Chapter 23
Chapter 23: Officially
Ulrich called me but I refused to turn back.
I'm starting to hate it. I hate how he does things like it's nothing to him— how his words come out of his lips like he doesn't mean them— like everything he does is just for fun.
Sana ay gano'n na lang din sa akin. Gustuhin ko mang ipagsawalang bahala ang kiliting dulot ng kanyang kaunting galaw at tipid na mga salita ay hindi ko magawa.
It's moving me and I don't like it.
He was quick to block my way. Huminga siya nang malalim. Hindi hamak na mas seryoso na siya ngayon.
"Are you mad?" tanong niya.
Does it matter?
"I took a shot, Mr. President," I confessed that I gulped a cup of alcohol.
He slid his hands inside the pocket of his pants. Marahan siyang tumango.
"What about it?" he asked.
"You know it..." bumaba ang boses ko.
"Hmm. No?" he said, unsure.
Dumiin ang tingin ko sa kanya. Really?
"Ano ba ang parusa sa mga nahulihang uminom ng alak?" tanong ko sa panunuyang tono. "Guidance? Community Service? Suspension?"
"Who's going to punish you if ever?"
My lips trembled. Shit!
"I will do it, then." I forced a smile.
"Really?" Tumaas ang mga kilay niya. "Ngayon pa bang malapit na ang finals? Gusto mo pang magkaroon ng problema ngayong malapit ka nang grumaduate?"
Natikom ang bibig ko. Ganito ba talaga siya makipag kaibigan?
"Vice Hailey is roaming around the campus," he said, casually. "If you don't want to get caught, you will follow me. I am going somewhere."
Saka na siya tumaliko at naglakad sa ibang direksyon. Hindi 'yon pabalik sa open field.
"I don't care anymore!" I screamed at him.
"What the—" Nakakunot ang noo niyang humarap sa akin. "Ano ba talaga, Riza? You told me that you can take care of yourself. Now, you don't care anymore?"
Hindi na naman ako nakasagot.
"Ano ba talaga ang problema mo, Riza?"
"Wala. Babalik na ako."
"Okay..." Nagkibit-balikat siya. "I will only buy three coffee drinks. One for Roland, one for Arthur and, one for Jessie. Wait. Uminom din ba sina Camila at PJ?"
Dumilim ang tingin ko sa kanya.
"Hindi—"
"Then, three. Fine. Bahala kang mahuli mag-isa."
My lips slightly parted. Nakakawala ba ng amoy alak ang kape? Kaya ba niya sila bibilhan para kapag nahuli sila ay hindi amoy alak ang bibig?
I gritted my teeth.
Umirap ako at sumunod sa kanya.
Pumantay ako sa paglalakad niya.
Tumagilid ang ulo ni Ulrich sa ibang direksyon. Napansin kong natatawa na naman ito.
"Tinatawanan mo ba ako?" tanong ko.
He turned to me. "I'm sorry?"
"Wala."
"Bakit ka nga pala nakasunod sa akin?" patay-malisyang tanong niya.
"Wala," pag-ulit ko sa sagot ko.
"Oh. Okay..."
Tahimik lang kaming naglalakad. Papuntang coffee shop ang tinatahak namin. Mabuti na lang ay nagdala ako ng pera ngayon. Nakakahiya naman matapos ng nangyari ay sa kanya pa ako hihingi ng pera.
"Fuck it. Art."
Narinig kong nagmura si Ulrich.
"What? Is it frustrating that you need to bend your own rules just to save your friends?" It's my turn to tease him. I even chuckled just to annoy him even more.
He didn't respond.
I smirked. "Hays. Magandang news headline 'to, 'no? Breaking News: Ulrich Damian Delgado, The Campus Crush and SSG President helps his friends to escape the punishment from breaking the rules."
"Nah. Ang pangit ng sentence construction mo—"
"Paki mo?"
Tumikhim siya.
"It should be..." He looked at me. "Ulrich Damian Delgado, who never exempts anyone from their offenses— even his best of friends— confirms he exempts his crush from an alleged offense."
Putangina naman, Ulrich!
He, then, fucking smiled.
"Ganito pala magka-crush 'no, Riza. You will do anything just to impress her."
Gusto kong umiyak habang minumura-mura ang lalaking 'to.
"Nice joke." Saka ko na binilisan ang paglalakad.
Nauna akong nakapasok sa coffee shop pero mas naunang pumila si Ulrich. Halos hindi ko na makita ang harap dahil sa sobrang tangkad niya.
I just crossed my arms on my chest while patiently waiting.
Syempre unang um-order si Ulrich. Mabilis ang service dito kaya hindi na kailangang maghintay for your order, you will get it the moment you ask for it.
Bitbit ang mga kape ay umalis na sa pila si Ulrich. Hindi ko na siya sinundan pa ng tingin.
I ordered myself a coffee. Napansin kong malawak ang ngiti ng babaeng nasa cashier. Tinatanong niya ang order ko pero sa ibang direksyon nakatingin.
My curiosity made me look in that direction, too.
Ah! Of course, Ulrich. Damn. Nakakalimutan ko na kung gaano kabaliw ang mga babae sa kanya.
Tumikhim ako habang naglalahad ng pera pambayad.
"Bayad na po, Miss," sabi sa 'kin nung babae.
My brows furrowed. Bumaling ako kay Ulrich. Umiinom siya ng kape habang nakatingin din sa akin. Tumaas ang mga kilay niya bago ngumiti.
Geez.
Nung makuha ang kape ay umalis na rin ako sa pila. Inunahan ko na si Ulrich sa exit. Agad naman itong nakahabol sa akin kahit na mabilis ang hakbang ko... malaki naman ang hakbang niya!
"How much?" I asked.
"Kailan pa kita siningil sa bawat perang ginastos ko para sa 'yo?"
"I never told you—"
"That's an obligation, Rizzie. I am obliged to treat my crush."
Sumimangot na lang ako. Uminom ako sa kape at ang tanga ko sa parteng 'yon. Mainit ang kape kaya napaso ang dila ko. Natuluan ang damit ko.
Napamura ako.
"Mine..." Kinuha ni Ulrich sa akin ang kape ko. Hinarap niya ako sa kanya. Nilabas niya ang kanyang panyo sa bulsa saka pinunasan ang kamay ko at gilid ng labi. "Para kang bata, Riza. Ang gaslaw mong kumilos."
Hinayaan ko na lang siyang punasan ako. Nung matapos sa akin ay ang cup naman ng coffee ko ang pinunasan niya. Saka niya binalot 'yon ng panyo.
"Be careful this time..." Saka niya binalik sa akin ang kape ko na nakabalot ng panyo para hindi ako mapaso kung sakaling maalog uli.
I gulped. "T-thanks..."
He just smiled and shrugged his shoulders.
I was smiling the whole way back to the open field.
Pagkabalik namin ay nakabalik na rin sina Cams at PJ. Mukhang nagkaayos na rin ang dalawa, nakaakbay na uli si PJ sa kaibigan ko, eh.
"Papi!" Lumapit agad si Art kay Ulrich. "Sorry naman, bro. Nadala lang ako ng bugso ng damdamin. Isang bote lang naman 'yon, eh."
Dama ko talaga na kinakabahan si Art.
"Tinuloy mo pa rin pala talaga, Art? Gago ka talaga!" singhal din ni PJ.
Napatingin ako kay Cams na nakatingin din sa akin. Ngumiti ito bago inalis ang pagkakaakbay sa kanya ni PJ. Lumapit siya sa akin at kinawit ang braso sa braso ko.
"Where have you been?" kinikilig na tanong nito.
"Uhm. Coffee shop?" sagot ko.
"Coffee date with Ulrich?"
"Tanga. Hindi ah!"
Humagikgik ito.
I saw Ulrich frustratedly distributed the coffee to Art and Roland. Umalis na raw si Jessie kaya kinuha na lang ni PJ ang dapat na kape nito.
"Thank you, Riza!" ani Art.
"What?" tanong ko.
Siniko naman siya ni PJ. Tumikhim si Art at ngumiti na lang sa akin.
"Kasi kasama ka namin, Riza," sagot ni Roland.
"Kasama?" naguguluhan pa rin ako.
"Rol!" Pinanlakihan siya ng mga mata ni Art. "Kung ayaw mong maparusahan dahil uminom ng alak, titikom mo ang bibig mo kahit ngayon lang."
Roland chuckled. "Okay..."
Matapos naming magkape ay muli kaming humalo sa karamihan ng mga tao. Magkasama na sina PJ at Cams. Magkatabi rin kami ni Ulrich.
I was enjoying jamming with the band when a tall man blocked my view. Panandaliang naputol ang pagkanta ko. Hinawakan ni Ulrich ang balikat nung lalaki. Napatingin sa akin ang matangkad na lalaki.
"Sorry..." Saka siya gumilid.
Napatingin ako kay Ulrich. Diretso lang ang tingin niya sa bandang tumutugtog. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at sumandal ako sa kanya.
Gumapang sa balikat ko ang braso ni Ulrich. Inakbayan niya ako.
Nahuli 'yon ni Camila. Tumili ito nang malakas kaya tinanong siya ni PJ kung bakit. Umiling lang si Camila bago pinagpatuloy ang pagtili habang nakatingin sa bandang tumutugtog... kahit na alam kong kami ang dahilan kung bakit tumitili pa rin ito.
Crush ko na nga talaga si Ulrich...
I've had a blast night. Hinila ako ni Camila kaya kami na ang magkatabi buong gabi. Sabay kaming sasayaw, kakanta at iiyak dahil sobrang emotional ng pinapatugtog.
Despite a wholesome but tiring night, I woke up early. Today is Saturday. The Foundation Week is finally done. That means... my position in the SSG Office has ended, too.
Pero isa pa rin ako sa dahilan kung bakit successful ang Foundation Week. That means... I'm still invited for dinner later at Delgado's.
Maghapon kong inisip 'yon. Pilit kong pinapasok sa kukote ko na kakain lang ako roon at hindi magsasalita kung hindi kinakailangan. I need to be as invisible as possible.
Despite of my hatred towards Mr. Delgado, he's still one of the foundations of Riverside University. Hindi ako dapat magpadalos-dalos.
Saka... hindi ko pa pala 'to nasasabi kay Ate Sarah.
Pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto. Naabutan ko siya sa kama, sa harapan ng kanyang latop, pero sa kanyang cell phone ang focus nito.
"Ate..."
"Hmm?" She put down her phone. Ngumiti siya sa akin. "Come here, baby sis."
Umupo ako sa tabi niya. Sumandal ako sa kanya habang pinaglalaruan niya ang buhok ko. Naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa ulo.
"How's your week, Riza?"
"Fun..." I smiled.
"I see it." Marahan siyang tumawa.
"How about you, Ate?"
"Nothing much. Busy sa school..."
Tumango naman ako. I see it...
Umayos ako ng pagkakaupo. Pasimple kong tiningnan ang cell phone niya ngunit naka-off ang screen nito. Umangat ang tingin ko kay Ate Sarah.
"Aalis pala ako mamayang dinner, Ate..."
"Hindi ka rito kakain?"
Umiling ako. "The Foundation Week is successful..."
"Oh. Celebration?"
I nodded. "At Delgado's. He invited us for dinner."
Inaasahan kong kahit papaano ay magugulat siya pero tumango lang ito sa akin.
"I-I'm kind of nervous, Ate Sarah..."
"Bakit naman?"
"Is he intimidating?" I asked.
"Not at all..."
Natigilan si Ate Sarah sa sagot niya.
"Really?" tanong ko pa.
"He seems nice," sagot ni Ate Sarah. "Pero syempre, estudyante kayo. Normal lang na ma-intimidate kayo sa kanya. Just act naturally. Be casual, Riza."
So... kapag sa teacher ay hindi intimidating ang dating niya? O sa 'yo lang?
I smiled. "I have a lot of questions for him..."
"What do you mean?"
Finally, I broke the wall where all her worries were hiding.
"Business? He's a businessman, right?" kaswal kong tanong.
"Y-yeah? I guess?" She shrugged his shoulders. "I don't know much about him. Just be careful with your words, Riza. Okay? Respeto pa rin ang dapat na pinapakita natin..."
"Kahit na hindi karesperespeto 'yung tao?"
Oh, shit!
"I mean... hindi ba nababalitang playboy si Mr. Delgado?" mabilis kong paglilinaw.
"Just respect him as a person, Riza. Just because a person is not a good man doesn't mean you will trash him at any given chance. Do you understand me?"
I nodded. "Oo, Ate..."
Hinaplos niya ang pisngi ko.
"I am proud of you, always, Riza..."
Nanatili pa ako sa kwarto niya. Hinintay kong buksan niya ang topic tungkol sa birthday ko pero wala. Nakalimutan ba niya? O wala lang talaga siyang plano?
Siya lagi ang nauunang nakakaalala sa birthday ko.
Never mind. May ipon naman ako. Kaya kong pakainin ang mga kaibigan ko.
I still stayed for a couple of minutes. We have talked about everything except my birthday.
Bagsak ang pakiramdam ko nung pumasok ako sa kwarto ko. Si Silly ang agad kong kinausap. May pagkain na naman ito. Lagi rin siyang binibisita ni Ate Sarah para siguraduhing may tubig at pagkain.
"Hey, Silly. Ang bait ni Ate Sarah, 'no?" tanong ko.
Nakahiga ako sa kama habang si Silly naman ay pinaglalaruan ko sa dibdib ko. Napangiti ako nung humiga siya at nakatulog na doon.
"Silly... malapit na ang birthday ko..." bulong ko.
Suminghap ako at agad na pinunasan ang luha.
"Siguro ay hindi ko na hihintaying maalala ni Ate Sarah." Pumait ang ngiti ko. "Sasabihin ko na lang sa kanya. Baka sobrang busy lang talaga niya..."
Alas sais pa lang ay nakaayos na ako. Nakasimpleng blouse at jeans na lang ako. Sa bahay lang naman 'yon kaya malamang na dapat pambahay lang ang suotin.
Saka ko lang napagtanto na hindi ko pala alam kung saan ang bahay nila Ulrich. Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako kay Camila.
My phone vibrated.
Ulrich: Rol will pick you up.
Oh. Buti na lang...
Naghintay na lang ako sa sofa. Si Ate Sarah ay nasa kwarto pa rin. Hindi katulad ng madalas ay nakakandado ngayon ang pintuan niya.
Gusto kong magpaalam na aalis na ako pero hindi ko na magawa.
Really? Ayaw niya talaga ng istorbo?
After ten minutes of waiting, narinig kong may bumusina sa labas. Dali-dali akong tumayo at nilabas ito. Nakangiting pinagbuksan ni Rol ang pinto ng sasakyan.
"Thank you, Rol."
Tahimik lang kami sa byahe.
Dapat ay kinakabahan ako gaya ng nararamdaman ko kanina, pero naglaho rin agad 'yon. Napalitan na naman ito ng galit... na alam kong hindi tama.
This anger might ruin something that I will regret after!
"Gwapo na ba ako, Riza?"
Napalingon ako kay Roland. Pinansin ko ang ayos niya.
"Oh. Vice Hailey!" natawa ako nang maalala na nililigawan pala niya ito. "Uhmm. Yes. Gwapo ka naman, Rol. Kahit na minsan mo na akong nilaglag..."
"I will ask her to be my girlfriend tonight..."
Nanlaki ang mga mata. "Bro... goodluck!"
Nakakagulat naman ang lalaking 'to. Parang biro lang sa kanya ang pag-amin.
I expected the house to be huge but it still exceeded my expectations. Sobrang lawak... at may parking lot. Habang naglalakad ay nadaanan din namin ang mga malalaking puno.
"Dito ka rin ba nakatira, Rol?" tanong ko.
"Minsan. Pero may condo unit ako..."
"Oh.. nice," I murmured.
Pumasok na kami sa loob. Palinga-linga ako habang pilit na tinatago ang pagkamangha. Everything here looked expensive. Modern ang interior design ng bahay na umiikot lang sa kulay na gray, black and white.
"Nasa dining hall na sila..." ani Rol.
Dumiretso kami sa dinig hall. Akala ko ay wala na talaga ang hiya ko... pero nung mapunta sa akin ang lahat ng atensyon ay nanginig ang mga binti ko. Agad kong hinanap si Ulrich pero wala siya. Wala rin si Mr. Delgado.
Yumuko ako bilang pagbati. Mabuti na lang ay kasama ko si Roland. Ginaya niya ako sa isang upuan, sa gitna nina Miss Hailey at Raechelle.
"Good evening, Hailey..." bati ni Rol.
Tumango lang si Hailey.
"Good evening, Vice Hailey..." bati ko rin.
"Good evening, Miss Chavez," she greeted me back.
Tumikhim ang isa pang babae sa gilid ko. Bumaling ako kay Raechelle. Bumati na rin ako sa kanya pero tipid na ngiti lang ang naisukli niya.
Wala akong makausap kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagpuna ng lugar na ito.
Sobrang laki ng dining hall nila. Pahaba ang lamesa na halos lahat ng pwesto ay okupado na. Hindi ko na nga mabilang kung ilan kami rito. Pero sa pagkakaalam ko ay may mga board members din na narito. May mga teachers din na familiar sa akin kaya bumati rin ako sa kanila.
Napatingin ako sa lalaking pumasok. It was Ulrich. Naka-dark gray shorts lang ito at plain amber t-shirt. Mukhang kalalabas lang nito sa shower room gawa ng basa niyang buhok.
He looked clean and neat as always.
"Congratulations, Ulrich!"
"You did well, President."
"Anak ka nga talaga ni Mr. Delgado!"
Samu't saring papuri ang natanggap ni Ulrich.
Suminghap ako nung lumapit ito sa pwesto ko. Tumukod siya sa likod ng upuan ko habang nakikipag-usap sa iba. Minsan nga ay natatamaan pa ako ng kamay niya.
He finally sat down across the table and in front of me. Katabi niya si Vincent at isa pang SSG Officer. Hindi niya ako nilingon o baka hindi niya lang talaga ako napansin sa dami namin.
Nilabas niya ang kanyang cell phone. Nag-type siya ro'n.
My phone vibrated.
Ulrich: Welcome home
Umangat ang tingin ko sa kanya. He was casually talking to a teacher. Hawak pa rin niya ang kanyang cell phone.
I replied back, "Where's the food?"
The moment I pressed the send button, I looked at him. Mula sa teacher ay bumagsak ang tingin niya sa kanyang cell phone. Nakita kong napangisi.
"We are just waiting for dad," he replied.
Mabilis na sinundan niya 'yon, "You hungry?"
"I want to go home," I said.
"Aight. Ako ang maghahatid sa 'yo," aniya.
"Nasabi ko na kay Rol. Siya ang maghahatid sa akin."
Narinig ko ang pag-ubo ni Ulrich.
"Choose. Ako ang maghahatid sa 'yo o dito ka matutulog?"
Napatikhim ako. What the fuck?
Narinig kong may nagtatawanan kaya napatingin ako sa mga parating. Everyone stood up to greet Mr. Delgado. Napilitan din akong tumayo kahit na tinatamad ako.
"Good evening, everyone! I'm happy to see you all here!" Mr. Delgado greeted everyone with so much joy.
Happy 'yan?
Magiliw na bumati rin sa kanya ang lahat. Nakayuko lang ako sa lamesa habang nag-uusap sila. Nakaramdam ako ng pangangawit kaya nauna na akong umupo. Sumunod si Ulrich.
"Good evening, Mr. Megardon..."
Doon nila nakuha ang buo kong atensyon. May isa pa palang kasamang lalaki si Mr. Delgado na halos kasing edad lang niya. Mabilis ko siyang nakilala. Chester's father.
Dumiretso na sa dulong upuan ang dalawang matanda.
I immediately texted Ulrich to confirm my thoughts. Pero hindi ko na pala 'yon kailangang gawin. Naunahan na ako ni Ulrich.
"Chester's father," he texted me.
Dumating na ang mga pagkain, ang pinakasadya ko rito. Ginawa ko na lang ang loob ko. Kumuha ako ng pagkain at kumain nang kumain. Napapatingin nga sa akin si Raechelle na tila nawe-weirduhan sa dami ng pagkain ko.
"Hindi ka naman mauubusan, Riza. Huwag patay-gutom," pabulong na sabi ni Raechelle.
"Pwede ba akong mag-take out?" tanong ko sa kanya.
She looked at me with full of disgust.
"Ang sarap ng mga pagkain dito," bulong ko sa kanya.
Naramdaman kong inusog niya ang upuan palayo sa akin.
"Where's the temporary secretary everyone is talking about? I've heard a lot about her." Mr. Delgado's voice snapped me back to reality.
Napatingin sa akin ang lahat.
Dumiretso ang tingin ko kay Ulrich. He just nodded.
I stood up. Humarap ako kay Mr. Delgado. He was calmly sipping on his wine.
"Oh, it's you..." ani Mr. Delgado. "You did a great job, Miss—"
"Chavez..." dugtong ko.
"Chavez..." Inulit ng lalaking katabi niya ang sinabi ko, si Mr. Megardon.
"I am Rizaline Chavez," I introduced my name.
"Congratulations, Miss Chavez..." Mr. Delgado smiled at me.
It was hard but I forced a smile... even though he didn't deserve it.
"Thank you, Mr. Delgado," I said.
"Oh. You are friends with my daughter, right?" biglang tanong ni Mr. Megardon. "Amanda?"
What?
Fucking no!
"They are not, Mr. Megardon," biglang sagot ni Raechelle. "In fact, Miss Chavez tried to harm—"
"Raechelle..." may pagbabanta sa boses ni Miss Hailey.
"Yes, we are, Mr. Megardon," I smiled.
Mr. Mergadon nodded. "I see..."
"By the way... nasabi na ba sa 'yo ni Ulrich?" biglang sabi ni Mr. Delgado.
About what?
Napatingin naman ako kay Ulrich.
"Hindi pa... dad," sagot nito.
"Oh... should I?" tanong ni Mr. Delgado.
"Okay..." Ulrich answered.
"You are officially taking the position as the SSG Secretary, Miss Chavez."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro