Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21

Chapter 21: Silly and Dummy

Ulrich willingly drove me home.

I just congratulated Jessie through a text message. Si Camila naman ay walang message sa akin kaya ako na ang naunang mag-text sa kanya. I also congratulated her for hosting the pageant successfully.

I had fun tonight, pero sumakit bigla ang ulo ko.

A date with Mr. Delgado? Really, Ate Sarah?

Naabutan ko sa sala si Ate Sarah. Nanunuod siya ng movie habang kumakain ng pop corn. Bumilog ang kanyang mga mata nang makita ako.

I should have greeted her like always. Pero hindi ako kumibo.

"Riza!" She stood up as soon as she noticed me. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mukha siyang gulat na gulat sa hitsura ko. "Oh, my God. You look so gorgeous!"

Lumunok ako. I need to play it cool... again.

"I really love this dress, Ate!"

Hindi man halata pero nanginig ang mga labi ko.

"Hindi mo naman sinabing balak mong suotin 'yan ngayon!" Nilapitan niya ako. Hinawakan niya ang mga balikat ko at inikot ako para mas matingnan niya ang bawat anggulo. "Damn. Rizza. You are... stunning."

Pilit na tumawa na lang ako.

Same, Ate Sarah. You are so gorgeous just to be a mistress!

Napansin kong nangingilid ang luha sa mga mata ni Ate Sarah. Nabahala ako.

"Why, Ate Sarah?"

She shook her head.

"You just remind me so much of our mother. You look... exactly like her." She gently caressed my cheeks. "I wish she could see you right now. You look... so happy, baby sis."

That's honestly right. Lately, I've been happy. There were times that I still felt worried about what's going on around but... I was also happy.

"I'm happy for you, Riza..." The sincerity in her eyes says it all.

Why is she so good at pretending?

I swallowed the lump in my throat. I should be happy for her, too. Dahil sa wakas ay parang hinahayaan niya na uli ang sarili niyang bumigay sa pag-ibig. Pero... hindi ko kaya.

I am not proud that my sister is in an illicit affair.

Matapos no'n ay pumasok na ako sa kwarto para magpalit ng damit. Napag-usapan namin ni Ulrich na magkikita sa malapit na coffee shop. We will talk about our plans for tomorrow.

Date huh?

I've never dated anyone before. But I don't see that as a problem. Hindi namang totoong date ang gagawin namin ni Ulrich. It's planned.

After changing my clothes, I stood in front of the mirror. I decided to wear my mustard shirt and denim shorts. Syempre, ang pabirito kong sandals. Ginamit ko ang sling shoulder bag ko.

"Oh? Aalis ka?" puna ni Ate nung pumasok siya sa kwarto ko para kunin ang dress na sinuot ko.

"Nag-aya lang si Cams, Ate," ngiti ko habang nagsusuklay.

She folded my brown dress and hang it on her arms. Hindi ko kasi alam kung paano labhan 'yung mga gano'ng dress at ayoko namang masira ko 'yon kaya siya lagi ang naglalaba nito.

"Wait. May pera ka pa ba—"

"Meron pa naman, Ate," putol ko sa kanya. "Libre kasi ang lunch ko kaya hindi ako gaanong gumastos. Perks of being the SSG Secretary."

Kinuha ko na ang cell phone ko na nakapatong sa nightstand. Nasulyapan kong may one text message na roon. Sigurado akong galing 'yon kay Ulrich.

"Sigurado ka? Baka naman ginugutom mo ang sarili mo—"

"Ateee. I'm fine." Sumimangot ako. "Ikaw nga diyan, eh. Mukhang puyat na puyat ka lagi sa trabaho."

Tumawa siya habang naiiling.

"It's nothing, Riza..."

I really hope it is...

Pagkalabas ni Ate Sarah ay binaba ko ang text message ni Ulrich. Naroon na raw siya sa coffee shop. Napag-usapan na rin namin kanina na hindi niya ako susunduin. Medyo malapit lang naman dito ang coffee shop. I just need to use my bike.

We need to keep this mission as secret as possible.

Nilabas ko mula sa garahe ang bike ko. It's still working fine kahit na matagaltagal na rin no'ng nilabas ko ito. I usually do this after school, noong mga nasa elementary pa ako.

I texted Ulrich. Sabi ko ay papunta na rin ako.

He replied immediately.

"TC."

Geez. Take care na lang hindi pa mabuo?

Nag-pedal ako sa gilid ng kalsada. Buti na lang may bike lanes dito kaya hindi delikado kahit na gabi. Though may mga naglalakad din pero tumatabi naman sila.

Nakangiti ako habang nagbibisikleta. Ginagamit ko rin ang bisikletang ito sa tuwing pinapagalitan ako ni Mama dati... kapag nagtatampo ako.

Oh... how I missed it.

Suminghap ako habang dinadama ang malamig na hangin na humahaplos sa aking pisngi. Bahagyang tinatangay ng hangin ang bagsak kong buhok.

After minutes of paddling, nakarating na ako sa coffee shop. Tinabi ko sa gilid ang bike ko. May lock naman ito sa gulong kaya hindi magagalaw.

Sinuklay ko ang buhok ko. I prepared to get in.

The warmth and coffee aroma welcomed me the moment I stepped my feet inside the coffee shop. The calm instrumental music complimented the serenity of the environment.

Hindi ako nahirapang hanapin si Ulrich. Nakaupo siya sa bandang dulo. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako napansin.

I walked towards him. He was wearing a grey tank top and black shorts. Nakayuko siya sa lamesa at parang may pinaglalaruan sa kanyang kamay.

"Hala! Daga?" gulat kong sabi.

Umangat sa akin ang tingin niya.

"Hamster..." aniya.

Halos pumuso ang mga mata ko nang makita ang cute na hayop. Dali-dali akong umupo at nilapitan ng tingin ang kanyang daga na hawak. Pinakain niya 'yon ng kulay itim na buto.

"Naglakad ka lang?" tanong ni Ulrich.

"Nag-bike," sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa daga niya.

"Really? While wearing shorts?"

"Alangan mag panty lang ako?"

"Oh, wow..." Pilit na tumawa siya.

I looked up at him. "Can I touch him?"

"Her..."

"Sige na!" pagpupumilit ko.

He looked at me with full of scrutiny. Parang tinitimbang pa niya kung karapat-dapat ba akong humawak sa daga niya. Kahit naman hindi siya pumayag ay hahawakan ko 'yon.

"Aight. Just don't squeeze her."

Malaki ang ngiti sa labi ko nang maingat na nilagay niya sa mga kamay ko ang daga. Kumuha ako ng mga buto at pinakain ito. Tuwang-tuwa ako. Sobrang lambot ng balahibo nito, parang ang sarap ipanghilod sa katawan.

"Order lang ako," dinig kong sabi ni Ulrich.

Naiwan ako sa table. Kinuha ko ang cell phone ko at kinunan ng picture ang dagang hawak. Hindi ko napigilan na pisilin ang kanyang malambot na balat.

"You are so cute..." I whispered to her.

I carefully put her on the table. Saka ako pumahalungbaba habang pinagmamasdan siyang tahimik na kumain. Buti pa 'tong daga na ito hindi makulit. Iyong mga daga sa bahay ay naghahabulan pa.

"What's your name?" I asked her.

"Silly..."

Umangat ang tingin ko kay Ulrich. Pinatong niya sa lamesa ang mga kape at cake na in-order. Kinuha ko si Silly dahil baka maipit o mabuhusan siya ng mainit na kape.

"Silly? She doesn't seem silly at all!" I protested.

How could he name such precious pet Silly?

"Like the owner..." Tumawa si Ulrich.

He sat on his seat. Ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ang kanyang katawan. Dahil naka tank top siya ay makikita ang kakisigan ng katawan niya.

"Gusto mo?" tanong ni Ulrich.

"W-what?"

"That's my gift for you," he said. "I think you have heard that the SSG Secretary is coming back soon. You have been a good assistant, Riza. I commend you for that."

Biglang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

"S-seryoso ka ba?" tanong ko.

Natigilan siya. "B-bakit ka naman umiiyak? Ayaw mo?"

Mabilis na umiling ako.

"Gusto ko, Rik. Gustong-gusto ko ang dagang ito."

"She's a hamster, Rizzie."

"Akin na talaga 'to?" paninigurado ko pa.

Kung nagbibiro siya ay talagang masasaktan ako. I think I fell in love with Silly the moment I saw her. May karton sa bahay na pinaglagyan ng grocery, roon ko siya ilalagay.

"I brought her cage. It's in my car," Ulrich mentioned.

I wiped the tears on my face. Lumunok ako bago tumango.

"Thank you, Rik..." I mumbled.

"Please, take care of her."

"I will!"

Hinayaan niya muna akong laruin si Silly dahil hindi ko ito matigilan. Sobrang distracted ko na kulang na lang ay makalimutan ko ang tunay naming pakay sa pagpunta rito.

"I know the place," ani Ulrich.

Humigop ako sa kape. Tahimik lang na kumakain ng buto si Silly. Paminsan-minsan ay magtatangka itong bumaba ng lamesa kaya nakaalalay ako.

"Magde-date tayo sa restaurant na pupuntahan nila," dagdag ni Ulrich. He ate a slice of cake and chewed it lightly. "That's not a real date, let's get that straight. Habang naroon tayo ay gagawin natin ang lahat para magkagulo sila."

"Like... how?" Kumain din ako ng cake.

Pakakainin ko sana ng cake si Silly pero nakita ko ang masamang tingin ni Ulrich. Nakangiting tumawa ako saka kinain na lang ang cake.

"You can call your sister in the middle of their conversation," saad ni Ulrich. Tumuwid siya ng pagkakaupo. "We will try to mess with their intimate conversations. Anything..."

I nodded. "Got it."

"But just because it's not our real date doesn't mean we will not... you know? Do the things a couple does during dates?" Nagkibit-balikat si Ulrich. "We will still act like couples. Just... not genuinely. It's all just for a show."

"Don't tell me you are expecting me to assume that I will think of it as a real date?" Nag-angat ako ng mga kilay. "Alam ko ang pinasukan ko, Rik. I know my limits..."

"Limits..." Ngumisi si Ulrich.

"No strings attached," I said while staring into his eyes.

Si Ulrich naman ang tumango. Ngumiti siya sa akin.

Kaunti lang ang pag-uusap namin tungkol sa date bukas dahil nilaro ko na uli si Silly. Though nagsasalita pa rin naman si Ulrich at nakikinig ako.

"Tomorrow will also the end of Foundation Week. Hindi tayo papasok nang umaga. Hapon na lang siguro. We must attend the closing party..."

"Okay..."

"And the day after tomorrow..."

Doon niya nakuha ang buo kong atensyon.

"Dinner with your father," I said.

"Yeah. Dad usually does this after a successful event. It's not surprising anymore." Pinatong niya ang mga nakasalikop na kamay sa ibabaw ng lamesa. "Hindi lang naman ikaw ang imbitado. The entire SSG Officers, including some of the teachers and board members."

Oh. Buti na lang. The more, the better. Gusto kong um-attend nang hindi napapansin. I don't want to interact with him as much as possible. Hindi ko alam kung paano. Ayoko namang magkalat doon.

After we finished our food, dinala ako ni Ulrich sa parking lot. Binuksan niya ang trunk ng kanyang sasakyan at inilabas ang kulungan ni Silly.

"Can I drive you home?" he asked.

Umiling ako. Pinasok ko sa loob ng cage si Silly. May mga laruan siya sa loob. Kung gaano ito kaamo sa labas ng kulungan, gano'n naman siya kalikot sa loob.

"See you tomorrow?" I said.

Ulrich stared at me. Kumislap ang ilaw ng mga lamp post sa kanyang mga mata. Malakas ang hangin dito kaya bahagyang gumalaw ang kanyang buhok.

"Hindi ka ba giniginaw?" tanong ko dahil sa suot niya.

Umiling siya. "Nope..."

Tumikhim ako. Naiilang ako sa sobrang pagtitig nito.

"Nauna ko nang sinabi sa 'yo na lahat ng ginagawa natin ay planado, hindi ba?" tanong niya kaya tumango ako. "But I don't want our friendships to end after this..."

Natulala ako sa kanyang mga mata.

"We will still be friends after this, Riza..."

I smiled.

"Sure... Rik."

Matapos no'n ay umuwi na rin ako agad. Medyo nahirapan ako sa pag-pedal dahil hawak ko pa ang kulungan ni Silly. Tinanong ni Ate Sarah kung saan ko galing ang alaga. Sinabi ko na lang na binili ko.

Pinatong ko sa nightstand ang kulungan ni Silly. Saka ako umupo sa kama at pinagmasdan lang siya. Parang napagod siya sa katatakbo kaya pumirmi siya sa isang pwesto.

My phone vibrated. One message from Ulrich.

"Good night, Rizzie. Silly."

I replied, "Good night, Rik."

Nagpalit ako ng pantulog. Patulog na rin sana ako nung biglang tumawag si Cams.

"Rizzieee!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses nito.

"Marunong ka bang magluto?" tanong niya.

"Huh? Bakit?"

"Tanga. Oo o hindi lang ang sagot mo!"

"Hindi!"

Tumayo ako para lapitan si Silly. Sobrang tahimik niya. Kinabahan ako kaya niyugyog ko ang kulungan niya. Nakahinga ako nang maluwag nung gumalaw ito.

"Si Mommy ni Jessie marunong magluto," banggit ko. "Bakit ba?"

"Wala lang. Gusto ko lang sanang magluto..."

Ngumiwi ako. "Ipagluluto mo si PJ kamo?"

"Hindiii!"

"Sus." I rolled my eyes. Bumalik ako sa kama at sumandal sa ulunan. "Marami namang tutorials sa Youtube, bakit hindi mo i-try roon?"

"Geez. Magpapatulong na lang ako kay Tita Krisanda," tukoy niya sa Mommy ni Jessie.

"Huh. Now you want to learn how to cook," pang-aasar ko sa kanya. "What's next? Maglaba? Maglinis ng bahay? Magpalit ng diaper ng bata—"

"Gago ka talaga, Rizzie." Humalakhak siya. "Oo na. Gusto ko lang ipagluto si PJ. Ano naman ang masama roon? Bibigyan ko rin naman kayo!"

"Oh? Wala naman akong sinasabi ah? Defensive much?"

"Shut up!"

I smirked. "Oo nga pala. Baka hapon na ako makapasok bukas. May lakad kami ni Ate Sarah..."

"Oh? Saan naman?"

"Saan kayo pumunta kanina ni PJ?"

"H-ha? Wala ka na roon!"

"So, wala ka nang pake kung saan kami pupunta ni Ate Sarah!"

"Hays. Whatever, Rizzie."

Nagkulitan pa kami nang kaunti bago namatay ang cell phone ko. Lowbat na pala. Doon ko na rin napagpasyahan na matulog na. Nagising ako nung may bumubusinang sasakyan sa labas.

Nakasimangot na bumangon ako. Tangina naman. Sino ba kasi 'yon?

Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Sumilip ako sa bintana.

Nakita kong nakatayo sa harapan ng bahay si Ulrich. Nakasimangot siya habang madiin ang pagpindot sa kanyang cell phone.

Nanlaki ang mga mata ko. Holy... shit.

Hindi ko pala na-turn on ang cell phone ko nung ma-lowbat kagabi! Hindi rin tuloy ako nagising sa alarm clock ko. At kaya mas lalong hindi ko nasagot ang mga tawag ni Ulrich.

Nahuli kong nakatingin sa akin si Ulrich mula sa labas. Huli na para ibaba ko ang kurtina ng bintana namin.

I bit my bottom lip. Damn.

Suminghap ako. Sinubukan kong magkunwaring matamlay nung lumabas ako ng bahay. Nakayuko kong binuksan ang gate namin para makapasok si Ulrich. Bihis na bihis na ito.

"Really, Riza?"

"S-sorry, Rik." Suminghap ako. "I'm just—"

"Magbihis ka na. Bilisan mo lang. Papunta na roon sina Daddy at Ate Sarah mo..."

I guess I didn't need to act sick after all?

Pinapasok ko sa loob ng bahay si Ulrich. Buti na lang hindi umaalis ng bahay si Ate Sarah nang hindi naglilinis. Kaya maayos 'yon na dinatnan ni Ulrich.

Pinaupo ko siya sa sofa. I offered him drinks pero umayaw siya.

Pumasok ako sa kwarto ko. Pinakain ko muna si Silly at nilagyan din ng tubig. Saka ako kumuha ng damit at dali-dali pumasok sa CR para maligo.

Though we are late, I still took my time to bathe and dress up. Late na nga kami tapos gusgusin pa rin ang ayos ko? Just... no way. Mukha namang hindi galit si Ulrich. Medyo iritado lang.

Napagdesisyonan ko na rin kahapon kung ano ang isusuot ko. It's still a date, just for a show, but still a date. So... I wore my white polka dot dress, paired with my peep-toe heeled sandals. I was blessed with straight hair but I like it wavy sometimes and so I did it.

I twirled in front of the mirror. Oh. God. I love this dress, too!

Nung makuntento ay nilabas ko na si Ulrich. Naabutan ko siyang nakasandal sa sofa, nakatingala at nakapikit. Malawak ang pagitan ng kanyang mga hita.

Oh. Halos terno pala kami ng suot. He was wearing a white shirt tucked into his denim pants kaya kitang-kita ang belt niyang may tatak na LV. Pinatungan niya ng grey na blazer ang pang-itaas.

"Are you done?" he asked without opening his eyes.

"Yeah. Tara na?"

Tumingin siya sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan.

I know I look good in this dress but I still felt uncomfortable. Parang sinusuri niya ang suot ko. Hindi ba 'to pasok sa panlasa niya? Dahil ba hindi branded ang mga gamit ko?

"Nice. Hindi tayo mabubuking nito..." May halong panunuya sa boses niya. "Don't you have any hats? Shades? Or anything na pwedeng pangtakip sa ibang parte ng mukha mo?"

Nakangiwing umiling ako.

Tumayo na siya. Nag-stretch siya ng katawan.

"We can't go there like this," sabi niya bago lumabas.

Sumunod naman ako sa kanya. Pagkapasok ko sa sasakyan ay agad niya itong minaneho. Tumingin ako sa rear view mirror. Inayos ko ang buhok ko.

"Hala. Walang kasama si Silly!" bulalas ko.

"Iniwanan mo ba ng tubig at pagkain?"

"Yeah—"

"She's gonna be just fine. Uuwi ka rin naman mamaya..."

Sumimangot ako. "Baka matakot siya..."

"Mas matakot ka kapag nagkaayos sina Daddy at Ate Sarah mo." Ngayon ay naramdaman ko na talaga ang pagkairitado niya. "Ngayon ka pa talaga na-late huh?"

"Dead battery ang cell phone ko."

"Oh, sorry. My bad," panunuya nito.

Hindi na lang ako kumibo. Naiintindihan ko naman kung bakit siya naiinis eh. Maging ako rin naman siguro magagalit kapag nakaayos na ako tapos siya humihilik pa rin.

Dumaan kami sandali sa mall. Binilhan niya ako ng grey stylish hat. May ribbon pa 'yon na polka dot gaya ng dress ko. He even added shades on my cart. Bumili rin naman siya ng cap niya at shades.

Aakuin ko sana ang pagbayad ng akin pero nung makita ko ang total price ay agad akong tumalikod at naglakad palayo. Really? These things cost that much?

After thirty minutes of preparation, we are finally set.

We drove to the restaurant. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pilit na pinipigilan ang pagtawa. Maya't maya ang pagtikhim ko.

"Stop making fun of me, Rizza!"

I turned to him. "What? Wala naman akong sinasabi ah?"

"Just... stop. I need this mustache."

I bit my bottom lip. Tumikhim ako.

Hindi na lang ako tumingin pa sa kanya. Bagay naman sa kanya ang pekeng bigote. Natatawa lang ako kasi hindi ako sanay na gano'n ang hitsura niya.

We have finally arrived at the restaurant. Oh, God. Mukhang sosyalin na naman ito. Kumawit ako sa braso ni Ulrich. Napaigtad pa ito sa ginawa ko pero hindi siya nagpumiglas.

"Table for two, please? Thank you," magalang na sabi ni Ulrich sa waiter na nakaabang.

Habang naglalakad ay pasimple kong ginala ang tingin ko sa paligid. Tila nalusaw ang confidence ko sa katawan nung makita sina Ate Sarah at Mr. Delgado. They seemed in the middle of intimate conversation.

"Aray!" angal ko nung mabangga ako sa table. "Tangina naman, Rik. Ibangga mo na lang kaya ako sa pader?"

Ulrich cleared his throat. "I'm sorry, Silly."

Silly? Did he just name me after my pet?

I sighed then, smiled. "Just kidding, Dum. I'm fine."

"Dum?"

Nakasuot ang shades niya pero nakita kong umangat ang kanyang mga kilay.

I chuckled. Nilapit ko sa kanyang tainga ang bibig ko.

"Dummy..." I whispered.

Tumawa siya saka inipit ang braso kong nakakapit sa kanya.

Pagkarating namin sa table ay agad kaming inabutan ng menu book. Busy ako sa pagbabasa ng mga pagkain doon at pasimple ring minumura kung gaano kahirap bigkasin ang mga 'yon.

Inayos ko ang hat at shades ko, baka kasi nawala na 'yung hat ko o 'di kaya'y hindi ko na pala suot ang shades ko. I want this mission to be successful. Kung totoo mang nagkakalabuan na sina Ate Sarah at Mr. Delgado... mas palalabuin pa namin ito.

"He kissed her hand..." Ulrich reported. Nakatakip sa kanyang mukha ang menu book pero nakasilip ang kanyang mga matang natatakpan ng shades.

Nakatalikod ako kina Ate Sarah kaya aktong haharap ako nung pigilan ako ni Ulrich.

"Huwag ka na lang lumingon, Riza..." pagbabawal niya.

"Fine..."

"Let's play it cool," ani Ulrich.

Nag-order na si Ulrich. Pinadoble ko na lang kung ano man 'yon. Hindi ko kasi alam kung paano bigkasin. Nakakahiya naman kung turo ako nang turo sa menu book.

"So..." Umayos ng pagkakaupo si Ulrich. "What can you say about this place?"

"Huh? We are just here because of our worries, Ulrich," I cleared that part.

"I know. Naglalaro lang tayo rito. Pero tingin mo ba biro lang ang ginastos ko rito?" Tumikhim si Ulrich. Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa table. "Let's enjoy our date."

Is this part of the play?

I held his hand back. Hinaplos ko ang mga 'yon.

"I really appreciate it, Dum. Thank you..."

"All for you, My Silly Lady."

Tumawa ako bago pabirong hinampas ang kanyang kamay pero diniinan ko 'yon. Napangiwi ang labi ni Ulrich at mabilis na binawi ang mga kamay.

I looked up at the chandeliers hanging on the high ceiling. Everything here looked luxurious. The chairs, the marble floor, the walls, the foods, the people, the background music... everything.

"What are they doing?" I asked.

"Just talking," sabi naman ni Ulrich. "Your sister..."

"What?"

Lumunok si Ulrich.

"She's crying..."

Napalunok din ako.

"Riza..." Hinawakan ni Ulrich ang kamay ko. "Take it easy. Mukhang hindi naman nasasaktan ang kapatid mo. She just looked... overwhelmed. It's nothing..."

"Nothing? She's crying!"

"Fuck. Lower your voice..."

Hinila niya ang kanyang upuan palapit sa akin. Saka niya ako hinarap sa kanya. He stretched his lips into a smile as if he's lowkey giving me the assurance that I have nothing to worry about.

"Calm down, Riza."

I sighed. "I'm good, Rik."

"Promise, Riza. It will be worth it in the end." He pressed the palms of my hands.

That... gave me a strange comfort. Strange. Maybe because I didn't expect I would feel that way with him. We didn't start out in a decent way. But I am feeling good with him now.

I strained my lips into a smile.

Dumating na ang mga order namin kaya roon na-focus ang atensyon namin. Pero... nawalan na ako ng ganang kumain. Masarap ang mga pagkain pero... wala talaga.

Napansin 'yon ni Ulrich. Bumuntonghininga ito.

"Gusto mo pa bang ituloy ito?" tanong niya.

Napatitig ako sa kanya.

"I won't force you if you can't, Riza."

I shook my head. "I'm fine, Rik. Don't mind me..."

"Don't mind you? How?" nairita ang kanyang boses. "You are hurting, Riza."

Lumunok ako. "Dati pa... nung nalaman ko ang tungkol sa bagay na 'to."

"My mom is determined to file a divorce for my dad. If my hunch is right, then they are just waiting for that moment. They will legalize their relationship after that."

Sa sandaling marinig ko ang mga 'yon ay tila umapaw ang inis sa akin. Kumuyom ang kamao ko.

"That... won't happen," I said.

I still don't want my sister to have a relationship with that man. Kung nagawa niya ito sa kanyang asawa, ano ang dahilan kung bakit hindi niya ito gagawin kay Ate Sarah? Love? Fuck love!

Ulrich took off his shades. "What are you going to do?"

I smirked. "Put your shades on, Ulrich."

Naguguluhan man pero ginawa niya ang gusto ko.

"Restroom lang ako." Tumayo ako para lapitan ang isang waiter. Tinanong ko kung saan ang restroom nila. Dalawa ang tinuro niya, isa malapit sa amin at isa sa direksyon nila Ate Sarah.

I chose the latter one.

Inayos ko ang hat at shades ko. Taas-noo akong naglakad sa direksyon nina Ate Sarah at Mr. Delgado. Unlike the first time I came here, I didn't hesitate to look at them now.

What's the purpose of this disguise then? They won't recognize me.

Sinadya kong banggain ang upuan ni Mr. Delgado. Narinig kong dumaing ito sa gulat. Nakangising yumuko ako saka diretso nang naglakad.

"Are you okay?" dinig kong tanong ni Ate Sarah.

"Yes..."

Well, not anymore, I guess?

Pagkapasok ko sa restroom ay agad kong nilabas sa shoulder bag ko ang cell phone. Hinanap ko ang contact ni Ate Sarah saka 'yon tinawagan.

Nakailang ring bago niya 'yon sinagot.

"Hello, Riza?"

"Hello, Ate."

"May problema ba?"

"Uhmm. Nakulangan kasi ako sa pera. Pwede ba kitang puntahan diyan sa department niyo?" tanong ko.

"Huh? Ngayon ba?" Naramdaman kong nabahala siya.

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Nakangiti ako.

"Yes. Pwede ba?" tanong ko.

"Hala. May klase ako ngayon eh," aniya. "Pwede bang mamaya na lang?"

"Gano'n ba?" Kunwari ay nalungkot ako. "Sasama kasi ako kina Camila sa gala. Nakakahiya naman kung wala akong dalang pera..."

"Really? Uhmm. After an hour, ako na lang ang pupunta riyan..."

"Talaga?" Natuwa ako... at totoo 'yon. "Salamat, Ate Sarah! I will wait for you..."

Tumawa rin siya. "Anything for you, baby sis..."

I ended the call with a victorious smile.

Inayos ko ang lipstick sa labi ko. Nagsuklay rin ako. Hindi naalis ang ngiti sa labi ko.

Unfortunately, you can't have my sister until later, Mr. Delgado.

Though naawa ako kay Ate Sarah kasi alam kong mahihirapan siyang magpaalam kay Mr. Delgado. Mabuti na rin ito. They are not supposed to be together in the first place. I'm just correcting their mistakes.

Pagkalabas ko ng restroom ay nakaabang si Ulrich.

"What did you do?" he asked.

"Why?"

"Parang nagtatalo sina Daddy at Ate Sarah mo..."

Natawa ako. Pinasadahan ko ng kamay ang kanyang matikas na dibdib habang nakatingin sa kanyang mga mata. Tinaas ko sa ulo niya ang kanyang shades.

"I'm just... doing my part," I said.

"O-oh. Yeah. Good job!" Tinakpan niya ng tawa ang pagkabahala.

"I will finish what we started, Ulrich. I won't stop until I ruined their relationship..."

Sa aking peripheral vision ay nakita kong papunta sa direksyon namin si Ate Sarah na nakayuko habang naglalakad. Malamang na didiretso siya sa restroom.

"Dum..."

"Yes, Silly?"

"I'm sorry..."

Hinila ko ang kanyang blazer at siya sinandal sa wall. I was about to kiss him but I managed to stop myself. Hindi naman 'yon kailangan. Pinagdikit ko lang ang mga noo namin.

Shit. Muntik na kaming makita! Nakababa pa naman ang shades ni Ulrich!

I was breathing heavily. My heart was pounding against my chest.

We were staring at each other.

"I'm sorry, too, Silly..."

Saka niya tinuloy ang naudlot naming halikan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro