Chapter 14
Chapter 14: Good Night
There was just silence.
Hindi ko na narinig pa si Ulrich, malamang na bumalik siya sa loob. Naiwan ako sa loob ng sasakyan niya. Naririnig ko ang mahinang tunog ng makina at pag-ihip ng malamig na hangin mula sa aircon.
But I'm still sweating a lot. My eyes were half-closed and half-opened. I pulled my blouse lower so that I could feel the cold directly on my bare skin.
"Ulrich?" I tried to call his name.
Nung wala akong nakuhang sagot ay nairita ako. Ayoko nang sobrang tahimik. Bakit ba hindi man lang niya binuksan ang radio ng sasakyan para may pakinggan man lang ako?
Right. I will do it myself.
Sinubukan kong tumayo, pero napaupo rin ako nung maumpog ang ulo sa bubong ng sasakyan. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko 'yon pero bumalik din sa akin ang sakit.
"Fuck you, Ulrich Damian Delgado! I still want to brush your wet hair!" I screamed in frustration.
Napangiti ako. Ang lambot talaga ng buhok niya lalo na kapag basa. Tapos mabango pa. Idagdag mo pa na bumagay ito sa kanyang mga mapungay na mata.
I pouted my lips. I need to turn on the radio.
Gumapang ako pababa ng upuan saka sumiksik sa gitna ng mga front seat. Nasubsob ang mukha ko sa dashboard nung dumulas ang mga kamay ko.
"Ahh!" I groaned out of annoyance but it came out like a moan.
Did I moan?
"Ah..." Inulit ko ang pag-ungol... at inulit pa.
I've completely forgotten that I was supposed to turn on the car stereo. Paulit-ulit lang akong umungol at tatawanan ang sarili kasi para akong timang.
Okay. Where's the car stereo?
Umiikot ang paningin ko habang kinakapa ang mga buttons sa sasakyan. Napindot ko pa 'yung busina kaya nagulat ako. Napahanga ako sa ginawa ko.
I pressed the horn again.
"Tabiii! Male-late na ako sa school mga gago!" sigaw ko at nagkunwaring iniikot ang manibela. "Isa akong mafia boss na may dalang baril!"
Halos mamatay-matay ako sa tawa dahil sa ginagawa. Nung napagod ako roon ay nagpatuloy ako sa pag kapa ng buttons para mabuksan ang radio.
After a minute of searching, I found it! Napatalon pa ako sa gulat nung may tumugtog. Hanggang sa nilakas ko 'yung volume... tinodo ko na talaga.
Nakaramdam ako ng matinding hilo at pagod kaya yumuko ako sa manibela. Suminghap ako ng hangin. Binaba ko pa lalo ang blouse ko.
"Ate Sarah..." bulong ko sa nanginginig na tinig. "Bakit? Bakit mo gagawin 'yon? You know how it feels to have a broken family. Bakit mo gagawin sa iba 'yon?"
Lumobo ang pisngi ko, parang may lalabas sa bibig ko. Hanggang sa nagsuka na talaga ako. Nasukahan ko ang manibela ng sasakyan ni Ulrich.
"Hala!" I gasped.
Kinuha ko ang polo shirt sa gilid, sa amoy pa lang nito ay halatang kay Ulrich na. Mabango pa 'yon. Ginamit ko ang tela na 'yon para mapunasan ang suka ko.
"Sorry, Rik. Hala!"
Nagkukumahog ako sa pagpunas nung may mapagtanto. Tinigil ko ang pagpunas saka hinagis sa likod ang polo shirt na ginamit ko.
Hindi ko naman masusukahan ang sasakyan niya kung hindi niya ako dinala rito! Pasalamat siya suka lang ang nagawa ko. Kung masamang tao lang ako ay na-carnap ko pa ang sasakyan niya!
"You must be thankful, Ulrich."
Ngumiwi ako. Ang pait ng panlasa ko.
Sinubukan kong humiga pero gumulong ako pababa. Naramdaman kong dumikit sa mga braso ko 'yung sinuka ko kanina.
"Ewww!" Sa amoy no'n ay nagsuka ako uli.
Halos lumabas na pati ang mga bituka ko sa sobrang tindi ng pagsuka ko. Naubo pa ako. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya.
Umiyak ako. "Ang baho..."
Narinig kong may biglang nagbukas ng sasakyan sa likod.
"Tangina. Where did she go?" dinig ko si Ulrich.
I'm here tanga!
Tahimik na naiyak ako nung sinarado niya uli ang pinto. Ilang sandali ay bumalik agad siya. Narinig ko ang pagsinghap niya at tila nasuka rin.
Bumukas ang pinto sa gilid ko.
"Fucking hell, Rizaline Chavez!" Ulrich blurted out.
Lumiyad ako papunta sa kanya. Ngumiti ako.
"Ang baho ng sasakyan mo, Rik."
Yumuko siya para i-off ang stereo.
"Huwaggg!" sigaw ko.
"Huh?" Naguluhan siya.
Humagulgol ako.
He turned on the car stereo again.
Tumahan ako.
"You are..." Napapikit si Ulrich. Dama ko ang pagkairita sa madiin niyang pagpikit. "Pwede mo bang itaas ang blouse mo? Kita na ang bra mo!"
"Nangangawit na ako, Rik."
Tinulungan niya akong iangat sa upuan. Sinandal niya ako ro'n. Nahawakan niya pa ang braso kong may suka. Umatras siya at pumula ang pisngi.
Nakita ko ang pandidiri sa kanyang mukha.
"Itaas mo na ang blouse mo," utos niya.
Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa kanyang buhok na hanggang ngayon ay basa pa rin. Gustong-gusto kong hawakan 'yon pero limitado ang kilos ko.
Ulrich sighed.
"Okay. I'll do it," he said.
He leaned towards me. Hinawakan niya ang taas ng blouse ko at maingat na tinaas 'yon.
I took the chance to touch his hair. He didn't react.
"Ahh..." I moaned.
Mabilis na umatras si Ulrich. Naumpog pa siya sa bubong ng sasakyan.
His face turned into a tomato. Sobrang pula no'n.
"W-what was that?" he stuttered.
"Ahh..." I moaned again.
"Don't fucking do it again," may pagbabanta na talaga sa kanyang boses.
I smirked. Hindi ko na ginawa.
Inayos ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. Sobrang lagkit ng pakiramdam ko. Tapos amoy na amoy pa ang suka ko.
"Tapos na ba ang party?" tanong ko.
"Gusto mo pa?" Umirap siya sa akin. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kanyang braso. "I've booked us a hotel nearby. Papunta na roon ang mga kaibigan mo."
"Eh 'yung party?" tanong ko pa rin.
"You can't party anymore—"
"Kaya ko pa!"
"Tapos na ang party, Riza. Sarado na ang bar."
Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba hanggang umaga 'yon?"
"No. Nagbago na ang rules."
Sumimangot ako.
"Paano na 'yung cum ni Arthur?" bulong ko.
"Ano?"
"Wala po!"
Huminga siya nang malalim. May kinuha siyang mask sa dashboard at sinuot 'yon. Kukuha rin sana ako pero pinigilan niya ako.
"No. Magdusa ka sa amoy ng suka mo," aniya. Sinarado niya ang pinto ng sasakyan saka umikot sa pinto sa tabi ko. "Can you move? Nasa driver's seat ka."
I tapped my hips.
"What?" he asked, confused.
"Kakandungin na lang kita—"
"Just move, Riza. Please?"
Sa huli ay gumapang ako sa kabilang upuan kaya nakapasok na rin si Ulrich. Hinanap ko ang seatbelt pero hindi ko maipasok sa lalagyan.
"Ako na." He fastened my seat belt. "I'll drive us to the hotel, okay? Your friends are waiting there."
He wiped my vomit on the steering wheel. Binuhasan niya rin 'yon ng alcohol. Nung pinatong niya sa dashboard ang alcohol ay naglagay rin ako sa mga kamay.
Ulrich started to drive. Tahimik lang kami.
"Ahh..." I moaned.
"Holy— Stop!"
"Ahh... my head hurts."
"I'm driving for fuck's sake, Riza. Stop moaning!"
Tawang-tawa ako sa mukha ni Ulrich kahit na nakatakip 'yon ng mask. Lumiyad pa ako para hawakan ang basa niyang buhok.
"Fine. Just touch my hair," he said.
Hindi ako nakuntento sa paghawak lang. Inamoy ko rin ito.
Narinig ko ang mahinang pagbuntonghininga ni Ulrich.
"Pogi ng buhok mo, Rik."
"Umayos ka nga, Riza. Inalis mo pa seat belt mo."
Umayos ako ng pagkakaupo saka humilig sa kanyang balikat. Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi na rin ako nagsalita pa.
I'm still thinking about the cum. May nag sex sa dance floor?
I giggled.
"What are you thinking?" Ulrich asked.
"Sex on the dance floor."
"Who said that?"
"Arthur."
"Forget it."
"Okay."
Tumahimik na ako uli. Pagka-park namin ng sasakyan ay inakay ako ni Ulrich papunta sa lobby kung saan naghihintay sina Chester at Jessie.
"What the— eww!" Jessie stepped back when he smelled me.
"Ako na," ani Chester.
"I got her, Ches," si Ulrich.
"Uhmm. Okay."
Nakaakbay sa akin si Ulrich hanggang sa makasakay kaming elevator. Sinandal niya ako pero nakahawak pa rin siya sa braso ko.
"Oh, God. Ano na lang iisipin ni Ate Sarah nito?" dinig kong sabi ni Jessie. "Baka sabihin niyang pinabayaan namin ang kanyang kapatid."
"Hindi ahh. Ba't siya magagalit?" sabi ko.
"Bakit? Look at yourself, Rizzie. You are a mess," pagalit na sabi ni Jessie.
"Better than messing with—"
"Where's Arthur?" Ulrich cut me off.
"He's on his way," sagot ni Chester.
Pagkapasok namin sa room ay si Cams ang agad na sumalubong sa akin. Namumula pa ang kanyang mga mata, halatang kagagaling lang sa iyak.
"R-Riza..." Umiyak siya uli.
"Bakit?" tanong ko.
"I'm really sorry," she sobbed.
Inupo ako ni Ulrich sa couch. Saka niya kinuha ang cell phone sa bulsa at lumabas.
Camila sat beside me. Nasa gilid niya si PJ.
"Did someone really grope—"
"Cams. Not now," si PJ. "Baka nabibigla pa rin ang kaibigan mo sa mga nangyayari."
"Ah!" I snapped my fingers. "Iyong lalaki bang humawak sa puwit ko? Huh! I slapped him hard on his face. Harder than his dick."
Napatikhim si PJ, nagpipigil ng tawa.
"We already caught him, Riza." Nagsalita na rin si Chester. "The asshole wants to talk to you, to apologize. Don't listen to him."
"Nasaan siya?" tanong ko sa matapang na boses. "Ay. No. Not him. I want to talk to his girlfriend. She slapped me!"
"Huh? But the guy groped you—"
"I want to talk to that bitch," madiin kong sabi.
Nagkatinginan sina PJ at Chester.
"Okay." Chester sighed. "They are on the other room. Kapag okay ka na ay dadalhin ka namin sa kanila. But for now, ikaw muna ang bahala sa kanya, Camila. Nasa kama 'yung mga damit."
"Okay. I got this," ngiti ni Camila na nagpupunas ng luha.
"Tatawagan ko nga ate mo, Riza." Si Jessie na pinapakita ang cell phone. May kabadong ngiti sa kanyang labi. "What excuse?"
"Ikaw na, Jess. You are good at excuses," I laughed.
"Okay..."
Pagkalabas ng mga boys ay ni-lock ni Camila ang pinto. Hinubaran niya ako ng damit saka pinupunasan ng basang towel. Masuka-suka pa ito habang pinupunasan ako.
"Arte mo. Ako na nga!" Kinuha ko sa kanya ang towel.
"Geez. Hindi ko nga nililinis suka ni Daddy e."
Nagpunas ako ng towel. Tinulungan din ako ni Camila na makapagpalit ng damit. Sinuklay niya ang buhok ko saka pinainom ng gamot.
"Ang pait ng panlasa ko, Cams," sumbong ko.
"Coffee?"
I nodded.
Kinapa niya ang cell phone at nag-text doon.
Humilig ako sa ulunan ng kama. Kahit papaano ay nahimasmasan ako. Kinuha ko ang kumot at binalot 'yon sa mga binti ko. Saka ko niyakap ang puting unan.
Umupo si Camila sa tabi ko. Bumuntonghininga ito.
"I'm sorry you experienced that," she said with a weary smile. "I brought you there. Kasalanan ko kung bakit may ibang lalaking nakalapit sa 'yo."
"It's fine, Cams. That was a blast..." I laughed.
Sumagi sa isipan ko ang nangyari sa parking lot. Sa sobrang dami no'n ay sa isang tao lang bumagsak ang lahat— Si Ulrich na naperwisyo ko.
Sininok ako. Uminit uli ang pakiramdam ko, hindi na dahil sa alak kung hindi sa sobrang hiya.
Hinawakan ni Cams ang kamay ko. Ang lamig ng kanyang palad.
"I'm sorry, bad experience ang first time mo," sabi niya.
"Hindi ah!" pagtanggi ko.
"Babawi ako next time!" aniya.
May kumatok sa pinto. Tumayo si Cams para pagbuksan 'yon.
"Coffee?" si Chester.
"Thank you." Tinanggap ni Cams ang dalawang kape. "Okay na rin si Riza. Nagpapahinga lang. I will call you in a minute or two."
Bumuntonghininga si Chester saka tumango.
Lumapit sa akin si Cams. Nilapag niya sa gilid ko ang dalawang kape.
"Kanina pa nag-aalala si Chester," aniya, kinikilig pa. "Nasuntok nga niya si Arthur e."
"What?" I gasped, loudly.
"Nung nalaman niyang pinainom ka niya ng mabigat na alak ay nasuntok niya si Art."
Natutop ako sa kinauupuan. Hindi ko inakalang gano'n na pala kalala ang mga nangyayari. It wasn't Art's fault though. Ako rin ang nag-request ng mga ininom ko. He was just being a gentleman.
Nakonsensya tuloy ako.
Kinuha ko ang kape ko. Sumimsim ako roon.
"Wait. Where's my shoulder bag?" Nanlaki ang mga mata ko nung mapagtanto 'yon.
"Ay." Tumayo si Cams. Binuksan niya ang isang drawer at nilabas doon ang shoulder bag ko. "Buti na lang nakita ni Chester."
Nakahinga ako nang maluwag. Sinuot ko 'yon saka huminga nang malalim.
"What time is it?" I asked.
"2 am."
I bit my bottom lip. Masyado nang late.
"Okay. I will face them," I said.
"Are you sure?"
Humigop muna ako uli sa kape bago tumango.
Nahihilo pa rin ako kaya nakaalalay sa akin si Cams. Paglabas namin ng room ay si Chester ang agad na bumungad sa amin. Nakasandal siya sa wall.
"Hey. Are you good now?" There was a gentle smile on his face.
My mood lightened up. That was the only peaceful view on this chaotic night.
"Medyo nahihilo lang konti," sagot ko.
Bumukas ang pinto nung tabi naming room. Lumabas doon si Arthur. Gaya ng sinabi ni Camila ay putok ang labi nito na gawa ni Chester.
"Rizaaa!" He approached me. Pinaglapat niya ang mga kamay. "I'm really sorry. Really sorry. Hindi ko inakalang magiging gano'n—"
"I'm good, Art. Ginusto ko rin namang uminom."
"No. It's his fault for tolerating you," madiin na sambit ni Chester.
"Chesty naman e. Bati na tayo," ani Art. Sinubukan niya pa itong yakapin pero sinipa siya ni Chester. "Tangina naman. Mas pabebe ka pa sa babae!"
"Eh kung dagdagan ko kaya 'yang pasa mo sa mukha?" pagbabanta ni Chester.
"Guys stop! Mas nahihilo lang si Riza sa inyo," suway ni Cams.
Bumukas uli ang pinto nung room na nilabasan ni Arthur. Lumabas doon si Ulrich. Agad kong napansin na iritado ang kanyang mukha.
Umakyat sa dibdib ko ang kaba... at hiya.
Napatingin siya sa akin.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Cams. Nagkunwari pa akong natutumba kaya mas inalalayan niya ako.
"Sinong lasing? Hindi ako!" sabi ko, nagkukunwaring lasing pa.
Na-weirduhan naman ang tingin nina Chester at Arthur.
"Sorry. Lasing pa rin si Riza," ani Cams.
Thank God! Alam niyang palabas lang 'to kaya sinabayan niya.
"Then, I will send them home," ano Ulrich. "Pwede naman niya silang kausapin bukas."
"I want to talk to them now," I insisted.
Ulrich just stared at me. Mapanuri ang kanyang mga mata.
Sa huli ay pumayag din ito.
Pumasok kami sa room kung saan naabutan ko ang mag jowa na nakaupo sa couch. Napatayo ang lalaking humawak sa puwit ko habang ang girlfriend niya ay nakaupo pa rin. Inirapan ako nito.
"I'm sorry, Miss. Masyado lang akong nadala sa alak—"
"Invalid reason," ani Ulrich. "That won't protect your ass in the courtroom. Whether you are under the influence of alcohol or what, you still did it."
The guy kneeled down. Pinaglapat niya ang kanyang mga palad. Lumandas sa kanyang pisngi ang mga luha habang nagsusumamong patawarin ko siya.
"Patawad, Miss Rizaline. Hindi ko na ito uulitin pa."
"Who knows?" Ulrich cut him off. May diin ang mga salitang binitiwan nito. "You need to suffer for what you did, so the assurance of you doing it again will be at least lowered."
"Apologize to me..." I turned to his girlfriend. "Miss Girlfriend."
Her lips slightly parted. "What? Why would I do that?"
"Because I said so," I smirked.
"Babe, please?" Her boyfriend begged. "Ayokong makulong. Marami pa akong pangarap sa buhay. I want to be with you freely."
Natikom ang bibig ng babae.
"Apologize to me, Miss Girlfriend," ulit ko.
Suminghap ang babae.
"Please?" pagsusumamo ng boyfriend niya.
"Sorry. I'm sorry, Riza. I should have not blamed you. Ang boyfriend ko ang nanghipo sa 'yo..." Tumayo ang babae, nakakuyom ang kanyang mga kamao. "Please, just don't put him in jail."
Nakatingin lang ako sa kanya. She really loves him.
"I beg you—"
"Stop now," pigil ko sa babae nung luluhod na rin ito. "It's okay now. Hindi na ito lalala pa. But make sure, your boyfriend will learn his lesson. Kung hindi kami ang magtuturo sa kanya... ikaw na. You are his girlfriend after all. That must have hurt you, too."
Hindi na siya nakasagot pa.
Tumalikod na ako at walang pasabing lumabas ng room na 'yon. Narinig ko ang malakas na pagsampal ng babae sa kanyang boyfriend.
Deserved.
Sumunod sa akin ang mga kasama ko.
"Mukhang ayos ka na ah," puna ni Ulrich.
Napatingin ako kay Cams. Nakangiwi siya.
"Cams!" Lumapit ako sa kaibigan at kinawit ang mga braso. "Nahihilo pa rin ako."
Kumalam ang sikmura ko. Narinig nilang lahat 'yon.
Humalakhak si Art kaya siniko siya ni Chester.
"Hindi ako 'yon!" pagtanggi ko, pulang-pula ang mukha dahil sa pagkapahiya. Bumaling ako kay Cams. "Gutom ka yata, Camila?"
"Tangina mong gaga ka!" Tinulak niya ako palayo. "Sa sikmura mo galing 'yon tapos isisisi mo sa akin? Huh! Bahala ka diyan!"
Halos mamatay-matay sa pagtawa si Arthur.
Taimtim kong hiniling na sana ay lamunin na lang ako ng lupa. Tangina naman, Riza. Ilang kahihiyan pa ba ang gagawin mo ngayong gabi?
"Okay na, Rizzie." Dumating si Jessie kaya sa kanya nabaling ang atensyon. "Nasabi ko na kay Ate Sarah. Basta huwag ka lang daw abutan ng umaga. Saka ihatid ka raw namin."
"'Yon!" Humikab si PJ at sa pagbaba ng kanyang mga braso ay nakaakbay na siya kay Camila. "Nagugutom din ako. Kain muna tayo!"
"May ramen sa malapit!" ani Chester. "My treat!"
Walking distance lang naman daw 'yon kaya naglakad na lang kami. Nauuna sina PJ at Cams na naghaharutan. Sa likod nila ay sina Chester, Art at Jessie, Nagsisikuan pa rin sina Chester at Art.
Naiwan kaming dalawa ni Ulrich sa likod.
Akmang lalapitan ko sina Jessie nung hinablot ni Ulrich ang braso ko. Saka niya ako pinantay sa kanyang paglalakad. Binitiwan niya rin ako.
"That guy deserved to be detained," he said.
Hindi ako kumibo.
"But it's your decision after all. Pero if magbago ang isip mo, kaya kitang suportahan. Our family lawyer is one of the best, if not the best, in the country. Just tell me..."
"It's fine now. Thank you..."
Tumikhim siya.
"I don't need that," saad niya.
"Then, what?" I asked.
He looked down at me. "Isa pa lang sa dalawang bagay na hinihiling ko ang binigay mo. I'm still waiting for the other one, Riza."
"What?" tanong ko.
Hindi na siya sumagot.
Gaya ng sabi ni Chester ay nilibre niya kami ng ramen. Nasa pahaba kaming upuan. Magkatabi kami ni Ulrich at sa kabila ko naman ay si Jessie.
Tahimik lang akong kumakain. Feeling ko kapag binuka ko ang bibig ko para magsalita ay ipapahiya ko na naman ang sarili.
"Hindi ako gaanong nakainom," reklamo ni PJ.
"So, you are regretting you spent your whole night dancing with me?" may bahid ng pait na tanong ni Camila. "Okay. Sabi mo eh."
"Huh? Hindi naman sa gano'n, babe. Syempre kasama ka kapag iinom ako!"
"Tangina niyong mga walang label na naglalandian!" sigaw ni Arthur.
"Shut up, Art. Bibig mo!" suway ni Chester. "Fine. Order yourself a drink, Jae. Isama mo na rin sa bills ko."
"Wala ka lang kalandian eh," pang-aasar din ni Jessie kay Art. "O baka hindi rin marunong lumandi? Hanggang salita lang!" Humalakhak siya.
"Tangina talaga nitong si Jess. Kaibigan ba talaga kita?"
"Just stating facts, my dude."
"Ulol. Landiin pa kita d'yan eh."
Napaubo ako sa kinakain. Inabutan ako ng tissue ni Ulrich.
Napatingin ako kay Ulrich. Yumuko siya para humigop ng mainit na sabaw. Dahil nasa gilid niya ako ay kitang-kita ang tangos ng kanyang ilong. May ilang butil din ng pawis sa kanyang noo.
"Your duty will start on Monday." Humarap siya sa akin. "I will bring another table in my office. Doon ka na rin tatambay para agad kitang mauutusan kapag may gusto ako."
"Noted, Mr. President."
Pagkatapos naming kumain ay kailangan na rin naming umuwi. Hindi naman nakainom si Camila kaya pwede pa siyang mag-drive. Naunang umalis si Jessie.
"Good night, guys!" Humikab si Arthur. "Invite niyo uli ako next time ah?"
"Wala nang next time. Riza is a freaking 17. Hindi niyo dapat siya dinadawit sa ganito!" sermon ni Ulrich. "If you want a party, you can use our villa."
"Sure?" gulat na tanong ni Chester.
Tumawa si PJ, nakaakbay pa rin siya kay Camila.
"Wala bang age limit diyan sa party mo?" tanong ni PJ.
"17 and above..." kaswal na sagot ni Ulrich.
"Ngayon lang naman 'yon eh. Next month 18 na si Riza!" si Chester.
Nagulat ako dahil alam niya 'yon. Saka... ayoko sa lahat ay pinag-uusapan ang birthday ko. Wala akong plano sa araw na 'yon.
"Oh? Ayos! Saan 'yan gaganapin, Riza?" tanong ni PJ.
Napatikhim ako. Binaba ko sa mga paa ko ang tingin.
"Usually sa bahay nila Riza," si Cams na ang sumagot. "Ang sarap ng sopas ni Ate Sarah!"
"Ayon! Imbitado ba kami?" pangungulit ni Art.
"Hindi ko pa alam eh," nahihiya kong sabi.
"Basta. Dapat imbitado kami ah?" Tumawa si Chester. "Kahit walang alak, basta may videoke!"
Hindi na lang ako kumibo.
Nagpaalam na rin sina Chester at Arthur. Si PJ naman ay hinila muna palayo si Cams na nagtatampo pa rin. Nag-uusap ang dalawa sa malayo.
Naiwan kaming dalawa ni Ulrich.
"How was your night?" he asked.
"Chaotic but fun," I chuckled.
"Nice. Anyway, I will go ahead. See you on Monday?"
I nodded.
"Ingat." Saka na siya tumalikod.
Suminghap ako.
"Can we be friends?" I asked.
Napalingon siya uli sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata.
"For real?" he asked, surprised.
I nodded.
"Sure!" he smiled. "Mas maganda para lagi na tayong magkasundo. We have a mission and we need to be on the same page always."
Ngumiti ako.
Naglakad na rin palayo si Ulrich, papunta sa kanyang sasakyan.
Hinintay ko na lang si Cams.
"Riza..." tawag uli ni Ulrich.
Lumingon ako sa kanya. Nakabukas na ang pinto ng sasakyan niya at nakahawak na siya roon.
"Bakit, Ulrich—"
"Rik," he cut me off.
"Okay. Ano 'yon, Rik?"
"Since, friends na tayo. I think you need to know what's on my mind."
Naguluhan ako.
He smiled.
"Ang cute mong malasing. Good night, Rizzie."
Saka na siya pumasok sa kanyang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro