Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Chapter 2: Hell

I'm doomed.

I can pass it if I will study hard but I want an assurance. Gusto kong sigurado akong papasa ako. Ayokong alam ko lang na tama ang sagot ko. Gusto kong alam kong tamang-tama ito.

Camila's evil idea spiraled in my head.

To cheat my way out of this mess.

It's not like I've never cheated in my life. Minsan na rin ako nangopya ng sagot sa katabi ko. Minsan ko na ring hindi sinasadyang nasilip ang answer sheet na dala ng teacher namin at hindi ako nag-atubiling isagot ang mga 'yon.

But this is not one of those days. Palya na ang grado ko. Kapag nahuli ako ay mas mabigat ang kaparusahan. It will put me in another level of humiliation.

I suddenly imagined a post about me on Riverside University page. I've never been featured on that page yet.

Cheater of the Decade: Rizaline Chavez

No. I won't cheat. I will study hard instead.

Wala rin akong planong sabihin ito kay Ate Sarah. Alam ko rin naman na hindi makikialam dito si Miss Dorothea. Ang kailangan ko na lang gawin ay ipasa ang exam. Hindi lang ipasa, kailangan kong makakuha ng at least 80% score.

That's hard as hell. Iilang beses pa lang ako nakakuha ng 80% sa exam at halos lahat ng mga kasama ko no'n ay perfect. Sabi nila ay walang taong bobo, tamad lang. Kaya... hindi ako tatamarin mag-aral.

"That's all for today..." The signal we have been all waiting for.

What a day!

Humikab ako habang pinagmamasdan ang mga kaklase na magkumahog mag-ayos ng mga gamit. Kumilos na rin ako at sinalansan sa bag ang mga gamit ko.

"Ano'ng sabi ni Miss Dorothea?" Lumapit sa akin si Camila na kumakain pa ng chocolate. Nakaayos na agad ang gamit niya. Paano kasi bago pa sabihin na dismiss ay nag-aayos na siya ng gamit.

"Hindi ba last week pa 'yang chocolate mo?" tanong ko.

"Ngayon ko lang uli nakita sa bag ko e." Umupo pa siya sa desk ko. "So... ano nga?"

Biglang pumasok sa isipan ko si Ulrich.

"Ulrich talked to me!" napalakas ang pagkakasabi ko no'n kaya napatingin ang iba sa amin.

Narinig ko na naman na pinagbulungan nila ang sinabi ko. Damn. Not another issue!

Mabilis kong sinabit sa likod ang bag at hinila si Camila palabas ng classroom. Habang naglalakad kami papunta sa locker room ay sinabi ko kay Camila ang mga sinabi ni Miss Dorothea at pati na rin ang pagsulpot ni Ulrich.

"Ulrich? Delgado?" paglilinaw nito.

I rolled my eyes. Mas may pakialam pa talaga siya kay Ulrich kesa sa sinabi ni Miss Dorothea sa akin na maaari akong bumagsak.

Tumango ako. "That guy..."

"Oh. What did he say?"

"Karma..." A bitter smile formed on my lips.

Tumawa si Camila sabay hampas sa braso ko.

Karma? That's so petty of him. Mukhang nabasa nga niya talaga ang comment ko at katulad ng iba ay halatang sineryoso rin niya. He really got his eyes glued on the only negative comment huh?

Nag-iwan ako ng mga gamit sa locker at kinuha ang mga kailangan mamaya. Hindi naman gano'n kalaki ang locker ko katulad ng sa iba. Wala rin naman gaanong malaman. Marami lang ang poster sticker ni Taylor Swift.

"Mauna ka na, Cams," saad ko pagkatapos isarado ang locker.

Pabagsak na sinarado ni Cams ang kanyang locker. "Hindi ka sasabay sa akin?"

"I need to go to the library."

Her lips slightly parted. "Did I hear it right? Library?"

"I need to pass the exam next week." I smiled.

She looked up at the wall clock. "It's five p.m now. Sure ka?"

"Yes. I have to."

"Fine." She drew a deep breath. "See yah. And uh, please. Huwag mo nang palalain ang gulong ginawa mo ah?"

"Alis na!"

"Gusto mong chocolate?" alok pa niya kahit na nalawayan niya na 'yon.

"Sa 'yo na."

"Okay."

Hinintay ko munang makaalis siya bago ako kumaliwa sa isang pasilyo. Medyo malayo-layo ang main library rito. Meron din namang library sa malapit pero maliit 'yon at baka wala rin doon ang hinahanap ko.

I was crossing the quadrangle area when I saw Ulrich walking on the opposite side and towards me. Mukhang pauwi na rin ito. For an SSG Officer, he doesn't look hassled at all. I mean that position has a lot of responsibilities. Kung ano ang hitsura niya kanina ay walang nagbago.

Hindi niya ako pinansin kaya hindi ko rin siya pinansin.

Dumiretso na ako sa library. Nilabas ko ang ID ko para ipakita sa guard. Our main library was a three-story building filled with different kinds of books for academic purposes. Maraming tumatambay rito para magpalipas ng oras.

Now. Where should I start?

It took me almost half an hour to find the exact book I was looking for. I skimmed through the title pages and when I saw every topic I need for the next examination, I went to the librarian to borrow the book.

"I'm sorry but you are not allowed to bring this book home, Miss Chavez. You can either read it now or just go back tomorrow to read it here."

"Can I just take a picture of the pages?" I asked.

"Sure." She gave me back the book.

Dumiretso ako sa isang sa table. Saka ko lang napagtanto na wala nga pala akong cell phone. Luminga-linga ako sa paligid baka sakaling may kakilala ako.

Napabuga ako ng hangin. I guess I will just go back tomorrow.

"Here..." Someone put a cell phone on the table.

I looked up at the person. It was a guy and based on his uniform, he's from the college department. Hindi ko siya kilala pero kailangan ko ng cell phone niya.

"Sure ka po?" tanong ko.

He smiled. "Opo..."

"Thanks!" I grabbed his phone and opened the camera.

Darn. He has the latest version of the iPhone. After taking pictures of all the pages I needed on the book, I returned his phone just to realize how can I get those photos.

"Do you have a Telegram account?" he asked.

"Facebook."

"Cool. Uhmm..."

"Rizaline Chavez."

"Wait." Kinalikot niya ang kanyang cell phone. "This one?" He showed me my profile which was bombarded by angry reactions from Ulrich's admirers.

Nakaramdam ako ng hiya. "Y-yeah..."

I wonder if he also knew about that comment? I've never cared enough until now.

He chuckled. "Done."

"T-thanks." Tumayo na ako at handa nang isauli ang libro. Humarap ako uli sa lalaki. "Salamat, Kuya. Kailangan ko lang kasi talagang mapag-aralan ang mga 'yan mamaya. Can you send it to me as soon as possible?"

"Na-send ko na actually." His smile was dashing, gleaming, sparkling, twinkling, whatever.

"Really? Thank you!"

He kept the phone in the pocket of his slacks. "I guess that's all?"

"Yeah. Thank you uli."

"Cool. See you around, Miss Angry Girl." Tinalikuran na niya ako at umakyat sa second floor.

Miss Angry girl?

That should be offensive but err. Never mind. He's cute and kind.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad kong tinakbo ang cell phone na naiwan sa kwarto. Umupo ako sa kama at kinalma ang sarili. Binuksan ko ang cell phone ko.

I almost forgot that I was still bombarded of notifications from Ulrich's admirers. May mga nag-add din sa akin pero isa lang ang napansin ko.

Chester Megardon. He was looking sweaty while wearing that purple varsity jacket and holding a ball. What caught my attention was his... smile.

Okay, Mr. Congeniality.

"Chester..." I mentioned his name.

After confirming his friend request, I checked his profile. Ang cover photo niya ang grupo ng mga basketball players na same ng uniform niya. Oh. He's a basketball player in College Department. He's tall though, not surprising. Nalaman ko rin na third year college na siya.

That's all. Nanghinayang ako dahil malinis ang profile niya. Maging ang kanyang profile picture ay wala gaanong likes dahil naka-private pero maraming shares.

"Riza?" Sumilip si Ate Sarah sa pinto ng kwarto ko. "Andyan ka na pala. Akala ko kung sino ang pumasok."

"May ulam na, Ate?" tanong ko.

"Magluluto pa lang. Magpalit ka na ng damit," paalala pa nito bago umalis.

Nagpalit ako ng pangbahay. Kanina pa ako nakaharap sa salamin at nagpi-picture. Duckface. Peace sign. Tongue out, meh. Out of all the pictures I took, I only found one cute for me. Nilagay ko 'yon sa story ng Facebook ko with a caption, "Study mode."

Napabuntonghininga ako. Oo nga pala. Kailangan kong mag-aral.

I opened my Messenger. Maraming message requests na puro negative lang. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Chester. Binuksan ko ang messages niya. Mga pictures lang naman 'yon ng mga lectures na kailangan ko.

He's not active anymore. Should I reply?

I typed, "Hi. Chester. Thank you. <3"

Yikes.

Binura ko rin 'yon at hindi na lang nag-reply. Nagpasalamat na rin naman ako kanina. Baka akala niya ay nagpapapansin ako sa kanya. Pero... mukha naman siyang hindi mayabang para isipin 'yon.

Camila texted me, "Nakalabas na ng hospital si Jessie. Shall we visit him now?"

Oh, right. Jessie is one of my two friends. Nagka-dengue ito kaya ilang araw ring hindi nakapasok. Sa ilang araw na 'yon ay isang beses lang kami nakabisita.

"Sure. Sunduin mo na lang ako hehe," I replied.

Naghanap ako ng sweater sa cabinet habang naghihintay ng reply. Malamig ang klima ngayon saka maraming nagkakasakit na dengue. The least thing I need right now is sickness.

"In a min.," Camila responded.

Habang naghihintay kay Camila ay chinarge ko muna ang phone ko. Nasa cell phone ko ang mga pag-aaralan. Hindi ko rin alam kung ano'ng oras na ako makakauwi. Kung sakali ay roon na lang ako mag-aaral.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ate Sarah nang maabutan akong kumukuha ng sandals sa shoerack. "Naku naman, Riza. Gabing-gabi na oh."

"Nakauwi na si Jessie, Ate Sarah. Bibisitahin lang namin."

"Oh. Is he good now?" napalitan ng pag-alala ang kanyang boses.

"Siguro? Pinauwi na siya eh." Lumapit ako sa harapan ng salamin para suklayin ang hanggang balikat na buhok. "Baka roon na lang din ako kumain, Ate."

"Oh, sige. Ipagtatabi na lang kita ng pagkain para kapag nagutom ka." Lumapit siya sa akin at kinuha ang suklay para siya ang gumawa no'n. "I'm sorry for asking too much about your future, Riza. No pressure naman."

Ngumiti lang ako.

Narinig kong may sasakyan na bumusina sa labas kaya nagmadali akong tumakbo sa kwarto para kunin ang naka-charge na phone. I sprayed a bit of perfume on my palms before skedaddling the house.

May pulang sasakyan ang nakaparada sa labas ng bahay. It's not Camila's car. May kaya sa buhay ang pamilyang Torres kaya may sarili itong sasakyan na regalo sa kanyang kaarawan.

Is this really Camila?

The window on the backseat rolled down. Sumilip doon si Camila.

"Hop in!"

"Hey," I said when I got in.

Tumuwid agad ang tingin ko sa lalaking nagmamaneho. Seryoso lang ang tingin nito sa daan. Napatikhim ako nang bigla itong tumingin sa rearview mirror.

The guy looked too young to be a driver. He looked probably the same age as us or maybe just a bit older. Medyo kilala ko naman ang mga pinsan ni Camila pero hindi ko matukoy ang isang 'to.

"Oh. He's Gab," bulong sa akin ni Cams.

"Cousin?"

"Yes," tipid na sagot niya.

Dumaan muna kami sa nakabukas na flower shop para bumili ng bulaklak. Bumili rin ng mga prutas at pagkain si Cams. Ako na lang ang nagbitbit dahil wala namang akong ambag. Saka nagtitipid ako ngayon.

"Mauna ka na sa sasakyan, Riza. Dalhin mo na 'yung ibang bags," ani Cams dahil nagbabayad pa ito sa cashier. Medyo natatagalan ang pag process sa kanyang credit card.

Lumabas na ako ng store dala ang iilan sa mga pinamili namin. Sa tapat lang naman din nakaparada ang sasakyan. Mabilis na lumabas ng sasakyan si Gab nang makita akong may bitbit. Kinuha niya sa akin ang mga plastic at nilagay sa loob.

Natigilan lang ako. Can't he talk?

Umismid ako. He's being a gentleman but impolite at the same time.

He really just grabbed the bags from me and turned his back to put those inside the car... without saying anything. He didn't even smile. Not even a glimpse on my face.

Nagdalawang-isip ako kung babalik pa ba ako sa store o papasok na sa loob ng sasakyan para doon na lang maghintay. Sa huli ay pinili ko na lang na maghintay sa loob ng sasakyan.

It was awkward so I just decided to open my notes. Hindi ako maka-focus sa inaaral kahit na anong gawin ko. Binuksan ko na lang ang mobile data connection at nag-redeem ng points pang-Facebook.

To my surprise, Chester messaged me. It was sent just two minutes ago.

"Thanks for accepting my fr."

This is where I should reply back, right? Ayoko namang gayahin si Gab.

"Salamat din, Chester."

He is active for someone who doesn't post often. Ang akala ko ay binuksan niya lang ang abandonadong Facebook account para i-send sa akin ang pictures. Maybe he just likes to lure in silence.

"You're quite famous huh?" he replied.

"Fr. LMAO."

For some reason, I don't feel awkward chatting with him.

"Are you studying rn? Nakakaistorbo ba ako?"

"Not at all!"

Now, what's with the exclamation point, Riza?

"Well. Good luck ig? Ciao."

Napabuga na lang ako ng hangin. Duh? Kahit naman nag-aaral ako ngayon ay re-reply-an ko pa rin siya. Bold of him to assume I can ignore someone as cute as him.

"Gabi na. Bakit lumalabas pa rin kayo ni Camila?"

For a second, I thought that voice was from someone outside the car. Sinabayan ko ang tingin ni Gab sa rearview mirror. Bakas ang pagkayamot sa kanyang mukha.

"Bibisitahin namin ang kaibigan, Gab."

Ang laki naman masyado ng boses nito.

"Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang 'yan?"

Whoa.

"No. May pasok kami bukas," kalmado ko pa ring sagot.

"E 'di pagkatapos ng klase? 5 pm naman ng hapon ang labasan niyo ah?" Hinila niya pataas ang sleeve ng kanyang jacket. "Ganito ba talaga kayo rito?"

"What do you mean 'kayo rito'?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang ito.

How rude!

Dumating si Cams nang nakasimangot ako. Inabot niya sa akin ang milktea. Inalok niya rin si Gab pero tumanggi ito. Tinabi na lang ni Cams ang isa pang milktea.

"What's wrong?" tanong sa 'kin ni Cams.

I sipped on my tea. "Nothing."

"Wait!" Hinablot ni Cams ang cell phone ko. I forgot to close the app so she saw my current messages. "Holy shit. You are chatting with number 10, Megardon?"

"He helped me."

"Kailan?" She scrolled up through the messages. "Kanina lang?"

"Long story short, I forgot my phone so he lent me his to take photos of those pages. That's all." Kinagat ko ang metal straw. "Why? Do you know him?"

"Medyo." She returned my phone. "Kaibigan din siya ni Ulrich mo."

Napalingon ako sa kanya. "Really?"

"Yeah. Sikat din naman ang basketball team nila. Plus, he's good-looking." Humagikgik si Cams. "Alam mo naman ako, Riza. I have my eyes to all good-looking guys."

Nakita kong tumagilid ang ulo ng driver at napailing.

I didn't know that. Matagal ko nang kilala si Ulrich. I mean... halos naman lahat ng nag-aaral sa Riverside University ay kilala siya. Pero hindi ako kailanman naging interesado. Hindi ko nga inakalang may kaibigan siya eh.

Medyo malayo ang bahay nina Jessie kaya may oras pa para mag-open ako ng notes sa cell phone. Busy ako at kahit papaano'y may pumapasok sa isipan ko.

"Wait. Uhm..." Si Cams.

"Why?" I asked without lifting my head up.

"I think you should see this."

She showed me a post from Riverside University Confession Pages.

"Chika time! Sino itong babaeng nababalitaang kinikita ni Ulrich? Clue: Medyo papansin si girlie at minsan na rin niyang binash si Ulrich. Ulrichians, you know the drill. :D"

Napalunok ako.

Tumawa si Cams.

"Welcome to hell, Ms. Chavez," Cams whispered.

I just ignored it. Tanga ba sila? Porke nakita ay kinita na?

Nakangusong tumingin ako kay Cams.

"Oh?" natatawa niyang tanong.

"Ibu-bully ba nila ako?" tanong ko.

Humagalpak si Cams. Muntik pa nga niyang mabitiwan ang milktea.

"I'm scared, Cams."


"Dapat lang..."

Yumakap ako sa kanyang braso. "Nabasa ko na 'to sa novel, Cams. Ibu-bully ako ng mga fans ni Ulrich. Bubuhusan ng malamig na tubig. Didikitan ng chewing gum sa damit. Tapos..."

"Tapos?"

Lumunok ako, parang maiiyak. "Ipagtatanggol ako ni Ulrich..."

Natigilan si Cams. "Huh?"

Umayos ako ng pagkakaupo at humarap sa kanya.

"Baka magkatuluyan kami ni Ulrich!" napasigaw pa ako.

"What the hell, Riza? May drugs ba 'yang milktea mo?"

Umayos ako ng upo at sumimsim sa milktea.

Maybe I just read too many romance novels. Haters to lovers. Enemies to friends. Smirks to smiles. Basta hindi maganda ang simula ay maganda ang katapusan.

Pero napaisip ako... hindi naman kami magkaaway ni Ulrich. Saka biro lang naman talaga ang sinabi ko sa page. Duh? Obvious naman na nuknukan ng talino ang lalaking 'yon. Saka... hindi na rin naman kami mag-iinteract pa muli.

"Puro ikaw laman ng confession pages, Riza," ani Cams.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Pero... paano kung magkatuluyan nga kami ni Ulrich?

Nakarating kami sa bahay ni Jessie. Si Tita Krisanda na Mommy ni Jessie ang agad na bumati sa amin. Medyo gutom na ako pero syempre kailangan muna naming unahin ang pinaka sadya namin... ang bisitahin si Jessie.

Ang buong akala ko ay nakahilata ito sa kama dahil kagagaling niya lang sa ospital pero hindi. Nahuli namin siyang nagti-tiktok sa harapan ng kanyang ring light.

Oh. I forgot to say Jessie is a Tiktok celebrity. Sumasama rin naman ako minsan sa Tiktok niya... kapag scripted prank nga lang. Kunwari ay hindi ko alam na naka-video ako tas magugulat. Viola! May pera na ako!

"Sali ako!" at sumali na si Cams.

Dumiretso ako sa table para ipatong ang bulaklak. Saka ako umupo sa kama para panuorin silang dalawa na sumayaw sa harapan ng cell phone at ilaw.

"Sali ka, Riza!" aya sa akin ni Jessie.

I shook my head. I'm hungry!

"Ay alam ko na!" Kinuha ni Jessie ang kanyang cell phone. Saka siya humarap sa akin. "Pass this phone sa babaeng takot sa commitment pero kapag pinagpalit ay umiiyak!" Saka niya pinasa kay Cams ang cell phone.

Nanlaki ang mga mata ni Cams. "Pass this phone sa lalaking gumagawa ng sariling issue para laging pinag-uusapan!" Saka niya binalik kay Jessie ang cell phone.

"Pass this phone sa babaeng dinala sa Messenger pero hindi pa rin forever!" He returned the phone to Camila.

Pumula ang mga pisngi ni Cams pero hindi pa rin nagpapatalo.

"Pass this phone..." Ngumisi si Cams. "Sa babaeng binash ang isang lalaki para lang mapansin!" Saka niya binigay sa akin ang cell phone.

My jaw literally dropped.

"Gumanti ka, Riza!" tulak ni Jessie.

"Pass this phone sa babaeng kahit expired na pagkain ay kakainin!" Saka ko binato kay Cams ang cell phone.

"Pass this phone sa babaeng nag-imagine na makatuluyan ang lalaking binash niya!"

I gritted my teeth. "Pass this phone sa babaeng nag-kodigo para lang makapasa!"

"Pass this phone sa babaeng may gusto kay Ulrich!"

"Oops!" Kinuha na ni Jessie ang kanyang cell phone. "Tama na. Kailangan may part 2 'to kasi alam kong papatok!"

Masama ang titig namin ni Cams sa isa't isa. Kulang na lang ay may kuryenteng dumaloy sa aming mga mata dahil sa tindi ng titig namin. Ilang sandali lang din ay kumalma na kami.

"Don't post it, Jessie," Cams said.

"What?"

Sabay kaming napatingin kay Jessie na nakangiwi.

My lips slightly parted.

Holy shit!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro