Chapter27: pangako
Maraming salamat sa mga nagsuggest ng pangalan doon sa previous chapter! Sobrang saya ko :) Basahin nyo nalang tong chapter para malaman nyo kung ano yung napili ko :) dalawa pala yun tapos pinagdugtong ko :) enjoy
__
Third Person's POV
"Kamusta yung panganganak ni Kyungsoo sa kambal nya?" tanong ni Baekhyun kay Luhan.
Isang oras palang ang lumipas simula noong nanganak si Kyungsoo. Si Luhan ang doctor nito kaya sya ngayon ang tinatanong ni Baekhyun. Ngumiti naman sakanya si Luhan tapos niyakap nya ito ng mahigpit.
"Ang galing ko, Baekhyun! It was a success!" sabi nito habang nakayakap ng mahigpit sa kaibigan nya. Niyakap sya pabalik ni Baekhyun tapos napangiti sya sa pagyayakapan nila. "Yes, Luhan, ikaw ang pinakamagaling na doktor" bulong nito.
Maghihiwalay na sana ang dalawa sa pagyayakapan nang may biglang nagsalita sa likuran ni Baekhyun.
"Eh pano na ko, ha? Ako kaya yung nagpa-anak sa'yo simula noong kay Jesper! Tapos ako parin yung sunod, diba? Di ba ko magaling? Huhu"
Huminga ng malalim si Baekhyun tapos nakapoker-face syang humarap kay Kim Jongdae, ang pinakacamel na doktor.
"Dapat sa mga camel ka nalang naging doktor! Alam mo —" naputol ang mga sasabihin nya nang may taong kumalabit sa tagiliran nya.
Agad syang humarap sa taong ito. Sa una, hindi nya ito nakilala pero habang tinititigan nya ito may bigla syang naalala.
"Kilala ba kita?" bigla nyang tinanong. Umiling naman ang taong nasa harap nya. "Pero parang nakita na kita eh.." sabi nya sabay lagay ng kamay sa ilalim ng baba nya na para bang inaalala ang nakaraan.
"Bibigay ko nalang po sainyo ang pangalan ko. Minseok po" sagot naman nito.
Minseok.. Hmm.. Aha! Sya yung waiter doon sa restaurant kung san kami nagusap ni Sehun. Naalala ko na.
"Naalala na kita! Ikaw yung waiter doon sa restaurant, diba?" tanong nya. Tumango naman ito tapos ngumiti. "Oh, bakit mo pala ako kinalabit?"
"Hinahanap ko kasi si doktor Jongdae. Kailangan ko sya kasi sumakit yung tyan nung isang babae sa restaurant kanina tapos sabi nya daw manganganak na sya. Nakita mo ba sya?" tanong nito.
Magsasalita na sana si Baekhyun kaso humarang na harap nya ang camel na pinapagusapan nila.
"Ako nga. Tara, samahan na kita. Paalam, Luhan tsaka Baekhyun" sabi nito at naglakad palayo.
"Hmm.. bagay sila?" sambit ni Luhan.
"Doc, gising na po si Kyungsoo." sabi ng isang nurse na kakalabas palang sa loob ng kwarto kung san nandoon si Kyungsoo.
Ngumiti ang dalawa sa isat-isa at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto. Nandoon si Jongin habang karga-karga ang isa sa mga anak ni Kyungsoo.
"Oh, nakaisip na ba kayo ng ipapangalan nyo sa kambal nyo?" tanong ni Luhan.
Tumango naman si Jongin bilang sagot. Napalundag si Luhan sa tuwa at sabik.
"Ano? Ano?" tanong nito habang pumapalakpak.
"Etong karga-karga ko ay si Asher tapos 'yong nasa tabi naman ni Kyungsoo si Kaizer" sagot nito.
"Aww~~ ang cute cute nila~~" sabi ni Baekhyun habang nakatingin sa batang katabi ni Kyungsoo.
"Baek, pwede ako pasuggest ng pangalan sa anak mo?" tanong ni Kyungsoo.
"Sige. Wala pa naman akong naiisip eh."
May binulong si Kyungsoo kay Baekhyun na pangalan at nagustuhan nya naman ito.
"Okay ba?"
"Oo, thank you!"
***
"Sige, mauna na kami ni Jiyong, ha.. May pupuntahan kasi kami. Baekhyun, suggestion ko lang 'yon ha.. pero sana gamitin mo, mwuehehe" pagpapaalam ni Sandara.
"Sige mag-iingat kayo, ha.. Salamat pala sa pagbibisita ninyo." sagot ni Baekhyun.
Lumabas ang magkasintahan sa gate tapos sinara naman ito ni Baekhyun. Napangiti sya sa sarili nya habang iniisip ang pangalang ipapangalan nya sa anak nyang babae.
"Eomma, Jesper is hungry~ ugghhh~ mghhhh~~~"
Natawa naman si Baekhyun sa narinig nya. Sanay na talaga ang anak nya sa ungol na 'yon.
Pumasok silang dalawa sa loob ng kusina tapos hinandaan nya ng pagkain ang anak nya. Sinubuan nya ito hanggang sa matapos ito.
"Thank you, eomma! Ooh! Appa!" sigaw ni Jesper tapos tumakbo naman palapit sa tatay nya.
Binuksan ni Chanyeol ang mga braso nya at niyakap nya agad ang anak nya. Binuhat nya ito papunta sa pwesto ni Baekhyun.
"Good afternoon, mrs. Park" biro nito. Napatawa nalang ng mahinhin si Baekhyun sa narinig nya. Ang sarap sa pandinig.
"Kamusta ang baby girl ko?" sabi ni Chanyeol tapos hinawakan ang bilog na tiyan ni Baekhyun. Malaki na ito at ilang buwan nalang ay manganganak na sya.
Hinalikan ni Chanyeol ang tiyan ni Baekhyun. "Psst. Nakaisip na ba si mommy ng ipapangalan sa'yo?" tanong nya.
Biglang may maliit na paang bumakat sa tiyan ni Baekhyun. Ibig sabihin nun sumipa ang bata.
"Talaga? Anong pinangalan nya sa'yo? Jhasna ba? Lyka? Jennifer? Chelsea? Mharvie? Nicole? Elaine? Ah! Ariane?" Tanong nito.
Umiling si Baekhyun habang nakangiti.
"Alam ko na! Baka Baekkie o kaya Baekhee.. Uhmm.. Hyunice?"
"Chanyeol, ano ka ba! Syempre ipapangalan ko rin to sa'yo 'no!" sambit ni Baekhyun.
Napapout naman si Chanyeol at napaisip ulit.
"Hmm.. Hindi ko alam, eh. Ano nga ba? Sabihin mo sa'kin, pleasee?"
"Kiara Yeohyun"
Pagkasabi nun ni Baekhyun, biglang sumipa ulit yung bata at nakita nilang dalawa ang marka ng paa sa tiyan ni Baekhyun. Napangiti sila sa isat-isa.
"Yeohyun~ Kiara~ Kiara Yeohyun~" tawag ni Jesper.
**
9 o'clock na ng gabi at hindi parin natutulog si Baekhyun at si Chanyeol. Nakaupo silang dalawa sa terrace habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.
"Baekhyun, matulog ka na ng maaga para sa bata" sabi ni Chanyeol.
"Sandali lang,Daddy. May mga sasabihin pa 'ko sa'yo. Okay lang ba kung puro pangako 'yon?" Tanong nya.
"Oo naman," lumapit sya dito "Pero kung pangako yan.. Dapat tinutupad ha.. Sige simulan mo na"
"Chanyeol, napakaraming trahedyang nangyari sa buhay natin simula noong nagkasama tayo. Naalala ko pa noong una. Noong iba pa ang mahal mo. Cold ka sa'kin noon tsaka palagi mo kong pinapagalitan. Pangako ko sa'yo hindi ako magiging ganoon kahit kailan. Ipangako mo rin sakin" sabi nya. Tumango naman si Chanyeol.
"Maraming nangyaring hindi maganda sa anak natin. Ang una hindi ko na ipapaalala sa'yo at ang pangalawa naman ay ang sakit nya. Pangako ko sa'yo na aalagaan ko sya at hindi ko sya papabayaan. Pati na rin si Yeohyun. Maipapangako mo ba 'yon saakin?" muli nyang tinanong. Tumango ulit si Chanyeol.
"At ang huli—" naputol ang sasabihin nya nang magsalita si Chanyeol.
"Dumating si Nana sa buhay natin tapos grabe ang pagseselos mo pero tiniis ko iyon. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para mawala sya pero nagaway parin tayo noon. Baekhyun, ipapangako ko sa'yo na hindi na mangyayari 'yon ulit. Hindi na. Maipapangako mo ba sa'kin na hindi ka kaagad magseselos at kung kahit na ano man ang mangyari ay mamahalin mo parin ako?"
"Oo, Chanyeol. Pangako"
"Iyan ang dahilan kung bakit kita minahal. Dahil alam kong maipapangako mo sa'kin ang mga ipapangako ko sa'yo," nilapit nya pa ang mukha nya.
"Minahal kita ng sobra, mrs. Park Baekhyun. Maipapangako mo ba—"
Bago nya pa man ituloy ang sasabihin nya, naidikit na ni Baekhyun ang labi nya sa labi ni Chanyeol.
"Pangako"
__
PANGAKO SAYOO~~ IPAGLALABAN KO~~ SA HIRAP AT GINHAWA ANG ATING PAGIBIG~~
Jusko. Sorry huehue.
Napili ko yung Yeohyun kasi unique sya :) kumbaga hindi ko pa sya nabasa sa ibang fanfictions tsaka katunog sya ng Hyoyeon xD. Salamat sa nag-suggest nun! Tsaka Kiara din na galing kay kpop_riri! Nagustuhan ko sya :)
Sa mga nag-suggest dyan na hindi ko nakuha, okay lang yan! May next time pa :) labyu~
Hihi bye~~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro