Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24: Flowers

Pinangunahan nina Mr. Delgado at Mr. Megardon ang usapan sa buong oras. Tahimik lang akong kumakain at paminsan-minsan ay mapapasulyap kay Ulrich na maaabutan kong nakatingin din pala sa akin.

I didn't want to listen to their conversations but it was too entertaining just to ignore. Just like I have expected, they were childhood friends. Ngayon naman ay ang mga anak nila ang magkakaibigan.

I can tell Mr. Delgado is a good friend. I will give him that.

Nakakain ako nang mabuti kahit na halos alam na ng mga nakapaligid sa akin na malakas akong kumain. Paano ba naman kasi pinamalita ni Raechelle.

After dinner, we had the chance to go home straightway or just here for a while. Not me. Walang plano si Ulrich na ihatid ako agad.

I had no choice but to stay for a while.

Hindi lang naman ako. Nanatili rin sila Miss Hailey, Raechelle, Vincent at iba pang SSG Officers. Pero karamihan naman ay nagsiuwian na rin. Naiwan sa hapag-kainan sina Mr. Delgado at Mr. Megardon.

Fortunately, after the announcement that I became the SSG Secretary officially, my name hasn't been mentioned anymore. That's a relief.

We headed to the backyard. Nauunang naglalakad sina Miss Hailey at Ulrich. Nakayuko lang ako habang binibilang ang mga hakbang ko sa cobblestoned path. Malakas at malamig ang ihip ng hangin. Sobrang tahimik sa lugar na ito.

"Congrats, Rizaline," biglang sabi ni Raechelle. "But, I still feel bad for the former secretary. Nagkasakit lang siya tapos pinalitan na—"

"It's her choice, Raechelle," putol ni Vince. "Siya mismo ang bumitiw sa position niya. She still needs time to rest for faster recovery."

"Really? Baka naman kasi nahihiya lang siya," rason pa ni Raechelle. "Bakit hindi mo siya kausapin, Miss Chavez? Tell her to accept the position again."

"Raechelle. That's enough," tutol pa rin ni Vince. "Si Mr. Delgado na mismo ang nag-announce na si Riza na ang bagong SSG secretary."

"Just saying..."

Inangat ko ang tingin ko. Nakakita ako ng swing sa ilalim ng isang puno kaya agad akong humiwalay sa kanila. Napansin ko pa ang nakasunod na tingin ni Ulrich.

I sat down on the swing. Tinulak ko ang sarili. Sa hindi kalayuan ay pinilit ni Raechelle si Vince na kunan siya ng picture. Sina Ulrich naman at Miss Hailey ay nanatiling nakatayo at nag-uusap pa rin. Ang iba naming kasama ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.

I stared down at my feet. I partly elevated them from the ground as I swayed myself. Umihip sa mukha ko ang malamig na hangin. Bahagyang gumalaw ang bagsak kong buhok.

Naiinis ako dahil inaasahan kong bad trip ako after ng dinner. I was expecting a surge of negative feelings towards Mr. Delgado tonight, but there were none. None of his words made me feel furious.

Siguro kung wala lang siyang connection kay Ate Sarah ay hindi ako makakaramdam ng kahit na anong hinanakit para sa kanya. O kung meron man ay 'yon 'yung ginawa nilang mag-asawa na nakasama lang sa anak nila.

Ulrich doesn't deserve this. No one does.

"Riza..." Umangat ang tingin ko kay Roland. May hawak siyang tupperware. "Pinagbaon kita ng ulam galing sa kanina. Ilalagay ko lang sa sasakyan."

"Ano? Hindi ko naman sinabing—" Natigilan ako at awtomatikong napatingin kay Ulrich. Sa ibang direksyon sila nakatingin ni Miss Hailey.

He must have heard me. Nagbibiro lang naman ako, eh.

"Ang ganda niya..." bulong ni Rol.

He looked so enchanted while staring at Miss Hailey.

"I thought you would ask her to be your girlfriend?"

"Kukunin ko muna 'yung bulaklak..." Nakangiting huminga nang malalim si Roland. "Dadalhin ko lang 'to sa sasakyan. Pagbalik ko ay aayain ko na siya."

My eyes widened. "Seryoso ka pala talaga. Good luck!"

Pagkaalis ni Roland ay biglang tumunog ang cell phone ko.

Ate Sarah: Enjoy, baby sis. Hintayin kita.

It's 8 in the evening now. Siguro ay uuwi na rin ako bago mag 9. I can't stay here longer. Though Mr. Delgado didn't affect me in a negative way at all, I still feel uncomfortable knowing he's around.

Tomorrow is Sunday. Wala akong ibang gagawin kung hindi ang magpahinga. The past weeks have been exhausting. May mga events pang parating.

Napatingin ako sa bagong dating. Nakangiting dumiretso si Chester kina Ulrich at Miss Hailey. Nakakulay white na jacket ito na nakasuot pa sa ulo ang hood.

Wala sa sariling napahawi ako sa buhok ko. Nakita 'yon ni Ulrich kaya kumunot ang noo niya . May sinabi sa kanya si Chester kaya naalis ang tingin niya sa akin.

Shit. Baka amoy ulam ang hininga ko!

I wasn't ready when Chester turned to me. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Inalis niya ang talukbong sa ulo bago masayang kumaway sa akin.

I waved back. Should I approach him?

Sila na mismo ang lumapit sa akin. Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Chester. Si Miss Hailey naman ay may tinawagan sandali sa cell phone. Si Ulrich... nakasimangot.

"Hey, Riza. How are you?" Chester greeted me.

"Ah—"

"She's officially the SSG Secretary." Si Ulrich ang sumagot para sa akin. Madilim ang tingin niya sa akin. "She's good, to answer your question."

"Whoa! Congratulations!"

"Thank yo—"

"Hindi pa naman talaga tinanggap ni Riza 'yong position," putol pa rin ni Ulrich. "It's still up to her if she's going to accept it... or not."

"She looked happy though," puna ni Chester.

"Of course. Madami siyang nakain—"

"Ba't ang tagal mong nawala, Chesty?" putol ko kay Ulrich. Tumayo na ako mula sa duyan. "Last na nakita na lang kita no'ng sa pageant night ah?"

Did I sound like I am longing for his attention?

Napatikhim si Ulrich.

Tumawa si Chester. "Don't tell me you missed me?"

Damn. I did!

"Just kidding. Naging busy lang sa school." Chester kept his hands inside the pocket of his white jacket. Nagkibit-balikat ito. "Malapit na kasi ang finals..."

"Gano'n ba?"

Does that mean he can hang out with us again after the finals?

"Palibhasa hindi ka nagre-review, eh," pag-epal na naman ni Ulrich. Umakbay siya kay Chester. "Hindi ka maka-relate sa reviewing part 'no?"

Uminit ang pisngi ko. Gusto ko siyang sapakin dahil sa pang-aakusa niya. How dare he accuse me of not caring about my studies... in front of my ultimate crush!

Baka ma-turn off si Chester!

Sumimangot ako. I really can't enjoy being with Chester if Ulrich is around, too. Kung hindi niya ako hihilahin palayo ay siya naman ang sasagot para sa akin.

Natigilan ako nung pisilin ni Chester ang mga pisngi ko. Saka niya nilapit ang nakangiting mukha sa akin.

"You are so cute..." he told me.

I literally screamed internally. What the fuck did he just say?

That was... fucking nakakakilig.

"You really missed me, huh? Miss Angry Girl?" he chuckled.

Natulala na lang ako sa kanya. Magaan lang ang pagkakapisil niya sa pisngi ko... pakiramdam ko ay kahit panghabang-buhay niyang gawin 'yon ay hindi ako magrereklamo.

"Oh, baka atakihin na sa puso si Riza!" Mapaklang tumawa si Ulrich. Pasimple niyang tinulak si Chester kaya nabitiwan niya ang pisngi ko. "Alam mo namang bihira lang may magsabi sa kanyang cute siya, eh!"

Pabiro kong sinipa si Ulrich. Nanlaki ang mga mata ko nung iba ang masipa ko. Napaluhod si Ulrich bago bumagsak sa sahig habang hawak-hawak ang pagitan ng kanyang mga hita.

"Fuck!" namaluktot ito sa sakit.

I gasped. "Shit. Sorry, Rik!"

Humalakhak si Chester. "Puputulin mo pa talaga henerasyon ng mga Delgado, Riza!"

"What happened?" Lumapit sa amin si Raechelle na nakatingin kay Ulrich. Nanlalaki ang kanyang mga mata. "Shit. Should we call an ambulance?"

"Nah. He just needs time," natatawa pa ring sabi ni Chester.

Bumaling sa akin si Raechelle. Masama ang tingin niya sa akin.

"What did you do, Riza?" madiin na tanong niya sa akin.

"H-hindi ko naman sinadya—"

"Shut up!" she cut me off. "Kapag may nangyaring masama kay Ulrich, malalagot ka talaga!"

Lumunok ako. Is it that serious?

"I'm fine." Nakangiwing bumangon si Ulrich. "Shit. That hurt so bad."

"Ayos ka lang, bro? Eh yung mga ibon natin?" biro pa ni Chester.

"I-I need to sit on the bench..." ani Ulrich.

Lumapit sa kanya si Raechelle. She offered him help but Ulrich just stared at me. Umangat ang kanyang mga kilay nung hindi ako kumilos.

"Aalalayan na lang kita, Ulrich," ani Raechelle.

"A-ako na..." I stepped forward.

Pagkalapit ko kay Ulrich ay agad siyang umakbay sa akin.

"I will call Amanda..." Raechelle said.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Parang binuhos ni Ulrich sa akin ang lahat ng bigat niya. Hirap na hirap ako sa paglalakad. Naririnig ko pa ang mahina niyang pag-inda.

Does that really hurt like this?

Napasandal ako sa bench nung hilahin din ako ni Ulrich paupo. Nakaakbay pa rin siya sa akin. Ang isa naman niyang kamay ay nakatakip sa gitna ng kanyang hita.

"Kapag ako hindi na nagkaanak—"

"Sorry na nga!" Ngumuso ako. "Saka... kasalanan mo naman, eh. Epal ka naman kasi."

Kung hindi siya umepal sa usapan namin ni Chester ay hindi ko naman siya sisipain.

Ulrich groaned. Napangiwi ako nung higpitan niya ang pagkakaakbay sa akin. Nilapit niya pa ako sa kanya. Ramdam ko pa rin naman na nasasaktan siya kaya hindi ako nagreklamo.

"Did you just really call her?" tanong ni Chester kay Raechelle.

"S-she's on her way here..."

"Damn." Napakagat sa labi si Ulrich.

"Akala ko kasi napaano na si Ulrich—"

"And what can she even do about it? Is she a nurse? Doctor?" iritang tanong ni Chester. Suminghap siya ng hangin. "I didn't even tell her about this dinner."

Naramdaman kong sinandal ni Ulrich ang kanyang ulo sa balikat ko. Hindi hamak na mas maluwag na ngayon ang pagkakaakbay niya sa akin. He even tried to touch my hand but I flinched it away.

"Malapit na SH ball," banggit ni Ulrich.

"Another event..." I sighed.

Nakatingin lang ako kay Chester. May kinalikot ito sa kanyang cell phone bago niya 'yon nilapit sa kanyang tainga. Si Raechelle naman ay nakasimangot na umalis.

"Uh huh..." Suminghap si Ulrich. "But, that's not what I meant."

"Then... what?"

Umalis siya sa pagkakasandal sa akin. Umiling siya bago tumayo at nag-inat ng katawan. Sakto namang tapos na si Miss Hailey sa kausap niya sa cell phone. Nagpaalam na siya sa amin.

"Thank you for joining us for dinner, Vice Hailey. I really appreciate it," formal na sabi ni Ulrich. He can really be annoyingly playful and intimidating in just a matter of seconds.

Tumagos sa likod ang tingin ko. Nakita kong palapit na sa amin si Roland na may hawak na bukalya ng pulang rosas. Nakatalikod si Miss Hailey sa kanya kaya hindi siya nito napansin.

"What the hell?" bulong ni Ulrich, nakatingin din kay Roland.

Tumalikod na rin si Miss Hailey. Dumaan siya sa harapan ni Roland at dirediretsong umalis. Natigilan si Roland at agad na naglaho ang ngiti sa kanyang labi.

Nasapo ko ang noo ko. Really? Is that it?

"Para kanino 'yang bulaklak, Rol?" tanong ni Chester.

Roland turned to Miss Hailey. Nakalayo na at nawala na nang tuluyan si Miss Hailey pero hindi man lang nagawa ni Rol ang kanyang loob.

"Basted na ba ako?" tanong ni Rol.

"What?" Nilapitan siya ni Chester. Bumaling ito sa akin, nakakunot ang noo. "Nililigawan mo ba si Riza?"

"Si Miss Hailey!" agap ni Ulrich.

"Si Hailey?" Chester's eyes widened. "What the— seryoso ba 'to?"

Bumagsak ang mga balikat ni Roland.

Nilapitan ni Ulrich ang sawing kaibigan. May binulong ito na mas lalong ikinasimangot ni Roland. Itong lalaking talaga 'to, imbes na palakasin ang loob ng kaibigan ay aasarin pa niya!

"Sige na!" Malakas na tinapik ni Ulrich ang balikat ni Rol.

Roland's face has lightened up. Agad itong tumango at inabot kay Ulrich ang bulaklak. Saka tumingin sa akin si Ulrich... gamit ang mga mapang-akit na mata.

Napalunok ako.

"She's here... damn," dinig kong bulong ni Chester.

Ulrich approached me. "For Silly..."

Kumabog ang dibdib ko.

"For who?" tanong ni Chester.

"Silly. It's her hamster..." sagot ni Ulrich habang nakatitig pa rin sa akin. He cleared his throat. "This is for Silly. Ipalagay ko muna rin sa sasakyan."

Ulrich gave the flower to Rol.

"200 bucks ah?" ani Rol.

"Ilagay mo sa sasakyan," utos ni Chester.

"Sure!" Nakangiting umalis si Rol.

"Babeee!'

Sabay-sabay kaming napalingon kay Amanda. Mangiyakngiyak na yumakap ito kay Ulrich. Napaatras pa si Ulrich dahil sa pagkabigla.

"Are you okay?" Amanda asked, worriedly.

Napatingin ako sa nakasunod na babae, si Raechelle na nakangisi. Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay inirapan niya ako.

"Ayos lang ako, Amanda..."

Hinarap ni Amanda si Ulrich. Suminghap ito.

"I thought something bad happened to you..."

Ulrich shook his head.

"Pauwi na rin si Daddy, Amanda. Sabay na tayo," ani Chester.

"Shut up, Kuya! I just literally got here!"

"Nah. Sasabay ka na sa amin."

Sumimangot si Amanda. "What's this? Bakit hindi ko alam na may ganito palang party? No one even invited me!"

"It's for SSG Officers only," sagot ni Chester. "Saka hindi 'to party. Just a dinner."

"Si Riza ang nanakit kay Ulrich," sumbong ni Raechelle. "Namaluktot nga kanina sa sakit si Ulrich mo, Amanda. Akala ko ay napaano na siya."

Napasinghap ako nung mapatingin sa akin si Amanda.

"It's not her fault," ani Ulrich.

Or even if it's mine, ano naman?

Nilapitan ako ni Amanda. I prepared myself for the worse. But I was stunned when she suddenly pulled me into a tight hug. Napansin kong umiwas ng tingin si Chester.

"Long time no see!" she greeted me with delights in her voice.

Hindi ako nakapagsalita sa pagkabigla. I just realized my life has become peaceful after I agreed with her— when I swore that Ulrich and I would never have mutual feelings.

After a long and tight hug, Amanda faced me.

"Can I get your contact number? Para naman matawagan din kita minsan! O kung gusto mo ay isasama na rin kita sa mga gala ko!"

"Relax, Amanda. Hindi siya mahilig sa gala," sambit ni Ulrich.

Napasinghap ako nung yakapin ako uli ni Amanda.

Sa hindi kalayuan ay nakita kong lumabas na si Mr. Megardon. Mabilis na lumapit sa kanya si Chester. Hindi balanse ang paglalakad ng daddy niya kaya inalalayan niya ito.

"Are you really two best friends now?" naagaw ng tanong ni Raechelle ang atensyon ko.

Pinakawalan ako ni Amanda sa kanyang pagkakayakap. Saka niya kinawit ang braso sa braso ko. Nakangiting hinarap niya si Raechelle.

"Yes. We are..." proud na sagot ni Amanda.

"Oh..." Raechelle wasn't happy to hear that.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Ulrich. Naguguluhan ako habang siya naman ay madilim ang tingin. Napaisip tuloy ako kung ano na naman ang nagawa kong hindi niya nagustuhan.

"Daddy!" sigaw ni Amanda.

Amanda dragged me to her father. Binitiwan niya ako para yumakap kay Mr. Megardon. Si Chester naman ay nakatingin lang sa akin.

"Oh, my baby. Andito ka rin pala," tumawa si Mr. Megardon.

"Yes, Daddy." Lumapit uli sa akin si Amanda. "Narinig ko kasing narito si Riza kaya agad akong pumunta."

"We are going home, Amanda," ani Chester.

"So... you two are really friends now?" There was a sense of being proud in Mr. Megardon's voice. May banayad na ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa akin. "That's good to hear."

Mr. Megardon's eyes darted at me. He smiled and that brought uneasiness feeling in me. It felt like there was a hidden meaning behind that humble stretch on his lips. Like... longing?

"Yes, Daddy. We are friends now..."

"Let's go, Dad. Para makapagpahinga ka na rin," bulong ni Chester.

Bumuntonghininga si Mr. Megardon.

"May maghahatid ba sa 'yo, Riza?" tanong pa ni Chester.

I nodded. "Si Roland..."

Saktong kararating lang ni Ulrich. He heard that.

"Mag-iingat kayo ah?" paalala ni Amanda.

"Y-yeah..."

Amanda kissed me on my right cheek. Saka siya naunang umalis. Tumango naman sa akin si Chester bago rin umalis. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila.

Nakahinga ako nang maluwag.

"I will just get my keys," malamig na sabi ni Ulrich.

He didn't wait for my response. He just went directly inside.

I was left alone. Sobrang daming katanungang ang gumugulo sa isipan ko. Wala ni isa man lang sa inaasahan ko ang nagkatotoo. I was hoping that this night would be peaceful but... it turned out to be peacefully bizarre.

Pagkabalik ni Ulrich ay agad niya akong inaya sa parking lot. Nasalikod niya lang ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali na dahilan para magkaganito siya.

Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. Bago ko pa 'yon mabuksan ay agad niyang hinarang ang kanyang braso. Umangat ang tingin ko sa kanya.

"What is it, Rik?" I asked him.

"What if Amanda told you to stay away from me?"

Lumunok ako. I knew it.

"I'm just trying to avoid things that will make her feel jealous, Ulrich." Suminghap ako. Sumakit bigla ang ulo ko. "Ayoko na nang gulo."

"Like... what, Riza?"

"Being with you all the time," I said, directly. "You heard me, right? Ikaw ang maghahatid sa akin pero sinabi ko na lang na si Roland para sa ikatatahimik niya."

"So... you are always going to deny me?" may bahid ng pait ang kanyang boses.

"Rik... I want to go home."

"Would you deny to her that I have a crush on you?"

"Rik..."

"That I kissed you?"

Hindi na ako nakasagot.

"That... I hope I can always be with you?"

"Yes!" Lumunok ako. "Kung 'yon ang mas makabubuti sa atin, oo, Rik. I will!"

"Speak for yourself, Rizaline. Sa 'yo lang naman 'yan makabubuti."

Binuksan niya na ang pinto ng sasakyan. Yumuko siya roon at kinuha ang bulaklak na alam kong binili niya kay Roland. Hinarap niya ako.

"This is really for you, Silly Girl."

"Alam ko..."

"Oh, whoa. Calm down, Miss. Can you just pretend that you have no idea for once?" Humalakhak siya.

I accepted the flower. Inamoy ko 'yon. Hindi man talaga para sa akin ang bulaklak na ito una pa lang ay may kiliti pa ring dulot nang mapunta sa akin.

This is the first time someone gave me a flower.

"Get in my car now, Silly Girl," utos ni Ulrich.

"Finally..." I sighed.

Pagkapasok ko ay umikot siya sa kabila. Tahimik lang kami sa biyahe. Nasa hita ko ang bulaklak. Nakatingin lang ako sa bintana sa gilid ko. Maya't maya ang pagsinghap ko.

"They are back again," Ulrich broke the silence.

Umayos ako ng upo. Sinandal ko ang likod ko saka pinikit ang mga mata.

"Maybe they really love each other," bulong ni Ulrich.

Tumawa ako. "Whatever it is, it is not right. Love? Then, fuck love!"

"So... tuloy pa rin tayo?"

"We won't stop trying, Ulrich..."

Hindi na kami nagsalita matapos no'n. Sinadya kong hindi mismo sa tapat ng bahay ipahinto ang sasakyan. Ilang bahay na lang din naman ang pagitan.

Suminghap ako. "Thank you, Rik. Sorry kanina..."

I feel bad that I have to deny him everytime Amanda asks me about him. Kung sanang may dahilan lang para hindi ako matakot sa babaeng 'yon. Kung kaya ko lang siyang tapatan.

"If Amanda would ask me if I already kissed you, I would answer twice—"

"Whatever you say, Rik." I chuckled.

"Wait!" Kinuha niya sa backseat ang tupperware. "Narinig kong gusto mong mag-uwi ng pagkain."

"Geez. Thanks..."

"Send my regards to our Silly..."

Pagkalabas ko ng sasakyan niya ay naglakad ako agad papasok sa bahay. Naabutan kong palabas ng kusina si Ate Sarah. Nagulat ito sa biglaan kong pagdating. Mabilis niyang binaba ang cell phone mula sa kanyang tainga. Napansin kong nanginig pa ang kanyang kamay.

Kaya naman pala hindi na lumabas ng bahay si Mr. Delgado, busy na pala siya kay Ate Sarah. They are really back huh? So... sayang din lahat ng paghihirapan namin ni Ulrich?

"Oh, akala ko ay gagabihin ka nang husto." Kabadong tumawa si Ate Sarah.

Here we go again. Pretend.

"Oo, Ate Sarah..." I said with my feeble voice.

"I missed you—" I stepped back when she was about to hug me.

Her expression turned confused... and hurt.

"I-I'm just tired, Ate. Sorry..."

Dumiretso ako sa kusina saka pinasok sa ref ang tupperware. Balak ko na sanang lumabas para pumasok sa kwarto nung humarang si Ate Sarah sa daan ko.

Shit. Not now, Ate.

"May problema ba, Riza?" kalmado ngunit may bahid ng pag-aalala na tanong nito. "Napansin ko kasi lately... hindi ka na gano'n magkwento sa akin."

"Wala naman akong ikukwento, Ate Sarah. Ikaw ba?"

"Riza..."

"Matutulog na ako. I'm really tired."

Napansin kong nakatingin siya sa bulaklak na hawak ko.

Something suddenly came to my mind. I know that secretly sabotaging her relationship with someone is a wicked thing to do, but if she really loves me— she will stop whatever they have.

I feel like whatever we do, they always find their ways to each other. Ilang beses na naming tinangkang siraan sila, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.

Inamoy ko ang mga bulaklak.

"Ang bango, Ate..."

"Red roses?" nagtataka si Ate Sarah.

I chuckled.

"Did I forget to tell you, Ate?"

"What?"

"Nililigawan ako ni Ulrich."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro