Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10: Phone

Later that night, my friends visited me.

Hinila ako nina Cams at Jessie papuntang Downtown. Libre lahat ni Cams dahil nakakuha na naman daw siya ng allowance sa Daddy niya. Also, Jessie finally dropped his cell phone to focus on us.

Everything was chill except my mind.

We were sitting on the bench near the man-made lake while having our ice cream. Nakatulala ako sa makulay na lawa, ang mga sumasakay sa boat na kadalasan ay mag jowa at ang pag sayaw ng mga bangka.

Nag-uusap sina Jessie at Cams tungkol sa kukunin nilang course sa college. Hindi ako maka-relate since hindi ko pa rin naman alam kung ano ang gusto ko.

I feel like I am not sure of everything. I don't know where I am. I don't know what I want. I just watch things come and go before my eyes. I am not doing anything that I can call progress.

"Riverside University pa rin syempre," ani Cams. "I don't want to leave that school until I achieve what I want. Syempre, ayoko rin namang mawalay sa inyo. Gusto kong kasama ko kayo lagi."

Napatingin ako sa daliri ko, tumulo na ang ice cream dito. Mabilisang inubos ko ang ice cream ko saka nagpunas ng tissue. Bigla akong natigilan nang may maalala sa tissue.

Dalawang bagay? I still don't get it.

"Rizzie..." Sumandal sa balikat ko si Cams. May paglalambing sa kanyang boses. "I brought you here to chill, pero hindi ka naman kumikibo."

"Huwag mo nang isipin si Amanda. She is known for being the spoiled daughter of Megardon Family and head over heels for Ulrich. Laging ikaw ang napapansin ni President, syempre magseselos talaga siya..." gatong pa ni Jessie.

Bumaba sa mga paa ko ang tingin ko. "Hindi ko naman gustong nilalapitan ako ni Ulrich," sabi ko.

"I know kaya nga mas lalo ka niyang pinag-iinitan."

"Kung nando'n ka lang kanina, Jess?" Mapaklang tumawa si Camila. "Matatawa ka na lang talaga sa kagagahan ni Amanda. Inumpog ba naman ang ulo sa pader tapos biglang magde-demand na nagka-amnesia siya para idiin si Rizzie? Fucking idiot."

"She will do anything to put the blame on someone for the things she does herself." Jessie chuckled. "Kaya kung ako sa 'yo, Rizzie? Hindi ko siya seseryosohin."

I shook my head. "I don't take her seriously. Pero nasaktan ko pa rin siya. Isa ang pamilya niya sa malakas sa school—"

"Wala namang malalim na dahilan para patalsikin ka nila ah?" sabi pa ni Cams. "Ano 'yon? They will bend the rules just to kick you out? That's embarrassing on their part."

Napabuntonghininga na lang ako. Mukhang gano'n na nga ang mangyayari. They have the power to bend rules just for things to go in accordance of their will. Money really rules this world.

Maaga pa naman kaya pumunta muna kaming Town Square. May mga mini games din do'n. Sa panandaliang panahon ay nakalimutan ko ang mga problema ko – ang pangongopya kong walang kasiguraduhan kung tama ba, ang pag-uusap namin ni Ulrich at ang gulo kay Amanda.

"Tangina naman. Nagpapanggap lang yatang laruan ang mga buwayang 'to e! Nakakuha na ako tapos biglang nahulog? Ano kaya 'yon?"

Napatingin ako sa lalaking nagreklamo. Napakurap ako. Si Arthur na nagrereklamo sa babaeng nagbabantay rito.

"Ah. Sir—"

"Miss naman e. Pahawak nga ng isang laruan na buwaya."

Ngumiti ang babae, pigil sa pagtawa. Kumuha siya ng laruan na buwaya sa tubig at binigay kay Art. Sinuri naman ito ni Art. Pinisil-pisil pa niya.

"Laruan lang po 'yan, Sir," sabi nung babae.

"Uy, si Art," sabi ni Jessie.

"Oo nga. Hays." Bumuntonghininga si Art bago binigay sa babae ang laruan na buwaya. Binalik 'yon ng babae sa tubig at nagpatuloy sa pag-agos.

"Does he really think they are real crocodiles?" ani Cams.

"Pwede ko na lang bang bilhin si Bulbasaur?" turo ni Art sa stuffed toy na pokemon. Determinado talaga itong makuha 'yon. "I will pay any amount. Please. Miss?"

Nahihiyang umiling ang babae.

"Ikaw na, Rizzie." Mahinang siniko ako ni Cams.

Binigay niya sa akin ang fishing rod na panghuli sa laruan na buwaya. May limang beses akong chance at kailangan ay tatlong buwaya ang makuha ko para makakuha ng prize.

I've played this game before. Ilang beses na rin akong nanalo.

"I will try again..." ani Art.

With my five chances, I managed to achieve three crocodiles. Napatakip ako sa tainga nung biglang tumili si Cams at niyugyog ang balikat ko na animo'y sobrang laki ng pinanalunan ko.

"Congrats, Riza!"

Nakalapit na pala sa akin si Art. May makahulugang ngiti sa kanyang labi.

"Congrats po, Ate. Ano po ang gusto niyo?" tanong sa akin nung babae.

Napatingin ako kay Art na nakatingin din sa akin.

"100 bucks," Art smirked.

"'Yung yellow na duck, Rizzie," udyok sa akin ni Cams. "Or pwede rin 'yung teddy bear na lang."

"Choose Bulbasaur for a hundred bucks," sabi pa ni Art.

"G na, Rizzie!" sabi ni Jessie.

I swallowed. That's almost five thousand pesos!

"Cash," I said.

Kinapa ni Art ang wallet niya at naglabas ng tag-iisang libo roon. Nagbilang siya ng lima bago tinago sa bulsa ang wallet. Pinakita niya sa akin 'yon.

Tila kumikinang ang mga pera sa kamay niya.

I turned to the lady. "Bulbasaur, please?"

Camila frowned. "Really, Rizzie?"

Pagkaabot ng stuffed toy sa akin ay binigay ko 'yon kay Art. Binigay niya sa akin ang limang libo. Binilang ko pa tulit ito para masigurong sakto.

"Damn. Finally!" Art hugged the stuffed toy. "I've been playing here for three days in a row now. Salamat, Rizaline Chavez!"

Tumingin ako kay Cams. Inirapan ako nito.

"Hey..."

Just like that, Cams smiled once again.

PJ, Chester, and Ulrich suddenly appeared. May hawak na lobo si Chester habang nakangiti sa akin. Si Ulrich naman ay nakaharap sa ibang banda at may kausap sa phone.

"Nakuha ko na rin!" agad na balita ni Art sa kanila.

Kumunot ang noo ni PJ. "You are bad at this game. How?"

"Maybe not tonight..." Art turn to me and winked.

"Good evening, Riza," Chester greeted me.

I greeted him back. "Nice balloon..."

Tila nahiya naman siya nung punain ko ang lobong hawak niya.

Napansin kong nilapitan ni PJ si Cams. May sinabi siya sa kaibigan ko dahilan para hampasin siya sa balikat. Sobrang hina no'n ah? Kapag ako hinampas niya kulang na lang lumabas ang baga ko.

"Bros. Wait lang ah?" pagpapaalam ni Ulrich.

"Uuwi ka na?" tanong ni Chester.

Napalunok ako nung daanan ako ng tingin ni Ulrich.

"Nope. Andito si Roland. May ibibigay lang ako na hinahanap ni Daddy."


"Sure, Papi. Paki-hello na lang kami kay Daddy Delgado,"sagot ni Art.

Pabirong sinipa siya ni Ulrich bago ito umalis.

Bago tuluyang umalis si Ulrich ay dinaanan niya pa ako ng tingin. Sa pagkakataong 'yon ay napaiwas na ako ng tingin. Tumakas ako kanina sa school. Malamang na dapat ay pinatawag ako sa SSG Office dahil sa gulong ginawa ko.

"Wait lang ah? Lalagay ko lang sa sasakyan si Bulbasaur," ani Art bago umalis.

"Rest Room lang ako," paalam naman ni Jessie.

I was left with Chester.

Bumaling ako kina Cams at PJ. Naglalaro silang dalawa. Nasa likod ni Cams si PJ at pareho silang nakahawak sa fishing rod. Bale parang nakayakap na si PJ sa kaibigan ko.

"Maharot..." bulong ko.

Chester cleared his throat. "Sa 'yo na lang 'tong lobo."

I shook my head. "Sa kapatid mo na lang..."


"Aw. Ayaw mo?" Lumungkot ang kanyang boses.

"Saan mo ba galing 'yan? Binili mo?"

"Yes po..."

Pumula ang pisngi ko. That 'po' suddenly sounded cute.

"Actually, marami 'to kanina e. Binili ko kasi lahat ng tinda nung matandang babae. Hindi pa raw siya kumakain." Kumamot siya sa batok. "Tapos pinamigay ko sa mga batang nadadaanan ko..."

I smiled. "Mukha ba akong bata?"

"Uhmm..."

Nagtaas ako ng mga kilay.

"You are cute though," he smiled.

"Heh! Sige, akin na lang."

Pagkabigay niya sa akin nung lobo ay inaya niya muna akong maupo. Tiningala ko ang lobo. He really bought all these just to help the old lady? I didn't know I could admire him more.

"I'm really sorry for what happened, Riza."

Hindi ako kumibo. Hindi naman niya 'yon kasalanan e.

"Maiintindihan ko kung galit ka sa akin—"

"I am not mad at you." That's when I looked at him. "But I hope, hindi masisira ang pag-aaral ko dahil lang dito, Chester. I know your family is powerful—"

"Hindi ka nila mapapatalsik sa school," he cut me off.

I just shrugged my shoulders.

Sana nga...

Inalok ako ni Chester ng ice cream. Kahit na kakakain ko lang no'n ay nahiya akong tumanggi. Tumayo siya at pinuntahan ang lalaking nagbebenta ng sorbetes.

Napabaling ako sa grupo ng mga babae sa kabilang bench. Nakasunod ang tingin nila kay Chester. Humagikgik pa ang mga ito bago nilabas ang kanilang cell phone para kunan ito ng picture.

Napatingin sa akin ang isa sa mga babae. Tinaasan ko siya ng mga kilay. Siniko naman niya ang kaibigan na kumukuha ang picture ni Chester.

"Andyan girlfriend niya," dinig kong bulong nito.

Hindi ko 'yong binigyan pansin. Dumiretso na lang ang tingin ko kay Chester na nakatalikod sa akin. Matangkad, gwapo at agaw pansin. Hindi na nakapagtataka.

Hindi ko alam kung swerte ba o malas ang magiging girlfriend niya.

Nilabas ko na lang ang cell phone ko. May text message si Ate Sarah kaya nag-reply ako. Napatalon ako sa gulat nung may biglang humablot ng cell phone ko.

I froze for a moment. "Magnanakaw!"

Mabilis akong tumakbo at hinabol ang kumuha ng cell phone ko. Hinawi ko ang mga tao sa daan, may ibang napapatingin lang sa akin ay may iba namang sinisigawan ako.

I tried to get my phone back but I also lost the man who stole my phone in the sea of crowds. Natigilan ako at tuluyang natulala sa gitna nang kawalan. Hanggang sa nanlambot ang mga tuhod ko.

Napaupo ako kasabay ng pagpatak ng mga luha.

I lost my phone. Fuck!

Sa sobrang bagsak ng pakiramdam ko ay nabitiwan ko ang lobo. Tinanaw ko lang ito hanggang sa lumipad. Hinawi ko ang mga luha sa mata.

I want to go home.

I feel so tired.

Tumayo na ako at aktong paalis na nung makita ako ni Chester. Mabilis niya akong pinuntahan. Yumuko ako para hindi niya makita ang pag-iyak ko.

"What happened? I heard you scream," nag-aalala niyang tanong.

I just shook my head. "I want to go home."

He grabbed my arm. "Riza..."

Sinabayan ko ang tingin niya. Lumambot ang expression niya nung makita ang mga luha ko. Wala rin akong nagawa kung hindi sabihin sa kanya ang nangyari.

"Holy shit. I'm really sorry!" Nakagat ni Chester ang pang-ibabang labi. I could see the regret in his eyes. "Tangina. Hindi na dapat kita iniwan doon. I'm so stupid."

"Sinubukan kong habulin—"

"No. No. Hindi mo dapat siya hinabol. Baka kung napaano ka pa."

Nagsidatingan na rin ang mga kasama namin. Nakayuko lang ako habang sinasabi ni Chester ang nangyari. Mabilis akong niyakap ni Camila.

Sinubukan pa naming hanapin ang magnanakaw pero bigo na talaga kami. Ang mga CCTV cameras naman sa paligid ay hindi na raw gumagana.

"I will buy you a new phone!" Chester claimed.

Umiling ako. "No. Salamat na lang, Chester."


It's not his fault though. Naging pabaya lang ako. Nilabas ko ang cell phone ko gayong nasa mataong lugar ako. Marami talagang magnanakaw rito.

Tangina naman. Wala na akong nagawang matino!

"No. I insist," pagpupumilit nito. "It's, somehow, my fault. I should have not left you there alone."

"Nasaan ka ba kasi Jessie?" inis na tanong ni Cams. "Akala ko ay kasama ka nila!"

"I went to the restroom," said Jessie. "Pagbalik ko ay wala na sina Chester at Riza. Pati kayo. I tried to look for you. Si Arthur lang ang tanging nakita ko."

"Putangina talaga ng mga magnanakaw na 'yan," inis na sambit ni PJ. "Kapag nahuli ko lang ang hayop na 'yon, babasagin ko talaga ang mukha niya. Putangina."

"Babe. Chill..." ani Cams.

Napatingin ako sa kaibigan ko. Babe?

Umuwi akong mas lalong bagsak ang pakiramdam. Hinatid ako ni Chester. Sinabi pa niyang bibilhan niya ako ng bagong cell phone. Kahit na anong tanggi ko ay mukhang magpupumulit ito.

I didn't tell Ate Sarah about what happened. Alam kong papagalitan niya ako, hindi dahil sa nawala ko ang cell phone ko, dahil sa tinangka kong habulin ang magnanakaw.

I knew it was not a wise idea to go after that man. He could have done me worse. Masyado lang akong nadala kaya hindi ako nakapag-isip nang mabuti.

I've had enough today.

Natulog akong bagsak ang pakiramdam. Pumasok ako sa school nang walang gana. Sa kabutihang-palad naman ay walang hindi magandang nangyari nung umaga.

Everything passed smoothly.

Lunch Break. Kasama ko si Cams. Tahimik lang kaming kumakain nung may lumapit sa amin na isang babae. Namukhaan ko ito. Isa siya sa mga kasama kong nag-exam kahapon.

"Pinapatawag tayo ni Miss Dorothea," sabi niya.

Umakyat sa dibdib ko ang kaba. Napatingin ako kay Cams.

"You will pass..." she told me.

I gulped.

She smiled at me. "I know you will."

Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit.

I let out a sigh. I don't want to bring my hopes high.

Pumunta kami sa isang class room. Si Teacher Dorothea ang naroon, kasama ng mga nag-exam din kahapon. Nakaupo siya sa harapan at may hawak na papel.

"Everyone, please sit down," she announced.

Kabang-kaba ako habang nakaupo. Isa-isa niya kaming pinapalapit sa harapan para ipakita ang result. May ibang napapatalon sa tuwa at may iba namang bigla na lang naiiyak.

Sobrang sikip ng dibdib ko.

Then, it's my turn.

I walked to her. Tumabi ako sa kanya. Binigay niya sa akin ang test result ko.

Pumatak ang luha sa mga mata ko.

"Congratulations, Miss Chavez."

I skimmed through my test paper. Halos tama ang mga nauna kong sagot na galing talaga sa akin. Kasunod no'n ay ang mga kodigo ko na... tama lahat.

I've got ninety percent, ten percent more than what I needed.

"Teacher Sarah will be proud of you," she said.

My smile faded.

Nagpasalamat ako saka pinasok sa loob ng bag ang test paper. Nakayuko akong lumabas ng room. Dumiretso ako sa CR at pumasok sa isang cubicle.

I sat on the closed bowl. Yumuko ako.

I'm sorry...

Binalita ko kay Cams ang exam result ko. Tuwang-tuwa siya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Tanging tipid na ngiti lang ang naisukli ko sa kanya.

"I knew you could do it!" she said.

I just shrugged my shoulders.

Lumipas ang isang subject bago ang P.E namin. As usual ay practice lang kami. Sa Friday na ang performance namin. I was unusually attentive and quiet.

"Sa Friday na 'to. Let us help each other," Roddie, our leader, announced. Nakasampa pa siya sa bleacher habang kami ay nakaupo sa floor. "We have reached this far. We just need to push it more on Friday. We can do it!"

Yumuko ako at tinupi hanggang tuhod ang jogging pants. Naramdaman kong may tumayo sa harapan ko. Tumingala ako sa kanya.

It was Chester. May hawak siyang paper bag.

"Uyy..." pang-aasar ng mga kaklase ko.

Chester smiled at them. Kinilig naman ang mga kaklase ko.

"Can I talk to Riza for a while?" he asked.

"Sure. Patapos na rin kami," sagot ni Roddie.

Bumaba uli ang tingin sa akin ni Chester.

Tumayo ako at sinundan siya sa bleacher. Inabot niya sa akin ang isang paper bag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang latest model ng iPhone doon.

"I-I can't accept this..." I told him.

"Please?" Pinaglapat pa niya ang mga kamay. "Hindi ako matatahimik hanggat hindi mo 'yan tinatanggap. Hindi nga ako gaanong nakatulog kagabi eh."


"Pero—"

"Ayaw mo ba ako ulit matulog mamaya?" Sumimangot siya.

Napangiwi ako. "This is too much."

"Not at all. Please, accept it, Riza."

Wala na akong nagawa. Napapayag niya rin ako sa huli. Tinago ko muna sa loob ng locker ko ang cell phone dahil may last subject pa kami.

My day has been unusually peaceful so far.

Nasa kalagitnaan kami ng klase nung may babaeng pumasok. May binulong ito sa teacher namin. Tumango naman si teacher bago bumaling sa akin.

"Pinapatawag ka sa SSG Office, Riza," my teacher said to me.

Narinig kong may nagtawanan sa likod ko.

"Bagay. Mukhang mapapatalsik na siya," dinig kong bulong.

"Dapat nung inakusahan niya pa lang si Ulrich ay pinatalsik na siya e."

Kinuha ko ang gamit ko at sumunod na sa babae. Hindi ko na binalingan ng tingin si Cams kahit na alam kong nakasunod lang ang tingin niya sa akin.

Nanginginig ang mga binti ko habang naglalakad.

Shit. This is really happening.

Pagkapasok ko sa loob ng SSG Office ay naroon sina President at Vice President. Sumunod ang tingin ko kay Amanda na nakaupo sa sofa, katabi niya ang isang babaeng may edad na rin.

"Is that her?" the lady asked.

"Yes, Mommy," Amanda smirked at me.

"Please, sit down, Miss Chavez," sabi ni Vice Hailey.

Suminghap ako bago umupo sa isang bakanteng sofa sa harapan ng mag-ina. May mapang-asar na ngiti sa labi ni Amanda na parang nagsasabing, "You are over."

"Mommy..." Biglang umiyak na naman si Amanda.

"Oh. My baby..."

I just stared at them with my blank expression.

"I don't see any reason for you to be here, Mrs. Megardon," baritonong sabi ni Ulrich. Siya lang ang nakaupo sa swivel chair. Nakatayo lang sa tabi niya si Vice Hailey. "This is only between your daughter and Miss Chavez."

Mrs. Megardon stood up. "Pack up your things, Miss Chavez."

My lips trembled. Is that it?

"Mommy. My head hurts..." reklamo ni Amanda.

Mas lalong nangalaiti ang tingin ni Mrs. Megardon.

"You are a disgrace in this school—"

"Please, calm down, Mrs. Megardon—"

"No!" Mrs. Amanda cut Miss Hailey off. Napasinghap ako nung lapitan niya ako. Dinuro niya ako sa mukha. "How dare you hurt my precious daughter!"

"Siya naman po ang nauna—"


"How dare you talk back to me!"

Natikom ang bibig ko sa takot. Ayoko man pero kusang lumandas pababa ng pisngi ko ang mga luha. Lumunok ako at mabilis 'yong hinawi.

Amanda smirked at me.

"I conducted my own investigation, pareho kayong nagkamali rito," sabi ni Ulrich. "That also means you two deserve the same punishment."

Mrs. Megardon turned to Ulrich. "Hindi ako makapapayag na—"

"They are under my rules, Mrs. Megardon. My rules, my decisions." Ulrich stood up. Madiin na tiningnan niya ang Mommy ni Amanda. "As the President of Supreme Student Government, with all due respect, I demand you to leave the office now."

Napatitig ako kay Ulrich. I was in awe while staring at him. I knew he was an authoritative person but to witness it myself— it's a different kind of experience. I see why they fear him now.

Bumaba sa braso niya ang tingin ko. Nabalot 'yon ng bandage.

Aktong susugod sa akin si Mrs. Megardon nung biglang bumukas ang pinto. Napatayo ako nung makita si Ate Sarah. Madiin ang tingin niya kay Mrs. Megardon.

"Don't you even lay your hand on my sister."

"And who are you?" Nagtaas ng mga kilay si Mrs. Megardon.

"She's Riza's sister, Mommy. Gusto ko rin siyang mapaalis sa trabaho niya."

Biglang tumunog ang cell phone ni Mrs. Megardon. Sinagot niya ito. Nakita kong ang galit niyang mukha ay mas lalong napuno ng galit. Binaba niya ang tawag.

She looked at me. "We are not over, Miss Chavez."

"Mommy!" sigaw ni Amanda.

Hinarap niya ang anak na umaarte na naman sa pag-iyak. "Pinapatawag ako sandali ng Daddy mo. You will also get the justice you deserve, baby. I promise that."

Inirapan pa ako ni Mrs. Megardon bago tuluyang umalis.

Mabilis akong niyakap ni Ate Sarah.

"Are you okay?" she checked on me.

No words came out of my lips.

My sister turned to Amanda. "Nag-away raw kayo kahapon? Narinig kong naumpog ang ulo mo sa pader. Ayos ka na ba?"

Kumunot ang noo ni Amanda. Saka siya umirap.

"Wala kang pakialam doon," sabi niya.

My fists clenched. "Don't even talk that way to my sister..."

I could tolerate every word she said to me, but not when it comes to my sister. Baka tuluyan ko nang totohanin ang pang-aakusa niyang inumpog ko ang ulo niya sa pader.

"You may go now," biglang sabi ni Vice Hailey. "You two will still face the consequences. Sa ngayon ay hindi pa namin alam. But expect it to come one of these days."

Sabay kami ni Ate Sarah na lumabas doon. Nung masiguro niyang ayos lang ako ay kinailangan na rin niyang umalis. Naiyak pa nga ako pero hindi ko na lang pinakita.

"Mauna ka nang umuwi, Cams," sabi ko kay Cams nung nasa locker room kami.

Nilagay ko sa bag ko ang paper bag na binigay ni Chester. Wala akong experience sa paggamit ng iPhone. Sa bahay ko na lang ito poproblemahin.

"Why?" Cams stared at me, idly. "Baka kung ano na naman ang mangyari!"

I chuckled. "Nope. May dadaanan lang ako."

"Geez."

"Promise."

"Fine!"

She gave me a hug first. Pinanuod ko siyang umalis.

Dala ang bag ay pumunta ako sa office ni Ulrich. Naabutan ko siyang palabas na roon. Halatang pauwi na rin siya.

"Hi," I greeted him.

"Shit." Napapikit siya sa gulat. "Do you really need to startle me?"

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Mukhang papunta siya sa locker room.

Sumunod ako sa kanya. Pumantay ako sa paglalakad niya.

"Salamat pala kanina..." sabi ko.

"For what?"

"That..."

He threw a glance at me. "It's my responsibility to impose a fair treatment, Miss Chavez. You can mess with anything but not my rules."

I smiled. "That's cool."

"Yeah. Bakit ka ba nakasunod sa akin?"

"Bakit ka may sugat sa braso? Wala naman 'yan kahapon ah?" puna ko.

Huminto siya sa tapat ng locker room niya. Napairap pa ako dahil mas malaki ang locker room nila kesa sa amin.

"None of your business, Miss Chavez."

"Uhmm..." I chuckled.

May kinuha siya sa locker.

"I think this is yours..." And he gave me the phone I thought I already lost.

Bumagsak ang panga ko. Sinuri ko ang cell phone. This is really my phone!

"H-how?" I asked, still shocked.

"You are welcome," he said.

Sinarado na niya ang locker niya. Humarap siya sa akin nang may ngisi sa kanyang labi.

Napakurap pa ako. Paanong nasa kanya ang cell phone ko?

"What?" he asked.

"Ikaw ang nagnakaw ng cell phone ko?!" bulalas ko.

Nawala ang ngisi sa kanyang labi.

"Forget it." Saka na niya ako nilagpasan.

Tulala pa rin ako.

"Also..." he turned to me again. "Kindly delete that picture. Thank you."

I was left dumbfounded.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro