Chapter 20
Chapter 20: Date
Tumulong ako sa pag-organize ng gymnasium dahil dito gaganapin ang Mr. and Ms. Riverside University pageant mamayang alas singko. That's two hours from now.
After helping with the flower arrangement, I stood up to stretch my arms. Kinuha ko ang scrunchie sa bulsa ko ay tinali ang buhok sa isang messy bun. Patingin-tingin ako sa entrance ng gym dahil baka biglang may sumulpot na lalaking tinakbuhan ko.
I still think that was an unwise move. I could have easily denied it, but instead... I ran away. Saka... ano naman ngayon kung crush ko siya? It's not that serious!
Still... I haven't admitted that. Hindi ko pa rin alam kung crush ko talaga siya. But he makes me feel things... also blush. He also has this audacity to make me stare at him unconsciously!
"Tubig po, Miss Rizaline?"
Napatalon ako sa gulat nung may sumulpot na babae sa harapan ko.
Nginitian ko ang babae bago kumuha ng bote ng mineral water. Habang umiinom ay ginala ko ang tingin ko sa gym. Halos nakahanda na ang mga lighting. Maayos na rin ang stage, maging ang table ng judges. Nagulat pa nga ako nung makita ang pangalan ni Chester doon.
I asked one of the organizers why Chester was involved. I found out he was once the titleholder of this pageant— Mr. Riverside Univeristy.
"Hello, President. Tubig po?"
Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig 'yon sa likuran ko. Hindi ako lumingon. Hindi rin naman ako gaanong uhaw pero nagawa kong ubusin ang tubig na hawak ko.
"Nakita niyo ba si Miss Villete?" tanong ni Ulrich na ang tinutukoy ay ang SSG Adviser namin.
"Hindi po e."
"Gano'n ba? Nasaan kaya siya?"
Nahagip ng mga mata ko si Miss Hailey, papasok siya ng gym. May hawak siyang mga props. Nagkumahog akong lumapit sa kanya na bahagya pa niyang kinagulat.
"Miss Hailey, pwede ba akong umuwi sandali? Maliligo lang ako," pagpapaalam ko dahil maghapon na ako rito. Nanlalagkit na ang pakiramdam ko.
Ayoko namang manuod ng pageant na nanggigitata ako habang ang mga contestants ay tila mga kumikinang na ginto. I still want to look presentable.
"Sige lang. But make sure you will be here before the event even starts."
That's my go signal.
"Miss Hailey..." Narinig ko ang boses ni Ulrich sa likod ko.
Tumikhim ako. Yumuko ako at paalis na nung tinawag uli ni Miss Hailey ang pangalan ko.
"Miss Chavez, pwedeng pakilagay muna ito sa SSG Office bago ka umalis?" ani Miss Hailey.
I bit my bottom lip. Nakayuko akong humarap sa kanila. Tinanggap ko ang mga props na hawak niya. Bago ako tuluyang makaalis ay napatingin ako kay Ulrich... na nakatitig din pala sa akin.
His stares were dark... and cold.
Shit. What was that?
Nilagay ko sa SSG Office ang mga props na pinahatid ni Miss Hailey. Naabutan ko roon si Raechelle na nakaharap sa salamin at naglalagay ng lipstick.
I ignored her. Pinatong ko sa ibabaw ng desk ni Miss Hailey ang mga props.
"Makakabalik na ang dating SSG Secretary after ng Foundation Week," bigla niyang sabi.
"Really? Good for her, then."
"Enjoy your last moments..." Humarap siya sa akin. May tagumpay na ngiti sa kanyang mga labi. "Tama na ang pagpapakitang-gilas, Riza. Your time is over."
Umangat ang mga kilay ko. Yumuko ako para alisin ang tali sa buhok ko. Saka ko 'yon inayos gamit ang mga daliri ko. Tumingin ako uli kay Raechelle.
"Do you really think that would make me feel miserable?" Tumawa ako.
What a loser.
"Hindi na kayo magkakasama ni Ulrich—"
"Who cares? You know what is the best thing about not being the SSG Secretary anymore..." Bahagya ko nang ginilid ang katawan ko, handa nang lumabas. "I won't have to talk to you anymore. You don't make sense. You can't even put up a good argument."
"You bitch—"
"One more thing..." I turned to her one last time. "Are you friends with Amanda? Kung gano'n, ano kayang mararamdaman niya kapag nalaman niyang... may gusto ka rin sa lalaking kinahuhumalingan niya?"
Tuluyan ko nang nilisan ang lugar na 'yon. May isang tagumpay na ngiti sa labi ko. Nakakagigil talaga ang bruhang 'yon. I mean... lahat naman ng babaeng nagkakagusto kay Ulrich ay nakakairita.
Umuwi ako sa bahay para maligo. Wala pa si Ate Sarah dahil maaga pa naman. Nakapulupot sa buhok ko ang tuwalya habang kumakain ako ng instant noodles. Sa isang kamay ko naman ay nakatutok ako sa cell phone ko.
I was busy checking my messages. Thankfully, tinigilan na rin ako ng mga Ulrichians. As expected, the issue won't last forever. Gano'n naman lahat. Kung gaano kabilis kumalat ang isang issue, gano'n din kabilis itong makalimutan.
Camila sent me a text message, "Choose for me..."
She sent me many options for her dress.
"Are you one of the participants?" I replied, sarcastically.
What's with those luxurious dresses?
"Just pick for me!" she responded.
Kumunot ang noo ko. Imbes na mag-reply ay tinawagan ko na lang siya. Agad naman niya 'yong sinagot. Pareho naming binuksan ang camera ng mga cell phones namin.
Naka-purple bathrobe lang si Cams habang pinapakita ang mga dresses na nakalatag sa kanyang kama. They are not just ordinary dresses. They look expensive as heck.
"Can you just wear... like casual clothes?" I asked.
Nilipat niya sa kanya ang focus ng camera. Pinatong niya 'yon sa isang lalagyan bago binitiwan. Nilapitan niya ang mga dress. Saka niya hinubad ang kanyang bathrobe.
"Camila!" irita kong sabi.
She chortled as she playfully flipped her hair. Bagsak ngayon ang mga bangs niya. She looks so flawless that I think PJ doesn't deserve her.
"What? You have seen me naked many times now!"
"That's not my point." Huminga ako nang malalim. "Ang awkward naman nung tatalunin mo pa ang dress ng mga candidates. Just pick a casual one!"
Humigop ako ng sabaw sa maanghang na noodles. Pasimple kong sinulyapan ang time sa cell phone ko. I still have an hour before the event starts.
Camila roller her eyes. Sinukat niya ang mga dress. Napilitan din akong pumili. I really think that fatigue green dress fits her the best. I am not good at describing dresses, but if I can describe that dress... it reminds me of nature.
"Okay. I trust your taste, Rizzie."
I sighed.
"Isusuot mo talaga 'yan?" tanong ko.
"Tanga. I am one of the hosts!"
"Oh?" I didn't know that. "But that doesn't justify the extravagant dress."
"Oh, come on, Rizzie. I will wear whatever I can afford."
Bago binaba ni Camila ang call ay sinabihan niya akong susunduin na lang dito. Narinig ko pa ang boses ng isang babae na sa tingin ko ay ang makeup artist niya.
She's dressing not just to steal the spotlight, but also for PJ. Aminin na niya o hindi, alam kong pinagseselosan niya ang ka-partner nito sa pageant.
Nag-ayos na rin ako ng sarili. Sinuot ko 'yung v-neck casual brown dress na niregalo sa akin ni Ate Sarah nung pasko. Isang beses ko pa lang naman 'tong nasuot. Sinubukan ko ring ayusin ang buhok ko pero laging nauuwi sa messy bun. I think bagay naman sa 'kin.
I took some mirror selfies. Baka may magustuhan ako na i-upload sa Facebook. I really love this dress. Kung pwede nga lang ito na lang araw-araw ang isuot ko sa school eh.
Exactly thirty minutes after we talked through the phone, narinig kong bumusina ang sasakyan ni Cams sa labas. Feeling the confidence brought by my dress, I skedaddled the house with a smile on my lips.
I purposely flipped my hair as I directed my eyes at the car parked outside our gate. As soon as I recognized the car, my huge smile faded.
Lumabas doon si Ulrich. He was wearing an elegant black tuxedo with a black bow tie. His hair was fixed on the side at its best. He, then, shifted his gaze in my direction.
I felt chills when his dark stare darted at me.
Just then, I realized he's also one of the pageant hosts.
I swallowed. "W-what are you doing here?"
I don't want to compliment how he looks like but— God. He looked like he would win the pageant without sweating only if he joined it. He has the look, the intelligence, and the charisma. He technically has everything it takes to get the title.
"Sinundo ni PJ si Cams. She can't pick you up," he said in a monotone voice.
Binuksan ni Ulrich ang pinto sa tabi ng driver's seat. He motioned his hand inside.
"Mag-commute na lang ako—"
"Bakit pahihirapan mo pa ang sarili mo? Get in my car, Miss Chavez."
What the hell is happening? Bakit biglang nagkaganito ang pakikitungo namin sa isa't isa? Ayos pa naman kami kanina. Until... I just ranaway.
"Fine." Pabagsak niyang sinarado ng pinto.
Akala ko ay aalis na siya pero bigla itong naglakad sa direksyon ko. Nanginig ang katawan ko habang palapit siya nang palapit sa akin. Maging ang kanyang paglakad... nakakapanginig ng mga lamang loob.
"Can't you walk?" he asked. "I can carry you to my car."
My eyes widened as I stepped back.
"N-no. Ulrich!"
"What?" he frowned.
"Well. Fine!" Padabog ko siyang nilagpasan saka ako dumiretso papasok sa kanyang sasakyan.
Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong pumasok si Ulrich sa driver's seat. Napansin ko pang nakangiti siya.
Suminghap ako. Holy shit. The smell— I groaned silently.
"Calm your ass, Miss Chavez. Isasabay lang naman kita sa school," natatawang sambit ni Ulrich bago hinawakan ang manibela. "Unless you want to go somewhere else."
Napatingin ako sa kanya. He was smirking.
Umirap ako.
"Nice dress," he murmured.
"Ulrich..."
"Blush all you want—"
"I'm not blushing!" Hinampas ko siya sa balikat. Naramdaman ko ang matikas niyang katawan.
"Your crush just complimented you—"
"Fuck you, Mr. Delgado!"
Humalakhak siya.
Lumunok ako at sinubukang buksan ang pinto pero naka-lock na 'yon. Suminghap ako. Umayos na lang ako nag pagkakaupo habang kinakalma ang sarili.
Narinig kong pinapatunog ni Ulrich ang kanyang dila kaya pasimple ko siyang sinulyapan. Nakaawang nang bahagya ang kanyang mga labi habang ginagawa 'yon.
"Oh, fuck! I forgot!" He leaned in the direction to turn on the car stereo. Mas nanuot sa ilong ko ang kanyang pabango. Saka siya tumingin sa akin. "Just don't cry, aight?"
"Whatever you say!"
I'm getting annoyed for real.
He was silent for like three minutes until he started to talk again.
This guy... geez.
"Damn. I can't believe you really have a crush on me!"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder bag. I knew it! Kaya siya nagkakaganito ay dahil doon.
"You can't believe that someone has a crush on you? For the sake of being humble, Mr. Delgado?" I rolled my eyes.
I've seen it before— attractive guys acting surprised whenever they find out someone has a crush on them. I mean... wow? That's really appalling. Duh!
"Nah." He shook his head. "It's just... shocking. Parang sobrang taas kasi ng standard mo sa lalaki e. Well, that was before I found out you have a crush on Chester."
Tinikom ko na lang ang bibig ko. Napansin kong mas bumagal ang pagmamaneho niya. Kulang na nga lang ay maging kasabayan na lang namin ang mga nagj-jog eh.
Still... I remained hushed.
"Hays..." Ulrich groaned.
"What now?" I asked.
"Crush mo talaga ako?" tanong niya.
"Crush means admiration—"
"Fuck! Stop!"
"I admire how good of a leader you are, Ulrich. That's it."
"Really? That's crush to you?" he asked.
I nodded.
"Then, I have a crush on you, too."
Huminga ako nang malalim. "Sabi mo eh..."
"You are the best secretary I've ever had—"
"Whatever helps you sleep at night."
"You can't tease me anymore." Mahina siyang tumawa bago sumandaling tingin sa akin. "Crush na rin kasi ako ng crush ko eh."
Tila umakyat sa ulo ko ang dugo. Napapikit ako at pinigilan ang sarili sa pagngiti. Kinagat ko ang pang-ibabang labi bago bumaling sa bintana sa gilid ko.
"Chester is leading the popularity award. He's leading it by thousands of likes," Ulrich finally mentioned another topic.
I smirked. "He didn't even promote it. Nalaman lang naman ng mga fangirls niya."
"Yeah."
Nag-usap na kami tungkol sa pageants. Hanggang sa makadating kami sa school. We have arrived ten minutes before the pageant starts. Napagalitan pa nga ako ni Miss Hailey.
I sat down on the chair which was really reserved for my position. Nasa bandang unahan din kami kaya kitang-kita rito ang kabuuan ng stage. Halos hindi ko na rin marinig si Miss Hailey sa lakas ng hiyawan ng mga estudyante.
I roamed my eyes around. It looked like everything went according to our plans. The stage was exactly how we imagined it. Even the lightings were done perfectly.
"Where's Ulrich?" Miss Hailey whispered at me.
"Dumiretso na sa backstage, Vice Hailey," sagot ko naman.
Napansin kong bakante ang upuan na para kay Raechelle.
May malaking screen sa harapan. Meron ding umiikot na camera sa buong gym. Nagsisigawan ang mga estudyante sa tuwing sa gwapo mafo-focus ang camera. That was also part of the plan— to make sure no one will get bored.
Kinuha ko ang cell phone ko para tingnan ang hitsura sa camera. My messy bun was still there. Even my light makeup. Mabuti na lang din at nag-ayos ako dahil nakaayos ang mga SSG Officers.
Everyone hushed when the music went down. Pinakilala na ang mga pageants hosts. Sabay na lumabas mula sa backstage sina Ulrich at Cams.
Halos dumagundong ang gym sa lakas ng hiyawan.
Ulrich looked so hot, that's undeniable. But for the first time in a long time, a woman caught the attention of everyone. It was Camila in a fatigue green dress walking confidently with her arm clasped around Ulrich's arm.
She really... killed it. The dress, the smile, the walk, and her signature bangs— she's slaying it all.
Hindi magkamayaw sa sigawan ang mga lalaki sa likod ko. Nasipa pa nga ng isa ang upuan ko kaya bumaling ako sa kanila at sinamaan ng tingin.
The show started. The pageant hosts were casually talking and trying to set the mood for the night. Hindi ko inakalang magandang tandem din ang dalawang 'to. They were both hilarious!
"Have you seen the ladies on the backstage, Cams?" Ulrich asked.
"They looked like..." Pumikit si Cams para i-exaggerate ang words niya. "Sparkling stars in the sky. They all shine in their own ways. Naku, Rik. Mukhang mahihirapan ang mga judges natin ngayon."
Dumiretso ang tingin ko sa mga judges. Nakatalikod sila sa amin. Tinutok sa kanila ang camera. Halos mabingi ako sa sigawan nung ma-focus ito kay Chester. He stood up and waved to everyone.
I was applauding him, too.
Ang gwapo putek!
"But, that's not all..." Nakuha agad ni Ulrich ang atensyon ko. "All ladies in this gym are all gorgeous. Come on, gentlemen. Give them a big loud round of applause!"
Lahat kami ay pumalakpak. I'm liking his vibe. I really think this vibe fits him the most. Hindi 'yon seryoso. Mas bagay sa kanya ang palaging nakangiti.
"But can we also acknowledge our SSG Officers?" biglang binanggit ni Camila. Ngumiti siya sa akin. "Look at our Vice President, Miss Hailey. She looked... so stunning!"
"How about the lady in a brown dress?" Umangat ang kilay ni Ulrich habang nakatingin sa direksyon ko. "I still wonder why she's not one of the participants? She could easily kill the game!"
I heard the girls groaned.
Tumawa si Cams saka pabirong hinampas ang balikat ni Ulrich.
"That's my best friend, Mr. Delgado. I love you, Rizzie!"
Nahihiyang ngumiti ako sa camera. Nagsigawan din ang mga lalaki sa likod ko.
Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ni Ulrich. He immediately changed the topic and they finally started to introduce the participants.
Everything went well. Tumayo ako at todo suporta kay Jessie. As usual, he was flashing his overrated pack of abs. Hindi naman na bago na makita ang mga umbok na 'yon pero parang mababaliw pa rin ang mga babae.
I also cheered for PJ. Napansin kong wala siyang gana. Pero ang babaeng partner niya ay todo bigay. I must say she really looked gorgeous. Also the height.
Nahuli kong umikot ang mga mata ni Camila.
May binulong sa kanya si Ulrich. Mas lalong nairita ang mukha ni Camila.
Ulrich turned to me with a meaningful look. Nakangiwi ang kanyang labi. Parang humihingi ito ng tulong para pakalmahin ang kaibigan ko.
Tumawa lang ako.
Uminom ng tubig si Ulrich. Tumama sa kanya ang isang ilaw kaya tila kumislap ang mga butil ng pawis sa kanyang noo. Mabilis din ang paggalaw ng hugis-bato sa kanyang lalamunan habang umiinom.
Napalunok ako at umiwas ng tingin.
Nauhaw rin tuloy ako.
Hindi naman ako kasali sa pageant pero parang maging ako ay napagod. Both PJ and Jessie made it to the top three. Until one has finally won the title. Well-deserved.
"Our Mr. and Ms. Riverside University, Diana Rija Eustaquio and Jessie Ley Escajeda!"
We all stood up to greet the new titleholder of the event. Walang hinto kami sa pagpalakpak. Naiyak pa nga si Diana. Si Jessie naman ay kumakaway lang.
Pagkatapos ng event ay lalapitan ko sana si Camila pero mabilis siyang hinatak ni PJ. Mukhang iritado ang mukha ni PJ. Kumaway na lang sa akin si Camila. Ngumiti na lang din ako.
Si Jessie naman ay hindi malapitan. Pinaliligiran siya ng mga babaeng gustong magpa-picture. Naghintay akong umalis ang mga babae pero ang tagal!
"Hey..." Chester approached me.
"Uh. Hi. Ang gwapo ah?" banat ko.
Kumamot siya sa batok. "Hindi naman. Ikaw nga eh. Bagay sa 'yo 'yang brown dress!"
"Sus. Nambola pa..." pabiro ko siyang hinampas sa braso.
"Riza." Nilapitan ako ni Ulrich. Mukha siyang kabado. "Can we talk?"
Kinabahan ako. What is happening?
"Ayos ka lang, Rik?" tanong ni Chester.
"Can you excuse us first, Ches?" pakiusap ni Ulrich kay Chester. "It's just really confidential. Problema lang sa SSG Office."
Nag-alangan pa si Chester pero sa huli ay tumango rin siya. Nakangiting binati niya pa ako bago tuluyang umalis.
Humarap ako kay Ulrich.
"It's not really about the SSG, right?" tanong ko sa kabadong boses.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako palayo roon.
"Ano ba 'yon, Rik?" irita kong tanong.
Habang mas tumatagal na hindi niya sinasabi, mas lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko.
Pumunta kami sa parking lot.
Hinarap niya ako.
"What is it, Rik?"
"They will have a date tomorrow!"
Umawang ang mga labi ko.
"What should we do?"
"I don't know." He frustratedly brushed his fingers through his hair. Huminga siya nang malalim. "But we need to do something. Naging malabo ang relasyon nila magsimula nung hindi sumipot ang ate mo sa lunch nila. My Dad is needy as hell. They will try to fix it tomorrow. We just need to keep messing with their plans."
"What? Ate ko pa ang susuyo sa malandi mong ama?" tanong ko.
"Please, don't act like this. Pareho pa rin silang mali. It's not solely my father's fault!"
"Eh sino ba 'yung may asawa na tapos lalandi pa rin—"
"Fine. Riza. My father is really a jerk. But that's not the point of this urgent meeting. What should we do?"
Sumandal siya sa kanyang sasakyan. Nakatitig lang siya sa akin.
Biglang lumiwanag ang mukha ni Ulrich, tila nakaisip ng isang ideya.
"W-what is it?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin.
"Prepare, Riza."
"What?"
"We have a date tomorrow."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro