Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13: Chaos

"KJ mo tanga," Cams texted me.

I ignored her message again. Mula sa pagkakahiga ay bumangon ako. Nag-inat ako ng katawan. Tumingin ako sa digital clock na nakapatong sa nightstand.

It's Friday night, 8 p.m. Dumiretsong uwi ako agad after school. Sobrang hapo ng pakiramdam ko kanina pero ngayong nasa bahay naman ako ay hindi ako mapakali.

Para malibang ay tinuloy ko na lang 'yung pinapanuod kong vampire series. Naaliw ako sa panunuod. Muntik na nga ako matulog kung hindi lang nag-ring ang cell phone ko. Tumatawag sai Camila.

I bit my bottom lip. To celebrate her success as the leader of their group, she decided to throw a party. I was fine with it at first, pero nung nalaman kong sa bar ito gaganapin ay nag-back out agad ako.

Paano ako makakapasok sa bar? I'm only freaking seventeen! Next month pa ang birthday ko.

"Do you want me to drag your lazy ass out of your room?" pambungad ni Cams sa kabilang linya.

I sat down in bed. "I told you, Cams. Hindi ako papapasukin doon—"

"Kilala si Daddy roon, Rizzie. Sabi ko na sa 'yo, hindi ba? Sagot kitang gaga ka!" iritado niyang sabi.

Bahagya kong nilayo sa tainga ang cell phone. Nabibingi ako sa pagsigaw niya.

"Andoon na si Jessie," aniya pa. "And I'm on my way to pick you up."

My eyes widened.

"I told you—" And she hung up the call.

Ilang sandali akong natulala. Kapag sinabi niyang pupuntahan ako, pupunta talaga siya. Ibig bang sabihin nito ay makakasama na talaga ako?

I smiled, wickedly. Gusto ko rin naman talagang sumama. I want to experience wilding in a bar. Ang inaalala ko lang talaga ay ang age limit ko.

I guess I have nothing to worry about now.

Nakaligo na ako kanina kaya nagpalit na lang ako ng damit. Nag-suot ako ng denim shorts na tinernohan ko lang deep ruby on top. Hindi ko pa naisauli ang shoulder bag ni Ate Sarah. Nilagay ko roon ang cell phone ko at mga per ana bigay ni Arthur.

I stood in front of the mirror as I softly brushed my shoulder-length hair. I may not as tall as the other girls, but I can still compete. I know how to walk because I've once joined a beauty pageant. I didn't win it but who cares? That was a blast.

By the time Camila arrived, I was already cross-legged waiting on the couch. Nagkunwari akong nakasimangot habang nagpapaliwanag siya kay Ate Sarah.

"Sabi ko kasing ayaw ko," sabi ko at mas hinabaan pa ang nguso.

"It's just a simple celebration, Ate Sarah," dinig ko pang paliwanag nito. "Nasabi na rin ba sa 'yo ni Riza na ang taas ng nakuha niya sa exam? Gusto rin namin 'yong i-celebrate!"

Ate Sarah threw a glance at me. She sighed and nodded.

"Huwag lang sumobra ah?" paalala ni Ate Sarah.

I gave her a hug before Camila dragged me into her car. Hindi niya sinabing bar ang pupuntahan namin. But I don't think that makes a difference. It's still a party.

"What if hindi ako papasukin?"

Pinatunog ni Cams ang kanyang kinakain na gum.

"I got you," she assured me.

I looked at my best friend who exhibits immaculate energy even after everything that happened today. She was wearing a leopard crop top and denim pants. She was tapping her fingers on the steering wheel.


"What do you say?" she asked.

"You are really into revealing clothes," I said.

"Not at all. But PJ likes to slide his hand under my clothes." She, then, threw a glance at me to wink. "I'm just giving him what he wants."

I gasped. Hinampas ko siya sa balikat.

"You are—" I was lost with words.

"You look gorgeous tonight, babe," she complimented me for the first time. "This is your first time. But after you turn 18, mas dadalasan ko ang pag-imbita sa 'yo."

"Whatever!" Tinuon ko na lang ang atensyon sa daan.

Camila Jane Torres can be infuriatingly childish and ridiculously flirty at the same time. She can effortlessly adapt to whatever is going on around her. Born from a rich and intimidating family, she would rather stay low profile than boast around.

"Obviously, I invited PJ. Like, duh? So... let's just assume he will bring his squad."

Hindi na lang ako kumibo. Even Ulrich?

"I know what you are thinking!" Humalakhak si Camila. "Malamang na pupunta rin si Chester mo!"

Sumandal na lang ako sa upuan. Bumaling ako sa labas ng bintana. We are driving for almost an hour now. Masyado ba 'yong malayo?

After almost two hours of drive, we have finally arrived at the bar. Pagka-park namin ng sasakyan ay kinawit agad ni Camila ang braso sa akin.

Suminghap ako ng hangin. Ito ang huling beses na sariwang hangin pa ang malalanghap ko. Pagkatapos nito ay mga alak na ang maaamoy ko.

"We are here," she said on the call.

My palms were sweating. Paano kung hindi ako papasukin? I don't think Cams would drive me home just like that. Baka maghintay ako sa labas ng bar. I don't even know where we are.

"I know. I'm with Rizzie," dinig ko pang sabi ni Cams. "Ako pa ba? You know the drill, Jess. Isama mo na lang sina PJ. Chaos, please?"

Bigla akong kinabahan. What's with the drill?

"Okay. Bye." And she ended the call.

Bumaling sa akin si Cams. Ngumisi siya.

"What?" kinakabahan kong tanong.

"Let's have fun?"

Sa bungad pa lang ng bar ay nakita ko na ang grupo ng mga kalalakihan. Nagtatawanan ang mga ito. Sobrang lakas ng kanilang boses. Nakilala ko agad sila. Si Jessie kasama sina Art, PJ at Chester.

Sa tabi nila ay may dalawang bouncer na nagbabantay.

"Cams. May bantay..." bulong ko. "Tangina. Baka sakalin ako ng mga 'yon!"

"Hush. Kami ang bahala. Kalma."

Lumunok ako. Paano kung bigla na lang nila akong buhatin at itapon sa labas? Sa laki ng mga katawan nila ay kayang-kaya nilang gawin 'yon.

I was about to back out when PJ saw us. He waved at us, or more like at Camila only.

"Here they are!" PJ walked towards us.

That's when Cams let go of my arms to meet PJ. Mabilis na pinulupot ni PJ ang mga braso sa bewang ng kaibigan ko. May sinabi pa siya dahilan para matawa si Cams.

Dinaluhan ako nina Chester, Art at Jessie. Si Jessie ang umakbay sa akin. Agad kong naamoy ang alak na kumapit sa kanyang damit.

"Yoo. Rizzie is in the house!" sigaw ni PJ.

Napangiwi ako nang magsigawan lahat sila. Nakangisi sa akin si Camila habang si PJ naman ay nakaakbay sa kanya. Well, they looked comfortable with each other. Kung hindi ko lang alam ang estado ng relasyon nila ay iisipin kong mag jowa sila.

Chester smiled at me. I returned it with a shy smile.

"My hero is here!" sigaw ni Art.

"Mahina ka lang mamingwit, Art!" Tumawa si Jess.

"Malakas naman sa babae." Humalakhak din si Art.

"Hoy. Bawal si Rizzie ah?" Pinanliitan siya ng tingin ni Jessie. Nakaakbay pa rin siya sa akin. "Rule number one, don't force her to drink. Bawal siya ngayon!"

"Don't decide for her, Jess. She's freaking twenty-two!" ani Cams

She made sure the two bouncers heard her.

Oh. I see.

Sobrang ingay nila habang papasok kami sa bar. Ginigitgit na nga nila ako sa gitna nila. Nakita kong nakatingin pa sa akin ang isa sa mga bouncers pero hindi nila ako nagawang lapitan.

They successfully managed to get me in the bar.

Just like what I expected, the vibe was nothing like the party I have attended before. Mas maingay, magulo at dumadagundong talaga rito. Plus, I know that they are all strangers.

Strangers. Oh, right! They don't know me. That makes me somehow feel comfortable. I can mess up without even worrying they even care.

"My favorite DJ is playing!" sigaw ni PJ.

"Stop. I need to make my best friend feel comfortable first, babe," Cams stopped him when he tried to drag her on the dance floor.

"No. I'm fine!" Nilakasan ko ang boses ko. "I'm with—" Paglingon ko sa likod ay wala na si Jessie.

"I'm with her," Chester stepped in.

"Err. You sure?" tanong pa ng kaibigan ko sa akin.

"Yes. Go on," I smiled at them.

Nahila ni PJ si Cams sa dance floor. Agad kong napansin na dumausdos ang kamay niya sa bewang ng kaibigan ko. Napakagat ng labi si Cams sa kiliting dulot no'n.

"Tara, Riza." Napaigtad ako nung bumulong bigla sa akin si Chester. Masyado kasing maingay kaya kung hindi sisigaw ay kailangang bumulong sa tainga para marinig.

Chester and Roland joined me on the couch just near the bar counter. I sat down and pretended that I'm used to this kind of environment... kahit na nanginginig ang mga lamang loob ko.

Holy shit. I'm inside a bar! Sa novels ko lang 'to nababasa dati.

"I will get us drinks," pasigaw na sabi ni Chester. Saka siya tumingin kay Roland. "Stay with her, Rol. Huwag mo siyang iiwan!"

Tango lang ang naisukli ni Roland.

Naiwan ako kasama si Roland. Tumingin siya sa akin. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Hindi talaga siya palakibo, hindi tulad ng mga kaibigan niya. I wonder how he can tolerate his friends knowing they are a bunch of men.

Roland stood up. Lumipat siya sa tabi ko.

That felt awkward. Hinanap ko sa crowds ang mga kaibigan ko. Naroon sina Jessie at Art na may kasayaw na ibang babae. Hindi ko mahagilap sina Cams at PJ, malamang na nasa pinaka gitna.

I wandered my eyes around. What should I do?

"May galit ka ba kay Ulrich?" biglang tanong ni Roland.

Napatingin ako sa kanya. "Huh? Wala naman."

I tucked the strands of my hair behind my ears. Humigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder bag. Dapat pala iniwan ko na lang 'to sa sasakyan ni Cams.

"You called him a cheater."

What the hell?

"That's a joke, Roland," I told him.

Really? How could he ask that random question so casually? Dito pa sa bar? Saka mukhang naka move on na ang lahat. Why can't he do that, too?

"Okay," he said. Kinuha niya ang cell phone. "Ulrich is on his way."

Okay?

Tinago niya uli ang cell phone saka tumingin sa akin.

"Eh kay Sir Delgado? May galit ka?" sunod na tanong niya.

"Oh, please. Wala." Naiirita na ako. Bakit ba ganito ang mga tanong niya? Why doesn't he just ask me to dance? Mas maganda pa 'yon.

Bumalik na si Chester na may dalang mga makulay na inumin. Nakahiwalay ang sa akin. Mas mababa raw ang liquor content nung sa akin ayon kay Chester.

"Party girl ka na pala. Mukhang na-enjoy mo ang party last time ah?" Chester grinned at me as he sipped on his drink.

Nakangiting umiling ako. "Pinilit lang ako ni Camila."

"Hope you will enjoy this night, too," he said.

"Of course, I will," I grinned.

Amanda is not here. That's enough reason to enjoy the night.

"Ches. Alis na ako," sabi ni Roland.

"Huh? Ang aga pa ah?" ani Chester.

"Maaga pa kami ni Sir Delgado bukas e."

Nanliit ang mga mata ko. Kinuha ko ang inumin at nagkunwaring hindi interesado.

"Damn. Kahit na ilang oras pa?" alok pa ni Chester.

"I can't. Malayo-layo ang biyahe."

"Oh. Okay. Ingat, bro. Papunta na rin ba si Ulrich?"

"Uh, yes. Baka makarating na rin siya mayamaya."

Nagpaalam na si Roland.

"Ano ang connection ni Roland kay Mister Delgado?" tanong ko kay Chester.

Chester leaned on his seat. "Roland works for him. He's Mr. Delgado's personal driver."

Oh. Okay.

Maybe I want to be his friend, too.

Now I think about it, dapat ay mas naging friendly ako sa kanya habang kausap ito. Anyway, I will try to be more polite to him next time.

"Ah. My back hurts," reklamo ni Art. Pabsagk na umupo siya sa tabi ni Chester. "Tangina naman kasi. Ba't basa roon sa dance floor? Is that from a spilled water or somebody just cummed?"

"Arthur," madiin na tawag sa kanya ni Chester.

Natigilan naman si Art at napatingin sa 'kin.

"Tubig kasi 'yon. Hays." Sumimangot siya. "Nadulas pa ako. Tinawanan tuloy ako nung chicks. Sayang!"

"Umuwi na si Roland," sabi ni Chester.

Napatingin sa ininum ko si Arthur. Ngumiwi siya.

"Paano niyan mag-e-enjoy si Riza kung gatas ang pinapainom mo, Chesty. Bigyan mo naman siya ng iba!"

"No. Malamang na lasing din mamaya si Camila. They can't be both drunk at the same time," ani Chester. Kinuha niya ang baso ko. "Do you want more?" he asked me.

I nodded.

"Wait lang ah? Huwag ka munang aalis diyan, Art." Tumayo na si Chester at dumiretso sa counter.

Mabilis na tumayo si Art nung may dumaan na waiter. Kumuha siya ng dalawang alak saka tumabi sa upuan ko. Tumikhim siya bago pinatong sa harapan ko ang isang baso.

"Don't tell him. I know you want to try it," Art whispered. Tumayo siya at bumalik sa upuan. Diretsong ininom niya ang kanya saka kumindat sa akin.

Bumaba sa baso ang tingin ko. Inabot ko 'yon. Matapang ang amoy.

"One shot is not bad," Art laughed.

I took the shot. Napapikit ako nang gumapang sa lalamunan ko ang malamig na likido. Nanatili sa dila ko ang matamis na lasa na hindi kalaunan ay naging mapait.

"That tastes so good!" I blurted out.

Art bit his lower lip. "Wait. Isa pa?"

Bumaling muna ako kay Chester. Kausap niya ang bartender. Bumaling ako uli kay Art. I nodded at him, giving him the signal to give me more.

While Chester was busy getting me a mild drink, Art tried to give me as many shots as I can. Hanggang sa ako na mismo ang umiling sa kanya.

"Hoyyy. Ano 'yong inabot mo kay Rizzie?" tanong ng kararating lang na si Jess.

"Nah." Tumayo si Art at inakbayan ang kaibigan ko. "Just a drink."

Jess stared at me, suspiciously.

"I want to dance!" Tumayo ako.

"Now?" Chester asked. Nilapag niya sa table ang inumin na kinuha para sa akin. "Okay. Let's dance, then. Sama kayo, Art, Jessie."

Hinila ako ni Jessie sa dance floor. Pinaligiran nila ako para masigurong walang makakalapit sa akin. Naramdaman kong may yumakap sa likod ko.

"Cams!" Hinarap ko siya. "Fuck you! Iniwan mo ako!"

I laughed, hysterically.

"Huh? I told you I was going—" Nanlaki ang mga mata ni Cams. "You are drunk?"

"She just had a mild one," dipensa ni Chester.

Hinila ni Cams ang batok ko para maamoy ang hininga ko.

"Mild huh?" Humalakhak si Cams.

Niyakap ko si Cams. Pinagdikit ko ang mga noo namin.

"You are wilding," Cams whispered.

I smirked. "Art said he stepped on a cum."

"Not PJ's, for sure."

"Hanapin natin?" tanong ko.

"Tanga!" Saka siya tumawa nang malakas.

Tinulak ko siya palayo sa akin. Saka ko tinaas ang mga kamay ko habang umiindak sa sayaw. Masyado akong naaliw sa kanta na hindi ko namalayan na nakalayo na ako sa mga kaibigan ko.

"Hey..." A random guy approached me.

I smiled at him.

"Are you rich?" I asked him.

"I guess?"

"Do you know me?" Turo ko pa sa sarili ko.

He chuckled. "Does it matter? You seem to be having fun."

"Dance with me, then."

Kinawit ko sa kanyang leeg ang mga braso ko. Naramdaman kong rumagasa sa bewang ko ang kanyang braso. Suminghap ako nang haplusin niya ang ibaba ko.

"I said just dance with me!" I slapped him hard on his face.

Nagulat siya. Pumula ang pisngi niyang sinampal ko.

"You motherfucking caressed my butt!" I yelled as I tried to slap him again. Napigilan niya ang kamay at madiin na hinawakan 'yon. "What? Are you going to slap me, too?"

"No. You are boring," he said.

Binitiwan niya ang braso ko saka na umalis.

Umirap ako. Nagpatuloy ako sa pagsayaw.

Pinayagan ako ni Ate Sarah dahil sinabi ni Cams na celebration ito dahil mataas ang nakuha kong score sa exam. Ang hindi niya alam ay nag-kodigo lang ako!

"I cheated to pass!" I screamed at the top of my lungs. "No one knows!"

I found out that my sister is having an affair. How could that happen? My sister is a classy woman! She's beautiful inside and out! Why would a woman of dignity do such a nasty thing?

"How could that happen?!" I yelled.

Someone grabbed my arm. Pagkaharap ko sa babae ay sinampal niya ako nang malakas.

"How dare you touch my boyfriend!" she screamed at my face. "May girlfriend na 'yung lalaki tapos lalandiin mo pa? Ano'ng klaseng babae ka?"

What?

I laughed. "I think you've mistaken me for someone else. I'm not Sarah Chavez!"

She was about to slap me again but Cams caught her arm. Saka niya tinulak palayo sa akin ang babae. Hinila ako ni Cams palapit sa kanya.

"Leave my friend alone!" sigaw ni Cams sa kanya.

"Your friend is a slut—"

Cams slapped her. Saka niya hinila ang buhok nito.

Dumating din 'yung lalaking yumakap sa akin kanina. Inawat niya ang dalawa. Natulak niya bigla si Camila kaya natumba ang kaibigan ko sa sahig.

Saktong kararating lang ni PJ. He saw what happened. Hinila niya ang t-shirt nung lalaki saka sinuntok sa mukha. Nagmura siya at sinugod ito uli.

"I'm going to kill you asshole!" PJ threw another punch.

Dumating na sila Jessie, Art at Chester para awatin sila. Sa isang iglap ay nagkagulo ang lahat. Natulala ako at naiwang nakatayo sa gitna.

Napaatras ako nung makaramdam ng pagkahilo.

Lalapitan ko na sana si Cams nung may humawak sa braso ko. Hinila ako ng isang lalaki palayo roon at palabas ng bar. Nakatalikod siya kaya hindi ko makilala.

Napansin kong papunta na rin sa gulo ang mga bouncers. Natawa ako dahil mukhang itatapon na sila palabas. Ang gulo ba naman kasi!

"Wait. My friends are still inside!" Tila ngayon lang ako natauhan.

Hindi niya ako pinakinggan. He kept dragging me away from the chaos.

I sniffed. The familiar scent lingered on my nose.

"Let me go, Ulrich!" I tried to free my arms but he didn't even flinch.

Pumunta kami sa parking lot. Akala ko ay ipapasok niya ako sa kanyang sasakayan pero hindi pala. Sinandal lang niya ako roon saka hinarap.

"Good evening, Mr. President." I grinned, playfully. "Akala ko ba sa lunes pa start ng duty ko?"

"What are you doing inside?" he asked. Kalmado ang boses niya pero may bahid ng pagkairitado.

I crossed my arms on my chest. Kung hindi lang ako nakasandal sa sasakyan niya ay malamang na natumba na ako dahil sa hilo na nararamdaman.

"Only 18 and above are allowed inside," he reminded me.

I know that!

"I'm twenty-two tonight!" I laughed.

"And acting like sixteen," panunuya niya.

Napunta sa buhok niya ang atensyon ko. "Basa pa ang buhok mo, Ulrich."

"I just got here. What was that chaos all about?"

"Oh. Right." I snapped my fingers. "There was chaos inside. Andoon pa pala si Camila!"

"PJ got her. Won't you tell me what happened?"

Sumimangot ako. "Someone accused me of being a slut. It's not like I've approached her boyfriend first. Duh? Siya kaya ang lumapit sa akin. He even caressed my butt!"

Tumagilid ang ulo ni Ulrich. Kinapa niya ang cell phone sa bulsa.

"Wait a moment," he told me.

Tumalikod siya sa akin at may tinawagan.

Napatingin ako sa basa niyang buhok. Hindi ko alam kung bakit sobrang attracted ko sa buhok niya. Pagewang-gewang na lumapit ako sa kanya.

Hinaplos ko ang basa niyang buhok.

Ulrich turned to me. Mabilis na nahawakan niya ang bewang ko nung matutumba na sana ako. Nakatutok pa rin sa kanyang tainga ang cell phone.

"I need all the CCTV footage," I heard him say.

I tiptoed to touch his wet hair. Hinayaan niya lang akong hawakan 'yon. Nakakapit pa rin sa bewang ko ang kanyang braso.

"Thank you. I will call our lawyer," he said as he ended the call.

Pinasok niya uli sa bulsa ang cell phone. Pinatunog niya ang sasakyan niya bago binuksan 'yon. Inalalayan niya ako sa backseat. Napahiga ako roon habang nakabaluktok ang mga binti.

He put the engine in ignition. Saka siya uli bumalik sa paanan ko dahil andoon ang pintuan ng sasakyan sa backseat.

"Am I drunk?" I yawned.

Sibukan kong umupo pero muntik lang akong mahulog sa upuan. Pumasok sa loob si Ulrich at tinulungan akong makasandal sa kabilang pintuan.

"Sorry." Natawa ako nung masipa ko siya. Napansin kong nakabukas ang ilang butones ng kanyang polo. "Ulrich. Nakita ko na abs mo."

"Wait me here. I will lock the door. Babalik din ako agad."

"Yes, Mr. President!" I saluted to him.

He let out a sigh. He looked so disappointed.

"Hindi pa tayo tapos, Miss Chavez. Huwag ka munang matutulog. You have more explanations to do."

I sniffed. "Okay..."

"I will be back."

"I hate my sister."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro