ko.

Pagtalikod ko ay nakita kong palapit sa akin si Ulrich. Kaya mabilis kong hinawakan ang kamay ni Jessie at hinila na siya palayo roon.

That's enough tonight.

Bago kami tuluyang nakalayo ay binalikan ko ng tingin si Ulrich sa huling pagkakataon. Huminto na siya na ngayon ay nakatingin lang sa amin.

I felt a pang of guilt squeezed my chest.

Good thing, Jessie didn't ask me about that. Tahimik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho siya.

"Kasi gusto kita..." Those words suddenly echoed in my head.

I had to shook my head to get it off. Bumalik ang lakas ng pintig ng puso ko. Sa dami ng naging eksena kanina, iyon ang pinakatumatak sa akin.

No'ng tumapat na lang sa bahay namin ang sasakyan nagsalita si Jessie. Nilagay niya uli sa ulo ko ang korona na akala ko ay naiwan ko.

He smiled. "Ate Sarah would love to see the crown on your head."

"Thank you, Jess. Naabala pa kita—" Napangiwi ako nung pitikin niya ang noo ko.

"Fool. Don't say that." He chuckled. "Smile now, Rizzie. Mas bagay mo ang nakangiti."

Napangiti ako. "Go back. They are waiting for you..."

"Good night, Riza."

"Good night, Jess. Thank you."

Suot ang korona ay lumabas na ako ng sasakyan niya. Bumusina muna siya bago umalis. Pagkaharap ko sa bahay ay nakabukas na ang pintuan. Nakatayo sa harapan si Ate Sarah.

"Rizziiie!" She ran towards me to give me a tight hug. "Akala ko ay niloloko lang ako ni Camila! You really won the crown!"

Napangiwi naman ako. Akala ko naman ay maisusurpresa ko si Ate Sarah pero naunahan na pala ako ni Camila. Hay naku!

"Pero, bakit ang aga mong umuwi?" tanong niya.

"Princesses typically leave the balls first," I chuckled.

"Yeah, but with a prince!"

I shook my head. "This princess needs no prince."

Sabay kaming natawa. Nagawa kong takpan ang totoong nangyari. Hindi ako agad pinatulog ni Ate Sarah. Pinatayo niya pa ako nang ilang minuto para picture-an kasama ng korona ko. May pic pa kaming sa kanya ko sinuot ang crown.

I closed the night with a smile.

I spent the weekends reviewing for the finals. Cams invited me to go out, but I refused. Hindi ako nagpatukso kahit na gustong-gusto ko ring lumabas. Pagkatapos nilang gumala ay pinuntahan naman nila ako sa bahay para dalhan ng pasalubong.

We talked about the summer vacation. Nakahanda na raw ang mga susuotin ni Camila. Mas nauna pa nga ang preparation niya sa summer vacation kesa sa graduation namin.

We have also tackled the entrance exam for our college courses. Cams will take a course about fashion, of course, solely because she wants us to hire her to design our wedding gowns. Si Jessie naman ay tungkol sa communication. Syempre, ako about business.

We are going to take different paths on college. It will be rough, but I know we can do it. We will be successful in our chosen fields.

Today's Monday. Hindi pumasok si Ulrich.

Pinagkibit-balikat ko na lang 'yon. Tinanong ko si Miss Hailey pero hindi niya rin alam ang sagot. Ako lang mag-isa sa office kaya um-attend na lang ako ng class.

His vacant table was troubling me.

Malapit na ang finals kaya todo aral ang lahat. May mga nakikita kong nag-group study, may ibang solo at may iba rin naman na walang pakialam.

Hindi pa rin pumasok si Ulrich nung sumunod na araw. No excuse from him, not even a word. That's when I decided to talk to PJ with the help of Cams. I wanted to know the reason.

"Ano na?" tanong ko kay PJ na kumakain lang.

"Ubusin ko lang 'to," sagot naman nito.

Hindi na lang ako nag-reklamo. Kapalit ng pagsagot niya sa tanong ko ay nagpalibre ang mokong. Syempre, nadawit si Cams. It's okay though.

"Babe. Nag-aalala na si Riza," ani Cams.

"I'm not!" dipensa ko. "Gusto ko lang malaman kung bakit hindi siya pumapasok. Marami kaming work sa office tapos wala man lang siyang excuse."

Cams just sipped on her drink. Napansin ko pa ang pasimple nitong pagngisi na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

I just literally want to know the reason.

Am I worried? Maybe.

Hindi ko man lang nagawang ubusin ang pagkain ko. Samantalang sina Cams at PJ ay simot ang pagkain. Naglambingan pa ang dalawa sa harapan ko.

"Bumalik na rin ako sa gym." Umakbay si PJ sa kaibigan ko. "Preparing my body for the summer, babe."

"Sus. Gusto mo lang paglawayan ng mga babae, eh!"

PJ chuckled. "Hindi, ah! Saka kahit naman hindi ako maghubad, naglalaway na sila."

"Corny mo, Jae!" Cams rolled her eyes.

"Totoo naman—" Siniko siya ni Cams saka ako nginuso.

Tinigilan ko ang paglamusak sa tissue nung tumigil din sila sa paglalandian ang dalawa.

I just literally asked a simple question: Where's Ulrich? Mahirap bang sagutin 'yon?

PJ cleared his throat. "To answer your question, I am not exactly sure—"


"So, you just wasted my time?" I arched my brows.

Napakamot sa batok si PJ.

"Hindi na ako sasama sa summer vacation niyo!" I used my card.

"Answer her!" Hinampas ni Camila sa braso si PJ. "Babe, where the fuck is Ulrich? He's been absent for two days now."

"Hindi ko rin kasi alam, pero..."

"Pero?" tanong ko.

"Nakasalubong ko sila kahapon nung pauwi na ako."

"Sila?" tanong ni Cams.


"Amanda..." tipid na sagot ni Jae.

Bumagsak ang mga balikat ko. I see...

"I saw them yesterday..." Huminga nang malalim si PJ. "Should I be more detailed? May hawak na bulaklak si Amanda. They were holding hands—"

"That's all," I cut him off. "Thank you..."


"Rizzie..." Cams looked worried.

"May tatapusin pa pala ako." Saka na ako tumayo.

I went back to our office. Nung makita ko ang bakanteng upuan ni Ulrich ay mas lalong bumagsak ang pakiramdam ko.

He could have told us. Ano naman kung kasama niya si Amanda? Ano ang mahirap sa pag-amin no'n? Bakit hindi niya masabi?

I tried to do my tasks. Doble ang hirap ngayon kahit na madali lang naman ang gagawin. Paano kasi ang hirap mag-concentrate. Maya't maya ako tumitingin sa cell phone ko.

Shit.

Hindi ako sanay na wala siya rito.

Hindi ako sanay na walang nang-aasar sa akin.

Hindi ako sanay na... hindi ko siya nakikita sa kanyang lamesa.

Another day has passed without him. Dalawang araw na rin akong parang walang gana sa lahat ng bagay. All the excitement disappeared just like that.

Day three without Ulrich. I had totally decided to abandon his office. Hindi na ako pumasok doon. I attended all my classes.

Sa araw rin na 'yon ay isang balita ang kumalat.

Ulrich and Amanda are dating.

Halos mabingi ako dahil sa bawat ng sulok ng school ay 'yon ang pinag-uusapan. Lahat ay kilig na kilig. Matagal na raw nilang hinihintay na mangyari 'yon.

A bitter smile formed on my lips as I read all the posts on our Facebook group. Syempre, tungkol lahat kina Amanda at Ulrich. Tanggap na tanggap sila.

Ulrichians were also celebrating.

Sobrang sarap talaga sa pakiramdam kapag tanggap ka.

They were all waiting for this day. Kaya naman pala galit na galit sa akin ang mga fans niya kasi si Amanda talaga ang gusto nila.

There were also captured photos of them dating. Para talaga silang mga artista na sinusubaybayan ng lahat. At ngayon na sila na ay masaya na ang lahat.

I turned off my phone. Pumunta ako sa library para mag review. Kahit papaano ay may progress naman hanggang sa may tumabi sa akin,

Umangat ang tingin ko kay Raechelle. Nilatag niya sa lamesa ang mga libro niya.

I just ignored her. Binalik ko ang atensyon sa binabasa.

"Naniwala ka naman..." dinig kong sabi niya.

Hindi ako kumibo pero wala na sa binabasa ko ang atensyon.

"Hindi kailanman nagustuhan ni Ulrich si Amanda. Hindi nga niya ito pinapansin. Kinausap na lang niya uli si Amanda magsimula nung dumikit siya sa 'yo..."

"I'm studying, Raechelle. Shut up."

"Right. I like Ulrich, too," she confessed. "I was also a reckless student like you. I decided to confess my feelings through confession pages. I thought I was safe. Pero hawak din pala ni Amanda ang page na 'yon. She found out that the confession was from me. She did worse to me."

Suminghap ako. Bakit ba niya sinasabi ito?

"Walang may gustong makipagkaibigan kay Amanda dahil lahat sila takot. Hanggang sa naging issue na wala siyang kaibigan. She forced me to be her friend. It was all for a show—"

"You can take this table," saka ko na niligpit ang mga libro ko.

"Amanda is blackmailing him, Riza. Ito ang dahilan kaya hindi makatanggi sa kanya si Ulrich."

Hindi ko na siya pinansin.

Sa halip na lumipat ng table ay lumabas na lang ako. Sakto namang papasok sana sina Jessie at Camila. Agad nila akong nilapitan. Hinawakan ni Cams ang kamay ko at sapilitan akong hinila.

"What's wrong?" tanong ko.

Hindi ako binitiwan ni Camila hanggang sa makapunta kami sa garden sa likod. Pumasok kami sa isang kubo. Nakasunod sa amin si Jessie.

"Rizzie..." Parang naiiyak si Cams.

"Cams. Uunahan mo pa si Riza eh," ani Jess.

Tumawa ako. "Ano'ng meron?"

Sumimangot si Camila.

"Guys..." I chuckled. "I am just his secretary, okay? He's dating Amanda? Okay."

"Dati akala ko ay si Chester ang gusto mo," sabi ni Cams. "Lagi kang nakangiti kapag kasama mo siya. Kilig na kilig ka pa nga, eh."

"Crush ko siya, hindi ba?"

"But that's all..." Jessie said. "Kilig lang ang dulot sa 'yo ni Chester. Hindi galit, lungkot, tuwa, ngiti... pag-aalala. That's all for Ulrich."

"What about it?" I arched my brows.

"Stop pretending it's not affecting you, Riza!" pagalit na sabi ni Cams.

Nanlabo ang mga mata ko sa luha.

"Y-you can let it out, Riza. You are safe with us. Please?" Cams almost begged. "Don't hold back."

My lips trembled. I broke down.

"I-I am also confused..." I told them. "Nag-aalala ako kasi hindi siya pumapasok. Ngayon naman na nalaman ko na... parang gusto ko na lang na hindi ko nalaman."

"Why, Riza?" tanong ni Jess.

"You know it..." I smiled.

"You like him?" Cams asked.

I sniffed.

Tumango ako.

Doon na ako hinila ni Camila saka niyakap nang mahigpit. Sinabayan niya ako sa pag-iyak. Mas malakas pa nga ang hagulgol niya kesa sa akin.

"Really, Cams? Ikaw ba ang broken-hearted?" ani Jess.

"Stop!" Pinunasan ni Camila ang luha niya.

"I will be fine..." I wiped my tears.

"Tangina kasi ni Ulrich! Ang labo niya!" inis na sabi ni Cams. "Hindi ba ayaw niya kay Amanda? Halata namang napilitan lang siyang i-date ito nung prom. Tapos ngayon... they are dating?!"

If Raechelle is telling the truth, I am afraid Amanda knows something. I just don't know what. Pero alam kong ayaw lang ni Ulrich na mas lalo lang itong magalit.

He's doing it for... us.

Nagpalipas kami ng oras sa garden na 'yon. Pagkatapos ay bumalik na kami sa klase. Maingay na dinatnan namin ang mga kaklase namin.

"Secretary Riza. Totoo ba? Dating na sina Ulrich at Amanda?"

"Chismosa ka naman, hindi ba? Bakit hindi ikaw ang humanap ng sagot?" pagsusungit ni Cams sa kanya.

"The proofs are everywhere," dinig ko pang sabi ng isa. "They are obviously dating. Good for them. Matagal na dapat!"

"True! Si President naman kasi, mukhang torpe!" Saka sila tumawa.

Yumuko na lang ako sa desk ko. Inangat ko na lang ang tingin ko nung dumating na 'yung teacher namin. I tried to focus, nakasunod naman ako.

Lumipas ang isang araw nang halos mabingi ako sa dami ng chikahan sa paligid. Habang nakasakay sa jeep ay bigla akong naiyak. Napatingin sa akin 'yung bata.

"Mama, iyak si ate..." Turo ng bata sa akin.

Natawa ako. Mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko.

Akala ko ay tapos na ang iisipin ko pag-uwi ko. Pero nakaabang pala si Ate Sarah sa bahay. Agad niya akong hinarap para kausapin.

"Magkalinawan nga tayo, Riza. Akala ko ba ikaw ang nililigawan ni Ulrich?"

I shrugged my shoulders. "Boys change their minds easily."

"Iyon lang?" Kumunot ang noo niya.

"Bakit, Ate? Hindi ba dapat ikaw ang mas nakakaintindi sa akin?"

"Riza!"

"Mas malala ka pa nga ang nangyari sa 'yo. Sa dami ng pinangako niya, sa huli ay iniwan ka rin pala!"

Natigilan ako nung bahagya akong tinulak ni Ate Sarah.

Iyon na yata ang pinakamalalang ginawa niya sa akin— isang mahinang pagtulak sa braso ko para ibalik ako sa huwisyo.

"H-hindi na kita maintindihan, Riza..." Namuo na rin ang luha sa kanyang mga mata.

Minabuti ko na lang na talikuran na siya para pumasok sa kwarto ko. Doon na bumagsak ang mga luha ko. Humiga ako sa kama at binaon ang mukha sa unan.

Sa gulo ng mga pangyayari, ito na yata ang gulo na pinakanagustuhan ko. Naipakita ko lang naman kay Ate Sarah na sobra akong apektado kay Ulrich.

I really did convince her that I like Ulrich.

Though... yeah.

Gusto ko na rin si Ulrich.

Bumangon ako nang maalala si Silly. Mabilis ko siyang kinuha saka nilagay sa kama ko. Umakyat ito sa dibdib ko at pataas sa aking leeg.

Napahalakhak ako sa kiliting dulot niya.

"Silly. Ang lungkot ko ngayon..." kwento ko sa alaga.

Kumakain si Silly sa kamay ko habang ako ay nakasandal sa ulunan ng kama. Hindi pa rin ako nakapagpapalit ng damit.

"I can't be mad at him without knowing the reason, right? Saka ano naman ngayon? Hindi naman kami. Inamin niyang gusto niya ako pero... hindi pa rin kami."

I cried again.

Despite of what happened, kinatok pa rin ako ni Ate Sarah para kumain kami. Tahimik lang kami hanggang sa matapos kumain. Pagkatapos ay pumasok uli siya sa kanyang kwarto. Naiwan ako para maghugas ng mga pinagkainan.

After doing the dishes, nag-ayos na rin ako ng sarili. Ginawa ko ang mga activities ko at nag-review rin. I didn't want to open my phone pero ginawa ko pa rin.

Camila: Don't open your social media accounts, Rizzie. Iloveyouuu so much!

I didn't dare to open my Facebook account. Inagahan ko na lang ang pagtulog. Nagising ako nung mga madaling araw. Saktong biglang tumunog ang cell phone ko.

Ulrich is calling...

Nabasa ko pa lang ang pangalan niya ay naiyak na agad ako. Pinalipas ko nang ilang tunog ang cell phone bago sinagot ang tawag.

We were silent for a moment. Wala akong balak na maunang magsalita.

"Baby..." he whispered.

I covered my mouth. Bahagya kong nilayo ang cell phone ko sa akin pero naka-speaker naman 'yon. Narinig ko ang pagsinghap ni Ulrich sa kabilang linya.

"I miss you, baby..." he said.

Nabitiwan ko ang cell phone ko.

"I'm sorry, Riza."

I sobbed in silence.

"Talk to me, baby. I miss you..."

Lumunok ako.

With all the strength left in me, I asked a simple question.

"Why?" I asked.

Natagalan siya bago nakasagot.

"Can I choose you?" he asked.

Hindi na naman ako nakapagsalita.

Suminghap siya.

"She's calling right now, Riza. I want to hear your answer. Say yes if you want me to choose you, end the call if—"

I instantly ended the call.

He tried to call me again, but I didn't answer it this time.

Until he just sent me a message.

"I'm sorry, but I chose you, baby..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro