Chapter 27
Chapter 27: Dress
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Ate Sarah para mag-jogging daw kami. It's to set my mood for the whole day, according to her. Tinatamad man pero wala rin akong nagawa kung hindi ang bumangon.
"Pause muna, Ate!" I announced, breathing heavily.
I stopped from jogging, tinukod ko ang mga kamay sa tuhod habang nakatingin kay Ate Sarah na nauuna sa akin. Huminto naman siya saka bumaling sa akin.
"Wait lang naman kasi, Ate. Dahan-dahan lang tayo..." reklamo ko dahil sa pagkakaalam ko ay jog lang 'to, hindi takbuhan.
"Are you feeling better now?" tanong niya.
"What?"
Tumuwid ako ng tayo saka bumuga ng hangin. Malay-layo pa rito ang labasan. Mabuti na lang kahit na maaraw na ay may silong dito dahil sa dami ng mga puno sa paligid. Umihip ang hangin na mas nagpagaan sa pakiramdam ko.
Dumampi sa noo ko ang towel ni Ate Sarah. Nang matapos punasan ang noo ko ay pumunta naman siya sa likod ko para punasan ang batok ko. Napasimangot na lang ako dahil nagmumukha talaga akong bata kapag kasama siya.
"Kanina ko pa kasi napapansin na matamlay ka," pansin niya. "You don't even seem excited for the big event later. What's wrong?"
"Hindi naman, Ate. Masyado lang kasi akong maagang nagising," dipensa ko. "But I am in the mood now." Ngumiti pa ako.
She sighed and nodded.
"Let's just go back. Baka dumating na rin 'yung prom dress mo sa bahay."
"Okay..."
"Are you sure na okay ka lang?" paniniguro niya pa.
Imbes na sagutin siya ay bumalik na ako sa pagtakbo at nauna na sa kanya. Mabilis naman siyang nakahabol sa akin. Pinantayan niya ang bilis ko.
Why would I not be okay?
Hanggang sa pag-uwi ay hindi ako kumikibo. Tinanong ni Ate Sarah kung ano ang gusto kong ulam pero kibit-balikat lang ang naisagot ko. Nagpahinga ako sandali bago naligo. May ilan akong activities kaya tinapos ko muna 'yon.
Exactly after I was finished with my activities, biglang dumating si Camila. Hindi man lang kumatok ang gaga, bigla na lang pumasok tapos pabagsak pang sinarado ang pinto.
"Good morning, Rizzieeee!"
Nanlaki ang mga mata ko nung bigla siyang tumalon sa kama ko.
"Wait. Baka malukot ang notes ko!" saka ko siya tinulak dahil naipit niya ang iba kong notebook. Niligpit ko agad ang mga kalat. Buti na lang tapos na ako bago siya dumating.
"Wala pa ba 'yung dress mo?" tanong niya.
"Baka mayamaya pa..." I unplugged my charger from the socket. Saka ko tinago sa drawer ang cell phone ko dahil baka pakialaman na naman niya.
"Silly!" Camila exclaimed.
Mabilis akong humarap kay Camila. Nanlaki ang mga mata ko nung makitang mahinang niyugyog niya ang kulungan ni Silly para magising ito.
"Cams! Stop!" I exclaimed.
"I was just checking if she's still alive," she chuckled as she leaned forward to look closer. "Oh, look. She's awake. Gusto niyang makipaglaro sa akin!"
"Fine. Pwede mo naman sabihin sa akin, no need to shake her cage!"
Maingat na nilabas ko ng kulungan si Silly. Saka ako umupo sa kama. Pagkalapag ko pa lang kay Silly ay agad siyang kinuha ni Cams. Kinakabahan pa ako sa paghawak niya nito.
"Be careful, Cams. Baka sakalin mo ah?"
"Oh, my God! She's so squishy!" Cams rubbed Silly's fur against her right cheek. Humagikgik pa siya. "Nana would love to meet her!"
"No!"
What the heck? No way! Nana is her Persian cat pet. Baka kainin niya si Silly!
"They could be friends!" she insisted, pouting her lips.
"Hindi pwede, Cams. Your pet is a cat—"
"Don't worry, Rizzie. Tinuruan ko naman siyang huwag humabol ng daga, eh."
"Nope."
Tumayo ako para kunan ng pagkain si Silly. Napansin kong malapit nang maubos ang pagkain niyang binigay ni Ulrich. Siguro ay bibili na lang ako sa susunod na araw.
Nakatingin lang ako sa kaibigan ko habang pinapakain niya ang alaga ko. Alam kong may iba itong pakay sa biglaan niyang pagpunta rito. Kunwari ay paligoy-ligoy muna siya sa umpisa.
I cleared my throat. "Ang aga mo yata?"
"I want to see your dress..." she said without lifting a gaze.
"Na-late eh..." bulong ko.
"Good." Saka siya nag-angat ng tingin sa akin. "E 'di ako ang una mong best friend na makakakita sa dress mo?"
"Amanda is not my friend."
Nito ring mga nakaraang araw, dahil lagi kaming magkasama ni Amanda or should I say lagi siyang dumidikit sa akin, palagi rin akong ginugulo ni Cams tungkol sa friendship ko sa kanya.
"Nah. It's okay naman—"
"Cams. Hindi kami magkaibigan ni Amanda." Bumuntonghininga ako. "The truth is... tumatabi lang siya sa akin dahil kay Ulrich. She's using me as her way of communicating with him..."
She frankly told me that. Hindi genuine ang friendship na inaalok niya. It's all for her own. It's not like I am affected or what. The hell I care.
"True ba?" Sumimangot si Cams.
I nodded. "You are more than enough. Sa 'yo pa nga lang sumasakit na ang ulo ko eh."
"Baliw!" Humalakhak siya.
That's true though. Kuntento na ako sa dalawa kong kaibigan kahit na lately ay masyado na kaming nagiging busy sa kanya-kanya naming mundo. Maganda rin talagang sumama ako sa summer getaway, para kahit papaano ako makapag-bonding kami uli.
"Wait. She's just using you?" Nagtaray ang mga kilay ni Camila. "As far as I know... ayaw na ayaw mo sa lahat ay 'yong ginagamit ka lang. Bakit ka pumapayag?"
Bumagsak kay Silly ang tingin ko. She's scratching her ears.
"Easy way to avoid complications..." I mumbled.
"Natatakot ka kay Amanda?" naging mapanuya ang boses ni Camila.
"No. Sa 'yo na mismo galing, Amanda is a brat. She gets what she wants." Malungkot na tumingin ako kay Camila. "Remember the last time I fought back? Ako rin ang nalagay sa alanganin."
Madiin na pumikit si Camila. Napansin kong humigpit na rin ang pagkakahawak niya kay Silly kaya minabuti ko na lang din na ibalik na ito sa kanyang kulungan.
"I really can't believe Amanda is that bitch!" Camila blurted out. Hinipan niya ang kanyang bangs kaya gumalaw 'yon. "Patay na patay siya kay Ulrich! Eh wala namang pakialam sa kanya 'yung lalaki..."
I shrugged my shoulders.
"Not at all..." I whispered.
Sumandal ako sa ulunan ng kama at niyakap ang unan. Si Camila naman ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"She's Ulrich's prom date..." I said.
"Are you fucking kidding me?!" Pumula ang mukha ni Camila sa pagkairita. Bumaon ang mga kuko niya sa unan na yakap. "Bakit pumayag si Ulrich?"
"Why not?"
"Why not? Tanga ka ba? Sino ang partner mo?"
"Cams..." I looked at her, idly. "I can attend without a date."
A prom date is not required. It would be nice to have one still, it's not an obligation. I can enjoy the night without someone's arms wrapped around my waist or someone who would turn the whole night into an almost fairy tale.
"No. You won't." Huminga nang malalim si Camila.
Nilabas niya ang kanyang cell phone at nag-type roon. Pumasok bigla si Ate Sarah para ayain kami mag lunch. Nagkwentuhan sila ni ate tungkol sa prom habang ako at tahimik lang na kumakain. Kinakabahan ako dahil baka may mabanggit si Ate Sarah tungkol kay Ulrich.
"Patrick Jae?" tanong ni Ate Sarah. "Is that your boyfriend's name—"
"Friend, Ate Sarah," Cams chuckled. "He will be my prom date."
"Oh. Akala ko boyfriend mo..." Saka bumaling sa akin si Ate Sarah. "How about you, Riza? May susundo ba sa 'yo mamaya?"
I was taken aback. Aawang pa lang sana ang labi ko nung maunahan na ako ng kaibigan ko.
"Meron!" agap ni Cams.
Kumunot ang noo ko. Tumawa si Camila.
My sister chuckled. "Just as I thought..."
Sumimangot ako. Wala namang susundo sa akin mamaya. Kung maiisip ni Camila ay baka siya na lang ang sumundo sa akin. Alangan mag jeep ako habang naka long gown.
Mayamaya ay nag-text ang gown designer namin. Bumagsak ang mga balikat ko nung sabihin nitong hindi natapos ang isusuot kong dress. My sister tried to negotiate with him by adding extra payment just to finish the gown today pero hindi na raw talaga kaya.
"Marami akong dress sa bahay!" ani Cams. "Come with me, Rizzie. Maaga pa naman para kapag hindi nagkasya ay magawan ng paraan!"
Sa isang sulok ay nakita kong madiin ang pagpindot ni Ate Sarah sa kanyang cell phone. Sinusubukan pa rin niyang makipag-usap sa designer. Nakita kong pumatak ang isang luha sa kanyang mata.
Napalunok ko. "Sige. Ate Sarah. Sasama lang ako kay Camila..."
Tumayo si Ate Sarah at niyakap ako nang mahigpit.
"I'm really sorry, baby sis..." Hikbi niya.
"It's fine, Ate..." Pinigilan ko ang sariling maiyak.
It's just a fucking dress! Hindi ako maarte sa susuotin ko. Pero ayoko sa lahat ay 'yung makitang nalulungkot ang ate ko. Fuck that designer! That's so unprofessional of him!
I had no choice. Sumama ako kay Camila sa bahay nila. Naabutan ko pang paalis ng bahay si Tito Arvil na Daddy ni Camila. Naka-office attire na ito. He was on call but he dropped it just to talk to us.
"Hello, Tito Arvil..." I greeted him, feeling shy,
"Hey, Riza. What's up?" he greeted me.
"Dad. Can you call Miss Rosalyn?"
"What? May problema ba sa dress mo?"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Camila. We are best friends pero nahihiya pa rin ako dahil nakakaistorbo ako. Dapat ay nagb-beauty rest na siya ngayon pero nai-stress din siya dahil sa akin.
"Just call him, Dad. Please? Now." Saka na ako hinila ni Camila.
"All right. Enjoy later, girls!"
Nakayuko ako habang paakyat kami sa paikad na hagdan nila. Napasinghap ako nung hawakan ni Camila ang braso ko at hinila na ako.
I was just sitting on the edge of her bed while she's showing me her different gowns. They all looked stylish and expensive— even more, elegant than the gown I was expecting to wear.
"Try mo kasi!" udyok ni Cams.
I swallowed the lump in my throat.
"Cams..."
"No, Rizzie. You will attend!" aniya na parang nabasa na ang nasa utak ko. "You have a lot of options. Just... choose. Parating na rin si Miss Rosalyn na designer ko. She will help us!"
Tumitig lang ako sa kaibigan ko. Bumuntonghininga ito bago tumango. Binitiwan niya sa kama ang hawak na dress bago tumabi sa akin.
"It's fine, Riza. Just please... attend."
"Sobrang excited ni Ate Sarah sa gown na pinagawa naming..." Nahirapan ako sa pagsasalita. Yumuko ako sa aking mga nakasalikop na kamay. "Even more excited than me."
Tumulong din siya sa design ng dress na dapat ay susuotin ko ngayon. Actually mas marami pa nga siyang idea kesa sa designer. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganito na lang siya kabigo.
"Then, be there! Mas malulungkot si Ate Sarah kapag hindi ka sumipot." Hinarap ako ng kaibigan ko. "Iisipin niyang siya ang dahilan kaya hindi ka naka-attend."
Napaisip naman ako. She's right. Masyado nang dinamdam ng ate ko ang kabiguan namin sa pagpapagawa ng dress. Mas lalo lang siyang magi-guilty kapag hindi ako nakasipot.
Suminghap ako. "Okay. I want that nude silver dress..."
"That's the spirit, girl!" Tumayo si Camila para kunin ang dress na tinukoy ko. Nakangiting hinarap niya ako. "Try mo!"
I put the dress on. Tuwang-tuwa si Camila dahil bagay na bagay raw sa akin. Medyo dumudulas nga lang ang strap nito, pero maaayos naman daw agad ito nung designer niya. Dumating din agad ang designer niya. Sinukat pa sa akin uli ang dress bago tinali. Mabilis nga lang na natapos ito.
"Thank you, Miss Rosalyn..." I smiled.
"No worries, honey. I think mas babagay sa 'yo ang wavy hair. Just a suggestion. Doon ka pa rin sa kung saan ka kumportable," nakangiting suhestyon pa nito. "You look stunning..."
I finally have a dress to wear later!
Pinilit pa ako ni Camila na sa kanila na magbihis para mamaya pero hindi ako pumayag. Gusto kong makita rin ni Ate Sarah ang ayos ko. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi big deal na hindi nasunod ang gusto namin.
Pinahatid na lang ako ni Camila sa bahay. Naabutan kong nakaupo sa sofa sa sala si Ate Sarah. Napansin kong namumula ang mga mata niya, kagagaling lang sa iyak.
I showed her my dress and we both loved it!
5 p.m ay dapat nasa school na kami dahil may red carpet pictorial pa. Kaya alas dos pa lang ay inayusan na ako ni Ate Sarah. Sinunod ko ang suhestyon ni Miss Rosalyn na gawing wavy ang buhok ko.
"Y-you look... perfect, baby sis."
I was in awe while staring at my reflection in the mirror. I was wearing the nude silver beaded high-slit dress that Camila gave me. It really fits perfectly with my wavy hair.
Mula sa likod ko ay niyakap ako ni Ate Sarah. Pinatong niya ang baba ng ulo sa balikat ko. Nakangiti siya sa akin habang nakatingin sa reflection namin. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
"Ang ganda mo, Riza."
"Thank you so much, Ate Sarah."
Doon na bumagsak ang mga luha sa kanyang mata. Hinarap ko siya at ako naman ang yumakap. Pigil na pigil ako sa pagluha dahil baka masira ang make up ko.
"Anything for you, baby sis..."
I swallowed. No. I won't cry.
I was all set when I realized... paano ako makakapunta sa school? Wala akong sundo. Kinuha ko ang cell phone ko. Camila sent me a text message.
"He's on his way. See yah there, Rizzie."
Kumunot ang noo ko. Who?
I heard a vehicle noise from outside. I immediately kept my phone in my silver purse. Humarap ako sa salamin sa huling pagkakataon.
I smiled. A night to remember.
With the confidence brought by my elegant dress, I walked out of my room. Nakabukas ang front door namin. Naabutan kong may kausap na lalaki sa labas si Ate Sarah.
I sniffed. Who?
My lips parted slightly when I recognized him. Chester was talking to my sister. He was wearing a dark grey tuxedo which perfectly fit his slicked back undercut.
Pumula ang pisngi ko nung mapatingin siya sa akin. He showed me his perfect smile. Nanginig ang mga binti ko sa sobrang kaba.
"Come here, baby sis..."
I gulped. Naglakad ako palapit sa kanila.
Hindi ako gaanong makatingin kay Chester. Sobrang gwapo!
My sister faced me. Inayos niya pa ang buhok ko.
"Enjoy your night, Riza," she whispered.
"I will. Thank you, Ate..."
Pagkaharap ko kay Chester ay naglahad siya agad ng kamay. I held his hand. Sobrang lambot. Alam kong naramdaman niya ang panginginig ko kaya hinaplos niya ang kamay ko.
"You look stunning, Riza..."
What the heck? That's so unnecessary! Halos hindi na nga ako makahinga sa dress ko tapos pakikiligin niya pa ako?
"Sus." Tumawa na lang ako.
He just chuckled. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka ako pumasok sa loob. Umikot naman siya sa kabila. Suminghap ako ng hangin.
"I will be your partner for the whole night. Ayos lang ba?"
Tinatanong pa ba 'yon?
"What? Syempre naman!"
Humalakhak siya kaya namula ko. Did I just sound so pleased with that idea?
"Wait. Invited ka rin?" taka kong tanong.
This is a Senior High Prom. College na si Chester. He's technically not invited.
"I guess I am?" he chuckled... again.
Padilim na rin nung makarating kami sa venue sa open field. Pumila kami dahil by batch ang paglalakad sa red carpet. Pinansin ko ang mga kasabayan namin. They all look good! Halatang pinaghirapan ng lahat ang dress nila.
Pinasadahan ko ng tingin ang dress ko. Buti na lang pinahiram ako ni Camila kaya kahit papaano ay bumagay naman ako sa event na 'to.
Tumikhim si Chester kaya napatingin ako sa kanya. Inangat niya ang kanyang braso. Nahihiyang kumapit naman ako sa kanya.
It's our turn for the red carpet. Suminghap ako bago hinigpitan ang kapit sa braso ni Chester. Dahan-dahan kaming naglakad sa red carpet. Tumigil kami sa gitna kung saan ang pictorial.
We took many shots. Isang nakakapit ako sa braso niya, isang nakapalupot ang braso niya sa bewang ko at isang at isang quirky shot. We both enjoyed it!
Patawa-tawa kami habang naglalakad papasok sa main venue. Napansin ko na binago nila ang design. At first, plano talaga namin ay walang bubong, pero ngayon ay may takip na.
There were scattered tables around, usually for four to five people. Madilim na rin kaya nakabukas na ang mga mini chandelier. May malaking space sa gitna kung saan magaganap ang sayawan.
May mga bumati kay Chester na lalaki. Nagtataka ang mga ito kung bakit andito siya e hindi naman talaga siya invited. Pinakilala ako ni Chester sa kanila. Nagpa-picture sa akin ang ilang lalaki.
"Pwede ba kitang isayaw mamaya?" tanong pa sa akin ng isang lalaki.
Nahihiyang tumawa na lang ako. Syempre, tinatakpan ko ang bibig ko sa tuwing tumatawa ako. Masabi man lang na dalagang pilipina.
"Bro. Why not ask me? I am her date!" Chester joked.
"Shit. Isang sayaw lang naman, Mr. Megardon!"
"Nah." He chuckled.
Hindi binitiwan ni Chester ang bewang ko habang bumabati kami sa mga kakilala. Natanaw ko na sa entrance si Art na may kasamang dalawang babae. Nakahawak siya sa bewang ng dalawa.
"Chesty!" Nagulantang si Art. "What the fuck are you doing here? You are not invited!"
"E sino na lang matitirang gwapo kung paaalisin ako?" pagmamayabang ni Chester.
"Ulol!" Humarap sa akin si Art. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Gago— Rizzie! Akala ko kung sinong babae ang kasama ni Chesty!"
I smirked. "Pogi ah?"
I mean it. He really looked good in that burgundy tux. Plus his messy hair. Wala talagang tapon sa kanilang magkakaibigan!
"Paano ba 'yan, Chesty? Gwapo raw ako?" Art bit his bottom lip.
"Pero mas gwapo si Chester..." Humalakhak ako.
"See?" tila proud na sabi ni Chester.
"Ang daya mo naman!" Umirap sa akin si Art. Saktong natanaw namin si Jessie na pinaliligiran ng mga babae. "Tangina talaga ni Jessie Ley. Habulin ng mga babae!"
Kumaway ako kay Jessie nung mapatingin siya sa amin. May sinabi siya sa mga babaeng nakapaligid sa kanya kaya nilayuan siya ng mga ito.
"Rizzie!" Jessie hugged me. Siniko niya si Art nung yumakap din ito sa amin.
"Damot!" reklamo ni Art.
"Wait. Chester?" Naguluhan din si Jessie.
Napakamot sa batok si Chester. He even pouted his lips. "I guess I have to explain while I am here for the whole night huh?"
Napangiti ako. He looked so cute!
Pinagdugtong namin ang dalawang table para magkasya kami. Magkatabi kami ni Chester. Sa harapan naman namin ay sina Art at Jessie.
"Wala kang ka-date, Jess?" tanong ni Art.
"Pareho lang tayo!"
"E 'di tayo na lang!"
Pabirong sinuntok ni Jessie sa braso si Art.
"Rizzieeee!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa tumili. Sa hindi kalayuan ay natanaw namin sina PJ at Camila. Inalis ni Cams ang kapit ni PJ sa kanyang bewang para tumakbo sa amin. Naiwang napapakamot sa batok si PJ.
I stood up to greet my best friend. Agad niyang pinasadahan ng tingin ang dress ko.
"I told you! You look gorgeous!" she giggled.
Hinawakan ko ang kamay ni Camila saka siya inikot sa akin. Halos lumuwa ang mga mata ko. I should have also insisted to see her gown earlier! Hindi ngayon na gulat na gulat ako.
Camila looked absolutely stunning in her sparkly gold embroidery long open-back dress. My words weren't enough to describe how fabulous her dress was!
"Jess. Picture!" aya ni Cams.
Tinawag ni Camila si PJ para kunan kami ng picture. Natawa pa ako dahil ang gwapo ni PJ sa kanyang all black tux tapos lumuhod siya para lang makuha ang magandang anggulo namin.
"Thank you, babe!" Camila kissed him on his lips.
Lumaki ang ngiti ni PJ. Geez.
"Isa pang shot?" tanong ni PJ.
"No. We are good," sagot ko.
Napagpasyahan na naming pumirmi sa mga upuan. Nasa gitna kami ni Camila at pinaliligiran ng mga lalaki. Sinend ko kay Ate Sarah ang picture namin para naman updated siya sa happenings.
"Sana all may ka-date!" sigaw ni Art kaya napatingin sa kanya ang iba.
"Nasaan 'yung dalawang babae kanina?" tanong ko.
"Hiniram ko lang naman 'yon..." Sumimangot siya. "Jess. Baka naman pwede mo akong ipakilala sa iba mong babae? Please?"
"Tangina naman, Art. Mamamatay ka ba kung walang babaeng kasama ngayon?" singhal ni PJ.
I mentally rolled my eyes. Coming from you huh?
Napatingin ako sa bagong dating. Mag-isang naglalakad si Raechelle sa red carpet. Napatingin siya sa table namin... pero pumirmi ang tingin sa akin. She unusually smiled at me.
Dumiretso siya sa kabilang table, mga kaibigan niya yata 'yon. Narinig kong tumawa pa siya at sinabing, "A night to remember!"
"Here they are..." Chester mumbled.
Sinundan ko ang tingin nila. Pinagkakaguluhan ng mga tao ang dalawang bagong dating— sina Amanda at Ulrich. Nakakapit sa bewang ni Amanda ang braso ni Ulrich.
"Oh, damn. All white," puna ni Chester.
Ulrich was wearing an all-white suit with gold embroidery. He was smiling while greeting everyone. I didn't want to pay more attention to him. What can I say? He looked like a prince.
My attention darted at the woman beside her.
Amanda's dress looked so familiar to me. She turned around in front of all the cameras. I got teary-eyed when I realized why.
"Oh, my God. I love her dress..." Camila mumbled.
Suminghap ako. Napatingin sa akin si Amanda. Nakangiti siyang kumaway. Nalipat sa kabilang lamesa ang tingin ko. Nahuli kong nakangisi rin si Raechelle habang nakatingin sa akin.
I just closed my eyes.
That's exactly the dress my sister designed for me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro