Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17: Promise

I stared at myself in the mirror. I was wearing my SSG uniform. A simple black t-shirt with my nickname in gold color embedded on the chest part— Rizzie. Sa likod naman ay nakalagay ang position ko at logo ng school.

Tumunog ang cell phone ko na nakapatong sa nightstand. Nakita ko ang pangalan ni Ulrich doon. Binasa ko ang message nito.

"4 a.m. Sharp," he sent us a group message.

I unplugged my charger from the socket. Sinigurado kong full charge ako ngayon dahil baka maghapon kong gagamitin ang cell phone.

Today is the first day of Foundation Week. The street dance parade will start at 7 a.m. I set my alarm clock at 3:00 a.m. Gising na no'n si Ate Sarah para ipagluto ko. I had my breakfast already.

I was done putting my shoes on when my phone rang. Tumayo ako para tingnan ito.

Ulrich is calling...

Nagulat ako. Hindi niya pa ako kailanman tinawagan. It's either a group message or a personal message about a certain thing that doesn't involve personal stuff.

Kinabahan ako. Emergency call ba?

I pressed the answer button. Ilang segundong tahimik, parang tinitimbang namin kung sino ang unang magsasalita.

"Hello? Good morning, Mr. President," pagbasag ko sa katahimikan.

He cleared his throat. "Have you received my message?"

"Uhmm. Yeah." Inipit ko sa pagitan ng balikat at tainga ko ang cell phone para ipasok sa bag ko ang laptop na pinahiram ni Ulrich. "Papunta na ako."

"Oh. Yeah. Uhmm..."

Sinuot ko na ang bag ko habang naghihintay sa sasabihin nito.

"Madilim pa sa labas. May sasakyan ba niyan?" tanong niya.

"Yes. Pero matatagalan kasi kaunti pa lang ang mga pasahero at kailangan pang punuin ang jeep. Pero hindi naman gano'n katagal."

"20 minutes na lang alas kwatro na," aniya saka bumuntonghininga. "Daanan na lang kita."

Natigilan ako. "Hindi na—"

"Baka ma-late ka. Today is the first day of Foundation Week, Secretary Riza. You don't want to be late."

"Okay. If you insist..."

"Five minutes," and he ended the call.

Nagmadali ako sa pagkilos. Dinala ko rin ang charger ng cell phone baka sakaling ma-lowbat ako. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto.

Naabutan kong nakaupo sa sofa si Ate Sarah. Nakapang-tulog pa itong kulay dilaw na pajama. Nagbabasa siya ng libro habang humihigop ng mainit na kape.

"Aalis na rin niyan ako, Ate." Humarap ako uli sa sandali. Hinawi ko sa likod ng tainga ang ilang hibla ng buhok ko. Pinagdikit ko ang mga labi ko.

"Secretary," banggit ni Ate. Malamang na binasa niya ang nasa likod ng tee ko. "I can't believe you are the secretary of SSG now. You hate responsibilities!" Tumawa siya.

I turned to her. "Temporary Secretary, Ate."

"Still..." She stood up. Nilapitan niya ako. Kinuha niya sa kamay ko ang ID ko at siya ang nagsuot no'n sa akin. "Don't pressure yourself, baby sis."

"I know that, Ate." Ngumiti ako.

Narinig kong may bumusina sa labas.

Umangat ang mga kilay ni Ate Sarah. Pumorma ang isang mapang-asar na ngiti sa kanyang labi. Humakbang siya paatras saka humalukipkip.

"Andyan na yata sundo mo," nanunuyang sabi nito.

"It's Ulrich."

"Uh..." Mas lalong naging mapang-asar ang ngiti niya. "Ang sweet naman pala ng president niyo. Nung ako ang SSG Secretary ay hindi ganyan ka-sweet ang president namin."

"Well, Lucky me, I guess?" I shrugged my shoulders. "Alis na ako, Ate."

Humalik ako sa pisngi niya saka yumakap.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko ang nakaparadang sasakyan sa labas ng gate. Nakababa ang bintana sa tabi ni Ulrich kaya agad ko siyang nakita. Nakayuko siya kaya nakatutok sa mukha niya ang ilaw ng cell phone.

Binalikan ko ng tingin si Ate Sarah. Nakatingin lang siya sa bintana. Kumaway siya sa akin.

Nagmadali akong umikot sa tabi ng driver's seat. Pumasok ako roon saka prenteng umupo. Hinawi ko ang buhok ko bago pinatong sa hita ang bag.

"Marami na raw sila roon," banggit ni Ulrich.

Tumingin ako sa kanya. Tinago niya sa bulsa ang cell phone saka na hinawakan ang manibela. Suot din niya ang kanyang black SSG uniform na fit sa kanya. Sa palapulsuan niya ay may relong kulay silver. Basa ang buhok nito. Humahalimuyak ang kanyang bango.

"Maaga pa naman e," sabi ko na lang saka tinuwid sa kalsada ang tingin.

Ulrich turned on the car stereo.

"Seat belt," he reminded me.

I put on my seat belt. Tinagilid ko ang ulo sa bintana sa gilid ko. Madilim pa rin. Nakabukas ang mga lamp post at halos sarado pa ang mga tindahan.

"Hindi mo namang pinaplanong maglakad dito nang ganitong oras, 'no?" ani Ulrich na ang tinutukoy ko ay ang tila abandonadong street namin.

"Malapit lang naman ang sakayan," sagot ko.

Tumunog ang cell phone ko. Tumatawag si Camila kaya sinagot ko.

"Sabay tayo?" aya niya sa akin.

"Aw. Papunta na akong school eh," nakangiwi kong sagot. "Maaga kasi kaming mga SSG officers."

"Really? Nakasakay ka ng jeep?"

"Uhmm. Oo—"

Tumikhim si Ulrich.

"Kasama ko si Ulrich," I told her the truth.

Nilayo ko ang cell phone sa tainga nung ipit na tumili si Camila sa kabilang linya. Naging magulo ang galaw niya.

"Mag kasama kayo buong magdamag?!" bulalas niya.

"Tanga! Sinundo niya ako."

"No way!" Her ecstatic laughed reverberated in my ears. "Anyway, ibababa ko na 'to. Baka nakaka-istorbo pa ako sa moment niyo."

Pumula ang pisngi ko. "B-baliw..."

"Papasundo na lang ako kay PJ. Bye, Rizzie. Ingat."

Napasimangot ako nung bigla niya akong babaan ng tawag. Medyo magkaugali talaga sila ni Ulrich. Hindi man lang hinintay ang last words ko.

"Nag-breakfast ka na ba?" Ulrich asked. Humikab pa siya.

"Yes. Nagluto si Ate Sarah."

"Okay..."

Napatingin ako uli sa kanya. "Hindi ka pa nag-almusal?"

"I'm not hungry," sagot niya.

Tumango na lang ako. Alam ko namang hindi pa siya nag-almusal. Kaya nga niya ako tinanong baka sakaling ako rin gano'n. Nahihiya siyang mag-aya.

Nagpumilit akong bumaba sa gate ng school. Ayokong ideretso niya pa sa loob. Baka may makakita na naman sa amin at kung ano na naman ang isipin nila.

I'm done with issues. Graduating student na ako. I want to, at least, spend my remaining weeks without causing any trouble to anyone, especially to myself.

Pagpasok ko sa SSG Office ay naroon na ang mga officers. Nakaupo na sila sa harap ng pahabang table. Tumabi ako kay Vice Hailey at kay Vincent na auditor namin.

"Good morning, Secretary Riza," bati ni Vice Hailey.

"Good morning po, Miss Hailey," I greeted back. Ngumiti si Vincent sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.


"Akala ko ba papunta na kanina si President?" banggit ni Raechelle, ang aming treasurer.

"Papunta na rin siya," sagot ko.

"How did you know?" Nagtaas ng kilay si Raechelle.

Sakto namang pumasok na si Ulrich. Hindi katulad nung pumasok ako na si Vice Hailey at Vincent lang ang bumati, lahat ng officers ay nginitian si Ulrich.

Alam ko naman na ayaw nila sa akin eh. They think that I am just using Ulrich as a ladder to get everything I want. I am not qualified either in this position because it requires excellent academic performances, bagsak ako roon.

Though I am not trying to fit in just to be accepted. Kung pwede nga lang hindi ko na sila kitain e. Ayos naman ako sa office ni Ulrich.

Dumiretso si Ulrich sa dulo at gitna ng pahabang lamesa. Binaba niya ang kanyang bag at nilabas doon ang kanyang laptop. Tumayo ang lalaking PIO namin at tinulungan siya sa pag-ayos ng projector.

We talked about the events for the week, the schedules, the budget and more. Pinuri nila ang schedules na pinakita ni Ulrich.

"Congratulations, Mr. President," bati ni Raechelle.

"Thank you, Raechelle." Ulrich, then, looked at me. "Of course, this wouldn't be possible without the help of my secretary, Rizaline Chavez."

Napilitan din silang palakpakan ako.

"You did great," puri ni Miss Hailey.

Ngiti lang ang naitugon ko.

"Good luck to us. This will be a stressful week but don't forget to enjoy it." That's how Ulrich ended the morning meeting. Hindi naman ito ang huling meeting namin.

Nung lumabas ng office si Ulrich ay agad akong sumunod sa kanya. Ayoko namang maiwan pa sa SSG Office. Pumupunta lang ako roon kapag kailangan.

5 a.m ay nagdatingan na ang mga estudyante. Nagpaalam muna ako kay Ulrich na pupuntahan mga classmates ko. Tinulungan ko sila sa pag-aayos para sa parade.

"Huwag ka kasing malikot!" Hinampas ko ang braso ni Camila nung bigla siyang lumingon sa likod. "Gusto mong pati loob ng mata mo pintahan ko?"

"Tanga. Bilisan mo kasi nangangawit na ako!"

Nilalagyan ko ng washable paint na kulay green na hugis vine ang gilid ng kanyang mukha dahil 'yon ang design na napili ng choreographer nila.

"Ang daya talaga. Bakit hindi ka kasama?" reklamo niya.

"I'm one of the organizers, Cams. Kung pati ako sasali sa activity niyo baka mamatay na ako sa pagod." Binaba ko ang paint brush saka hinipan ang basang paint sa mukha niya. "Ayan na po. Tapos na."

Muli siyang tumingin sa pinto ng comlab. Don't tell me she's expecting PJ to come over?

I sighed. Hindi pa ba niya titigilan ang kahibangan na ito?

"Huwag mo munang hahawakan baka magkalat," paalala ko bago tumayo at nag-inat ng katawan.

Tinulungan ko ang iba pa naming kaklase na nahihirapan sa pag pinta. Mayamaya rin ang pagsulyap ko kay Camila. Kung hindi sa cell phone ay sa pinto naman siya nakatingin.

Mag-alas otso na nung nag-umpisa ang parade. Sumama kaming mga SSG Officers pero nasa likod sila. Ako naman ay sinamahan ang mga classmates ko. Ayoko ring makasama ang iba sa mga officers at alam kong gano'n din sila sa akin.

"Ayusin mo naman pag payong, Riza!" reklamo ni Cams.

"Ikaw na kaya ang humawak? Nangangawit na ako!" reklamo ko rin.

"Akin na!" Inagaw niya sa akin ang payong.

Hindi naman big deal sa akin ang init kaya hinayaan ko na lang na solohin niya ang payong. Tahimik lang akong naglalakad nung may sumilong sa akin.

Umangat ang tingin ko sa payong.

"Bakit wala ka sa likod?" tanong ni Ulrich.

"Sinasamahan ko lang classmates ko," tugon ko.

I should be asking the same question. Bakit wala rin siya sa likod?

Nag-angat siya ng mga kilay. Sa expression niya ay parang nainsulto siya sa sagot ko. "You didn't tell me. Bigla ka na lang nawala."

"Sinabi ko naman kay Miss Hailey—"

"She's not your president, Miss Chavez. I am."

Tinikom ko na lang ang bibig ko. Pinayungan ako ni Ulrich. Sa tuwing mapapalayo ako ay susundan niya ako o 'di kaya'y hihigitin sa braso. Napapatingin sa amin ang ibang estudyante pero hindi na gano'n ka-big deal hindi tulad ng dati. I am the Secretary now. This is just fulfilling my duties.

"Bakit 'di mo kasama ang mga SSG Officers?" Hindi ko na napigilan ang itanong 'yon.

"I can do whatever I want, Miss Chavez."

"Okay..." Sungit naman.

"And I prefer to walk with you..."

Napatingin ako sa kanya. Sa malayo lang siya nakatitig.

Uh. Okay?

Pagkarating namin sa school ay dumiretso kami sa gymnasium kung saan gaganapin ang opening ceremony. May mga upuan sa harapan para sa mga SSG Officers tulad namin.

"He's going to attend the ceremony," Ulrich whispered to me.

My eyes widened. "Your Dad?"

He nodded.

Pumapalakpak kami habang pinapanuod na itakbo ng mga kalalakihan ang torchlight sa buong gym. Pinagpasapasahan nila ito hanggang sa bumalik uli sa stage. Sinindihan nila ang malaking torch kaya mas lumakas ang palakpakan.

The ceremony started. Ulrich gave a simple speech. Pinasalamatan niya kaming mga SSG Officers. Pero ang pangalan ko lang ang tanging pangalan na binanggit niya.

I couldn't help but admire him. Ang cool niyang tumindig, pati ang pananalita niya. Seryoso lang siyang nagsasalita pero kapag napapangiti ay may mga naririnig akong may napapatili.

"I love you, Ulrich!"

Nagtawanan ang buong estudyante sa biglang pag sigaw ni Amanda. Nilingon ko siya. Siya lang ang bukod tanging nakatayo.

Her attention darted on my direction. Nilagpasan niya lang ako ng tingin. Walang pag-irap o pagsusungit, hindi niya ako kinibo gaya ng lagi.

Oh, well. Good for her, then.

Gaya ng sinabi ni Ulrich ay dumating nga si Mr. Delgado. We all stood up to greet him, I mean sila lang pala. Nanatili akong nakaupo. Nakasunod ang tingin ko sa kanya habang nakangiti siyang naglalakad paakyat sa stage.

He looked so... reputable and authoritative just like his son. How everyone looked up at him as a reputable man made me feel uneasy.

"Matagal pa ba speech niya?" reklamo ko.


Napatingin sa akin sina Miss Hailey at Ulrich. Seryoso lang na nakatitig sa akin si Ulrich habang si Miss Hailey naman ay halatang gulat.

"Makapag-cell phone na nga lang," sabi ko pa bago nilabas ang cell phone ko.

I have no time listening to his bullshits.

May umagaw ng cell phone ko. Binulsa 'yon ni Ulrich.

Hindi ako kumibo. Hindi ako nagreklamo o ano man. Pero hindi 'yon naging hadlang para hindi ako makinig sa kung ano mang sinasabi ni Mr. Delgado.

"Restroom lang ako," paalam ko pa.

"Stay..." matindig na banggit ni Ulrich.

Did I ask for his permission? No.

Tumayo ako at walang pasabing umalis. Taas-noo pa akong dumaan sa gitna. Nadaanan ko rin ang projector kaya sandali naputol ang slide show na pinapakita ang evolution ng school.

Pumunta akong restroom. Totoo namang kanina pa ako naiihi pero kaya ko rin namang pigilan muna ito. Pero para saan pa kung si Mr. Delgado naman ang nagsasalita?

That's honestly a bathroom break. Duh?

Paglabas ko ng restroom ay gumulat sa akin si Ulrich. Binigay niya sa akin ang cell phone ko. Tinanggap ko 'yon nang walang salitang binibigkas.

"Hindi ka pa ba babalik?" tanong ko.

"You don't need to go back if you don't want to," walang ganang sambit ni Ulrich.

I laughed, scornfully. Binulsa ko ang cell phone ko.

"Come on, Rik. Baka may importante pang sinasabi ang Daddy mo."

"Why are you like this?" madiin niyang tanong.

My brows furrowed. "What do you mean?"

"Why are you acting like this?"

"Don't pretend that you know nothing, Mr. President."

"I get it." Ulrich nodded. Huminga siya nang malalim bago mapait na ngumiti sa akin. "I get that you don't like my father. Pero... bakit pati ako nadadamay, Riza? Bakit parang pati sa akin ay galit ka?"

Nalusaw ang mapang-asar na ngiti sa labi ko.

"You hate my father? Well, I hate to break it to you but I am done hating him. I barely give a damn about him." He stepped forward. Sinarado niya ang distansya sa pagitan namin. "I am trying to save your sister, Riza. I am trying to save you. Kasi kung hindi, hindi na sana ako pumayag sa kasunduan natin. Curse my father! I don't fucking care about him anymore."

Napapikit ako nung lagpasan niya ako.

Naiwan akong tulala at tinatanong ang sarili.

Shit.

Ang tanga ko sa parte na 'yon. Hindi ko napansin na sa sobrang pagkamuhi ko sa kanyang ama ay pati siya'y nadadamay na. Wala siyang kinalaman sa kung ano mang ginagawa ng kanyang ama.

Bumalik ako sa gymnasium. Naroon na rin si Ulrich.

I sat beside him. Pasimple ko siyang tiningnan. Seryoso lang siyang nakatingin sa stage.

Tumikhim ako.

"Sorry...." bulong ko.

Just as I expected, no words from him.

Hanggang sa matapos ang ceremony ay hindi siya kumibo. Tumayo siya at nilapitan ang mga teachers para bumati. Nilapitan din siya ni Mr. Delgado. Nag-usap ang mag-ama.

"Rizzieee!" Hinigit ako ni Jessie. "Picture tayo!"

"Sama!" Sumali si Camila.

PJ photobombed from the back. Saka siya lumapit sa amin at umakbay kay Cams. Pero mabilis siyang tinulak ni Camila palayo.

"Tangina mo talaga, Jae!" mura ni Cams.

"What did I do now?" PJ frowned.

"Dinidikit mo sa akin 'yan!" Tinuro ni Cams ang gitna ng pants ni PJ.

Agad akong umiwas ng tingin nang makita ang bukol doon.

Gago talaga 'tong dalawa.

"Kuya Jess, pwedeng pa-picture?" Nilapitan si Jessie ng isang babaeng high school student. Nakahanda na agad ang phone camera niya.

Pumayag naman si Jessie.

Umatras ako nung dumagsa na ang mga papa-picture sa kanya. Napangiwi ako dahil natulak pa ako ng iba. Inawat agad ni Camila ang mga babae at tinulak palayo kay Jessie.

"Bawal na! Next time naman!" bawal ni Cams.

Sa isang banda ay nakita kong palabas na ng gymnasium si Ulrich. Susundan ko sana siya nung biglang may humigit sa akin. Hinila ako ni Camila at sabay-sabay naming tinakbuhan ang mga fan girls ni Jessie.

Tanghali na rin no'ng matapos ang program kaya nananghalian muna kami. Libre lahat ni PJ. Bukas na rin ang iba't ibang mga booths na nakakalat sa paligid.

Everyone seemed so busy. Hindi pa rin naman ako hinahanap kaya sumama muna ako kay Cams.

After naming mag-lunch ay nag CR muna. Naghilamos si Cams para alisin ang painting sa mukha. Nagpalit na rin siya ng damit. Ako naman ay hindi pwedeng magpalit.

Hinila ako ni Cams papuntan sa covered court. Marami ring tao roon.

"Ano'ng meron?" tanong ko.

"Practice ng pageant for Mr. and Ms. Riverside University." Hinatak ako ni Cams sa gilid. "There!" Turo niya kay PJ na may kausap na babae. "Parter niya 'yon..."

Napalingon ako kay Cams. Diretso lang ang tingin niya sa dalawa.

"Ayoko naman nito eh—"

"Manuod lang tayo sandali!" pigil sa akin ni Cams.

"Sigurado ka?" tanong ko.

Hindi na siya kumibo.

"Bahala ka," sabi ko na lang.

Nag-practice rumampa ang mga candidates. Napansin ko agad na masyadong clingy ang partner ni PJ. Halata rin na competitive itong babae. Practice lang pero hataw na agad.

"They look good," puna ni Cams.

"Hmmp. Mas maganda ka naman sa partner niya."

Napatingin sa amin si PJ. Nakangiting kumaway siya sa amin ni Camila. Napatingin din sa amin ang babaeng partner niya. Nilagpasan lang kami nito ng tingin.

"Attitude naman," bulong ko.

Napansin kong nakakuyom ang mga kamao ni Camila. Oh, my God. Sabi na nga eh. Nagpapanggap lang siyang hindi apektado sa nakikita.

"Tara na—"

Nadiin ako kay Camila nung may biglang dumaan sa gilid ko. Dumiretso si Ulrich kay PJ. Pumula ang pisngi nung babaeng partner niya.

"Crush ni girl si Ulrich," banggit ni Camila.

Umirap ako. "I was invited to be one of the judges for the pageant," I mentioned it.

Nagkatinginan kami ni Cams.

Ngumisi siya sa akin.

"Tanggapin mo!" Niyugyog niya ang balikat ko. "Saka mo ibagsak si girl!"

"Tanga. Ako pa ipapahamak mo eh."

Hindi ko rin 'yon tinanggap kasi hindi rin naman ako marunong tumingin pagdating sa ganito. Saka hindi rin naman ako mahilig sa mga ganito.

Nagpa-picture si girl kay Ulrich. Napansin kong gumapang ang kamay ni girl sa likod ni Ulrich. Saka siya sumandal dito habang todo ngiti sa camera.

Humalakhak si Camila saka hinampas ang balikat ko.

"Tara na nga!" Saka na niya ako hinila palayo roon.

"Bakit? Akala ko manunuod pa tayo?" tanong ko.

"Hindi bale na lang. Baka mapaaway ka pa nang wala sa oras."

"Bakit naman?"

"Wala!" Saka siya humalakhak uli.

Nilibot namin ang mga booths. Halos puno ang mga booths. Dinadagsa talaga ng mga estudyante. Napansin ko rin na pati mga college students ay narito para makigulo.

"Miss..." A random girl blocked our way. Malawak ang ngiti nito na parang kinikilig pa. Hinablot niya bigla ang kamay ni Camila at pinosasan 'yon. "You are under arrest for stealing someone's heart."

"What?" gulat ang mga mata ni Camila.

"Sumunod na ka lang po sa amin," sabi pa nung babae.

Kahit na tutol ay sumunod si Camila. Maging ako ay curious kung sino ang nagpapakulong sa kaibigan ko. Isa rin naman ito sa mga pakulo ng mga booths. Malamang na may gustong magpahuli kay Camila.

Though mukhang alam ko na kung sino. Nakangiti na rin si Camila kahit na kanina ay gulat.

Pumasok kami sa loob ng booth.

"R-Roland?" takang tanong ni Camila.

Pinosasan din ng babae si Roland na kumakain pa ng tinapay. Ngayon ay nasa iisang posas na lang sila ni Camila. Ngumiti si Roland.

"W-what's this?" naguguluhang tanong ni Camila.

Lumobo ang pisngi ko. Hindi ko na napigilang tumawa nang malakas. Tangina! Akala ko pa naman si PJ ang nagpapakulong kay Camila!

"Partner in crime na tayo," ngiti ni Roland.

"What the hell?"

"Well..." Ngumisi ako. "Mauuna na ako?"

"Rizzieeee!" Sumimangot si Cams.

"Good luck. Enjoy," pang-aasar ko pa.

Tawang-tawa pa rin ako habang palayo sa booths na 'yon. Umasa pa naman si Camila na si PJ ang nagpakulong sa kanya. Gago talaga si Roland. Inosente na mapang-asar.

"Whoa. Mukhang aliw na aliw ka ah?" puna ng lalaki sa likod ko.

Napangiwi ako. Dahan-dahan akong lumingon kay Ulrich. He was wearing a pink headband on his head. May tainga pa 'yon nang para sa bunnies.

"Uhmm. Hinarang ako sa isang booths," aniya nang mapansin na nakatingin ako roon. "Just for the sake of fun, hinayaan ko na lang sila."

Tinago ko ang ngiti ko. "Gano'n ba?"

He cleared his throat. "Wala ka bang balak na puntahan ako? Kanina pa kita hinahanap!"

"Papunta na nga rin sana ako, Mr. Bunny— I mean, Mr. President."

"No. Shit." Pumula ang pisngi niya.

He was about to take off the headband when I slapped his hand. Umawang ang labi niya dahil napalakas 'yon. Hindi ko naman sinadya.

"T-that's not it." Tumikhim ako. "Pinaghirapan nila 'yan tapos aalisin mo lang?"

"Tinatawanan mo ako."

"Hindi kaya!"

Oh, God. He looked so cute in that headband.

"May gagawin po ba tayo?" tanong ko.

"Wala naman. Buti umalis kayo sa covered court?" tukoy niya sa pinuntahan namin kanina. "Mukhang enjoy na enjoy kayo sa pagtingin sa mga lalaki ah."

"Hindi naman sa gano'n—"

"Ni hindi mo nga ako pinansin nung nagtampo ako sa 'yo."

Umawang ang mga labi ko. I tried to approached him, to make it up to him. Siya nga itong pabebe na hindi ako pinapansin sa tuwing tatangkain ko!

"Uyyy!" Sumulpot bigla si Art.

"Ang busy rito ah?" puna rin ni Chester.

"Yup. We are busy." Hinawakan ni Ulrich ang kamay ko at hinila ako agad palayo roon.

Narinig ko pang minura ni Art si Ulrich.

Nung makalayo kami ay binitiwan niya rin ako. Humarap siya sa akin. Bakas ang pagkairita sa kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin na nakataas pala ang isang manggas ng kanyang t-shirt.

"You are so annoying!"

"Bakit ang sungit mo ngayon?" tanong ko.

"Bakit?" Pilit na tumawa siya. "Now, you are acting dumb. Hindi mo ba alam na umalis akong gym kanina? Hinintay ko pang mawala ang atensyon mo sa mga kaibigan mo para lang makita mo ang pag-alis ko!"

"I saw you, Ulrich. Pero hinila ako nila Cams—"

"Kailan ba kita maso-solo?"

That... shut my lips.

"Iniiwasan mo ba ako, Riza?"

"Hindi naman sa gano'n..." Napayuko ako.

Naramdaman kong palapit sa akin si Ulric. Pero natigil din 'yon nung biglang tumunog ang cell phone ko. Kinapa ko ito sa aking bulsa.

Unknown number is calling...

"That's Chester's contact number," sabi ni Ulrich. Nakita niya pala ang screen ng cell phone ko. Huminga siya nang malalim. "What is it this time?"

Nakatitig lang ako sa screen ng cell phone ko.

"Answer it," walang ganang sabi ni Ulrich.

Huminga ako nang malalim. Humarap ako kay Ulrich. Tumango ako.

He sighed then, nodded.

I ended the call.

His lips slightly separated.

"W-why did you end it?" he asked, confused.

"Because I can," I smiled.

Tumitig lang siya sa akin.

Ako na ang tuluyang nagsara ng puwang sa pagitan namin. Tiningala ko siya. Tumingkayad ako at hinawakan ang kanyang headband.

"This is cute..." I whispered.

Nakatitig lang sa akin si Ulrich.

Ibababa ko na sana ang kamay ko nang hawakan niya ang braso ko. Napakurap ako. Yumuko siya saka inalis ang headband sa kanyang ulo.

"Do you want to touch my hair?" he asked.

Napalunok ako.

Nilapit niya ang mukha sa akin. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko bago sinuot sa ulo ko ang headband. Saka niya hinawakan ang kamay ko at dinala 'yon sa buhok niya.

Nakaawang ang mga labi ko sa nangyayari.

He let me stroke his hair while staring at my face.

"I will save your sister, Riza. I promise you that."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro