Chapter 12
Chapter 12
Sirin
I visit Kursk a few times these days. Minsan naabutan ko roon ang iba habang binibisita siya. Masaya silang naghaharutan na parang mga bata. At times, there's this competitive aura around them. Minsan parang may nararamdaman pa akong killing intent mula sa kanila dahil nagkapikunan na nga.
Nevertheless, they were always fun to be with. They're the brothers I never once had and I appreciate their presence in my life. 5 years ko na ring kilala ang karamihan sa kanila. Habang tumatagal, mas lalong dumarami ang members ng Gilingan Authority, their group name. That's what Verdandi told me. Ang gc name kasi namin ay pabago-bago. Latest name naman nito ay #BawalMIA. Natawa na lang ako habang iniisip 'yon. Obviously, it's for Kursk.
I've heard about him before, when the men talks about their experiences every now and then. They talked about this friend from Russia that rarely goes to the Philippines and rarely stays long in the country. Ang sabi nila, may trabaho kasi raw ito sa Russia na hindi nito maiwan-iwan. I knew him by the name Blast then. Kung bakit Blast, they told me he used to smoke with the Ice Blast cigarette. Oblast din naman ang second name niya.
"Blast," I mumbled and smiled. "Figures," natatawa kong sabi. Tumingin ako sa TV pero na-distract agad. Parang may narinig kasi akong pintong sumarado. Kinilabutan ako sa narinig at unti-unting tumayo mula sa kama. "W-Who's there?" natatakot kong tanong habang dahan-dahang pumunta sa pintuan.
Oh shit. Huwag naman sanang multo. Please. Kahit ano huwag lang multo. Huhuhu.
When I reached the doorway, I slowly peeked outside and sighed in relief. Whooh. Walang multo.
Inuhaw tuloy ako dahil sa kaba.
Naglakad ako sa pasilyo at masayang tumalon-talon papunta sa staircase. Gulat akong napatili nang may itim na pigura na biglang sumulpot sa taas ng staircase. Hindi ko ito masyadong nakita dahil naka-dim na ang lights ng bahay.
"S-Sino ka? H-How did you get inside?" I stuttered in fear. Possible kidnap scenarios began flashing in my head.
Oh please no. Please not again!
I heard the figure snort.
"Binigyan ako ni Rhaego ng susi, malamang," matabang nitong sabi. Pagkarinig na pagkarinig ko sa boses, nawala lahat ng kaba ko. "Buksan mo nga 'yong lights. Wala masyado akong maaninag sa weirdong bahay na 'to."
"S-Sorry," I said and shouted. "Blast!" pagkasabi noon ay nagliwanag ang buong bahay at nakita ko na ang nakabusangot na mukha ni Kursk. May dala-dala siyang navy blue na pack bag sa isang kamay. Yung isang kamay naman niyang nakabenda ay nakahawak sa hawakan ng staircase.
I stood there awed by his presence. He was only wearing a white loose shirt and faded blue jeans matched with his gorgeous bare feet. Napatitig ako saglit sa malinis niyang paa. Napakagat-labi ako.
Damn. Everything about him is sexy.
Though, ang pinakagusto ko na parte ng appearance niya ngayon ay ang kanyang magulong buhok. I just want to run my fingers on his hair, roughly tugging it while he screws—
"What the heck are you wearing?" sabi nito at pinasadahan ako ng tingin. He took a step towards me and raised a brow. "Inaakit mo ba ako?"
Napaatras naman ako at napatingin sa suot ko. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko bago nagmamadaling inayos ang tumalilis na suot kong bathrobe. Nauna pa yatang mag-hi sa kanya ang cleavage ko.
I composed myself and smiled.
"My apologies, Mr. Romanov. Hindi ako nasabihan ni Kuya na ngayon ka pala makakalabas ng ospital," sabi ko at napahinga nang maluwag nang inalis ni Kursk ang tingin sa akin at nilibot ang mga mata sa paligid. "You can choose your room. I have three spare rooms here."
"Three?" balik niya ng tingin sa akin. "Alin ang pinakamalayo sa room mo?"
Pinigilan kong hindi mapasimangot. Walanghiya talaga ang isang 'to. Talagang ayaw na ayaw niya akong malapitan.
"There," iminuwestra ko ang direksyon na nasa kaliwa niya. "Iyang pinakadulong room diyan."
"Okay," sabi niya at naglakad na papunta sa direksyong tinuro ko. I licked my lips as I watched him go. Oh shit. Ang tambok ng pwet. Ang sarap hawakan.
I slapped myself.
"Pigil-pigil, Sirin. Huwag bibigay sa hot na damuhong 'yan. Pahirapan mo muna." I rolled my eyes. Kailangan ko pa talagang kumbinsihin ang sarili ko?
Bahagya akong natigilan. Simula noong lagi kong nakikita si Kursk, minsan na lang ako kung sumpungin ng pagsakit ng dibdib ko. Nagkibit-balikat na lang ako. Baka masyado lang talaga akong nadidistract sa hotness niya ka ganun.
Bumaba na ako sa hagdan at tumungo sa kusina. Agad kong ini-open ang ref para kumuha ng isang botelya ng mineral water. I opened the lid and drank.
Napaungol ako dahil sa sarap ng lamig ng tubig.
"So it's true. Walang kahit na anong pinto rito maliban sa front at back door." I glanced at Kursk who's leaning on the kitchen's doorway. Iniwas ko na lang ang tingin ko bago itinapon ang bote sa basurahan. Err. Bakit ba kasi ang hot ni Kursk kahit anong gawin niya? It's so unfair. "By the way, nice house," sabi niya at umalis.
"Thanks!" sigaw ko para marinig niya naman. Sinundan ko siya at nakitang naupo ito sa long couch sa living room. He got the remote on the table and turned the television on. Puro ungol ang lumabas mula sa TV at muntik na akong matawa nang mabilis niya itong pinatay. Parang na-e-eskandalo ito nang tumingin ito sa akin. "What's wrong?" sabi ko at ngumisi. "That's natural. I'm a healthy human being."
Pagkatapos noon ay bumira na ako ng alis. I mean, puh-lease lang. Baka lundagan ko siya roon at pagsamantalahan. I laughed at the thought.
Pagkabalik sa kwarto, dinampot ko ang phone ko at tinawagan si Kuya. Walanghiyang 'yon. Sinadya yatang gabi na papuntahin dito si Kursk. Hindi pa ako ininform! Mumurahin ko talaga 'tong Kuya kong may sira sa tuktok.
...
Nagising ako sa malutong na mga mura mula sa labas. Kinusot ko ang mga mata ko at humihikab na pumunta sa bathroom at naghilamos. Nagmumog din ako bago sinipat ang sarili ko sa salamin.
Nakasuot pa rin ako ng bathrobe na inayos ko nang maigi dahil baka sawayin na naman ako ng walanghiyang hot guy na 'yon. Natawa ako sa sarili at lumabas na lang para malaman kung bakit ke-aga-aga nagmumura na si Kursk.
Dumiretso ako sa baba nang may marinig ulit akong mga mura. Hindi na ako nagulat nang malamang nasa kusina si Kursk. Kitang-kita ko kung paano kumunot ang kanyang noo habang sinisipat ang mga kitchen cabinet.
"Good morning," sabi ko at wala sa sariling napahikab. "Why are you frowning so early in the morning?" I walked past him and my body accidentally brushed past his arm. Hindi ko na lang iyon pinansin at kumuha ng mineral water sa ref. Tumingin ako sa kanya at parang gulat na gulat ito. "Bakit?"
Tumikhim si Kursk at naupo sa high stool sa harap ng kitchen counter bago nagpalumbaba. Ugh. He looks so cute while scratching his head in irritation.
"Puro canned goods ba ang kinakain mo?" He sounded so pissed. "At bakit ang daming cup noodles diyan at may mga pack pa ng Pancit Canton? Ang daming junk foods sa cabinets! Your refrigerator is also filled with bottles of water, soda, beer and juice," he sermoned. "Sabihin mo nga sa akin. Gusto mo bang patayin ang sarili mo sa instant foods? Baka instant kamatayan ang gusto mo?"
I chuckled lightly and drank some water. I moaned in satisfaction then closed the lid.
"I'm a busy person, Mr. Romanov," sabi ko na lang at pinindot ang isang metal na buton sa gilid ng refrigerator.
Ting!
Tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kusina na dati'y pader. Unti-unti itong gumalaw pakanan at bumulaga sa amin ang isang metal na pinto.
"I thought the front door and the back door are the only doors here," sabi nito kaya tumingin ako at nakita itong nakatitig sa akin nang masama.
"A woman can lie, can't she?" I beamed at him and walked towards the metal door.
"Please clearly say the password," anang isang robotic voice mula sa pinto.
"Ice Blast," I said and the door produced another ting. It slowly slid open and a large freezer greeted us with a chill. Tumingin ako kay Kursk at nakita ang pagkamangha sa kanyang luntiang mga mata. I really love those eyes. Fresh. Clear. Green. Pretty. "Come on," pag-aaya ko sa kanyang pumasok sa malaking freezer.
Narinig ko ang pagsunod niya kaya napangiti ako.
Nakahilera ang napakaraming glass compartment sa loob na may iba't ibang mga label.
Ice cream. Chocolate. Sausage. Smoked pork. Beef. Venison. Boneless fish. Crab meat. Shrimp. Shanghai Roll.
There are also labels on the aisles para malaman kung saang bahagi naroroon ang karne, mga pastry ingredients, at iba pang pagkain.
"Are you storing for winter or something?" tanong ni Kursk habang nakatitig sa paligid. He opened a glass compartment and got a pack of chicken wings. He looked at me. "Will this be okay for breakfast?" he asked while waving the plastic pack.
"Yeah." Hindi ko mapigilang mapangiti. "You?"
Nakita kong umangat nang kaunti ang dulo ng kanyang mga labi.
"Same," he muttered. Nauna na akong maglakad paalis nang marinig ang tanong niya. "You designed the house?"
I hummed and smiled.
"But not just me. Kuya Rhae-Rhae and Shamus helped me with it." I waited for him to enter the kitchen once again before I gave the command to close the freezer. "Blast Ice," I said and the door slowly slid back to its place. Ang pader ay bumalik din sa dati nitong pwesto.
"It's cool," komento niya at tumungo sa kitchen counter. "Gusto mo ng adobong chicken wings? O Prito?"
That made me stare at him. I remembered our encounter months ago inside his hotel room. I shook my head.
"Adobo, please," sabi ko at bahagyang natigilan nang ngumiti ito at nagpatuloy sa paghahanda sa mga ingredients na kakailanganin.
His smile always makes me immobile. Buti na lang ang rare nito dahil baka bawat segundo akong tulala. Oh well.
Umupo ako sa isang stool at pinanood siya. Mabilis ang paghiwa niya ng bawang at sibuyas. Swabe ang galaw niya at parang kabisadong-kabisado niya na talaga ang kusina.
I bit my lip as I stared at his strong legs that are wrapped by his tight jogging pants. Pinigilan kong huwag mapatili nang maulinigan ang umbok sa kanyang harapan. Napayuko na lang ako nang maramdaman ang pamamasa sa aking pagkababae.
I'm so shameless. Ako na nga ang pinagluto, pinagnasaan ko pa. Bad! Muntik ko nang sampalin ang sarili ko pero baka maweirduhan si Kursk kaya nanatili na lang akong nakayuko.
Damn. It's so hard to be around this sexy beast.
"Doon ka muna sa sala. Matagal pa 'to," sabi niya kaya napatingin ako ulit sa kanyang direksyon. He put the pan on the electric stove and I saw him put soy sauce and pepper. Shit. Ang bango. Naglalaway na tuloy ako.
"Hmm. Maliligo muna ako," sabi ko na lang. Nakakahiya namang maglaway sa harapan ni Kursk. Papalabas na ako ng kusina nang magsalita siya.
"Akala ko naligo ka na," he said so I looked at him weirdly. "You smell ni—I mean, sige, maligo ka na. Bilisan mo."
My brows furrowed.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro