Chapter 25
Chapter 25: Dating
Did I just come up with the worse possible idea out there? I don't know. But I knew the moment it slipped out of my mouth, I had to take responsibility for it.
"You— what?" Ate Sarah stuttered in so much confusion.
I swallowed the lump in my throat. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bukalya ng bulaklak. This is not right. I should be anything but upset. I just admitted that Ulrich was dating me, I should be happy, right?
"I am dating Ulrich Delgado..."
I have no idea how will I explain it to Ulrich, but right now I need to make my sister believe in me first. I am dating Ulrich, that's it.
"Hindi ba tinanong na kita noong isang araw tungkol diyan?" I could her frustration in every word she said. "Todo tanggi ka sa 'kin, Riza."
"A-am I not allowed to date anyone?"
Or just him?
"N-no. No, baby sis. Hindi sa gano'n." She jerked her head. Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay kong may hawak sa bulaklak. "You just had me surprised. But... I am happy for you."
Smile, Riza. You have to smile now.
"I-I've never dated anyone before, Ate Sarah. Sorry kasi tinago ko sa 'yo. I have no idea how it works. I thought..."
"It's fine, Riza. I understand."
Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang bulaklak sa kamay ko at pinatong muna 'yon sa lamesa. Saka niya ako hinila sa sala at inupo sa sofa. Hinarap niya ako.
"So..." she smiled. "Do you like him, too?"
"Crush..." Bigla akong nahiya pagkasabi ko no'n.
Marahan na tumawa si Ate Sarah. Inayos niya sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok na kumawala. Hindi naglaho ang banayad na ngiti sa kanyang labi.
"I hope you know that I always want the best for you, Riza. Kung saan ka masaya... roon din ako. I will always support you no matter what."
I teared up, this time for some genuine reason. I love my sister so much, and it's killing me that I need to do this. I have to take away her happiness for my own sanity.
"Invite him to come over next time," she proposed.
My eyes broadened. "Ate! We are just dating!"
"She's dating my baby sister. What do you mean 'just'?"
"I-I'm not even sure if I also like him..." Well, if having a crush means I also like him, maybe I do. But I don't think so. I just really admire him.
Mas lumakas ang pagtawa ni Ate Sarah. "Huwag ako, Riza. Alam mo kung bakit nagtatampo ako sa 'yo? Kasi parang ang saya-saya mo tapos hindi mo man lang maikwento sa akin."
Naramdaman kong pinisil ni Ate Sarah ang pisngi ko. Napasimangot ako kahit na sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Mukhang napaniwala ko na si Ate Sarah. Ang problema ay kung paano ko ito ipapaliwanag kay Ulrich.
"Ah. Basta. Imbitahan mo siya minsan dito, Riza. We will just have some casual conversations. Medyo hindi ko pa kasi nakakausap ang lalaking 'yon. I need to make sure my sister is in good hands."
"We are just dating, Ate! Hindi pa naman kami!"
"Naku, naku. I've been there, Riza. Alam ko kung saan 'yan papunta."
Hindi na lang ako kumibo. Wala naman itong patutunguhan. Ni hindi ko nga alam kung ano na ang susunod na hakbang ang gagawin ko.
Kinabukasan ay tumambay lang ako sa bahay at gano'n din si Ate Sarah. We spent the whole day together. Nanuod kami ng movies, kumanta sa karaoke at nag-usap tungkol sa iba't ibang bagay. Maghapon din akong inasar ni Ate Sarah tungkol kay Ulrich. Sa sobrang tuwa namin ay hindi man lang namin nagawang hawakan ang cell phone namin.
Later that night, hindi ako agad dinalaw ng antok. Inisip ko kung paano ko ito sasabihin kay Ulrich. I first told him that I wanted everything about us to be lowkey, but I jumped into something else with this plan.
Bahala na!
Monday, my first day as the SSG Secretary officially. Balik na rin sa normal ang klase. Dumiretso na lang ako sa classroom. Hindi katulad dati ay may mga bumabati na rin sa akin ngayon.
Nakakatuwa na may pakialam na sila ngayon sa akin. Naisip ko tuloy kung magkakaroon ba ako ng sariling fans club— Rizarians. Ew.
Something once in a bluemoon happened— mas nauna pala sa akin si Cams. Naabutan ko siyang pinangungunahan ang chikahan sa loob ng classroom. Nakakumpol sila sa dulo na tila may meeting.
"Oo. Grabe 'te. Ang talino pa naman no'n," dinig kong bulong ni Cams.
"True. Nakakatakot palang maging matalino, baka mabuntis ako agad!" gatong ng isa pang babae.
"Mas nakakatakot naman maging kasing bobo mo," pang-aasar pa ng isa sa mga kaklase namin. "Uy, joke lang, mare. True 'no? Nakakatakot."
"Mas nakakatakot maging kasing pangit mo— jokee!"
Tumikhim ako. Sabay-sabay silang napalingon sa 'kin. May mga bumati, may nagmadaling bumalik sa upuan at meron din namang iba na wala pa ring pakialam sa akin.
"Rizzieee!" Tumayo si Cams at hinatak ako sa braso. "Nabalitaan mo na ba si Gwendolyn ng kabilang ABM? 'Yung isa ring achiever—"
"Buntis?" putol ko.
"Paano mo nalaman?" tanong niya.
"Overheard from your conversation..."
Dumiretso na ako sa upuan ko. Nasa bandang harapan ang pwesto ko habang si Cams naman sa likod dahil by surname ang arrangement namin.
Hinila ni Camila ang upuan sa tabi ko at pinwesto ito sa harapan ko. Saka siya umupo roon. Mukha siyang excited habang nakatingin sa akin.
"Ano nangyari sa dinner nung Saturday?" tanong niya.
"Kumain..." tipid kong sagot.
Nilabas ko ang cell phone ko. Walang text message si Ulrich. Should I text him first? Hindi ako pumuntang office niya. Baka akalain niyang wala pa ako at hinihintay niya ako roon.
"Mr. Megardon was there, right?"
Bahagya akong ntatigilan ako. "Yeah..."
"Na-meet mo na daddy ni Chesty mo!" Saka niya pabirong hinampas ang balikat ko. "So... na-meet mo rin si Mr. Delgado? Teka— ano na pala status niyo ni Ulrich— Sandaliiii! Na-stress ako bigla."
Mas hinila niya ako upuan palapit sa 'kin. Kulang na nga lang ay kumandong na siya sa akin e. Muling bumaba ang tingin ko sa cell phone.
I will text him first. Ano naman? Magpapaalam lang naman ako na baka maging busy ako today. So, I texted him, "I will be busy today. Hit me up if you need something, Mr. President."
Iyon na yata ang pinaka pormal na text message na ginawa ko.
"Ano status niyo ni Ulrich?" tanong ni Camila.
"I am officially the SSG Secretary..."
Camila frowned. "Iyon lang?'
"How about you and PJ?" binato ko pabalik sa kanya ang tanong niya.
"Uh... gano'n pa rin naman. I extended it..."
Tumaas ang mga kilay ko. "Extended what?"
"Hindi ba sabi ko hanggang matapos lang tayo ng senior high 'tong... ano namin— basta, alam mo na 'yon!" Hinipan niya ang kanyang bangs. "I extended it until summer. Last na 'to."
Napangiwi ako. "Extend mo pa hanggang sa hindi mo na siya kayang pakawalan—"
"Tanga! Hanggang summer lang talaga."
"Geez. Sabi mo eh."
My phone beeped.
Ulrich: Where's my good morning?
"Saka may plano na kami for summer vacation natin!" ani Cams pa. "It will be a long list of destinations. Don't worry about the expenses. Sagot na ng mga boys 'yon."
I replied, "Good morning, Pres."
"Now... we just need to know who's gonna be in. G ka ba, Rizzie?"
Umangat ang tingin ko kay Cams.
"Boys?" tanong ko.
She nodded. "The boys..."
"Sinong boys?"
"Duh?" she rolled her eyes. "Ulrich. Chester. Arthur. Roland. PJ. Jessie. Hindi ko lang alam kung sino pa ang sasama pero sila pa lang ang alam ko..."
Oh, the five topless men and our best friend.
"G ka ba?" tanong niya. "Please?"
"Let's just see, Cams."
Summer vacation? I would rather stay at home and enjoy my freedom alone. But I have been doing that all my life. Maybe I need to try something new this time.
Lunch time. Kasama ko si Cams pero kailangan ko munang pumunta ng office ni Ulrich dahil may ipapasa ako sa kanyang papers. Pinagsabihan ko na si Camila na maghintay na lang sa labas pero nauna pa siyang pumasok sa akin.
Naabutan naming tutok sa pagbabasa ng libro si Ulrich. Agad na dumiretso sa couch si Camila. Ako naman ay pumunta sa harapan ni Ulrich.
"Here..." I placed the piled-up documents on his desk.
He didn't bother to drop his book. I waited for him to say something but he didn't. So, I thought he doesn't need anything more.
"Cams... let's go?" aya na ko kay Camila.
Kumunot ang noo ko nung maabutan itong kumakain ng pizza. Bumagsak sa center table ang atensyon ko. Maraming pagkain doon. Nakaayos na rin nga pati ang dalawang fruit shake.
"Is this all?" Ulrich asked.
I turned to him. "Yes, Mr. President."
He furrowed his brows.
"Did you check your phone?" he asked.
"Oy, sa 'yo lahat 'to, Ulrich? Ang dami mo namang pagkain!" puna ni Camila.
Kinapa ko ang cell phone ko. Isang text message ang dinatnan ko.
Ulrich: Have lunch with me
"If this is all, you may go now," walang ganang sabi ni Ulrich. Saka na uli siya bumalik sa pagbabasa. Napansin kong nakasimangot na ito.
Muli akong bumaling kay Camila. Nakadalawang slice na ito ng pizza.
Hindi pwedeng magtampo si Ulrich sa akin ngayon. Kailangan ko pa ng pampa-good shot dahil hindi ko pa naaamin na ang alam ni Ate Sarah ay nililigawan na niya ako.
I came up with a simple idea.
"Iyan na ba 'yung lunch na in-order natin, Ulrich?" tanong ko.
Umangat ang tingin ni Ulrich sa akin.
"Sa inyo ba 'to?" tanong ni Cams.
I nodded. "Nag-share kasi kami ni Ulrich ng pera para sabay kaming mag-lunch."
Napaubo naman si Camila. "Seriously, Rik?"
"Y-yeah..." nahihiyang sagot ni Ulrich.
"Grabe naman 'to. Nilibre mo na lang sana si Riza. Ang kuripot mo naman!"
Napaubo ako sa sariling laway.
"Actually—"
"It's fine!" I cut him off. "Lagi na lang niya kasi akong nililibre, Cams. Nakakahiya na rin. It's my idea."
"Kahit na! Ang dami-daming pera ni Ulrich—"
"Sabay ka na lang sa amin, Cams," suhestyon ko. "Marami naman 'yan, oh. Sayang naman kung hindi mauubos."
"Sure!" ngiti ni Camila.
Tumabi na ako sa kanya sa couch. Wala na ring nagawa si Ulrich kung hindi ang umupo sa harapan namin. Kumuha na ng pagkain sina Cams at Ulrich. Kukuha na rin sana ako ng sakin nung ilapag ni Ulrich ang kinuha niyang pagkain sa harapan ko. Saka siya kumuha ng panibagong pagkain.
Narinig kong nabilaukan si Camila.
"Ang sweet naman ng fruit shake!" aniya.
Kumain na lang din ako. Salo kami ni Cams sa fruit shake dahil dalawa lang 'yon pero ang gaga inubos agad. Napansin 'yon ni Ulrich kaya nilapit niya sa akin ang kanya.
"Whoo. Lakasan natin AC." Tumayo si Camila para itodo ang AC.
"Ang kaunti ng nakain mo, Riza," reklamo ni Ulrich.
"Kaunti rin naman ang nakain ko, ba't walang Ulrich ang nagreklamo?" Humalakhak si Camila.
Wala sa sariling inabot ko ang fruit shake ni Ulrich at uminom ako roon. Sobrang pula na ng mukha ko sa sobrang niya. Ayoko na ring lingunin pa si Camila dahil alam kong lalo lang niya akong aasarin.
"Mukhang nakaka-istorbo ako," umubo si Camila. "Sabihin niyo lang kung gusto niyo na akong paalisin, ah? Baka kasi pinapatay niyo na ako sa utak niyo!"
"Cams. Behave..." I told her.
"Heh!" Inirapan ako ng kaibigan ko.
That was the most awkward lunch I've ever had. Hindi ko alam kung gumaganti lang ba si Ulrich o ano, pero si Camila naman ay todong-todo sa pagkagat sa sinasabi niya.
Lumipas ang isang araw nang hindi ko nasasabi kay Ulrich na nililigawan na niya ako sa mga mata ni Ate Sarah. But I know I have to tell him as soon as possible. I can't play this game alone.
The next event will be the Senior High Prom after that will be our final examinations. Pagkatapos no'n ay pwede na kaming mag-chill habang hinihintay ang graduation day. May ibang nagte-take na rin ng entrance exam sa iba't ibang university for college.
"A night to remember..." Raechelle suggested the prom title. "It sounds cliche yet feels magical. Perfect title since this will probably be our last time together."
I nodded as I stopped tapping my pen on the table.
"I like that..." I agreed.
Raechelle giggled. "So, approve na rin kay president?"
"I didn't say anything yet—"
Agad na pinutol ni Raechelle ang sasabihin ni Ulrich.
"Huwag ako, President. Kung ano ang magustuhan ni Secretary Riza ay approve agad sa 'yo. So... I will call it approved by now."
Napaayos ako ng upo at agad na nakaramdam ng hiya. Napayuko naman si Ulrich at tumikhim. She really said that with her chest.
"I like that title, too!" ani Miss Hailey.
"So..." Raechelle grinned at Ulrich.
"Whatever Vice Hailey decided to choose, I will go with that." Umangat uli ang tingin ni Ulrich. Dumiretso 'yon sa akin. "A night to remember..."
Ako ang naunang lumabas ng office pagkatapos ng meeting. Nagulat pa ako nung biglang sumalubong sa 'kin si Amanda na halatang kanina pa ako hinihintay. Agad niyang kinapit ang braso sa akin.
"Pauwi ka na ba?" tanong niya sa akin.
On my peripheral vision, I saw Raechelle just passed us. Since nung nalaman niyang best friend na kami ni Amanda ay hindi na niya ako gaanong sinusungitan.
"Amanda?" boses ni Ulrich.
"I still have one more class," I told her. Nangangati ako sa pagkapit niya sa akin pero hindi ko naman siya magawang itulak na lang gaya ng ginagawa ko kay Camila.
"Where are you taking her?" tanong ni Ulrich.
"Gusto ko lang siyang makasabay umuwi—"
"Actually..." Nakangiting inalis ko ang braso niyang nakakapit sa akin. "Hindi ako agad makakauwi. May inaasikaso pa kasi kami para sa darating na prom."
Saka ako tumabi kay Ulrich.
"Wala ka bang sundo?" tanong ni Ulrich.
Umiling si Amanda.
"Sabay ka na lang sa amin ni Riza," paunlak ni Ulrich.
Agad na napalingon ako sa kanya. Sinabayan niya ang tingin ko. Nginitian niya lang ako bago tumalikod at nauna nang umalis.
Tumili bigla si Amanda. "I love you, Riza!"
Napasinghap ako nung bigla siyang yumakap sa akin.
"W-what did I do?" I asked.
"Simula kasi nung dumikit ako sa 'yo, lagi na rin kaming nagkakausap ni Ulrich." She faced me with a wide grin plastered on her face. "Being friend with you is the best decision I've ever made!"
"Gano'n?" I faked a smile.
Nagpaalam si Amanda na maghihintay na lang sa coffee shop dahil may last class pa ako. Si Ulrich din naman ay mamaya pa uuwi.
Nakasimangot na pumasok ako sa klase. Napansin 'yon ni Camila kaya agad siyang tumabi sa akin.
"Why are you frowning?" she asked.
"I don't know..."
Yeah, I really don't know.
"What's your final decision about the summer trip?"
I sighed. Hindi lumipas ang isang araw nang hindi niya tinatanong sa akin 'yon. Sa huli ay tumango na lang din ako at pumayag.
"Yesss!" she hugged me. "Punta ka sa amin bukas ah?"
"What?"
"Dad is just going to confirm na kasama ka rin." She pouted her lips. Sumandal na siya sa upuan saka inayos ang bangs. "Hindi kasi ako papayagan kung hindi ka kasama e."
Oh, I see. Kaya pursigido ang gaga na mapapayag din ako.
Natapos ang klase na ang iniisip ko lang ay kung bakit ako iritado. Oo nga pala. Hindi ako naiinis dahil kasama kong uuwi si Amanda. Naaasar ako kasi hindi naman namin napag-usapan ni Ulrich na sabay uuwi!
Pagkalabas namin ng classroom ay nakaabang na si PJ. Agad niyang nilapitan si Camila para kunin ang bag nito at siya na ang magbitbit.
"Andyan na pala guard mo," biro ko.
"Whoa. Grabe ka naman, Rizzie," birit pa ni PJ.
Pinigilan ko ang sariling mapairap. I don't like him for some reason. Siguro ay dahil alam kong sa una pa lang ay pinaglalaruan niya lang si Camila. Gano'n din naman si Camila sa kanya. Ah, basta!
"Bukas, Rizzie. Sa uwian..." Todo ngiti si Camila lalo na nung akbayan na siya ni PJ.
"May sundo ka ba?" tanong sa 'kin ni PJ.
"Ako..." Biglang sumulpot sa likod nila si Ulrich.
Yumuko si Camila. Nakita kong tinago nito ang ngiti.
"Oh..." Kumurap si PJ. "Okay..." Saka siya ngumisi.
Napasimangot ako. Bagay nga yata silang dalawa. Pareho silang iba ang iniisip nila tungkol sa paghatid sa akin ni Ulrich. Mga malisyosa at malisyoso.
"Sure. Ingatan mo best friend ko ah?" ani Cams.
"Ikaw rin, PJ. Iuwi mo 'yan agad ah?" Pinanliitan ko pa siya ng mga mata.
Tumawa lang silang dalawa ni Camila. Pagkaalis nila ay tumalikod na ako at naglakad palayo. Mabilis naman na nakasunod sa akin si Ulrich. Sinubukan niya akong akbayan pero agad ko 'yong inalis.
"Whoa. Sungit..." bulong nito.
"Hindi ako sasabay sa 'yo," sabi ko.
"Huh? Edi kami na lang ni Amanda?"
"Bahala ka..." pabalang kong sagot.
"Okay..."
Natigilan ako sa paglalakad saka siya hinarap. Napaatras naman si Ulrich at tila nasindak sa diin ng pagtingin ko sa kanya.
"A-ano nagawa ko?" tanong niya.
"Alam mong hindi ako kumportable na kasama si Amanda, tapos isasabay mo rin siya?"
"What? I literally did you a favor!"
"In what world is that a favor for me?"
"Hindi ba sobrang bait mo kay Amanda? Na gagawin mo ang lahat para lang hindi kayo magtalo?" Pumait ang kanyang boses. "Gusto ka niyang kasabay sa pag-uwi. Paano mo siya matatanggihan? Kaya mo?"
"Sinabi ko sa kanya na—"
"Na may aasikasuhin ka muna kaya hindi makakauwi. You didn't totally refuse her request." Tumamad ang tingin niya sa akin. "Bakit ba asar na asar? It's not like we will be together for hours. Unless..."
"What?" My brows rose up.
"Sa ibang bagay ka naaasar?"
"Ano ang ibig mong sabihin?"
Tumawa siya bago umakbay sa akin. "Tara na nga. Ikaw naman ang nasa tabi ko habang nagmamaneho, hindi siya. Huwag ka na maasar."
Padabog na inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin. Saka na ako naunang naglakad. Narinig ko pang tinawanan ako ni Ulrich.
"Damn. I forgot that you have a crush on me. Nagseselos ka ba, Rizzie?"
"Sa kakapaalala mo sa akin na crush kita, unti-unting nawawala 'yon..."
"Damn. That's bad. Kapag kasi nawawala, napapalitan."
"Yeah. Kaya sige lang, asarin mo pa ako tungkol diyan."
"Hindi na... baka kasi imbes na crush lang, magustuhan mo pa ako."
"Ha-ha! Ikaw na lang sumundo kay Amanda sa coffee shop, maghihintay na lang ako sa sasakyan mo."
"Sure...." Kinuha niya ang kamay ko at pilit na binuksan ang nakakuyom kong kamao ko. He lent me the key of his car. "Mauna ka na sa driver's seat."
Pasipol-sipol pa itong naglakad sa ibang direksyon.
Napairap na lang ako. Tutal nasa akin naman ang susi, kapag nainip ako kahihintay sa kanila, baka ako na mismo ang magmaneho ng sasakyan niya. Parang bike lang ba 'yon?
Ilang beses na akong nakasakay sa sasakyan ni Ulrich kaya alam ko na ang hitsura nito. I pressed the button on the key, tumunog 'yon at na-unlock ang mga pinto.
I flipped my hair as I got in. Syempre, sa tabi ako ng driver's seat. Si Amanda naman ang makikisabay, siya ang kailangan mag-adjust.
Habang hinihintay sila ay nag-cell phone muna ako. Nagtingin-tingin ako ng mga pwedeng isuot para sa prom night. Gusto ko pa rin naman maging maayos sa gabing 'yon.
A night to remember...
Sa pag-angat ng tingin ko ay napansin kong naglalakad na sa direksyon ko sina Amanda at Ulrich. Gumagalaw ang mga bibig nila kaya malamang na nag-uusap sila. Though I don't see anything offensive, my eyes still unconsciously rolled.
Naunang pumasok sa likod si Amanda.
"Hey, Rizzie..."
Rizzie?
Tumabi sa akin si Ulrich. Nabangga pa nga niya ang braso ko kaya bahagya akong umatras. Napansin kong nakangisi pa siya.
Pumalad sa akin si Ulrich. Imbes na ilahad sa kamay niya ang susi ay pinatong ko 'yon sa dashboard. At imbes na maasar ay natawa pa nga ito.
I always find going home refreshing, kasi sa wakas ay makapagpapahinga na rin ako. Pero wala akong nagawa buong byahe kung hindi ang ikutan ng mga mata si Amanda.
Paano ba naman kasi ang daming arte. May nakita lang siyang bagong dress na naka-display sa shop ay ipapahinto niya agad ang sasakyan para bilhin 'yon. Ginawa pa niyang personal driver si Ulrich.
"Naiinip ka na ba?" tanong ni Ulrich nung huminto kami uli dahil bumili ng ice cream si Amanda. Inalok pa niya kami pero pareho kaming tumanggi ni Ulrich.
I just sighed. May magagawa ba ako?
"Naiinis ka pa rin ba sa akin?" sunod niyang tanong. "Dapat ba sinabi ko kay Amanda ang totoo? Na gusto ko ay ikaw lang ang kasabay kong umuwi?"
Hindi pa rin ako kumibo.
"Amanda. Damn." Narinig kong nagmura si Ulrich. "Na-turn off yata sa akin si crush..."
"Una nating ihatid si Amanda..." sabi ko.
Ulrich chuckled. "Ayokong inuutusan ako pero kung ikaw—"
"Kasi kailangan ako lang ang kasama mo kapag hinatid mo ako!" tumaas ang boses ko. "Baka makita ni Ate Sarah na may kasama kang iba!"
"Uhmm. Pardon me? I don't think I understand what you mean by that."
I think it's time to finally say it to him.
"I told Ate Sarah that I am dating you..."
"Oh?"
Kumunot ang noo ko. Oh? Is that all?
"We need to pretend that we are really dating, Ulrich," I tried to make it simple but easy to understand. "Para magdalawang-isip siya sa ginagawa niya. If she really loves me, she will eventually stop flirting with your dad."
"Okay... got it."
"Hindi ako nagbibiro!"
Oh, man. What's up with this guy?
"Nah. That's really my next plan." He chuckled. "Naunahan mo lang ako."
"Okay. Good. Whatever."
"How about Amanda? Paano pag nalaman niya ito?"
"Ang alin?" Nakapasok na pala si Amanda sa likod.
I glared at Ulrich. Binigyan ko siya ng makahulugan na tingin, na isang maling sagot ay habang-buhay niya itong pagsisisihan.
"Natatae na raw si Riza kaya bilisan natin."
Sumandal ako sa upuan. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Narinig ko pang umangal si Amanda, parang nandiri sa salitang tae. Magsama sila ni Camila!
Una naming hinatid si Amanda. Sa labas pa lang ay kitang-kita na ang karangyahan ng buhay nila. Sobrang lawak nito gaya ng sa mga Delgado.
"Thank you, Riza. Ulrich."
Ulrich just nodded.
"Goodbye. See you soon, Riza," paalam pa ni Amanda.
Nagpatuloy na sa pagmamaneho si Ulrich. Ngayon ay malaya na akong gawin kung ano ang gusto kong gawin sa kanya kanina pa.
"Shit... ito na nga." Saka binilisan ni Ulrich ang pagmamaneho.
Nakahawak ako sa braso niya. Kapag binabagalan niya ang pagmamaneho ay kukurutin ko siya. Dinidiinan ko na nga tapos aasarin niya pa ako!
Pulang-pula ang braso niya nung ihinto ang sasakyan sa harapan ng bahay namin. Agad niyang binitiwan ang manibela para himasin ang kanyang namumulang braso.
"Ang sakit mong mangurot!" singhal niya.
I smirked. "That's what you get for fooling around!"
Napansin kong gumalaw ang kurtina ng bahay namin. Sumilip doon si Ate Sarah. Gabi na kaya nakabukas ang ilaw ng sasakyan ni Ulrich.
"Rik? Makikita ba tayo sa labas?" tanong ko.
"Huh? Bakit—"
Tinangka niyang lumingon kay Ate Sarah pero nahawakan ko agad ang baba ng ulo niya. Nakangiting nilapit ko sa kanya ang mukha ko.
"Just answer me," nakangiti kong sabi.
"Uhmm... yeah."
"Nakatingin sa atin si Ate Sarah..." sabi ko.
"Oh..." Hinawakan niya rin ang pisngi ko at bahagya 'yong pinisil. Ngumiti siya. "Kailangan sweet tayo para hindi siya magduda, hindi ba?"
"Rik... tigilan mo ang pagpisil sa pisngi ko."
Nilapit pa niya ang mukha sa akin.
"Ayoko..." ngiti niya.
Pasimple kong binaba ang isa kong kamay sa braso niya para kurutin siya. Napatalon ito sa pagkabigla... saka niya ako niyakap para maalis ang pagkakakurot ko sa kanya.
"Rik... what are you doing?"
"Hugging my future girlfriend..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro