Chapter 16
Chapter 16: Umbrella
Holy... shit.
Nakangiti pa sa akin si Roland na parang hindi niya ako nilaglag sa isang matinding kahihiyan. Gustong-gusto ko siyang batukan kahit na hindi pa man kami gano'n ka-close.
That should be a secret!
"It's just a crush," biglang sabi ni Camila. Mahina niyang tinapik ang balikat ko habang pilit na tumatawa. "Lahat naman tayo nagkaka-crush, 'di ba?"
That didn't help ease the awkwardness.
"Crush lang naman 'yon, Roland," sabi pa ni Cams.
"Ako nga crush kita," biglang sinabi ni Roland kay Camila.
Natigilan sa pagtawa si PJ.
Nabulunan ako sa sariling laway.
"Crush lang naman e." Saka na nag-umpisang kumain si Rol.
Talagang hindi na niya kami pinansin nung sumubo siya. Eh siya nga itong nag-umpisa ng crush thingy. Now thinking about it, delikado palang maging kaibigan ang isang 'to.
Tumayo si Ulrich para itabi sa akin ang lunch kong binili niya. Nakayuko lang ako at nakatingin sa kanyang mga kamay. Nagmamadali rin siya kaya natapon pa nang konti ang juice.
"Riza accused Ulrich of cheating just to get his attention," sabi pa ni Roland nung uminom siya ng orange juice. "Sitting in a room with him feels like—"
"Shut it now, Rol. Kumain ka na lang," suway ni Chester.
"Okay," tipid na sagot ni Roland.
Tinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain. Tahimik lang kami. Naririnig ko ang maya't mayang pag-ubo ni PJ na parang pinipigilan pa rin ang pagtawa.
"Rest Room lang ako sandali." Biglang tumayo si Camila. "Pasama naman, Rizzie."
Hindi ako nag-atubiling tumayo rin at nagpahigit kay Camila. Ni hindi ko man lang nagawang tingnan si Ulrich. Pero nakita kong hinampas ni PJ sa balikat si Roland.
"What was that, Rizaline Chavez?" Hinarap ako ni Camila nung makapasok kami sa rest room. "Akala ko ba si Chester ang crush mo?"
Humarap ako sa salamin. Sobrang pula pa rin ng mukha ko.
"That's not it!" Nakagat ko ang pang-ibabang labi.
"Roland can't keep a secret, Rizaline. Sa mga Delgado lang ang kanyang loyalty. What makes you think telling him such a thing is a good idea?"
"For damn's sake, Cams. I didn't know!" Bumuga ako ng hangin.
Bakit parang kasalanan ko pa ngayong madaldal si Roland?
"Pero..." Naging malambot ang boses ni Cams. "True ba?"
I looked at her in the mirror. May halong panunuya ang ngiti nito.
"No. He's not my crush, Cams."
I just literally said that to befriend Roland!
"Then, why did you tell that to Roland? That guy never lies!"
Huminga na lang ako nang malalim. It sucks when I can't even defend myself because doing that might ruin another important thing.
Camila exhaled. Naghugas siya ng mga kamay.
"He was not even mad..." she muttered.
"Oh. Tumatawa pa nga si PJ kahit na sinabi ni Roland na crush ka niya," sabi ko pa. Sumandal ako sa lababo saka humalukipkip. "Ano naman? Anyone is allowed to have a crush on you. Buti pa kay PJ ay malinaw ang bagay na 'yon."
"Shut up!"
I grinned. "Oh no..."
"What?" pagalit niya akong tiningnan saka inirapan.
Pabiro akong sumipol bago uli humarap sa salamin. Naramdaman kong nakatingin sa akin si Camila.
"Hindi ako apektado, Rizzie. It's just..."
I waited for the continuation but there was nothing but a weighty sigh.
"You should stop sailing on his ship before you even drown, Camila." I faced my best friend as I flashed my worried expression. "I mean... as soon as possible."
I'm genuinely worried for her. I honestly don't like what I am feeling about her relationship with that guy. They both see it just as 'fun' but one of them is probably lying.
I just hope it's not my best friend.
"I will end it before the summer ends..."
"Seriously?" I rolled my eyes.
"Teka. Bakit napunta sa akin ang usapan? Ano ngayon ang ihaharap mong mukha kay Ulrich?" Bumalik ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "Remember that you two are sharing the same room. Imagine the environment after what happened?"
Right. I'm fucked.
Tangina naman kasi ni Roland!
Ayoko man pero kinailangan din naming bumalik para ubusin ang mga pagkain na iniwan. Halos tapos na silang lahat kumain. Si Chester ay nagbabasa ng libro habang si Ulrich naman ay nakatutok sa cell phone.
"Where's PJ?" Cams asked.
"May pasok na raw siya," si Roland ang sumagot.
"Gano'n?" Tila nawalan ng gana ang boses ni Cams.
Bumaling sa akin si Roland. He's still flashing that good boy smile. "Ang sarap ng tinapay na binigay mo sa 'kin kanina, Riza. Pwede mo ba akong pagdalhan uli bukas?"
"Wala na, Rol. Panis na lahat ng tinapay," pabalang kong sagot.
I tried to finish my food. Nag-uusapan sina Chester at Ulrich tungkol sa basketball competition daw. Paminsan-minsan ay napapatingin sa akin si Ulrich at sabay kaming iiwas ng tingin.
Naramdaman kong umakbay sa akin si Chester.
"Thank you sa pag-imbita sa akin sa lunch." Mahina pang tinapik ni Ches ang balikat ko.
Dumiretso ang tingin ko kay Ulrich. Nakatingin siya sa braso ni Chester.
"Next time uli ah?" request pa ni Chester.
"Let's see. Baka kasi maging sobrang busy na kami ni Secretary Riza." Tumuwid ng pagkakaupo si Ulrich saka inayos ang kwelyo ng polo uniform.
Dumiretso sa akin ang tingin ni Ulrich. Hindi katulad kanina ay hindi kami nag-iwasan ngayon ng tingin. He looked at me straight into my eyes.
Napalunok ako. I was the first one to break the connection.
Tumunod ang cell phone ni Chester. Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin para tingnan 'yon.
"Rest room lang," sabi ni Ulrich at saka na umalis.
"Oh. Tinatawag na rin pala ako." Chester stood up, too. Nag-stretch siya ng katawan. "Sobrang busog ko. Nakakagana talagang kumain kapag maraming kasama."
"Chest, don't believe him," biglang sabi ko kay Chester.
Really, Riza? What's the point?
Chester chuckled. "What?"
"Hindi ko crush si Ulrich!" madiin kong sabi saka tiningnan si Roland.
"You lied to me, Riza?" Hindi makapaniwalang tanong ni Roland.
Umawang ang mga labi ko sa gulat dahil sa reaction ni Rol. Parang maiiyak pa nga siya. Tumikhim siya saka tumango. Tumayo na rin siya at niligpit ang mga pinagkainan namin.
Hindi na niya ako pinansin.
"Damn. Ang matampuhin talaga niya," ani Chester na natatawa pa. "Hoy, Rol! Huwag ka namang magtampo kay Riza."
Rol turned to me one last time. "Ayokong makipagkaibigan sa sinungaling na tao."
I felt a pang of guilt for him.
Pinatunog ni Chester ang kanyang dila habang naiiling pa.
"I will talk to him." He looked down at me. Pinasok niya sa loob ng bulsa ang mga kamay. "Ganyan lang talaga si Roland. Pero hindi naman 'yan galit."
Tipid na ngiti lang ang naisukli ko.
"So... mauna na ako." Yumuko si Chester sa kabilang table para kunin ang kanyang payong. Saka siya humarap sa akin nang nakangiti. "See you girls..."
Naiwan kaming dalawa ni Camila.
Bumaling ako sa kaibigan ko. Tutok na tutok siya sa cell phone. Masyadong madiin ang pagpindot niya sa keyboard. Nahagip pa ng mga mata ko ang mahaba niyang message na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos.
"Cams? Okay ka lang?"
"Yes."
I nodded. "Uhmm. Hindi ka pa ba aalis?"
Sandali niyang tinigil ang pagtipa sa keyboard para tumingin sa akin. Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata pero mabilis din 'yong naglaho.
"You are losing the game, Cams," malungkot ko siyang nginitian.
She just simply shook her head.
Huminga ako nang malalim.
"Mauuna na ako..." pagpapaalam ko.
"Huh? Si Ulrich?"
Pumula uli ang pisngi ko. "I'm sure he knows how to go back to his office."
"Uh. Okay. Good luck."
My brows arched. "Good luck?"
She just shrugged her shoulders.
Tumayo na ako at naglakad pabalik sa office ni Ulrich. Masyadong mabagal ang paglalakad ko. Iniisip ko kung paano siya haharapin mamaya.
That would be awkward as hell!
Napagpasyahan kong pumunta muna sa locker room. Nilabas ko roon ang payong ko bago dumiretso sa office. Wala pa si Ulrich pagpasok ko.
Okay. Good.
Binuksan ko ang payong at hinarang ito sa pagitan ng mga lamesa namin. Saka ko tinulak ang lamesa ko para kapag nakaupo ako ay nakatalikod sa kanya.
Shit. Para akong timang nito!
It's not true! Wala akong crush sa kanya. Bakit ako maiilang nang ganito?
Ah. Basta. Mabuti na rin 'to. Para mas makapag trabaho kami nang tahimik.
I was busy looking at the laptop when the door opened. Gano'n pa man ay hindi ko inalis ang tingin sa laptop. Pero wala na roon ang atensyon ko.
"What's with the umbrella?" Ulrich asked.
"Maingay ka kasi kapag may kausap, Mr. President. I need to focus on the details," diretso kong sagot nang hindi inaalis ang tingin sa laptop.
"And what can your umbrella even do? Hindi mo na ba ako maririnig kapag nakaharang 'yan?"
He tried to take away the umbrella but I had my hand gripped on it. Hinawakan naming dalawa ang payong ko at parehong madiin ang tingin sa isa't isa.
"Bitiwan mo," malamig na boses na sinabi nito.
Lumunok ako. "Ayoko."
"This is so childish, Riza."
"Then, stop meddling on my business and focus on your own."
He let go of my umbrella. Huminga siya nang malalim. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at hinawakan ang bridge ng kanyang ilong. He looked so frustrated.
"Fine. Whatever!" Saka na siya umupo.
Inayos ko ang payong para hindi siya makita. Saka ko inikot ang swivel chair. Hindi na ako makapag-focus sa ginagawa. Naririnig ko rin ang pagbuntong-hininga ni Ulrich.
Gano'n kami nang halos isang oras.
Wala akong natapos sa ginagawa ko. Hininto ko na lang 'yon para mag-check ng mga social media accounts ko. I also got bored and tried to watch the series I've been watching. Hindi rin ako nagtagal doon.
Narinig kong gumalaw ang upuan ni Ulrich.
"Fuck it!"
Pagkaharap ko ay saktong hinawi ni Ulrich ang payong ko. Tinupi niya 'yon saka pabagsak na nilagay sa ilalim. Saka siya tumukod sa lamesa ko habang madiin na nakatingin sa akin. Nakasando na lang ito gaya ng madalas.
Napalunok ako sa sobrang kaba.
"Hindi kita crush," biglang lumabas sa bibig ko.
"Do you think I am that dumb to not realize that? You just lured Roland with that idea." His voice has never been this intimidating... but hot at the same time.
"Eh alam mo naman pala—"
"Did I ask you to talk? I am not done yet."
"Then, why am I even here? Para lang makinig sa 'yo?"
"That's—"
"I am still the SSG Secretary, Mr. Ulrich Damian Delgado." Tumayo rin ako saka tinukod ang mga kamay sa lamesa ko. "You have no right cut me off when I am talking."
"What?" Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Parang nang-aasar na ngayon. Hanggang sa mahina na talaga siyang natawa. "The secretary of SSG?"
"Hindi ba?"
"You are MY secretary, Riza. Let's get that straight."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"You work with me. Hindi ka pwedeng utusan ni Miss Hailey o kahit sino pa." Saka niya nilapit sa akin ang kanyang mukha. "Ako lang, Riza. Ako lang ang susundin mo."
"Eh gago ka pala—"
"Now, turn your table back. Remove the umbrella. I want to see MY secretary while I am working. You are distracting me for fuck's sake."
Hindi na ako nakasagot. Napaatras ako nung galawin niya ang lamesa ko. Binalik niya ito sa dating ayos.
"Hoy. Bakit mas malapit pa ngayon sa table mo?" pansin ko.
"Because I want to." Saka na siya bumalik sa upuan niya.
Napairap ako nung makitang ngumiti pa siya.
"Come on and sit down now. Para matapos ka agad at baka magkaroon ka pa ng time para makasama sa lunch ang totoo mong crush."
"Kaibigan ba talaga kita?" tanong ko sa kanya.
Tamad na tumingin siya sa akin. "Hindi ba ganito ang kaibigan?"
"Sabi mo gusto mo akong maging kaibigan para magkasundo tayo. Paano tayo magiging malapit kung palagi mo akong sinusungitan?"
"Oh..." Tila napaisip naman siya. "I thought you are not a clingy friend."
"Huh?"
Tumayo si Ulrich para iusog sa gilid ng lamesa niya ang iba niyang gamit. Saka siya lumapit sa table ko para kunin ang laptop ko. Nilipat niya ang mga gamit ko sa lamesa niya at pati na rin ang swivel chair ko.
"W-what are you doing?" takang tanong ko.
"Keeping you as close as possible..." Saka siya ngumiti sa akin. "We are friends after all. Hindi mo naman ako crush kaya imposibleng mailing ka."
Napanganga ako. What the hell?
Padabog na kinuha ko ang mga gamit ko sa lamesa niya at binalik sa lamesa ko. Kinuha ko rin ang swivel chair ko. Nakatingin lang sa akin si Ulrich na tawa nang tawa.
"Bitch..." I whispered.
"That's bad."
I rolled my eyes. "Ganyan ang tawag ko kay Camila. We are friends, remember?"
Bumilog ang kanyang mga mata. "Sure. Sabay tayong maligo next time?"
Tinaasan ko siya ng mga kilay.
"What?" painosente niyang tanong. Nagkibit-balikat pa ang gago. "Sabay kaming naliligo nila Chester minsan. We are friends, right?"
Nagkatinginan kami.
Napailing ako bago natawa. Para kaming elementary students na nagtatalo. Tinawag niya akong isip-bata, pero gano'n din naman siya.
"Are we cool now?" he asked.
"Okay..."
"Let's go back to work."
The day passed peacefully. Hindi na ako iniwan ni Ulrich sa office kapag lalabas siya. Lagi na akong nakabuntot sa kanya kahit saan siya pumunta. Hindi na rin kami nagtalo pa. Pinagtitinginan nga kami lagi.
Huh. It must be hard for Ulrichians seeing me with their idol.
"You did well..." sabi ni Ulrich nung palabas na kami ng office niya.
Tapos na rin sa wakas ang first day ko!
"You were just being annoying," I laughed.
"Damn. Finally. I got you."
"Uh, what?" tanong ko.
"I mean... nagkasundo rin tayo."
"Oh..." Tumango ako.
Just like that, we closed the day with a happy ending!
Nung makauwi ako ay agad akong nag-ayos ng sarili. Nagsaing ako at nagluto ng ulam. Nagawa ko ring nakapaglinis ng bahay bago pa man makauwi si Ate Sarah.
"Ateee!" sinalubong ko si Ate Sarah ng isang mahigpit na yakap.
"Oh? Anyare?" Tumawa siya.
"Na-miss kita. Hindi tayo nagsabay kaninang umaga e." Sumimangot ako.
"Ikaw talaga..." Kinurot niya ang pisngi ko. "Don't worry. Lagi na ulit tayong magsasabay ngayon."
Sabay kaming kumain ng hapunan ni Ate Sarah. Halata man ang pagod at antok sa kanyang mukha ay hindi 'yon naging hadlang para sabayan niya ang energy ko.
Pinilit ko rin si ate na maagang matulog. Binantayan ko siya sa kwarto niya para masigurong matutulog na talaga ito. Mabilis naman siyang nakatulog.
"I love you, Ate..." I kissed her forehead.
Pagkabalik ko sa kwarto ko ay napahikab ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Gano'n pa man ay worth it naman. This is a good start for this week!
Kinabukasan ay wala pa ring nagbago sa mood namin ni Ulrich. Puro kalokohan pa rin pero sa pagkakataong 'to ay wala nang pikunan.
Nagugulat pa rin ako sa personality na pinapakita ni Ulrich. He's not that intimidating at all. Pero may pagkakataon pa rin na nasusungitan niya ako pero hindi na ito naging big deal.
Ulrich received a message about his father.
"Lumabas daw ng office si Daddy," biglang sabi ni Ulrich.
Natigilan ako sa pagla-latop. "Posible kayang..."
Mabilis na tinupi niya ang kanyang laptop. Sinuot niya ang kanyang polo shirt at nagmadaling in-unplug ang charger ng kanyang cell phone.
"Keep your phone active..." he told me.
"Where are you going?"
"I will give you a call."
Tumango na lang ako.
Dali-daling umalis si Ulrich. Naiwan ako sa kanyang office.
Iniisip ko pa lang na maaari na namang magkita sina Ate Sarah at Mr. Delgado ay sumisikip na ang dibdib ko. Hanggang kailan ba ipagpapatuloy ni Ate Sarah ang kahibangan na ito?
Ilang minuto rin akong tulala hanggang sa tumunog ang cell phone ko. Sinagot ko ang tawag ni Ulrich.
"They are going to meet," he said as soon as I picked up the call. "Papunta na si Daddy sa meeting place nila ng Ate Sarah mo. Do something, please?"
I didn't say anything. I just ended the call.
No. Hindi sila pwedeng magkita.
Tumayo ako at pumunta sa clinic. Huminga ako nang malalim bago pumasok. Kunwari ay nakahawak ako sa aking tiyan dahil masakit ito.
"My stomach..." reklamo ko.
One of the nurses immediately guided me to one of the beds. Humiga ako roon at nagkunwaring namimilipit dahil sa sakit ng tiyan.
Nagtanong-tanong ang nurse pero pili lang ang nasagot ko. Pinainom din nila ako ng gamot. Nilunok ko na lang 'yon para mas maging kapani-paniwala ang acting ko.
"Call my sister, please?" I requested with my feeble voice.
"Do you have her contact number?"
Hinanap ko sa cell phone ang contact number ni Ate Sarah. Tinawagan siya ng nurse. Narinig ko pa ang usapan nila. Agad na pumayag si Ate Sarah na puntahan ako.
Sorry, Ate Sarah. But I will do anything to save you from misery.
Dumating din agad si Ate Sarah. Pinatong niya sa tabi ng kama ang kanyang bag at dali-daling umupo sa tabi ko. Kinapa niya ang aking noo.
"What happened, Riza? Bigla raw sumakit ang tiyan mo," bakas ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha. "How are you feeling now?"
Natulala ako sa kanyang mukha. Gulo-gulo ang kanyang buhok. Mukhang tumakbo rin siya para agad na makapunta rito. Ang layo ng building nila rito pero inabot lang siya nang ilang minuto.
"Rizaline! Pinag-aalala mo ako," tila maiiyak na sabi ni Ate Sarah.
Lumandas sa pisngi ko ang mga luha. I didn't fake my tears. Seeing her like this is killing me.
"Oh, baby sis..." Hinaplos ni Ate Sarah ang pisngi ko. Nginitian niya ako saka yumuko para yakapin ako. "I'm just here. I am always here, Riza."
Mas lalo akong naiyak.
Ate Sarah was there until my tears subsided. Pinakain niya rin ako kahit na hindi naman ako nanghihina. Narinig ko pang tinawagan niya ang co-teacher niya para ipagpaalam na baka ma-late siya.
My acting is working. That's all that matters at this moment.
"CR ako, Ate Sarah."
"Alalayan na kita."
Pagkapasok ko sa CR ay sinarado ko ang pinto. Sakto namang naka-receive ako ng text message mula kay Ulrich.
"Pabalik na si Daddy. Hindi natuloy ang lunch date nila."
Muling dumausdos pababa ng pisngi ko ang mga luha.
"Riza? Matagal ka pa ba?" Kumatok si Ate Sarah.
Suminghap ako bago mabilis na hinawi ang mga luha. Tinago ko uli ang cell phone ko bago tumingin sa salamin. Hindi naman halatang umiyak ako dahil sandali lang 'yon. Pero biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Nakangiting sinalubong ako ni Ate Sarah paglabas ko ng CR. Inalalayan niya ako pabalik sa kama. Hinawi niya ang kurtina para hindi kami makita sa labas.
"I was so worried. Baka naman nabibigla ka sa responsibility mo ah?" aniya habang hinahaplos ang kamay ko.
Umiling ako. "Hindi naman, Ate."
"Are you good now?"
"Yes. Sige na, Ate. May pasok ka pa." Ngitian ko pa siya.
Tumitig siya sa akin. Bumuntonghininga ito bago tumango.
"Kapag sumama uli ang pakiramdam mo, tawagan mo ako agad ah?" paalala pa niya.
I nodded.
"I love you, Ate..."
Hinagkan niya ako sa pisngi bago nagpaalam.
Nanatili pa ako sa loob ng clinic nang ilang minuto bago nagpaalam. Binigyan pa ako ng gamot nung nurse para may mainom ako kapag sumakit uli ang tiyan ko.
Pabagsak akong umupo sa swivel chair. Sumandal ako at tumingala sa kisame. Huminga ako nang malalim. Pinanuod ko ang pag-ikot ng ceiling fan.
Suminghap ako. Putek. Parang magkakasakit nga talaga ako.
"We did it!" sigaw ni Ulrich pagkapasok sa office. Malawak ang ngiti sa kanyang labi habang inaalis ang polo uniform. "What did you do?"
I shrugged my shoulders. "I lied to my sister that I was sick."
"It worked!"
Tango lang ang naisukli ko.
Umupo si Ulrich sa kanyang swivel chair saka niya ito hinila palapit sa akin. Hindi naglaho ang masiglang ngiti sa kanyang labi.
"Our plan is working, Riza."
"While I am hurting my sister, yeah."
"Hindi natin 'yon maiiwasan—"
"Your Dad is such a flirt, Ulrich. May asawa na siya tapos lalandi pa?"
I was expecting a violent reaction from him but instead, he just nodded.
Suminghap ako, pigil na pigil na naman sa pagluha.
"I'm sorry pero kapag may nangyaring masama kay Ate Sarah..." Tuluyan nang lumandas sa pisngi ko ang mga luha. "I don't think I will forgive him."
"I understand..."
"No. You don't." Lumunok ako.
Hindi nakasagot si Ulrich.
"I won't forgive your Dad if something bad happened to my sister, Ulrich. I'm sorry."
"You looked pale," he noticed. Hinaplos niya ang noo ko. "Wait. Mainit ka."
Hinawi ko ang kanyang kamay.
Tumayo siya bigla. Binuksan niya ang cabinet at may kinuha roon. Lumapit din siya sa mini ref at kumuha ng tubig bago bumalik sa akin.
"Drink..."
"Can you call my sister?"
"I am here."
Umiling ako. "I don't want to look at you, Ulrich. You remind me so much of your father."
"What? I am not an asshole like him!"
Yumuko na lang ako sa lamesa.
"Fine!" He let out a sigh. "Iniwan ko sa lamesa ang gamot at tubig. Inumin mo 'yan."
Hindi na ako nakarinig mula sa kanya matapos no'n. Did he really leave?
Inangat ko ang mukha ko. Hinarang niya uli ang payong ko sa pagitan namin para hindi ko siya makita.
"Drink your med, Rizzie..." Niliitan niya ang kanyang boses. "I hope I don't sound like my father, too."
That put... a smile on my face.
Ininom ko ang gamot na bigay niya.
"I understand, Riza. I swear to God. I understand your sentiment."
He didn't get a response from me.
"But if that happens, I hope I can save my relationship with you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro