Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19: Agreement

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa kabutihang palad ay wala naman gaanong aberyang nangyari. Ang pinakamalala lang yata ay no'ng nasunog ang isang booth dahil sa kandilang naiwan.

Wednesday night, I went home feeling sick. Pasinghap-singhap ako habang kumakain nung hapunan. Agad napansin ni Ate Sarah na matamlay ako kaya hinaplos niya ang noo ko.

Right. I got sick that night. Pero imbes na sermonan niya ako dahil paulit-ulit niyang pinaalala na huwag abusuhin ang katawan ko, wala akong narinig sa kanya.

Ate Sarah was there until I fell asleep. Nagising ako nung mga alas tres ng madaling araw. Nakaramdam ako ng pagkauhaw. Nag-alangan pa nga akong pumunta ng kusina dahil baka kung ano na naman ang maabutan ko.

I went to the kitchen to drink water. Nakita kong sarado ang pinto ni Ate Sarah nung dumaan ako. Mukhang mahimbing ang tulog niya. Malamang na napuyat din siya sa akin.

Today is Thursday. Ngayon din gaganapin ang pageant for Mr. and Ms. Riverside University. Kung ordinaryong araw lang ito ay baka lumiban muna ako sa pagpasok. But I have to be there.

I'm feeling better though.

Bumalik ako sa kwarto. Hindi ko ramdam ang antok kaya kinuha ko na lang ang cell phone ko. I immediately went into my gallery photos.

I stared at his photo. Lately... I always find myself staring at Ulrich's photo.

Why did he delete it? He looked so hot in that serious expression!

I swiped to the next photo. The picture of five topless men.

It hits different now that I know who they are. Syempre si PJ 'yung naka-dirty finger sa picture. Si Chester na todo ngiti ang nakahawak sa camera. Magkaakbay sina Art at Roland sa picture. Sa bandang likod ay seryoso lang na nakatingin si Ulrich.

The heat rushed to my head. Just as though I realized... he was also topless. They all have well-built bodies. I am not really that fascinated with muscular men but... Ulrich? The intimidating SSG President? Topless?

Napakurap ako nung biglang tumunog ang notification ko.

Ulrich: Hello

That.. startled me.

Ulrich: Hello???

I fought the urge to text back. Baka akalain niyang gano'n siya ka-importante sa akin para reply-an siya nang ganitong oras.

Napatalon ako sa gulat nung tumunog ang cell phone ko. Hindi siya nakuntento sa pag-text.

Ulrich is calling...

I bit my bottom lip. Ano ba ang problema ng lalaking 'to? It's freaking 3 in the morning!

Tumikhim ako. Sinagot ko.

"Hello?" Nilaliman ko ang boses, para kunwari ay naalimpungatan lang mula sa pagtulog.

"Hoy!" Bigla niyang sigaw.

Kahit na gising ang diwa ko ay parang mas lalo akong nagising sa bigla niyang pagsigaw. Maingay sa background niya. Naririnig ko ang malakas na tugtugin.

"Ba't ka tumawag?" tanong niya.

"Huh? You called me, Ulrich!" pagtatama ko.

Oh. He's drunk.

"Really?" Tila hindi pa ito kumbinsido. "Why would I call you?"

"Are you still at the bar?" I asked.

Inaya nila ako kanina sa bar pero sa pagkakataong 'to ay hindi na talaga ako nagpapilit. I was really exhausted. Saka masama na talaga ang pakiramdam ko.

"Rizaline?" pagtawag niya sa akin.


"Bakit ba?" irita kong tanong.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Sumandal ako sa ulunan ng kama. Napatingin ako sa wall clock. 3:30 a.m na. Nagpa-party pa rin sila.

That had me thinking... are they just holding back whenever I am with them? Kasi alam nilang bawal akong tumagal nang ganitong oras?

Narinig kong tumawa si Ulrich.

"Lasing ka na," banggit ko.

Humikab ako.

"Bakit hindi ka sumama?" tanong niya.

"I'm tired—"

"I thought you were going. Sumama ako kasi akala ko nandito ka," putol niya sa akin. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi ka sasama?"

Napangiwi ako. Oo nga pala. Si PJ lang ang nag-aya sa akin. Hindi ko kasi naabutan kanina sa office si Ulrich. Hindi ko na rin siya nahintay dahil uwing-uwi na ako.

"Rik! Have you seen my wallet?" dinig kong tanong ni PJ sa kabilang linya.

"Fuck you!" Ulrich yelled at him.

"What? I'm just asking—"

"Fuck off, Laxamana. Ang ingay mo kausap ko si Riza!"

"Tangina mo, Rik. Ano'ng oras na? Ba't mo siya tinawagan?"

"Huh? What time is it?" tila naguguluhang tanong ni Ulrich.

"Almost 4 na. Hays. Patulugin mo na 'yan. Hahanapin ko lang wallet ko!"

"Have you seen Kuya Chester?" panibagong boses ang narinig ko.

Umangat ang mga kilay ko. Amanda is there?

"Babe..."

"Don't touch my hair, Amanda—"

"Fine! Whatever!"

"Fuck! Ang ingay rito!" mura ni Ulrich.

Mas naging magulo ito nung maglakad siya. Pahina nang pahina ang background noise. Alam kong lumabas siya ng club para maghanap ng mas tahimik na lugar.

I sighed. Bakit ba pati ako dinadamay nila sa pagpupuyat? I was literally about to go back to sleep!

"Can you see me?" ani Ulrich.

What?

Nilayo ko sa tainga ang camera. Naka-open camera pala siya.

Kinuha ko ang headset ko para marinig ko siya kahit na malayo ang cell phone sa tainga ko. Napansin kong nasa parking lot siya ng bar.

"Y-yeah. I can see you," I stuttered.

Why the hell did he open his cam? His text message is shocking, a sudden call is too much but a video call is something else!

Napalunok ako nung ilapit niya ang mukha sa camera. Mapula na ang pisngi niya. Matamlay na rin tingnan ang kanyang mga mata. Mapula at mamasamasa ang kanyang mga labi.

Ngumiti siya sa akin kahit na hindi naman ako naka-open cam.

"I can't see you," he said.

"That's because you are drunk," I rolled my eyes.


"Really?" Napaisip naman siya. "Sarili ko lang nakikita ko."

"What is it, Rik?" tanong ko.

Hindi naman ako lasing pero ramdam kong nag-init ang mukha ko nung ilapit niya uli ang kanyang mukha sa camera. Tapos bigla siyang ngingiti.

"Can you moan?" he asked.

Nanlaki ang mga mata ko.

"What the fuck?" I blurted out.

He pouted his lips.

"Are you on drugs, Ulrich?"

"Damn. Why would you moan like that?" iritado niyang tanong.

"Me? I don't moan, Mr. Delgado!"

Tangina nito.

"Hmmp! You moaned last time." Suminghap siya.

Naging magulo ang camera nung i-unbotton niya ang ilang bahagi ng kanyang maroon na polo shirt. Narinig ko pa ang mahina niyang pagdaing.

What the hell?

"Ulrich—"

"Crush mo ba talaga si Chester?" bigla niyang tanong.

Why did he ask?

Huminga ako nang malalim. I reminded myself that he's drunk. He probably doesn't know what he's talking about. It doesn't even make sense.

"Okay lang naman. Mabait naman si Chester," sabi niya pa.

"Yes. Crush ko siya..." I confessed.

"Uhmm. Okay." Tumawa siya. "Hindi ka naman niya crush."

"So?" I furrowed my eyebrows.

"Kawawa. Hindi siya crush ng crush niya," nanunuya pang sabi nito sabay halakhak.

I gritted my teeth. He really called just to tease me?

"Bakit, ikaw? Crush ka ba ng crush mo?" tanong ko pabalik.

Hindi siya nakasagot.

Tumawa ako. "Kawawa..."

He cleared his throat.

"I really can't see you, Rizzie."

"I'm sleepy," I told him.

"Why?" he asked.

"Because it's freaking 3 a.m—"

"Why did you lie you have a crush on me?"

Natutop ako sa kinauupuan. Akala ko ba ay malinaw na sa kanya 'yon? Na sinabi ko 'yon kay Roland para mabilis kong makuha ang loob niya?

"You love lying huh?" he chuckled.

Hindi na lang ako sumagot pa.

"So... you also lied? That you have a crush on Chester?"

"Ulrich..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. "Can you call your driver to pick you up? You can't drive anymore."

He bit his bottom lip. Huminga siya nang malalim bago hinawi ang buhok. Tumingin siya sa side niya kaya nakita ang porma ng kanyang panga. Lumunok pa siya.

"Hindi ako lasing," sabi niya sa mahinahon na boses.

"Linya ng mga taong lasing na," pang-aasar ko pa.

He looked back at the screen again. Nakakunot ang kanyang noo.

"Lowbat na ako," banggit niya. "Holy shit."

Ngumiti ako.

"Good night?" I said.

"Fuck!" He cussed.

"Goodbye, Rik..."

"Wait! Can you moan first?"

I ended the call.

Hindi ako agad pinatulog ng tawag na 'yon. He really called me just to ruin my sleep!

Pagpasok ko kinaumagahan sa school ay wala si Ulrich sa office niya. May duplicate key naman ako kaya nakapasok ako sa loob. Malamang na may hangover pa rin ang gago.

Tomorrow, Friday will be the last day of Foundation Week. It was a blast experience. Sobrang pagod man pero hindi ko maipagkakailang ito ang pinaka magandang experience ko sa event na 'to.

A normal day for booths. Mamayang hapon pa mag-uumpisa ang pageant. Tapos bukas ng gabi naman ay may closing party sa open space. We invited a popular band to play for us. It will be... a real mess.

Sumalo ako kina Jessie at Cams sa lunch. Nakatutok si Camila sa kanyang cell phone, pangiti-ngiti pa siya. Si Jessie naman ay nagmumukmok.

"Bakit dito pa?" he frowned.

I smirked as I sipped on my drink. "Keep your friends close and your enemies closer."

"Lexie?" tanong ni Cams.

Mas lalong humaba ang nguso ni Jessie.

Natawa ako. "Yes, Cams. Dito magkokolehiyo 'yung mahigpit na kalaban ni Jess sa social media. The competition will get more interesting..."

"She won't stand a chance—"

"It's the other way around. She has more followers than you," pang-aasar ko pa. "Lexie is winning the race, Mr. Jessie Ley Escajeda."

"Shit. Stop now, Rizzie. You are not helping!" asar na sabi ni Jess.

Tumawa na lang ako. It will be hard for him. Knowing this guy, he's competitive as heck. He will really do anything just to be always relevant.

Nagpaalam si Camila na aalis. Sa ngiti pa lang niya alam kong si PJ ang kikitain nito. Si Jessie naman ay umuwi muna. Babalik na lang siya mamayang hapon for the pageant. Kasali rin pala siya roon.

Wala pa rin si Ulrich hanggang sa matapos ang lunch. Don't tell me he's not attending today? No. He will. Kailangan siya mamaya.

I was busy checking the booths when two random guys blocked my way. Napansin ko ang blindfold na hawak niya. Agad kong nabasa ang tatak sa kanyang t-shirt. They are part of the jail booth.

Damn. What is this?

"Good afternoon, Ms. Secretary. Napag-utusan lang po."

Tinangka nila akong lapitan pero umatras ako. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.

"S-sino?" tanong ko.

"We don't want to spoil the thrill, Ms. Secretary."

Napalunok ako nung piringan na niya ako sa mga mata. Nakaalalay siya sa akin habang naglalakad. Malakas ang kabog sa dibdib ko.

Shit. Kung hindi lang ako SSG Secretary ay tumakbo na ako.

Nadinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto. Unti-unti ay inalis niya ang piring sa mga mata ko. Kumurap-kurap ako dahil medyo nagdilim ang paningin ko.

"Good luck!" Saka na lumabas ang lalaki at sinarado ang pinto.

I am... inside a dark room.

Ginala ko ang tingin sa paligid.

"It's our punishment."

Napatingin ako sa nagsalitang babae. Nakatayo sa bandang dulo si Amanda. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sa akin.

"What?"

She rolled her eyes.

"Remember when you pushed me and I almost had an amnesia?"

"Yeah. I clearly remember how overdramatic you were—"


"Girls..." Isang boses ang umalingawngaw sa speaker. That's Vice Hailey. "We won't set you free unless you both settled your issues. Nasa inyo kung gaano kayo katagal sa loob."

Nagkatinginan kami ni Amanda. Pumadyak ito sa pagkadismaya.

Suminghap ako. Thank God. She doesn't smell now.

"Mag-sorry ka na sa akin, Riza."

Mapaklang natawa ako. "Who started it?"

"You? Lagi kang nakadikit kay Ulrich!"

"Sino ang unang nanabunot?" Nagtaas ako ng kilay.

"You fought back—"

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Hayaan kang saktan mo ako?" Ginaya ko ang pagkakahalukipkip ng kanyang mga braso. "Yes. I was not born in a wealthy family like you but I won't just let you step on me like I am some shit on your way."

Inikutan niya ako ng mga mata at umirap sa akin.

Mukhang malabong magkasundo kami ng babaeng 'to. Siya naman ang dapat na humingi ng sorry sa akin. I didn't start the feud. It's her and her jealous ass.

I let out a sigh. Umupo ako sa kabilang dulo nang mangawit.

Kinuha ko na lang ang cell phone ko para ilibang sa ibang bagay ang sarili. Gano'n din ang ginawa ni Amanda. Tahimik lang kami. Mas maganda 'yon kesa sa magkaalitan na naman kami.

"Hindi ka na babalikan ni Mommy," biglang sabi ni Amanda.

Natawa ako. "Don't tell me you are expecting me to thank you?"

"At least—"

"Shut up, Amanda. It's all your fault."

"Fine. Sorry!"

Natigilan ako.

"It's my fault, I admit it." She sighed. "But can you blame me? Parang hangin kang dumating sa buhay ni Ulrich tapos biglang mas interesado siya sa 'yo?"

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Maybe you are right after all. I have been envious of you and your relationship with Ulrich—"

"Relationship?" I cut her off. "Kung alam mo lang kung paano niya ako sungitan—"

"That's better than nothing, don't you think?" Suminghap siya at agad na hinawi ang mga luha. "Ang tagal ko nang nagpapapansin sa kanya. Napapansin niya nga ako... pero hindi siya kailanman naging interesado sa akin."

"He's not interested in me either, Amanda."

"Really?" Tila nabuhayan ang loob nito.

I felt a lump in my throat.

"Kaya lang kami laging nagkakasama ay dahil naging secretary ako ng SSG..."

That's true though. Iyon din ang rason kaya niya ako laging nilalapitan... at ang isa pang rason na kami lang ang nakakaalam.

"I thought he likes you." Mapait na ngumiti si Amanda.

Umiling ako.

Nabuo ang isang tipid na ngiti sa kanyang labi.

"What if he really likes you?" she asked.

Natawa ako habang naiiling. Tumayo ako at tinago na uli ang cell phone. I can see the light now.

"Hindi ko kakayanin kapag nagkaroon siya ng ibang girlfriend maliban sa akin." Muling bumuhos ang kanyang mga luha. "I don't know how to handle that if it happens..."

"That's not my problem anymore, Amanda."

"So... can I expect that from you? Na hindi magiging kayo kahit na kailan?"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit nahirapan akong sagutin 'yon. It's not like... mangyayari 'yon. Hindi ko gusto si Ulrich at alam kong gano'n din siya sa akin.

"Rizaline?"

I shook my head. "Not me, Amanda."

Tumango si Amanda saka lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan.

She really likes him.

Biglang bumukas ang pinto. Nakangiti sa amin si Vice Hailey.

"Congratulations!" she greeted us.

Tumango lang ako at walang pasabing lumabas. Hindi ako bumaling pabalik. Mabigat ang paglalakad ko. May parang mabigat din na bagay na nakapatong sa dibdib ko.

Pagbalik ko sa office ay naroon na si Ulrich. Nakayuko siya sa kanyang desk.

Party now, SSG President later...

Dumiretso ako sa desk ko. Pinahinga ko ang likod ko sa sandalan ng swivel chair. Pasimple kong inikot ang upuan sa direksyon ni Ulrich.

Is he asleep?

"Water..." he murmured.

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa mini ref niya. Pagharap ko kay Ulrich ay nakalapit na sa kanya ang swivel chair ko. Nakatalikod 'yon sa kanya habang nakayuko siya sa sandalan no'n.

He sniffed. Inangat niya ang mukha sa akin.

Inabot ko sa kanya ang tubig. Inisahang lagok niya 'yon. Pinatong niya ang bote sa lamesa bago muling yumuko sa sandalan ng upuan ko.

Saan na ako uupo ngayon?

"My head hurts..." he whispered in a hoarse voice.

"Ikukuha kita ng gamot—"

I was about to turn back when he grabbed my arm. Hinila niya ako paupo sa upuan ko. Saka niya hinarap sa kanya ang upuan ko. Siya naman ang tumalikod. Pinatong niya ang ulo sa sandalan ng kanyang upuan at tumingala.

"Can you stroke my hair?" he asked.

Napalunok ako.

Hinila ko ang upuan ko palapit sa kanya. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hinahawakan ang kanyang mabango at malambot na buhok.

I stroked his hair just like he asked me to. Alam kong mas nakakagaan sa pakiramdam ang paghagod ng buhok. That's why he asked me to do it.

"Hindi ka na dapat pumasok," sabi ko.

Hindi siya sumagot.

Suminghap ako. Sinilip ko ang mukha niya. Nakapikit siya habang nakatingala.

"Yeah..." tipid niyang sagot makalipas ang ilang minuto.

"Then, why—"

"Stop asking, Miss Chavez. Masakit pa rin ang ulo ko."

Hindi na lang ako kumibo pa. Hinagod ko ang buhok niya nang ilang minuto. Hindi ako nakaramdam ng pangangawit. Hindi ko alam kung nakatulog ba si Ulrich.

I suddenly remembered our conversations earlier. Gusto ko siyang sabunutan pero pinigilan ko ang sarili. Bastos ang gago. He really asked me to moan for him!

"You are getting harsh, Riza."

Napansin kong mahigpit na nga ang pagkakahawak ko sa kanyang buhok. Pinakawalan ko naman ang buhok niya saka na tinulak palayo ang upuan ko.

Huminga siya nang malalim bago tumayo. Umiwas ako ng upo nung mapansin na nakabukas ang zipper ng kanyang black slacks.

He took off his polo shirt. Sinabit niya 'yon sa likod ng kanyang upuan. Saya siya nag-stretching ng katawan bago dumapa sa sahig para mag-push ups.

Malamang na para mawala ang pagkalamya ng kanyang katawan.

I could hear his soft gasps as he moves. His biceps and veins were defined as he stretched his arms to elevate his body from the ground.

I looked away. Suminghap ako.

Pakiramdam ko ay uminit bigla rito.

Natapos na rin siya sa wakas. Kumuha siya ng towel sa cabinet at nagpunas ng katawan. Pagkatapos niyang magpunas ay sinabit niya ang towel sa kanyang balikat.

"Maliligo lang ako," aniya habang naghahanap pa rin ng damit sa cabinet.

"Okay..." Lumiit ang boses ko.

Napalingon siya sa akin. Ngumisi siya.

"Were you watching me?" he asked.

Umirap ako. "What? What did you do?"

Tumawa siya habang naiiling.

"I will take a bath." Natatawa pa siya habang palabas.

"Paki ko..." bulong ko.

"Nabanggit nga pala sa akin ni Vice Hailey na kinulong ka raw kasama si Amanda." Humarap siya sa akin. Yumuko siya para alisin ang belt ng kanyang slacks.

Kumuha ako ng libro sa harapan ko at tinuon do'n ang atensyon ko. Really? Why does he need to do his things in front of me? He's being too comfortable with me huh?

"Punishment..." tipid kong sagot.

"Oh. Buti nakalaya pa rin kayo sa jail booth?"

"Yeah..."

"Who said sorry first..."

Bumalik sa akin ang mga naging usapan namin ni Amanda. She's hoping that Ulrich and I will not end up together. I promised that to her.

"You?" Ulrich asked.

Umiling ako.


"Wait. Amanda?" May halong gulat sa boses ni Ulrich. "I wonder what was your conversation. Knowing Amanda, ayaw niya sa lahat ay 'yong siya ang unang nagso-sorry."

Hindi na lang ako kumibo.

Hinintay kong umalis si Ulrich. Pero mukhang nanatili lang siyang nakatayo. Gusto ko man siyang tingnan pero natatakot ako sa maaaring maabutan.

"Did you give up on me?" he asked.

That's when I looked up at him.

His stare has never been this serious. His eyes... looked so... harsh in a way that it made me feel like I did something bad.

"Riza..."

Suminghap ako. "We just made an agreement."

Umangat ang kanyang mga kilay. Gumalaw ang kanyang Adam's apple.

"Is it confidential?" he asked.


"Not at all." Matapang na sinabayan ko ang kanyang tingin. "Our agreement involves you, Mr. Delgado. Ayoko na ng gulo. Wala akong laban sa mga Megardon."

He just gawked at me, waiting for more details.

I nodded. "It's nothing, right? That's not even going to happen!"

"Did you sign a contract?"

Naguluhan ako sa tanong nito.

"What?"

"Did you sign a contract, Miss Chavez?"

"No! It's just a peaceful agreement—"

"Then, that's nothing."

"Ulrich!" I glared at him.

He smiled.

"Don't even..." I gritted my teeth.

"I'm just saying..." He shrugged his shoulders. "You are right though. That's not going to happen. Ni crush nga ay wala kang pagtingin sa akin!"

Natigilan ako.

Kumunot ang noo ni Ulrich.

Umiwas ako ng tingin.

"Hell no..." bulong ni Ulrich.

Pabagsak na binaba ko ang librong hawak. Kinuha ko na ang bag ko at handa nang umalis.

Humarang siya sa pinto.

"Crush mo ako?!" gulat niyang tanong.

Tinulak ko siya at saka ako tumakbo palabas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro