Chapter 12
Chapter 12: Friday
My sister is dating Ulrich's father.
That makes sense though. Hindi kailanman naging masikreto sa akin si Ate Sarah. She used to tell me everything, like literally everything. Saksi ako sa kung paano siya magmahal, umasa, at masaktan.
Siya ang unang taong nagpakita sa akin kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin pabalik.
"Drink?" Ulrich asked me.
After that scene, Ulrich brought me to the nearest cafeteria. Unlike in our department, hindi hamak na mas malaya siyang gumalaw rito. They have their own student government here. Though namumukhaan pa rin siya ng iba.
"Okay..." He stood up without hearing my response. Pumila siya sa counter.
Nilabas ko ang cell phone ko. I have one text message from Jessie.
"Dating na ba sina PJ at Cams?" he asked me.
Napailing na lang ako. Nahuhuli na siya. Sabagay, magkaklase kami ni Cams habang siya naman ay sa kabila pa. HUMSS ang strand ni Jessie na kasing grade lang din namin.
I drew a deep breath. I'm still processing everything.
Holy shit. My sister is dating Mr. Nicholas Delgado!
No. No. This feels so dreamy.
I bit my bottom lip. Yumuko ako sa table at pinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung magandang alam ko ito o ano. Dapat ba hindi ko na lang pinairal ang pagiging chismosa ko?
But it was really suspicious. The secrecy of their relationship triggered my curiosity. Now that I found out the reason... what am I going to do with it?
No. Ayokong magbago ang tingin ko kay Ate Sarah.
"Let's have lunch first," I heard Ulrich.
Narinig ko ang pagtunog ng mga plato sa lamesa. Walang gana pa rin akong nakayuko sa mga braso. Hindi naman ako nagugutom. Nauuhaw lang.
"Riza. Kain muna tayo."
Umayos ako ng upo. Hinawi ko ang buhok ko. Pinagmasdan ko ang mga pagkain sa harapan ko. Ang dami na naman. Nakakagutom sana kung nagugutom lang ako.
I watched how Ulrich approached one of the crews to give them the food tray. Pagkatapos no'n ay hinila na niya ang upuan at umupo sa harapan ko.
Napakapa ako sa bulsa ko. "How much?"
Umangat ang tingin sa akin ni Ulrich.
"Did I ask you to pay?" Tila nainsulto pa siya.
I just nodded. Kaya ko namang magbayad. Malaki-laki rin ang pera ko na binigay ni Arthur kapalit nung laruan. Hindi ko nga alam paano 'yon gagastusin. I'm not used to having that huge amount of money.
Kumuha lang ako ng pasta at bread. May rice at chicken pero hindi ako kumuha. Napansin ko ang inumin namin na pareho – mango pineapple fruit shake.
Inikot ko sa pasta ang tinidor at sumubo. Habang kumakain ay tumingin ako kay Ulrich. Halatang gutom ito dahil hindi siya kumikibo.
"Kailan mo pa nalaman?" tanong ko.
Tumigil siya sandali para uminom ng tubig. Pinunasan niya ng tissue ang bibig. I watched how he gently wipe his wet lips with that tissue.
"Matagal na rin." He shrugged his shoulders. "Just eat first, Riza. We will talk about it later. Not here. Baka maabutan tayo rito ng ate mo."
Mahinang tumango ako. Pinilit kong ubusin kahit man lang 'yung pasta ko. Maganang kumain si Ulrich pero hindi niya naubos lahat ng binili niya. Hindi na rin niya ako pinilit na ubusin ang mga 'yon.
After lunch, we went to the park. Umupo kami sa isang swing sa ilalim ng isang acacia tree. Mahina kong tinutulak ang sarili habang nakatulala sa malayo.
Ano ang gagawin nila sa loob ng sasakyan?
I turned to Ulrich. Nakayuko siya sa mga paa niya at gaya ko'y wala ring kibo.
"May I ask about your mom?" I couldn't help but ask.
"They are divorced."
Natigilan ako. I didn't know that.
"Well, not yet." Umangat ang tingin niya saka bumuntonghininga. Humarap siya sa akin. "Pero papunta na rin doon. They are still married."
My lips slightly parted.
So... my sister is the mistress.
My fists clenched. I don't like this.
"I'm still hoping they won't pursue it," Ulrich whispered. "Mom still loves Dad."
Napayuko ulit. Si Ate Sarah ba ang isa sa mga dahilan kung bakit naghihingalo ang relasyon nila? Tangina naman! Ano ba ang iniisip ni ate at bakit siya sumakay rito?
She's a freaking mistress! Kahit na anong gawin niya ay hindi siya mananalo. I love her so much but I can't tolerate this. She deserves better!
"I'm afraid if Mom finds out..."
"What?"
Malungkot na tumingin sa akin si Ulrich. "Baka ang Ate Sarah mo ang mahirapan. I've already seen it, Riza. Nakita ko kung paano pinahirapan ni Mommy ang lahat ng babaeng kinasama ni Daddy."
I swallowed the lump in my throat. Inisip ba muna ito ni ate bago niya pinasok? Matalino siyang tao kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit.
Does she really love him?
"We must stop them," Ulrich suddenly whispered.
Muli niyang naagaw ang atensyon ko. Hininto niya sa pag-ugoy ang inuupuan. Makikita ang sobrang desperasyon sa kanyang mga mata.
"Listen, Riza." Ulrich stood up in front of me. Humalukipkip siya habang nakayuko at nakatingin sa akin. "We need to make a plan. We need to do something."
I ran out of words. I don't know what to say.
"Sikreto ang relasyon nila kaya sikreto rin ang plano natin," dugtong pa niya. Tumahimik siya sandali bago kumunot ang noo. "What? Say something! Dawit din ang ate mo rito!"
Tumitig ako sa kanya.
Napakurap ako.
"Tangina! Kabit ang ate ko?" I blurted out.
Parang ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang katotohanan. May boyfriend na si Ate Sarah pero may asawa ito. Ibig sabihin no'n ay hindi legal ang relasyon nila. It's against the law.
"Hush! Lower your voice." Sinamaan ako ng tingin ni Ulrich.
"Baka naman magkaibigan lang sila?" I tried to convince myself with that though.
I mean... niyakap lang naman ni Ate Sarah si Mr. Delgado. They didn't do anything wrong at all. Friends do hug each other. Baka gano'n lang 'yon.
"Really, Riza?" Tumamad ang tingin sa akin ni Ulrich.
"I mean—"
"They kissed. I saw them," he cut me off.
"Stop!" Lumabas sa mga mata ko ang luha. Biglaan 'yon na hindi ko man lang namalayan. Tumayo na ako at handa nang umalis. "Kakausapin ko si Ate Sarah."
"Baliw ka ba?"
Umiling ako. "I will talk to her."
"Makinig ka nga sa akin!" Tumaas nang bahagya ang tinig niya. Madiin niya akong tinitigan. "Kapag tinanong mo siya, malamang na ide-deny niya ito. What are you going to do after she denied it? Ipagpipilitan mo? Do you have a proof? No. Pero mas lalala lang kapag sinabi mo. They will be more secretive. What will happen after? We will never know. Malalaman na lang natin kapag malala na."
Humikbi ako. "A-ano ang gagawin natin?"
"Stop them."
"How?" I wiped my tears.
"We will do it without them knowing."
"Paano nga?"
Ulrich looked at me in the eyes.
"Kapag pumayag ka sa planong ito, magiging madalas ang pagsasama natin. That would be suspicious."
"Then, what?"
"Be my secretary."
Natigilan ako.
He stepped closer to me. "Once you become my secretary, they won't think of anything else. Iisipin lang nila sa tuwing makikitang magkasama tayo ay ginagawa lang natin ang responsibilidad natin. Hindi nila malalaman ang totoo nating pakay."
"I-is that it? Kaya ba bigla mo akong kinausap? Kaya ba pinipilit mo akong maging secretary?"
"Parang gano'n na nga. Pero ang hirap mong pakisamahan, Rizaline. I've been trying to befriend you, para mas magkasundo tayo. But you keep pushing me away. Mas gusto mo pa ngang sumama kay Chester!"
I sniffed. "Crush ko siya e."
"What?"
"Wala!" Umirap ako. "So... what's the plan?"
"Crush mo si Chester?"
"Ano naman?"
Huminga siya nang malalim bago umiling. "Wala naman. I'm just worried. Kailangan ay sa ating dalawa lang ito. Walang ibang dapat na makaalam."
I nodded. "Okay..."
"Not even your friends."
"I know," sagot ko.
"Not even your crush."
I winced. "Oo na!"
"Good." He sighed. "Thank, God. Madali ka naman palang kausap."
"Hindi ka lang marunong makipag-usap nang maayos!" sumbat ko.
"Huh? Ako pa ngayon?"
"Oo kaya. Remember the first time you approached me? You wanted to befriend me, you said. Pero ano ang ginawa mo? Inasar mo lang ako na bagsak sa exam!"
Ulrich bit his bottom lip. He looked frustrated.
"Hindi ka marunong kumaibigan, Ulrich—"
"Because I've never had a girl friend!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso? Wala ka pang naging jowa?"
"Girl friend, Riza. Two words. Not girlfriend. Magkaiba 'yon."
"Weird flex—"
"I'm not flexing—" Huminga siya nang malalim. "Hindi pa nga tayo nag-uumpisa, nag-aaway na agad. Pwede bang tumahan ka naman kahit na ngayon lang?"
Umawang ang mga labi ko. "Ako pa ngayon? Ikaw ang nauna! Ikaw ang naunang nang-asar sa akin nung bumagsak ako sa exam—"
"For fuck's sake, Rizaline Chavez. I wanted to offer you help at that time. I wanted to personally teach you the lessons on your exam so we could just be friends!"
"But you didn't—"
"Fuck it! Your exam is done. Pwede bang palipasin na rin natin 'to?"
Tumikhim ako. Hindi na nagsalita pa.
Nagpakawala siya ng mabigat na hininga. Kinuha niya ang cell phone at may sinilip doon.
"Lunch time is over. May pasok na ako," aniya.
"Ako rin."
He slid his phone back in his pocket.
"Let's go back," he said.
Tahimik lang kami habang naglalakad pabalik. Hindi katulad nung papunta ay hindi ko namalayan na nakabalik na pala kami. Nagpaalam na si Ulrich at ako naman ay dumiretso muna sa CR.
I washed my hand and brushed my hair. Naglagay ako ng kauting pabango at kinalma muna ang sarili. Inalog ko ang ulo para mawaglit kahit na sandali ang mga gumugulo sa isipan ko.
Hindi ako nagtagal sa CR. Hindi naging maganda ang huling eksena ko sa CR. Mabuti na rin na hindi kami nagtatagpo ni Amanda. Iiwasan ko na talaga siya. Wala akong laban sa kanya.
Lumipas ang dalawang subject na hindi pumasok si Camila. I flooded her a message but I didn't get a response even just once. That got me frustrated.
Ano ba ang ginawa niya? Kasama niya ba si PJ? Is this her definition of enjoying the remaining moments? Dahil sa college ay hindi na niya ito magagawa?
Well, this is not it!
Pumasok din siya nung P.E subject, malamang na dahil siya ang leader ng group. Kinausap niya ako pero hindi ko siya sinagot. Napansin niyang hindi ko siya kinikibo kaya tinangka niya akong hilahin.
"May practice na kami," sabi ko.
Sumimangot siya. "I'm sorry."
"Saan ka ba galing?"
Hindi siya nakasagot.
"What the hell are you doing, Cams?" That's when I confronted her. "Si PJ ba? Hindi ba pwedeng kapag wala na lang pasok? Hindi ka absent sa dalawang subject, Cams. Cutting classes 'yon."
"I know..."
I let out a sigh.
"Kumain kami sa labas ni PJ. Hindi ko alam na malayo pala 'yung lugar." Ngumiwi siya. "Tapos na-traffic pa kami kaya hindi na talaga nakapasok."
"Just don't do it again, Cams."
She wrapped her arms on my arm. "I know. Hindi na talaga..."
Napailing na lang ako.
Bumalik na kami sa gym. Naging mas istrikto si Roddie, ang leader namin, sa amin. Hindi katulad ng madalas sa practice, totoong babasagin na baso na talaga ang ginamit namin. Nakailang basag kami. Buti na lang ako kahit na nahulog kong isang beses ay hindi nabasag.
I took a water break. Pinansin ko ang grupo nila Cams. Maayos naman sila. Seryoso lang ang kaibigan ko habang kinakausap ang members niya.
I couldn't help but feel worried about her. Napapadalas na ang pagsasama nila ni PJ. It's not like I am doubting that guy but I've seen it. Sinabi na rin sa akin ni Cams na playboy ang lalaking 'yon.
Sana lang ay alam niya kung ano ang nilalangoy niya at hindi siya malunod. Pero kung ano man ang mangyari, sisiguraduhin kong naroon ako. I love my best friend so much. I want the best for her.
After P.E we had two more subjects before we called it a day. Nag-stretching ako habang ang mga kaklase ko ay palabas na ng classroom.
Cams approached me.
"May practice kayo?" tanong niya.
Tumango ako. "Busy na kasi si Roddie sa susunod na araw. This is our last practice."
Tumunog ang cell phone ni Cams.
"Gano'n ba?" aniya.
"Sasama ka na naman kay PJ?" nagtaas na ako ng kilay.
"Sabay raw kaming uuwi e."
"Uuwi talaga ha?" nagdududa kong tanong.
"Oo. Gaga!" Inirapan niya ako. "Saka pinapauwi rin ako nang maaga ni Daddy eh."
"Buti naman." Bumuntonghininga ako.
"Sige..."
Bago siya umalis ay niyakap ko pa siya.
"Oh? Ano'ng dramang 'to?" natatawa niyang tanong.
"Wala lang. Sige na."
Nagngitian muna kami bago siya umalis. Napansin kong nilabas niya ang kanyang cell phone na kanina pa tumutunog. Sino pa ba 'yon? Edi si PJ! Or pwede rin namang si Tito.
Kinuha ko na ang bag ko. Dumiretso ako sa gym. Naabutan kong nag-aayos na ang mga kasama ko. Seryoso kaming nag-practice. Lahat kami ay maayos. Malinis ang naging last practice namin.
"Thank you for your cooperation, guys!" nakangiting sabi ni Roddie. "Good luck sa atin si Friday. No matter what happens, let's just do our best. Okay?"
Pagkatapos ay bumalik ako sa locker room. Nag-iwan lang ako nang ilang mga gamit. Pagkalabas ko ay halos mapatalon ako sa gulat nang may sumalubong sa akin.
"Ulrich!" I glared at him.
He smirked. "Now you know the feeling..."
I rolled my eyes.
"So... napag-isipan mo na ba?" tanong niya.
Umiling ako. "I still don't know, Rik. Give me enough time. Medyo hindi ko pa rin matanggap ang nakita kanina."
Hindi ko nga alam kung paano haharapin si ate mamaya nang hindi inaalala ang ginawa niya. Ayoko namang ma-weirduhan siya sa inaaktok ko.
Pero hindi ko kayang magpanggap na wala akong nakita. But I will still try to act like I didn't see anything. For the sake of Ulrich's plan. Hopefully, it will work.
Gaya ng palagi ay sabay kaming naghapunan ni Ate Sarah. Hindi niya hawak ang kanyang cell phone. Nagtatanong siya kung ano ang gusto ko sa graduation day ko.
"Wala naman tayong iimbitahan," sabi ko.
"Right. Hmmm..." She leaned on the chair. "How about camping?"
Natigilan ako sa pagnguya. "Camping?"
"Like... just us. Malawak ang likod nating bahay. We can build a small tent right there. Mag-iihaw tayo. We will star gaze. We will spend the whole night together."
That idea put a wide smile on my face.
"I love that!" I said.
"Baby sis..." Kumunot ang noo ni Ate Sarah. "May nangyari ba?"
Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak pala ako.
Mabilis na tumayo si Ate Sarah at tumabi sa akin. Hinarap niya ako sa kanya. Nakangiti man pero may bakas ng pag-aalala sa kanyang maamong mukha.
No. I still don't want to believe what I saw.
"Tell me what's wrong."
I shook my head. "I just wish Mom was still here."
That's true though. Gusto kong narito rin si Mama sa graduation ko. Kahit na nag kodigo lang ako para makapasa, gusto ko pa ring makitang nakangiti sa akin si Mama.
"Hey. I'm here. Ate is here, Riza."
"Thank you, Ate. I love you..."
She pulled me into a tight and long hug.
I have no idea what's happening. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito si Ate Sarah. Bakit niya pinatulan ang isang may asawa na.
Wait for me, Ate. I will save you.
Kinabukasan ay sinubukan kong puntahan si Ulrich pero hindi ko siya naabutan sa kanyang office. Nakasalubong ko si Vice Hailey at sabi nito'y may ginagawa raw si Ulrich.
Right. The Foundation Week is approaching.
Lumipas ang ilang araw na hindi ko naaabutan si Ulrich. Halos hindi na rin pumasok ang mga teachers namin dahil tapos na ang exam. Malaya kaming nakakagala sa campus.
Nakatambay kami nila Jessie at Cams sa gym. Hawak ko ang cell phone ko, iniisip pa rin kung te-text ko ba si Ulrich o ano. May sagot na ako sa alok niya.
"May plano na kayo sa summer?" biglang tanong ni Cams.
"Nakakatamad mag plano." Humikab si Jessie. Nakahiga siya sa bleacher at tutok din sa kanyang cell phone. "Todo effort sa plano tapos hindi naman matutuloy."
"Tanga. Umayos nga kayo. Isipin niyo last summer na natin ito bago mag college!" Tumayo na si Cams at humarap sa amin. "We need to enjoy our remaining days. Guys. Come on!"
"What's your plan?" I asked.
"Rest for a week," she started. "Of course, we also need to rest. After that, we can enjoy the different beaches in the country. Sayang naman pag-work out ko kung hindi ko maipapakita katawan ko!"
Nanlaki ang mga mata ko nang itaas niya bigla ang kanyang blouse. Narinig kong nagmura si Jessie bago dinikit ang cell phone sa kanyang mga mata para 'di 'yon makita.
"Camila!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
Tumawa muna ang gaga bago binaba ang blouse.
"Ano nga?" she groaned.
"G lang ako," sabi ni Jessie.
Pumirmi sa akin ang tingin ni Cams.
Nagkibit-balikat ako. "Basta ipagpaalam niyo ako kay Ate Sarah."
"Ano ka ba?" Tumabi siya sa akin. "I got you!"
"Okay..."
"Saka hindi rin ba magbabakasyon si Ate Sarah?" tanong pa ni Camila. "Masyado na siyang tutok sa trabaho. Hindi na niya yata na-e-enjoy ang buhay!"
Hindi ako kumibo.
"Isama kaya natin siya?" suhestyon pa ni Jessie. Bumangon na siya.
"Eh? Hindi ba awkward 'yon sa 'yo, Rizzie? Kasama ang ate mo sa getaway with your friends?" tanong ni Cams. "Like... hindi ka makakalandi. Ayoko kaya no'n. Duh."
"Hindi naman..." sagot ko.
"Edi isama na natin siya! Kawawa naman kasi ate mo, Rizzie. Iiwan mo sa bahay habang nag-e-enjoy ka?" pangongonsensya pa ni Jessie.
"I don't know. Kung maaaya natin siya, why not?" I shrugged my shoulders.
Friday has finally come. We are all dressed before Sir Manalo even arrived at the theater room. Nakaupo muna kami sa harapan para panuorin ang mga unang grupo na mag-perform.
Kahit na malamig dito ay pinagpawisan ako. I was wearing a traditional floral dress. Soft panuelo raw ang tawag dito. Nakatali ang buhok namin.
Ginamit ko ang kamay ko para paypayan ang sarili.
Nagpalakpakan ang lahat nung matapos ang isang grupo. Sumunod na tumayo ang grupo nila Camila. Dumiretso sila sa backstage para maghanda.
Kumabog bigla ang dibdib ko. Baka matapon ko ang tubig ng baso dahil sa kaba!
Napatingin ako sa grupo ng mga lalaki na pumasok. Huminto sandali si Chester at tumingin sa mga nakaupo. Pumirmi ang tingin nito sa akin. Ngumiti siya at kumaway.
Just like that, all my worries disappeared.
Pero mas na-pressure ako. Shit.
Dumiretso sila sa front row. They are really going to watch!
Lumabas na sa stage ang grupo nila Camila. Biglang tumayo si PJ at sumipol kaya napagalitan siya ni Sir. Bale-wala lang naman 'yon sa kanya. Tumawa pa nga siya.
Tumingin ako sa kaibigan ko. She doesn't look anxious at all. Bumaling muna siya kay PJ. Ngumiti siya nang matamis bago naghanda.
Their group did well. Nung matapos silang mag-perform ay tumayo ako at pinalakpakan sila. Maging ang grupo nila Chester ay tumayo maliban lang sa kanya.
I was proud of Camila. She did really well!
Finally... our turn.
Tumayo na kami at pumunta sa backstage. Kinuha na namin ang mga baso na may lamang tubig. Nag-practice muna kami sandali bago lumabas ng backstage.
I felt numb. The spotlight was on us.
Bumaba kay Chester ang tingin ko. He gave me a big smile and thumbs up.
I smiled back.
Ganito rin ba ang naging pakiramdam ni Camila nung ngitian siya ni PJ? Na sa halip na ma-pressure ay biglang natuwa at nawala ang kaba?
With a glass of water on our heads and two more glasses on both of our hands, we danced to the music gracefully. Narinig kong may nabasag na baso pero hindi ko 'yon pinansin.
Sumipol uli si PJ kaya nahampas siya ng cartolina ni Sir.
Napatingin ako sa lalaking pumasok sa pinakataas at dulo. Umupo si Ulrich sa upuan. Umiinom siya ng tubig habang nakatingin sa akin.
My hands suddenly shuddered and one of my two glasses slipped from my hand. Gano'n pa man ay hindi ko binaba ang isa kong kamay kahit na wala na 'yong hawak na baso.
I stared at him the whole time.
The folk dance performance has finally ended. We didn't get the highest grade, sila Camila ang nakakuha no'n, which is what they deserved. Pero hindi rin naman kami ang pinaka kulelat.
"Magpalit na tayo," aya sa akin ni Cams. "We did it!"
"Congrats. Mauna ka na sa CR. May kukunin lang ako sa locker," sabi ko.
Nauna na siya sa CR. Imbes na sa locker room ay pinuntahan ko si Ulrich sa kanyang office. Suot ko pa rin ang dress kaya tagaktak ako sa pawis pagkadating.
Pabagsak kong sinarado ang pinto. Naabutan kong nagla-laptop si Ulrich. Hindi niya man lang niya ako binalingan ng atensyon.
"What can I do for you?" he asked without lifting a gaze.
Napatingin ako sa tubig na nakapatong sa gilid niya. May bawas na 'yon. Dahil kanina pa ako nauuhaw, hindi ako nag-atubiling kunin 'yon at inumin hanggang sa huling patak.
I gasped.
"Thank you..." Saka ko binalik sa lamesa ang walang lamang bote ng tubig.
Ulrich stopped typing. Sumandal siya sa upuan at tumingin sa akin.
Lumunok ako.
"Are you going to perform in front of me?" he asked.
I shook my head.
"I'm busy Riza—"
"Secretary Riza," I cut him off.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro