Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11: Find Out

"Hoy. Sandaliii!"

Hinabol ko si Ulrich. Mabagal lang naman ang paglalakad niya.

"Seryoso, Rik." Pumunta ako sa harapan niya at paatras na naglakad. "Paanong napunta sa 'yo ang cell phone ko? Ikaw ba ang nagnakaw o kinuha mo para sa akin?"

Nah. None of those two options makes sense. Bakit niya nanakawin ang cell phone ko gayong kaya niyang bumili ng higit sa presyo nito? Wala rin namang importanteng laman ang cell phone ko maliban sa mga pictures ko.

So... kinuha niya para sa akin?

My eyes broadened when I realized something.

"You ran after the thief that's why you wounded your arm?" I gasped, loudly.

Did he really do that? No way!

Tamad lang siyang nakatingin sa akin. Mas bumagal ngayon ang paglalakad niya habang ako ay patuloy na naglalakad paatras.

"Answer me!" I demanded.

"Answer you? Wala ka ngang sinagot sa dalawa kong sinabi sa 'yo." Pinasok niya sa loob ng bulsa ang mga kamay. "Bakit nasa 'yo ang picture na 'yon?"

Picture? What picture?

"I don't even remember that photo." Nanliit ang kanyang mga mata, tila nagdududa. "No one among us uploaded that on our social media accounts."

Oh. Did he mean that topless picture of them?

"Si Chester ba?" tanong pa niya.

I nodded. "He accidentally sent that photo."

"O baka hiningi mo?"

"Hindi ah!"

"Why didn't you delete it then?" he asked after.

Hindi na ako nakasagot. Damn. Nabaliktad ang sitwasyon ngayon. I should be the one confronting him about my cell phone and it ended up in his possession!

One of my feet inadvertently stumbled on something and I lost my balance. I hopelessly watched how my view of Ulrich rose up in the sky while I was falling on the ground.

I closed my eyes. I didn't feel anything.

I opened my eyes. Ulrich was leaning towards me, nanlalaki ang kanyang mga mata. Hawak niya ang puting blouse ko at 'yon ang dahilan kaya hindi ako tuluyang bumagsak.

It felt the time has frozen for a while and the world stopped spinning. My heartbeat was raging fiercely against my chest.

Narinig kong tumunog ang butones ng blouse ko. And before I even realized it, my back finally impacted on the ground. That's when Ulrich decided to let go of me.

"Ouch!" Napaliyad ako, hawak ang likod. Masamang tiningnan ko si Ulrich na nakatingin sa ibang direksyon. "Thank you, ah? Hindi mo na sana ako sinalo kung bibitiwan mo rin naman pala ako sa huli!"

Paasa ampotek!

Tumikhim si Ulrich. "Get up now."

Ano pa nga ba?

Tumayo ako sa sariling paraan. Tinagilid ko ang ulo para pagpagan ang likod ng uniform ko. Hays. Puti pa naman 'to. Mahihirapan na naman akong maglaba.

"Diyan ka na nga!" inis kong sambit.

Aktong tatalikod na ako nung hawakan ni Ulrich ang braso ko. Nakatingin pa rin siya sa ibang direksyon. Napansin kong namumula ang kanyang mukha.

"N-napunit ang blouse mo..." aniya.

Bumaba ang tingin ko sa blouse ko. Doon ko lang napagtanto na hindi lang pala paglalaba ang aalalahanin ko. Sira ang ilang butones ng blouse ko at may punit pa kaya kita ang kulay puting sando ko.

Tumuwid kay Ulrich ang tingin ko.

"What's to be embarrassed for? Nakita mo na akong naka-swimsuit ah?" It's not a big deal though. As long as my boobies are still covered... I'm fine.

"Yeah. But... you are in school uniform now."

My brows arched. "So?"

"Ilagay mo na lang sa harapan mo ang backpack mo."

"Huwag mo akong utusan," pagsusungit ko.

Pero ginawa ko ang sinabi niya. Pinaharap ko sa akin ang backpack ko. Gagawin ko rin naman ito mamaya bago sumakay ng jeep eh.

"Done..." I said.

Tumumid uli sa akin ang tingin ni Ulrich. Pinasadahan niya ako ng tingin. Tila nakuntento naman siya.

"What now?" I asked.

"Okay. I will go ahead now," he said.

Saka na niya ako nilagpasan.

Napanganga ako. Just like that?

Umismid ako. Naglakad na rin ako sa ibang direksyon.

"Anyway..." Ulrich suddenly said.

Napatingin ako uli sa kanya. Malawak na ang pagitan namin. Ang palubog na sinag ng araw ay nakatutok sa kanya. Nilagay niya sa noo ang isang kamay, nasisilaw habang nakatingin sa akin.

It was such a view. Makinis ang kutis na tila hindi pa tinubuan ng tigyawat, namumula ang mga basang labi at higit sa lahat... nakatingin sa akin.

"Ano na naman, Rik?" pagod kong sabi.

"May sundo ka ba?" tanong niya.

"We are not born rich like you, Mr. Delgado."

He nodded. "I still have your phone."

Pinakita niya sa akin ang cell phone kong hawak niya. Mukhang nakuha niya uli 'yon nung nabitiwan ko dahil sa pagkatalisod kanina.

"Gusto mo bang malaman kung bakit napunta sa akin 'to?" tanong niya.

I smirked. "Just say you want to give me a ride, Ulrich."

"Hell no! Bahala ka nga diyan!"

Humabol ako sa kanya nung naglakad na uli siya. Pumantay ako sa paglalakad niya. Lumawak ang ngiti sa aking labi nung mapansin na nakasimangot si Ulrich.

"Sabay na ako," sabi ko.

Hindi siya kumibo. That's a yes, I guess?

Pumunta kami sa parking lot. Pinatunog niya ang sasakyan kaya mabilis akong sumakay sa tabi ng driver's seat. Pinatong ko sa kandungan ang bag at niyakap.

Suminghap ako. Amoy na amoy rito ang nakulob niyang pabango.

Ulrich sat beside me. Narinig ko pa ang pagdaing nito na tila pagod na pagod. Pinatong niya sa dashboard ang cell phone ko kaya kinuha ko uli 'yon.

"Just delete that photo..." he said, calmly.

"Okay..." I agreed.

Kumalma na kami, hindi katulad kanina. Saka ang kapal naman ng mukha ko kung tatarayan ko pa siya. He's giving me a free ride home!

I went to my gallery to find that picture. Gaya ng gusto ni Ulrich ay dinelete ko ang picture na sinend ni Chester. Maganda na rin 'yon dahil baka makita ni Cams at ano na naman ang isipin niya.

Sa peripheral vision ko ay nakita kong nag-alis ng polo shirt si Ulrich. Pinasok niya 'yon sa kanyang bag. Tumalikod siya sandali para ilagay sa backseat ang bag niya.

Nabangga niya ang braso ko.

"Aray!" bigla siyang umangal.

Napatingin ako sa kanya. Nakahawak siya sa braso niyang may bandage. Napansin kong may dugo na roon. Mukhang natamaan ko 'yon. Iyon din ang brasong pinanghawak niya sa blouse ko para hindi ako bumagsak.

Hindi gaanong masakit ang pagbagsak ko dahil napigilan 'yon ni Ulrich. Kapalit no'n ay napwersa naman ang pinapagaling niyang braso.

It must have been hard to have a wound like that while working with a lot of things. Ngayon ay mas naiintindihan ko na kung bakit nagrereklamo siyang wala ang secretary.

"Sorry..." I whispered. Yumuko ako at pinagsalikop ang mga daliri. "And... thank you na rin."

Hindi siya kumibo. Nagmaneho siyang tahimik. Binaba niya ang bintana para batiin ang guard namin nung binuksan nito ang gate para makalabas ang sasakyan.

I sniffed. Hindi ako mapakali. He's bleeding but still driving.

Patago akong sumulyap sa kanya. Seryoso siyang nagmamaneho. Sa gilid niya ay tumatagos ang sinag ng araw.

Binaba niya ang brasong may sugat at ang isa na lang ang humawak sa manibela.

"Buti wala kang sundo?" balik ko sa tanong niya.

"I can drive," tipid niyang sagot.

"Nakuha mo ba 'yan nung hinabol mo 'yung magnanakaw? To get my phone back?" I don't want to assume but that's the clear explanation I can think of.

Wala rin naman 'yong kagabi.

"It's nothing..." he said. "I would do that to anyone."

"Thank you..."

"I said I would do that to anyone."

"And I said thank you."

Hindi na siya nagsalita pa.

"Hindi ako marunong sa sugat—"

"Nah. It's nothing," he cut me off. "I just wish my jobs would be lessened. That's all."

Tumango ako. "Hindi pa ba makakabalik ang secretary niyo?"

"She's still resting. Nakauwi na siya pero hindi muna pinapapasok. O kahit na pumasok siya ay hindi muna siya makakabalik sa posisyon niya."

I swallowed. I see...


"I don't know anything about being a secretary—"

"I would rather guide you than do those tasks myself."

That shut my lips.

Shit.

Kailangan ko itong pag-isipan. I don't like responsibilities. Mga responsibilidad ko nga sa buhay ay napapabayaan ko, akuin pa kaya ang responsibilidad ng iba?

"It's fine if you don't want to," he said.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Hindi naman siya nagpapaawa pero bakit naaawa ako? In fact, he can even get someone better than me.

Why me? I fail everything.

Hindi ko namalayan na tumigil na pala kami sa harapan ng gate namin. Inalis ko na ang seatbelt ko pero hindi pa rin ako lumalabas.

"Don't overthink about it, Riza. Hindi naman kita pinipilit."

"Let me think about it..."

Tumikhim siya at umiwas ng tingin.

"Yeah. Sure," he responded.

Suminghap ako ng hangin. "Drive safely. Thank you, Rik."

Nung wala akong natanggap na sagot ay lumabas na rin ako ng sasakyan. Saka na rin umalis si Ulrich. Tumulala ako ilang sandali bago pumasok sa loob ng gate.

Napatingin ako sa bintana namin. Nakita kong nakatingin sa akin si Ate Sarah habang humihigop ng kape. May nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Damn. I don't want to be interrogated now!

"So..." pambungad ni Ate Sarah pagkapasok ko.

"I'm tired, Ate."

That's true though. Sobrang daming nangyari ngayong araw. Pagod na pagod ang katawan at utak ko. I just want to get dressed and lay in my bed.

"Wait." Hinarap niya ako sa kanya. Bumaba sa blouse ko ang kanyang tingin. Napalitan ng pag-aalala ang expression nito. "What happened now?"

I just shook my head. "Wala naman, Ate."

"May nang-away na naman ba sa 'yo?"

"I slipped, Ate. It's nothing, please..."

"Uh. Okay."

Naalala ko na naman ang ginawa niya kanina. Hindi ko napigilang yakapin siya.

"Salamat kanina, Ate..."

"Anything for my baby sis..." she hugged me back. "Andito lang lagi si Ate Sarah ah? Huwag kang matakot na magsabi sa akin. Lagi kitang papakinggan at iintindihin."

I got teary eyed. Ano na lang mangyayari sa akin kung wala si Ate Sarah?

Nagpalit ako ng damit at tinulungan si Ate Sarah sa paghahain ng hapunan. Maya't maya ang paghikab ko. Napansin 'yon ni ate kaya inako na niya ang paghuhugas ng pinagkainan namin.

"Tulungan na kita, Ate—"

"No. Ako na."

Napatitig ako sa mukha niya. May ibang ngiti sa kanya.

"Ayos ka lang ba, Ate?" tanong ko.

Bigla siyang tumili at niyakap ako.

"Binalita sa akin ni Miss Dorothea na mataas daw ang nakuha mo sa exam!" she exclaimed. Kinurot pa niya ang pisngi ko. "I'm so proud of you, Riza."

I faked a laugh. That's why...

"O-oo nga, Ate." Kumamot ako sa batok. "Sige. Papasok na ako sa kwarto ko."

Niyakap niya pa ako... nang mahigpit.

Sobrang sikip ng dibdib ko. Pagkatalikod ko ay halos patakbo na akong pumasok sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto ay bumagsak ang mga luha ko.

Kinuha ko ang bag ko. Nilabas ko ang test paper.

I stared at my exam result. Pinunit ko 'yon saka kinusot. Tinapon ko 'yon sa trash bin bago pabagsak na humiga sa kama. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.

I'm sorry, Ate...

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pag-iyak. Nagising ako na madilim pa rin sa labas. Kinuha ko ang cell phone ko para tingnan ang oras.

It's three in the morning. Naalimpungatan lang ako.

I tried to go back to sleep again. Nakapikit lang ako, gising na gising ang diwa. Mukhang nawala ang antok ko kaya bumangon ako.

Naalala ko ang binigay na cell phone ni Chester. Ibabalik ko na lang sa kanya 'yon. Hindi ko rin naman magagamit. Hindi ako sanay na gumamit ng iPhone. Saka mas gusto ko ang cell phone ko.

Nauhaw ako kaya lumabas ako ng kwarto. Humihikab akong tumungo sa kusina. Hindi pa ako nakakapasok doon nung marinig ang boses ni Ate Sarah. Tila may kausap siya sa cell phone.

Eavesdropping is a nasty thing to do. No matter if it's your relative, friend or what, it's just not it. But something in my mind told me to do it.

Lumapit pa ako para mas marinig ang usapan.

Kumakabog ang dibdib ko.

"Lunch? I am not sure. Napangako ko kasing sasalo ako sa mga kaibigan ko," dinig kong sabi ni Ate Sarah. Tumawa pa siya. "Okay, fine. Pero 'yung request ko ah? I want my sister to feel safe."

Kumunot ang noo ko. Who the hell is she talking to?

"It's 3 am na rin pala. I still have a class tomorrow," sabi ni Ate Sarah. "Okay. I will be seeing you on my lunch break. Please, not on your office again."

Kahit na uhaw pa rin ay napilitan akong bumalik sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at natulala. Sino ba ang kausap niya? Siya ba 'yung nanliligaw kay Ate?

Pero bakit nadawit pati ang pangalan ko?

Narinig ko ang mga yabag palapit sa kwarto ko kaya mabilis akong humiga at pinikit ang mga mata. Marahan na bumukas ang pinto ko. Ilang sandali lang ay sumarado rin ito.

Hindi ko na minulat pa ang mga mata ko. Nagising na lang ako nung tapikin ako ni Ate Sarah. Hindi pala nag-alarm ang cell phone ko.

We had breakfast together. Napansin kong maya't maya ang pag-check niya sa kanyang cell phone. May kakaiba ring ngiti sa kanyang labi. Iyong ngiti na matagal ko na ring hindi nakikita.

She's really in love.

Though I am happy for her, I still feel worried.

"Baka medyo matagalan ang pag-uwi ko, Ate," sabi ko.

Sa wakas ay nakuha ko ang atensyon niya. She dropped her phone on the table.

"Why?"

"Last practice namin ng folk dance," sabi ko. Humigop ako sa mainit na gatas.

"Gano'n ba? Basta. Huwag masyadong gabi ah?" paalala pa niya.

Tumango ako.

"Saka... magpahatid ka na lang uli," pang-aasar niya.

I just rolled my eyes.

"Pwede ko ba siyang makilala?" tanong ni Ate Sarah.

Oh. Akala ko ay kilala na niya. Oo nga pala. Tinted ang sasakyan ni Ulrich.

"What for? Nagmagandang-loob lang 'yung lalaki," sagot ko.

Yeah. Ulrich just felt the need to give me a free ride. Kahit na hindi sinasadya ay siya pa rin ang nakasira ng blouse ko. Malamang na nakokonsensya lang siya.

Ate Sarah giggled. "I know. Masama bang pasalamatan ko rin siya?"

"Whatever, Ate."

"Uyy. Kinikilig siya oh."

Ngumiwi lang ako.

Sabay kaming pumasok ni Ate Sarah. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang narinig ko kabado. Bakit ba sobrang bothered ko? It's her life. She's old enough to decide for herself. Saka kung masaya naman siya ro'n, bakit ko siya pipigilan?

Nauna ako sa classroom. Medyo late na ring nakapasok si Cams. Agad siyang dumiretso sa kanyang upuan. Napansin kong tila hinihingal pa siya.

Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang pen. Sinubukan kong ituon ang atensyon sa lesson. Medyo kaunti na lang naman ang tinuturo dahil tapos na ang exam. Nag-uumpisa na ring talakayin ang foundation week.

We had a short break after three classes. Lumabas kami ni Cams para bumili ng maiinom. Bumili ako ng mango pineapple fruit shake.

Tumambay kami sa science garden. May mga kubo rito. Sa harapan namin ay may maliit na fish pond. May mga pangilan-ngilan ding tumatambay sa ibang kubo.

Inalis ko ang sapatos ko at tinaas ang mga binti. Ngumiwi si Cams saka umatras nang konti palayo sa akin.

"Arte mo. Bakit ka nga pala late?" tanong ko.

"Bawal ma-late?" pagsusungit niya.

I shook my head. "Nope. Pero kahit naman late ka, hindi ka tumatakbo papuntang school ah. So... bakit ka hinihingal kanina?"

Cams rolled her eyes. "Lahat na lang napapansin mo!"

"Weh? Bakit nga?" Sumimsim ako sa shake.

"Sa third floor ang building natin, sira ang elevator," aniya.

Tumango ako. I've never used the elevator. Minsan kasi ay mas marami pang tao ro'n kesa sa hagdan. Ayoko namang makipagsiksikan kung may iba namang daan.

"Ano nga pala nangyari kahapon?" siya naman ang nagtanong. "I forgot to ask you. Saka mukhang wala ka sa mood magsabi. So... ano?"

"Nagsumbong si Amanda sa Mommy niya..."

"Oh. Then?"

"Like mother, like daughter," I sighed.

"She's a freaking lady now, pero bata pa rin umasta." Hinipan ni Cams ang kanyang bangs. "Palibhasa spoiled sa magulang. Lalo na kay Mrs. Megardon."

I couldn't agree more. What a pity.

"Oo nga pala. Kayo na ba ni PJ?" tanong ko.

Natigilan siya sa pagsisip sa straw.

"Hindi naman kami..." mababang boses na sabi niya.

"But you called him babe," I reminded her.

Medyo shocked pa rin ako sa bilis ng mga pangyayari.

She winced. "And? Just because I call him babe doesn't mean I am dating him. Saka... he's not really my ideal love. He's just... hot."

"Fuck buddy?" diretso kong tanong.

Napaubo si Cams.

"Tangina naman, Rizzie. Akala ko inosente kang babae!"

"Gaga! Totoo nga?!" bulalas ko.

I said that as a joke. But...

"Hmm..."

Tinaasan ko siya ng mga kilay.

"Cams naman eh."

"Can't help it." Sumimangot siya.

"Can't help it mo mukha mo! Kapag ikaw—"


"Stop!" she cut me off. "We are safe, Rizzie."

Hindi na lang ako kumibo. Hindi ko maiwasang mag-alala para sa kanya. I've seen this one before. Hindi na bago sa akin ang ganitong setup.

"Saka... hindi rin naman ito magtatagal," aniya.

"Hindi mo sure..." bulong ko.

"Nope. After we graduated senior high, we will also end it. Mas focus ako sa college studies ko. I promised to my Dad na babawi ako sa college."

After the quick discussion, bumalik na kami sa classroom. One more subject and finally, lunch break. Pero imbes na sumama kay Cams ay nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan.

"Okay..." she casually said.

"Please, puntahan mo na lang muna si Jessie," sabi ko.

"Nope. May kasama na ako..."

I eyed her, suspiciously.

"Bahala ka nga!" Saka na ako naglakad palayo.

Malayo-layo ang mga lower grades sa amin kaya ilang minuto rin akong lakad-takbo sa ilalim ng mainit na sinag ng araw. Dapat pala bumili muna ako ng inumin. Nakakauhaw 'to.

Halos kalahating oras din siguro akong naglalakad bago narating ang pakay na lugar. Iilang beses pa lang akong nakapunta rito dahil una sa lahat, hindi ako rito nag-aral nung elementary at hindi rin ako gaanong pumupunta rito dahil sobrang layo.

Luckily, I just caught Ate Sarah leaving the faculty room. Dala niya ang kanyang shoulder bag. Agad kong napansin na may kakaiba sa kanyang mukha.

Oh. Nag makeup siya. She doesn't do it usually.

I followed her secretly. Hindi naging mahirap sa akin 'yon dahil mukhang sa sobrang excitement ni Ate Sarah ay wala na siyang pakialam sa paligid.

Really, Rizaline? After eavesdropping, now spying?

Kinuha niya ang cell phone, may tumatawag sa kanya. Nakatutok sa tainga niya ang cell phone habang naglalakad. Napansin ko pang tumatawa si Ate Sarah.

She really looked so happy.

Nakasunod pa rin ako sa kanya hanggang sa kumonti na ang mga estudyante. Palayo kami nang palayo sa mataong lugar. Mas lalong tumindi ang pagdududa sa akin.

Parking lot— doon ako dinala sa kasusunod kay Ate Sarah.

May lalaking naghihintay sa kanya roon. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakatalikod pa siya sa amin.

That's when I stopped walking. I just watched them from afar.

Patalikod na niyakap ni Ate Sarah ang lalaki.

Napangiti ako. Finally. She found her happiness.

Ngunit hindi rin 'yon nagtagal.

Nawala ang ngiti sa labi ko nung humarap ang lalaki. Bumagsak ang mga balikat ko. I couldn't believe what I was seeing. Pumasok silang dalawa ni Ate Sarah sa loob ng isang sasakyan.

Nanginig ang mga tuhod ko. Seryoso ba 'tong nakikita ko? Of all people?

"I didn't expect you would find out this way." Isang pamilyar na boses ang nagsalita sa likuran ko.

Humarap ako sa kanya.

"U-Ulrich..." My lips trembled.

"What are you going to do now?"

Hindi ako nakasagot.

Why? Bakit siya pa?

Bakit sa dinami-rami ng tao... bakit si Mr. Delgado pa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro