Chapter29 : YeoHyun
I made a new story bebes. Kaisoo sya pero syempre may chanbaek din! I promise na hindi ko na sya buburahin kagaya nung iba >< check it on my profile.
__
Baekhyun's POV
"Kinakabahan ako," sabi ko kay Chanyeol na nakatayo sa gilid ng kamang hinihigaan ko. "Shh.. Masama 'yan para sa magiging baby natin. Wag kang kabahan kasi nandito lang ako," sagot nya.
Maaga akong dinala ni Chanyeol sa ospital kung san nagtatrabaho sina Luhan at Jongdae. Maaga para daw hindi na mangyari yung dati, kahit na hindi naman ako tumalon this year, psh. Si Jesper iniwan namin sa bahay kasama ni Yifan at Tao. Umiiyak sya bago kami umalis kasi daw gusto nyang sumama kaso hindi pwede.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Delikado daw kasing manganak ang lalaki sa pangalawang beses. Pano kung hindi ako mabuhay? O kaya pano kapag hindi sya nabuhay? Jusko, Baekhyun, wag mo ngang isipin yan!
"Luhan, pwedeng bukas nalang?" tanong ko habang kinakagat ang daliri ko. "Baekhyun, hindi pwedeng bukas. Ilang oras na lang gagawin na natin yung operasyon," sagot nya naman habang may tinitignang papel.
"Baekhyun, gusto mo bang isama si Chanyeol sa loob mamaya?" tanong naman ni Jongdae na kakapasok lang. "Oo, papasok ako," sagot ni Chanyeol. "Hindi ikaw tinatanong ko, pwe! Pero payag ka ba, Baek?" tanong nya ulit. Tumango nalang ako bilang sagot. Ayaw kong wala sa tabi ko si Chanyeol. Mas lalong nakakakaba
Hindi talaga ako mapakali. Pakiramdam ko maiihi na ko sa damit ko ngayon dahil sa sobrang takot. Lumabas sina Luhan at Jongdae kasi daw may aayusin sila.
"Daddy, kapag mamamatay ako, ikaw na mag-alaga sa mga anak natin ha.. huhu," nakapout kong sinabi. "Baekhyun, ano ka ba? Hindi yan mangyayari sayo. Hindi ka mawawala sakin, tandaan mo yan," sabi nya tapos ginulo ang buhok ko tsaka ngumiti. Umupo muna sya sa isang upuan sa kwarto tapos natulog.
Mag-isa nalang akong gising dito sa loob ng kwarto habang naghihintay pero maya maya..
"Eomma!"
Agad akong napatingin sa bumukas na pinto nang marinig ko ang anak ko. "Jesper, what are you doing here?" tanong ko. Tumawa-tawa lang sya tapos lumapit sakin. Sinubukan nyang umakyat sa kama kaso masyadong mataas kaya hindi nya nagawa.
"Bebe ko, umuwi ka na! Sinong kasama mo dito, ha? Nasan na yung dalawang yun?!" tanong ko sakanya. Umiling sya. "Aba. Sabi kong wag kang dadalhin dito eh! Jusko, makakatikim yung dalawang yun sakin! Gumagawa nanaman siguro ng milagro," sabi ko sakanya.
Inakyat ko sya sa taas ng hinihigaan ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa lamesang nasa gilid ko tapos pumunta sa contacts. Magmemessage sana ako kay Tao kaso nauna na sya.
Hi Baekhyun! Sorry kung pinadala ko dyan si Jesper ahh. Iyak kasi ng iyak eh! Btw, sana maging okay ka! Papagdasal ka naming dito ni Kris sa kwarto hihi. Magpapasabog kami ng holy water. Sige, Baekhyun. Ingat!
Tinatamad akong magreply kaya hindi nalang ako sumagot. Alam ko naming hindi sila magdadasal doon kundi gagawa ng milagro. Jusko, ifire ko na kaya sila, ano? Para gumawa na sila ng sarili nilang pamilya.
Pagkalipas ng ilang milyong oras ng paghihintay ay pumasok na ang dalawang doktor na magpapaanak saakin. "Baekhyun, handa ka na ba?" tanong ni Luhan na medyo mukhang kinakabahan. "Baekhyun, matulis to, oh! hihi, joke lang," sabi naman ni Jongdae habang hawak hawak ang isang matulis na bagay.
"Jongdae, Luhan, Bahala na kayo sakin ha.."
Nagising si Chanyeol mula sa tulog nya. Nilipat nila ako sa isang kwarto tapos..
__
Chanyeol's POV
"Baekhyun," tawag ko sakanya pero hindi parin sya nagising. Anim na oras na ang lumipas pagkatapos nung operasyon. Masaya ako't walang nangyari sa kanila. Naging risky daw yung operasyon pero mabuti't malakas silang dalawa. Sana okay si Baekhyun ngayon.
"Psst! soon to be Park Baekhyun, gising!" tawag ko ulit. This time nagising na sya. "Ch-Chanyeol," sabi nya tapos sinubukang umupo "Ah. Aray."
"Wag ka munang.. Baekhyun, dahan dahan," sabi ko tapos hiniga sya ulit sa kama. "Daddy gusto ko syang makita, please," sabi nya. "Oo, makikita mo rin sya, maghintay ka lang," bulong ko sakanya. Nagpout sya tapos tumingin kay Jesper na mahimbing ang tulog sa may paanan nya. "Anong ginawa ni Jesper kanina?" tanong nya. "Ayun, umiyak kanina kasi kinakabahan para sa–"
"Hi po mr. Park! Naalaa nyo po ba kami? Si Tiffany tsaka si Taeyeon? Ah! Eto na po pala si Yeohyun! Kiara Yeohyun!" sabi nung nurse na si Tiffany. Binigay nya sakin yung anak ko. "Tiffany, bago ka sana pumasok kumatok ka muna. Sige, salamat," sabi ko tapos tumango naman sya.
Lalabas na sana sya kaso yung isang nurse naman lumapit kay Baekhyun tapos niyakap ito. "Masayang masaya po ako para sayo, dyosang Baekhyun! Ingat kayo lagi ah.." sabi neto. Ngumiti nalang si Baekhyun sakanya tapos nagpasalamat bago pa ito lumabas.
"Baekhyun, kamukha ko sya," sabi ko tapos sabay duyan ng kamay ko. "Hindi kaya! Jusko sana hindi nakuha yung tenga mo," sabi naman nya tapos tumawa ng mahinhin.
"Hindi naman," sabi ko sakanya. Tumabi ako sakanya sa higaan tapos dahan dahang binigay sakanya si Yeohyun. Nagkatitigan kami sa isa't-isa tapos hindi namin namalayan na naghahalikan na pala kami.
**
Third Person's POV
[After 3 months]
"Daddy, nakita mo ba yung wedding ring ko?" sigaw ni Baekhyun mula sa loob ng kwarto nila. "Hindi, mommy. Saan mo ba huling nilagay? Lagot ka nyan kay mama haha!" sabi ni Chanyeol tapos dali-dali syang umakyat pataas ng kwarto nila.
"Eto na pala. Nasa sahig," sambit ni Baekhyun. "Bakit kaya yan nasa sahig? Dahil kaya sa honeymoon natin kagabi?" pabirong sabi ni Chanyeol. Tumawa naman ang magasawa.
"Daddy, okay lang daw ba kina Kris at Tao na ialis muna na natin sila?" tanong ni Baekhyun. Lumapit sakanya si Chanyeol tapos niyakap nya ito ng mahigpit. "Oo, masaya nga sila eh," sagot naman nito tapos hinalikan ang noo ni Baekhyun.
"Tara na, naghihintay na sila Jesper."
Sabay silang bumaba habang bitbit ang bagahe nila. Doon muna kasi sila magiistay sa bahay ng mama ni Chanyeol for Christmas.
Sinalubong sila nila Luhan at Kyungsoo sa harap ng pinto kasama ang mga anak nito. Pati sila sasama.
"Chanyeol, may pool ba talaga si Mrs. Park?" tanong ni Jongdae na kakapasok lang. "Oo pero.. November ngayon kaya walang tubig yun. Bakit mo tinanong?" sagot nya. "Wala? Sayang, magiice-skating sana ako dun kasama si Xiumin my labs," sambit nito sabay yakap kay Xiumin na nasa tabi nya.
"Suho, nasan ba tayo, ha? Bakit ba tayo naglakad papunta dito? Pagod na pagod na 'ko! Ang bigat pa nitong bag natin" reklamo ni Lay na kakarating lang kasama si Suho. "Babes, magbabakasyon tayo, okay? Kaya mo yan!"
Pumasok na silang lahat sa loob ng kotse ni Jongin tapos pinaandar na nya ito.
Masaya silang nagkantahan sa loob ng kotse nang may biglang nagsabi ng, "Buntis ako"
__
T B C
NEXT UPDATE IS EPILOGUE. i cri.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro