Chapter 15
Chapter 15: First Day
Today is my first day as the secretary of the SSG!
I literally woke up three minutes before my alarm clock even dragged me out of my dream. That was a record! Kadalasan kasi ay ina-adjust ko pa nga nang five minutes ang alarm clock para umidlip pa. Then another five minutes... until I am late.
Mas maaga pa rin nagising sa akin si Ate Sarah. Nakahain na ang agahan pagkapunta ko sa kusina. Naabutan kong nagkakape si Ate Sarah habang kinakalikot ang cell phone.
"Good morning, Ate!"
"Rizaline!" Napasigaw si Ate Sarah sa gulat. Madiin siyang pumikit. "You startled me. Ba't ang aga mo yatang nagising ngayon?"
Umupo na ako at naglagay ng mga pagkain sa plato ko. Dinamihan ko ang pagkain dahil baka maraming gagawin ngayon at gutumin ako.
"Riza?" untag sa akin ni Ate Sarah.
"Today is my first day, Ate," I told her. Marahan kong nginuya ang pagkain habang nakatingin sa naguguluhan niyang mukha. "I am appointed as the temporary secretary of SSG."
Her sleepy eyes widened. "What the hell are you talking about?"
"Ate Sarah. SSG Secretary na ang kapatid mo!" Tinodo ko ang ngiti.
"Huh? How did that happen?"
"It just happened," I chuckled.
Ilang sandali muna siyang naguluhan bago natawa. Tumayo si Ate Sarah para ipagtimpla ako ng mainit na gatas. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Whatever that is. Good luck." She turned to me. Pinatong niya ang baso ng mainit na gatas sa tabi ko. "That position might come with a huge responsibility. I hope you can handle it."
"Of course!" I said, proudly. "Kaya lagi na kaming magkasama ni President Ulrich niyan."
Natigilan si Ate Sarah.
Suminghap ako bago nagpatuloy sa pagkain. Humigop ako sa mainit na gatas.
"Oh, yeah. I forgot about that. Mr. Delgado's son is your SSG President," she said after the long silence. "Huwag mo naman sanang pagurin ang sarili mo, Riza. You can fulfill your duties without exhausting yourself."
Umangat uli kay Ate Sarah ang tingin ko. Tila ngayon ko lang nasuri nang masinsinan ang mukha niya. Halatang inaantok pa rin ang kanyang mga pagod na mata.
"I am proud of you, baby sis."
Even her voice sounded lame.
Nahirapan akong lunukin ang pagkain kaya uminom ako ng gatas.
"Thank you, Ate Sarah." Tumayo na ako at nag-inat ng katawan. "Kailangan ko nang mag-ayos. Today is my first day, ayoko namang ma-late."
"Wait." Tumayo si Ate Sarah at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang gilid ng labi ko at inalis do'n ang butil ng kanin. "Makalat ka pa ring kumain, Riza."
Ngumiti na lang ako.
Pagkabalik sa kwarto ko ay nag-ayos na ako ng sarili. Naligo ako at nag-alay ng oras para sa buhok. Tinirintas ko ang isang gilid nito. Madalas itong gawin ni Ate Sarah nung mga bata pa kami.
I wish I could go back to a time when things are still better.
I miss my childhood.
I miss running home after school just to hug my mom. I miss crying, not because I found out something about my sister, but because my crush refused to give me a piece of paper.
I miss when my worries are still hilarious and not that serious.
"Ate Sarah?" Pumunta ako sa kusina. Naabutan kong nakayuko si ate sa lamesa na tila nakatulog siya roon. Bahagya kong niyugyog ang kanyang balikat. "Ate, aalis na ako..."
Umangat ang ulo niya. "Huh? Hala! Nakatulog ako."
Bumigat ang paghinga ko.
"It's okay, Ate Sarah. Mamaya pa naman ang class mo, hindi ba?"
"Pero hindi na kita mahahatid—"
"It's fine. Duh?" I chuckled.
She looked frustrated. Niyakap niya ako at nag-sorry sa akin.
It felt strange leaving the house in the morning without my sister beside me. Pero winaglit ko 'yon sa isipan ko. I don't want to be sad. Lunes na Lunes ay ayokong ganito ang mood ko.
Cheer up, Riza! You have a long day ahead of you!
Maaga pa naman kaya dumaan ako sa favorite kong bakery shop at bumili ng Pan de Coco. Pumunta rin akong mini store para bumili ng mga chips at iba pang makakain.
Kumakain ako ng chichirya habang nasa jeep. Pero tinago ko rin ito agad nung may nakatingin sa aking bata. Naalala ko na naman nung nagbigay ako ng pagkain sa isang bata. Nagalit ang Mama niya kasi bawal pala siya sa mga junk foods.
Ikaw na nga nagmagandang-loob, ikaw pa ang napasama.
"Good morning, Kuya Guard!" bati ko sa guwardya ng gate.
He looked at me, muddled. Oo nga pala. I'm not popular, unlike Ulrich. He probably doesn't even know me. Hindi bale na. At least kilala na niya ako ngayon!
"I am the new SSG Secretary po," sabi ko bago binuksan ang bag ko para tusukin niya ng mahiwagang stick.
"Gano'n ba? Good morning, Ma'am."
"Naku naman, Kuya Guard. Nakakatanda naman 'yang Ma'am mo!" Pabiro kong hinampas ang kanyang balikat na ikinagulat pa nito. "Riza na lang po. Thank you!"
Napangiti ako nang makapasok sa loob ng campus. Parang nag-iba ang tingin ko sa paligid. Pakiramdam ko ay pagmamay ari ko ang lahat... maging ang mga estudyante rito.
It felt like I am the Queen of this Kingdom!
"Hoy! That's littering!" Dinuro ko ang isang estudyante na nagtapon ng balat ng candy. "I'm Rizaline Chavez, the new Supreme Student Government Secretary. Pulutin mo 'yan!"
"May maglilinis namang janitor—"
"Hindi mo pupulutin 'yan?" pagbabanta ko.
Napangiti ako nang yumuko ang lalaki para pulutin ang balat ng candy.
Ah! This feels good.
Saka niya tinapon sa mukha ko ang balat ng candy at tumakbo palayo.
"Hoy!" Hindi ko na siya tinangkang habulin pa. Napasimangot ako sa pagkayamot. "Bastos 'yon ah? Huwag kang magpapakita sa akin!"
Payuko na sana ako para pulutin ang balat ng candy nung makita kung sino ang palapit— Si Ulrich. Mahigpit ang hawak niya sa kwelyo ng polo shirt nung lalaking nagbato sa akin ng balat ng candy.
Nagkumahog na pulutin ng lalaki ang balat ng candy saka tumakbo palayo.
I smiled at Ulrich. "Good morning, Mr. President!"
Bumaba sa mga hawak kong plastic ang tingin niya.
"Ay? Ito ba!" Pinakita ko sa kanya ang mga chips at tinapay. "Bumili ako ng pagkain para hindi tayo gutumin. Madami ba tayong trabaho ngayon?"
"You are not going on a field trip, Miss Chavez." Saka na niya ako tinalikuran.
Napairap ako. Ang sungit!
Humabol ako sa kanya at pumantay sa paglalakad. Binuksan ko ang plastic at kumuha ng dalawang Pan de Coco. Inalok ko siya pero hindi niya ako pinansin.
"E 'di wag..." Ako na lang ang kumain.
Pumunta kami sa office niya. Gaya ng sinabi nito ay may nakahanda ng isa pang lamesa para sa akin. Hindi hamak na mas maliit ang akin kesa sa kanya. Magkatabi ang mga table namin.
"Get your laptop and I will send you the schedules," he casually said as he sat down on his swivel chair.
Umupo ako sa upuan kong— monobloc?
I turned to Ulrich. "Wala akong laptop, President Ulrich."
"Huh? Seryoso ka ba?"
Tumango ako. Yumuko ako sa drawer ng table ko at nilagay roon ang mga chichirya ko. Saka ako tumayo para buksan ang AC at ang ceiling fan.
"Nakikigamit lang ako kay Ate Sarah." Umupo ako uli sa upuan kong monobloc. Ang sakit sa puwit nito! "Wala ba akong swivel chair din?"
"Fine. Ipapahiram ko sa 'yo ang isa ko pang laptop." Nilabas niya ang kanyang cell phone at nag-type roon. "Alam mo na ba ang trahabo mo?"
I nodded. "Proposals. Schedules. Your assistant."
"How about the other one?" Makahulugan siyang tumingin sa akin. "I hope you still remember the main reason why you are in this position."
Dumirekta ang tingin ko sa basa niyang buhok. Parang sobrang lambot no'n. Ang sarap sigurong amuyin.
"W-why are you staring at me like that?" Ulrich stuttered. Napansin kong pumula ang kanyang pisngi. "That's rude, Miss Chavez. You don't stare at people like that."
Tila nabalik naman ako sa huwisyo.
Pinigilan kong umismid. Ibang-iba talaga ang ugali niya kapag nasa school. Mabait naman siya kahit paano kapag nasa labas kami. Sinabihan pa nga niya akong cute.
Napangiti ako at umiwas ng tingin.
"Secretary Riza? Are you with me?"
"I know, Mr. President. Alam ko ang tunay nating pakay rito," seryoso ko ring sabi. Suminghap ako bago tumingin sa kanya. "I remember it well."
Tila nakahinga naman siya sa sagot ko.
"Good. Pinahatid ko na rin kay Roland 'yung laptop kong ipapagamit ko sa 'yo." Tumayo si Ulrich at may mga nilagay sa papel sa harapan ko. "These are some of the proposals sent by other class officers for the upcoming Foundation Week. Tell me what you think."
Napangiti ako. Tiningnan ko ang mga 'yon. Wala namang bago sa mga proposals. These are the usual ideas and events during Foundation Week.
I focused on the papers. Sumandal ako sa upuan.
"Bring another swivel chair," I heard Ulrich say.
Napatingin ako sa kanya. May kausap siya sa cell phone.
"I will wait. Yes. Right now."
"Shhh..." I hushed him.
Bumaling siya sa akin. "What?"
Tinapat ko ang isang daliri ko sa labi. "Hindi ako maka-focus, Mr. President. Pwedeng pakihinaan ang boses mo?"
Muli kong tinuon ang atensyon sa mga papel. Kumuha ako ng bakanteng papel at sinulat doon ang majority sa mga proposals. Pagkatapos ay nilapag ko 'yon sa harapan ni Ulrich.
"These are the proposals for the upcoming celebration, Mr. President. I also indicated my preferred date for each. It's your turn to approve them."
Ulrich stared at me in awe.
I smiled before going back to my seat.
Is that all? Easy.
Kumuha ako ng tinapay sa plastic at kumain. Nagbukas din ako ng chichirya at nilagay sa ibabaw ng lamesa ko. Tahimik akong ngumuya para hindi maistorbo si Ulrich.
"May morning class pala ako, Mr. President."
"Nah. You are excused. Wala pa rin naman matinong lessons since focused ang lahat sa Foundation Week. Just stay here first and focus on your responsibility."
"Noted."
Tumayo si Ulrich at binibitbit ang kanyang laptop.
"Sama ako!" sabi ko.
"Stay here. Parating si Roland dala ang laptop na gagamitin mo," paalala niya. Humarap muna siya sa salamin sa gilid para ayusin ang buhok. "You are doing good."
"Thank you..."
Pagkalabas ni Ulrich ay agad na tumayo ako para umupo sa swivel chair niya. Umikot-ikot ako roon habang hinihintay si Roland.
Oh. Wait. Roland must know something about Ate Sarah and Mr. Delgado!
Napatalon ako sa gulat nung may kumatok.
"Come on in!" sigaw ko.
Tumuwid ako ng upo at nanatili pa rin sa swivel chair ni Ulrich. Pinaglapat ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa. Tumikhim ako.
Pumasok si Roland. May dala siyang swivel chair.
"Good morning, Roland," nakangiti kong bati.
Dumiretso siya sa bakante kong lamesa. Inalis niya ang monobloc chair para ipalit ang bagong swivel chair. Hindi man lang ito nagsalita.
"How's the trip?" I asked him.
Napatingin siya sa akin. "What trip?"
"You and Mr. Delgado." Tumayo ako para lumipat sa bago kong swivel chair. "Ang swerte mo naman! Lagi mong nakakasama si Mr. Delgado."
"That's my job. Pinag-aaral niya ako."
Napangiti ako. "May galit ka ba sa akin?"
"Wala naman. Bakit?"
"Ang sungit mo kasi. Gusto ko lang namang makipag kaibigan."
Natigilan siya. "Ayoko sa mga taong may ayaw rin kay Ulrich at Mr. Delgado. Sobrang bait nila sa akin kaya hindi ko maatim tuwing may nakikigulo sa kanila."
"What? I am not mad at Ulrich. Lalo na kay Mr. Delgado. I don't know what are you talking about."
"But you accused him of cheating—"
"Crush ko kasi si Ulrich!" Tumawa ako.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Kaya ko sinabing nag-cheat siya para mapansin niya ako. Worth it naman, hindi ba?" Tumawa ako bahagyang inikot ang upuan ko. "Crush na crush ko si Ulrich. Sitting in a room with him feels like a dream come true."
"Talaga?" tanong niya.
I nodded. "That's why I want to befriend with you, too. Kaibigan ko na kasi sina PJ, Art saka Chester. Pero kung ayaw mo naman, okay lang."
He swallowed. "Akala ko kasi ayaw mo kay Ulrich."
"Hay naku, Rol! Paano ko magiging ayaw ang crush ko? That doesn't make sense!"
Napangiti siya sa sinabi ko. Hindi ko naman siya pinipikot. I genuinely want to be friend with him. Bonus na lang na maaaring may malaman ako sa kanya.
Also, I am astonished how he can work while studying at the same time. Kahit na sabihin nilang pinag-aaral siya ng mga Delgado, pinaghihirapan pa rin naman niya 'yon.
Roland looked so cute while smiling. Sobrang inosente niyang tingnan.
"We can be friends, Riza. As long as you won't hurt Ulrich."
He really honestly cares for his friend.
"I promise not to hurt him, Rol."
"That's good to hear."
Nilabas ko ang plastic na may Pan de Coco. I offered him some and he accepted it. Favorite niya rin pala ang ganitong tinapay. Mukhang magkakasundo talaga kami.
Nalaman ko rin na wala na pala ang mga magulang niya. May isa siyang kapatid na naiwan sa probinsya sa piling ng kanyang Lola. Nagpapadala rin siya ng pera sa kanila.
I tried to ask him about his work.
"I'm sorry, Riza. Pero confidential kasi ang mga pinupuntahan namin ni Mr. Delgado." He gave me that sorry smile. "For his safety and privacy na rin."
Just as I thought.
"I understand. Curious lang naman ako. Siguro nakasakay ka na rin ang airplane 'no?"
Lumiwanag ang mukha niya. "Ilang beses na!"
"Hindi pa ako nakasakay ng airplane. Baka naman isama mo ako minsan," biro ko pa.
Tumawa siya. "Sinasama lang din naman ako. Bakit hindi ka kay Ulrich mag-request? Galante 'yan!"
"Joke lang naman. Nakakahiya."
Naputol ang pag-uusap namin nung dumating si Ulrich. Kumunot ang noo niya pero agad ding dumiretso sa kanyang upuan. Tumikhim siya.
"May class pa pala ako. Sige na, Riza. Salamat sa tinapay!"
"Anytime. Ipagdadala pa kita minsan!"
"Sure. Thanks." Saka siya bumaling kay Ulrich. "Mauna na ako, Rik. Hanggang mamaya class ko kaya baka hindi ko agad masagot ang mga tawag mo."
"It's fine. Naibigay mo na ba ang laptop kay Secretary Riza?"
"Ay. Hindi pa pala." Nilapag ni Roland ang bag niya at nilabas ang laptop.
"Mukhang kanina pa kayo nag-uusap tapos hindi mo pa pala naibigay ang laptop." Humarap sa akin si Ulrich. May bahid ng pagkairita ang kanyang mukha. "I don't like the dates you input. Change them immediately."
"Sure!"
Sobrang excited ko nung nahawakan ko ang laptop ni Ulrich. Ang tatak no'n ay parang kinagat na mansanas. Hindi ganito ang laptop ni Ate Sarah kaya nanibago ako pero mabilis ko rin namang natutunan 'yon.
"Not Roland, Riza..."
Napatingin ako kay Ulrich. Diretso ang tingin niya sa laptop.
"I am not deluding him for info, Rik."
"Leave him alone. Kapag nahuli tayo at nadamay siya ay maaapektuhan ang pag-aaral niya. He still works for Dad."
Hindi na ako kumibo. I know that.
Maybe I should stop now. I will just befriend him. He seemed fun to be with. Mukhang marami siyang nakakaenggayong kwento sa buhay.
Naramdaman kong gumalaw si Ulrich. Tumayo siya sa harapan ng lamesa ko. Kumuha siya ng tinapay saka umupo sa ibabaw ng table ko.
"Bastos mo naman," sabi ko.
"So... birthday mo pala next month."
"Ano naman?"
"You can rent our villa."
Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. Tinulak ko palapit sa lamesa niya ang upuan ko para maglagay ng alcohol sa kamay. Medyo nanlagkit kasi dahil sa keyboard.
"I will give you a discount!"
"Kahit na 90 percent discount, hindi pa rin." Tamad na bumaling ako sa kanya. "I bet the price will still range to six zeros. Ilang buwan kaming mapapakain niyan!"
Seriously? Does he really think I can afford to rent his luxurious villa? Or even if I can, I wouldn't. Hindi ako mahilig sa mga bonggang handaan.
"Saka... wala rin naman akong plano sa araw na 'yon." Nagkibit-balikat ako. "Siguro konting salu-salo lang kasama sina Camila at Jessie."
"And us?" he asked.
"Eh? Kaya mo bang kumain sa dahon ng saging?" tanong ko.
"Why not? That's boodle fight, right?"
Tumango ako. "Yup. Kaya mo?"
"Oo naman, Riza." Pasimple siyang kumuha ng tinapay. "Ano'ng akala mo sa akin?"
"Still, no."
"Ako na bahala sa pagkain," pag-ako pa niya.
"Ulrich. Matagal pa naman 'yon—"
"Wait. That's your debut, right?"
Tumango ako.
"Hindi ba dapat special 'yon para sa 'yo?" takang tanong niya. "When Amanda had her eighteenth birthday, the entire school was invited."
I scowled at him. "Balak mo bang ibenta namin ang bahay at lupa para lang may maipakain sa inyo? Hay naku, Ulrich. That's just a birthday."
"That's a special day."
"Ang mahalaga ay humihinga ako!"
Tinupi ko na ang laptop ko saka tumayo. Nag-inat ako ng katawan habang nakatingin sa wall clock. Mag-alas dose na rin pala ng tanghali.
"Lunch break—"
"I set a welcome party for you," putol ni Ulrich. May ngiti sa kanyang labi. "I invited all the SSG Officers. Don't worry. Sagot ko lahat ng gastos."
My jaw dropped. What the hell?
"No. I'm fine—"
"They are waiting in the cafeteria," he cut me off. Sinubo niya ang huling piraso ng tinapay bago nagpagpag ng kamay. "It will be bad for you not to show up, right?"
Oh, shit!
Nakatago ako sa likod ni Ulrich habang papunta kami sa cafeteria. Pakiramdam ko ay first day of class at kailangan kong tumayo sa harapan para ipakilala ang sarili.
"You will just introduce yourself," paulit-ulit na sabi ni Ulrich.
Napasimangot ako. Kailangan pa naging madali ang pagpapakilala sa sarili?
"I quit!" bigla kong sabi.
Tumigil ako sa paglalakad. Humarap sa akin si Ulrich.
"I can't do this, Ulrich."
"You can't introduce yourself?"
Hindi ko alam kung bakit pero halatang natatawa pa siya sa akin. Pilit lang niyang tinatago.
"Ulrich naman..." Humaba ang nguso ko. "Ilan sila? Andoon ba si Vice Hailey?"
Tila napaisip naman siya.
"Of course, Miss Hailey will be there. Kasama ang ibang officers. I think our SSG Adviser will also be there to welcome you. Saka iilang teacher na organizers din."
"Tangina naman, Rik. Patayin mo na lang ako."
Lumobo ang pisngi niya bago sumabog sa pagtawa.
Pulang-pula ang mukha ko dahil sa init at hiya. Nahihiya na nga akong humarap sa ibang SSG Officers tapos idagdag pa ang mga teachers.
"Tara na! Nakatayo tayo sa initan!" pangungulit pa ni Ulrich.
Humalukipkip ako. "Ayoko. Paalisin mo ang mga teachers doon."
"What? I can't do that!"
"Then, I won't face them."
Tumamad ang tingin niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.
Naramdaman kong nawala ang init na nakatutok sa akin. May isang anino sa harapan ko ang sumulpot at siya ang nagpayong sa akin.
"Bakit kayo nagtatalo sa initan?" tanong ni Chester.
Nawala ang ngiti ni Ulrich.
Umangat ang tingin ko kay Chester.
"SSG Officer stuff, Ches," tipid na sagot ni Ulrich. "Why are you here? Wala ka bang pasok?"
"Iimbatahan ko sana si Riza for lunch," kaswal na sagot ni Chester. "Pero mukhang magla-lunch na kayo. Can I join?"
"Sure!" sagot ko.
Kumunot ang noo ni Ulrich.
"Talaga? Sige!"
"Kasama nga lang ang mga SSG Officers," sabi ko pa.
"That's totally fine. Kilala ko rin naman ang ilan sa SSG officers niyo."
"It's exclusively for SSG officers only," ani Ulrich. "But sure, kung 'yon ang magpapakalma kay Riza. Sumama ka na lang, Chester. But not my treat."
Tumawa si Chester. "Sure."
Nawala ang kaba ko dahil kasabay ko na si Chester. Nakapayong siya sa akin habang si Ulrich naman ay nauuna sa amin. Nakapasok sa bulsa niya ang mga kamay.
"How's your first day?" Chester asked.
"Ayos naman. Medyo hindi naman ako nahirapan."
He chuckled. "Lakas naman. Pero bakit parang wala sa mood ang president niyo?"
Nagkibit-balikat ako.
Pumunta kaming cafeteria. Nakasunod lang kami kay Ulrich hanggang sa umupo siya sa bakanteng lamesa.
Naguguluhan man pero umupo rin kami roon. Naiwang nakatayo si Chester para itupi ang kanyang payong. Saka niya 'yon nilagay sa ilalim ng lamesa.
"Where are they?" I asked.
"Pinaalis ko na," walang ganang sabi ni Ulrich.
Naguluhan ako. "What? Gusto ko silang makita!"
Tumaas ang mga kilay ni Ulrich.
"You know that I was kidding?" tanong ni Ulrich.
"Kidding?" takang-tanong ko.
"Forget it. Tara, Ches. Order na tayo..."
Tumayo na sina Chester at Ulrich para pumila sa likod ng isang babae. Napalingon ang babae sa likod at nung makita si Ulrich ay namula ang mukha.
My phone vibrated.
"Mamaya ka sakin," Ulrich said.
Huh? What did I do?
"I was kidding that I invited the SSG Officers," he texted me next.
I replied, "For what?"
"Para makasama ka sa lunch."
Natigilan ako.
He immediately followed up with another text.
"To talk about our plans," he said.
Natikom ang bibig ko. He should have just told me!
"Uy, Riza!" Napatingin ako kay Roland.
"Hey. Lunch?" tanong ko.
Dumiretso muna ang tingin niya kina Ulrich. Tumingin uli siya sa akin.
"Can I join?" he asked.
"Oo naman!" nakangiti kong sagot.
Naglakad din siya at pumila sa likod ni Chester.
"Eh kung dukutin ko kaya 'yang mga mata mo?" Agad kong hinanap kung saan nanggaling ang familiar na boses. "You stared at her, Jae. Sinundan mo pa ng tingin!"
Napangiwi ako. Nakatayo sa entrance ng cafeteria sina PJ at Cams na mukhang nagtatalo na naman. Nahihirapang makapasok ang mga bagong estudyante.
"I didn't! Dumaan siya kaya napatingin ako. It was unintentional!"
"Unintentional or not, you still looked at her!"
Napatingin sa gawi ko si Cams. Mabilis akong yumuko para hindi niya ako makita pero nahuli na.
Shit!
"Rizzieee!"
Umupo siya sa tabi ko at yumakap sa braso ko. Sumunod sa kanya si PJ na napapakamot na lang sa batok.
"Sorry na, babe. Pipikit na lang ako next time." PJ occupied another chair. Pilit na ngumiti siya sa akin. "Kausapin mo naman kaibigan mo, Riza. Ang OA kasi."
"OA?!"
Napatakip ako sa tainga.
"OA sa ganda!" Ngumiti si PJ. "Tangina kasi sa ibang babae napapatingin lang ako pero sa 'yo natutulala ako, babe."
"Doon nga kayo mag-away!" suway ko rin sa kanila.
"Hindi mo ako makukuha sa ganyan mo, Patrick Jae Laxamana."
"Hindi kita binobola, babe. Ang bilis ko ngang tigasan sa 'yo!"
Mabilis akong tumayo at lumipat sa kabilang lamesa. Sumunod na naman sina Cams at PJ. Napasimangot na lang ako.
"Talaga?" nahihiyang tanong ni Cams.
PJ smirked. "You always have my eyes, babe."
"Fine. I'm hungry na, babe."
"Sure. Sure." Tumayo si PJ at nilapitan ang marupok kong kaibigan. Hinalikan niya ito sa noo. "Tahan na, babe. Ang bilis mo talagang magselos."
Umismid ang kaibigan ko.
Napahilot ako sa sintido.
Parang mas gusto ko na lang na kasama sa lunch ang mga SSG Officers at teachers kesa sa mga ito.
"Naka-order ka na, Riza?" tanong ni PJ.
Nginuso ko sina Chester, Roland at Ulrich na nakapila. Patakbong sumunod siya sa kanila. Hinigit ni PJ ang isang lalaki para siya ang mauna sa likod ni Roland.
Napatingin sa akin si Ulrich. Bumuntonghininga ito.
"Rizzie..." Sumandal sa akin si Cams. "Nakita ko talagang sinundan niya ng tingin 'yung babae."
"Tanga. Alam mo namang playboy 'yang si PJ tapos..." Huminga ako nang malalim. "Ano naman ngayon? Hindi naman kayo? Hindi naman 'yon masama."
Napangiwi ako nang hampasin niya ako sa braso.
"Thank you ah?" Saka niya ako inirapan.
"I'm just saying the truth, Cams. Bakit ka nagseselos? Akala ko ba fubu lang kayo?" pang-aasar ko pa.
Lumunok ang kaibigan ko. "I don't know. Nakakaasar lang kasi."
"Gaga ka. Kapag nahulog ka sa kanya, patay ka."
"No. Never!" Umiling-iling pa ang kaibigan ko. "It's all just fun and games, Rizzie."
"Yeah, until someone unintentionally crossed the line," I smirked.
"Not me..." she shrugged her shoulders.
Naramdaman nag-vibrate uli ang cell phone ko.
Ulrich texted me.
"We should have stayed in the office," he said.
I let out a sigh.
Yes. We should have.
Bumalik ang mga boys. Kaswal lang na umupo si Chester. Habang si PJ naman ay tawa nang tawa. Si Roland naman ay nakangiti lang sa akin.
"Stop laughing, Jae!" inis na sabi ni Ulrich na pulang-pula ang mukha.
"Tangina, Riza. Nilaglag ka ni Roland!" Mas lalong lumakas ang halakhak ni PJ.
"What?" tanong ko.
"Totoo naman, hindi ba, Riza? Sinabi mo kanina sa akin. Crush mo si Ulrich?"
Mas lalong lumakas ang halakhak ni PJ.
Oh, shit...
***
I post updates and spoilers on Twitter.
Follow me: @notacardinal
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro