Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

007 | WCWB VI

-----------------------------------------------------------
kzm/17 : CHAPTER SIX - REVISED
-----------------------------------------------------------

<THE SONG>

Zane.

Lunes na at kasalukuyan kaming nakaupo sa aming mga upuan sa loob ng classroom.
Hays ang bilis lumipad ng oras, lalo kapag weekend. Isang pikit mo lang, may pasok na ulit.

Kasalukuyan naming hinihintay ang teacher namin sa Filipino. Gagawa na kami ng kanta ngayon at iyon na nga, partner ko si Rylleox. Sa dinami-dami ng puwede kong makapartner, siya pa talaga. 'Yung pinaka-suplado pa tumingin at pinakawala pa akong idea kung sino. Pero at least, palangiti naman siya sa akin. Looking on the bright side, maraming naghahangad na maka-partner siya since composer siya and I'm lucky na ako ang naging partner niya.

"Good Afternoon, 12-Trust! " Nagulat ako sa napakalakas na bati ng aming guro. Masiyado akong pre-occupied, kaya 'di ko na siya namalayang pumasok dito. Nagsitauyan na rin ang mga iba at bumalik sa kani-kanilang mga upuan.

"Good Afternoon, Maam!" Bati namin ng sabay-sabay. Umayos rin kami ng pagtayo at natahimik. Mukhang bad mood siya ngayon e'. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Rylleox. Nakatingin lang ito sa bandang katabi niya. Ibinalik ko na rin kaagad ang tingin ko kay ma'am.

"Sige, kayo ay maupo na, " saad niya kaya sabay-sabay kaming umupo.

Tahimik ang lahat at inaantay ang sasabihin ni Ma'am, nang biglang may nagsitawanan sa likod. Sino kaya iyong mga 'yun? Ang tatapang naman nila. Bad mood pa man din si ma'am.

"May problema ba Mr. Hernandez and company?"Napatigil sila Rylle at nagsitinginan kami sa kinaroroonan nila. Naku, patay talaga sila. 'Di ko naman mapigilan mag-alala. Ka-partner ko si Rylle e'. Pag iyon pinagalitan at pinalabas, sino nalang kasama kong gagawa ? Naku, patay talaga sa akin 'yun. Pag 'yun napagalitan talaga.

Madaldal at maingay naman ako. But not to the point na nasita na ako ng teacher.

"Wala po. Sorry po ma'am. " Sagot ng kaklase namin sa mahinang boses. Sino ba naman kasi ang 'di matatakot diba? Para kang mai-asmr ng teacher namin na wala sa oras.

"Class, eyes in front. " Agad kaming humarap sa harapan. Napansin niya ata na nakatingin pa rin kami sa gawi nila Rylle.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Ano ba 'yan? 'Di ako sanay sa ganito. Madalas kasi parang kagubatan itong classroom namin. Minsan, nagiging salon din, Basketball court at kung ano-ano pa.

"Sa araw na ito, sisimulan niyo na ang inyong proyekto na may kaugnayan sa pag-ibig o pagmamahal." Pamumutol ni ma'am sa katahimikan.

Hays. Bakit ba kasi kailangang pag-ibig o pagmamahal 'yung topic? Andami pa namang puwedeng iba. Puwede namang about sa Nutrition Month, Buwan ng Wika, Indepence Day, pero bakit 'yan pa?

"Gagawa kayo ng kanta about sa pag-ibig. By pair ito at sigurado akong alam niyo na ang mga ka-partner niyo. Sinend ko na kay Feitanny at sinabi kong i-relay sa inyo. " Pagpapatuloy niya. Tumango naman si Tanny sa kaniya. Nabalot na naman ng ingay ang silid. Ang iba, todo celebrate kasi kaibigan o crush 'yong naging kapartner. 'Yong iba naman, puro reklamo. Bahala sila. Basta ako, ayos na ako sa partner ko.

"Now, go. I- meet niyo na 'yung mga partners niyo and start making your song. To be performed next month, " saad niya at dinivide niya na ang room namin, para sa kaniya-kaniya naming working location. Thank God! Sa likod kami banda. Hindi kami masiyadong mapagtutuunan ng pansin ni ma'am.

Tahimik lang akong nakaupo at naghihintay. Nahihiya kasi ako kay Rylle e', kahit na ilang beses na rin kami nagkaroon ng interaction. Hindi naman kasi kami close. Tapos knowing na may awkward scenario pa kami noong nakaraan at sa Orientation Day. Hindi lang 'yun. Napagkamalan ko pa na--

Hindi ko naituloy ang pagsi-self talk ko nang may tumapik sa desk ko.

"Hey, lutang lang?" Si Rylleox! Sa pagmumuni ko, 'di ko na namalayan na nandiyan na pala siya. Ngayon ko lang din talagang napagtanto na sobrang cute niya kapag ngumingiti. Much better kaysa sa suplado niyang aura.

Ito 'yung tipong mukhang maganda maging kaibigan . Type ko siya na maging kaibigan. Mukha siyang simple at magkakasundo kami in terms of music, kaya sana ay maganda ang pagsasama namin dito.

"Uy, hindi ah. Nag-iisip lang kung ano iyong puwedeng love story para sa kanta. " Palusot ko nalang. Nakakahiya kaya 'pag sinabi kong lutang talaga ako.

"Oh well, what's your name again?" He asked and looked at me direct to the eyes.

Napatigil ako. Ang lakas magdala noong mga mata at ngiti niya!

AHHHHH! Erase... erase, Zane. Patago kong tinampal ang isa kong kamay para lamang makabalik sa aking sarili.

"Zane. You?" Tanong ko pabalik. Well, alam ko naman talaga e'. Tinanong ko nalang din para hindi maging awkward 'yung scenario namin doon.

"Oh, it's impossible that you don't know. You're my stalker, right?" Napatigil ako sa narinig. Hindi lang 'yun. Parang umakyat lahat ng dugo ng katawan ko sa ulo ko.

Ha?! Nagulantang ako sa sinabi niya. Anong stalker siya diyan?! Kailanman di ako nang-stalk nuh? Well, kung mayro'n man, slight lang.

"Huh? Anong stalker sinasabi mo diyan?" Tanong ko. 'Di 'yung painosenteng tanong ah. Inosente talaga ako. Di ko alam kung anong sinasabi nitong transferee slash suplado slash cute na 'to.

"You know, sa Canteen. You and your friend keep looking at me. And you're talking about me, if I'm not mistaken. My ate even told me." Ngayon, namumula nako sa hiya. Una, dahil ang obvious ko pala noon. At panghuli, napagkamalan ko pang gf niya iyong ate niya. Aish!

"Hindi ah. C-Concerned l-lang a-ako. Concerned lang kami. Mag-isa ka kasi noon e. " Halos mautal-utal kong sambit. Inamin ko nalang, kaysa naman isipin niya pa 'yung stalker stalker na sinasabi niya. Tiyaka hindi ko naman talaga intensiyon na pagtuunan siya ng pansin. Nagkataon lang talaga na mag-isa siya at namataan ko ito.

"Oh, I see. Thanks for the concern then." Nginitian niya ako at kumuha na siya ng papel . Senyales 'yun na magsisimula na kami.

Napakafeeling niya ha? Pero buti nalang at hindi niya nabanggit 'yung nangyari sa Orientation Day. Mukhang nalimutan niya na rin naman.

"Uhm, so anong klase ng love iyong magiging topic natin?" Tanong ko sa kaniya na seryosong nag-iisip. May alam naman akong stories and mga topics about love, kaso siyempre gusto ko ring malaman iyong opinyon niya.

"Hmm...Paano kung ganito nalang? " Tanong niya at idiniscuss 'yung ideas na sinulat niya sa papel.

"Rylleox, may request lang ako." Pagtawag ko sa atensiyon niya.

"Ano 'yun?" Lumingon ito sa akin.

"Puwede bang happy 'yung ending no'ng kanta?" Nagbabakasakali kong tanong. I badly want na magkaroon ng good ending manlang 'yong mga characters or love story na gagawin naming basehan for the lyrics of the song.

"Yeah, sure. I just want to ask, why do you want to put a happy ending?"

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya.

"Gusto kong bigyan ng happy ending 'yung mga tao sa kanta. Happy ending na hindi ko naranasan." I smiled lightly and looked down. Onti-onti ko na namang naaalala lahat ng bad experiences ko sa love. I know loving can hurt at some point, people I love will hurt me sometimes, but I know in myself that I don't really deserve those treatments.

"What do you mean?" Puno ng pag-aalala at kiyuryosidad niyang tanong. He suddenly held my hand that is resting in the table. Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak. Hinigpitan ko ang paghawak dito.

"Someone broke my heart and it hurts so bad. I don't want other people to experience that kind of pain." I smiled bitterly at him.

"I'm sorry to hear that." He caressed my back at gumaan 'yung pakiramdam ko kahit papaano.

"Don't worry. We will give the characters a happy ending. Okay? " He smiled at me. I just nodded as an answer.

Muli kaming nagsulat ng mga panibagong ideas. 'Yung ibang ideas kanina ay medyo rinevise lang namin. Masaya naman kami sa mga output namin.

Magaganda lahat kaso may isang istorya na nakakuha ng atensiyon ko, kaya ito ang napili ko. Sang-ayon naman siya dito.

Sinimulan na namin ang paggawa ng kanta. Siya ang gagawa ng tono at intro. Ako naman sa lyrics ng iba't ibang stanza. Sinimulan namin sa paggawa ng lyrics. Inuna namin 'yung ibat ibang stanza, chorus at 'yung mga asa katawan na liriko. Hinuli na namin 'yung title, dahil ito ang pinakamahirap sa lahat.

"Rylle, paano 'yung ending natin?" Tanong ko nang patapos na kami sa mga ibang parte ng kanta.

"Ending? Di ba love 'yung topic?" Kumunot 'yung noo ko sa tanong niya. Litong tumango nalang ako.

"Oh , e 'di wala. Love has no ending di ba? Bakit tayo gagawa ng ending?" Psh! Sa jingle kasi! Utak please!

"I mean outro sa kanta. Hehe. " Alam kong ang sarcastic noong tawa ko pero bahala siya diyan. Sinabihan ako ng lutang e mukhang sabog din naman 'yung pag-iisip niya minsan.

Inangat niya ang tingin niya sa akin.

"Ah, ganoon ba? Hmm... Teka mag-iisip lang ako." Sagot niya at bumaling muli sa papel na sinusulatan niya.

Tumango ako at nagpaalam na magbabanyo muna.

Lumabas na ako papuntang CR. Hayyy! Ang sarap ng sariwang hangin! Bihira nalang ako makaranas ng ganito. Aircon sa room, aircon sa bahay, 'di na ako naarawan.

Patuloy lang ako sa paglalakad, nang biglang may pumulupot na kamay sa aking baywang.

Ay tang-- Sino ba 'to?!

Akmang lilingunin ko siya , nang bigla itong may ibinulong sa akin.

"Hey, Zane." Nagsitindigan lahat ng balahibo ko sa katawan.Nang makahanap ng puwersa, pagalit na inalis ko ang kaniyang kamay at tinulak siya palayo.

"Ano na naman bang trip mo ha?! " Sigaw ko. Wala na akong pakialam kung may makakita sa aming dalawa. He's so annoying. Pinabayaan niya ako, and now he's like my shadow. Lagi akong sinusundan. 

"'Yung skirt mo, may red spot," saad niya sa mahinahong tono.

Sus, kung makahawak sa baywang, may red spot lang pala e'.

Teka...Teka... Ano?! Red Spot?! As in red spot?! Oh sht! Hindi manlang sumagi sa isip ko na malapit na ang period ko.

Dali-dali kong tinakpan ang aking mukha at kumaripas ng takbo papuntang girl's CR. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin, kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.

One word... Nakakahiya!

Nagtago lang ako sa isang cubicle at pilit na kinakalimutan ang nangyari. Sa dinami-dami ng puwedeng makakita, siya pa talaga! Tinantiya ko muna kung sumunod pa siya, pero hindi na ata.

Mga 30 minutes na akong nandito. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Nag-iisip ako nang may biglang kumatok sa pinto. Patay! Anong gagawin ko?!

"Zane!" Sht ! Bakit kilala ako? Don't tell me si Zaire 'to.

"Hoy Zaire! Bawal ka dito sa CR ng mga babae!" Ang lakas din talaga ng loob niya huh? Pumasok pa talaga dito .

"Gaga! Si Rheanne 'to!" Para naman akong nabunutan ng tinik, nang marinig ko 'yun.

"Pano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko.

"Si ma'am Filipino nasa room namin. Wala ka daw noong closing prayer. E' alam kong sa canteen o dito lang naman ang bagsak mo. Tiyaka kasama ko si Rylle. Sinundan ka raw paglabas mo kanina." Parang nawala lahat ng inhibasyon ko sa katawan. Ang sarap sa pakiramdam magkaroon ng tunay na mga kaibigan at thankful na rin ako kay transferee.

"Oh, ito napkin . I-catch mo!" Sigaw niya. Lumapit ako sa may pinto para maabot ko yung inaabot niyang napkin sa taas ng pinto. Nakahinga ako ng maluwag at may dala siya ngayon.

"Teka...teka... Mai-aabot mo ba?" Pang-aasar ko sabay tawa ng malakas. Agad ko naman naramdaman ang flashflood down there, kaya itinigil ko rin kaagad ang pagtawa.

"Hindi siyempre. Kaya nga catch 'di ba? 'Di ko sinabing abutin mo." Sagot niya. Halatang napipikon na siya sa tono ng pananalita niya. Kawawa naman kasi siya. Lagi nalang naaasar. Maliit din naman ako e. Pati si Tanny at Lia. Kaso si Rheanne lang kasi yung pinaka-minion sa amin.

"Okay!" Sinubukan niyang ibato ito, pero hindi ito nakaabot sa taas ng pinto. Pinigilan kong humagalakpak sa tawa. Si Rheanne naman, rinig na rinig ang frustration.

"Ako na mag-aabot, Rheanne." I heard Rylle said. Siya nga ang nag-abot nito.

"Thank you, Rylle." I thanked him. Natutuwa ako at mukhang natutupad ang kahilingan ko. Maganda ang samahan namin as partners sa project.

Matapos kong makuha, nagpaalam na rin sila na babalik sa kani-kanilang mga klase. Gagawa rin kasi sila Rheanne ng kanta nila. Si Rylle naman, sinabi sa akin na siya na raw bahala in case may mamiss ako sa discussion.

Agad naman akong nag-ayos at bumalik na sa aming classroom. Dinahan-dahan ko ang paglalakad, upang hindi masiyadong mahalata 'yung nasa skirt ko.

Binati ko ang aming guro sa Science at tuluyan nang umupo sa aking kinauupuan. Sakto namang dark ang aming skirt, kaya todo iwas nalang ulit ako na mahalata iyong spot.

Discussion lang ang nangyari sa buong oras. Last subject na 'yun, kaya tiniis ko nalang 'yung iritang nararamdaman ko. Ginawa ko rin lahat ng kaya kong gawin, para hindi mahalata na may nangyaring di inaasahan sa akin.

Pinaglinis lang kami ng kaunti at tuluyan nang pinauwi. Sabay-sabay kaming naglalakad ng buong tropa sa hallway. Sabay-sabay kami araw araw, pero naghihiwalay na kami ng landas sa bandang gate.

"Oh, mag-ingat kayo sa pag-uwi ha?"

"Mag-text kayo kapag nakauwi na kayo."

Nagpaalam na kami sa isa't isa at binulungan ko si Rheanne.

"Sis, salamat kanina. I owe you one."

"Ano ka ba naman? Siyempre tayo-tayo rin naman magtutulungan." Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niya.

"Guys, dito na ako. Bye!" Pagpapaalam ko at tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan namin.

"Zane!" Narinig ko ang pagsigaw ng isang lalaki. Nilingon ko naman ang buong paligid para tignan kung sino ito.

Hmm...Sino kaya 'yun? May tumawag ba talaga sa akin? O guni-guni ko lang?

"Zane, si Rylle 'to." Isang kalabit ang aking naramdaman mula sa aking likod. Napalingon ako rito.

"Oh, Rylle. May problema ba?" Tanong ko sa mahinahong tanong. Nahihiya na ako sa kaniya. Hindi ko manlang siya natulungang tapusin 'yung output namin kanina tapos naabala ko pa siya.

"Ahh...ehh... wala naman. 'Yung sa ano lang, paa--" Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin, nang biglang tumunog ang aking cellphone.

Ate Yani calling...

"Excuse me, sagutin ko lang. " Pagpapaalam ko. Tumango naman siya bilang kasagutan.

"Hello? Ate Yani? Bakit po?" Pumunta ako sa gilid para sagutin ang tawag.

Marami siyang nasabing kung ano-ano lang. Pero may isang bagay na nagpatigil ng mundo ko.

Hindi puwede 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro